repeater

5
Repeater Biyernes. Nagkatampuhan kami ng anak ko dahil sa pahayag na ito “Nay, may praktis kami bukas ha.” Hay-skul. Ang panahong in na in ang bangs with matching limang piso na lip gloss. Panahong ang pagtaas ng ‘krimen’ sa kabataang tulad ko ay usong-uso. Mula first year hanggang fourth year (ano pa kaya kapag may K to 12 na noon) First day high, fresh faces ika nga. Pinili kong umupo sa likuran. Marami-rami na rin ang nasa loob ng klasrum. Ngunit isa sa kanila ay wala akong kakilala. Walang may balak magsalita. Pakiramdaman ang lahat. Hanggang sa may isang tumingin sa akin. Naging tatlo. Lima. Walo at halos lahat na yata sila. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin din sa kanila. Maya-maya’y kinalabit ako ng katabi ko sabay bulong “Umutot ka ba?” First impulse, galit-galitan ang drama ng lola mo (super baho ba naman kasi) at todo-deny talaga. 1

Upload: elden-cunanan-bonilla

Post on 08-Jul-2016

7 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

Repeater

TRANSCRIPT

Page 1: Repeater

Repeater

Biyernes. Nagkatampuhan kami ng anak ko dahil sa pahayag na ito “Nay, may praktis

kami bukas ha.”

Hay-skul. Ang panahong in na in ang bangs with matching limang piso na lip gloss.

Panahong ang pagtaas ng ‘krimen’ sa kabataang tulad ko ay usong-uso. Mula first year

hanggang fourth year (ano pa kaya kapag may K to 12 na noon)

First day high, fresh faces ika nga. Pinili kong umupo sa likuran. Marami-rami na rin ang

nasa loob ng klasrum. Ngunit isa sa kanila ay wala akong kakilala. Walang may balak

magsalita. Pakiramdaman ang lahat. Hanggang sa may isang tumingin sa akin. Naging

tatlo. Lima. Walo at halos lahat na yata sila. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin

din sa kanila. Maya-maya’y kinalabit ako ng katabi ko sabay bulong “Umutot ka ba?”

First impulse, galit-galitan ang drama ng lola mo (super baho ba naman kasi) at todo-

deny talaga.

Lumipas ang maraming buwan. Nagkakilala na ang lahat. Nagkapalagayan na rin ng

loob. Nagbukas na rin ang negosyong lending. Hiraman ng mga gamit mula sa polbo,

suklay, pabango hanggang sa ballpen na sadyang hindi ibalik.

Naalala ko ang kaklase kong si Sisa (short for Narcisa). Nagtaka ako dahil hindi na

naulit pa ang isang beses na humiram siya sa akin ng suklay. Inisip ko na nga lang

1

Page 2: Repeater

baka hindi niya type ‘yong springmaid na kulay brown na minana ko pa yata sa lolo ko.

Hanggang sa narinig ko na lang sa iba na may dalawang kuto raw na naghahalikan at

nakasabit doon sa suklay ko. Grabe! Pabebe talaga pati mga kuto noon.

Naging mayabang na rin ako minsan. Sakay ako ng dyip papuntang school noon.

Siksikan. Tinginan lang. Biglang..Tototot..totot..tototot...tototot..totot..tototot. As in to the

highest level ang bolyum ng cp kong 5110. Palakasan ng volume ang kalakaran ng

cellphone noon para malaman ng buong sambayanan na may cellphone ka.

Ilang buwan ang lumipas, nalaos ang 5110 ko. Dumating sina Nokia 8110, 8210 at iba

pa. Kaya kapag nagtetext ako, nakatago lagi ‘yong cp sa loob ng bag ko. Ok lang kahit

hindi ko na halos mabasa ang text, huwag lang nilang makita ‘yong cellphone kong may

antenna pa rin.

Take note, minsan na rin akong nagkunwang nagwawalis para lamang magpapansin

kay Bonifacio (codename ng crush ko na section Bonifacio) ngunit ang ending pala, sa

likod ko siya nakatingin dahil may pulang pintura kuno sa palda ko. Mantakin mo,

nalaman ng lahat ang unang pagbisita ni Little Red Riding Hood sa buhay ko.

Dalaga na raw ako. Kaya naman dumating sa buhay ko si Agapito. Biglang nauso noon

ang “Practice” na subject. “Nay, may praktis kami sa Sabado”, Tay babalik kami sa

2

Page 3: Repeater

Linggo dahil may meeting kay Ma’am”. Lahat ng hindi uso, pinauso ko. Kahit pangalan

ni Aga (short for Agapito), naging Charlene sa phonebook ko.

Sa katunayan ay kabilang ako sa grupong Super Sexy Girls o SSG na ako rin ang

nagtatag. Hindi rin matatawaran ang papel na ginampanan ko mula sa pangangahoy ng

mga sagot hanggang sa paglukmos ng papel at pagtapon nito sa basurahan.

Isa lamang ito sa mga isinulat kong “unforgettable moments” sa walang

kamatayan at pauli-ulit na slumbook ng kaklase ko.

Kasama din pala ako noon sa “himagsikan”. Walis tingting laban sa ballpen.

Masarap pala na parang ewan ang hayskul life. Ngayon ko lamang ito

napagtanto matapos ang pag-ire ko sa aking dalawang tsikiting na sa kabutihang palad

ay nagmana sa kanilang ama. Alam mo na kung bakit.

Super sarap pala na parang ewan ang hayskul life.

Cheating

Polbo at pagpapaganda

Escape

First crush & first love

3

Page 4: Repeater

Honor roll

Medal

Nagtatago

Teddy bear

Manang with bangs

Practice kahit walang practice

Third party

Cellphone na may antenna

4