powerpoint presentation:renaissance by joselito cabaddu jr
DESCRIPTION
Mga ambag ng Renaissance sa politika, kasaysayan, sining at ambag ng mga kababaihan with Video pa..TRANSCRIPT
Talaan ng Nilalaman
Layunin
Ang Kahulugan ng
Renaissance
Ang Pag-usbong ng
Renaissance
Ang Humanismo
Mga Ambag ng
Renaissance
Pagbubuod
Pagtataya
Sanggunian
Mga May akda
Mga Sagot sa Tanong
Motivation
L
A
Y
U
N
I
N
a.Nalalaman ang mga salik na
nagbigay-daan sa Renaissance;
b.Nalalaman ang kahuluguhan ng
Renaissance;
c.Nasusuri ang epekto ng pag-usbong
ng Renaissance sa lungsod-estado sa
Europa;
d. Naihahambing ang mga humanista
noong Middle Ages at sa panahon ng
Renaissance;
e. Nasusuri ang ambag ng Renaissance
sa iba’t-ibang larangan; at
f. Napahahalagahan ang papel na
ginampanan ng kababaihan sa panahon
ng Renaissance.
L
A
Y
U
N
I
N
Nagbigay-daan sa Renaissance.
Noong panahon ng middle ages,
umusbong ang paniniwalang ang mga
kaganapan sa buhay ng tao ay
iniangkop sa pananaw ng simbahan. Ito
ay nagbago noong simulang ibatay ito
sa agham at sekularismo.
Ano ang Sekularismo?
Ito ang paniniwalamg ang mga
gawain ng tao ay dapat nakabatay
sa ebidensya at katotohanan at hindi
sa pamahiin at paniniwalang
panrelihiyon.
Kahulugan ng Renaissance
• Ito ay nangangahulugang muling
pagsilang o “rebirth”.
• Isang kilusang kultural o
intelektuwal na nagtangkang ibalik
ang kagandahan ng sinaunang
kulturang Greek at Roman sa
pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan at kultura.
Kahulugan ng Renaissance
• Isang panahon ng transisyon mula sa
middle ages tungo sa Modern Period o
Modernong Panahon.
• Isang pagtaliwas mula sa mga kaisipan
na laganap noong middle ages kung saan
ang tuon ay papel ng Simbahan sa buhay
ng tao.
• Isang pagbabago sa pagtingin ng tao sa
politika, relihiyon, at sa kanilang ambag.
Ang Pag-usbong ng Renaissance
Ang Renaissance ay nagsimula sa
Hilagang Italy, pagkatapos ay lumaganap sa
Germany, France, England, at Spain sa
huling bahagi ng ika-15 hanggang ika-17
siglo.
Italy, Sentro ng pananalapi at kalakalan.
Ang mga lungsod sa hilagang italy ay
umunlad at naging sentro ng pananalapi at
kalakalan sa Europa. Ilan sa mga lungsod-
estadong ito ay Milan, Florence, Venice,
Mantua, Ferrara, Padua, Bologha, at Genoa.
Pag-usbong ng Humanismo sa
Renaissance
Ang humanismo ay kilusang
intelektuwal na naniniwalng dapat pagtuunan
ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome sa pag-aaral dahil
naglalaman ito ng lahat ng aral na dapat
matutuhan upang magkaroon ng isang moral
at epektibong buhay.
Ang Mga Humanista
• Galing sa salitang Italian na
nangangahulugang “guro ng
Humanidades” partikular ng wikang latin.
• Nag-aral ng komposisyon, retorika,
kasaysayan at pilosopiya, at maging ang
matematika at musika sa wikang Latin at
Greek.
Francesco Petrarch, Ama ng Humanismo
Sa kanyang pag-aaral, mas
pinili niyang pagtuunan ng
pansin ang iniisip at
nararamdaman ng mga Roman.
Natutuhan niya na ang
edukasyon ay hindi lamang
simpleng pagkatuto kundi pag-
aaral din kung paano
maipahayag ang kaalaman at
paano ito gamitin sa ikauunald
ng mamamayan.
Paghahambing ng Humanismo
Middle Ages
• Tinangka ng mga iskolar na
iangkop ang pag-aaral na
klasikal sa pananaw na
Kristiyano.
• Ginamit ng mga iskolar ng
pilosopiyang Greek upang
patotohanan ang mga aral ng
Simbahan.
Renaissance
• Pinahalagahan ng mga
humanista ang sinaunang
panitikan para sa sarili nitong
katangian.
• Hinalaw naman ito ng mga
humanista upang magsilbing
gabay sa paglinang sa sariling
kakayahan, kung paano
sumulat at magsalita ng
mahusay at kung paano
mabuhay ng matiwasay.
Mga ambag ng Renaissance sa
Kabihasnan
Ang impluwensiya ng Renaissance ay
matatagpuan sa humanistikong pananaw sa
daigdig. Umunlad sa panahong ito ang
mga kaisipan at obrang may kinalaman sa
politika, sining, panitikan, kasaysayan, at
maging sa relihiyon.
Mga Ambag sa larangan ng Politika
• Nagsulat ng akdang “The
Prince(1513)” na
tumalakay sa ideyal na
katangian ng
pamumuno, na ang
paggamit ng puwersa sa
pamumuno ay dapat
unahin kaysa paggamit ng
kabutihan.Sa wikang
English, tinatawag itong “
The End Justifies the
Means”
Niccolo Machiaveli
Mga ambag ng Renaissance Kasaysayan
• Nagsulat ng “Declamation
Concerning the False
Decretals of Constantine
(1439-1440)” na
nagpapatunay na huwad
ang dokyumentong
nagsasad na inilipat ni
Constantine sa Santo Papa
ang kapangyarihan sa
pamumuno sa kanlurang
bahagi ng imperyong
Roman nang inilipat niya
ang kabisera sa
Constantinople.
Lorenzo Valla (1406-1457)
Mga ambag ng Renaissance sa Panitikan
• Nagsulat ng
“Gargantua and
Pontaguel” na kung
saan ginawa niyang
katawa- tawa ang mga
taong hindi naniniwala
sa Humanismo. Francois Rabelais (1494-1553)
Mga ambag ng Renaissance sa Panitikan
• Nagsulat ng
“Essays(1580)” na
may istilong
parang nakikipag-
usap.
• Pinaksa niya ay
ang mga tungkol sa
sarili, edukasyon, a
t pakikipag
kaibigan.Michael de Monteigne (1533-1592)
Mga ambag ng Renaissance sa Panitikan
• Nagsulat ng akdang
“Don quixote De la
Mancha (1605)” na
tumuligsa sa Medieval
na batayan ng
katapangan na
nakasaad sa Chivalry.
Miguel de Cervantes Saavedral
(1547- 1616)
Mga ambag ng Renaissance sa Panitikan
• Itinuturing na
pinakadakilang
manunulat sa wikang
Ingles.
• Nagsulat ng mga
tanyag na dula tulad
ng “Julius Caesar
(1599-1600)” at
“Anthony and
Cleopatra (1606-
1607)” na hinango
mula sa kasaysayang
Greek at Romans.
William Shakespeare
(1564- 1616)
Mga ambag ng Renaissance sa Sining
• Nagpinta ng “The
Last Supper (1498)”
at Mona Lisa (1503-
1507).
Leonardo Da Vinci
Mga ambag ng Renaissance sa Sining
Itinuturing na
pinakamahusay na
eskultor ng
Renaissance.
Nag-ukit ng tanyag na “
La Pieta (1498)” kung
saan hawak ni Maria
ang katawan ni Hesus
matapos itong ibaba sa
krus.Michelangelo Buonaritti
Nagpinta sa kisame ng “Sistine
Chapel” na nagpapakita ng siyam na
kwento ayon sa Genesis sa Bibliya;
kabilang ang paglikha kay Adan
Bilang arkitekto, ginawa niya ang
plano at disenyo ng St. Peter’s Basilica
sa Vatican.
Nakilala sa kanyang
pinta ng Madonna
(1499-1520) na
tumutukoy kay
Maria, ang Ina ni
Hesus.Raphael Santi
Ang Kababaihan sa Renaissance
Sa panahon ng Renaissance, iilang
kababaihan lamang ang tinanggap sa mga
unibersidad ngunit hindi ito naging
hadlang upang makilala ang ilang
kababaihan at ang kanilang ambag sa
panahong ito.
Mga Ambag ng Kababaihan sa
Renaissance
May akda ng
Dialogue on Adam
and Eve (1451) at
Oration on the Life
of St. Jerome (1453)
na kinakitaan ng
kanyang kahusayan
sa pag-unawa sa mga
isyung teolohikal.Isotta Nogarola (Verona)
Artemisia Gentileschi
Si Artemisia
Gentileschi ang nagpinta ng
“Judith and her Maidservant
with the head of Holofernes
(1625)”, at “Self-Portrait as
the Allegory of painting
(1630.”
Pagbubuod
Dahil sa mga kaganapan sa Europe sa huling bahagi
ng Middle Ages, nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin
ng Europeo sa daigdig at pumasok ang Europe sa
panahon ng Renaissance.
Ang Renaissance ay tumutukoy sa kilusang
intelektwal o kultural na nagtangkang mapantayan ang
rurok ng kabihasnang Greek at Roman sa
pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at wikang
Greek at Roman. Tinutukoy rin nito ang panahon ng
transiyon mula Midlle Ages tungo sa modernong
panahon.
Pagbubuod
Ang Renaissance ay nagsimula sa mga lungsod-
estado ng hilagang Italy kung saan ang kabuhayan ay
nakasalalay sa kalakalan at pananalapi.
Ang mga tagapagtaguyod ng Renaissance ay nakilala
bilang mga humanista dahil ang pinagtuunan nila ng
pansin ay ang mga asignatura sa humanidades gaya ng
wikang Latin at
Greek, komposisyon, retorika, kasaysayan at
pilosopiya, maging ng matematika at musika.
Pagbubuod
Pinagtuunan ng pansin ng Renaissance ang kakayahan
ng taong maabot ang pinakamataas na potensyal nito
sa pamamagitan ng sariling pagsisikap at talento.
Bagama’t limitado sa pagkakataon at karapatan, may
kababaihan din nagkaroon ng ambag sa humanismo
lalo na sa larangan ng Sining, Panitikan, at mga
kaisipang teolohikal at sekular.
Multiple Choice: Piliin ang titik ng tamang Sagot.
1. Ang kaganapang ito ang nabigyang daan ang
Renaissance.
a. Umusbong ang Renaissance dahil lumakas
ang impluwensiya ng Simbahan sa buhay ng
tao.
b. Humina ang mga namumuno sa Panahon
ng Middle Ages.
c. Noong simulang ibatay sa agham at
sekularismo ang pananaw at nuhay ng tao.
d. hinagupit ng sakuna ang Middle Ages.
2. Ano ang kahulugan ng
Renaissance?
a. “Regeneration”
b. “Rehabilitation”
c. “Reformation”
d. “Rebirth”
3. Ang Renaissance ay inilarawan sa
dalawang paraan, Isa sa mga ito ay:
a. Panahon ng mga matatalinong tao.
b. Kilusang naglalayong pabagsakin
ang Simbahan.
c. Panahon ng transisyon tungo sa
modernong panahon.
d. Panahon ng paglakas ng mga Hari.
4. Ano ang Humanismo?
a. Kilusang intelektuwal na pinagtuunan
ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng
Greece at Rome.
b. Pag-aaral ng mga iskolar sa Chivalry
na batayan ng katapangan sa Middle Ages.
c. Kilusang intelektuwal na pinagtuunan
ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng
Athens at Sparta.
d. lahat ng nabanggit.
5. Ito ay tawag sa mga iskolar na
nag-aaral ng Humanismo.
a. Humanista
b. Humanidades
c. Iskolar
d. Iskolar ng bayan
6. Siya ang itinuturing na “Ama
ng Humanismo.”
a. Francesco Petra
b. Francis Petrarch
c. Francesco Petrarch
d. Francaesar Petrarch
8. Ito ay panahon ng paghina ng
kapangyarihan ng Simbahan at
paglakas ng mga hari.
a. Reformation
b. Middle Ages
c. Dark Ages
d. wala sa nabanggit
9. Ang mga lungsod-estado sa
Europa ay umunlad dahil sa:
a. Agrikultura
b. Pautang
c. Pananalapi at kalakalan
d. Pangongolekta ng buwis
B. Panuto: Alamin kung Sino o Ano ang tinutukoy ng
bawat larawan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.
a. Francesco Petrarch
b. Niccolo Machiaveli
c. Lorenzo Valla
d. Leonardo Da Vinci
Sanaysay:
1. Bakit mahalagang bigyan ng pagkakataon
ang mga kababaihan na ipakita ang
kanilang mga ambag at talento sa iba’-
ibang larangan?
Mga Tamang Sagot:
A. B.
1. C 1. B
2. D 2. A
3. C 3. C
4. A 4.C
5. A 5. C
6. C 6.D
7. D 7. C
8. D 8. C
9. C 9. D
10. B 10. A
Sanggunian
Aklat:
Ang Kasaysayan ng Daigdig:
Ang Panahon ng Renaissance
Pahina 118-126
Larawan:
http//:www.google.com/pictures