radio bits (jun2013)

2
Issue No. 06 S/2013 Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscasters at broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalaman ng sambayanang Pilipino. Uri ng negosyo ayon sa pagmamay-ari May iba’t ibang klase ng negosyo ayon sa pagmamay-ari. Kadalasan, nakahanay ito ayon sa bilang ng nagtatag at namuhunan. Narito ang mga uri nito: Solong pagmamay-ari o sole proprietorship. Ito ang pinakamadaling itatag na negosyo. Ang may-ari mismo ang gumagawa ng lahat ng desisyon. Dahil isa lang ang may-ari, siya lang ang mag-iintindi sa oras, atensyon, at pananalapi na kailangan sa negosyo. May kasosyo o partnership. Mula dalawa hanggang limang katao ang magkasosyo sa ganitong uri ng negosyo. Sa partnership, magkakaroon ng check and balance ang magkasosyo kaya maiiwasan ang pang-aabuso. Magkatuwang din na haharapin ng magkasosyo ang mga problema. Sila rin ang magkasama sa tagumpay o pagkalugi nito. Korporasyon. Hindi dapat bababa sa lima ang mga miyembro o shareholders sa pagtatatag ng korporasyon. Mas malaki rin ang oportunidad nito sa paglago. Ang pananagutan din ng shareholder ay limitado sa puhunang nilagak o limited liability. May pagkakataon din upang magkaroon ng propesyonal na pamamalakad ang negosyo at mas madalas na mahirap buwagin. Kooperatiba. Kagaya ng korporasyon, ang pananagutan ng shareholder ay limitado lamang sa puhunang nilagak. Sa ganitong uri ng pagmamay-ari, mas marami ang mga miyembro at makikinabang. Maaari ring kumuha ang isang kooperatiba ng professional manager para mamahala. Higit sa lahat, ang mga kasapi ay hinihingan ng partisipasyon sa pagpapasya. Ilang uri ng maaaring gawing negosyo Bago simulan ang pagnenegosyo, alamin muna kung anong klase ng produkto o serbisyo ang ihahatid sa pamilihan. Narito ang ilang ideya kung anong uri ng negosyo ang maaaring itayo: Paggawa ng produkto. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang de lata, laruan, damit, preserved foods, at handicrafts. Pwede ring ihanay sa kategoryang ito ang paglalako ng mga kakanin at pagtatayo ng karinderya. Maaari rin namang maging supplier para sa mga natatanging pangangailangan o specialized markets tulad ng mga kagamitang pang-industriya, makinarya, at mga spare parts. Pagbibigay ng serbisyo. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagkukumpuni, pag-iimprenta, pananahi, at barberya o beauty parlor. Gayundin ang catering, boutique, videoke, sports club, fitness gym, massage at wellness spa, Internet shop, call center, web designing, tutorial center, at business programming. Pagpoproseso o paghahanda sa paggawa ng produkto. Sa pagpoproseso, hindi nangangahulugang gagawin ang kabuuang hakbang sa paggawa ng produkto; maaaring ilan lamang sa mga ito. Halimbawa nito ang paghahanda sa mga raw materials gaya ng paggigiling ng mais, palalagari ng kahoy, o pagpuputol ng yero. Maaari rin namang ilang finishing gaya ng pagbabarnis, pagpapakinis, pagbabalot, o pagtatali. Maisasama rin sa kategoryang ito ang pagbuburda, pag-uukit, at ang testing sa quality control. Pagiging subcontractor. Ito ay ang pagbibigay ng produkto o serbisyong kailangan ng ibang negosyo. Kadalasan, ang mga malalaking negosyo ang nangangailangan ng subcontractor. Ilan sa mga halimbawa ay manpower services at construction agency. Dapat may isa o dalawang kompanya na kukuha sa negosyo upang maging subcontractor upang matiyak ang pagkakaroon ng kita. Rewards ng pagiging isang entrepreneur Nakasanayan na sa Pilipinas na kapag sinabing trabaho ay tumutukoy lamang sa pagiging bahagi ng kompanya kung saan ang isang indibidwal ay may boss at dapat sumunod sa mga patakaran. Naging kagawian na sa pagtukoy ng stable na buhay ang pagkakaroon ng trabaho sa opisina. Dahil dito, natatakot ang mga potensyal na entrepreneurs na sumugal sa kapalaran. Narito ang mga positive sides ng pagiging isang entrepreneur: Magkakaroon ng malaking oportunidad na mapalago ang pera. Kapag nagtayo ng sariling negosyo, mas makikita ang paglabas at pagpasok ng salapi. Hindi limitado ang paraan upang kumita at mapalago pa ito. Ang pagkakaroon ng malaking kita ay depende sa panahon at pagsisikap na igugugol sa negosyo. Mas may panahon na mapalawak ang abilidad at pagkamalikhain. Ang negosyo ay madalas nagsisimula sa mga ideya na nakakalap sa iba’t ibang karanasan. Sa pagtatayo ng negosyo, gumagawa at umiisip ng mga paraan ang negosyante upang makilala ang kanyang negosyo ng nakararami at hindi siya titigil hanggang ito ay maging matagumpay. Pagkakaroon ng matibay na loob sa pagharap sa mga pagsubok .Ang pagsisimula ng negosyo ay isa ring kasiyahang hindi mapapantayan. Mas magkakaroon ng lakas ng loob na humarap sa mga hirap at problemang dala ng negosyo. Pagkakaroon ng sense of fulfillment. Sa paghawak ng malaking responsibilidad, mas makikilala at magkakaroon ng respeto sa sarili.

Upload: department-of-trade-and-industry

Post on 20-Feb-2016

221 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

A monthly publication distributed to radio stations nationwide, this contains tips for consumers, investors, and entrepreneurs.

TRANSCRIPT

Page 1: Radio Bits (Jun2013)

Issue No. 06 S/2013

Kalipunan ng mga impormasyong tinipon at sinulat para sa mga newscastersat broadcasters sa mga himpilan ng radyo sa buong bansa para sa kaalamanng sambayanang Pilipino.

Uri ng negosyo ayon sa pagmamay-ariMay iba’t ibang klase ng negosyo ayon sapagmamay-ari. Kadalasan, nakahanay ito ayonsa bilang ng nagtatag at namuhunan. Naritoang mga uri nito:• Solong pagmamay-ari o sole proprietorship.

Ito ang pinakamadaling itatag na negosyo.Ang may-ari mismo ang gumagawa ng lahatng desisyon. Dahil isa lang ang may-ari,siya lang ang mag-iintindi sa oras, atensyon,at pananalapi na kailangan sa negosyo.

• May kasosyo o partnership. Mula dalawahanggang limang katao ang magkasosyosa ganitong uri ng negosyo. Sa partnership,magkakaroon ng check and balance angmagkasosyo kaya maiiwasan ang pang-aabuso.Magkatuwang din na haharapin ng magkasosyoang mga problema. Sila rin ang magkasamasa tagumpay o pagkalugi nito.

• Korporasyon. Hindi dapat bababa sa limaang mga miyembro o shareholders sa pagtatatagng korporasyon. Mas malaki rin ang oportunidadnito sa paglago. Ang pananagutan dinng shareholder ay limitado sa puhunang nilagako limited liability. May pagkakataon din upangmagkaroon ng propesyonal na pamamalakadang negosyo at mas madalas na mahirap buwagin.

• Kooperatiba. Kagaya ng korporasyon,ang pananagutan ng shareholder ay limitadolamang sa puhunang nilagak. Sa ganitong uring pagmamay-ari, mas marami ang mga miyembroat makikinabang. Maaari ring kumuha ang isangkooperatiba ng professional manager paramamahala. Higit sa lahat, ang mga kasapiay hinihingan ng partisipasyon sa pagpapasya.

Ilang uri ng maaaring gawing negosyoBago simulan ang pagnenegosyo, alamin munakung anong klase ng produkto o serbisyo ang ihahatidsa pamilihan. Narito ang ilang ideya kung anong uring negosyo ang maaaring itayo:• Paggawa ng produkto. Ilan sa mga halimbawa

nito ay ang de lata, laruan, damit, preserved foods,at handicrafts. Pwede ring ihanay sa kategoryangito ang paglalako ng mga kakanin at pagtatayong karinderya. Maaari rin namang maging supplierpara sa mga natatanging pangangailangano specialized markets tulad ng mga kagamitangpang-industriya, makinarya, at mga spare parts.

• Pagbibigay ng serbisyo. Ilan sa mga halimbawanito ay ang pagkukumpuni, pag-iimprenta,pananahi, at barberya o beauty parlor. Gayundinang catering, boutique, videoke, sports club,fitness gym, massage at wellness spa, Internetshop, call center, web designing, tutorial center,at business programming.

• Pagpoproseso o paghahanda sa paggawang produkto. Sa pagpoproseso, hindinangangahulugang gagawin ang kabuuanghakbang sa paggawa ng produkto; maaaring ilanlamang sa mga ito. Halimbawa nito angpaghahanda sa mga raw materials gayang paggigiling ng mais, palalagari ng kahoy,o pagpuputol ng yero. Maaari rin namang ilangfinishing gaya ng pagbabarnis, pagpapakinis,pagbabalot, o pagtatali. Maisasama rin sakategoryang ito ang pagbuburda, pag-uukit,at ang testing sa quality control.

• Pagiging subcontractor. Ito ay ang pagbibigayng produkto o serbisyong kailangan ng ibangnegosyo. Kadalasan, ang mga malalakingnegosyo ang nangangailangan ng subcontractor.Ilan sa mga halimbawa ay manpower servicesat construction agency. Dapat may isa o dalawangkompanya na kukuha sa negosyo upang magingsubcontractor upang matiyak ang pagkakaroon

ng kita.

Rewards ng pagiging isang entrepreneurNakasanayan na sa Pilipinas na kapag sinabingtrabaho ay tumutukoy lamang sa pagiging bahaging kompanya kung saan ang isang indibidwalay may boss at dapat sumunod sa mga patakaran.Naging kagawian na sa pagtukoy ng stable na buhayang pagkakaroon ng trabaho sa opisina. Dahil dito,natatakot ang mga potensyal na entrepreneursna sumugal sa kapalaran. Narito ang mga positivesides ng pagiging isang entrepreneur:• Magkakaroon ng malaking oportunidad na

mapalago ang pera. Kapag nagtayo ng sarilingnegosyo, mas makikita ang paglabas at pagpasokng salapi. Hindi limitado ang paraan upang kumitaat mapalago pa ito. Ang pagkakaroon ng malakingkita ay depende sa panahon at pagsisikapna igugugol sa negosyo.

• Mas may panahon na mapalawak ang abilidadat pagkamalikhain. Ang negosyo ay madalasnagsisimula sa mga ideya na nakakalapsa iba’t ibang karanasan. Sa pagtatayong negosyo, gumagawa at umiisip ng mga paraanang negosyante upang makilala ang kanyangnegosyo ng nakararami at hindi siya titigilhanggang ito ay maging matagumpay.

• Pagkakaroon ng matibay na loob sa pagharapsa mga pagsubok .Ang pagsisimula ng negosyoay isa ring kasiyahang hindi mapapantayan.Mas magkakaroon ng lakas ng loob na humarapsa mga hirap at problemang dala ng negosyo.

• Pagkakaroon ng sense of fulfillment.Sa paghawak ng malaking responsibilidad,mas makikilala at magkakaroon ng respetosa sarili.

Page 2: Radio Bits (Jun2013)

Produced by:Department of Trade and Industry -Trade and Industry Information Center. 2F Trade and Industry Bldg., 361 Sen. Gil J. Puyat Ave., 1200 Makati City.

Telefax: (02) 895.6487. To subscribe, e-mail: [email protected]

Mga tips para sa estudyanteng entrepreneurMayroong iba’t ibang uri ng negosyante. Ang ilansa mga ito ay mas pinili ang mamuhunankaysa sa pumasok sa isang kompanyabagaman maganda ang tinapos na kurso sa kolehiyo.Hindi rin lahat ng negosyante ay nakataposng pag-aaral. Ang iba ay mga estudyante pa lamangna nagnanais na makatanggap muna ng diplomabago higit na paunlarin ang negosyo. Narito ang ilangtips para sa mga estudyanteng entrepreneur:• Alamin ang tunay na saloobin. Higit sa lahat

ng aspeto, ang unang hakbang para sapagsisimula ng negosyo ay ang alaminang sariling kasiyahan. Piliin ang interes at hiligdahil ang pagmamahal sa isang gawainang magbibigay ng inspirasyon para tumagal ito.

• Matuto ng time management. Ang pagsabayinang pag-aaral at pamamalakad ng negosyoay hindi biro. Kailangang bigyan ng pansinang tamang paghahati sa oras upang mabalanseang mga gawain at maging parehong matagumpaysa pag-aaral at pagnenegosyo.

• Maging higit na palakaibigan. Ang mga guroat kamag-aral ay hindi lamang nagsisilbingmga mamimili, sila rin ay makatutulongsa pagbibigay ng mga payo para sa ikagagandang negosyo. Gamitin ang kanilang mga komento,positibo man o negatibo, upang higit na mapaunladang nasimulan na.

• Gamitin ang mga libreng resources. May mgalibreng resources na makikita sa librarygaya ng libro, magasin, at kompyuter. Gamitinang mga ito upang madagdagan ang mgakaalaman sa pagpapaunlad ng negosyo.

• Maging agresibo, maparaan, at malikhain. Gamitinang batang kaisipan sa pagtuklas ng mga bagongprodukto at serbisyo na maaaring ihatidsa mga konsyumer. Huwag matakot sa paggawang mga kakaibang bagay na wala pa sa merkado.Sikapin na madaling makita ang mga materyalesat mayroong sapat na supply nito sa sariling lugar.

• Sumunod sa mga patakaran. Hindi ligtassa mga alituntunin ang pagiging estudyantesa pagtatayo ng isang legal na negosyo.Mas maayos ang pamamalakad sa isang negosyokung ito ay dumaan sa tamang proseso. Dapatitong irehistro sa mga ahensiya ng gobyernopara sa mga kaukulang permits.

• Alagaan ang sarili. Ang pag-aalaga sa kalusuganay isa sa mga puhunan na dapat ingatanlalo na kung isang tao lamang ang namumunosa pagpapalakad ng negosyo. Hindi lamangang negosyo ang dapat bigyan ng pansin kundimaging ang mga libro at pagsusulit sa paaralan.Kaya kailangan na laging masigla at malusog

ang pangangatawan.

Mga kapakinabangan ng pagdalosa mga trade fairsAng mga trade fairs ay tinatawag ding trade shows,trade expo, o exhibitions. Maraming tulad nitoang matatagpuan sa mga kilalang malls. Kung ikaway isang negosyante, ang pagpunta sa mga trade fairsay maaaring makatulong sa pagsisimula ng isangnegosyo. Narito ang ilang mga kapakinabangan:• Batayang kaalaman. Ang pagdalo sa mga trade

shows ay nagbibigay ng mga ideya upang mahanapang ninanais na negosyo. Maraming malalamanmula sa mga exhibitors na handang magbahaging mga kaalaman tungkol sa kanilang mga produktoat serbisyo.

• Mababang halaga ng produkto. Maraming muranghalaga ang mabibili sa mga trade fairs sapagkatkaramihan sa mga sumasali rito ay ipinakikilalapa lamang ang mga kanilang mga bagong tuklasna produkto.

• Pagkilala sa mga suppliers. Ang ibang mgaexhibitors ay maaaring mga suppliers din.Alamin kung sino ang higit na makatutulongupang mapanatili ang daloy ng suppliessa sariling tindahan.

• Pagkakaroon ng pagkakataon na makatulongsa iba. Ang pagkakaroon ng sariling negosyoay magiging malaking tulong sa kapwa dahilmakapagbibigay ito ng mga bagong oportunidad.Kapag naging matagumpay ang negosyomangangailangan ito ng maraming tauhan kung

saan makapagbibigay ng kabuhayan sa mga tao.

Mga dapat tandaan kapag tag-ulanTag-ulan na naman at kailangang maghanda dahil hindinatin alam kung kailan ito bubuhos nang malakas.Marami ang nagkakasakit sa tuwing tag-ulankaya kailangang magkaroon ng malakas napangangatawan bago ito sumapit. Narito ang ilangpaalala sa panahon ng tag-ulan:• Ihanda ang payong, kapote, jacket, o kahit

anong panangga sa ulan. Huwag kalimutanang mga ito lalo na ang payong na gagamitinkapag bumugso ang malakas na buhos ng ulan.

• Kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C.Ang vitamin C ay nakapagpapatibay ng atingimmune system. Maiiwasan ang pagkakaroonng sipon at ubo kung madalas na kumakainng mga citrus fruits katulad ng dalandan at lemon.

• Uminom ng maraming tubig at juices. Sanayinang sarili sa pag-inom ng tubig at mga inumingmayaman din sa vitamin C. Sa pamamagitan nito,maiiwasan ang pagkakasakit dahil lilinisinnito ang katawan upang matanggal ang mgamikrobyo at bakterya.

• Maligo agad kapag naulanan o pagkataposlumusong sa baha. Ang ating katawanay nakasasagap ng sakit dahil sa biglaangpagbabago ng temperatura.Ang pagligoay makatutulong sa katawan sa pag-akmasa malamig na temperatura at malilinis nitoang katawan laban sa mga impeksyonat mga bagay na maaaring magdulot ng sakit.

• Iwasang magsuot ng sapatos na madalingmasira kapag nabasa. Ugaliin ang pagsusuotng sapatos na matibay kapag tag-ulan.Gumamit din ng bota upang maiwasanang mga sakit na dulot ng maruming tubigkung bumabaha. Uso na ngayon ang mga botangnatutupi kaya mainam na magbaon nitoupang maging handa kapag kinailangang lumusongsa baha.