reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo
TRANSCRIPT
![Page 1: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/1.jpg)
Aralin:Ang Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo
![Page 2: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/2.jpg)
–
7. Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa KristiyanismoAP5PKE- IIg- f-7
![Page 3: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/3.jpg)
Balikan natin ang mga pangyayari noong dumating mga Espanyol–Tukuyin ang mga pangyayaring isinasaad ng bawat larawan
![Page 4: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/4.jpg)
Unang misa sa Pulo ng Limasawa (Mazau).
![Page 5: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/5.jpg)
Sina Raha Humabon at ang kanyang asawang si Juana ay nagpabinyag sa Katolisismo kay
Padre Valderama
![Page 6: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/6.jpg)
Maraming katutubo ang nagpabinyag at maluwag na tinanggap ang mga aral, at
paniniwala ng Katolisismo nang dumating sina Miguel Lopez de Legazpi at Padre Andres de
Urdaneta.
![Page 7: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/7.jpg)
Kasabay ng paglaganap ng relihiyong Katolisismo ang pagtatag naman ng pamahalaan hanggang sa lumawak ang mga lupaing nasasakupan ng mga
Espanyol.
![Page 8: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/8.jpg)
Ano ang mararamdamn mo kung…
![Page 9: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/9.jpg)
..sinira at sinunog ang pamana ng iyong ninuno?
![Page 10: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/10.jpg)
…ibinababa ang iyong pagkatao at ang lahi mo?
![Page 11: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/11.jpg)
…nais mong maglingkod sa simbahan pero di ka binibigyan ng pagkakataon?
![Page 12: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/12.jpg)
…hindi ka binigyan ng maayos na serbisyong panrelihiyon dahil mahirap ka o walang pambayad?
![Page 13: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/13.jpg)
Sino-sino kaya ang mga nakaranas ng di kanais-nais na pangyayari sa kamay ng mga Espanyol at anu-ano ang kanilang ginawa?
![Page 14: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/14.jpg)
Noong 1621, hinikayat ni Tamblot, na isang babaylan, ang mga katutubo ng Bohol na manumbalik sa dati nilang paniniwala.
![Page 15: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/15.jpg)
Sina Bankaw, datu ng Limasawa at Pagali, isang babaylan, ay tumalikod sa Kristiyanismo upang manumbalik sa dati nilang pananampalataya. Maraming katutubo ng Leyte ang nakumbinsi nila.
![Page 16: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/16.jpg)
Noong 1625, hinikayat naman nina Miguel Lanab ng Cagayan at Alababan ng Apayao ang mga Itneg na bumalik sa bundok at doon nila ipagpapatuloy ang kanilang kinagisnang pananampalataya. Sinunog nila ang mga simbahan at kinuha ang maaari nilang gamitin.
![Page 17: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/17.jpg)
Pinamunuan ni Tapar sa Oton, Iloilo noong 1663 ang pakikipaglaban. Nais ni Tapar na magtatag ng bagong relihiyon batay sa Kristiyanismo ngunit tinutulan ito ng mga prayle.
![Page 18: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/18.jpg)
Pinamunuan naman ni Francisco Dagohoy, na isang cabeza de barangay ang pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas dahil tumanggi ang prayle na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na namatay sa duwelo. Nagsimula ang pag-aalsa noong 1744 at nagtapos noong 1829
![Page 19: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/19.jpg)
Sa lalawigan ng Quezon, noong 1841, itinatag ni Apolinario de la Cruz na kilala sa tawag na Hermano Pule ang Cofradia de San Jose . Bilang isang debotong Katoliko, nais ni Hermano Pule na maging pari ngunit siya ay tinanggihan dahil sa siya’y isang indio. Dahil dito, itinatag niya ang nasabing samahan at maraming nahikayat na sumapi dito.
![Page 20: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/20.jpg)
May mga Pilipino rin na tahimik na bumalik sa dating paniniwala.
Ang mga Muslim at Ifugao ay hindi nahikayat ng mga pari sa pagiging Katoliko. Matatag ang mga Muslim at hindi nila ipinagpalit ang Islam. Ang mga Ifugao naman ay nagpakalayu-layo upang hindi marating ng pari.
![Page 21: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/21.jpg)
Tandaan: Apat ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagtatatag ng Katolisismo sa Pilipinas
(1) Sumampalataya nang lubos,
(2) Nag-alsa, (3) Tahimik na bumalik sa dating pananampalataya,
(4) Nagpakalayu-layo para hindi marating ng mga pari.
![Page 22: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/22.jpg)
A. Gumawa ng tsart tulad ng nasa ibaba sa iyong kuwaderno. Punan ng mga datos na kinakailangan. Sa ikalawang hanay, isulat ang dahilan ng pag-aalsa at sa ikatlong hanay isulat ang katwiran kung sang-ayon ka o hindi sang-ayon.
![Page 23: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/23.jpg)
TAONG NAG-ALSA DAHILAN KATWIRAN
1. Tamblot
2. Bankaw
3. Lanab
4. Tapar
5. Dagohoy
6. Apolinario Dela Cruz
![Page 24: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/24.jpg)
B. Sagutin mo sa iyong kuwaderno ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit iba-iba ang naging pananaw ng mga Pilipino sa Katolisismo?
2. Bakit nag-alsa ang ilang Kristiyanong Pilipino? 3. Bakit hindi narating ng mga Espanyol ang
ibang lugar tulad ng Cordillera?
![Page 25: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/25.jpg)
Pangkatang Gawain
Isaalang-alang ang mga
pamantayan sa pagsasagawa ng
Pangkatang Gawain
![Page 26: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/26.jpg)
Unang Grupo – Pumili sa mga reaksyon/pag-aaklas ng mga Pilipino at isadula ito.
Ikalawang grupo – Pumili ng isang pangyayari tungkol sa reaksyon o pag-aaklas panrelihiyon
![Page 27: Reaksyon ng pilipino sa kristiyanismo](https://reader035.vdocuments.net/reader035/viewer/2022081414/58735de81a28abe7648b4f53/html5/thumbnails/27.jpg)
Ikatlong grupo at Ikaapat na grupo
Magdebate tungkol sa paksa:
Dapat bang mag-alsa laban sa pang-aapi ng mga prayle, o manahimik na lang sapagkat sila ay sugo ng Diyos?