pilipinas

2
Pilipinas Kong Nangungutya Ni Mary Glydel Paigan Florin Nakakatawa man kung iisipin, mas nakakaiyak din kung ating susuriin. Bakit nga ba tayong mga Pilipino ay napakahilig manghusga sa iba na kung tutuusin ay dapat wala na tayong pakialam? Bakit hindi tayo marunong makontento sa kung ano man ang meron tayo at pagyamanin nalang ito? Dahil ba umiikot at nagbabago ang mundo kaya nakikisabay tayo ? O baka naman trip- trip lang talaga natin to ? Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit mas nakikita pa natin ang kahinaan ng iba kesa sa mga sarili natin ? Habang papasok ako sa isang fastfood chain malapit lang sa eskwelahan ay naungosan ako ng limang magkakaibigan, dalawang babae, dalawang lalaki, at isang 50:50. Tahimik nalang akong naupo sa bakanteng lamesa sa tabi nila habang hinihintay ang inorder kong pagkain. Dahil mag-isa lang ako, hindi ko nga alam kung matatawa ba ako at magmukhang tanga, o di kaya'y umiyak at mas magmukha paring tanga sa sinabi ng isa sa kanila, "besang, ubusin mo yang fries dahil ang mga bata sa Africa walang kinakain." Bakit ba napakadaling bitiwan ang mga katagang ito ? Nabubulag ka na ba Juan Dela Cruz, at hindi mo na makita ang pinakaproblema natin ? Dito din sa Pilipinas ay napakaraming batang gutom na animo'y nagcocontest na sa panlilimos at kung ano ano na ang stratehiyang ginagamit mapansin lang sila. Bumabanat na ang iba magkalaman lang ang sikmura ! Ngayon mo sabihin sa akin, anong karapatan mong husgahan ang ibang bansa kung mismong dito sa sarili mong bayan hindi mo mapansin ang napakalaking pantal ng kahirapan ?

Upload: mary-glydel-florin

Post on 14-Apr-2017

294 views

Category:

Education


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Pilipinas

Pilipinas Kong NangungutyaNi Mary Glydel Paigan Florin

Nakakatawa man kung iisipin, mas nakakaiyak din kung ating susuriin. Bakit nga ba tayong mga Pilipino ay napakahilig manghusga sa iba na kung tutuusin ay dapat wala na tayong pakialam? Bakit hindi tayo marunong makontento sa kung ano man ang meron tayo at pagyamanin nalang ito? Dahil ba umiikot at nagbabago ang mundo kaya nakikisabay tayo ? O baka naman trip-trip lang talaga natin to ? Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit mas nakikita pa natin ang kahinaan ng iba kesa sa mga sarili natin ?

Habang papasok ako sa isang fastfood chain malapit lang sa eskwelahan ay naungosan ako ng limang magkakaibigan, dalawang babae, dalawang lalaki, at isang 50:50. Tahimik nalang akong naupo sa bakanteng lamesa sa tabi nila habang hinihintay ang inorder kong pagkain. Dahil mag-isa lang ako, hindi ko nga alam kung matatawa ba ako at magmukhang tanga, o di kaya'y umiyak at mas magmukha paring tanga sa sinabi ng isa sa kanila, "besang, ubusin mo yang fries dahil ang mga bata sa Africa walang kinakain."

Bakit ba napakadaling bitiwan ang mga katagang ito ? Nabubulag ka na ba Juan Dela Cruz, at hindi mo na makita ang pinakaproblema natin ? Dito din sa Pilipinas ay napakaraming batang gutom na animo'y nagcocontest na sa panlilimos at kung ano ano na ang stratehiyang ginagamit mapansin lang sila. Bumabanat na ang iba magkalaman lang ang sikmura ! Ngayon mo sabihin sa akin, anong karapatan mong husgahan ang ibang bansa kung mismong dito sa sarili mong bayan hindi mo mapansin ang napakalaking pantal ng kahirapan ?

Sigaw mo'y pagbabago sa tuwing may nangangampanyang kandidato. Marcelo Santos para sa pagbabago, Marcelo Santos para sa mahihirap. Hindi ka rin epokrita no ? Pinagbibili mo nga sarili mong boto ? Hindi ako maka Noy-Noy pero nagagalit ako sa mga taong nagsasabing “ibagsak si NoyNoy”. Saan mo ba kasi ginamit ang boto mo noong nakaraang eleksyon at ganyan kana maka react ngayon? Ngayong taon sa kaso ng cash transfer ay natapyasan ang bilang ng mga mahihirap at napataas ang kita nang doble sa pagkakaalam ko, at isa lamang iyan sa mga mabubuting nagawa ni Noy Noy bilang president. Pero dahil hindi pa rin nito nasapul ang target, hindi na napupuna ang pagbabago . Gusto mo agad2 ? Ang problema kasi natin masyado na tayong nahilig sa instant . Instant noodles, instant coffee, instagram.

Marami rin namang naging maling desisyon na nagawa si Noynoy bilang presidente, malamang tao rin siya katulad natin . Subukan mo kaya ang posisyon niya kung kayanin mo ? Kung ganoon naman pala ang batayan mo, sana sa PBB sa bahay ni kuya ka nalang tumira, siguradong may patutunguhan ang gusto mong forced eviction. Imbes na mag away away pa tayo, bakit hindi nalang tayo magtulungan ? Ang panahon natin ang buhay natin, kapag nagsayang ng panahon, malamang nagsasayang rin ng buhay.

Page 2: Pilipinas

Matanong nga kita, Ano naba ang nagawa mo sa Pilipinas para maningil ka sa parte mo?

Sana bumalik na ang mga malay ng bawat isa sa atin at mapansin natin ang mga pinakaproblema natin, kasi sa sitwasyon natin ngayon talagan masasabi kong, Pilipinas kong Nangungutya, sarili mo lang din ang iyong kinukutya.