q4 lesson 28 corazon aquino

9
Inihanda ni: Arnel O. Rivera Aralin 28 Panunungkulan ni Corazon C. Aquino

Upload: rivera-arnel

Post on 26-Jun-2015

219 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

Page 1: Q4 lesson 28 corazon aquino

Inihanda ni: Arnel O. Rivera

Aralin 28Panunungkulan ni

Corazon C. Aquino

Page 2: Q4 lesson 28 corazon aquino

Talambuhay

• Pagsilang: Enero 25, 1933 sa Maynila• Magulang: Jose Cojuangco at

Demetria Sumulong• Edukasyon: Mount St. Vincent College, New York

(AB French & Math)• Asawa: Benigno “Ninoy” Aquino Jr.• Anak: Ma. Elena, Aurora Corazon, Benigno III,

Victoria Eliza at Kristina Bernadette• Kamatayan: Aug, 1, 2009 sa

Makati Medical Center

Page 3: Q4 lesson 28 corazon aquino

Alam nyo Ba?

• Si Corazon Aquino ang tanging pangulo na walang karanasan sa pamahalaan. Siya rin ang unang babaeng pinuno ng bansa sa buong Asya. Siya rin ang unang pinuno ng bansa sa buong mundo na nailuklok sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon.

Page 4: Q4 lesson 28 corazon aquino

Mga Programa ng Administrasyong Aquino

• Pagbabalik ng Demokrasya sa Bansa

• Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos

• Libreng Edukasyon sa Elementarya at Secondarya

Page 5: Q4 lesson 28 corazon aquino

Paglikha ng Bagong Saligang Batas

• Ipinag-utos ni Pang. Aquino ang pagbuo ng Constitutional Commission upang gumawa ng bagong Saligang Batas. Natapos ito noong Sept. 2, 1986 at sinang-ayunan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng isang plebisito noong Peb. 2, 1987. Tinawag itong Saligang Batas ng 1987.

Page 6: Q4 lesson 28 corazon aquino

Karapatan sa Pagboto• Muling ibinalik sa mga

Pilipino ang karapatang pumili ng kanilang mga pinuno sa loob ng mahabang panahon. Ginanap ang unang halalan sa ilalim ng bagong saligang batas noong Mayo 11, 1987. Ito ang unang malayang halalan makalipas ang 15 taon.

Page 7: Q4 lesson 28 corazon aquino

Pagbawi sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos

• Itinatag ng pangulo ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) upang muling mabawi ang mga yaman ng bansa na ninakaw ng pamilya Marcos. Tinatayang aabot sa 10 bilyong dolyar ang nawala sa kaban ng bayan noong panunungkulan ni Pang. Marcos.

Dating senador Jovito Salonga, unang pinuno ng PCGG.

Page 8: Q4 lesson 28 corazon aquino

Libreng Edukasyon

• Sa bisa ng RA 6655 o Free Secondary Education Act of 1986, naging libre ang pag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementarya at mataas na paaralan sa buong bansa.

Page 9: Q4 lesson 28 corazon aquino

Konklusyon:

• Bagamat maari pa, hindi na muling tumakbo sa pagkapangulo si Corazon Aquino sa sumunod na halalan noong 1992. Nanatili na lamang siyang aktibo sa mga gawaing pansibiko matapos magretiro. Pumanaw siya noong Aug. 1, 2009 na ipinagluksa ng buong bansa. Kinikilala siya ng mundo bilang Ina ng Demokrasya.