pr-law week edited

3
Law Week 2015 IBP ORIENTAL MINDORO CHAPTER NAGSAGAWA NG PAGSASANAY SA MGA USAPING LEGAL SA MGA KAPULISAN NG LALAWIGAN Isang Seminar On Police Arrest Procedures, Human Rights and Effective Preparation Of Criminal Complaints ang isinagawa ng Integrated Bar of the Philippines – Oriental Mindoro Chapter sa pamumuno ng pangulo nito na si Atty. Pepito A. Mortel noong ika – 24 Setyembre 2015 sa Sangguiang Panlungsod Session Hall, Guinobatan, Lungsod ng Calapan. Humigit kumulang sa 50 mga pulis mula sa iba’t ibang bayan ng Oriental Mindoro at Lungsod ng Calapan ang nakiisa sa nasabing pagsasanay. Layon ng nasabing programa na mabigyan ng karampatang kaalaman ang mga kapulisan ng lalawigan, partikular ang mga imbestigador ng mga tamang kaalaman sa pagsasampa ng kaso, pagrespeto sa karapatang pantao at tamang pag aresto ng mga kriminal o suspects. Ayon sa istatistika, may mga krimen na napapawalang saysay o na-didismiss dahil sa mga teknikalidad o pagkakamali sa pagsasampa ng kaso. Nais ng nasabing gawain na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kapulisan ng lalawigan para mas lalong maging mahusay ang mga ito hindi lamang sa pag huli ng mga kriminal kundi maging pati sa pag usig ng mga kaso sa hukuman. Kasama din sa programa ang pagbibigay kaalaman sa mga

Upload: pyke-laygo

Post on 07-Dec-2015

233 views

Category:

Documents


1 download

DESCRIPTION

yehey

TRANSCRIPT

Page 1: PR-law Week Edited

Law Week 2015

IBP ORIENTAL MINDORO CHAPTER NAGSAGAWA NG PAGSASANAY SA MGA USAPING LEGAL SA MGA KAPULISAN NG LALAWIGAN

Isang Seminar On Police Arrest Procedures, Human Rights and Effective Preparation Of Criminal Complaints ang isinagawa ng Integrated Bar of the Philippines – Oriental Mindoro Chapter sa pamumuno ng pangulo nito na si Atty. Pepito A. Mortel noong ika – 24 Setyembre 2015 sa Sangguiang Panlungsod Session Hall, Guinobatan, Lungsod ng Calapan.

Humigit kumulang sa 50 mga pulis mula sa iba’t ibang bayan ng Oriental Mindoro at Lungsod ng Calapan ang nakiisa sa nasabing pagsasanay. Layon ng nasabing programa na mabigyan ng karampatang kaalaman ang mga kapulisan ng lalawigan, partikular ang mga imbestigador ng mga tamang kaalaman sa pagsasampa ng kaso, pagrespeto sa karapatang pantao at tamang pag aresto ng mga kriminal o suspects.

Ayon sa istatistika, may mga krimen na napapawalang saysay o na-didismiss dahil sa mga teknikalidad o pagkakamali sa pagsasampa ng kaso. Nais ng nasabing gawain na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kapulisan ng lalawigan para mas lalong maging mahusay ang mga ito hindi lamang sa pag huli ng mga kriminal kundi maging pati sa pag usig ng mga kaso sa hukuman. Kasama din sa programa ang pagbibigay kaalaman sa mga kapulisan na nagsidalo patungkol sa konsepto ng karapatang pantao.

Si Atty. Hospicio “Pyke” Laygo, Jr., isang private law practitioner at kasalukuyang Secretary ng IBP Oriental Mindoro ang siyang tumalakay sa usapin ng Human Rights samantalang si City Prosecutor Dorina H. Joya naman ang nagbigay kaalaman patungkol sa Proper Arrest Procedure at Complaint Preparation.

Sa hanay ng Oriental Mindoro Provincial Police Office, dumalo si PSUPT .Sergio B. Vibar, Jr. na siyang representante ni Oriental Mindoro Police Provincial Director PSSUPT Florendo O Quibuyen.

Page 2: PR-law Week Edited

Nagkaroon din ng isang open forum kung saan malayang nakapagtanong ang mga kapulisan sa mga abogado ng IBP Oriental Mindoro at kay Kgg. Tomas Leynes, Executive Judge ng First Judicial District of Oriental Mindoro at Presiding Judge ng RTC Branch 40. Kabilang sa mga nakiisa din sa programa ay sina IBP Oriental Mindoro Chapter Auditor Atty. Antonio S. Perez, Jr at mga miyembro ng Board of Directors nito na sina Atty. Abraham Abas at Atty. Florante Legaspi Sr. Narroroon din si Atty. Luningning Centron na siyang Clerk of Court at Ex Officio Sheriff ng Regional Trial Court sa Lungsod ng Calapan. Naging tagapagpadaloy ng programa si Atty. Michael Ceniza, isang abogado at pulis.

Ayos kay Atty. Mortel ang nasabing programa ay ambag ng IBP Oriental Mindoro - Chapter sa pagdiriwang ngayong lingo ng National Law Week. Ayon sa din sa kanya, marami pang mga aktibidades ang nakalinya na ipapatupad ng IBP - Oriental Mindoro Chapter sa mga darating na buwan. Nagpasalamat din si Atty. Mortel sa mga tumulong na maipatupad ang ng nasabing programa na sina Vice Mayor Bong Brucal ng Calapan City, Vice Mayor Mayor Joel Tevez ng Naujan, Oriental Mindoro at City Mayor Arnan C. Panaligan ng Lungsod ng Calapan.