paunang lunas
DESCRIPTION
First aidTRANSCRIPT
PAUNANG LUNAS
ANO ITO? Ito ay ginagamit sa mga biglaang pangyayari na nangangailangan ng medical na atensyon. Ito ay ibinibbigay bago dumating ang propesyonal na serbisyong medikal. Pero hindi nito mapapalitan ang serbisyo ng ospital.
PAGDURUGO (BLEEDING) PAUNANG LUNAS PARA SA MALALANG PAGDUDUGO 1. Lagyan ng pressure ang sugat. 2. Itaas ang sugat ng mas mataas sa level ng puso. 3. Tulungan makahiga ang sugatan. 3. Tulungan makahiga ang sugatan. 4. I-secure ang dressing ng sugat. 5. Tawagan ang 117 para sa ambulansya
PAGDURUGO NG ILONG 1. Umupo ng nakatungo ang ulo.2. Huminga gamit ang bibig at pisilin ang malambot na parte ng ilong sa loob ng 10 mins.3. pagkatapos ng 10 minuto, alisin ang kamay 4. pagtumigil na ang pagdurugo, linisin na ang ilong ng maligamgam na tubig. Tumawag sa doktor.
NABALING BUTO (FRACTURE) SIMPTOMAS AT SINYALES:1. Pagdurugo (open fracture)2. Pananakit 3. Pamamaga 4. Pagpapasa 5. Pagkaka-iba ng porma
PAUNANG LUNAS PARA SA FRACTURE 1. Pahinain ang pagdurugo 2. iwasan ang pagiging magalaw 3. paglalagay ng balot para proteksyon sa bali (splint)
PAG-ATAKE NG HIKA (ASTHMA ATTACK) SINTOMAS AT SINYALES Hirap huminga Matunog na paghinga Paninikip ng dibdib Pag-uubo
PAUNANG LUNAS 1. Paupin sa komportableng posisyon at pakalmahin ang pasyente. 2. Pagamitin ng inhaler.3. maghintay ng apat na minuto. Pag hirap pa rin ang paghinga bigyan ulit ng apat na pisil ng inhaler. 4. kapag hirap pa rin talaga ang paghinga, tumawag ng ambulansya. *Children: 4 puffs each time is a safe dose. **Adults: for a severe attack you can give 6-8 puffs every 4 min.
PANANAKIT NG TIYAN (ABDOMINAL PAIN) SANHI: Food poisoning Malaking sakit na nakakaapekto sa mga organ ng ating tiyan.
PAUNANG LUNAS 1. Iligay ang pasyente sa komportableng posisyon. Paupuin kung hirap huminga. Kung may pagsusuka, bigyan ng container 2. Ilagay sa ibabaw ng tiyan ang boteng may pinainit na tubig. (Hot compress) 3. Kung malala na ang sakit at mayroong lagnat at pagsusuka, tumawag na sa doktor. Wag basta bastang magbigay ng gamot, pagkain o inumin dahil maaring lumala ito.