proyekto sa araling panlipunan

33
Kabanata 1: Katangiang Pisikal ng Asya Sa kapanahunan ni Homer ng Gresya, ang mga lupain sa silangan ng Aegean ay tinawag ng mga Griyego sa Asya. Ang pangalang Asya ay hango sa salitang Asu na ang ibig sabihin ay “lupain ng sumisikat na araw.” Sa panahon naman ni Augustus ng Roma, ang Asya ay tumutukoy sa probinsya ng Imperyo ng Roma na sumasakop sa kasalukuyang Asia Minor. Noong panahong klasikal, Asya rin ang pangalang ibinigay ng mga taga-Europa sa bahagi ng kontinente na umaabot sa silangan ng kanilang daigdig. Simula noon ang Asya ay iniugnay sa pagsikat nga raw at ang Europa sa paglubog nito. Ang mga Asyano ay taga-Silangan at mga Europeo ay taga-Kanluran. Sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng isang rehiyon mahalaga na malaman ang heograpiya nito. Ang mga mahahalagang salik ng heograpiya ay lokasyon, lawak o sukat, topograpiya, klima, at likas na pinagkukunang yaman. Batayang Kaalaman:

Upload: camille-martinez

Post on 31-Oct-2014

423 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

Katangiang Pisikal ng Asya, Yamang Tao ng Asya, Ang Asya sa Panahong Prehistoriko, : Sinilangan ng Unang Sibilisasyon, Ang Imperyong Islam, Timog-Silangang Asya noong Sinaunang Panahon, Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano, Kolonyanismo sa Timog-Silangang Asya, Ang mga Dayuhan sa Timog Asya, at Ang mga Dayuhan sa Silangang Asya.

TRANSCRIPT

Page 1: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Kabanata 1: Katangiang Pisikal ng Asya

Sa kapanahunan ni Homer ng Gresya, ang mga lupain sa silangan ng Aegean ay tinawag ng mga Griyego sa Asya. Ang pangalang Asya ay hango sa salitang Asu na ang ibig sabihin ay “lupain ng sumisikat na araw.” Sa panahon naman ni Augustus ng Roma, ang Asya ay tumutukoy sa probinsya ng Imperyo ng Roma na sumasakop sa kasalukuyang Asia Minor. Noong panahong klasikal, Asya rin ang pangalang ibinigay ng mga taga-Europa sa bahagi ng kontinente na umaabot sa silangan ng kanilang daigdig.

Simula noon ang Asya ay iniugnay sa pagsikat nga raw at ang Europa sa paglubog nito. Ang mga Asyano ay taga-Silangan at mga Europeo ay taga-Kanluran.

Sa pag-aaral ng kasaysayan at kultura ng isang rehiyon mahalaga na malaman ang heograpiya nito. Ang mga mahahalagang salik ng heograpiya ay lokasyon, lawak o sukat, topograpiya, klima, at likas na pinagkukunang yaman.

Batayang Kaalaman:

1.Heograpiya – pag-aaral tungkol sa isang katangiang pisikal ng daigdig, ang tawag sa agham ng mga lokasyon ng mundo. Ang salitang heograpiya ay mula sa salitang kastilang “geografia.”

2.Tangway – isang mahabang usli ng lupa sa tubig at inuugnay ito sa kalupaan sa pamamagitan na tinatawag na istmus.

Page 2: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

3.Monsoon – ay may 2 uri na dumaraan sa Asya. Ito ang hanging Amihan at Habagat.

4.Talampas – isang lugar ng burol, karaniwang binubuo ng medyo malapad na kalupaan.

5.Topgrapiya – ay tumutukoy sa katangiang ng balat ng lupa o ng mga anyong lupa at anyong tubig na isang bansa.

6.Kontinente – ang mga bansa o lupang nabuo ilang milyon ng nakaraan.

7.Pulo – isang piraso ng lupa na mas malaki sa kontinente at mas malaki sa bato na napalilibutan ng tubig.

8.Klima – tumutukoy sa kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa loob ng mahabang panahon at kasalukuyang panahon.

9.Kapuluan – isang pangkat ng mga isala o pulo na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo.

10.Disyerto – isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin at meron ding mabato.

Reaksyon:

Lokasyon, Sukat, & Topograpiya – napagalaman kong ang Asya ay may kabuuang sukat na 17,500,000 milya kuwadrado o 44,418,000 kilometro kuwadrado. Na ang Eurasia ang tawag sa pinagsamang kontinente ng Europa at Asya. Ang Topograpiya ay binubuo ng iba’t ibang anyong tubig at lupa na isang malaking biyayang pinagkaloob sa atin ng panginoon.

Mga Anyong Lupa & Tubig– Natuklasan kong ang anyong lupa at tubig ay mahalaga sa atin at maging sa kapaligiran na nag-bibigay yaman. Nagagamit natin ang yamang ito sa ating pang araw-araw na pangangailangan. Kaya nararapat lamang na pangalagaan.

Page 3: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Klima – Dito ko na pagtanto na ang klima ay pangmatagalan. Natuklasan ko rin ditto ang hanging Habagat at hanging Amihan.

Pinagkukunang Yaman – Napagisip-isip kong na maraming nakatagong likas na yaman na dapat ay ingatan upang lalo itong dumami at mapakinabangan, dahil maaaring ang mga likas na yaman na ito ay makatulong sa atin mapa-angat ang ekonomiya.

Mga Rehiyong Pangheograpiya – Nalaman kong sa limang rehiyon nahahai ang Asya: Timog Asya, Timog-Silangang Asya, Hialgang Asya, Kanlurang Asya, at ang Gitnang Asya. Iba-ibang rehiyon at kultura ng mga bansang nakapaloob dito.

Kabanata 2: Yamang Tao ng Asya

Sa kabanatang ito ilalarawan ang mga Asyano gamit ang batayan ng mga antropologo ng biological at social race. Ano ang lahing pinagmulan at ang kulturang gumagabay sa kanilang pamumuhay?

Tatalakayin din ang distrubisyon ng populasyon sa iba’t ibang rehiyong pang-heograpiya. Mga Asyano ang bumubuo sa 40% ng populasyon ng buong mundo. Dalawang bansa sa Asya ang may pinakamalaking populasyon – ang Tsinan a may 1,284,303,705 tao at ang India na may 1,405,845,226 na tao. Tinataya ng Nagkakaisang mga Bansa na aabot sa mahigit na 4 na bilyon ang populasyon ng Asya sa malapit na hinaharap kapag hindi nabago ang takbo ng pagtaas nito.

Page 4: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Batayang Kaalaman:

1.Han – unang tao sa Hapon.2.Budismo – rehiyon ng mayorya ng mga taga-Timog-

Silangang Asya.3.Carlos P. Romulo – unang Asyano na naging pangulo ng

Pangkahalatang Asemblea ng Nagkakaisang mga bansa.4.Confucianismo – tradisyonal na relihiyon ng mga Tsino.5.Simitik – Instik6.One Child Policy – Ang polisiyang iisa lang ang dapat

maging anak.7.Family Planning Program (POPCOM)- ay programang pang-

kalusugan para sa mga Ina at mga bata.8.Lucio Tan, Henry Sy, at Jaime Zobel de Ayala- napabilang

sa talaan ng 793 mga bilyonaryo o pinakamayaman sa buong mundo.

9.Dravisdian & Ido-Aryan – (2) grupong etniko sa India.10. Non-Government Organization (NGO)- pribadong

sector sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa Reproductive Health Program.

Reaksyon:

Silangang Asyano – Napagalaman kong 82% ng mga Silangang Asya ay mga “Sinitik” o ang mga Instik.

Timog-Silangang Asyano – Natuklasan kong halos 70% ng Timog-Asyano ay naninirahan sa India, karaniwan na sa kanila ng tawaging “Indian.”

Page 5: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Mga Taga-Hilaga-Gitnang Asya – nadiskubre kop o na mga Siberian ang mga naninirahan ditto. 85% sa kanila ay Slavic Russian at Ukrainian.

Asyano sa Kanluran-Silangan – Napagalaman na ang mayorya nila ay kabilang sa grupong etniko.

Populasyon ng Asya – Nadiskubre ko na ang populasyon ng Asya ay sobrang laki, kaya’t may nagsasabing mabagal ang pag-unlad ng kontinenteng ito.

Kasarian & Edad – Napagalaman kong ang kasarian at edad ng mga tao sa Asya ay mahalaga. Dito natutukot ang kasarinlan ng isang tao o kung paano siya matutukoy.

Per Capita Income – Nadiskubre ko na ang kita ng bawat tao sa bansa mahalagang batayan ng pagsusuri ng kaunlaran at na ang Pilipinas ay pang-anim sa pinaka may mataas na Per Capita Income.

Mga Patakarang Pampopulasyon – Ang masasabi ko lang po dito ay dapat lang magpatupad ng batas ang gobyerno na makakatulong sa pagkontrol ng paglaki ng populasyon.

Katangiang ng mga Asyano – Sa aking palagay tunay na kahanga-hanga ang mga Asyano dahil kahit hirap sila sa buhay nakakagawa parin sila ng paraan upang makabangon at maging matagumpay.

Page 6: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Kabanata 3: Ang Asya sa Panahong Prehistoriko

Kilala ang mga Asyano sa pagiging relihiyoso. Naniniwala ang mga relihiyoso na ang lahat ng bagay sa mundo may buhay man o wala, ay likha ng Diyos. Sa kabila ng pagiging reliho\iyoso, ang mga Asyano ay may kani-kanilang alamat na pinaniniwalaan tungkol sa pinagmulan ng sangkatauhan. Ang mga Hapones halimbawa ay naniniwala na sila ay inapo ng diyosa ng araw na si Amaterasu sa pamamagitan ng apo nito sa tuhod na si Jimmu Tenno. Si Jimmu Tenno raw ang kanilang unang emperador. Naniniwala naman abf nga Koreano na sila’y bunga ng pagsasama ng espiritu ng isang tigre at ng isang babaeng oso. Ayon naman sa mga Tibetan, ang kanialng lahi ay bunga ng pagsasamana ng isang unggoy at isang babaeng diyablo na nagkatawang-tao. Palasak naman ang alamat ni Malakas at ni Maganda ng mga Pilipino. Ayon sa alamat, biniyak ng isang ibon ang isang kawayan at mula rito’y lumabas ang isang lalaki na si Silalak o Malakas at ang unang babae na si Sibabay o Maganda.

Batayang Kaalaman:

1.Hominid – kabilang sa pamilya na binubuo ng mga nilalang na kawangs ng tao; Maagang anyo ng tao.

2.Artifacts – bagay na nakuwa at naimbestigasyon gawa ito ng mga taong nasa sinaunang panahon.

3.Panahong Prehistoriko – ang panahong bago naimbento ang sistema ng pagsulat.

Page 7: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

4.Panahong Historiko – panahon na nasusulat na ang kasysayan.

5.Fossils – ay binubuo ng mga buto, ngipin, at skeleton ng mga sinaunang nilalang.

6.Arkeologo – Taga-tuklas o taga-diskubre; nag-aral ng mga buo o fossils at articfacts.

7.Paleotiko – Panahong magspang na bato.8.Flint – isang uro ng bato kapag pinukpok o kiniskis ay

lumilikha ng liyab o kumikislap.9.Ramapithcus – ay ninuno ng orangutan, isang malaking uri

ng unggoy na nakatira sa Asya.10. Australopithecus – “unggoy sa timog”

Reaksyon:

Pahayag ng mga Siyentipiko – nakilala ko si Charles Darwin at ang kanyang mga teorya tungkol sa tao at ang ninuno natin na nagsasabing tayo’y nagmula sa unggoy.

Pinakamaagang Ninuno ng Tao – natuklasan kong ang Ramapithecus ay uri ng unggoy na nabuhay ng 14-18 milyong taon nakakalipas na sinasabing ninuno ng pinaggalingan natin.

Direktang Ninuno ng Makabagong Tao – napag-aralan ko na Hominid ang maagang uro ng tao o Panahong Pleisticene. Dito nalaman ko ang pagkakadiskubre ng pag-”evolve” nito.

Page 8: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Tinahanan ng Unang Tao sa Asya – Dito malalaman na meron tayong tirahan at ito’y nagpapahayag na totoo ito. Ngunit nararapat ring paniwalaan ang Diyos Ama.

Ebolusyong Kultura – Nalaman kong isa ito sa pinakamahalagang impormasyon at isang mahalagang palatandaan ng pagpapatunay na pagkakalinang ng kultura ng sangkatauhan. Isiniwalat ang pagkakaiba ng panahon ng lumang bato at bagong bato. Sa bagong bato nakasaad ang maaga, gitna, at huling oanahon ng bagong bato. Nadiskubre ko rin ang Panahong metal, tanso, bronse, at bakal.

Page 9: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Kabanata 4: Sinilangan ng Unang Sibilisasyon

Ang mga unang sibilisasyon ay sumilang sa mga ilog-lambak ng Asya at Afrika. Ang pinakamatanda rito ay ang sibilisasyong Mesopotamian na sumipot mga 5000 taon na ang nakakalipas sa rehiyong matatagpuan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates. Ang sibilisasyong Ehipsyo ay nalinang sa baybayin ng Ilog Nile sa Hilagang Africa. Sa lupaing malapit sa ilog unang nanirahan nang permanente ang mga tao dahil sa tubig at pagkaing handog ng mga ilog. Panapanahon ang pag-apaw ng mga ilog at sa pagkati nito, nag-iiwan ito ng barlik na nagsisilbing pataba sa mga sakahan. Noong sinaunang panahon, higit na madali ang paglalayag kaysa paglalakbay sa pammagitan ng daang-lupa kaya naging madali ang pakikipag-kalakalan sa mga lugar na ito. Lumaki nang lumaki ang populasyon hanggang ang mga pamayanan ay naging lungsod.

Batayang Kaalaman:1.Ziggurat – itunuturing na tulay sa pagitan ng tao at

ng kanilang diyos.2.Prinsipe Wu – nagtatag ng Dinastiyang Hsia.3.Dinastiyang Hsia – Kauna-unang Dinastiya sa Tsina.4.Chou Hsin – nakaimbento ng Chopticks.5.Phoenicia – hinangi sa salitang phoenix, isang kulay

na nakukuha sa isang espesyal na klaseng shellfish.

Page 10: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

6.Cyrus the Great – nagtatag ng Dinastiyang Achaemenid; nagtagumpay laban sa kanyang lolo na si Haring Astyages noong 550 B.K.

7.“Bagong Babylon” – tawag sa panumbalik ng kaluwalhatyon ng Babylonia.

8. Nebuchadnezzar – pinakamagaling na monarko ng Imperyong Chaldean na nakaabot sa tugatog ng kadakilaan sa panahong ito.

9. Zoroaster 0 Nagtatag ng rehiyong Zoroastrianismo.

10. Palestina- Banal na lupain ng mga Hebreo.

Reaksyon:Sibilisasyong Mesopotamian – napagalaman ko na mga

Griyego ang nagpangaan sa kanila ng “Lupain sa pagitan ng dalawang ilog.” Nakilala ko ang mga Sumerian at kung pano ito bumagsak. Kasama rin ang mga Babylonian, Hittite, Asyrian, Chaldean, at mga Persiano kasama ang mga nagawa nila.

Sinaunang Sibilisasyon sa kulturang Fertile Crescent – nalaman ko na binubuo ng Palestina, Phoenicia, at Syria. Okupado ito nga pat na bansa: Lebanon, Israel, Jordan at Syria. Napag-alaman ko ang ga: Hebreo, pamano ng mga Hudyo, Ang mga Phoenician at ang pamana nila. Kasama rin ang mga Aramean at ang kanilang pamana. Masasabi talaga natin ang mga nakaraang panahon ay puno ng mahahalagang

Page 11: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

impormasyong dapat nating malaman at talaga naman nakaka-interisado.

Sibilisasyon ng lambak Indus – Ang masasabi ko lang ditto ay isa ito sa apat na pinaka-dakilang sibilisasyon sa mundo. Kung anong pinagmulan at ang pagkakadiskubre nito kung pano ang kanilang kultura pero nalaman ko rin na nabuwag at bumagsak ang sibilisasyong ito.

Ang Sibilisasyong Tsino – napagtanto kop o na magnda at nakaka-interisado na kwento. Maraming mapupulot na kaalaman sa pagtuklas ng iba’t ibang impormasyon nakasaan dito.

Kabanata 5 : Ang Imperyong Islam

Sa panahong organisado na at maunlad ang mga pamayanan sa rehiyon ng Fertile Crescent, nanatli na ring primitibo at lagalag ang mga Arabe sa Tangway ng Arabia. Noong ika-7 siglo P.K. ang kalakalan sa Arabia ay nakasentro sa kapatagan ng Red Sea at Golpo ng Persia. Isa sa sentrong kalakalan ay ang lungsod ng Mecca, malait sa Red Sea. Dito sa Mecca ipinanganak si Mohammed noong 570 P.K. Si Mohammed ang nagtatag ng relihiyong Islam.

Nabahala si Mohammed dahil patulog na pagsamba ng mga Arabe sa mga Diyos-diyosan sa gulang na 40, nagkaroon siya ng pangitain na tinawagan siya upang maging propeta ng

Page 12: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Diyos. Hinimok niya ang mga Arabe na sumamba sa iisang Diyos at tanggapin siya bilang Propeta nito.

Natakot ang mga Arabe sa mga ipinahayag ni Mohammed at marami ang nagpakita ng pagsalungat nito sa kanya. Napilitan siya na lumikas patungong Media, ang pagtaks na ito ni Mohammed ay tinawag na Hegira. Sa Medina, tinanggap si Mohammed bilang pinuno at propeta ng Diyos.

Batayang Kaalaman:

1.Ak-Khawarizmi – “Ama ng Matematika.”2.Hegira – pagtakas ni Mohammed patunging Medina.3.Janisary Corps – grupo ng mga sinanay na kabataan.4.Canon Of Medicine – isang encyclopedia tungkol sa

pagpapagaling ng iba’t ibang karamdaman.5.Jihad – Banal na pakikidigma.6.“Sickman Of Europe” – tawag sa pagsisimula ng

Turkey noong ika-20 siglo.7.Mohammed – ang nagtatag sa relihiyon Islam.8.Uthman – pumlit kay Umar bilang kalipa.9.Umar – tagapayo ni Abu Bakr.10. Abu Bakr – unang kalipa; Nagbalik ng Islam ang

mga tribong nag-alsa makaraang mamatay si Mohammed.

Reaksyon:

Ang unang 4 na kalipa- Nalaman kong si Abu Bakr anf unang kalipa, pangalawa naman si Umar na naging pinakamalapit na tagapayo ni Abu Bkar. Pumapangatlo naman si Uthman bilang kalipa naisang lider, at ang huli ay si Ali na pinsan ni

Page 13: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Mohammed na asawa ni Fatima na anak ni Mohammed.

Dinastiyang Umayyad (661-750) – Natuklasan kong itinatag ito ni Muawiya at pinamunuan hanggang 750.

Dinastiyang Abbasid (750-1258) – Nalaman kong ang Abbasid ay hinango kay Abu Al-Abbas Al-Shaffan, apo sa tuhod ni Mohammed.

Dinastiyang Fatimid, Ang mga turkong Seljuk at ang Krusada – Napagtanto kong halos maraming sumasalungat sa Dinastiyang Abbasid kaya nagtatag si Ubaydullah (isang lider at masasabing angkan ni Fatima), Ito ang Dinastiyang Fatimid. Nakilala ko rin ang mga Turkong Seljuk at Krusada.

Imperyong Ottoman at ang Pagbagsak nito – Nalaman kong hanabng ang Ottoman ay nasa ilalim ng Seljuk Inokupa nila ang isang bahagi ng Asya Minor sa pamumuno ni Osman at nasakop nila ang Seljuk. Kaso, unti0unting naging lubhang maluho ang pamumuhay ng sultan at lumalala ang intriga sa pamunuan. Tinangja nilang sakupin ang Vienna ngunit sila’y nabigo at unti-unting umurong ang mga sundalong turko.

Mga Ambag ng mga Muslim sa Kabihasnan ng Daigdig – Napag-alaman kong maraming nagawa at ma-ambag ang iba’t-ibang Dinastiya at ang mga kultura at maging sa gamit ay nagkaroon sila ng isang kamangha-manghang ambag.

Page 14: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Kabanata 6: Timog-Silangang Asya noong Sinaunang Panahon

Nasa maagang yugto pa lamang ng kultura ang Timog-Silangang Asya nang makapasok ditto ang mga dayuhang impluwensiyang dala ng mga manlalakbay nakaramiha’y buhat sa Timog Asya. Ang mga katutubo ng rehiyon, bagama’t marunong magsaka, ay mga nomadiko at pagano. Sa pagpasok ng mga dayuhang impluwensiya ay naitatag ang mga kahariang Hindu, Buddhist, at Islamik.

Sa panahong nagsisimula pa lamang maitatag ang mga permanenteng panirahan hanggang sa maitatag ang mga kaharian, naging malaki na ang impluwensiya ng Hinduismo at Budismo sa pamahalaan at kultura sa maraming bansa sa rehiyon. Gayundin, ang Islam ay naging maimpluwensiya sa Pilipinas at as Indonesia.

Batayang Kaalaman:

1. Theravadang Budismo – (Timog Budismo) ang higit na popular kesa sa katimugang ng Asya.

2. Ramayana – matandang epiko ng India.3. Dvipa – rutang napapalubutan ng tubig.4. Suvarna – ginyo5. Yaya – Trigo6. “Lungsod ng mga Mangangaso” – ang ibig sabihin ng unang kabisera ng Funan ay ang Vyadhapura.

7. Bodhissattva – santong pinagdarasalan ng haring Buddhist.

Page 15: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

8. Ramkhamhaeng – isa sa maagang pinuno o hari ng Sukothai.

9. Pho Kun Loethai – anak ni Ramkhamhaeng ay isang debotong Buddhist at tinawag siyang devaraja o “banal na hari.”

10. Luthai – anak ni Pho Kun Loethai, pumasok sa monastery si Luthai at ginugol ang kanyang panahon sa pagiging isang prayleng Buddhist (bhiksu).

Reaksyon:

Ang Maagang Impluwensiya ng Kulturang Indian at Tsino – Masasabi kong lumaganap ang iba’t-ibang kulturang naisakatuparan o naipahayag. Iba’t-ibang kwento ang nasasalamin sa talakaying ito.

Annam – nalaman kong sila’y tinaguriang mga Annamese sa Semtral Vietnam. Simpleng pamumuhay at pasasaka ang ikinabubuhay nila.

Champa – nalaman kong may relasyon pala sila sa mga malay na nanirahan sa Sentral at Timog baybayin ng Vietnam.

Funan – ang sinaunang Kampuchea, at nalaman kong isa pala ito sa pinakamatanda at pinakadakilang dinastoya sa Timog-Silangang Asya. Ang ibig sabihin ng Funan ay “Hari ng kabundukan.”

Chenia – masasabi kong wala gaanong naiwang bakas ang Chenia kaya walang makuhang basehan ang historyador para mailarawan

Estado ng Angkor – nalaman kong ang estado ng Angkor ay may makabuluhang kasaysakayan. Ang pangalan ng dating Cambodia ay Kampuchea.

Page 16: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Sukhothai & Ayutthaya – Nalaman kong naimpluwensiyahan sila ng kulturang Dongson. “Bukang Liwayway” ang tawag sa Sukothai. Ang hari nila ditto ay si Ramkhamhaeng. Kamanghamangha ang kanilang lahi.

Pagan – kahit mahusay ang pamumuno ni Haring Anawrata. Sa huli’y nasakop at nasalanta rin ang Pagan.

Ang mga Imperyong Srijaya, Sailendra, Mataram at Majapat & Ang Islamisyon sa Indonesia at Malaysia – Masasabi kong kahnga-hanga pala ang kasaysayan nila.

Kabanata 7: Sinaunang Pamumuhay ng mga Asyano

Malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano. Hindi ito kataka-taka dahil sa Asya sumilang ang mga pangunahing relihiyon sa mundo. Sa Gitnang Silangan sumilang ang Zoroastrianismo, Judaismo, Kristy\iyanismo, at Islam. Sa Timog Asya naman nagsimula ang Jainismo, Hinduismo, at Budismo. Samantala, Silangang Asya naman ang sinilangan ng Confucianismo, Shintoismo, at Taoismo.

Bago pa man sumilang ang mga organisadong relihiyon, naniniwala na ang sinaunang Asyano na may kakaiba at makapangyarihan puwersa na may kinalaman sa mga pangayayaring nagaganap na wala sa kakayahan ng tao, na sila at ang kanilang kapaligaran ay nilikha ng isang makapangyarihang nilalang na hindi nila nakikita. Dito nagsimula ang paniniwala sa mga espiritu na kanilang

Page 17: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

sinasamba kahit di nakikita at ito ang panimula konsepto ng relihiyon.

Ang pananaw sa kabilang buhay, paraan para mabuhay, pakikipagkapwa, sistema ng pamumuno, at iba pang mga gawaing panlipunan ay ginagabayan ng relihiyong pinaniniwalaan. Kaya upang malubos ang kaalaman tungkol sa pamumuhay ng sinaunang Asyano, mahalaga na talakayin ang mga batayang paniniwala ng mga relihiyong sumilang sa Asya at ang epekto nito sa pamumuhay ng mga Asyano.

Batayang Kaalaman:1.Zoroaster/Zarathustra – nagtatag ng relihiyong

Zoroastrianismo.2.Judaismo – ang relihiyon ng mga sinaunang Hudyo na

nabibilang sa tribo ni David na humalili kay Saul bilnag hari ng Israel.

3.Bibliya – banal na kasulatan ng relihiyong Kristiyanismo na binubuo ng luma at bagong tipan.

4.Mohammed – ang nagtatag ng relihiyong Islam.5.Hegira – ay itinala bilang simula ng kalendaryong Islam.6.Nirvana – pinakamataas na antas ng kabanalan upang

makipag-isa kay Brahma, ang punong diyos.7.Budismo – ay itinatag ni Siddharta Gautama; hinango sa

salitang Sanskrit na Buddha na ang ibig sabihin ay “naliliwanagan” o “namulat.”

8.Confucius – ang kinikilalang pinaka-dakilang pilisopo ng Tsina; ang nagtatag ng relihiyong Confucianismo.

Page 18: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

9.Taj Mahal – ito ang isang museleo na ipinagawa ni Shah Jahan para sa kanyang asawa na si Mumtaz Mahal.

10. Lao Tzu – tagapagtatag ng relihiyong Taoismo.

Reaksyon:

Zoroastrianismo, Judaismo, Kristiyanismo, Islam, Jainismo, Sikhismo, Hinduismo, Budismo, Confucianismo, Taoismo, at Shintoismo – Iba’t ibang relihiyong na may sari-sariling paniniwala. Lahat ay may mabuting hangarin sa pananalangin.

Ang Sining ng mga Asyano – Talagang kahanga-hanga ang mga Asyano. Ang pinaka-kilala rito ay ang Kaligrapiya ng Tsina.

Ang Panitikang Asyano – Nalaman kong ang mga Asyano ay nakalikha ng mga kaisipan na nakaambag sa lipon ng mga kayamanang itelekwal ng daigdig.

Kabanata 8: Kolonyanismo sa Timog-Silangang Asya

Binigyan-daan ng paggalugad at pagtuklas ang pananakop ng mga Europeo sa Asya. Ang paggalugad sa

Page 19: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

ibayong-dagat ng mga Eurepeo ay bunsod ng mga sumusunod na layunin:

1.Palaganapin ang Kristiyanismo2.Hanapin ang pinanggagalingan ng ginto at rekado3.Maghanap ng pamilihan ng kanilang mga yaring

produkto4.Makipagsapalaran at madulutan ng karangalan ang

bansa

Batayang Kaalaman:

1.Bartholomew Diaz – nakatuklas sa Cape of Good Hope noong 1488 sa dulo ng Timog Africa.

2.333 taon – ang taon kung kalian nasakop ng mga España ang Pilipinas.

3.Ferdinand Magellan - ay isang kawal na Portuges na nakatuklas ng daan mula Europa patungong Asya at nakasabing bilog ang mundo. Ang kanyang tunay na pangalan ay Fernao de Magalhaes sa Portuges. Tinawag siya na Fernando de Magallanes sa Kastila. 

4.Miguel Lopez de Legazpi – pinuno ng kauna-unahang nagtagumpay na ekspidisyon na ipinadala ng España sa Pilipinas.

5.Strait of Magellan – ang tawag ngayon sa karagatan na lagusan sa Timog Amerika ni Magellan.

6.1565 – itinatag ni Legazpi ang unang permanenteng tahanan ng mga Kastila sa Cebu.

7.1571 – nasakop ni Legazpi ang kahariang Muslim ni Raja Sulayman sa Maynila.

8.Heneral J. Groff van der Bosch (1829-1839) – ang nangasiwa sa “sistemang kultural” sa Java.

9.1824 – nilusob ng hukbong Burmese ang India.

Page 20: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

10. Pebrero 6, 1819 – lumagda sa isang kasunduan sina Sir Thomas Stamford Raffles at ang Sultan ng Johor.

Reaksyon:

Ang mga Portuges at Kastila sa Asya – Sa pagalugad ng mga rekado at ang pagpapahayag ng relihiyong Kristiyanismo, natuklasan ng mga Portuges ang Asya. Napatunayan ni Ferdinand Magellan na tunay ngang bilog ang mundo.

Naging Kolonya ng España ang Pilipinas – nalaman kong nasakop tayo at naging kolonya ng mga Kastila sa loob ng 333 taon.

Pamamahala ng mga Kastila – Para sakin, hindi karapat dapat ang pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas. Sadyang naging sakim ang mga Kastila sa pamumuno ng bansa.

Ang mga Amerikano sa Asya at ang Pamamahala nito sa bansang Pilipinas – Nalaman kong dahil sa digmaang España-Amerikano nakapunta ang mga Amerikano sa Pilipinas. Kahit ibinalik nila ang demokrasya sa bansa, nakaranas parin ang bansang Pilipinas ng pagsasamantala.

Ang mga Olandes sa Asya at ang Pamamahala nito sa Indonesia – Nalaman kong iisa lamang ang layunin ng mga Olandes sa India yun ang tumubo at kumita nang malaki sa pakikipagkalakalan. Naging mapagsamantala rin sila.

Ang mga Pranses sa Asya at Pamamahala nito sa Indonesia – para sakin, hindi rin naging maganda ang pamumuno ng mga Pranses sa India.

Ang mga Ingles sa Asya at ang Pamamahala ng mga Ingles sa Burma at Malaya – Nalaman kong kahit

Page 21: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

binigyan ng posisyon ang mga Burmese ay iyon ay mababa lamang, lahat ng mataas na posisyon ay hinahawakan ng mga Ingles.

Epekto ng Kolonyalismo sa Timog-Silangang Asya – nalaman kong nagkaroon ng malaking pagbabago sa kabuhayan, lipunan, at buhay-pulitka ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya.

Kabanata 9: Ang mga Dayuhan sa Timog Asya

Sa loob halos ng isang siglo matapos marating ni Vasco de Gama ang Calcutta, India, nakontrol ng mga Portuges ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng Silangang Indies at Europa. Naputol ang pamamayani ng Portuges nang pumasok sa kompetisyon ang mga mangangalakal na Olandes, Ingles, at Pranses. Noong 1605 napaalis ng mga Olandes ang mga Portuges at nang lumao’y naitaboy na rin nila ang mga Ingles sa laban ng Indinesia. Sa bandaning huli mga Ingles at mga Pranses ang naging mahigpi na mafkatunggali na rehiyon.

Batayang Kaalaman:

1. Robert Clive – ang namuno nang tinalo ng hukbong Ingles ang magkasanib na puwersa ng mga Indian at Pranses.

Page 22: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

2. Francois Dupleix – ang namuno sa puwersa ng Indian at Pranses.

3. Sutte – ay ang pagsunog sa katawan ng balong babae kasama sa pagsunog sa bangkay ng namatay na asawa.

4. Thuggi – isang ritwal ng pag-aalay ng buhay ng isang tao para sa diyosang si Kali.

5. Sepoy – ang mga Rebelyong Indian.6. Viceroy – ang kumakatawan sa pamahalaan

sa isang bansa, klonya o isang lugar.7. Mayo 10, 1857 – sinakop ng mga Sepoy ang

Delhi.8. 1858 – winakasan ng Britanya ang

pamamahala sa British East India Company sa India.

9. Reyna Victoria – ang nagtalaga ng isang viceroy upang mamuno sa India.

10. 1765 – itinalagang gobernador si Robert Clive ng kompanya ng Bengal Presidency.

Reaksyon:

Ang mga Ingles sa India – Nalaman kong natalo ni Robert Clive ang magkasanib na bansang India at Pranses sa pamumuno ni Francois Dupleix.

Pamamahala ng mga Ingles sa India – masasabi kong ang pamamahala ng mga

Page 23: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Ingtles ay karapat-dapat na ginagawa. Tinutulungan din nilang mapaunlad ang India.

Ang Rebelyong Sepoy – Sa palagay ko, ang dahilan ng kanilang pagsalungat ay “misunderstanding”, oo nga, kultura nila at nagbago, pero nagbago naman para sa ikakabuti.

Direktang Pamamahala ng Britanya sa India – Napagalaman kong lalong napadali ng mg aINgles sa pamamagitan ng sentralisadong pamahalaan upang pairalin ang mga suliranin at patakarang kolonyal sa buong subkontinente ng India.

Patakarang Kolonyal sa India – Masasabi kong may itinatago palang maitim at negatibong pakikitungo rin pala ang mga Ingles, talagang hindi ito maiiwasan.

Page 24: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Kabanata 10: Ang mga Dayuhan sa Silangang Asya

Pawang mga mangangalakal at misyonerong Europeo ang nagsidating sa Silangang Asya mula 1635 hanggang ika-19 na siglo. Dumating sa Canton, Tsina ang mga Ingles noong 1635, ang mga Pranses noong 1698, ang mga Danes noong 1731, ang mga Swedish noong 1732, ang mga Ruso noong 1753, at mga Amerikano noong 1784.

Ang pagpapalitan ng kalakal sa Tsina ay isinagawa sa lungsod ng Canton kung saan nakabase ang gilde ng mga mangangalakalna Tsino na natatajda bg presyo at nagpapaupa ng bahay sa mga dayuhang mangangalakal. Pinapayagan ang mga dayuhan sa Canton sa panahong tinakda para sa pagpapalitan ng kalakal na tumagal nga pat na buwan.

Nakarating din sa bansang Hapon ang mga dayuhang mangangalakal at misyonerong Kristiyano. Datapwa’t sa ilalim ng Dinastiyang Tokugawa ay sinira ang daungan ng Hapon sa mga dayuhan maliban sa mga mangangalakal na Tsino at Olandes na nakadadaong sa Nagasaki lamang, Tinawag na Panahon ng Seklusyon ang panahong nakasara ang daungan ng Hapon sa mga dayuhan. Naganap ito sa loob halos ng 250 taon. Sa Panahong ng Seklusyon dumanas ang Hapon ng kapayapaan at kaunlaran kultural.

Batayang Kaalaman:1.Co-Hong – nagaganap ang pakikipagkalakalan;

Katumbas ng “Chamber of Commerce.”

Page 25: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

2.“Spheres of Influence” – ang sonang ito ay tumukoy sa isang lugar kung saan ang dayuhan ay may karapatang linangin at pakinabangan ang likas na kayamanan dito.

3. John Hay – Ang kalihim ng Estado sa Amerika na nagpanukala ng “Open Door Policy.”

4.“Open Door Policy” – ang polisiya na nagbigay ng pantay-pantay na karapatan sa lahat ng mga dayuhan sa Tsina.

5.“Seclusion Policy” – pagsasara ng bansang Haponn ang kanilang pintuan sa mga dayuhan.

6.Lord George Macartney – ang namuno sa misyon na makipag-ayos sa emperador sa Tsina at payagan magkaroon ng karagdagangpuerto.

7.Marso 1830 – isang hakbang ang isnagawa ng pamahalaan upang wakasan ang pagpupuslit ng opyo.

8.1839 – nagdeklara ng pakikidigma ang Gran Britanya laban sa Tsina.

9.1860 – ang sapilitang pag-lagda ng mga Tsinan g sila ay matalo sa Tratado ng Tiensin.

10. Setyembre 6, 1899 – naitakda ang “Open Door Policy.”

Reaksyon:

Ang mga Ingles sa Tsina – sa palagay ko, dapat pahintulutan ng mga tiga-Tsina ang kahilingan ng mga taga-Gran Britanya, para di masyadong lumala, eto naming Gran Britanya, may kadugaang nalalaman, kung sa bagay, kawawa naman sila, pero hindi nila kailangan gumamit ng maling paraan upang makabangon.

Page 26: PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN

Dapat nilang isipin na minsan may nasa taas at minsan may nasa baba.

Ang mga Dayuhan sa Hapon – masasabi kong nagkaroon ng kahandaan ang mga Hapon sa pagbubukas ng kanilang bansa. Nagkaroon sila ng sariling karapatan sa sariling bansa nang nagkaroon ng Seclusion Policy.