piesa sa balagtasan

5
1 Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at Katwiran Ni: Bartolome del Valle Lakandiwa: Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik Nananalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsa’y ang ating puso,at kung minsa’y ang isip, Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit. Kung minsan ay sa ligaya at tagumpay na malinis At kung minsa’y sa siphayo at masaklap na pagtangis Dahil diya’y naisip ko na ang dapat pagtalunan Ay kung alin ang marapat sa ating buhay. Ang isip ba o ang puso? Ang pag- ibig o katwiran? Alin diyan ang talagang dapat maging panuntunan? Mayroong nagsasabing isip ang dapat na maging mamatnubay. Ngunit upang makilala ang higit na kailangan, Ngayo’y aking tinatawag ang may kaya sa tulaan. At yayamang binuksan na ang hapag ng balagtasan, Ang nasa panig ng isip ang uuna sa tindigan. Isip at Katwiran: Sa simula, ang daigdig na madilim- Walang anyo, walang buhay, malungkot na parang libing. Sa gitna ng kalawaka’y nakabalatay ang lagim At ang Inang-Kalikasa’y luksang- luksa, naninimdim. Datapuwat nang ipukol ng Diyos ang Kanyang tingin, Ay natakdang ang daigdig sa katwira’y balangkasin: Nayanig ang buong lupa… at sa kidlat na matalim, Ang karimla’y itinaboy ng liwanag na dumating… Mula noon ang katwiran ay liwanag nang nagningning, Ilaw na di namamatay…di lumalabong salamin! Sa katwiran ng matatag, itong buong sanlibuta’y Nagkakulay, at umayos, at nagbihis ng kariktan. Bawat bagay na nalikhang may dahilan, At nalagay sa sarili’t kanya- kanyang kaukulan. Walang hamak, ni dakila, na mayroong kakanyahan, Walang munti ni Malaki, na di mayroong katuturan! Gumagawang isa-isa’y yumayaring sabay-sabay… Bawat kilos ng daigdig, nawa’t pihit, bawat galaw, Ay may tinutuntong batas, at katwirang sinusundan. Ang langit na dati’y wala, ngayo’y parang isang aklat. Nababasa ng katwiran sa bituing kumikislap. Parang sinasabi nilang.”Kami’y dito sa itaas, Upang kayo, sa ibaba’y tanglawan sa inyong hangad. Kapag kami’y hihiwalay sa katwirang nilalandas, Ang daigdig ay guguho, at magkakawasak-wasak! At ang lupang dati-rati’y sa ligamgam naksadlak, Ay naligo sa kariktan at nagbalot ng bulaklak. Bawat dahon, bawat sanga, bawat usbong, bawat ugat,

Upload: wensore-cambia

Post on 09-Dec-2015

2.015 views

Category:

Documents


295 download

DESCRIPTION

balagtasan

TRANSCRIPT

Page 1: Piesa Sa Balagtasan

1

Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at KatwiranNi: Bartolome del Valle

Lakandiwa:Bago tayo magsimula’y akin munang ninanaisNa batiin kayong dito’y naliliping matahimikNananalig akong kayo ay mayroon ding pananaligNa ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip;Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig,Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit;Kung minsa’y ang ating puso,at kung minsa’y ang isip,Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit.Kung minsan ay sa ligaya at tagumpay na malinisAt kung minsa’y sa siphayo at masaklap na pagtangisDahil diya’y naisip ko na ang dapat pagtalunanAy kung alin ang marapat sa ating buhay.Ang isip ba o ang puso? Ang pag-ibig o katwiran?Alin diyan ang talagang dapat maging panuntunan?Mayroong nagsasabing isip ang dapat na maging mamatnubay.Ngunit upang makilala ang higit na kailangan,Ngayo’y aking tinatawag ang may kaya sa tulaan. At yayamang binuksan na ang hapag ng balagtasan,Ang nasa panig ng isip ang uuna sa tindigan.

Isip at Katwiran:Sa simula, ang daigdig na madilim-Walang anyo, walang buhay, malungkot na parang libing.Sa gitna ng kalawaka’y nakabalatay ang lagimAt ang Inang-Kalikasa’y luksang-luksa, naninimdim.Datapuwat nang ipukol ng Diyos ang Kanyang tingin,Ay natakdang ang daigdig sa katwira’y balangkasin:Nayanig ang buong lupa… at sa kidlat na matalim,Ang karimla’y itinaboy ng liwanag na dumating…Mula noon ang katwiran ay liwanag nang nagningning,Ilaw na di namamatay…di lumalabong salamin!

Sa katwiran ng matatag, itong buong sanlibuta’yNagkakulay, at umayos, at nagbihis ng kariktan.Bawat bagay na nalikhang may dahilan,At nalagay sa sarili’t kanya-kanyang kaukulan.Walang hamak, ni dakila, na mayroong kakanyahan,Walang munti ni Malaki, na di mayroong katuturan!Gumagawang isa-isa’y yumayaring sabay-sabay…Bawat kilos ng daigdig, nawa’t pihit, bawat galaw,Ay may tinutuntong batas, at katwirang sinusundan.

Ang langit na dati’y wala, ngayo’y parang isang aklat.Nababasa ng katwiran sa bituing kumikislap.Parang sinasabi nilang.”Kami’y dito sa itaas,Upang kayo, sa ibaba’y tanglawan sa inyong hangad.Kapag kami’y hihiwalay sa katwirang nilalandas,Ang daigdig ay guguho, at magkakawasak-wasak!At ang lupang dati-rati’y sa ligamgam naksadlak,Ay naligo sa kariktan at nagbalot ng bulaklak.Bawat dahon, bawat sanga, bawat usbong, bawat ugat,Nagsasabi ng katwirang sila’y buhay nating lahat!

Nakikita ang katwiran sa pagsikat at paglubogNg sa liwanag na sa ati’y buhay ang inihahandog.Araw araw sa paggawa ang katwira’y nag-uudyok,Gabi-gabi, tayo’y kanyang pinalalapit sa Diyos.Nababasa ang katwiran sa tubig at mga bundok,Ang una’y sa nauuhaw, at ang huli’y sa dayukdok.

May katwiran bawat puso ay tumutibok,Katwiran din tayong lahat ay mabalik sa alabok.Di kung gayon ang katwiran ay Bathalang nakukupkop,Lakas na dapat maghari haring dapat na masunod!

Puso at Pag-ibig:Ako’y puso…Puso akong sinasamba’t nilalangit,Pintakasi ni kupido, at dambana ng pag-ibig.Sa damdamin at isipan, ako’y sulong umuungit,Ako rin ang sumusuri sa tiwalang pag-iisipKapag ako ang nasunod, walang likong pagnanais,Walang hidwang pagkukurong maghahatid sa panganib.Sa paano, ako’y balon ng pagsintang nagbabatis,At sa akin nakasandal ang mabuting si pananalig.Kapag ako ang nawala, ang maghahari ay hapis,Likong-katwiran ang siyang mananaig nang malabis.

Ako’y templong tinatawag ng butihing si BathalaNa larawan ng pag-ibig nalikha ang langit, lupa,Lahat-lahat sa daigdig, sampung katwiran at diwa.Palibhasa ang isipan, karaniwa’y madaraya,Kaya laging gising ako at natatanod nang kusa.Katulad ko ay orasang tumitiktak ng payapa,Naghuhudyat sa balana kung may mapapanganyaya.Ang katwirang liko’t baluktot ay lagi kong sinasalaAt ang isip na madilim ay ayokong maminsala.

Bago muna magkaroong ano mang bagay-bagay,Ang pag-ibig nating Diyos siyang tanging umiiral.Kung bagaman at madilim ang lawak ng kalawakan,Ang angeles ng pag-ibig ay nangasa kagalakan.Ang liwanag nila noon ay ang gawang kabanalanAt di nila nababatid na ano mang kaguluhan.“Aleluya kay Bathala” ang awit sa araw-araw,Walang likong naghahari… walang hidwaan kalagayan.Palibhasa ang pag-ibig ay sa saliga’t patuntungan,Kaya naman sa pag-ibig silang lahat nabubuhay.

Isang dakot na alabok na kinapal ni Bathala,Hinubog na kanyang kamay at kinupkop nang payapa.Pinatibok sa pagsuyo at damdaming walang sawa,At ginawang templong banal ng malinis niyang diwa.Isang kaban ng pagsintang sa paglingap ay sagana,Sa katwira’y tumitimbang, at sa isip sumasala.Dinidilig ng pagmamahal, tinamnan ng gintong nasaAt tinawag itong Pusong sa Pag-ibig ay dambana…Ang katwiran ay nagiging pambihira’t mabiyayaKung ang maghahari’y pusong mahabagin at dakila…

Isip at Katwiran:Ang pag-ibig ay may kulay, may pabango at marikit,Ngunit mayroon namang lason ang nag-usli niyang tinik!Ang pag-ibig, sa katwiran, kapag ating ipapalit,May buhay ma’y sa pangarap na marupok masasandig.Ang katwiran, sa pagsinta, kapag ating inalis,Ang pagsinta’y may patnubay na matuwid,Lumalao’y lalo’t lalong sumasamyo…tumatamis.Di ang katwiran nga pala, sa pagsinta’y rima’t pantigSa langit ay siyang bughaw… sa katawa’y siyang damit!

Kung ang tao ay halaman, ang pag-ibig ay bulaklak,Samantalang ang katwiran, sa kanya ay siyang ugat.Ang bulaklak, pitasin man at durugin sa pagpitas,Ngunit ugat ang putuli’t makikita nating lahatAng kalansay na natuyo’t unti-unting malalansag!

Page 2: Piesa Sa Balagtasan

2

Kaya nga na ang pag-ibig, habang buko ay matimyas,Samantalang ang katwira’y parang kahoy na matigas,Lumalaon ay nagiging tila pulot na nagbalas!Dantaon mang ibaon mo’y buo ri’t di-naaagnas!

Mula sa ating pagsilang, hanggang sa ating pagtandaBawat guhit ng panaho’y katwiran ang nagtatakda.Magbuhat sa duyang bughaw, hanggang sa libingang luksa,Katwiran ang maghahatid at sa ati’y magbababa.Sa pag-usad, sa pag-upo, sa paglalakad, sa salita,Katwiran ang gabay natin sa atin ay natutugma.Itong puso’t pag-ibig na parang bula!

Puso at Pag-ibig:Sa katwiran ay hindi ako tumututol kung katwiranPagka’t iya’y bungang hinog ng puso at kalooban.Kung ang puso’y siyang puno at ang bunga’y ang isipan,Mahalaga kayang lalo ang bunga sa punong tunay?Iyang bunga pag pinitas, ang puno ay naiiwan,Ngunit puno ang putulin, bunga’t daho’y di gigitaw.Pag ang puso’y bumababa pa sa uri ng diwang tangan,Ang katwiran magiging laging hamak, walang ilaw.Baligtad na ang daigdig pag sa puso’y nangingibabawAng isip na nanghihingi sa puso’y ng kanyang buhay!

Kung may mga lalong mahalaga at dakilang matatawagAy wala nang uuna pa kay Bathalang mapaglingapSi Bathala ay pag-ibig, kaya ating mahahagap Na ang pag-ibig ay Diyos…at Diyos na walang sukatNahihibang ang magsabing may hihigit at papatasSa halaga ng pag-ibig sa ano mang pag-uusapMayroon tayong kinakailangan na “Pag-ibig ang panlunasSa ano mang salaghati’t sa damdaming nagkasugat.Pag-ibig ang bumubuhay sa pag-asang tumatakas!Pag-ibig din ang patnugot sa landasing tinatahak.”

Ang pag-ibig ay nagiging isang wagas na pag-ibigKapag ang puso sa kanya’y may hawak at umuugitAng pag-ibig ay nagiging hamak nga lang at marungis,Pag sa kanya ang nanguna ay maruming pag-iisip!Ang katwiran ay magiging makatwiran at malinis,Kapag puso ang nagpasiya at sa puso nakasalig.Datapuwa’t ang katwira’y naliligaw na malimit,Pag ang puso ang naghari’t di ang isip na makitid!

Isip at Katwiran:Kahit saang dako tayo pumaroo’t makaratingSa kislap ng ating diwa lagi tayong titimbangin;Pumapasok man sa paggawa, ang malimit na tanunganAy ang anak, upang sila’y matutuwid na tanghalin;Ay isip ang hinahasa sa katwirang nagniningning.Katwiran ang ginagamit ng ama sa kanyang suplingPagkat iyan ang sa tao’y tanging ilaw at salamin!

Puso at Pag-ibig;Sa pagtingin ng magulang sa kanilang mga anakAy ang puso ang timbanga’t pag-ibig kaya nila natutupad,Pag nawala ang pag-ibig ay hindi maitutumpakAng kanilang mga bunso sa matuwid nilang landas.Sa pag-ibig kaya na ang bunso ay lumaking magtapat,Kaya sila maaaring mapakasakit nang ganapAng parusa sa mga kamaliang nagaganap

Kaya nga ba ang wika ko ang puso at pagliyagAng dapat na pagharii’t pahigitan hanggang wakas.

Isip at Katwiran:Si Balagtas ang may sabing sa liko raw na pagmamahalAt pag-aamo ang pagsama ng bata ay bumubukalAt ang iba ay sa labis na pagpapabaya namanNg dapat namangaturo ay magulang na buhalhalKahulugan ang pag-ibig kung minsan ay nasisinsayKaya ang dapat maghari ang katwira’t kaisipan.

Puso at Pag-ibig:Diyos naman ang nagsabi na ibigin ang kapuwaNa katulad ng sarili at banal ang gayong gawa.Diyos din ang nagpahayag na ang isip masama,At ang bawat kasamaan ay sa isip nagmumulaKung ganoo’y itong puso ko at hindi ang isip mo ngaAng dapat paghariin at tuntunin sa adhika.

Isip at Katwiran:Marangal na lakandiwa, palagay ko ay sapat naAng buntong ng katwiran ko upang kayo’y magpasya.

Puso at Pag-ibig:Ako man po ay gayon din ang aking naipahayagSa pag-ibig na ko’y binibigyan na ng wakas.

Lakandiwa:Pagkatapos kong marinig ang katwiran na dalawa,Ako’y nangangamba ngayon na pagpasiyahan sila.Sapagkat ang puso’t isip, ang katwiran at pagsintaSa buhay na bawat tao ay kapuwa mahalagaPag ang tao ay walang puso sinusumpa ng balanaAt kung walang isip nama’y tinatawanan ng ibaAlisin mo an pag-ibig at magiging malupit ka,Alisin mo ang katwira’t sa masama ka hahanggaKaya kayo sa sarili ang bahalang magpasyaKung sino ang may higit na matuwid sa kanila.