phil lit report - pagkat lalaki ka

17
PAGKAT LALAKI KA Michael M. Coroza

Upload: fredinel-malsi-arellano

Post on 22-Oct-2014

928 views

Category:

Documents


18 download

TRANSCRIPT

Page 1: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

PAGKAT LALAKI KA

Michael M. Coroza

Page 2: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Michael M. Coroza

Makata at guro si Michael M. Coroza, na isinilang noong 26 Agosto 1969 sa Ermita, Maynila, ngunit lumaki sa Majayjay, Laguna.

Page 3: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Michael M. Coroza

Nagtapos ng Batsilyer sa Sining sa Pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas, masterado sa Panitikang Filipino sa Ateneo De Manila University at doktorado sa Pilosopiya sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Katuwang na propesor siya sa Kagawaran ng Filipino ng Paaralan ng Umanidades ng Ateneo De Manila University, at naglingkod bilang Associate Professorial Lecturer III sa Gradwadong Paaralan ng UST.

Page 4: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Michael M. Coroza

Masigasig na tagapagtaguyod siya ng pagpapalaganap ng panulaan lalo na sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagdalo at pag-oorganisa ng poetry reading sessions sa mga paaralan sa loob at labas ng bansa.

Page 5: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Michael M. Coroza

Siya ay isang tagasalin. Kabilang sa mga naisalin niya sa Filipino ay ang ilan sa mga akda nina Leo Tolstoy, Stephen Crane, John Donne, Federico Garcia Lorca, Pablo Neruda.

Page 6: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Michael M. Coroza

Siya ay mayroong kakaibang paraan ng pagsusulat. Ngunit dahil sa paggamit niya ng mga simbolismo at imagery, ay lalong nagiging espesyal ang kanyang mga akda.

Ayos sa isang interbyu, nagsusulat siya para makapagbigay ng aliw at kaalaman. Isa rin sa rason ay ang mapahayag ang kanyang nararamdaman tungkol iba’t-ibang mga bagay.

Page 7: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Michael M. Coroza

Sa kanyang mga naisulat ay makikita ang mga nagaganap sa ating bansa. Nagsusulat siya ng mga tula tungkol sa modernong lipunan na may halong katatawanan.

Hindi lang niya ipinapakita sa atin ang kalagayan ng ating bansa at kung paano ito mapapabuti, kundi tinutulungan din niya tayo para malaman kung saang lipunan ba tayo nabibilang. Ayon sa kanya, ito daw ang nabibigay niyang kontribusyon.

Page 8: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Iba pang Akda at mga Parangal

“Putol” (Honorable Mention, Filipino Poetry, Don Carlos Palanca Memorial Award, 1991)

“Ako, Bana, Ama” (2nd Prize, Filipino Poetry, Don Carlos Palanca Memorial Awards, 1998)

“Mga Lagot na Liwanag” (1st Prize, Filipino Poetry, Don Carlos Palanca Memorial Awards 2001; finalist, National Book Awards for Poetry of the Manila Critics Circle, 2003; recepient, Publication Award, Loyola Schools, Ateneo de Manila University, 2003)

“Si Nanay, Si Lolo Ceferino, Ang Lira, at si Eliot o ang Henesis ng Aking Pananaludtod” (3rd Prize, Filipino Essay Category, Don Carlos Palanca Memorial Award, 2002)

Page 9: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

“Imbisibol Man ang Tatay” (3rd Prize, Filipino Short Story for Children, Don Carlos Palanca Memorial Award, 2007)

"Ang Mabuhay Singers at Ako sa Pag-awit at Pag-ibig" (2nd Prize, Filipino Essay Category, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 2008)

"Ang mga Kahon ni Kalon" (2nd Prize, Short Story for Children, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 2009)

"Munting Daigdig ng Dalit at Awit" (3rd Prize, Filipino Poetry for Children, Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 2009).

Iba pang Akda at mga Parangal

Page 10: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Pagtatanghal

Nakilahok at nag-organisa ng mga bigkasan ng mga tula sa loob at labas ng bansa, na ang pinakatampok ay ang pakikipagbalagtasan kay Teo T. Antonio sa Hawaii, USA.

Naging kinatawan din siya ng Pilipinas sa 10th Kuala Lumpur World Poetry Reading sa Malaysia noong Agosto 2004.

Mula Agosto 2002 hanggang Disyembre 2005, palagiang bumigkas ng tula at umawit sa palatuntunang "Serenatang Kumbidahan" ni Tiya Dely Magpayo sa DZRH (AM Band) ng Manila Broadcasting Company.

Host at prodyuser din siya ng palatuntunang "Harana ng Puso" kasama ang Mabuhay Singers sa DWBR 104.3 FM ng Philippine Broadcasting Service tuwing araw ng Linggo.

Page 11: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Pagkat Lalaki Ka

Nakasanayan na natin na ang lahat ng mga kalalakihan ang may hawak ng kapangyarihan at ang mga kababaihan naman ay dapat manatili lang sa mga tahanan. Ngunit pinapakita sa tula na hindi mali na ipakita ng mga kalalakihan ang kanilang mga kahinaan.

Pinapakita sa unang bahagi ng tula na ayos lang umiyak at magsisi. Ang luha sa unang bahagi ay sumisimbolo sa mga kamaliang nagawa ng isang tao. Ang lahat nga mga naging kasalanan ay may kaakibat na pagsisisi. At para sa mga lalaki, mahirap tumanggap ng pagkakamali. Subalit ayon sa tula, ang pagsisisi sa mga kamaliang nagawa ay isang instrumento upang maging isang maka-tao.

Page 12: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Pagkat Lalaki Ka

Madaming nagawang mga imprasktraktura ang mga kalalakihan tulad ngTore ng Babel, Piramide, Koliseo at iba pa. Dahil dito, mas binigyan ng pansin ang kalakasan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Ngunit ang mga kalalakihan din ang nag-umpisa ng paggamit ng kaharasan sa pakikitungo at pamumuno sa kanilang mga nasasakupan. Dito nagsimula ang mababang pagtingin sa mga kababaihan.

Ang salitang “iluha” ay ginamit naman bilang emosyon ng awa ng isang lalaki para sa mga kababaihang nasaktan. Inako ng lalake sa tula ang pagsisisi sa mga nagawang marahas ng mga kalalakihan ng sinaunang panahon sa mga kababaihan.

Page 13: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Pagkat Lalaki Ka

Ang babae ang nagluluwal ng bagong buhay sa mundo. Ang babae ay nagiging ina kapag nagluwal siya ng buhay sa mundo. Inaalagaan, pinapalaki at minumulat ang buhay na iyon sa mundo. Sa kanya nagsisimula at sa kanya rin nagtatapos. Ngunit, dahil sa huwad na pananaw, nawalan ng lugar ang mga kababaihan sa libro ng kasaysayan. Hindi binigyan pansin ng mga tao lalo na ng mga kalalakihan ang hirap at pagsasakripisyo ng mga kababaihan.

Page 14: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Pagkat Lalaki Ka

Sa huling bahagi ng tula, pinapapatay, pinadudurog at pinapalibing ng awtor ang huwad na pananaw na namamagitan sa mga kalalakihan at mga kababaihan. Dapat na matanggal ang kinagisnang kultura, tradisyon o paniniwala na iyon sa ating mga sarili upang mas maintindihan ang panig ng dalawang magkaibang grupo ng lipunan. Sa pangyayaring mawala ang kamalayang ito sa lipunan, mababago ang pananaw ng mga tao sa kanilang mga buhay na dapat bigyan ng halaga at respeto ang mga kababaihan.

Page 15: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Personal Insight

Sa tingin ko, angkop ang imahe ng Pilipino na nabuo sa tulang ito dahil sa modernong panahon ay may mga lalaki pa din na mataas ang tingin sa sarili at ayaw tumanggap ng kanyang pagkakamali.

Page 16: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

Personal Insight

Kahit na binibigyang pansin o importansya ang mga babae dito, makikita parin na superyor and lalaki kumpara sa babae. Sa pamagat pa lamang at sa paaan ng pagsimula ng mga talata ay nakakataas pa rin ang mga lalaki at nabibigyang pansin dito ang mga nagawa at pwede pa nilang gawin.

Page 17: Phil Lit Report - Pagkat Lalaki Ka

References

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Michael_Coroza http://www.icaf2009.ob.tc/keynote2.html http://www.panitikan.com.ph/authors/c/mmcoroza.htm