sa ngalan ng allahzhic.ae/data/files/ebooks/tagalog e-book 3 islam and muslims.pdf · ang mga...

171

Upload: duongminh

Post on 31-Jan-2018

380 views

Category:

Documents


30 download

TRANSCRIPT

Page 1: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 2: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Sa Ngalan ng Allah

Ang Pinakamaawain at Pinakamahabagin

Page 3: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ANG ZHIC NA SERYE NG MGA AKLAT NG INTRODUKSYON SA ISLAM

Ang Islam at Mga Muslim: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya: Samah Marei

ANG ISLAM AT MGA MUSLIM

Page 4: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ANG ISLAM AT MGA MUSLIM

Page 5: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

© Zayed House for Islamic Culture 2015

Published byZAYED HOUSE FOR ISLAMIC CULTUREP.O. BOX 16090, AL-AIN, UNITED ARAB EMIRATESTEL +971 3 7089999 FAX +971 3 7810633WWW.ZHIC.AE [email protected]

ISBN 978-9948-22-061-9

Commissioned by Zayed House for Islamic Culture, UAE. Produced by Razi Group, Canada, under the supervision of Tabah Foundation, UAE.

ALL RIGHTS RESERVED. Aside from fair use, meaning a few pages or less for nonprofit educational purposes, review, or scholarly citation, no part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without the prior permission of the Copyright owner.

ZHIC has no responsibility for the persistence or accuracy of URLs referred to in this publication, and does not guarantee that any content on such websites is, or will remain, accurate or appropriate. All information is correct as of November 2009, but ZHIC does not guarantee the accuracy of such information thereafter.

Printed in UAE

© Zayed House for Islamic Culture 2015

Inilimbag ngZAYED HOUSE FOR ISLAMIC CULTUREP.O. BOX 16090, AL-AIN, UNITED ARAB EMIRATESTEL +971 3 7089999 FAX +971 3 7810633WWW.ZHIC.AE [email protected]

ISBN 978-9948-22-061-9

Kinomisyon ng Zayed House for Islamic Culture, UAE.Ginawa ng Razi Group, Canada, sa ilalim ng superbisyon ng Tabah Foundation, UAE.

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Maliban sa pinahihintulutang paggamit, ng ilang pahina o mas kaunti para sa mga hindi pinagkakakitaang layuning pang-edukasyon, pagsusuri, o iskolarling pagsipi, walang bahagi ng lathalaing ito ang maaaring kopyahin, panatilihin sa isang retrieval system, o ipadala sa anumang anyo o sa pamamagitan ng anumang paraan, elektroniko, mekanikal, pag-photocopy, pag-record o iba pa, nang walang paunang pahintulot ng may-ari ng Copyright.

Walang responsibilidad ang ZHIC sa pag-iral o katumpakan ng mga URL na binanggit sa lathalaing ito, at hindi nito ginagarantiya na ang anumang laman ng mga nasabing website ay, o mananatiling, tumpak at naaangkop. Ang lahat ng impormasyon ay tama hanggang Nobyembre 2009, ngunit hindi ginagarantiya ng ZHIC ang katumpakan ng nasabing impormasyon pagkatapos nito.

Inilimbag sa UAE

Page 6: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Al-Ain, UAE

UNANG EDISYON 2015

ANG ISLAM AT MGA MUSLIMIsang Tapiseriya ng Pananampalataya

Samah Marei

Page 7: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 8: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

mga pasasalamat

Ang lahat ng papuri ay sa Allah, Panginoon nating lahat. Malamang na hindi naisulat ang aklat na ito kung wala ang suporta at panghihikayat ng aking pamilya: ang aking mga magulang, mga biyenan, kapatid, mga anak, at higit sa lahat, sa tuwina ay maunawain at mapagbigay kong asawa, si Murtada, na isang tunay na huwaran ng mala-Propetang katangian.

Nabiyayaan akong makipagtulungan sa isang pangkat ng mga editor na nagbahagi ng mahalaga at bisyonaryong ideya ng aming inaasahang magawa at itinuring nilang mahalaga ang aking saloobin at opinyon upang ibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya sa proyektong ito.

Ang anumang pagkakamali ay akin at ang anumang makakarating sa puso ng nabiyayaang mambabasa ay mula sa Allah.

Page 9: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

viii

tungkol sa zayed house for islamic culture

Ang Zayed House for Islamic Culture (ZHIC) ay isang may kasarinlan na espesyalisadong institusyong nauugnay sa Court of the Crown Prince. Itinatag ito batay sa pananaw ng namayapang Pinuno ng UAE, si Sheikh Zayed bin Sultan al-Nahyan, at opisyal itong pinasinayaan noong 2005 ni HH Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan, Pangulo ng UAE at Pinuno ng Abu Dhabi.

Nakatuon ang ZHIC sa pagsusulong sa kultura ng Islam at pagpapabuti sa ugnayan ng magkakaibang etnisidad. Bukas ang institusyon sa mga bagong Muslim at indibidwal na gustong matuto hinggil sa Islam at kulturang Islamiko. Gumawa ang ZHIC ng mga espesyalisadong programang pang-edukasyon upang turuan ang mga bagong Muslim sa ilang wika, na nagbibigay sa kanila ng pananaw at direksyong kailangan nila upang makisama sa lipunan. Gayundin, nag-aalok ito ng mga espesyal na programa sa pagsasaulo ng Qurʾān at ng wikang Arabic, mga serbisyo sa Ḥajj, isang pampublikong aklatan at iba pang mga aktibidad sa lipunan tulad ng mga pangkultura at may temang paglalakbay at sports.

tungkol kay sheikh zayed

Si Sheikh Zayed ay ipinanganak noong 1918 sa lungsod ng Al-Ain at doon siya namalagi sa mahabang bahagi ng kanyang kabataan. Noong 1971, pagkalipas ng ilang matagumpay na taon bilang Pinuno ng Abu Dhabi, inako niya ang pamumuno sa bagong tatag na United Arab Emirates, isang pederasyon ng pitong emirate, kasama ang kabisera, ang Abu Dhabi. Ginabayan ni Sheikh Zayed ang UAE sa mga panahon ng malalaking pagbabago, at nagdala siya ng yaman, edukasyon at oportunidad sa isang rehiyong dumanas ng paghihirap sa loob ng ilang dekada. Minahal siya ng kanyang mga nasasakupan at ng bansa at nagkaroon siya ng malaking impluwensya sa pagtataguyod ng isang kultura ng mapayapang pamumuhay nang magkakasama, pagpapaubaya at pagbibigayan ng paggalang sa UAE. Pumanaw si Sheikh Zayed noong 2004 at inilibing siya sa tabi ng Grand Mosque of Abu Dhabi, na ipinangalan sa kanya. Pinalitan siya ng kanyang panganay na anak na lalaki, si HH Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.

Page 10: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ix

isang mensahe mula sa zayed house for islamic culture

Sa nakaraang ilang dekada, pinag-ugnay ng globalisasyon ang mga tao sa isa’t isa bago nag-iwan sa marami ng mga katanongan at pagnanais na malaman ang tungkol sa iba pang mga relihiyon, etnisidad at kultura. Sa mga kamakailang nagdaang taon, itong pagnanais matuto ay nakatuon sa relihiyong Islam at mga Muslim.

Kaya nagsisikap ang Zayed House for Islamic Culture na maging isang institusyong nangunguna sa pagpapabuti sa pagkakaunawaan ng mga lipunan at kultura. Layunin naming magbigay ng mabibisang cross-cultural na pagkukusang tumutulong upang mas mabigyan ng pagpapahalaga at maunawaan ng mga tao ang isa’t isa. Bahagi ng mga pagsisikap na ito ang pagbuo ng mga gawaing naaayon sa konteksto at makabuluhan na nagpapakilala sa mundo sa relihiyong Islam, at sa mahigit sa isang bilyon nitong mga tagasunod.

Ikinagagalak ng Zayed House for Islamic Culture na ipakilala ang Serye ng Introduksyon sa Islam —mga obrang nagpapakita ng mga walang katulad na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang tao sa ating panahon. Nakabatay ang serye sa masusing pananaliksik sa media upang matiyak na natutugunan ng mga ito ang mga natatanging hamon sa ating panahon.

Gusto ring samantalahin ng Zayed House ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang Tabah Foundation (UAE) at ang Razi Group (Canada) para sa kanilang walang humpay na mga pagsisikap upang maging matagumpay ang hindi pangkaraniwang at naiibang proyektong ito. Umaasa kaming magiging kapaki-pakinabang ang mga obra sa seryeng ito sa pagbibigay-alam sa mga mambabasa tungkol sa mga katotohahan ng mga prinsipyo ng Islam at ng mga taong Muslim. Ang munting pagsisikap na ito ay isang panimula sa pagpapabuti sa pagkakaunawaan, magandang pakikitungo at masaganang pamumuhay nang magkakasama.

Zayed House for Islamic Culture

Page 11: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 12: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

xi

tungkol sa may-akda

Si Samah Marei ang nagtatag ng The Whole Story, isang diversity training initiative na nakikipagtulungan sa mga samahan ng gobyerno at pribadong sektor. Siya ay miyembro ng lupon ng The Cortoba Foundation na naglalayong hikayatin ang mga Muslim na makibahagi sa kanilang panlipunang kapaligiran sa masining at konstruktibong paraan. Isa rin siyang educational consultant para sa Razi Group.

Nagtapos si Samah ng digri sa Kasaysayan sa UCLA noong 1996. Ilang taon din ang kanyang ginugol upang pag-aralan ang mga wika at kulturang Semitic sa Middle East, at kamakailan ay naatasan siyang magsulat at magwasto ng isang teksbuk na pangkolehiyo hinggil sa dibersidad. Kasalukuyan siyang naninirahan sa Niagara on the Lake, Canada kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Page 13: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

xii

transliteration key

ی/آ/ا ǎ

ب b

ت t

ث th

ج j

ح h

خ kh

د d

ذ dh

ر r

ز z

س s

ش sh

ص ş

ض ḍ

ط ṭ

ظ ẓ

ع ḁ

غ gh

ف f

ق q

ك k

ل l

م m

ن n

ه h

و w/ü

ي y/ī

ة a

ء ‘

أ a

إ i

Page 14: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

xiii

transliteration key

Page 15: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 16: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

mga nilalaman

Tungkol sa Seryeng Ito Paunang Salita 3Panimula 7 BAHAGI I: ANG SENTRO NG ISLAM unang kabanata Allah 13ikalawang kabanata Muḥammad 23ikatlong kabanata Ang Qurʾān 33ikaapat na kabanata Mga Katuruang Islamiko 41 Photo Essay: Pagsamba 50

BAHAGI II: ANG SAGISAG NG ISLAM ikalimang kabanata Ang Nabubuhay na Halimbawa 57ikaanim na kabanata Mga Kahalili at Caesar: Ang Islam pagkatapos ng Propeta 65ikapitong kabanata Photo Essay: Ang mga Buhay ng mga Nananampalataya 74

BAHAGI III: MGA HUWARAN AT KATOTOHANAN ikawalong kabanata Mga Ingles na Rosas at Olandes na Tulips: Mga Nakakamanghang Kuwento ng Islam at ng Kanluran 83 Photo Essay: Pagtataguyod sa Tiwala 94ikasiyam na kabanata Ang mga Kakambal ng Kalalakihan 99ikasampung kabanata Photo Essay: Ang Islam at Kultura 106ikalabing-isang kabanata Katarungan at Kapayapaan sa Islam 111ikalabindalawang kabanata Photo Essay: Mga Muslim Sa Kasalukuyan 118ikalabintatlong kabanata Ang Islam at ang Makabagong Mundo 127

Mga Tala 142Glosaryo ng mga Termino 146Bibliograpiya 150Mga Kredito para sa mga Larawan 154

Page 17: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 18: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Tungkol sa seryeng ITo 1

tungkol sa seryeng ito

Ang serye ng mga aklat na ito ay bunga ng pagtutulungan ng mga multi-dispilinaryong pagsisikap na naglalayon ng kapanabikan at pagkahalina sa mga mambabasa habang nalilinaw ang mga turo ng Islam ayon sa pagkakaunawa ng mga Muslim. Ang tuon nito ay ang pagbibigay ng impormatibong perspektiba sa mga mambabasa sa buong daigdig hinggil sa Islam at mga Muslim sa kontemporaryong mundo. Dinisenyong mabuti ang mga aklat sa seryeng ito upang ipaliwanag ang panloob na sistema ng paniniwala at pananaw ng mga Muslim at iniwastong mabuti upang bigyang-kaalaman at hikayatin ang mga mambabasa mula sa iba pang mga kultura at relihiyon na may kaunti o walang nalalaman hinggil sa Islam. Bagaman ang serye ay batay sa mabusising pananaliksik, nangangako itong magbigay ng impormasyon sa madaling maunawaan at malinaw na paraan.

Sa kasalukuyan, ang serye ay nakapaglathala na ng isang aklat. Ang una sa mga ito ay Ang Islam at ang mga Muslim: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya, isang bagong introduksyon sa Islam na pinagsasama ang kagandahan ng paggamit ng larawan at makabuluhang nilalaman. Ang unang aklat ay susundan ng dalawa pang aklat, ang Ipalaganap sa Pamamagitan ng Salita: Mga Karaniwang Tanong tungkol sa Islam at mga Muslim na isang makatawag-pansing paglalakbay sa lawak ng mga pinakalaganap na maling pagkakaunawa at di-nililinaw na persepsyon hinggil sa mga Muslim at sa kanilang pananampalataya ngayon; at ng isang aklat tungkol sa Propeta ng Islam.

Page 19: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 20: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Paunang salITa 3

Ginugol ko ang nakaraang ilang taon bilang isang propesyonal na diversity trainer. Ang trabaho ko ay ang magsagawa ng mga workshop sa kakayahang pangkultura at tulungan ang mga samahan sa mga partikular na paksa ng mga posible o aktwal na salungatan ng kultura. Kapag nagbibigay ako ng mga halimbawa, sinasadya kong iwasang gamitin ang aking relihiyon upang mapanatiling propesyonal ang pagtalakay sa paksa. Ngunit halos walang pagbubukod na ang bawat presentasyong ibinibigay ko sa pribadong sektor o publiko, malalaki man o maliliit na pangkat, ay palaging humahantong sa sunud-sunod na tanong ng mga tagapakinig tungkol sa Islam. Upang hindi ako maakusahang nangangalap ng mga bagong kasapi, sinusubukan kong ibalik ang talakayan sa pangunahing paksa, ngunit nagpapaiwan ang ilang tagapakinig sa aking entablado matapos ang presentasyon.

Sa susunod na ilang pahina, susubukan kong sagutin ang mga tanong na narinig ko at mga tanong na ako mismo ay nagtanong, sa mga nagdaang taon bilang isang Muslim na lumaki sa Amerika at bilang isang Amerikanong naglalakbay sa mundo ng Muslim. Noong nagsimula akong magsulat, hindi ako ganap na kumbinsido na handa ang “merkado” para sa isa pang aklat tungkol sa mga Muslim, ngunit sa pagitan ng mga ulo ng mga balita at araw-araw na interaksyon, naipaalalang muli sa akin ang kasalukuyang agwat sa pagkakaunawaan; isang agwat na lumiliit sa ilang lugar at patuloy namang lumalaki sa iba. Gayundin, sa kabila ng maraming literatura tungkol sa Islam, may nakikita pa rin akong malalaking maling pananaw tungkol sa pananampalataya; karaniwan pa ring umiiral sa paligid nang walang kahit kaunting pagnanais na alamin kung tama ito o kung tumpak ang impormasyon. Mula sa maling pananaw na kasimpayak ng paniniwalang ang Islam ay isang pasistang ideolohiyang nakasentro sa pagsakop sa buong mundo hanggang sa ideya na ang mga turo ng Islam ay nanghihikayat ng pag-uusig sa kababaihan— ang lahat ng mga nasabing ideya ay masyadong batid.

Paunang salita

Page 21: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

4 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Mukhang nasagot na ng mga naunang aklat ang ilang nagtatanong, ngunit hindi ang iba. Ang sinusubukan dito ay ang pagpapakilala sa Islam na tinatalakay ng mga Muslim sa mga kapwa Muslim. Mga pinaikling katotohanan at pagkakaunawa na nagbibigay-alam tungkol sa pag-uugali ng mga tagasunod ng relihiyong ito. Hindi ito obrang panghikayat; hindi ito obrang pagpapaumanhin. Hindi rin ito isang nakahiwalay na aklat pang-iskolar tungkol sa isang paksang hindi pamilyar sa may-akda. Sa kabila ng lahat, ito ang aking relihiyon na aking tinatalakay.

Sa aklat na ito, sinadya kong mahulog sa patibong ng wika: ginamit ko ang mga salitang Ang Kanluran, Ang Mundo ng Islam, o Mga Muslim na para bang ang alinman sa mga ito ay nailalarawan na malalaking tipak ng bato. Napilitan akong gumawa ng mga paglalahat na sa karaniwan ay sasabihin kong iwasan ng iba, ngunit hindi maiiwasan ang mga ito dito. Inaasahang mauunawaan ng mambabasa na ang bilyun-bilyong tao, kahit pa nakatira sa parehong lugar o sumusuporta sa parehong pangkalahatang prinsipyo, ay hindi mapagsasama-sama nang tama at hindi rin isa-isang mailalarawan sa ganitong sukat ng aklat.

Ilang dekada nang sinusubaybayan at pinag-aaralan ng sandaigdigan ng mga Muslim ang kultura at mga pinahahalagahan ng mga tao sa Kanluran. Ang mga mukha at larawang ipinapakalat sa buong mundo ay masyadong kontrolado; inayusan, ginamitan ng maraming ilaw, at iniwasto sa photoshop hanggang sa hindi na makilala. Inilalarawan nila ang isang maganda at mapayapang mundo na hangal lang ang kukuwestiyon.

Makakakita rin kayo dito ng mga larawang pinili ng mga Muslim upang ilarawan ang kanilang mga sarili. Ang mga mukha at itsurang agad nating makikilalang atin—hindi ang mararahas na karikaturang matagal nang ipinagpipilitan sa atin. Napili ang mga larawan upang maayos na bumagay sa pagkakaunawang ito. Sinisikap ng aklat na buksan ang bintana ng mga larawan na nagbibigay-daan upang malinaw na makita ang mga Muslim kung sino sila at kung paano nila nakikita ang kanilang mga sarili; masalimuot at magkakaiba, hindi palaging galit, hindi palaging napapaloob sa isang mundo ng mga reklamo, at tiyak na hindi iisang dimensyon. Inihahain nito ang isang salaysay tungkol sa pagkamakatao ng Muslim na pamumuhay sa kasalukuyan; na bumubuo sa teksto sa ilang bahagi, at sa iba naman ay nag-iiwan ng mga salita at nagpapahayag ng higit pa sa kaya ng mga ito. Ang pagpili at pagkuha ng mga larawan ay isinalig sa isang bagong henerasyon ng mga talentadong potograpo, mga Muslim at hindi Muslim, na may malikhain at malilinaw na lente para sa walang kinikilingang paglalarawan ng kagandahan, atmospera at detalye.

Page 22: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Paunang salITa 5

Ang mukha ng Islam na pinakakaraniwan nating nakikita ngayon ay ang mukha ng isang komunidad na pinahihirapan. Ito ang reaksyon ng isang paksyon na nang-iwan sa kanilang mahahalagang ari-arian upang lumaban sa isang sapalarang labanan kontra sa mga sumasalakay na hukbo, totoo man o kathang-isip. Ang magandang balita ay may matitinong pag-iisip na nagbabantay sa mahahalagang ari-ariang ipinagkatiwala sa kanila; sa sentro ng mga paniniwala, pinahahalagahan at kaugalian na siyang pinakamahahalagang bahagi ng komunidad ng mga Muslim. Ang Banal na rebelasyon ay nasa kanilang pag-iingat. May mga taong ganito, nakilala ko na sila, at maganda ang kanilang pananaw sa buhay.

May isang henerasyon sa amin, na walang tiyak na kulturang kinabibilangan, na hindi lumaki sa mga bansa kung saan ang karamihan ay mga Muslim at nasa bukod-tanging posisyon upang ipakilala ang aming relihiyon. Naihihiwalay namin ang pananampalataya sa mga palamuti ng kultura na minsan ay nagpapayaman sa lokal na pagsasagawa ng relihiyon, ngunit ganoon din, napapanatili namin itong walang pagsulong, nakasadlak sa mga ideya ng isang partikular na panahon at lugar. Dahil lumaki ako sa California, ang aking kultura ay ang kultura ng aking mga nakatatandang kapatid, pinsan at kaibigan. Kung ano ang itinuturing nilang tama ay tama. Ang relihiyon ay isang bagay na isinasagawa ng aming mga magulang ngunit hindi talaga nakaabala sa mga buhay namin. Noong nagpasya kaming pag-aralan ang aming relihiyon, nagawa namin iyon dahil gusto namin, walang anuman sa aming kinalakhang bansa ang namilit o nanghikayat sa aming gawin iyon. Ang mga nagpursigi sa aming relihiyon ay naharap sa mga hamon ng pagiging totoo. Kaninong “Islam” ang tama? Dahil walang tumatayong parang santo-papang mahihingan ng tulong, naharap kami sa krisis sa kakulangan ng awtoridad.

Dahil sa krisis na ito, napadpad ako sa sentrong rehiyon ng Islam; muli, ito ay isang salitang ginagamit ko nang walang paghihigpit dahil nalaman kong may ilang aspekto ang aking relihiyon na mas ganap kong naisasagawa sa mga lupaing hindi Islam. Nagawa kong gamitin ang aking Kanluraning edukasyon sa pag-aaral sa mga sinauna at modernong teksto. Dahil hindi ko alam ang mga patakaran sa pakikipag-ugnayan, naitanong ko ang mga bagay na hindi kailanman kinailangang masagot o hindi naisip na itanong ng karamihan ng mga katutubo. Bagaman nagawa ko ang halos lahat ng posibleng pagkakamaling pangkultura, nagkaroon ako ng pagkakaunawa sa aking relihiyon na sa tingin ko ay hindi sana naging posible kung hindi dahil sa Kanluraning pagpapalaki sa akin. Ang aklat na ito ay isang pagsubok na ibahagi ang aking natutuhan.

SAMAH MAREI

Page 23: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 24: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Tinatangkang ipakita ng aklat na ito ang mga ideyal ng Islam nang hindi isinasaideyal ang mga Muslim. Maraming iba't ibang uri ng mga Muslim. Pinagsasama ng ilan ang mga panlabas na gawi at ang kasuklam-suklam na kalooban; sa kasamaang palad, sa kanila tayo naging pinakapamilyar: ang mga pumupuri kay Allah habang kumikitil ng buhay. Sinasagisag ng ilan ang diwa ng ipinangaral ng Propetang si Muḥammad ngunit maaaring hindi sumusunod sa kasulatang itinuro niya. May mga hindi naniniwala sa diwa at sa kasulatan, ngunit matinding naniniwala sa nag-iisang pagpapatunay na walang Diyos kung hindi ang Allah at si Muḥammad ang Kanyang Mensahero. At siyempre, mayroong mga pinagsasama ang mga panloob at panlabas na turo ng relihiyon. May mga taong ganito, sa kabila ng mga kusang isinusuot na belong tumatakip sa kanilang kagandahan.

Hindi sinusubukang ilarawan ng aklat na ito ang bawat indibidwal na Muslim, at hindi rin iyon posibleng gawin. Ito ang dahilan kung bakit nagsisimula ang obra sa Ang Sentro ng Islam, na nagpapakilala sa mga sentrong paniniwala ng mga Muslim. Ipinapakita ang mga pangunahing prinsipyo sa maikli ngunit malinaw na paraan nang hindi na tinatalakay ang mga partikular sa doktrina, at binibigyang-diin ang mga detalyeng siyang pagkakaiba ng mga Muslim sa iba. Hindi lahat ng paniniwala ng isang Muslim ay natatangi sa relihiyon. Ngunit bagaman nakakatulong ang pagbanggit sa lahat ng pagkakapareho para sa pag-uusap sa pagitan ng iba’t ibang pananampalataya at pagpawi sa mga pagdududa, hindi ito masyadong kapaki-pakinabang para sa pagpapaliwanag sa pagkakakilanlan.

Inilalagay ng seksyong pinamagatang Ang Sagisag ng Islam ang mga paniniwalang ito sa konteksto ng kasaysayan. Ipinapakita dito ang malawak

Panimula

Page 25: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

8 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

na kasaysayan ng mundo ng Muslim, mula sa isang maliit na pangkat ng mga mananampalatayang nagpaurong-sulong sa paglaho hanggang sa isang imperyong mas malawak kaysa sa anumang nakita na ng mundo. Binibigyang-diin ang mahahalagang sandali sa kasaysayan ng Islam mula sa punto de bista ng isang tagaloob.

Maliit ang gampanin dito ng Kanluraning mundo, ngunit ang mga sandali lamang ng makabuluhang interaksyon ang nakadetalye.

Bilang panghuli, pagkatapos humantong sa hindi maiiwasang kinalabasan ang mga kadakilaan ng imperyong Islam at ang mga nakamit nito, tatalakayin natin sa ikatlong bahagi, ang Mga Huwaran at Katotohanan, ang mga tanong na patuloy na umuusbong. Tuwing malapit nang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na ito, may iba na namang lumalabas, na kumukuwestiyon sa mga naunang depensa at pagpapapaliwanag. Marami nang nagreklamo na hindi nagsasalita ang mga Muslim nang tapat at walang pagkiling tungkol sa kanilang relihiyon; na nagiging depensibo sila at ipinagtatanggol nila ang hindi nararapat ipagtanggol. Alam ng sinumang may nalalaman tungkol sa masisiglang debate at talakayan na nangyayari sa buong mundo sa mga unibersidad ng Islam, sa mga seminaryo at sa mga hapag-kainan kung gaano ito kalayo sa katotohanan. Walang ibang higit na napinsala ng mga kasamaan sa mundo ng Islam kung hindi ang mga Muslim mismo. Alam namin kung gaano kalayo ang mga imahe sa katotohanan, at alam namin kung gaano talaga hindi makatuwiran ang ilang katotohanang hindi ipinapakita sa telebisyon. Kilala namin ang aming relihiyon at alam namin kung ano ang ipinamana nito sa sangkatauhan at isinisigaw namin sa hangin sa pagdagsa ng mga imahe: “Hindi ito ang aming relihiyon!”

Naniniwala ang mga Muslim—muli ang paglalahat—na hindi kailangan ng kanilang relihiyon ng anumang pampaganda o anumang pambobola. Kailangan lang itong maipakilala nang walang mga pangit na nakakabit na panghuhusga batay sa kasaysayan at modernong pambabaluktot. Sa kabila ng maraming pagkakaiba-iba ng tagpi-tagping pinagmulan at karanasan ng mga Muslim, lubos akong umaasang kung mababasa ng sinumang Muslim mula sa anumang nasabing pinagmulan o karanasan ang aklat na ito, patutunayan nila na oo, ito ang aking relihiyon, ito kami.

Page 26: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 27: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 28: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

unang Bahagi

ang sentro ng islam

Page 29: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 30: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Matapos ang pagbibigay ng isang mahusay na panayam hinggil sa kababaihan sa Islam, nagsimulang sumagot sa mga tanong ang mahusay na tagapanayam na babaeng Muslim. Napatawa, napamangha at napaluha niya ang mga tagapakinig na para bang sila’y inutusang gawin ang mga iyon. Subalit ang kanyang sagot sa huling tanong na “Bakit po kayo nagsusuot ng belo?” ang higit na naikintal at tumatak sa kanilang isipan pagkatapos nilang umalis.

Ang kanyang sagot ay payak ngunit masidhi: “Sapagkat naniniwala akong ito ang nais ng Allah na gawin ko”.

Ang labis na kapuna-puna sa walang pagsisising pagkakasabi sa karaniwang sagot na iyon ay ang taong nagsatinig nito. Narito ang isang taong nakahihigit ang talino na kilalang maingat at mapanuri sa pagtitimbang ng bawat salita at diwa. Siya noon ang nangunguna sa kanyang klase sa paaralan ng medisina. Siya ngayon ay isa na sa mga nangungunang doktor sa kanyang larangan. Samakatuwid, ang babaing ito ay hindi pangkaraniwan. Sa kabila ng bawat intelektuwal na pamamaraang maaari niyang sundin, ang prinsipyong gumagabay sa kanyang buhay ay ang hindi matitinag na paniniwala sa pagkakaroon ng  isang Banal na Lumikha at ang kanyang pakikipag-ugnayan Dito.

Karamihan sa mga tuntunin at ritwal sa Islam ay makabuluhan at maipapaliwanag nang makatuwiran, tulad ng pagbabawal sa alak, pagsusugal at iba pang mga bisyo. Subalit ang dahilan ng bawat pagsamba – isang kategoryang ang sinasaklaw ay higit pang mas malawak kaysa sa inaakala sa kasalukuyan – ay iisa: ang Allah. Sa pagkakataong ang pangunahing batayan ng sopistikado at siyentipikong usapan ay ang hindi paniniwala sa pagkakaroon ng Diyos, patuloy na pinaninindigan ng mga Muslim hindi

unang kaBanaTa

allah 

Page 31: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

14 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

lamang ang pagkakaroon nila ng Diyos kundi maging ang pagiging Limang beses sa isang araw sa kanilang pagdarasal ay humaharap sa Ka’ba ang mga Muslim. Naniniwala ang mga Muslim na ang Ka’ba ay itinayo ito ng Propetang si Abraham at ng kanyang anak na si Ishmael para sa pagsamba sa Nag-iisang Diyos.

taWḤῙD: ang kaisaHan ng allaH

Ang Tawḥῑd o ang kaisahan ng Allah ay ang pinakabuod ng doktrina ng pananampalataya sa Islam. Ito ang pinakapayak at pinakamalalim. Ang paniniwala sa tawḥῑd ay ang kahalagahan ng pagiging Muslim at ito ay hindi lamang pagkilala na ang Allah ay Iisa. Samantalang may maraming katanungan at mahahabang talakayan hinggil sa mga tiyak na gawing nakapaloob sa relihiyon, ang tawḥῑd ay tiyak na inilalahad ng isa sa

Limang beses sa isang araw sa kanilang pagdarasal ay humaharap sa Ka’ba ang mga Muslim. Naniniwala ang mga Muslim na ang Ka’ba ay itinayo ito ng Propetang si Abraham at ng kanyang anak na si Ishmael para sa pagsamba sa Nag-Iisang Diyos.

Page 32: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

unang kaBanaTa: allah 15

pinakamaikling kabanata sa Qurʾān: Sabihin: “Siya ang Allah, ang Nag-Iisang Diyos. Allah, ang Walang Hanggang pag-Iral. Siya ay hindi nagsilang at hindi Siya isinilang. At sa Kanya’y walang maihahalintulad.” (112:1-4).

Ang Tawḥῑd ay ang nagbibigay-katuturang katangian ng pagkakakilanlan sa komunidad ng mga nananampalataya. Ang lahat ng iba pang mas nakikitang palatandaan ng Islam ay pumapangalawa lamang. Ang isang taong nagpapatunay sa tawḥῑd at nagkakasala ay nananatili pa ring isang Muslim. Ang isang taong nag-aayuno buong araw at nagdarasal sa gabi subalit naniniwala sa maraming Diyos (o sa posibilidad na walang Diyos) ay hindi Muslim. Malimit na iniaatas sa mga Muslim na itatwa ang ibang mga Muslim na nakakagawa ng mga malalagim na krimen laban sa sangkatauhan. Madismaya man ang nanunuligsa, ang ekskomunikasyon ng isang taong nagpapatunay sa Kaisahan ng Allah ay halos imposible, gaano man kasuklam-suklam ang taong iyon. Ang hatol na naghihintay sa kanya ay ibang usapan na.  Diyos o allaH?

Ayon sa paniniwalang Islam, ang mensahe hinggil sa lubusang kaisahan ng Diyos ay ang tuon ng lahat ng relihiyon sa pangkalahatan at lalong-lalo na ng Islam. Bilang panghuling rebelasyon, hindi kailanman hinamon ng Islam ang pagkakaroon o ang katotohanan ng mga naunang Propeta. Mas mahalaga, hindi kailanman itinuring ng mga Muslim ang Diyos sa mga Luma at Bagong Tipan bilang iba kay Allah, ang Banal na Tagapaglikha ng buong mundo. Ang mga usapan hinggil sa “ating Diyos” at “sa kanilang Diyos” ay lubos na walang saysay sa tunay na monoteistikong pananaw. Ang Allah ay hindi

kailangang ipagpapaligsahan sa iba pang Diyos sapagkat Siya ang tinutukoy na Diyos na nagligtas sa mga anak ng Israel mula sa Paraon, ang Siya ring Diyos na nagbigay-inspirasyon kay David sa kanyang mga Salmo, at ang Siya ring Diyos na tinutukoy ni Hesus nang kanyang sabihing: “ang aking dokrina ay hindi sa akin kundi sa Kanya na nagpadala sa akin.” (Juan 7:16).

May mga katanungang lumilitaw hinggil sa pagkakaiba ng mga katawagan: totoo bang magkatulad ang mga katawagang Allah at Diyos? Muli, para sa mga mananampalataya ng iisang Diyos, ang puntong ito ay may kalabuan sapagkat kailangang iisa lamang ang katawagang dapat tumukoy sa Diyos. Ngunit pinatutunayan ng mga lesikal na pagsusuri, na higit pa sa karaniwang paliwanag ng isang tagapagsalin, na ang mga katawagang ito ay higit na

ISLAM = pagsunod [kay Allah]MUSLIM = isang taong nagpapatunay sa Kaisahan ng Allah at sa pagiging Propeta ni Muhammad.

Page 33: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

16 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

magkatulad at maaaring magpalitan. Ang salitang Semitiko na Allah ay ang pinaikling Al at ilah (al: ang at ilah: siyang sinasamba). Katulad din ito—sa kahulugan at ugat—ng Ebreong Elohim at ang Aramaic na Alaha.  Ang kasalukuyang salitang Ingles na “God” ay ginagamit na bago pa ang Bibliyang King James. Ang pinagmulan nito ay batay sa Proto-Indo-European Ghuto na nangangahulugang: ang siyang tinatawag sa pagdarasal.1

PangkalaHatang MensaHe

Hindi tulad ng mga sekta o kulto na inililimita lamang sa bilang ng mga sumaping miyembro sa kanilang kulto ang pagliligtas, walang suliranin ang mga Muslim sa pagkilalang may iba pang mga nanampalataya sa iisang Diyos sa iba pang tradisyon. Habang higit pang dumarami ang mga pananaliksik na naisasagawa hinggil sa mga sinaunang relihiyon ng mga tribo ay higit ding nagiging malinaw na maging ang maliliit na relihiyong noo’y ipinalalagay na mga ganap na animistiko o panteistiko ay may di-natitinag ding paniniwala sa isang Diyos na kanilang sinasamba.2 Para sa mga Muslim, ang bagay na ito ay hindi na kataka-taka.

Hindi rin mahirap tukuyin na may mga sumasamplataya na kay Allah bago pa man isinilang si Propetang Muhammad. Sa katunayan, pinagtitibay nito ang pinakamalawak na kabuluhan ng pag-unawang ang bawat isa ay Muslim (isang taong sumusunod sa Diyos). Sa mahalagang bahagi ng kanilang nakaraan, ang bawat isa ay nagpapatunay sa kanilang pagpapaalipin sa Diyos. Ang patuloy na katapatan sa pagpapaalipin sa Kanya ang siyang pagkakakilanlan ng isang aktibong Muslim. Ang Sabi ng Allah: At nang ang inyong Panginoon ay kumuha mula sa mga anak ni Adan, mula sa kanilang mga himaymay at sila ay ginawang saksi, “Hindi ba Ako ang inyong Panginoon?” Sinabi nilang:

“Oo, kami ay sumasaksi! —baka sabihin ninyo sa Araw ng Pagkabuhay: “katotohanan sa mga ito kami ay walang nalalaman.” (7:172).

ang Mga katangian ng allaH

Ang Islam ay lubhang tiyak sa pagbibigay-katuturan sa mga katanggap-tanggap na batayan ng paniniwala sa iisang Diyos. Maaaring makadama ng pagkakatulad ang mga Muslim sa iba pang mga komunidad ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pagtuklas na ang pinakaugat ng lahat ng relihiyon ay ang pagkilala at pagsamba sa iisang Dakilang Lumikha. Subalit, anumang karagdagan sa katotohanang ito ay lubusang di-katanggap-tanggap.

Ang ikinaiiba ng Islam sa iba pang mga relihiyon ay ang pagbabawal sa paghahalintulad. Itinuturo sa teolohiyang Islam hindi lamang ang Kaisahan

Page 34: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

unang kaBanaTa: allah 17

Ang Siyamnapu’t Siyam na Pangalan ng Allah ay nakaukit sa paligid ng Mihrab Wall ng Sheikh Zayed Mosque sa Abu Dhabi, UAE.

Page 35: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

18 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ng Allah kundi maging ang kanyang lubos na kaibahan sa anuman at lahat ng Kanyang nilikha. Ang sabi ng Allah: Walang anumang makatutulad sa Kanya at Siya ang Ganap na Nakaririnig, ang Ganap na Nakakikita.” (42:11).Mapagwawaring si Michaelangelo ay nagkaroon din ng suliranin kaugnay ng paniniwalang ito nang kanyang ipinta ang Kapilya ng Sistine sa Roma. Bagama’t kailangang ang Kuwento ng Paglikha ang mauna, kanyang hinulí ang pagpinta rito, sa pakiwaring siya ay may pag-aalinlangan pa sa kanyang kakayahang ilarawan ang likha ng Panginoon hangga’t hindi pa siya bihasa sa pagpipinta.  Bagama’t sa mga Muslim ang anumang larawan ay talagang hindi katanggap-tanggap, ipinababatid dito na kahit ang isang dalubhasang pintor ay nakararamdam na siya’y hindi pa rin sapat para sa gawaing iyon. Marahil ito ay mula sa kanyang nakatagong kamalayang patungkol sa paalaala ng kanyang sariling kasunduan sa Diyos. Maaaring mapagtanto niya ang kasagutan sa kanyang mga tagong katanungan sa mga salita ng isang matagumpay na makatang Muslim nang ito’y tanungin hinggil sa Banal na Diwa:

Kalinawan na walang tubig. Kahinahunang walang simoy.Liwanag na walang apoy. Kaluluwang walang katawan.3

 Bagama’t lubusang natatangi at di-maitutulad sa anumang nilikha, ang Allah ay hindi malayo o kaya’y di-kilala. Sa katunayan, ayon sa pinakauna at pinakapinaniniwalaang bihasa sa Qur’an, sa bersikulong: “Nilalang ko lamang ang mga jinn at ang sangkatauhan upang Ako ay kanilang sambahin” (51:56), ang ibig sabihin ng pariralang “upang Ako ay kanilang sambahin” ay “kilalanin Ako”. Ang Allah ay hindi lamang maaaring kilalanin bagkus nais Niyang maging Kilala. Hinihikayat Niya ang mga nananalig sa Kanya na magmasid sa mga palatandaan sa kanilang paligid, gamitin at huwag ipiit ang kanilang mga pag-iisip upang Siya ay maabot.

“Ipapakita Namin sa kanila ang Aming mga Tanda sa sandaigdigan, at sa kanilang mga sariling katauhan, hanggang sa maging malinaw sa kanila na ito [ang Koran] ay ang Katotohanan.” (41:53)

ang Mga Pangalan ng allaH

Sa Islam ay walang pagpapari. Ang mga nananampalataya ay araw-araw at tuwirang sumasamba kay Allah nang walang tagapamagitan. Sa siyamnapu’t siyam na kilalang pangalan ng Allah, karamihan ay mga pares na nagsasalungatan, tulad ng Ang Una at Ang Huli, at ang Tagapagbigay ng Buhay at Ang Tagapagbigay ng Kamatayan. Bagama’t isa sa mga pangalan ang Lubos na Malapit, wala sa mga pangalang ito ang naglalarawan sa layo. Sa halip, ang sabi ng Allah: “Higit Kaming malapit sa kanya kaysa sa ugat sa leeg.” (50:16).

Page 36: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

unang kaBanaTa: allah 19

Ang siyamnapu’t siyam na pangalang ito na naipahayag sa pamamagitan ni Propeta Muhammad ay hindi naglalayong bigyang-limitasyon ang mga katangian ng pagkaperpekto ng Allah kundi upang tulungan ang nananampalataya na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa Banal na Katotohanan. Ang mga pangalang ito ay hindi maihihiwalay kay Allah sa kahit anumang paraan. Siya ang Hukom at ang Makatarungan, ang Tagapaghiganti at ang Tagapagpatawad. Ang lahat ng mga kahulugang ito at ng iba pang pangalan ay saklaw ng pinakamataas na pangalang Allah. Ang katangiang Siya mismong sa tuwina ang nagpapatunay ay ang Ganap na Maawain (al-Raḥmān). Halos lahat ng kabanata sa Qurʾān ay sinisimulan sa pananalitang: Sa ngalan ng Allah, Ang Pinakamaawain, at Ang Pinakamahabagin.

Ang lawak ng pang-unawa ng isang ina ay katiting lang ng Banal na Awa

Page 37: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

20 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ang aWa ng allaH

Ang pagkakapareho ng salitang Arabik na “rahma” o ang katangian ng awa sa salitang-ugat na ginagamit para tukuyin ang sinapupunan ng ina, ay hindi nagkataon lamang. Ang mga taong siyang pinakamalapit na maaaring makaunawa sa Banal na Awa ay ang ina at ang pag-aalaga nito sa kanyang supling. Minsa’y pinansin ng Propetang Muhammad ang isang inang nagpapasuso ng kanyang sanggol at kanyang tinanong sa mga kasamang: “Sa tingin ninyo ba’y kayang ihagis ng babaeng ito ang kanyang anak sa apoy?” Ang kanilang sinabi’y: “Hindi, sa ngalan ni Allah, hindi niya magagawa ang gayon”. At sinabi ng Propetang Mohammad na: “Ang Allah na siyang Dakila ay higit na maawain sa Kanyang alipin kaysa sa babaeng ito sa kanyang anak.”4

Isa pang tradisyon (ḥadῑth) ang nagpapaalala na kahit gaano kalaki ang awa ng isang ina ay katiting lamang ito sa Banal na Awa. “Pinaghati-hati ng Allah ang awa sa sandaang bahagi, at nasa Kanya ang siyamnapu’t siyam na bahagi at ang isang bahagi ay ipinadala niya sa mundo. Sa pamamagitan ng isang bahaging ito, ang mga nilalang ay nakikitungo sa isa’t isa nang may awa, kaya lubhang aalagaan ng isang hayop ang kanyang supling upang ito’y hindi masaktan.”5

Pinasalamatan ng mga Under 17 na manlalarong Egyptian ang Allah pagkatapos nilang makapuntos sa kanilang laro laban sa Chile sa Under 17 World Cup na ginanap sa Cairo Stadium.

Page 38: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ang Presensya ng allaH sa araW-araW na PaMuMuHay

Samantalang ang lahat ng mga nananampalatayang Muslim ay nagpapahalaga kay Allah bilang Siyang sentro ng kanilang buhay, mayroon namang naghahangad na higitan ang hamak na pagkilala sa Kanyang pag-iral. noong unang mga panahon ng Islam, may mga Muslim, na higit  sa iba’y nagsisikap na maranasan ang presensya ng Allah sa isang tuwiran at pangmatagalang paraan. Iniuukol ng mga taimtim na mga mananampalatayang ito ang kanilang araw sa pagsamba kay Allah at sa pagsusumikap na mapagbago ang kanilang mga sarili. Sa paghahangad ng banal na kasiyahan mula sa Allah, pinagsisikapan nilang mapagbuti ang sarili at maiiwas sa pagiging makasarili. Sa pagsusumikap nilang maging karapat-dapat sa Kabanalan, iwinawaksi nila ang mga gawaing maglalayo sa kanila sa mga minamahal. Anumang pangalan ang taglay nila, ang karamihan sa kanila’y mas nagnanais na matawag bilang

ʿAbd-Allāh o alipin ng Allah.

Page 39: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 40: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Sa bawat pahina ng kasaysayan ay nasaksihan ng mga Muslim ang kuwento ng pagkapropeta bilang patuloy na manipestasyon ng walang hanggang katotohanan at katibayan ng banal na pangako ng awa. Inilalarawan ng Qurʾān ang pagpapadala sa Propetang si Muḥammad bilang (awa sa sanlibutan). Nararapat lang na ang taong napili upang kumatawan sa panghuling pormal na mensahe ng Diyos ay isang taong ganap na kinokontrol ng kanyang hindi nagbabagong kabaitan. Noong minsang hiningi sa kanyang isumpa ang mga hindi nananampalataya, sumagot siya: "Hindi ako ipinadala upang magsumpa, ngunit ipinadala ako bilang isang nananawagan sa paraan ng Diyos at bilang isang awa.”6

Noong binigyan siya ng pagkakataong pamunuan ang lubusang pagwasak sa isang tribong namahiya sa kanya at tumuya sa dala niyang mensahe, sumagot siya: “Hindi ko hangad ang kanilang pagkawasak. Umaasa pa rin akong gagawin ng Allah na (mabubuting Muslim) ang ilan sa kanilang anak na sasamba kay Allah, ang Nag-iisa, nang hindi inuugnay ang sinuman sa Kanya.”7 Iisa ang kanyang layunin, ang katulad ding layunin ng lahat ng Propetang nauna sa kanyang ipinadala: ang ihatid ang mensaheng ibinigay sa kanya mula sa Diyos, ang parehong mensahe ng tawḥῑd na ipinadala kina Adan, Noah, Abraham, Isaac at ni David at iba pa. Ang kanyang pangunahing prinsipyo ay nakaugat sa banal na daloy ng awa. Ang bawat pagkilos na kanyang ginawa bilang Mensahero ng Ganap na Maawain ay minarkahan ng katangiang ito.

ang ugnayan ng isang MusliM sa ProPetang si MuḤaMMaD

Tinutunton ng karamihan ng mga talambuhay ang buhay ng Propetang si Muḥammad ayon sa pagkakasunud-sunod. Mahalaga ang mga ito dahil sa pagbibigay ng pangkasaysayan at personzal na konteksto. Ngunit ang

IkalaWang kaBanaTa

Muḥammad

Mga hanay ng mga arko na nakahilera sa Mosque of the Prophet -sa Medina

Page 41: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

24 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kanyang buhay—maging ang isang nagtatampok sa kanyang mga di-mapapantayang pagtatagumpay sa pulitika at relihiyon—ay hindi kasinghalaga ng paglalarawan sa kanyang pagkatao. Para sa mga Muslim ngayon, ang Propetang si Muḥammad ay hindi isang yumaong bayani na nalibing sa kasaysayan at bahagi ng sinaunang mundo. Tumatatak pa rin ang kanyang mga salita at ang kanyang buhay, at makabuluhan pa rin sa kasalukuyan ang kanyang halimbawa tulad nang kabuluhan nito sa nakalipas na 1400 taon.

Ang halimbawa ng kanyang buhay ay tinatawag na Sunna. Bagaman ang salitang Sunna ay maaaring gamitin sa huwaranng anumang bagay, sa kasalukuyan ay tumutukoy na ito sa paraan kung paano ginawa ni Propeta Muḥammad ang lahat mula sa paggising sa umaga hanggang sa pakikitungo sa kanyang pamilya, sa pagtrato sa kanyang mga kaaway. Ginagamit rin ang Sunna upang tukuyin ang pagkakaiba ng mga kinakailangang pagkilos at ng mga hindi hayagang kailangan ngunit mga nakagawian ni Propeta Muḥammad. Maaaring kasama sa mga ito ang karagdagang pagdarasal, karagdagang araw ng pag-aayuno, o iba pang gawain ng pagsamba. Alam ng matalinong Muslim na ang pagsunod sa Sunna ay hindi lamang "dagdag na gantimpala" na maaaring ipagwalang-bahala. Ang Sunna ay isang kumpleto at detalyadong tagubilin kung paano mabubuhay ang isang tao sa pinakamabuting paraang posible upang makamit ang pinasukdulang layunin ng pagkalugod ng Allah sa kanya.

Marahil ay isa rin itong dahilan kung bakit namumukod-tangi ang mga Muslim sa makabagong panahon. Ang pagsunod sa halimbawa ng Propeta sa mga gawi sa pagsamba ay isang bagay, samantalang ang paggaya sa kasuotan at pang-araw-araw na gawi ng isang tao mula sa ikapitong siglo ay nakakamanghang isipin. Gayunpaman, kinikilala ng Muslim na pumiling mamuhay ayon sa isang halimbawang napakatagal na noong itinakda na iilan lang sa atin—kung mayroon man—ang tunay na gumagawa ng sarili nating estilo. Lahat tayo ay may tinutularan, isang pamantayan sa pananamit. Kapag pumipili sa pagitan ng ayon sa kagustuhan at paiba-ibang dikta ng uso at ng halimbawa ng isang taong pinaniniwalaan nilang kumakatawan sa pagkaperpekto, kapansin-pansin kung alin ang pipiliin.

Hindi naman lahat ng Muslim ay gumagaya sa bawat gawi ni Propeta Muḥammad. Karamihan dito’y nakasalalay sa kung saan nakatira ang isang tao at ang subkultura na kinabibilangan niya. Walang uniporme ang mga Muslim. Gayunpaman, ginagawa ito ng mga sumusunod sa mga yapak ng kanilang Propeta nang may katiyakang sa paggawa nito ay may kapalit na di-hayag na biyayang banal.

Page 42: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaWang kaBanaTa: MuhaMMad 25

si Hesus at si MuḤaMMaD

Isa sa mga labis na nakalulungkot na usaping dapat kaharapin ng mga makabagong Muslim ay ang mga personal na pagtuligsa sa taong minamahal nila nang lubos. Dahil nabuhay si Propeta Muḥammad na sentro ng pamamatyag ng kasaysayan, ang lahat ng kanyang pagkilos ay naoobserbahan at napupuna. Para sa mga Muslim, isa itong bagay na maipagmamalaki. Para sa mga gustong sumunod kahit sa mga pinakakaraniwan niyang gawi, biyaya ito ng Diyos.

Ngunit inilalagay rin siya sa isang kategoryang lubhang kaiba sa iba pang mga Propetang binibigyan ng malabong pagtatangi. Ang pinakamadalas ay ang paghahambing kina Propeta Muḥammad at Propeta Hesus, kung saan inilalarawan si Muḥammad bilang isang pinunong militar na ang pagpapahalaga sa espiritwalidad ay pumapangalawa lamang at si Hesus bilang isang mahinang tagapamagitan namahinahong hinayaan na lamang ang pangingibabaw ng kanyang mga kalaban sa kanya at sa kanyang mga tagasunod.

Ang kuweba ng Ḥirā, na dito’y unang nakatanggap ng rebelasyon ang Propeta

Page 43: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

26 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Nakasisirang-puri ang mga ganitong paglalarawan sa dalawang dakilang lalaki. Sapagkat silang dalawa ay kapwa mahalaga, ang paghahambing mismo ay hindi lehitimo. Sa konsepto ng Islam, bagaman ipinadala ng Diyos ang dalawang lalaki upang iparating ang Kanyang mensahe, lubhang magkaiba ang mga pamamaraan ng kanilang mga misyon. Si Muḥammad, na ipinadala bilang panghuling Mensahero sa lahat ng tao, ay nangailangang mag-iwan ng mga kongkretong halimbawa ng pag-uugali sa halos lahat ng sitwasyon. Kung kaya nag-asawa siya, nagkaroon ng mga anak, namuno sa kanyang mga nasasakupan sa panahon ng digmaan at kapayapaan, namuhay nang disiplinado habang pinatatatag ang kalagayang pang-ekonomiya ng kanyang mga nasasakupan, tumugon sa mga pangangailangan ng kanyang komunidad—Muslim man at hindi Muslim—ginugol niya ang kanyang mga araw sa pag-aayuno at nagpanatili siya ng maayos na pakikipag-ugnayan sa mga dayuhang entidad.

Naniniwala ang mga Muslim na si Hesus ay isa sa limang pinakaginagalang na Propeta ng Diyos, kasama si Abraham, Noah, Moises at Muḥammad. Si Jesus, sa isang banda, ay nangaral nang tatlong taon at ipinadala nang may tiyak na misyon sa isang partikular na tribo—ang mga anak ng Israel. Si Muḥammad,

sa kabilang dako, ay namuhay kasama ng kanyang mga nasasakupan bilang isang Mensahero, pinuno ng bansa at heneral sa loob ng maraming dekada at kinailangan niyang magpakita ng kaganapan sa bawat isa sa mga aspektong ito. Gayunpaman, ang dalawang Propeta ay “mga lingkod ng Diyos” sa tunay nitong kahulugan. Ginugol nila ang bawat sandali sa pagsasaisip at pagpupuri nang mabuti sa kanilang Banal na Tagapaglikha, hinikayat nila ang kanilang mga tagasunod na sambahin Siya. Pinagtiisan nila ang maling gawain ng kanilang mga kaaway maliban kung ang mga pagtuligsang iyon ay naglalayong dungisan ang mga batas ng Diyos—tulad noong pinataob ni Hesus ang mga mesa ng mga nagpapautang sa Templo. Itinuro ni Hesus na huwag maging mapaghiganti, itinuro ni Muḥammad na suklian ang maling gawain ng “gawaing mas mabuti.” Ang dalawang ito na mahahalagang tao sa larangang espiritwal ay magkapatid. Ang isang Muslim na nagpapakita ng ganap na katapatan kay Muḥammad ngunit nanghahamak sa alaala o mga turo ni Hesus ay nagsapanganib sa kanyang sariling relihiyon.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mas kilalang kuwento at salaysay ng buhay ng Propetang si Muḥammad na kilala sa buong mundo ng mga Muslim.

“Sa mundong ito at sa kabilang buhay, ako, sa lahat ng tao, ang pinakamalapit kay Jesus, ang anak ni Maria. Ang mga Propeta ay magkakapatid sa ama, magkakaiba ang kanilang mga ina, ngunit ang kanilang relihiyon ay iisa." —IMAM AL-BUKHĀRĪ, Ṣaḥῑḥ al-Bukhārῑ

Page 44: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaWang kaBanaTa: MuhaMMad 27

Isa sa mga lubos na ipinagbubunying obra sa sining ng Islam ay ang hilye, o pisikal na paglalarawan sa Propeta.

Page 45: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

28 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Isinasalaysay ang mga ito sa mga tula at prosa at nagpapakita ng larawan ng taong minamahal at dinadakila ng mga Muslim. Ang mga halimbawang ito ay hindi lamang “magagandang kuwento”; ang mga ito ay batayan. Ito ay ang mga guhit ng brotsang nagpinta sa larawan ng isang taong naparangalan ng huling mensahe ng Diyos sa lahat ng nilikha.

Pag-unaWa sa nararaMDaMan ng iBa at kaButiHang-looB

Sinabi ni ʿĀʾisha, ang batang asawa ng Propeta, na kailanman ay wala siyang sinaktan, hindi ang isang alipin o isang babae, ngunit nakipaglaban siya para kay Allah. Hindi niya kailanman ginantihan ang anumang maling ginawa sa kanya, ngunit ginantihan niya ang isang maling lumalabag sa mga banal na kautusan.

Si Ghawrath b. al-Ḥārith, isa sa mga kalaban sa Mecca, ay dumating upang paslangin ang Propeta habang mag-isa itong nakaupo sa ilalim ng isang puno. Pagkakita sa kanya, nanatili ang Propeta sa kinauupuan nito hanggang sa nakatayo na sa harapan nito ang lalaking nakalabas ang espada. Tinanong niya ang Propeta: “Sino ang magtatanggol sa iyo laban sa akin?” Sumagot ito: “Ang Allah.” Sa pagkabigla ay nalaglag ang espada mula sa mga kamay ng lalaki at tumayo ang Propeta, pinulot ito at ibinaling sa kanya, at nagsabi: “Sino ang magtatanggol sa iyo laban sa akin?” “Parusahan mo ako sa pinakamabuting paraan,” sagot ni Ghawrath. Binitiwan ng Propeta ang espada at pinatawad siya. Pagkabalik sa kanyang mga kasamahan, sinabi ni Ghawrath: "Bumalik ako sa inyo mula sa pinakamabuting tao!”8

Pagiging MaPagBigay

Sinabi ni Jābir b. ʿAbdullāh, isa sa mga Kaibigan ng Propeta: “Walang hiniling sa Mensahero ng Allah na ipinagkait nito.”Minsan ay pinuntahan siya ng isang lalaking humihingi ng tulong. Sinabi sa kanya ng Propeta: “Wala akong kahit ano, ngunit bumili ka ng isang bagay sa ngalan ko at kapag nagkaroon ako ng salapi, babayaran ko ito.” Sumalungat si ʿUmar, isa sa kanyang mga pinakamalapit na Kaibigan: “Hindi ka pinilit ng Allah na gawin ang hindi mo kayang gawin!” Sinagot naman ng isa pang Kaibigan mula sa Medina: “O Mensahero ng Allah! Gumastos at huwag matakot na mabawasan ang mapagkukunan mula sa Pinuno ng Trono!” Dahil nasiyahan siya dito, sumagot ang Propeta: "Iyon ang iniutos sa akin.”9

kaBaBaang-looB

Sinabi ni ʿĀʾisha: “Walang sinuman ang may mas mabuting pagkatao kaysa sa Mensahero ng Allah. Tuwing tatawagin siya ng sinuman sa kanyang mga

Page 46: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaWang kaBanaTa: MuhaMMad 29

Ang Mosque of the Pledge, kamakailang natuklasan, sa silangang bahagi ng Lambak Mina ay ang lugar kung saan natanggap ng Propeta ang panunumpa ng katapatan mula sa mga tribo ng Medina.

Page 47: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

30 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Kaibigan o mga tao sa kanyang sambahayan, sasagutin niya ito ng: ‘Narito ang inyong lingkod!’”10

Noong may dumating na delegasyon mula sa Ethiopia, tumayo ang Propeta upang pagsilbihan ang mga ito. Sumalungat ang kanyang mga Kaibigan, at sinabi nila: “Hayaan mo kaming gawin iyan para sa iyo.” Tumutol siya at nagsabing: "Naging mapagbigay sila at nagbigay-galang sila sa ating mga Kaibigan, kaya gusto ko rin itong gawin para sa kanila.”11

Ikinuwento ni Anas, isang taong pumiling pagsilbihan ang Propeta sa halip na bumalik sa sarili niyang angkan nang siya’y nadakip sa isang digmaan, na sumasakay ang Propeta sa isang asno na may lumang upuan at hindi niya kailanman tinanggihan ang paanyaya ng mga alipin. Aanyayahan siyang kumain ng maantang pagkain at malugod niyang tatanggapin ang mga nasabing paanyaya.12

Kapag tinatawag siya ng kanyang mga Kaibigan na: “O Pinakamabuti sa lahat ng Nilikha,” mariin siyang tututol at sasabihing: "Ang [titulong] iyan ay para kay Abraham."13

Pagtitiis at kaginHaWaan

Pinayuhan ng Propetang si Muḥammad ang isang maralitang lalaki na nakagawa ng maliit na krimen na magbigay ng limos sa mahihirap bilang pagsisisi sa kanyang nagawa. Habang sinasabi ng lalaki sa Propeta na wala siyang anumang maipamimigay, may nagdala ng isang sisidlang puno ng mga datiles sa Mosque bilang regalo kay Muḥammad. Kilalang hindi nagtatago ng sobrang pagkain sa kanyang sariling bahay, ibinigay ng Propeta ang sisidlan sa maralitang lalaki at iminungkahing ipamigay ang mga datiles sa mahihirap. Sumagot ang lalaki na wala siyang kilalang mas mahirap pa sa kanya. Natawa dito si Muḥammad at iminungkahi niyang ibigay ng lalaki ang mga datiles sa sariling pamilya bilang tanda ng pagsisisi nito.14

Bilang Paniniguro

Noong bumalik muli ang Propeta sa Mecca pagkatapos ng isang mapayapang tagumpay, may dala siyang malaking kapulungan ng kanyang mga Kaibigan. Habang papalapit sila sa lungsod, napansin niya ang isang asong nagpapasuso ng kanyang mga tuta sa tabi ng kalsada. Dahil inaalala niyang magagambala ito ng mga paparating na pangkat, inatasan niya ang isa sa kanyang mga heneral na bantayan ito at protektahan habang dumaraan ang mga Kasama.

Page 48: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 49: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 50: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

(At Aming ipinabatid mula sa Qurʾān, yaon ay isang lunas at awa para sa mga nananampalataya) (17:82)

Dahil sa pagmamahal, pagpipitagan at pagsusumikap na tularan ang Propeta ng Islam, ang mga Muslim ay hindi kailanman nabulagan sa makamundong sentro ng kanilang relihiyon. Ang Qur’an—ang nananatiling himala ng Diyos—ay hindi mapag-aalinlangang mapanghahawakan dito. Ang kahalagahan ng Ḥadῑth ay pumapangalawa sa kahalagahan at katumpakan ng Qurʾān. Bago hawakan ang isang Qurʾān, taglay dapat ng isang Muslim ang panritwal na kalinisang kinakailangan upang maisagawa ang mga dasal. Bilang panghuling rebelasyon, ang Qurʾān ay isang pagwawakas sa lahat ng naunang rebelasyong ipinadala sa sangkatauhan at inilaan sa bawat indibidwal hanggang sa Huling Oras.

ang salita ng Diyos

Ang mga salita ng Qur’an ay matapat na napag-ingatan o naipreserba sa anyo ng orihinal na pagkatanggap sa mga ito, maging sa pinakamaliliit na detalye nito. Noong una, pabigkas na isinasaulo ang mga salita; na may limitadong bilang ng mga naatasang tagasipi na siyang sumusulat ng mga bersikulo at bumibigkas sa mga ito sa Propetang si Muḥammad. Sa ilalim ng pagiging Kalipa ni ʿUthmān (ang ikatlong pinuno ng mga Muslim pagpanaw ng Propeta), tinipon ang mga naisulat na bersikulo sa pagitan ng dalawang pabalat, gumawa at nagpadala ng mga opisyal na kopya hanggang sa pagtatapos ng imperyong Islamiko. Ang mga kopyang matatagpuan ngayon sa bawat mosque sa bawat sulok ng mundo, sa bawat tahanang Muslim, ay naglalaman ng mga salitang katulad ng mga salitang mababasa sa orihinal at opisyal na kopya.

IkaTlong kaBanaTa

ang Qurʾān

Isang pahina mula sa Qurʾān, mula pa sa Dinastiyang Mamluk

Page 51: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

34 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Madalas tukuyin ang Qurʾān bilang Bibliya ng Muslim. Isa itong lehitimong paghahambing lamang sa ganang ang orihinal na Luma at Bagong Tipan ay itinuturing, kasama ang Qurʾān, na mga sagradong teksto. Subalit, ang higit na malinaw na paghahambing ay magagawa sa pagitan ng pagkasagrado ng Qur’an at ang katauhan ni Hesus. Tulad ng pagturing ng mga Kristiyano kay Kristo bilang patunay sa Salita ng Diyos, naniniwala rin ang mga Muslim na ang Qurʾān ay ang tuwirang Salita ng Diyos.15 Tulad ng kadalisayan at kawalang-bahid ni Maria noong naghatid si Anghel Gabriel ng pagbati sa kanya, ganoon din si Propeta Muḥammad—ang sisidlan ng Qurʾān —dalisay at walang kakayahang magbasa at magsulat noong unang nagpakita sa kanya si Anghel Gabriel, na nag-utos sa kanyang magbasa.

ang Wika ng QurʾĀn

Patuloy na inihayag ang Qurʾān kay Propeta Muḥammad sa loob ng sumunod na dalawampu’t tatlong taon. Habang inihahayag ito, binibigkas ito sa kanyang mga Kaibigan at agad itong isinasaulo. Sila ay mga Arabong may matibay na pasalitang tradisyon kung saan ang pagsasaulo at pagbigkas ng mahahabang talata pagkatapos itong marinig nang isang beses ay isang kakayahang taglay kahit ng mga bata. Ang pasalitang tradisyong ito at ang mahusay na panulaan–ang salita mismo–ang bahagyang naging daan upang lubos na maunawaan ang mapaghimalang kalikasan ng Qur’an sa isang partikular na bahagi sa kasaysayan ng buhay ng sangkatauhan sa panahong yaon.

Bahagi ng awa ng Allah ay yaong ang katwiran at katibayan ng Kanyang pag-iral ay hindi taliwas sa katotohanan o sa ninanais ng puso. Ipinadala ang bawat Propeta nang may mga palatandaang nag-iiwan ng tatak ng kanyang pagiging Patron. Upang mapabilis ang paniniwala, ang mga palatandaang ito ay madalas na nasa ano mang anyo ng kasanayang higit na nangunguna sa pagtanggap ng komunidad at kikilalanin isang mapaghimalang pangyayari. Noong ipinadala kay Paraon at sa kanyang nasasakupan, si Moises ay binigyan ng kakayahang mahigitan maging ang pinakamagagaling na mahikero noon. At si Hesus ay binigyan ng kakayahang mahigitan ang sinumang manggagamot noong panahong iyon.

Gayundin, walang katulad ang mga Arabong nabuhay bago ang Islam sa kanilang mga kakayahan sa pagtatalumpati. Mataas ang tingin sa mga makata at napakalaki ng kanilang impluwensya dahil sa kanilang pagkabihasa sa binibigkas na salita. Sila ang mga naging mananalaysay, propagandista at tagapagsalita ng kanilang mga tribo. Isinulat ng mananalaysay na si Philip K. Hitti: “Nahigitan ng mga odang Arabic maging ang Iliad at Odyssey pagdating sa pagkakumplikado ng sukat at pagkadetalyado. Mayaman sa talinghaga, naipahayag nang mabisa at maikling pananalita.”16

Page 52: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaTlong kaBanaTa: ang Qurʾān 35

Gumagamit ng mga panteknolohiyang aplikasyon upang bigyang-kapangyarihan ang kabuluhan ng Qurʾān sa mga makabagong panahon

Page 53: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

36 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Noong inihayag ang Qurʾān sa mga debotong ito ng salita, matinding damdamin ang kanilang naging tugon. Ipinagpilitan ang mga lumang paraan—ang pagsamba sa mga anito—ipinayong takpan ang kanilang mga tainga at baka marinig nila ang mga salita at mabighani sila sa mga ito. Hindi gumamit ang Qurʾān ng anumang estilo at sangkap sa pagsulat ng mga tula sa panahong iyon, ngunit mas malayo ang kahusayan nito sa anumang naisulat ng kanilang pinakamagagaling na makata.

Walang kamalian pagdating sa balarila, ginagamit pa rin ito hanggang ngayon bilang batayan ng pagtuturo ng perpektong Arabic. Mahirap itong maunawaan ng mga taong hindi marunong sumulat at bumasa, kilalang hindi kailanman bumigkas ng kahit isang linya ng tula. Para sa marami, sapat itong dahilan upang isuko ang anumang pagdududa sa pagkakaroon nito ng banal na may-akda. Ngunit tulad ng paratang kay Birheng Maria na hindi siya isang dalisay na babae, mayroon ding mga sumusubok na magpasaring tungkol sa mga “tunay” na pinagmulan ng Qurʾān.

Kung babasahin ang Qurʾān sa Ingles o sa anumang wika maliban sa orihinal na Arabic, hindi masasaksihan ng mambabasa ang ganap na kadakilaan ng aklat. Higit sa anupamang ibang uri ng teksto, hindi napaghihiwalay ang nilalaman at ang kinasisidlan. Daan-daang aklat na ang naisulat tungkol sa mga linggwistikang himala ng Qurʾān. Ang paraan ng pagkakasulat nito sa wikang Arabic ay imposibleng maisalin sa anupamang ibang wika nang walang masusing pagsusuri at pagpapaliwanag. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ang mga pagsasalin bilang mga instrumentong komentaryo upang makatulong sa pag-unawa, ngunit hindi ito mga “bersyon” ng Qurʾān tulad ng maling akala ng ilan. Bukod-tanging matagumpay na napag-ingatan ng mga Muslim ang integridad at pagiging tunay ng kanilang sagradong kasulatan. Alinsunod ito sa banal na pangako: “Katotohanan, Kami ang nagpadala (sa kalupaan) ng Dhikr [Banal na Quran]; at katiyakan Aming pangangalagaan ito [mula sa kasiraan]” (15:9)

May mga pagsasalin sa halos lahat ng wika, ngunit ang isang pagsasalin ay hindi itinuturing na Qurʾān at walang kasagraduhan tulad ng Arabic na teksto. Gayunpaman, ang sinumang taong hindi nakapagsasalita ng Arabic na nakabasa na ng isang pagsasalin ng Qurʾān ay magpapatunay sa kagandahan at kapangyarihan nito, ito ay isa pang tanda ng pagkamilagroso nito.

isang MensaHe ng aWa

Kapag nagpapadala ang Ganap na Maawain ng mensahe sa pamamagitan ng Propeta ng Awa, makatwirang asahan na ang mensahe ay isang mensahe

Page 54: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaTlong kaBanaTa: ang Qurʾān 37

ng awa. Sabi ng Allah: “Hindi Namin ipinadala ang Quran sa iyo [O’ Muhammad] upang maging sanhi ng iyong kalungkutan” (20:2)

Bagaman ang bersikulong ito ay para sa Propetang si Muḥammad, mayroon itong pangkalahatang silbi sa mga mambabasa nito. Tulad ng mga orihinal na Ebanghelyo, ang Qurʾān ay isang aklat ng magandang balita para sa mga nananampalataya. Tulad ng pagpapadala sa Propetang si Muḥammad bilang isang (tagapagdala ng magandang balita at tagapagbabala), gumagamit din ang Qurʾān ng malakas at matapat na tinig ng panghihikayat at pangako. Ang paraan ng pagsisimula ng bawat kabanata sa Qurʾān maliban sa isa: (Sa Ngalan ng Allah, Ang Pinakamaawain at Pinakamahabagin), ay hindi kalabisan. Ang Qurʾān ay hindi isang malaking aklat. Ang lubos na pagsasapuso nito habang binibigkas nang paulit-ulit ang parirala ay may kabuluhan.

“Para sa Mga nag-iisiP”

Ang Qurʾān ay isang hamon. Hindi ito isang aklat na basta lang binabasa. Kapwa ang nilalaman at daloy nito ang humihimok sa mambabasa na maunawaan ang mga salita at kahulugan nito. Kahit ang mga ipinanganak

Isang pahina mula sa kopya ng Asul na Qurʾān na mula pa sa ikasiyam na siglo, nakasulat sa Kufic Script

Page 55: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

38 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

sa komunidad ng Islam ay hindi pinapalampas. Hinahamon ng Diyos ang Kanyang nilikha—ang marunong at hindi marunong, makabago at sinauna—na magkaroon ng pananampalataya sa pamamagitan ng paningin, katwiran at mapagpakumbabang pagkilala sa nasasapuso.

Kapag tinutukoy ng Qurʾān ang pagkaperpekto ng nilikha, hindi ito nagpapatungkol sa isang mundong magugustuhan ng bawat indibidwal. Yaon ay nananatili para sa susunod na kaharian. Ang tinutukoy nito ay ang kaganapan ng lahat ng kanyang nilikha sa mundo maging ng kahit isang paghinga ng tao, ang ganap na posisyon ng araw na hindi masyadong malayo upang maging yelo ang mundo at hindi rin masyadong malapit upang masunog ang planeta. Sabi ng Allah: (Siya ang Lumikha sa gabi at araw, at sa araw at buwan; lahat (ng bagay sa kalangitan) ay sumasama sa agos, bawat isa sa sarili nitong paikot na pagdaloy) (21:33) Sabi rin ng Allah: “Hinayaan Niya ang dalawang karagatan (Isang matabang at isang maalat) na magtagpo. Sa pagitan nila ay may hadlang na walang sinuman sa kanila ang makakalagpas.” (55:19-20). Tinutukoy ng bersikulong ito ang hindi nakikitang hadlang na naghihiwalay sa tubig-alat at tubig-tabang, na siyang dahilan upang mabuhay at dumami ang lahat ng uri ng Kanyang nilikha. Kung may isang ligalig sa pagitan ng dalawang karagatang ito, hindi magtatagal at magiging disyerto ang mundo.

ang QurʾĀn sa araW-araW na PaMuMuHay

Regular na ginagawa ng mga Muslim sa buong mundo ang pagbabasa sa buong Qur’an. Sinisimulang isaulo ng mga bata ang mga bersikulo nito sa murang edad at nagpapatuloy hanggang ngayon ang tradisyon ng pagsaulo ng mga kabataang lalaki at babae sa buong Qurʾān. Kapag lumipat ang isang tao sa bagong bahay, karaniwang nagtitipon ang mga kapamilya at mga kaibigan upang bigkasin ang kabuuan o bahagi ng Aklat. Kapag pumanaw ang isang miyembro ng komunidad, mag-aanyaya ang kanyang pamilya ng mga kalahok, at ang bawat kalahok ay magbabasa ng isang kabanata ng Qurʾān. Ang pagbasa sa buong Qur’an ay isang handog sa taong pumanaw. Ang ilang kabanata o bersikulo ay binibigkas para sa mga partikular na okasyon. Pang-isahan ang kasalang Muslim kung ang bersikulo sa “pag-aasawa” ay hindi binigkas: (At mula sa Kanyang mga palatandaan: ay Lumikha Siya mula sa inyong mga sarili ng mga asawa upang matagpuan ninyo sa kanila ang katiwasayan, at nagtakda Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Katotohanang dito ay may mga palatandaan para sa mga taong nag-iisip) (30:21)

Page 56: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 57: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 58: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Ayon sa pagkakasunud-sunod, ang isa sa mga unang kuwentong isinasalaysay sa Qurʾān ay tungkol sa pagtuturo. Pagkalikha kay Adan, sinimulan siyang turuan ni Allah, itinuro sa kanya ang “mga pangalan ng mga bagay.” Bagaman literal na makabuluhan, ipinapakita rin ng kuwento na mahalagang matutunan ang katotohahan sa mga bagay, ang matukoy ang pagkakaiba ng katotohanan sa kasinungalingan. Ito ang batayang prinsipyo ng tradisyong Islamiko. Ang pagiging totoo “sa sarili” ay nangangahulugang hindi ang pagiging di-makatwiran at mapanira, sa halip ay pagtingin sa mga bagay sa kalooban at sa panlabas na mundo at pagtingin sa mga ito kung ano ito at hindi kung paanong gusto mongtingnan ang mga ito. Ang tunay na sarili ay ang dalisay na kaluluwang nagmumuni-muni tungkol sa pinagmulan nito at layunin.

IkaaPaT na kaBanaTa

Mga katuruang islaMiko

Sinabi ni Jaʿfar kay Negus:O Hari, kami ay mga taong mangmang at imoral, sumasamba sa mga anito at kumakain ng laman ng mga patay na hayop, gumagawa ng lahat ng uri ng kasuklam-suklam at kahiya-hiyang gawain, pumuputol sa mga ugnayan ng magkakamag-anak, nagmamaltrato ng mga bisita, at sinasamantala ng malalakas sa amin ang mahihina. Nanatili kami sa ganitong kalagayan hanggang sa padalhan kami ng Allah ng isang Propeta, na isa sa amin, na ang pinagmulang angkan, ang pagiging totoo, ang katapatan at integridad ay lubos naming nakilala.

Tinawag niya kami upang ang Allah lamang ang sambahin, at talikuran ang mga bato at anitong dati naming sinasamba ng aming mga ninuno maliban pa kay Allah.

Inutusan niya kaming sabihin ang katotohanan, tupdin ang aming mga pangako at maging mabait sa aming mga kamag-anak, maging matulungin sa aming mga kapitbahay, ihinto ang lahat ng ipinagbabawal na gawain, umiwas sa pagdanak ng dugo, umiwas sa mga kalaswaan at pagsisinungaling, at huwag mang-angkin ng pag-aari ng isang ulila o manira ng puri ng mga dalisay na kababaihan.

Isang mag-aaral sa Al-Azhar University sa Cairo, Egypt, na nagsusulat sa patyo ng Mosque

Page 59: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

42 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

likas na kaDalisayan ng tao

Ayon sa Islam, ang lahat ng tao mula sa Propetang si Adan hanggang sa modernong tao ay ipinanganak nang malinis sa (pinakaperpektong mga anyo) (95:4). Higit pa riyan, nakatadhanang sila ay may likas na pagtatangi sa relihiyon. Tulad ng natural na pagyuko ng mga halaman tungo sa direksyon ng liwanag ng araw, nararamdaman ng mga tao ang “hugis-Diyos na puwang sa kanilang puso” na tumatawag sa kanila tungo sa isang bagay na mas dakila kaysa sa kanilang mga sarili. Ang kalagayang ito ay tinatawag na fiṭra. Sabi ng Allah: (Kaya maging tapat [O’Muhammad] para sa relihiyon bilang Hanif [pagsamba lamang sa Allah]. Ang Fitrah [likas na kalooban ng tao sa pagsunod sa Diyos] ng Allah na sa pamamagitan nito Kanyang nilikha ang sangkatauhan). (30:30)

Ang fiṭra ay maaaring sirain ng may-ari nito, ang gampanin ng Propeta ay ang muling ihanay ang mga pagkilos ng sangkatauhan sa kanilang orihinal na debosyon sa kanilang Panginoon. Sa isang paraan, nangangahulugan ito na alam na ng sangkatauhan kung ano ang itinuturo, ngunit dahil sa mga temptasyong kaakibat ng kalayaan, kailangan pa ring mapaalalahanan tungkol sa tunay na perpektong kalagayan ng debosyon. Ang lahat sa tradisyon ng Islam ay bumabalik dito, kapansin-pansin man ito o hindi.

Nagdarasal ang isang babae para sa Pagdarasal sa Biyernes sa pangunahing Mosque sa Roma

Page 60: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaaPaT na kaBanaTa: Mga Turo ng IslaM 43

Ang kawalan ng orihinal na pagkakasala ay nangangahulugang hindi kailangan ng pagbabayad-sala. Ibinibigay ng Diyos ang panghabambuhay na kaligtasan sa pamamagitan ng awa. Nagiging karapat-dapat ang isang tao para sa awang ito sa pamamagitan ng pagsunod sa kagustuhan at mga utos ng Tagapaglikha.

aktiBong PagsunoD

Madalas na isinasalin ang salitang Islam bilang pagsunod, at ang Muslim ay isang taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ang problema sa ganitong pagsasalin ay nagpapahiwatig ito ng pagiging pasibo, ng pagpapaubaya sa tadhana. Malayo ito sa turo ng Islam hinggil sa pagsunod. Ngunit kung hihingin sa isang Muslim na aktibong sumunod, ano ang ibig sabihin nito sa pang-araw-araw na buhay? Ang sagot sa tanong na ito ay ang katotohanang nagbubukod sa mga Muslim sa lipunan ngayon. Napapansin kaagad ng mga bumibisita sa mga lupaing Muslim o malalapit na kaibigan ng mga sambahayang Muslim ang pagkakaiba sa pagtakbo ng mga bagay-bagay. Nasasaksihan man ito sa pamamagitan ng mga regular na paghinto sa maghapon upang isagawa ang mga kinakailangang pagdarasal, o sa patakaran ng Islam sa pananamit, o kapag namimili kasama ng isang Muslim na bumabasang mabuti sa isang hindi pamilyar na produkto upang masigurong nakakatugon ang mga sangkap nito sa mga pamantayan ng Islam kaugnay sa diyeta, may kakaibang pakiwari na ang buhay ng isang aktibong Muslim ay kinokontrol ng patung-patong na serye ng mga patakaran at ritwal na lumalampas ang hangganan sa nakaugaliang pagsasagawa ng relihiyon sa kasalukuyan.

Para sa mga Muslim, ang mga alituntuning ito ang mga pamamaraan ng aktibong pagsunod. Walang pagkilos na maituturing na napakaliit o walang kabuluhan upang hindi na pairalin sa mga ito ang mga patakaran mula sa Inihayag na Batas. Dahil sa mahigpit na antas ng pagpapatotoo sa buhay ng Propeta ng Islam, may mga palagian at agarang pamantayan ang mga Muslim kung saan ibabatay ang kanilang mga pagkilos. Paano ko tatratuhin ang aking asawa? Paano ko papasahurin ang aking mga empleyado? Paano ko isasagawa ang aking mga pagdarasal? Hindi maaaring hayaan ng isang relihiyong humihingi ng pagsunod na manatiling hindi nasasagot ang mga tanong na ito. At bagaman tanging ang huling tanong ang tila nabibilang sa larangan ng itinuturing na relihiyon, sa Islam, walang malinaw na hangganan sa pagitan ng espiritu at ng katawan sa lupa. Kung iisipin, ang lahat ay relihiyon.

Gayunpaman, hindi nahahanggan ang mga turo sa panlabas na pagkilos. Sa katunayan, ang pinakadakilang pagsunod ay isinasagawa ng puso, hindi ng katawan. Ang nagbibigay-katuturang katangian na dapat mauna sa lahat ng pagkilos ay ang isang pusong nakapagpatunay sa pagiging isa ng Diyos at ang pagpapaalipin nito sa Kanya. Pagkatapos itong magawa, ipinagpapatuloy ng puso ang tungkulin nito sa paraang nagpapabilis sa mga gawain ng katawan.

Page 61: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

44 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Habang kumikilos ang katawan, ang puso ay tahimik at payapa, at alam nito na kahit sa pinakamarubdob na galaw, hindi kailanman malalabag ang magkahiwalay na pagkakakilanlan ng alipin at ng Panginoon.

ang Mga Haligi ng islaM

Ang lawak ng mga ritwal ay hindi pantay. Ang ilang mga gawain sa pagsamba ay kailangang mauna bago ang iba pa. Mayroong pagkakasunud-sunod na nagbibigay-daan sa pagtuon sa mga kinakailangan at pagkakataong umunlad sa sandaling na matugunan ang mga kinakailangang ito. Ang mga gawaing ito

ng pagsamba ay tinatawag na limang haligi.Itinuturing na napakahalaga ng limang haliging ito, at higit pang mahalaga sa pangangailangang isagawa ang mga ito ang kanonikal na pangangailangang maniwala ang isang tao na kailangan ang mga ito. Maaaring mapatawad ang isang Muslim sa pagkaligta sa isang pagdarasal, ang isang Muslim na nagtatatwa sa pangangailangang magdasal ay sumisira mismo sa kanyang pagkakakilanlan bilang isang Muslim. Ang nagbubuklod na kundisyon sa likod ng pagkabalido ng mga pagkilos na ito ay ang intensyon. Kung walang intensyon, ang isang taong umiiwas sa pagkain at inumin sa maghapon ay karaniwan lamang na hindi kumakain. Kung may kasamang intensyon, ang ganitong pagkilos ay nagiging panrelihiyong pag-aayuno, isang posibleng kalahok para sa banal na gantimpala. Ipinaliwanag ni Propeta Muḥammad:

"Maraming taong nag-aayuno na walang nakukuha sa kanilang pag-aayuno maliban sa pagkagutom at pagkauhaw, at maraming taong nagdarasal sa gabi na walang nakukuha dito kundi ang pagkapuyat.”17

Tinutukoy ng limang haligi ang pinakapayak at batayang dapat isagawa ng isang aktibong Muslim. Batay sa halimbawa ng gawain ng Propetang ang buhay ay isang patuloy na kuwento ng pagsamba at debosyon, boluntaryong nagdaragdag ang mga Muslim ng marami pang ibang pagkilos sa listahan: mga karagdagang pagdarasal, karagdagang pag-aayuno, madalas na pagbigkas sa Qurʾān, boluntaryong pagkakawanggawa, atbp.

ANG LIMANG HALIGI NG ISLAM1. Pagpapatotoo na ang Diyos ay nag-iisa at si Muhammad ang Kanyang Mensahero2. Ang Limang Pagdarasal sa Araw-araw3. Pag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw sa buwan ng Ramadān4. Obligadong pagbibigay-limos5. Banal na Paglalakbay sa Mecca nang minsan sa tanang buhay ng isang tao kung makayanang isagawa

Page 62: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaaPaT na kaBanaTa: Mga Turo ng IslaM 45

nais ng PagsaMBa ang May kasaMa

Ang bawat isa sa mga pisikal na gawain ng pagsamba ay hindi lamang may kapansin-pansing espiritwal na halaga, dahil mayroon din itong silbi sa lipunan. Sa limang pagdarasal sa araw-araw, hinihikayat ang mga tagasamba na magdasal nang pangkatan, kung maaari ay sa isang mosque kung saan regular silang magkikita-kita ng iba pang mga tagasamba upang mas maramdaman nilang sila ay isang komunidad. Ang pagdarasal sa Islam ay sadyang organisado. May mga nakatakdang kilos at panalangin sa iba’t ibang posisyon. Saan mang lugar ng mga Muslim ka magpunta, makikita mo ang mga Muslim na nakatayo nang magkakatabi na sumusunod sa para bang sinanay na pagkilos ng pagdarasal, nang sabay-sabay. Maaaring may mga pagkakaiba sa pagsasagawa o magkakaibang pananaw tungkol sa pulitika, ngunit sa mga sandaling iyon ng sama-samang pagtugon sa tawag ni Allah, ang lahat ng ito ay nakakalimutan at ang hindi pagkakaunawaan ay napapalitan ng pagkakaisa.

Ang taong nag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw sa araw-araw ng Ramadān ay napapaalalahanan sa bawat pagkalam ng sikmura tungkol sa karangyaan ng kanyang buhay, at kapag hinihinto ang pag-aayuno kasama ng pamilya at mga kaibigan, nagiging mas mapagpahalaga siya at—batay sa ideyal—mapagbigay sa mga kapus-palad.

Sinasaluhan ng mga bisitang di-Muslim ang mga Muslim sa mga bukas na piging ng pagtigil sa pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān sa Ehipto

Page 63: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

46 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Isa sa mga pinakamagagandang tanawin sa Ehipto kapag Ramaḍān ay ang mga natatanging makukulay na toldang itinatayo sa malalawak na lugar na sa ilalim ay may mga hapag na punung-puno ng lahat ng kilalang masasarap na pagkain sa Ehipto. Itong mga "Hapag ng Maawain" ay pinopondohan lamang ng mga pribadong mamamayan na napapaalalahanan—lalo na sa buwang ito—tungkol sa lubos na kasiyahan habang pumapasok ang pagkain sa gutom na sikmura.

Ang taunang pagbibigay ng limos, na tinatawag na Zakat, ay may ibang katangiang bukod sa karaniwang pagkakawanggawa. Sa halip ng pagpapakita ng pagkamapagbigay, ang Zakat—na tuwirang naiiugnay sa salitang-ugat

ng salitang “linisin”—ay nagtatakda na ang 2.5 porsyento ng kayamanan ay laan para sa mga mahihirap. Nagtatrabaho at kumikita ng salapi ang isang Muslim habang alam niyang may maliit na bahagi ng kanyang yaman na pag-aari ng iba. Tulad ng Jewish na tzedakah, ang Zakat ay hindi isang pagkakawanggawa; ito ay tungkulin sa Diyos.Kinakailangan ng isang Muslim na pumunta nang kahit minsan lang sa kanyang tanang buhay sa Mecca, ang lupang sinilangan ng Islam at—sa salaysay ng Muslim—ng mga relihiyong nagmula kay Abraham. Maaaring mahirap maisakatuparan ang haliging ito; ang paglalakbay, ang init at ang takot sa pagkakaipit na dulot ng pagiging napakalapit sa milyun-milyong estranghero. Subalit, ang lahat ng pumupunta ay tinatawag itong pangyayaring nakakapagpabago ng buhay na mararanasan lamang at hindi mailalarawan.

Pagiging reliHiyoso at Pagiging MaButi

Ang mabubuting asal na pangkalahatan at magpakailanma’y iginagalang ay binibigyang-kahalagahan sa mga sagradong teksto nang higit pa sa salita lamang. Tinatalakay nang malaliman ang mga bisyong kasalukuyang nagpapahirap sa mga komunidad ng Muslim at palaging lumalabas sa mga pahayagan. Halimbawa, sinasabi sa mga Muslim na ang galit ay isang masamang ugali. Minsan ay lumapit ang isang lalaki sa Propetang si Muḥammad at humingi ng pangkalahatang payo. Sinabihan siya: “Huwag

Natuklasan sa isang pag-aaral na ginawa ng Kennedy School of Government ng Harvard sa kongklusyon na ang Ḥajj—ang banal na paglalakbay ng Muslim—ay

“nagpapatatag sa paniniwala sa pagkakapantay-pantay at pagkakasundo ng mga pangkat etniko at sekta ng Islam na humahantong sa mga mas kanais-nais na pag-uugali tungo sa mga kababaihan, kabilang ang mas malawak na pagtanggap sa edukasyon at pagtatrabaho ng kababaihan.” At ang mga positibong damdaming ito ay hindi lamang patungkol sa mga kapwa masigasig sa relihiyon. “Ang mas matibay na pagkakaisa sa mundo ng Islam ay walang kasamang pagkamuhi sa mga hindi Muslim...”

Page 64: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaaPaT na kaBanaTa: Mga Turo ng IslaM 47

kang magalit.” Inulit-ulit niya ang kanyang tanong. Tatlong beses na inulit ng Propeta: “Huwag kang magalit.”19 May mga aklat nang naisulat na nagkokomentaryo sa ḥadῑth na ito at sa kahalagahan nito; ang mga kasamaang maiiwasan kung susundin ito, at ang mga lukot at galit na galit na mukhang magiging maaliwalas kung gagawin ito. Tahimik ang Qurʾān tungkol sa mga merito ng pagpigil sa galit. Pinupuri nito: (Ang mga yaon na gumagasta [para lamang sa Allah] na nasa kasaganaan [man] O’ nasa kahirapan, na nagtitimpi sa kanilang mga galit, at silang nagpapatawad sa kapwa) (3:133-134)

Madalas nagpapaalala sa mga likas na maiinitin ang ulo na ang bersikulong ito ay hindi pumupuri sa mga likas na mahihinahon ngunit-para sa pagkalugod lamang ng Diyos-sila ang mga nagpipigil na magpakita ng kanilang galit.

Ang relihiyon, sa pangkalahatan, ay dumaranas ng hindi magandang pangangampanya para sa pampublikong ugnayan, at hindi nakabukod ang

Halos dalawang milyong manlalakbay mula sa lahat ng sulok ng mundo ang nagsasama-sama sa nakakapagpabagong-buhay na ritwal ng Ḥajj

Page 65: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

48 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

komunidad ng Muslim sa resultang ito. Iniuugnay natin ang mga hayagang relihiyoso sa mga hindi maganda at mapanghusgang pag-uugali, at ang mga sumusuway sa batas ng relihiyon bilang mga kaluluwang malaya na mayroong

“mabubuting kalooban.”

Sa isang ḥadῑth, natutunan natin ang tungkol sa isang babaeng bayaran na ang mga kasalanan ay pinatawad ng Allah, dahil, nang may nadaanan siyang humihingal na aso malapit sa isang balon at nakita niyang halos mamatay na ang aso sa uhaw, tinanggal niya ang kanyang sapatos, tinalian niya ito ng kanyang bandana at sumalok siya ng tubig para sa aso.

Para sa mga nakakaunawang Muslim, ang mga ito ay mga babala at paalala na mahalaga sa banal na paghatol ang kabaitan at pagkamaawain, mga paalala na ang mga panlabas na palatandaan ng pagsunod, ang hindi matinag na "orthopraxy" na ipinaparatang sa Islam, ay hindi tunay na pagsunod. Para naman sa mga nagpupumilit sa hindi maganda at kanais-nais na pagbatikos sa lahat ng nakapaligid sa kanila, maasim ang pagmumukha at tumututol sa lahat maliban sa sarili nilang mga pagkilos, nagbibigay-babala ang Qurʾān: (Sabihin mo![O’ Muhammad]: “Ibabalita ba Namin sa inyo ang mga yaong pinakamalulugi tungkol sa kanilang mga gawain? – “Sila ang mga nangaligaw sa kanilang mga pamumuhay sa mundong ibabaw, habang kanilang inaakala na sila ay nagkakamit nang kabutihan sa kanilang mga ginagawa) (18:104)

Mga iPinagBaBaWal na Pastolan

Sinabi ni Propeta Muḥammad: “Ang pinapahintulutan ay malinaw at ang ipinagbabawal ay malinaw. Sa pagitan ng mga ito ay mga bagay na hindi alam ng mga tao kung pinahihintulutan o ipinagbabawal sa kanila. Ang sinomang umiiwas sa mga bagay na hindi pinahihintulutan ay nagpuprotekta sa kanyang relihiyon at maililigtas. Ang sinomang lumalapit sa mga ito ay napakalapit sa ipinagbabawal, tulad ng isang pastol na dinadala ang kanyang kawan sa mga protektadong lupaing pastulan, na malapit nang pumasok sa ipinagbabawal na lugar, at ang protektadong lugar ng Allah ay ang idineklara Niyang ipinagbabawal."20

Ang bawat relihiyon ay may mga patakaran. Hindi kapansin-pansin ang Islam sa bagay na ito. Ang kapansin-pansin ay ang integridad ng mga patakaran sa mga nagdaang siglo. Bagaman nagbabago (hindi sa prinsipyo), nakakamanghang napag-ingatang mabuti ang batas ng Islam sa kabila ng maraming sumasalungat dito. Sa personal na antas, nagagawang gayahin ng indibidwal na Muslim ang kakayahang ito na panatilihing buo ang kanyang relihiyon, muli, sa kabila ng mga hindi kapani-paniwalang pagsalungat. Ang ḥadῑth na nabanggit sa itaas ang

Page 66: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaaPaT na kaBanaTa: Mga Turo ng IslaM 49

dahilan kung bakit—sa pangkalahatan—hindi madalas na nakakaranas ang mga aktibong Muslim ng pagkakasalang nararanasan ng mga prominenteng tao mula sa ibang mga relihiyon.

Halimbawa, ang pakikiapid ay imoral sa lahat ng relihiyon sa halos lahat ng lipunan. Pero sa batas ng Islam, may mga nakatakdang pag-iingat upang maiwasang maabot ang punto kung saan biglang hindi na maawat ng isang tao ang kanyang sarili.

Batid ang payo ng ḥadῑth, pipiliin ng isang Muslim na iwasan ang pakikihalubilo sa isang bar kasama ang mga kaibigang hindi Muslim. Bagaman maaaring balakin ng isang taong umiwas sa alak, ang palagiang paglalagay sa sarili sa isang sitwasyong masyadong malapit sa protektadong lawak ay isang panganib na hindi dapat sinusuong. Walang dulot na kabutihan ang masyadong paglapit sa apoy sa puntong halos masunog ka na sa init, sa pagsubok sa sariling lakas at pagtitimpi sa tukso.

“Kung gaano kadali sa akin ang pangingilin, ganoon din kahirap ang pagtitimpi" —SAMUEL JOHNSTON

Ang salitang Arabic para sa Inihayag na Batas, ang Shariah, ay literal na nangangahulugang ang pinakatuwid na landas tungo sa tubig

Page 67: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

50 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

napakaraming uri ng pagsamba sa Islam: hindi lamang ito para sa mga panrelihiyong ritwal at pagdarasal. halos lahat, kung gagawin nang tama at tapat ang intensyon, ay maaaring isang gawa ng pagsamba: mula sa pagkakawanggawa, pagtuturo, pagtatrabaho sa komunidad hanggang sa pagtulong sa nangangailangan at paggamit sa mga sining para sa ikabubuti ng publiko—ang lahat ng mga ito ay maaaring maging uri ng pagsamba.

PAGSAMBA: PAGPAPATIRAPA, PAGSUSUMAMO AT KAWANGGAWA

PhoTo essay

Page 68: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaaPaT na kaBanaTa: Mga Turo ng IslaM 51

Nagdarasal ang mga Muslim sa Fatih Mosque sa Istanbul, Turkey.

Namigay ang mga Muslim ng mga bago at hindi masyadong nagamit na coat bilang bahagi ng isang kampanya para sa winter charity.

Page 69: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

52 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

iMan: inner-City MusliM aCtion netWork

May full-time na tagapangasiwa, mga boluntaryong doktor at nagsasalit-salitang mga mag-aaral ng medisina, nagbibigay ang bagong health Clinic ng mga libreng pangunahing serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan at edukasyon sa mga residente ng Chicago mula sa iba’t ibang pinagmulang antas sa lipunan, etnisidad at relihiyon. Mahigit dalawang daang pasyente bawat buwan ang pumupunta sa klinika upang tumanggap ng mga screening para sa alta presyon at mataas na kolesterol, mga taunang pagsusuri sa katawan at paggamot para sa mga hindi emergency na kundisyong medikal.

ang Career Center, na pinapatakbo ng IMan Career development Initiative (ICdI), ay nag-aalok ng limang-linggong programa sa computer literacy at tulong sa career development para sa mga residente ng komunidad ng Chicago lawn. natututo ang mga kalahok na nagpatala sa programa sa computer literacy ng basic computer operation, mula sa paggamit ng word processing at spreadsheet software hanggang sa online na paghahanap ng trabaho. nag-aalok din ng tulong sa paggawa ng mga resume at pag-aaplay ng trabaho, at pagpapahusay sa mga kasanayan sa pakikipanayam. Pagkatapos ng matagumpay na pagkumpleto sa programa, binibigyan ng sertipikasyon ng ICdI ang mga kalahok at karapat-dapat silang mabigyan ng trabaho o kaya’y pagpapatuloy ng tulong pang-edukasyon. May mga klase sa Ingles at espanyol na itinuturo araw-araw sa isang linggo.

Page 70: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaaPaT na kaBanaTa: Mga Turo ng IslaM 53

Page 71: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 72: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ikalaWang Bahagi

ang sagisag ng islam

Page 73: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 74: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Kung ang tunay na sukatan ng isang relihiyosong komunidad ay ang integridad ng mga alituntunin at pamumuhay nito sa loob ng kaayusang itinakda ng Diyos, ang tunay na Ginintuang Panahon ng Islam ay hindi ang Andalusia ng Espanya at ang hindi mapapantayang malapalasyong arkitektura at mga tanawin dito. Hindi ito ang panahon ni Hārūn al-Rashīd at ang karangyaan ng kanyang korte sa Babylonia. Hindi ito alinman sa mga kahanga-hangang napagtagumpayan ng mundo ng Muslim para sa sibilisasyon. Ang tunay na Ginintuang Panahon ng Islam ay ang sampung taon sa pagitan ng 622 at 632 AD kung kailan ang mga Muslim ay isa lamang maliit na pangkat ng mga mananampalataya na madali lamang sanang naging maliit na detalye sa kasaysayan ng isang hindi makabuluhang bahagi ng heograpiya.

Mga siMula ng HuWaran

Sa pagkakalaya mula sa araw-araw at marahas na pang-uusig ng mga taga-Mecca na naniniwala sa maraming diyos, itinanim ni Propeta Muḥammad ang mga simula para sa huwarang relihiyosong komunidad sa kahilingan ng mga mamamayan ng Yathrib (paglaon ay naging Medina). Kinikilala ng mga Muslim sa kasalukuyan na ang komunidad na ito ay hindi na kailanman magagaya—dahil isa sa mga tatak nito ay ang buhay  na ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Mensahero. Gayundin naman, gaya ng pagtingin ng mga indibidwal na Muslim sa walang katulad na halimbawa ni Propeta Muḥammad bilang huwaran ng pagkaperpekto, itinuturing din ng mga komunidad ng mga mananampalataya ang mga taon na iyon bilang gabay sa makakamit ng isang nananampalataya.

Ang lubhang mahalaga, ibinibigay ng lubhang maingat ang mapaniyak na agham ng literatura ng ḥadῑth sa mga Muslim ang isang detalyadong salaysay

IkalIMang kaBanaTa

ang Buhay na Halimbawa

Dinarasal ng mga Muslim ang pangkongregasyong dasal ng Biyernes sa ilalim ng mga batong apog na poste at arko sa Mosque ng Propeta sa Medina.

Page 75: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

58 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

kung paano namuhay, sumamba, nagtrabaho, nagmahal at namatay si Propeta Muḥammad at ang kanyang mga Kaibigan. Habang  para sa maraming tao, ang mga Propeta sa Lumang Tipan  ay nagparang  mga tanyag na tauhan sa mga kuwento, ang Propetang si Muḥammad ay nananatiling isang nabubuhay na halimbawa sa mga Muslim nakalipas man ang mahigit isang libong taon.

Ang paglipat na ito mula Mecca patungong Medina ay isang punto ng pagbabago sa kasaysayan ng Islam at ng mundo. Sapagkat napilitang akuin ang tungkulin ng isang pinuno ng bansa, nawala kay Muḥammad ang kaginhawaan ng simpleng espiritwal na pamumuhay at pagmiministro. Gayunpaman, ang tanging pinagtuunan ng komunidad ay ang pagtatatag ng isang lipunang nakasentro sa kamalayan tungkol sa Diyos. Sa kanilang pagdating, kaagad na sinimulan ng Propeta at ng kanyang mga Kasama ang pagtatayo ng Mosque ng Medina.

ang ProPeta sa kaiButuran

Karugtong sa maliliit na kuwarto kung saan nakatira ang pamilya ng Propeta, ang Mosque ng Medina ay nagsilbi hindi lamang bilang lugar para sa pangkongregasyonal na pagdarasal ngunit bilang isa ring bulwagan ng bayan. Dito nakikipagpulong si Muḥammad sa mga miyembro ng kanyang komunidad na nangangailangan ng kanyang gabay o pamumuno. Hinihiling  niya sa mga naroon na sabihin sa kanya ang mga pangangailangan ng mga hindi makakapunta. Dito, namagitan siya sa mga nag-aalitang partido ngunit binalaan niya ang mga nag-aalitan na hindi tulad ng Banal na Paghatol, gagawin lamang niya ang paghatol batay sa inihayag  na katibayan. Inilalarawan ng mga salaysay tungkol sa Medina ang palagiang maririnig na himig ng Qurʾān na binibigkas sa patyo ng Mosque pati na sa bawat bahay. Sa paggaya sa tradisyon ng mga Propetang nauna sa kanya, pinanatiling payak ng Propetang si Muḥammad ang disenyo ng istraktura ng Mosque at ng kanyang tahanan; ang bubong ng kanyang kuwarto ay napakababa kaya ito ay naaabot ng tuktok ng ulo ng isang tao kapag nakatayo.

Napagtanto ng mga lumipat na Muslim na sila ay nabago na, mula sa pagiging patagu-tago at inaabusong minoridad tungo sa pagiging mga gurong malugod na tinanggap sa kanilang bagong bayan. Isa sa mga unang administratibong pagkilos na ginawa ng Propeta ay ang kasunduan ng pagkakapatiran sa pagitan ng mga imigrante mula sa Mecca at ng mga taong tumanggap sa kanila sa Medina. Nakipagkasundo ang bawat taga-Medina na ibibigay nila ang anumang materyal na suportang kakailanganin ng kanyang bagong pamilyang nalipat ng tirahan. Bilang ganti, nangako ng katapatan ang mga beteranong Muslim ng Mecca at nagbigay sila ng agarang Islamikong pagkakakilanlan sa kanilang mga patron. Sa ating mga kasalukuyang

Page 76: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalIMang kaBanaTa: ang naBuBuhay na halIMBaWa 59

indibidwalistikong lipunan, ang ganitong pambihirang pagkilos ay madalas na hindi napapansin, ngunit ang pagsasabatas at pagsunod sa pangakong ito sa pamilya sa isang pantribong lipunan bago pa ang panahon ng industriya ay talaga namang isang milagro. Sabi ng Allah: At alalahanin ang biyaya ng Allah sa inyo noong kayo ay magkakaaway, at pinagtagpo Niya ang inyong mga puso, kaya't kayo’y naging magkakapatid sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. (3:103).

Kalaunan matapos ang kasunduang ito, nabuo ang isa pang kamangha-manghang batas. Sapagkat hindi niya nakalimutang inanyayahan siyang pumunta sa Medina bilang tagapamayapa sa pagitan ng Aws at ng Khazraj, at ng maraming tribong Hudyo sa lugar na iyon, ginawa ng Propetang si Muḥammad ang kilala ngayon bilang Saligang Batas ng Medina. Mabisa nitong itinatag ang unang estadong Muslim at idinikta, bukod sa iba pang mga bagay, ang kahulugan ng Umma, o Komunidad sa Islam. Napaka-eksklusibo na ngayong ginagamit ng mga Muslim upang tukuyin ang mga katulad nila ng relihiyon, malawakang itinatag ng Saligang Batas ang mga hindi naipapasang karapatan ng mga hindi

Isang guhit na naglalarawan sa Mosque ng Propeta sa Medina, taong 1854

Page 77: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

60 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Muslim na miyembro ng Umma ng Propeta. Kasama sa mga karapatang ito ang mga sumusunod:

1. Ang lahat ng pangkat sa ilalim ng saligang batas—kapwa Muslim at hindi Muslim—ay tiyak na may kasunduan ng seguridad (dhimma)

2. Ang mga miyembrong hindi Muslim ay may mga karapatang pampulitika at pangkultura na kapantay ng mga karapatan ng mga Muslim

3. Ang mga hindi Muslim ay may sariling pagpapasya at kalayaan sa kanilang relihiyon

4. Kung lulusubin ang estado ng Medina, sasali ang mga hindi Muslim sa pagtatanggol dito at makikihati sila sa gastos sa digmaan.

Nagtitipon ang mga manlalakbay sa Bundok Arafat kung saan ibinigay ng Propeta ang kanyang Huling Sermon

Page 78: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalIMang kaBanaTa: ang naBuBuhay na halIMBaWa 61

Bagama’t mas ligtas ang mga Muslim sa Medina kaysa sa Mecca, naririnig pa rin ang mga ingay ng digmaan mula sa malayo. Kauna-unawang nagagalit ang mga taga-Mecca sa panlipunang tagumpay ng nakatakas na pangkat, at sinimu-lang baguhin ng mga tribong Quraysh ang mga ruta ng kanilang pangangalakal upang dumaan sa mga katabing lungsod at kinumbinsi nila ang mga tribong Arabo sa paligid ng Medina laban sa mga Muslim. Malinaw ang hangarin ng mga taga-Mecca, ngunit ang mga kamay ng mga Muslim ay napigil ng kawalan ng pahintulot na lumaban. Sa loob ng ilang taon, ipinayo ng mga bersikulo-ng inihayag kay Muḥammad ang tibay ng dibdib at pagpapasensya: (Maging mapagpaumanhin at mapagpatawad hanggang ibigay ng Allah ang Kanyang kautusan) (2:109).21

Mahalagang banggitin dito ang isang punto: ang batayang prinsipyo ng Islam ay yaong hindi nito pinahihintulutan ang karahasan. Ang pangunahing kalagayan ng sangkatauhan ay kapayapaan, ngunit ang tugon sa karahasan na ipinapakita ng kasaysayan ay higit pang karahasan. Sa panahong ang mga alitan ng mga pami-pamilya ay maaaring magtagal nang ilang dekada, paulit-ulit na kinailangang magpakita ng pagpapasensya at pagpapaubaya ng mga Muslim habang nasasaksihan nilang pinapahirapan, ipinapatapon at pinapatay ang kanilang mga pamilya at kaibigan. Sa wakas, pagkalipas ng labintatlong taon, ibinigay ang pahintulot na gumanti. Ngunit ang pahintulot na ito ay may kasamang mahigpit na hanay ng mga etika at kundisyon. Kailanman ay hindi pa naging ganito kahigpit ang pagpapatupad ng mga alituntunin para sa makatwirang digmaan at katarungan sa digmaan.

ang laBanan sa BaDr at ang Mga suMunoD: 624–632 aD

“O Allah, kung masawi man ang pangkat ng mga Muslim na ito ngayon, Ikaw ay hindi na sasambahin pa.”22

Pagkatapos ibaling ang kanilang mga paglusob sa paligid ng Medina, sirain ang mga namumungang punongkahoy ng mga Muslim at tangayin ang kanilang mga alagang hayop, isang puwersang binubuo ng isang libong taga-Mecca na may pitong daang kamelyo at isang daang kabayo ang pumunta sa Medina sa taglamig ng 624 AD. Hindi kayang hulaan ng tao ang napakalaking kinalabasan ng labanang ito. Iilang labanan lang ang nakaapekto sa bawat bansa sa mundo sa paraang nagpabago sa takbo ng kasaysayan. Bagama’t mahigit tatlo sa isa ang lamang sa bilang, nanalo ang mga Muslim sa labanang ito, ang unang pagsubok sa kanilang kagitingan.

Bagama’t nanalo ang mga taga-Mecca sa sumunod na labanan at nasugatan nila ang Propetang si Muḥammad, hindi na sila kailanman nakabawi sa

Page 79: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

62 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

sorpresang pagkatalo sa Badr. Walong taon pagkalipat sa Medina, bumalik si Muḥammad at ang kanyang mga Kasama sa Mecca. Iniwan man nila ang kanilang inang-bayan nang may labis na pagdaramdam, bumalik silang matagumpay.

Matagumpay na bumalik at pumasok ang mga Muslim sa mga minanang lupa kung saan sila pinagbawalang pumunta sa loob ng maraming taon. Ngunit pumasok silang hindi nagdiriwang, kung hindi nang may pagpapakumbaba. Inilalarawan ng mga mananalaysay na ang ulo ng Propetang si Muḥammad ay nakayuko nang napakababa na halos umabot ang kanyang balbas sa siya ng kanyang kamelyo. Sa Kaʿba, kasama ang mga mamamayan ng Mecca na nagtipun-tipon sa kanyang harapan, itinanong ng Propetang si Muḥammad:

“O Quraysh, anong klaseng pagtrato ang ibibigay ko sa inyo?” Sumagot sila: “Awa, O Propeta ng Diyos. Kabutihan lamang ang inaasahan namin mula sa iyo.” Pagkatapos, inihayag ni Muḥammad: “Sasambitin ko sa inyo ang parehong mga salitang sinambit ni Jose sa kanyang mga kapatid: ‘Sa araw na ito, walang paninisi laban sa inyo’; humayo kayo, kayo ay malaya na.”23 Isa-isa, ang mga taong may pagkamuhi hanggang sa ilang nakaraang sandali lamang ay lumapit sa Propeta, umaasa ngunit hindi makapaniwalang walang pagganti.

Ginugol ni Muḥammad ang mga nalalabing taon sa pagbubuklod sa kabuuan ng Arabia sa ilalim ng bandila ng Islam; maraming tribong pumunta sa Medina upang manumpa ng kanilang katapatan sa kanya. Noong 632 AD, nagawa niyang pamunuan ang kanyang mga Kasama sa kanilang unang banal na paglalakbay na Hajj patungo sa Kaʿba sa Mecca. Pagkatapos isagawa ang mga ritwal, tinipon niya ang kanyang mga tagasunod, ang ilan sa kanila ay kasa-kasama na niya mula pa sa mga unang sandali ng rebelasyon. Sa harap ng isang daang libong mananampalataya, ibinigay niya ang kanyang tanyag na Sermon ng Pamamaalam.

Matapos makumpleto ang   kanyang sermon, tumingala siya at nagdasal: “O Panginoon! Naiparating ko ba ang Iyong mensahe?” At pagkatapos ay idinagdag niya: “Huwag sana kayong bumalik sa dating gawi pagkatapos ko, at maging hindi mananampalataya, na nananakit sa isa’t isa.”24

Ang sumunod na bersikulo ng Qurʾān na ipinahayag ay isang bersikulong sa panahong iyon ay sinabi ng mga Hudyo sa mga Muslim na dapat nilang ipagbunyi: Sa araw na ito ay ginawa Kong ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, at Nilubos Ko ang Aking biyaya sa inyo, at Aking ikinalugod ang Islam bilang inyong relihiyon. (5:3)

Page 80: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Subalit, pagkarinig sa bersikulong ito, nakitang umiiyak si ‘Umar, ang mabagsik sa mga Kasama. Nalito ang mga nakapaligid sa kanya. “Ano ang nangyari?” tanong nila.

“Pagkatapos ng perpeksyon,” sabi niya, “wala nang natitira kung hindi pagdadalamhati.” Pagkalipas ng ilang buwan, pumanaw ang Propeta sa piling ng kanyang asawang si ʿĀʾisha.

Page 81: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 82: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Malalim ang pagkakabatid ng mga kasalukuyang Muslim sa kanilang kasaysayan. Ito ay isa pa sa dahilan kung bakit itinuturing silang tila kakatwa sa isang mundong ang may kabuluhan lamang ay ang kasalukuyan. Sa katunayan, kapag binibigkas ng isang Muslim ang isang kasabihan ng Propetang si Muḥammad o nagsasalaysay tungkol sa iskolar na o pinunong Muslim na isang ilang siglo nang pumanaw, ginagawa niya ito na para bang nangyari ito sa kanyang kapanahunan. Ang isa pang kaibhan ng pagtingin ng mga Muslim sa kasaysayan ay di-pagpapakahulugan dito bilang kuwento ng di-mapigil na pagsulong at pag-unlad. Bagama’t walang nagkakaila sa mga pakinabang ng tuberyas sa loob ng mga gusali at ng mga pag-usad ng makabagong medisina, hindi nangangahulugang ang mga ito ang mga pamantayan ng paghusga sa kuwento ng sangkatauhan.

Ang tiyak na kabatirang  ito sa kanilang kasaysayan ay madalas na nakikita bilang batayan ng kritisismo na ang mga Muslim ay paurong. Ngunit ang hindi pagkatinag sa panahon ng mga espiritwal na napagtagumpayan ay hindi—at hindi dapat—humantong sa pagkasinauna pagdating sa teknolohiya. Sa katunayan, nitong kamakailan lamang, nangunguna ang mga imperyong Muslim sa paggiya sa mundo tungo sa siyentipikong pag-unlad at panlipunang pagsulong. Gayunpaman, ang pagmamana ng ganito kayamang kasaysayan ay nakakaimpluwensya sa paraan ng pagtingin ng isang Muslim sa mga kasalukuyang pangyayari.

sa liliM ng aPat na Higante

Ang kasaysayan ng Islam ay madalas na nahahati sa dalawang yugto. Ang una ay ang panahon ng mga Kahaliling Nagabayan nang Tama. Ang apat na lalaking ito ay malalapit na Kaibigan ng Propetang si Muḥammad, na pinagsama ang pagkapinuno ng bansa at ang hindi lumilihis na pagsunod sa mga prinsipyong inilatag ng kanilang kaibigan at guro. Sa kabuuan, tatlumpung taon lamang ang itinagal ng kanilang pamumuno. Tulad  din ng

IkaanIM na kaBanaTa

Mga kahalili at Caesar: ang Islam pagkatapos ng Propeta

Nakalagay ang pangalan ng unang Kahalili, si Abū Bakr, sa isang medalyon sa Hagia Sofia sa Istanbul, Turkey.

Page 83: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

66 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Propeta, ang mga buhay ng apat na lalaking ito ay nagbibigay ng di-mabilang na inspirasyon, at hindi lamang basta mga paglalahad na pangkasaysayan. Sa pagkamatay ni ʿAlī, ang imperyo, na noon ay naging masyadong malaki upang tawagin sa iba pang paraan, ay inangkin ng Dinastiyang Umayyad noong 661 AD at ang pamunuan ng mundo ng Islam ay nanatiling dinastiko sa kalakhan hanggang sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman noong 1924.

Matapos ang pagpanaw ng Propeta noong 632, nailipat ang pamumuno sa komunidad sa kanyang pinakamalapit na Kaibigan, si Abū Bakr, na naging isang malakas na kakampi at tagapagtanggol ng pananampalataya mula noong siya ay maging  ang unang nasa hustong gulang na lalaking tumanggap sa mensahe ng Islam. Maagang dumating ang kanyang unang suliranin. Nang mabatid ang tungkol sa pagpanaw ng kanilang minamahal na Propeta, tila naulila at naging magulo ang isipan ng mga Muslim, at marami ang tumangging maniwalang pumanaw na si Muḥammad. Tumayo si Abū Bakr, na nagdadalamhati rin sa pagpanaw ng lalaking hindi lamang niya guro ngunit siya ring pinakamalapit niyang kaibigan, at kinausap niya ang mga taong nagtipun-tipon sa bahay ni ʿĀʾisha. “Mga nilalang,” sabi niya,

“sinumang nag-isip na sumamba kay Muḥammad, tunay ngang pumanaw na si Muḥammad; ngunit ang sinumang sumasamba sa Diyos ay nakakaalam na ang Diyos ay Nabubuhay at Magpakailanman.”25

Kay Abū Bakr sunod na iniatas ang tungkulin na pagbuklurin ang mga tribong Arabo na ipinagsanggalang ang pagpanaw ni Muḥammad upang talikuran ang kanilang mga kasunduan. Sa kanyang maikling dalawang taon ng pamumuno, nagawa niyang pahupain ang ilang pag-aaklas ng mga lokal na tribo, at sa kanyang  pagpanaw, nadoble na ang lawak ng mundo ng Islam, sa pagsama ng mga Imperyo ng Persia at Imperyo ng Silangang Roma.

Ang sumunod na sampung taon ay naging mapayapa sa ilalim ng pamumuno ni ‘Umar b. al-Khaṭṭāb. Sa panahong ito, lumawak ang imperyo ng Islam sa pagkakabilang Hilagang Aprika, Ehipto, Syria, Armenia at Palestino. Ayon sa mga Kristiyanong mananalaysay, mapagkumbabang pumasok si ‘Umar sa Herusalem, akay-akay ang kanyang kamelyo, kung saan nakasakay ang kanyang alipin. Sinalubong siya ng Patriyarka ng Ortodoksong Griyego na nagbigay sa kanya ng susi sa lungsod at nagturo sa kanya sa lugar ng lumang Templo ng Hudyo. Natagpuan niya ang sagradong lugar na ito na punung-puno ng basura, na sinimulan niyang alisin gamit ang kanyang mga kamay, at ipinag-utos niyang tayuan ito ng mosque.

Isinalaysay ng Patriyarka ng Herusalem na dumating ang oras ng pagdarasal habang nagbibigay-galang si ‘Umar sa simbahan ng Banal na Sepulkro. Sa halip na magdasal sa Simbahan o kahit pa sa patyo nito tulad ng paanyaya ng Patriyarka sa kanya, ipinagpilitan ni ‘Umar na magdasal sa labas ng mga nasasakupan nito upang hindi gamitin ng mga susunod na henerasyon ang

Page 84: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaanIM na kaBanaTa: Mga kahalIlI aT Caesar 67

kanyang pagdarasal sa loob ng gusali bilang dahilan upang labagin ang kalayaan ng Simbahan. At hindi lamang ang mga Kristiyano ang may dahilan upang ipagdiwang ang kaangkupan ng palayaw na “‘Umar na Makatarungan.” Sa unang pagkakataon sa loob ng limang daang taon, pinahintulutan ang mga Hudyo na bumalik at manirahan nang malapit sa Banal na Lupain, at isagawa ang kanilang relihiyon nang walang humahadlang.

Matapos ang pagkamatay ni ‘Umar sa mga kamay ng isang mamamaslang  na taga-Persia, inako ni ʿUthmān ang Kalipado matapos siyang inomina ng konseho ng mga Kasama ng Propeta. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinalawak ang mga hangganan ng imperyo ng Islam mula sa kasalukuyang Morocco hanggang Pakistan. Sinimulan niyang magpadala ng mga kinatawan sa iba’t ibang pinuno, kasama ang unang kinatawan sa Dinastiyang Tang sa Tsina, na si Saʿd b. Abī Waqqās. Bagama’t hindi sumapi sa Islam ang emperador na si Gaozong, humanga siya nang husto sa kinatawan ni ʿUthmān kaya ipinag-utos niyang itayo ang unang mosque saTsina noong 651 at pinahintulutan si Saʿd na mamalagi sa bansa at ipalaganap ang Islam.

Ang Mosque ng Niujie, itinayo noong 996 AD sa panahon ng Dinastiyang Liao, ay ang pinakalumang mosque sa Beijing, China

Page 85: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

68 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

 Sa panahon ding iyon iniutos ni ʿUthmān na matipon at mabigyang-autoridad ang Qurʾān. Matapos ang pag-awtentiko sa bawat bersikulo at letra, nagpadala siya ng mga opisyal na kopya sa bawat Muslim na lungsod at kampong militar. Ang mga kopyang umiiral sa kasalukuyan ay katulad na katulad ng mga opisyal na kopyang orihinal.

Sa panahon ng pamumuno ni ʿUthmān, itinalaga niya ang ilan sa kanyang mga kamag-anak bilang mga gobernador sa mga lumalawak na probinsya. Hindi lahat sa kanila ay sumunod sa kanyang matataas na pamantayan ng Islam, at marami sa mga napailalim sa kanilang malupit na pamumuno ang umangal. Naging rebelyon ang pagkadismaya ng mga tao, at noong 656, isang pangkat ang pumasok sa kanyang tahanan habang nagbabasa siya ng Qurʾān at siya’y pinaslang.

Ang huli sa apat na Kalipang Nagabayan nang Tama ay si ʿAlī, ang pinsan at manugang ng Propetang si Muḥammad, na namuno lamang nang tatlong magugulong taon bago siya namatay sa mga kamay ng mararahas na mapagmalabis.

Inilipat niya ang kapitolyo ng mundo ng Islam sa Kufa, sa kasalukuyang Iraq, kung saan siya namuhay nang hindi maluho at may disiplina sa kabila ng kayamanan ng komunidad. Noong nabalitaan niya na punung-puno ang kabang-yaman ng ginto at pilak, tinawag ni Aʿlī ang mga taga-Kufa at ipinamahagi niya ang lahat sa kanila kasama ang mga salitang: “O Dilaw, O Puti! Linlangin mo na ang iba maliban sa akin.” Pagkatapos ay ipinag-utos niyang linisin nang mabuti ang tanggapan kabang-bayan upang

Page 86: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaanIM na kaBanaTa: Mga kahalIlI aT Caesar 69

makapagdasal siya sa kapayakan nito. Palagi siya noong nakikitang simple ang pananamit, naglalakad sa palengke na may dalang maliit na tambol at nagpapaalala sa mga nagtitinda at mamimili na maging matapat sa kanilang mga transaksyon.

Ang pagpaslang kay ʿUthmān ay hindi nakalimutan, at maraming nagnais na gumawa si Aʿlī ng mabigat na hatol tungkol sa mga pumatay rito. Nang hindi niya kaagad pinarusahan ang mga pumaslang kay ʿUthmān, isang serye ng mga pangyayari ang humantong sa kanyang pagkamatay sa kamay ng isang pangkat ng mga sesesyonistang kilala bilang Kharijites.

PagBangon at PagBagsak: ang PagBuo ng isang siBilisasyon

Idineklara ng isa pang Kasama, si Muʿāwiya, ang kanyang sarili bilang isang Kalipa at inilipat niya ang Kalipado sa Damascus, kung saan niya pinamunuan ang Dinastiyang Umayyad nang siyamnapung taon. Noong 750 AD, ang mga Umayyad ay pinaalis ng mga Abbasid, na naglipat ng kanilang korte sa Baghdad. Isang batang prinsipe ng Umayyad ang nakaligtas at nakatakas patawid ng Mediteraneo hanggang al-Andalus, sa makabagong Espanya. Nagtatag siya doon ng isang ganap na hiwalay na Kalipado na siyang naging pinakamahalagang pag-aari ng Europa sa loob ng daan-daang taon.

Samantala sa Baghdad, lumaki ang Imperyong Abbasid at nagsimulang kumuha ng mga sundalong Turko mula sa hilaga upang protektahan ang mga interes nito. Habang lumalakas ang kontrol ng mga sundalong Turko at matataas na opisyal ng pamahalaang Muslim sa Persia, nagsimula ang dahan-dahang pagbagsak ng Kalipado ng Abbasid. Pagdating ng 1055 AD, ang mga sundalong Seljuk Turko ang siyang tunay na may hawak ng kapangyarihan, ngunit patuloy silang nagbigay-galang sa mga Abbasid bilang mga pinuno sa pangalan. Sinubukan ng dakilang opisyal, si Niẓām al-Mulk, na pagbuklurin ang tatlong nagtutunggaliang pangkat etniko at gamitin ang mga lakas ng bawat isa. Inilalarawan niya ang paghahati-hati ng kapangyarihan na,

Pananatilihin ng mga Turko ang kaayusan sa kanilang puwersang militar, magbibigay ng pagkakaisa ang mga Arabo sa pamamagitan ng pag-aambag ng mga doktrinang panrelihiyon, at i-aambag ng mga taga-Persia ang lahat ng nalalabing sining ng sibilisasyon. Kaya ang bagong pamunuan ay bubuuin ng isang Turkong sultan at ng kanyang hukbo, isang Arabong khalifa (kalipa) at ng ʿulama (mga iskolar), at isang burukrasya ng Persia na may mga kawaning alagad ng sining at paham.26

Naging maayos ang paghahati-hating ito kaya pagdating ng 1071, nakipaglaban si Alp Arslan, ang Turkong Sultan, sa Emperador ng Byzantine

Page 87: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

70 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

na si Romanus Diogenes at pinaurong niya ang mga tropa nito. Ang tagumpay na ito—at ang pagkakadakip ni Arslan sa Emperador at pagpapalaya rito—ang nagdulot ng matinding dagok sa Imperyong Byzantine at naging daan para sa naging pamayanang Turko sa Anatolia sa kalaunan.Gagamitin din ito bilang sigaw ng digmaan ng Katolikong Europa. Sa simula, walang pakialam na pagkikibit-balikat lang ang nakuha ng ordinaryong pangkat ng mga Mandirigmang Pranko na pinamumunuan ni Pedro, ang Ermitanyo mula sa pinuno ng mga Turko na si Kilij Arslan. Ang sumunod na armadong tropa ng mga kabalyero mula sa Pransya, Inglatera at Alemanya ay hindi ipinagwalang-bahala. Pagdaan sa Nicaea at Antioch at Ma’ara, tiniyak ng mga Europeong Nagkukrusadang ito sa mga mamamayan na kung bubuksan lamang nila ang kanilang mga pintuan, hindi sila sasaktan. Ngunit halos walang nakaligtas at hindi pinatawad ang kanilang mga bangkay.

Naging mabisa rin ang istratehiyang ito sa Herusalem. Muli, binuksan ng mga mamamayan ang mga pintuan ng lungsod; muli, sinimulan ang pagpatay, sa pagkakataong ito ay talagang seryoso. Halos naubos ang kabuuan ng mga komunidad ng Muslim at Hudyo. Ipinatapon ang mga mamamayang Kristiyanong Ortodokso at sa Silangan, kinumpiska ang kanilang mga ari-arian. Sa malulupit na pangyayaring ito lumabas ang isang bayani.

si salaDin: ang tunay na Magiting

Si Saladin noong bata pa siya sa panahong masaker sa Herusalem. Isang napakarelihiyosong bata, sinasabing hindi lamang ang kaya niya ay ang bigkasin ang banal na kasulatan— ang Qurʾān at ang Ḥadīth—ngunit napakarunong din niya sa mga obrang Griyego. Pumasok ng Herusalem ang batang Sultan na ito ng Ehipto noong 1187 pagkatapos mabawi ang karamihan ng nadaanan niyang lupain ng Nagkukrusada nang walang pagdanak ng dugo. Sa pagpapalibot lamang sa mga hukbo, panggigipit sa kabuhayan at pakikipagkasundo para sa pansamantalang pagtigil ng labanan, hindi lamang nabawi ni Saladin ang mga teritoryo, ngunit nagkaroon din siya ng marangal na reputasyon sa magkabilang panig na kilala hanggang sa panahong ito.

alP arslan: “ano ang gagawin mo kung dinala ako sa iyong harapan bilang isang bihag?”

eMPerador roManos: “Marahil ay papatayin kita, o ipaparada kita sa mga kalye ng konstantinople.”

alP arslan: “di hamak na mas mabigat ang aking parusa. Pinapatawad kita at pinalalaya.”

Page 88: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaanIM na kaBanaTa: Mga kahalIlI aT Caesar 71

Sa bawat teritoryong nabawi niya, ginaya ni Saladin ang pag-uugali ng Kalipang si ʿUmar. Sinumang mamamayan ay malayang makakaalis. Kung mananatili sila, gagawin nila ito nang may seguridad ang kanilang mga buhay, ari-arian at relihiyon. Kapag tumanggi ang mga Nagkukrusada na tanggapin ang mga negosasyon, nakikipaglaban si Saladin sa mga tropa nila. Walang pagganting pagpaslang, walang pandarambong.

ang PagkaWasak  ay naging Dinastiya

Ang paglusob na hindi maipagkikibit-balikat at sa kalaunan ay nagdulot ng hindi maisasaayos na pinsala sa pinakasentro ng mundo ng Muslim ay ang paglusob ng mga Mongol mula sa Silangan. Dahil nagalit si Genghis Khan sa marahas na pagtanggap sa ilan niyang mga kinatawan sa mga kamay ng hari ng Khwarazmia na ngayon ay kilala bilang Iran, pinaikot niya ang kanyang mga tropa patungo sa malawak na Imperyo ng Abbasid sa kanluran. Para sa milyon-milyong nabuhay sa ikalabintatlong siglo, ang malawakang pagsira ng mga kawan ng Mongol ay naging hudyat ng pagtatapos ng sibilisasyon. Maraming lungsod—kasama ang kapitolyo ng Khwarazmia—ang naglaho sa ibabaw ng mundo. Ang mga lungsod na may mahigit isang milyong mamamayan, mga tanyag na lungsod ng edukasyon at kultura tulad ng Herat

Ang Maiden’s Tower sa Istanbul, Turkey

Page 89: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

72 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

at Nishapur, ay naging mas mababa pa sa isang daan ang mga populasyon. Lubusang nasira ang mga intrikadong sistema ng patubig na hindi na maibabalik pa sa dati. Noong narating ng manlalakbay na si Ibn Baṭūṭa ang mga lungsod na ito paglipas ng isang siglo, natagpuan niyang marami pa sa mga ito ang nananatiling wasak-wasak. Noong 1258, nasira ang Kalipado ng Abbasid at ang sentro nito, ang kahanga-hangang lungsod ng Baghdad, pati na ang daan-daang libong aklat, manuskrito at obra ng sining at arkitektura. Pagkatapos, sa isa sa malalaking sorpresa sa kasaysayan, nabawi ito ng mga Muslim, ngunit hindi sa pamamagitan ng puwersang militar. Pagdating ng 1257, nagsimulang sumapi sa Islam ang mga pinunong Mongol.

Kumalat ang kanilang imperyo sa silangan hanggang sa Rusya at Tsina. Samantala sa kanluran, papalapit ang mga Turkong Ottoman sa mga lupaing Balkan, pagkatapos talunin ang karamihan ng Imperyong Byzantine. Noong 1453, sinakop ni Sultan Mehmet II ang Konstantinople.

Sa huling bahagi ng ikalabinlimang siglo lumago ang tatlo pang hiwa-hiwalay na imperyo sa mundo ng Islam: ang mga Safavid sa Persia, ang mga Mughal—mga kaapu-apuhan ng mga Mongol—sa India, at ang nagpapatuloy na Imperyong Ottoman. Ang una ay nagwakas sa simula ng ikalabingwalong siglo at ang ikalawa ay sumunod sa ikalabingsiyam. Ang pagbabago sa pangheograpiya-pulitikal at pang-ekonomiyang mapa ng mundo dagdag pa sa mga panloob na dahilan ang nagdulot ng pagbagsak ng dalawang malalaking imperyong ito. Ipinagpatuloy ng Imperyong Ottoman ang pagpapalawak nito sa Europa at Hilagang Aprika at sumapit ang unti-unting pagwawakas nito sa Digmaan sa Vienna noong 1922. Nagbigay-daan ito para sa mundo ng Muslim sa anyong bansang-estado na kilala natin ngayon.

Ang milagro ng paglaganap ng Islam ay hindi ang paglaganap mismo, hindi rin ang bilis nito. Wala pang nakakagawa ng pambihirang pagsakop ng mga taong nomado sa mga nakahihigit na sibilisasyon. Tinalo ng mga Visigoth ang Roma tulad ng pagsakop ng mga Mongol ng Khan sa mga palasyo ng Imperyong Jin ng Tsina. Ang katangi-tangi sa pangkat na ito ng mga taong nomado ay ang katatagan ng kanilang imperyo at ang pangmatagalang pamana—sa kultura, agham at pilosophiya—na iniwan ng kanilang sibilisasyon. Dapat ding banggitin na ang mga tumitingin sa pagbagsak ng kapangyarihan ng Mundo ng Islam at nakakakita dito ng ilang itinadhanang katibayan ng kahinaan ng relihiyong Islam ay nalilito sa pagkakaiba ng pananampalataya at ng imperyo. Nabubuo at bumabagsak ang mga imperyo. Ito ang nangyayari sa kanila. Ang relihiyon ay hindi nasusukat sa paglawak o pagliit. Kadalasang mas lubusang naipapakita ang pananampalataya kapag isinasagawa ito ng mga minoridad.

Page 90: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaanIM na kaBanaTa: Mga kahalIlI aT Caesar 73

Binibisita ng mga turista ang Mosque ng Badshahi sa Lahore, Pakistan. Itinatag ito ng ikaanim na emperador na Mughal, si Aurangzeb Alamgir at nakumpleto ito noong 1673.

Page 91: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ang PaMilya ng MueZZein Mula sa eHiPto

Bilang Ingat-yaman at Muezzin (isang taong nananawagan ng pagdarasal), si Kalafallah Taqi Muhammad ay isang abalang lalaking may ginagampanang iba’t ibang tungkulin sa isang malaking mosque na matatagpuan sa isa sa bagong maliliit na lungsod sa labas ng malaking metropolitan na bahagi ng Cairo, Egypt. Kasama sa kanyang trabaho ang pag-aasikaso sa iba’t ibang panustos ng Mosque, pagsubaybay sa iba pang mga manggagawa, at pananawagan ng pagdarasal limang beses sa maghapon sa pamamagitan ng kanyang magandang boses. Namumuhay siyang kasama ang kanyang asawa at dalawang anak, sina Yusuf at Maryam. Isa siyang lubos na palakaibigang tao na naniniwala sa ugnayan ng pamilya at etikal na pamumuhay. Naniniwala siya na ang lahat ng mabubuting bagay ay nagmumula sa pagiging mabait sa mga magulang; kaya naman hanggang sa ngayon, tinatawagan niya ang kanyang ina dalawang beses sa maghapon, sa umaga at sa gabi. Ipinagmamalaki niyang nagtawag siya para sa pagdarasal at pagsesermon ng mga tanyag na tagapangaral. Hindi nawawala ang kanyang ngiti sa kanyang mukha, lalo na kapag ipinapaliwanag niya na itinuturo sa kanya ng kanyang pananampalataya na maging mabait sa iba.

Ang pangunahing pinagmumulan ng inspirasyon sa kanyang buhay ay ang Qurʾān. Isa siyang determinadong taong natutong magbasa at magsulat nang mag-isa. Kapag ipinapaliwanag ang tungkol sa kalagayan ng mundo, sinasabi niyang ang problema ay kapag hungkag ang pananampalataya ng mga tao na hindi konektado sa kanilang mga pagkilos. “Kailangang sabihin ng mga tao ang totoo kahit pa laban ito sa kanilang sarili at sa kanilang mga minamahal. Dapat magsimula ang isang tao sa kanyang sarili, mula sa loob hanggang sa labas, at pagkatapos ay sa malalapit sa kanya,” giit niya. Gayunpaman, siguradong ngingiti siyang muli at uulitin niya ang isang ḥadīth na nagpapatotoo sa: “Ang mabuti ay nasa akin at sa aking komunidad hanggang sa Huling Araw.”

IkaPITong kaBanaTa: PhoTo essay

ang Buhay ng mga Mananampalataya

Page 92: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaPITong kaBanaTa: ang Mga Buhay ng Mga MananaMPalaTaya 75

Page 93: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

76 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ang PaMilyang aMerikano: aniM na anak at isang Pang-eDukasyong kooPeratiBaNoong nagtapos sina Sara at Mike Kim sa United States Naval Academy, hindi nila inasahan na magiging bahagi at iikot ang kinabukasan nila sa pagpapatakbo sa isang dalawampu't pitong acre na rantso sa Hilagang California, o na magkakaroon sila ng anim na anak na naging inspirasyon para sa Ilm Tree, isang hindi pinagkakakitaang pang-edukasyong co-op para sa mga lokal na batang Muslim, na nagsimula ang pagpapatakbo sa kanilang bahay at mula noon ay lumipat na sa rantso. Habang lumalaki siya, kaunti lamang ang nalalaman o kabatiran ni Sarah tungkol sa Islam o sa mundo ng Muslim hanggang sa sumanib ang isang malapit na kaibigan. Dahil nag-aalala siya na nasangkot siya sa isang klase ng kakaibang kulto, sinimulan niya ang pananaliksik at nalaman niyang ang mga prinsipyo ng relihiyon ay agad na naging makabuluhan sa kanya. Sapagkat nahahati siya sa kanyang pangako sa matagal na niyang katipang si Mike, at sa kanyang bagong relihiyon, nagpadala siya rito ng mahabang liham na nagpapaliwanag sa kanyang pasya, tapat na naniniwalang ang kanyang bagong buhay ay hindi na nababagay sa kanilang pagmamahalan. Pagkatapos ng pagkabigla sa una, nagsaliksik din si Mike at sa paglaon ay sumapi na rin siya sa relihiyon.

Bagama’t hindi pa personal na tinatanggap ng kanilang mga kamag-anak ang relihiyon, sa pangkalahatan ay sumusuporta sila at tumutulong sa mga ginagawa nina Sarah at Mike sa kanilang komunidad.

Ang Ilm Tree ay nagsisilbi na ngayon sa mga pang-edukasyong pangangailangan ng mga pamilya sa California Bay Area na mula sa iba’t ibang uri ng pamumuhay at sa bawat antas ng lipunan. Ang Sienna Ranch ay bukas sa publiko at nag-aalok ng mga kursong pag-aaral tungkol sa kalikasan at kaligtasan na may mga nagsanay na guro sa pagkakampo at buhay sa ilang. Mas mahalaga, nagbibigay ito ng mga ligtas at kumportableng pagkakataon para sa nagpapatuloy na ugnayan ng komunidad na hindi umiikot sa mga talakayan tungkol sa doktrina.

Page 94: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaPITong kaBanaTa: ang Mga Buhay ng Mga MananaMPalaTaya 77

Page 95: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

78 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ang PaMilyang inDonesian: kaligayaHan sa PaglilingkoD sa koMuniDaDSina Sholahudin Al Aiyub, Atik Nurwahyuni, at ang kanilang mga anak na sina Zahra Amalia at Khansa Maliha ay nakatira sa Indonesia, ang bansang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo. Ang parehong mga magulang ay may dalawang trabaho. Si Atik ay isang tagapagturo sa Department of Health Policy and Administration sa University of Indonesia, at nagtatrabaho bilang tagapayo sa alituntuning pangkalusugan sa GTZ, German Technical Cooperation. Ang kanyang asawang si Sholahudin ay ang Kalihim ng Fatwa Commission for the Indonesian Ulema Council, at naglilingkod bilang dalubhasa sa relihiyon para sa Presidential Advisory Council ng Indonesia.

Sa kabila ng kanilang mga abalang iskedyul sa trabaho, aktibo sina Atik at Sholahudin sa mosque sa kapitbahayan at sa ilang lokal na relihiyosong pangkat, at naglalaan sila ng oras upang ituro sa kanilang mga anak ang kanilang mga pagpapahalaga sa relihiyon at komunidad.

Page 96: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaPITong kaBanaTa: ang Mga Buhay ng Mga MananaMPalaTaya 79

Page 97: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 98: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ikatlong Bahagi

mga huWaran at katotohanan

Page 99: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 100: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Ibang-iba sana ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan.

Noong 1603, gumawa si Aḥmad al-Manṣūr, ang Hari ng Morocco noon, ng isang panukala sa kanyang Ingles na kakampi, si Elizabeth I. Kung tinanggap sana ito ni Reyna Elizabeth, lubos sanang binago ng kanilang plano ang kasaysayan ng makabagong mundo.

Iminungkahi ng Hari na magkasamang umatake ang mga barkong Moroccan at Ingles sa mga kolonya ng Espanya sa Amerika, patalsikin ang pareho nilang mga kaaway na Espanyol, at pagkatapos ay “ariin” ang lupain at ilagay ito sa “ilalim ng [kanilang magkasamang] pagmamay-ari magpakailanman.”27 Gayunpaman, may kundisyon. Mungkahi ng Hari na mas mabuti sana kung ang karamihan ng mga kolonista sa hinaharap ay Moroccan sa halip na Ingles, dahil sa mainit na klima sa Timog Amerika. Subalit, tinanggihan ng Ingles ang alok ng Moroccan.

Marahil ay iniisip ng makabagong mambabasa na halatang-halata naman ang pasyang ito. Ngunit ang pasya ni Elizabeth ay walang gaanong kinalaman sa pangkultura o panrelihiyong panghuhusga at ang walang lamang kaban ng kanyang bansa ang natatanging dahilan.

Ang kasaysayan ay maraming halimbawang sumasalungat sa karaniwang pananaw sa likas at hindi maiiwasang tunggalian ng Islam at ng iba pang relihiyosong komunidad. Sila man ang mga tagatanggap ng bisita o ang mga bisita, ang nanalo o ang natalo, napatunayan na ng mga komunidad ng Muslim ang kanilang kakayahang makibagay at manatiling matibay laban sa mga bagong kultura, tao at ideya, at kamakailan lamang silang itinuring na suliraning panlipunan na dapat labanan.Isang larawan ni Fatih Sultan Mehmet na sa edad na dalawampu’t isa ay sinakop ang Konstantinople at winakasan ang Imperyong ByzantineSa panahong ang herarkiya ay nagpapagulo sa piyudal na Europa, ipinakilala ang Islam bilang isang magulong relihiyong nagbibigay ng masyadong maraming

IkaWalong kaBanaTa

Mga ingles na rosas at olandes na tulips: Mga nakakamanghang kuwento ng Islam at ng kanluran

Isang larawan ni Fatih Sultan Mehmet, kanyang nasakop ang Constantinople sa edad na 21-taon na naging dahilan sa pagbagsak ng Byzantine empire

Page 101: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

84 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

paggalang at kalayaan sa mga taong may mababang antas sa lipunan, tulad ng mga alipin at kababaihan. Hindi makita ng mga Kristiyano ang Islam na hiwalay sa kanilang mga sarili; ito ay naging kanilang anino, ang kasalungat ng lahat ng inakala nilang naglalarawan sa kanila o inasam nilang hindi naglalarawan sa kanila.28

Bilang resulta, ang kuwento ng Islam ay ipinagwawalang-bahala ng karamihan ng mga Kanluraning akademiko. Para bang lumundag ang mundo mula sa Klasikal na Panahon patungo sa Panahon ng Muling Pagsilang nang walang nangyari sa pagitan.

Patas na Pangangalakal?

Makabubuti sa kanluraning pagpapakadalubhasa kung kikilalanin ang naiambag ng isang lahi na kung wala ito ay hindi sana nangyari ang sarili nilang Panahon ng Muling Pagsilang. Anupaman ang pangkalahatang kalagayan ng mga lipunang Islam ngayon, walang dudang tapat at mahusay na isinulong ng mga imperyong Muslim ang sibilisasyon sa halos na kabuuan ng kanilang kasaysayan. Para sa sinumang nag-aaral ng mga klasika, agham o batas na nagtuturing sa pamana ng Hellenismo bilang kanilang pinagmulan, malamang na ang mga obrang tinutukoy nila sa araw-araw ay nailipat o nagmula sa pagpapakadalubhasa sa Islam. Maraming klasikong tekstong Latin ang nabaon sana sa limot kung hindi sa pagpupumilit ng pagpapakadalubhasa sa Islam na pag-ingatan at gawing pundasyon ang kaalaman at pag-unawa sa nakaraan.

Sa mga siglong sumunod sa pagpanaw ng Propetang si Muḥammad, pinalawak ng mga Muslim ang kanilang teritoryo sa silangan, kanluran at hilaga. Pagdating ng 732 AD, naabot ng mga hukbong Muslim ang lupaing tinatawag na ngayong Pransya, ngunit napigilan ni Charles Martel ang kanilang pagsulong. Ang mga hangganan sa pagitan ng “Mundo ng Islam” at “Mundo ng Kristiyanismo” ay nanatiling pareho magmula pa noon.

Ngunit nakukubli sa karaniwang tanggap na paglalarawan ng isang eksklusibong ugnayang pandigmaan ang higit pang mas masalimuot na katotohanan. Nakisalamuha ang mga Muslim sa mundong hindi Muslim sa ilang larangan, kasama na ang pangangalakal.

Lubhang nakadepende ang mga daungan sa Europa sa pakikipagkalakalan sa mundo ng Muslim na kahit noong kasagsagan ng mga Krusada, labag man sa mga utos ng Papa, ipinagpatuloy ng mga negosyante sa Venice at sa iba pang lugar ang paglalayag papasok at palabas sa mundo ng Muslim.

araBiC sa Belo ng BirHen

Mahigpit na nauugnay ang kapalaran ng Venice sa mundo ng Muslim mula pa noong ikawalong siglo nang pumunta ang mga taga-Venice sa Ehipto upang

“palayain” ang mga labi ni San Marcos. Ang Venice ay ang daanan papasok sa

Page 102: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaWalong kaBanaTa: Mga Ingles na rosas aT olandes na TulIPs 85

Maraming guhit na larawang may mga temang panrelihiyon sa panahong iyon ang nagtampok ng mga telang may dekorasyong sulat-kamay na mukhang Arabic.

Page 103: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

86 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Europa para sa mga Muslim na nagkaroon ng pagkakataong makita ang mga taga-Europa bilang mga mangangalakal sa halip na mga Nagkukrusada, at naging tagapangasiwa sa ilan sa pinakamalalaking ugnayang pangkalakalan sa mundo. Dinala sa kanluran ang mga seda, alpombra, pampalasa at seramika, habang dinala naman sa silangan ang mga panangkap sa produksyon tulad ng kahoy at lana. Bilang resulta, maraming guhit na larawang may mga temang panrelihiyon sa panahong iyon ang nagtampok ng mga telang may dekorasyong sulat-kamay na mukhang Arabic.

Para sa Venice, kinakatawan ng pakikipagkalakalan sa mga Muslim ang humigit-kumulang kalahati ng ekonomiya ng republika. Nagsimula itong makipagkalakalan sa mundo ng Muslim bago pa sumali ang kabuuan ng Europa, at nagbigay-daan ang naipong kayamanan upang ang Venice ay maging siyang ganap na katangi-tanging lungsod sa Mediteraneo na mula sa pagiging kalat-kalat na pamayanan bago ang Panahon ng Muling Pagsilang. Samantala, bagama’t ang Venice ay ang tanging Kristiyanong lungsod na kinilala sa ikalabing-apat na siglong mapa ni Ibn Khaldūn, nagpakita ang pakikipagkalakalan nito sa mga Imperyong Mamluk at Ottoman ng maliit na bahagi ng ekonomika ng mga Imperyong Islam.

Noong binisita ng mga mangangalakal mula sa Venice ang mundo ng Islam, namangha sila sa nadatnan nilang antas ng kahusayan sa paggawa. “Tunay ngang matutustusan ng mga paninda ng Damascus ang buong ka-Kristiyanuhan

Ang mga tanyag na caffe ng Venice ay ibinatay sa mga kapihan sa Istanbul.

Page 104: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaWalong kaBanaTa: Mga Ingles na rosas aT olandes na TulIPs 87

ng isang taon,” sabi ng taga-Florence na manlalakbay na si Simone Sigoli noong 1384. “Makikita ang lahat ng klase ng mayaman at marangal at pinong obra,” patuloy niya, “kaya’t kung mayroon kang pera sa loob ng buto ng iyong binti, walang dudang babaliin mo iyon upang mabili ang mga bagay na ito.”29

Sinasabi ni John Ruskin, ang may-akda ng The Stones of Venice, na ang kalakhan ng Venice ay kinopya mismo mula sa Gitnang Silangan. Kahit ang mga tanyag na caffe ng Venice ay ibinatay sa mga kapihan sa Istanbul.

Noong kinakausap ni King Roger II ng Palermo ang kanyang heograpo na si al-Idrīsī tungkol sa kanyang ipinagawang obra na The Book of Roger, tinanong ng Hari ang Aprikanong maharlika tungkol sa kasaysayan ng mga kababayan nito sa isla ng Sicily. Sa panahon ng pamumuno ni Roger, halos isang siglo nang wasak ang imperyong Islam sa Sicily, ngunit matingkad pa rin ang pamana ng pamunuang Islam sa nakaraang siglo sa bawat aspekto ng pamumuhay. Marami pa ring nagsasalita ng Arabic, at nakikita pa rin ang mga kapansin-pansing estilong Arab-Norman na ginawa ng mga arkitekto sa mga simbahan sa buong Palermo. Ipinahayag ng mga barya ni Roger sa dalawang wika, o sa ilang sitwasyon ay tatlong wika, ang:

“Haring Roger, makapangyarihan sa pamamagitan ng biyaya ng Allah!” Marami sa mga salaysay ng kaharian ang itinatago pa rin ng mga Muslim na manggagawang sibil. Para bang nahalina sa lahat ng may kinalaman sa Islam, ginaya ni Roger ang tanyag na Kilusan ng Pagsasalin ng al- Andalus sa Salerno, at dinala niya ang maraming tekstong Muslim at Jewish mula sa Muslim na Espanya patungo sa Kristiyanong Kanluran. Si Roger mismo ay matatas na nakapagsasalita ng Arabic at madalas na hindi sumasang-ayon sa Romano Katolikong Simbahan. Totoo pa rin iyon makalipas ang dalawang henerasyon, sa pagbansag sa kanyang apong si Frederick II bilang

“ang Nabinyagang Sultan” para sa kanyang pagtulad sa mga kaugalian at alituntunin ng Islam. Parehong tumanggi ang dalawang Hari na magsagawa ng mga lantarang krusada laban sa mga Muslim. Itinulad ng dalawang Hari ang mga burukrasya at ng kanilang imperyo sa ilang aspekto ng paaralan ng batas ng Mālikī na laganap sa ilalim ng mga prinsipeng Muslim ng Sicily bago ang paglusob ng mga Norman.

nagDasal Ba ang Mga Vikings nang liMang Beses sa isang araW?

Binabanggit ng mga Islamikong teksto mula noong ikasampung siglo tungkol sa mga alituntunin sa pagdarasal ang isang kakatwang patakaran: paano dinarasal ng mga naninirahan sa malayong Hilaga na hindi nakararanas ng tunay na “gabi” ang Dasal sa Gabi? Karaniwang ipagpapalagay ng mga estudyante sa Mediteraneo na nag-aaral tungkol sa batas ng Islam na isa itong tanong na batay sa hinuha. Sa katunayan, hindi pala.

Noong 920 AD, sumulat ang hari ng mga Slav sa Kalipa sa Baghdad at humiling na magpadala ng mensahero sa kanyang mga nasasakupan upang

Page 105: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

88 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ituro sa kanila ang “tunay na pananampalataya.”Pagkalipas ng isang taon, ipinadala ang isang alipores, at ang tala tungkol sa dalawang libo’t limandaang milyang biyahe ay umiiral pa rin sa kasalukuyan, salamat sa kalihim ng embahador na si Ibn Falān. Ibinibigay ng nananatiling umiiral na salaysay ni Ibn Fa lān sa mundo ang isa sa mga unang paglalarawan sa madadamong kapatagan ng Rusya pagkatapos ng Roma at ang paglalarawan ng nag-iisang saksi sa paglilibing ng mga Viking sa mahabang bangka.

Walang nakakaalam kung ano ang nangyari sa unang kahilingan para sa pagtuturo ng Islam. Ngunit lumabas na matagumpay ang biyahe sa iba pang mga paraan. Sa rutang pahilagang-silangan, nakasalubong ni Ibn Fa lān at ng kanyang pangkat ang mga Oghuz Turk, isang tribong nomado na nasa pagitan ng Dagat Caspian at Mga Bundok Ural. Naguluhan sa kawalan nila ng nalalaman tungkol sa Islam, itinuro sa kanila ni Ibn Fadlān ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa relihiyon at mga bahagi ng Qurʾān bago nagpatuloy sa kanyang misyon. Pagkalipas ng isang daang taon, nagbago ang mga Oghuz Turk at naging mga tagapagdala ng sagisag ng Islam sa kanilang bagong pagkakakilanlan bilang Imperyong Ottoman.

ang PalaMuti ng MunDo

Noong ang Prinsipe ng Umayyad na si Aʿbd al-Raḥmān, ang nag-iisang nalalabing tagapagmana ng dinastiya ng kanyang pamilya, ay lumisan sa Damascus patungo sa bungad na pamayanan ng al- Andalus, wala siyang kaalam-alam na ang kanyang tatlumpung taong pamumuno ay magreresulta sa pinakadakilang kaharian sa kalagitnaang panahon sa Europa. Sa halos walong-daang taon, gumawa ang mga Muslim sa kilala na ngayong katimugang Espanya ng mundo ng agham, kultura, teknolohiya at literatura na walang kapantay sa kontinente. Ang Córdoba, ang kabisera ng Espanyang Umayyad ay tinukoy ng isang kasabayang Kristiyano bilang “Palamuti ng Mundo.” Bagama’t ang ginawang mitolohikal na paglarawan ng pagkakasundo ng lahat ng mamamayan ay sa katunayang isang pagmamalabis, totoong para sa mga Hudyo sa Europa, ang Muslim na Espanya— sa panahon nito— ay isang kanlungan na sa kalaunan ay nagbunga ng Ginintuang Panahon ng Kulturang Hudyo. Totoo rin iyon para sa mga Kristiyanong itinuring na heretiko sa ibang bahagi ng Europa.

Ang pananaw na ito na pagbibigay-konsiderasyon sa pagkakaroon ng maraming relihiyon ay hindi lamang magandang asal ngunit maganda ring patakaran. Pinakinabangan ng mga pinunong Muslim ng al-Andalus, partikular na sa mga sentro ng edukasyon tulad ng Córdoba, Toledo at Seville, ang kasaganaan sa yamang-tao upang bumuo ng mundo na magpapamangha at kaiinggitan ng Kanlurang Europa. Bilang siyang napakamakapangyarihan sa panahong iyon, humantong ang mga ugnayan sa pakikipagkalakalan ng Muslim na Espanya sa Tsina sa paggamit nito

Page 106: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaWalong kaBanaTa: Mga Ingles na rosas aT olandes na TulIPs 89

Higit pa sa emosyonal na trauma na kakabit ng kanyang palayaw ang tiniis ng ikasampung siglong pinuno ng León na si Haring Sancho na Mataba. Ginamit ng kanyang mga kaaway ang kanyang katabaan upang ipasaring ang kanyang kawalang-kakayahang mamuno. Dahil nalalaman niyang ang kanyang tanging pag-asa ay nasa timog ng mga lupain ng "kalaban," pumunta sila ng kanyang ina sa korte ni ʿ Abd al-Raḥmān III, na tumanggap sa kanya at nagpaubaya sa kanya ng mga serbisyo ng sarili nitong doktor, ang Jewish na si Hasdai bin Shaprut. Gamit ang palasyo ni Aʿbd al-Raḥmān bilang sarili niyang kampong pangkalusugan, nanatili si Sancho sa pangangalaga ni Shaprut hanggang sa pumayat siya. Pagkatapos magkaroon ng katawang nababagay sa isang hari, matagumpay na bumalik si Leon at pinahupa niya ang anumang hindi pagkakaunawaang idinulot ng kanyang sobrang katabaan. Sa mga salita ni Tamim Ansary: Ginamot ng isang Jewish na doktor sa hukuman ng isang pinunong Muslim ang isang Kristiyanong hari: iyan ang kuwento ng Muslim na Espanya sa madaling salita.”

Isang rebulto ni Haring Sancho I, sa labas ng Kastilyo ng Silves, Algarve, Portugal

Page 107: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

90 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ng papel apat na raang taon bago pa ito nagawa ng kabuuan ng Europa at nagbigay-daan ito upang makapagpanatili ito ng mga aklatang napakalaki kung ihahambing sa mga nasa kalapit nitong kaharian. Sa Córdoba pa lamang, ang aklatan ay may apat na raang libong bolyum, mas marami kaysa sa nasa lahat ng pinagsama-samang iba pang kabisera sa panahon nito. Noong ang Prinsipe ng Umayyad na si Aʿbd al-Raḥmān, ang nag-iisang nalalabing tagapagmana ng dinastiya ng kanyang pamilya, ay lumisan sa Damascus patungo sa bungad na pamayanan ng al- Andalus, wala siyang kaalam-alam na ang kanyang tatlumpung taong pamumuno ay magreresulta sa pinakadakilang kaharian sa kalagitnaang panahon sa Europa. Sa halos walong-daang taon, gumawa ang mga Muslim sa kilala na ngayong katimugang Espanya ng mundo ng agham, kultura, teknolohiya at literatura na walang kapantay sa kontinente. Ang Córdoba, ang kabisera ng Espanyang Umayyad ay tinukoy ng isang kasabayang Kristiyano bilang “Palamuti ng Mundo.” Bagama’t ang ginawang mitolohikal na paglarawan ng pagkakasundo ng lahat ng mamamayan ay sa katunayang isang pagmamalabis, totoong para sa mga Hudyo sa Europa, ang Muslim na Espanya— sa panahon nito— ay isang kanlungan na sa kalaunan ay nagbunga ng Ginintuang Panahon ng Kulturang Hudyo. Totoo rin iyon para sa mga Kristiyanong itinuring na heretiko sa ibang bahagi ng Europa.

Ang pananaw na ito na pagbibigay-konsiderasyon sa pagkakaroon ng maraming relihiyon ay hindi lamang magandang asal ngunit maganda

Nakikita ang Mezquita de Córdoba na maliwanag sa gabi

Page 108: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaWalong kaBanaTa: Mga Ingles na rosas aT olandes na TulIPs 91

ring patakaran. Pinakinabangan ng mga pinunong Muslim ng al-Andalus, partikular na sa mga sentro ng edukasyon tulad ng Córdoba, Toledo at Seville, ang kasaganaan sa yamang-tao upang bumuo ng mundo na magpapamangha at kaiinggitan ng Kanlurang Europa. Bilang siyang napakamakapangyarihan sa panahong iyon, humantong ang mga ugnayan sa pakikipagkalakalan ng Muslim na Espanya sa Tsina sa paggamit nito ng papel apat na raang taon bago pa ito nagawa ng kabuuan ng Europa at nagbigay-daan ito upang makapagpanatili ito ng mga aklatang napakalaki kung ihahambing sa mga nasa kalapit nitong kaharian. Sa Córdoba pa lamang, ang aklatan ay may apat na raang libong bolyum, mas marami kaysa sa nasa lahat ng pinagsama-samang iba pang kabisera sa panahon nito.

Bilang wika ng diplomasya at agham, hindi naglaon at naging Arabic ang pinipiling wika ng mayayaman sa al-Andalus, Muslim man o hindi. Nagreklamo ang ikasiyam na siglong Obispo ng Córdoba tungkol sa nakakasirang impluwensiya ng wikang Arabic na nagsasapanganib sa kapangyarihan ng Latin sa mga Katoliko. “Halos walang nakasusulat ng nababasang liham sa Latin para sa isang kaibigan, ngunit napakaraming nakapagpapahayag ng kanilang mga sarili sa Arabic at kayang sumulat ng mga tula sa wikang ito nang mas masining pa kaysa sa mga Arabo.”30

May basehan ang mga pangamba ng Obispo. Sa humihinang monopolya ng Latin, nagkaroon ng daan para sa muling pagsulong ng mga bernakular na wika. Kung walang Arabic, wala sana si Cervantes at ang kanyang Don Quixote. Kung wala si Cervantes, wala sanang Dante, kung walang Dante, wala sanang Shakespeare.

Utang din ng biyaherong mang-aawit, ang romantikong palaging matatagpuan sa mga korte sa kalagitnaang panahon, ang kanyang pag-iral sa Muslim na Espanya. Dumami ang mga manunula ng korte sa kabuuan ng mundong Islam, ang ilan ay nagpalipat-lipat sa iba’t ibang kaharian, inaawit ang kanilang mga tema ng hindi nasusukliang pagmamahal, pagkaperpekto ng kanilang minamahal at ang pagiging lihim ng mga senyales at tagapamagitan. Isa sa mga pinakaipinagbubunyi sa kanila ay si Ziryāb—ang Beau Brummell ng kanyang panahon. Dumating mula sa Baghdad noong ikasiyam na siglo, agad siyang naging tagapagpauso, na siyang nagdidikta ng pamantayang nais tularan ng mga aristokrata ng sari-saring relihiyon at kultura. Ipinakilala niya ang toothpaste, deodorant at mga eleganteng pamantayan sa pagkain sa mga tubong Europa, tulad ng paghahati sa mga pagkain sa iba't ibang hainan.

Hindi lamang ang mga ginoo ng Europa ang humanga sa al- Andalus. Ginaya ng mga Kristiyanong kabalyero, partikular ang mga nasa Castile, ang pananamit at mga gawi ng mga kabalyerong Muslim at ipinahayag nila na ang pinakamahuhusay na kabayo at dekorasyon ay mula sa mga bansang Muslim.

Page 109: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

92 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Nakarating ang “Ingles na Rosas" sa Inglatera mula sa Persia sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa Imperyong Ottoman

Page 110: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaWalong kaBanaTa: Mga Ingles na rosas aT olandes na TulIPs 93

Mga MusliM na Caesar at MaMaMatay-Drakula

Bagama’t inilalarawan ng mga naunang seksyon ang iba’t ibang punto ng ugnayan ng mundo ng Islam at ng Kanluran, marahil ay ang pinakanakintal at pinakainaalalang engkuwentro ay sa Imperyong Ottoman. Labis na kapansin-pansin na kay Sultan Mehmet II at wala nang iba pa lamang maiaakma ang paglalarawang ito. Pagkatapos ng pagbagsak ng Konstantinople, inangkin ni Mehmet ang titulong Caesar ng Roma. Bagama’t hindi kinilala ng mga Griyego ang pag-angking ito, mayroon itong batayan. Dahilan nga sa ang Imperyong Byzantine—na ang kabisera ay ang Konstantinople—ay ang lehitimong tagapagmana ng Roma. Nakakakumbinsi rin ang kanyang lahi dahil marami sa kanyang mga ninuno ang nakapag-asawa ng mga prinsesa mula sa maharlikhang pamilya ng Byzantine.Seryoso si Mehmet na gawing eredero ng pinakadakilang pamana ng Europa

ang kanyang sarili. Masugid niyang sinubaybayan ang sining ng Panahon ng Muling Pagsilang at ipinapadala niya sa mga hari mula sa buong kontinente ang kanilang pinakamahuhusay na alagad ng sining upang iguhit ang kanyang imahe. Dumating ang mga pintor tulad nina Constanzo da Ferrara mula sa Naples at Bentile Bellini mula sa Venice at gumugol sila ng maraming taon sa korte ng Ottoman. Nang bumalik ang mga pintor na ito sa kanilang mga bansa, nagpakilala sila ng mga modelong Turko na nakasuot ng tradisyonal na damit ng Islam upang ilarawan ang mga eksena ng Bibliya. Nagpasabi pareho sina Leonardo da Vinci at Michelangelo sa Sultan para sa paggawa ng tulay sa Golden Horn.

Dagdag pa sa pagsasama-sama ng mga tanyag na alagad ng sining ng Europa, nagtitipon-tipon din ang mga humanistang pilosopo at Griyegong iskolar sa korte ng imperyo ni Mehmet. Pinanatili niya ang integridad ng Simbahang Byzantine at ipinasalin niya sa Patriyarka ang Kristiyanong doktrina sa wikang Turko. Saanman lumaganap ang imperyo—at mas malayo pa ito kaysa sa nalalaman natin ngayon—itinatag ng Sultan ng Ottoman ang sistemang millet: isang malayang relihiyosong komunidad na may mga gobernador na itinalaga ng imperyo mula sa komunidad. Nanatiling buo ang sistemang ito hanggang sa huling pagkabuwag ng Imperyong Ottoman noong mga taong 1920. Nakatago pa rin ang orihinal na kautusan sa Katolikong Monasteryo ng Pransiskano sa Fojnica, Bosnia and Herzegovina.

Ipinahayag ni sultan Mehmet II sa isang pampublikong talumpati na: “Mula sa mga nasasakupan, kung saan ko nakikilala kung sino ang Muslim sa isang Mosque, sino ang kristiyano, sa isang simbahan, at sino ang Jewish, sa isang sinagoga. Walang pagkakaiba sa kanila sa iba pang mga araw.”

—ekMeleddIn İhsanoĜlu, a Culture of Peaceful Co-existence

Page 111: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

94 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Mga tagaPaMaHala ng MunDo

nang likhain ng diyos ang tao, ipinagkatiwala niya rito ang pasanin ng makatwirang pag-iisip at malayang kalooban. sa lahat ng kanyang nilikha, ang sangkatauhan lamang ang nagdala ng pasanin at karangalang ito. Mahigit isang libo at apat na raang taon na ang nakalipas, sinabi ng Propetang si Muḥammad sa kanyang mga kaibigan na huwag mag-aksaya ng tubig kahit nakatira sila sa tabi ng ilog. Itinuro niya na kung magtatanim ng binhi ang sinumang Muslim kung saan makakakuha ng pagkain ang isang tao o hayop, gagantimpalaan siya na para bang nagbigay siya ng ganoon karaming pagkain sa kawanggawa. sinabi niya: “kahit pa nalalapit na ang huling oras at ang isa sa inyo ay may hawak na binhi ng palma, samantalahin niya ang kahit isang segundo bago ang oras upang itanim ito.”

Minsan, habang naglalakad, nadaanan ni Muḥammad ang isang kamelyong halatang hindi nakakakain nang sapat. Ipinaalala niya sa may-ari nito na “Matakot sa diyos sa pagtrato sa mga maamong hayop na ito.”

hindi lamang ginagampanan ng mga kilusan tulad ng Misali Marine Conservation and Mangrove rehabilitation sa Zanzibar, Tanzania at ng Canal rehabilitation and kashmir Valley reforestation sa Pakistan ang kanilang tungkuling pangalagaan ang kapaligiran, ngunit nagsasagawa rin sila ng lubos na hinihikayat na pagkilos ng pagsamba.

PAGTATAGUYOD SA TIWALA: MGA MUSLIM AT PISIKAL NA MUNDO

Tanawin ng isang baryo at mga bakawan mula sa himpapawid, Mohoro Bay, Tanzania

PhoTo essay

Page 112: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaWalong kaBanaTa: Mga Ingles na rosas aT olandes na TulIPs 95

Pinangasiwaan ng Neelum Valley sa Pakistan ang Kashmir

Ang tumatayong punong bantay, malapit sa isang kuweba sa Misali Island Ginagamit ang isang conservation project batay sa mga prinsipyo ng Islam upang pag-ingatan ang hindi tinitirhang islang ito sa Zanzibar, Tanzania.

Page 113: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

96 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

PagsaMBa: Pananaliksik tungkol sa Mga Misteryo ng PaglikHa

Para sa ilang makabagong pag-iisip, maaaring parang pinagsasarhan ng pinto ng mga misteryo ng paglikha ang siyentipikong pagtatanong. Para sa mga Muslim, dito nagsisimula ang misteryo. ang paglutas sa palaisipan ng paglikha ay hindi nangangahulugang tinatalikuran ng mga Muslim ang pag-aaral sa kosmos. sa mga salita ng Qurʾān, iniuutos sa mga Muslim na tingnang mabuti ang mga palatandaan ng paglikha sa langit at lupa. ang pagkakaiba ng agham ng Islam sa sekular na agham ay ang pagkilala ng agham ng Islam sa magpakailanman nitong layunin. napakahalaga ng pagtunton sa katotohanan sa parehong mga agham, ngunit sa agham ng Islam, ang malamig at hindi marubdob na paghahanap ay pinapalitan ng isang pagkilala sa tiwalang tinanggap ng sangkatauhan at sa paghanga sa nilikha ng diyos. Tulad ng babala ng Qurʾān, ang mga mananampalataya ay dapat (maglakbay sa daigdig nang may pagpapakumbaba) (25:63).

sa larangan man ng matematika, astronomiya, kemika, pisika o medisina, sa mahigit pitong daang taon, nangibabaw ang mundo ng Muslim bilang nag-iisang pinakamaunlad na siyentipikong puwersa sa mundo.

upang malutas ang masasalimuot na batas ng Islam sa mana, nilikha ni al-khawārizmī ang algebra (mula sa salitang arabic na al-jabr) noong ikasiyam na siglo. siya rin ang gumawa ng sistema ng mga logaritmo na kung wala ay wala sanang computer programming. ang paggawa ni Ibn al haytham noong ikalabing-isang siglo ng pundasyon ng kilala na ngayong siyentipikong pamamaraan ay malamang na resulta ng pagkiling ng Qurʾān at agham sa nakikita at naoobserbahan. Tama ang sinabi ni Bertrand russell, ang sikat na pilosopong Briton: “ang mga arabo ang nagpakilala sa empirikong paraan sa

ang paghahanap ng Muslim ng kaalaman ay madalas na nagtulak kahit sa mga pinakadebotong pinuno at relihiyosong iskolar na suportahan ang malayang pag-iisip at empirikal na siyentipikong pagsisiyasat.

—MICheal Morgan, lost history, 2007

Ang magaling na siyentipiko at pilosopo noong ikalabing-isang siglo na si Ibn Sīnā ay ipinagbubunyi bilang pambansang bayani sa Tajikistan, tulad ng pinatutunayanng kanilang pera

Page 114: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkaWalong kaBanaTa: Mga Ingles na rosas aT olandes na TulIPs 97

pag-aaral sa kalikasan at pinalago nila ito nang husto noong sila ang namumuno sa sibilisadong mundo.”

si avicenna (Ibn sīnā sa arabic), ang pilosopo-siyentipiko ng ikalabing-isang siglo mula sa uzbekistan, ay maaaring ihambing kay hippocrates bilang ama ng makabagong medisina. ang Canon of Medicine ni avicenna ay isinalin sa latin noong ikalabindalawang siglo at ito ang pangunahing sangguniang aklat sa medisina sa europa hanggang noong ikalabimpitong siglo.

Isang pahina mula sa Canon of Medicine ni Ibn Sīnā

Page 115: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 116: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Saan man ako tumingin, sa kaliwa o sa kanan, nakita ko siyang nakikipaglaban para sa akin. …Sino sa inyong mga lalaki ang makagagawa ng nagawa ni Nuṣayba?31

Patas Ba ang PagkakaPantay-Pantay?

Higit sa lahat, ang pangunahing alalahanin ng Islam ay ang ugnayan ng isang tao sa Diyos. Ang mga pinakamakabuluhang tanong para sa relihiyon ay: Nagbibigay ba ang Islam ng pamantayan para sa patas na pakikipag-ugnayan sa Diyos para sa babae at lalaki at magkapantay ba ang mga lalaki at babae sa Islam? Walang dudang oo ang sagot sa unang tanong. Sa pangalawa ang sagot ay nasa katamtaman na depende. Nakasalalay ito kung patuloy na itutumbas ng lipunan ang pagkakapantay-pantay sa pagkakatulad. Nakasalalay ito kung patuloy na mapapasailalim ang lipunan sa tinutukoy ni Seyyed Hossein Nasr na “paglulubos sa hindi nagtatagal.” Tulad ng inilalarawan ni Nasr: “Nilulubos ng bawat dekada ang sarili nitong mga kalakaran ng pag-iisip at pagkilos nang wala man lang pagsasaalang-alang at konsiderasyon sa katotohanang pagkalipas ng isang dekada, ang mga kalakaran at ideyang iyon ay mababaon sa limot pagdating ng bagong dekada.”32

Hangga’t ang mga pamantayan ng paghuhusga ay panlabas, banyaga at nakasalalay sa hindi nagtatagal na kahulugan ng pagkakapantay-pantay, talagang hindi masasagot ang tanong. Mahilig ang mga Muslim sa pagpapaalala sa mga nagdududa na hindi bababa sa apat na babae ang naging mga pinuno ng bansa sa mundo ng Islam. Gayunpaman, ang argumentong ito ay naiuuri lamang sa klase ng lohika na dapat iwasan. Dahil ang mga sitwasyon ng mga kababaihang Muslim ay sadyang nakasalalay kung saan, kailan at kanino ka tumitingin, ang tanging pananaw na maaaring talakayin sa pangkalahatan ay ang teolohikal.

Hindi maikukuwento ang istorya ng Islam nang wala ang kababaihan—hindi lamang bilang mga pahapyaw na pagbanggit sa mga ina at asawa, ngunit mga

IkasIyaM na kaBanaTa

ang kalahati ng mga kalalakihan

“Ang kababaihan ay ang mga kakambal ng kalalakihan.” —Propeta Muḥammad

Page 117: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

100 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

tukoy na babae tulad ng mga babaeng ang pangunahing tungkulin ay babanggitin natin dito: sina Khadīja, ʿĀʾisha, Ṣumayya, Umm Salama, Nuṣayba at Khawla. Ang katotohanang maraming hindi nalalaman tungkol sa mga babaeng ito ay tunay na nakakasira sa kasaysayan ng kababaihan. Mula pa sa pinakamaaagang yugto ng Islam, ang mga babaeng ito ang kumatawan sa mensahe ng Qurʾān tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga tao at sa turo ng Propetang si Muḥammad na ang kababaihan ay “ang mga kakambal ng kalalakihan.”33

Noong tinanggap ng Propetang si Muḥammad ang “balita ng kanyang pagkapropreta,” natakot siya sa unang pagkikita nila ng Arkanghel na si Gabriel. Dahil isang kilalang lalaki, marami sanang mapupuntahang kaibigan si Muḥammad. Sa halip, ang una niyang naisip na puntahan ay ang kanyang asawa, si Khadīja. Mangha sa kanyang naranasan, tinanong siya ni Muḥammad kung ano kahulugan ng nangyari sa kanya. Kalmado at may dignidad ang pagkakakilala nito sa kanyang asawa, sumagot ito nang may kapansin-pansing katatagan at hinahon:

“Sinusuportahan mo ang mga ugnayan ng pamilya. Nagbibigay ka sa mga kapus-palad. Tinitiis mo ang mga kamalasan. Iginagalang mo ang iyong mga panauhin. Tumutulong ka sa iba kapag nangyayari ang mga kasawiang pinahintulatan ng kalangitan. Hindi ka kailanman papahiyain ng iyong Panginoon.”34 Pagkatapos ay pinatotohanan niya na ang nangyari sa kanya ay walang iba kung hindi rebelasyon mula sa Diyos. Kaya’t, ang unang yumakap sa Islam ay isang babae, ang babaeng nakakakilala kay Muḥammad higit kaninuman.

Ang kuwento ng kanilang buhay ay mas higit pa sa kultura at panahon at mababasa pa rin ito bilang magandang kuwento ng pag-ibig. Si Khadīja ang kanyang pinakamatatag na kakampi, at ang taon ng kanyang pagkamatay ay nakatala sa kasaysayan ng Muslim bilang Taon ng Kalungkutan. Para sa mga Muslim—at sa sinumang naniniwala sa banal na Kalooban—walang bagay na aksidente. Kung kaya, hindi lamang nagkataon na si Khadīja ang “unang ginang”

si aida Begić ang direktor ng pelikulang snijed o “snow” na nagbukas sa Ika-14 na sarajevo Film Festival (sFF) noong agosto 2008. napanalunan nito ang Pinakamataas na gantimpala sa 2008 Cannes Critic’s Week, at ipinalabas ito sa mga paligsahan ng pelikula sa buong mundo.

Page 118: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkasIyaM na kaBanaTa: ang Mga kakaMBal ng kalalakIhan 101

ng Islam—ayon sa pagkakasunud-sunod at pagdating sa katayuan. Isa nang balo bago nagpakasal kay Muḥammad, itinakda niya ang pamantayan na hindi lamang ang pagkabirhen at kabataan ang mga pang-akit ng kababaihan. Sa pagiging kasal sa mayaman at mahusay na babaeng ito, nagbigay si Propetang si Muḥammad ng isang huwaran para sa tunay na matiwasay at matimbang na asawa.

Noong pumunta ang mga pinuno ng tribo ng Medina upang manumpa ng katapatan kay Muḥammad, apat sa labing-apat na miyembro ng orihinal na nanumpa ay mga babae. Isa sa mga babaeng iyon ay si Nuṣayba.

Walang kaBanatang PinaMagatang “kalalakiHan”

Kahit pa ginagamit ng wikang Arabic ang panlalaki kapag tumutukoy sa isang pangkat ng magkakahalong kasarian, paulit-ulit na tumatawag ng pansin ang Qurʾān sa (mga naniniwalang lalaki at mga naniniwalang babae), sa (mga debotong lalaki at mga debotong babae), sa (mga lalaking nag-aayuno at mga babaeng nag-aayuno), at sa (mga lalaking pinag-iingatan ang kanilang kadalisayan at mga babaeng pinag-iingatan ang kanilang kadalisayan) (33:35). Ipinapaalam ng Qurʾān sa mga mambabasa nito—lalaki at babae—na pareho silang may pananagutan at pantay silang ginagantimpalaan para sa kanilang mga gawain.

Ang ikaapat na kabanata ng Qurʾān, na pinamagatang “Ang Kababaihan,” ay nagbigay ng isa sa pinakamabibigat na dagok sa masyadong patriyarkal na kultura ng tribo. Nilimitahan nito, tiyak at para sa lahat ng panahon, ang bilang ng maaaring maging asawa ng isang lalaki. Mahalaga ang pangkultura at pangkasaysayang kabatiran sa usaping ito. Walang limitasyong naunang itinakda, at sa maraming lugar sa buong mundo, wala pa ring limitasyon.Idinagdag pa ng Qurʾān: (Mag-asawa kayo mula sa mga babaeng inyong ninais—

si asmaa abdol-hamid ay isang Muslim na danes na tubong Palestino. noong 2006, siya ang naging unang TV presenter na nakasuot ng hijab sa denmark. nagdulot ang kanyang pasya ng maraming debate at liham ng mga sumusuporta at nambabatikos sa kanya. noong 2007, nagpasya siyang tumakbo para sa parliyamento ng denmark, at nakalista siya bilang ikapito sa listahan ng red-green alliance ng mga kandidato sa parliyamento.

Page 119: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

102 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

dalawa o tatlo o apat. Ngunit kung kayo ay nangangamba na hindi ninyo sila mabibigyan ng makatarungang pakikitungo, samakatwid ay isa [lamang]) (4:3).

At sa parehong kabanata, isinaad nito: (At hindi ninyo kailanman magagawang maging lubos na makatarungan sa pagitan ng [inyong] mga asawa, kahit na ito ay masidhi ninyong hinangad) (4:129). Ang maraming pag-aasawa ng Propeta bilang isang limampung taong gulang na balo ay kadalasang ginawa para sa layunin ng pagbubuklod ng tribo at pangangailangang pulitikal. Maliban sa mga dahilang ito, may iba pang mga pangyayari, parehong personal at panlipunan, kung bakit mas pinipili ang pagkakaroon ng maraming asawa kaysa sa mga alternatibo nito, at samakatuwid ay hindi ito itinuring ng mga iskolar na lubusang ipinagbabawal. Sa mga salita ni Huston Smith,

ang isang digmaang kinasawian ng populasyon ng mga lalaki ay makakapagbigay ng halimbawa ng pamimilit (tulad nito) ng pagpili sa pagkakaroon ng maraming asawa at pagkakait sa malaking bahagi ng kababaihan ng pagiging ina at pagkakaroon ng kahit anong uri ng sariling pamilya. Maaaring manawagan ang mga ideyalista para sa pagsasagawa ng magiting na pagpipigil sa sarili sa mga naturang pangyayari, ngunit ang pagpapakabayani ay hindi kailanman mapagpipilian ng nakararami.35

Gayunpaman, ayon sa karamihan ng mga iskolar na Muslim, ang pagkakaroon ng iisang asawa ay ang huwaran. Sa sitwasyong ito, ito ay dahil sa malilinaw na salita ng Qurʾān, sa kabila ng halimbawa ng Propeta.

At ang Propeta Muḥammad, sa kanyang kabataan, sa kabila ng maraming pagkakataong makapag-asawa ng mga mas nakababatang babae, ay nanatiling may iisang asawa hangga't nabubuhay si Khadīja.

si Fadime Örgü ay isa sa mga unang Muslim na naihalal sa Parliyamentong olandes. Pumasok siya sa pulitika sa edad na labinlima, sa pagtatatag ng pangkat ng mga babaeng makikipaglaban para sa pagsasariling pangkabuhayan sa pamamagitan ng Partidong liberal ng olanda.

Page 120: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkasIyaM na kaBanaTa: ang Mga kakaMBal ng kalalakIhan 103

Bagama’t pumanaw na si Khadīja, nag-alinlangan siyang mag-asawang muli, ngunit pinilit siya ng mga lokal na kababaihan at nagmungkahi sila ng mga pagpipilian.Ang pinakakilala sa mga asawa ng Propeta, si ʿĀʾisha, ay ang anak ng kanyang kaibigang si Abū Bakr, ang taong siyang naging unang Kalipa. Ang murang edad ni ʿĀʾisha noong panahon ng kanyang pag-aasawa ay madalas na binabanggit ng mga wala talagang nalalaman tungkol sa kasaysayan ng sangkatauhan o may balak manira sa isang tao sa pamamagitan ng mga pagbatikos sa mga pagkilos na hindi naging problema kahit pa sa pinakamalulupit niyang kaaway noon. Bagama’t malaki ang agwat ng edad nina ʿĀʾisha at ng Propeta, hindi naging lubos ang pag-aasawa hanggang sa naabot ni ʿĀʾisha ang—o, ayon sa ilang pinagkukunan ng impormasyon, lumampas siya sa—edad ng pagdadalaga. Noon, o kahit ngayon sa maraming lugar, ay walang nakitang anumang hindi angkop sa kasunduang ito. Sa ilang bahagi ng Estados Unidos, ang edad na maaaring magbigay-pahintulot sa pagtatalik ng mag-asawa ang isang batang babae, nitong kamakailan lamang, ay kasimbata ng pitong taong gulang.36

Ang kabataan ni ʿĀʾisha ay nagbigay sa komunidad ng Muslim ng isang iskolar na nabuhay nang mas matagal kaysa sa Propeta at nagsalaysay ng hindi kukulangin sa dalawang libong ḥadīth, marami dito ang pangunahin sa mga turo ng Islam at sa pag-unawa kung sino ang Propeta. Sa mga unang sandali ng pagsilang ng Islam, nakahanap ng karamay ang Propetang si Muḥammad sa piling ng kanyang asawang si Khadīja. Sa katapusan ng kanyang buhay, isang panahong naghudyat ng katapusan ng rebelasyon, makikita natin siyang muli sa piling ng kanyang asawa, ang batang si ʿĀʾisha.

ang PagPaPalagayang-looB sa Pagitan ng Mag-asaWa

Marahil ay hindi natin makikita saanpaman ang kasagraduhan ng isang bagay na dati ay itinuturing na sukdulan ng kalaswaan. Sa Islam, ang pagpapalagayang-

si khouloud el-Faqeeh ay ang unang kontemporaryong babaeng nakapasok sa mga puro-lalaking hanay ng mga huwes sa batas ng Islam sa mga teritoryong Palestino. nakakuha siya ng puwesto pagkatapos makamit— kasama ang isa pang babae—ang isa sa pinakamatataas sa kamakailang pagsusulit para sa mga bagong huwes.

Page 121: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

104 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

loob ng mag-asawa ay itinuturing na kinakailangan at magandang bahagi ng pag-aasawa. “Tunay nga na sa pagmamahalan ng mag-asawa bawat kilos nila ay maituturing na ṣadaqa [boluntaryong kawang-gawa],” sabi ng Propeta.41 At kung sakaling isipin ng masugid na tagapakinig na isa itong pagpapatibay upang pasunurin sa kanyang gusto ang kanyang asawa nang may karahasan, nagbabala siya: “Hindi dapat tugunan ng isa sa inyo ang kanyang (sekswal na) pangangailangan sa pamamagitan ng kanyang asawang babae na parang hayop, sa halip, dapat ay mayroong paglalambingan sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng paghahalikan at mga salita.”42

Siyempre, ang pagpapabanal ng Islam sa sekswal na kasiyahan at romansa sa pagitan ng mag-asawa ay hindi palaging isang bagay na maipagmamalaki. Sa katunayan, hindi pa katagalan noong itinuring ang mga Muslim na napakasama, hindi dahil sa hindi sila bumabagay sa mga sekular na Kanluraning tradisyon, ngunit dahil sa pagiging sobrang senswal at sobrang makamundo. Kung tutuusin, anong uri ng relihiyon nga naman ang mananawagan sa mga mananampalataya nito na sambitin ang pangalan ng Diyos (Bismillāh) sa pinakapisikal na sandali sa pagitan ng mag-asawa? Higit pa riyan, anong relihiyon ang magbibigay ng gantimpala sa sekswal na paglalapit ng mag-asawa? Anong uri ng relihiyon ang nagtuturo na kapag magkahawak-kamay ang mag-asawa sa isa’t isa, mawawala ang kanilang mga kasalanan tulad ng pagtulo ng tubig mula sa pagitan ng kanilang mga daliri? Anong uri ng relihiyon ang hayagan at hindi nahihiyang ilarawan ang isang langit na punung-puno hindi lamang ng mga espiritwal na gantimpala ngunit pati na rin mga pisikal na gantimpala para sa mga karapat-dapat dito?

Ang mga karapatan ng kababaihan sa Kanluran ay nakamit lamang pagkatapos ng maraming matagalang pakikipaglaban. Ipinagkaloob ng mga nasa kapangyarihan ang mga karapatang ito nang mabigat sa kanilang kalooban at dahil lamang sa mga pagbabago na naging daan upang hindi mapigilan ang mga ito. Ang pagkakaiba ay, hindi hinihintay ng Diyos na dumating ang tamang panahong pulitikal, lalo na kung may kinalaman sa Kanyang huling rebelasyon. Ang mga karapatang hinihingi ng Islam para sa kalalakihan at kababaihan ay hindi pangkaraniwan at hindi nakasalalay sa mga pabagu-bagong popular na opinyon.

May mga kilusang peminista sa mga bansang Muslim at sa loob ng mga komunidad ng Muslim sa Kanluran, ngunit ang impluwensiya ng mga tagapagtaguyod ng isang radikal at lubusang Kanluraning estilo ng peminismo ay kakaunti lamang. Sa kabilang dako, malaki ang nagagawang progreso ng mga pangkat ng kababaihang nagmula sa mga tradisyunal na sektor ng Islam at nananawagan sila para sa mas matinding pagbabalik ng mga karapatang iginagalang hindi lamang sa Qurʾān at Sunna ngunit pati na rin sa diwa ng relihiyon na sinagisag ng matagal nang nakalimutang mga bayaning babae sa kasaysayan ng Islam.

Page 122: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkasIyaM na kaBanaTa: ang Mga kakaMBal ng kalalakIhan 105

Marami pa ring kailangang gawin para sa mga karapatan ng mga babae sa mundo ng Islam, bagama’t may ilang hinaing ang kababaihan sa mga bansa kung saan ang karamihan ay Muslim, sadyang naiiba ang kanilang mga hinaing sa mga usaping pangkalahatang may kinalaman sa mga babaeng Muslim sa mundo sa Kanluran. Mas madalas kaysa hindi, ang pagtatanggal ng kapangyarihan, kakulangan ng edukasyon at kakulangan ng kalayaang pinansyal ay mga usaping nakakaapekto sa kalalakihan sa isang partikular na rehiyon gayundin sa kababaihan at dapat harapin kasabay ng mas malalawak na usapin sa ekonomiya upang magkaroon ng anumang bisa.

Maaaring sumalungat ang ilan sa ideya ng "kakambal," pinoprotesta ang pagkakumpleto ng bawat kasarian anuman ang ugnayan nila sa isa't isa. Bagama’t walang duda na maaaring maging kumpleto nang magkahiwalay kapwa ang isang lalaki at isang babae, ang mga lalaki at babae, sa lipunan, ay hindi.

“Maraming lalaking nag-imbento ng Ḥadīth. ngunit wala pang babae sa kasaysayan ng Islam na naparatangan ng pag-iimbento."

—IMaM al-dhahaBĪ sinipi ni dr. Muhammad akram nadwi, a glimpse at early Women Islamic scholars

“Itinuturing ng Islam ang mga babae bilang mga espiritwal na kapantay ng mga lalaki... hindi ito nangangahulugang walang mga taong gumagamit sa Islam upang pangatwiranan ang pagmamalupit sa mga babae o iba pang mga pagkilos.”

—dr. IngrId MaTTson

Page 123: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

ang mga nanalo sa gantimpalang pinakamagaling na manananghal sa MTV denmark, ang bandang outlandish ay taliwas sa kalabisan at kamunduhan ng industriya ng musikang popular. nakatuon ang kanilang mga titik sa mga usapin ng espiritwalidad at kamalayang panlipunan. Minsan, ginamit ng isang kilalang amerikanong gurong Muslim ang kanilang awitin, ang “appreciatin’’ bilang panimula para sa isang leksyon upang hikayatin ang mga kabataang Muslim na maging mas tapat sa kanilang mga dasal.

IkasaMPung kaBanaTa: PhoTo essay

ang islam at kultura

Page 124: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkasIyaM na kaBanaTa: ang Mga kakaMBal ng kalalakIhan 107

Si Haji Noor Deen, tanyag na Arabic calligrapher

Page 125: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

108 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ang DiWang inilaWan: MakaBagong sining ng Qurʾānsa pagsisikap na gamitin ang sining at teknolohiya upang mapaglingkuran ang banal na kasulatan, na siyang sukdulang pagkaperpekto ng kagandahan at kawastuan, ang editio electru, isang kumpanyang nakatuong pag-ingatan ang mga sining ng Islam, ay nakagawa ng isang pambihirang gawain. Pagkatapos pumili ng labindalawang guhit sa pabalat ng pinakamariringal na manuskrito ng Qurʾān, gumamit ng teknolohiyang digital ang mga nagsanay na baguhan upang muling buuin ang walang kupas na disenyo ng calligraphy at geometry sa pamamagitan ng kamay. hindi lamang nabigyang-kahulugan at naunawaan ng pangkat na gumagawa sa proyekto ang biswal na wika ng mga orihinal mula sa kalagitnaang panahon, ngunit nakabuo rin sila ng mga paraan sa pag-aaral gamit ang pinakabago sa disenyong digital at teknolohiya ng paglilimbag upang ipahayag ito sa wikang ginagamit at nauunawaan sa kasalukuyan. Ipinakita ang obra sa mga pagtatanghal sa buong mundo at nakaagaw-pansin sa maraming tagamasid. ang Qurʾān ay patuloy sa pagiging walang hanggang pinagmumulan ng kagandahan na nagbibigay-inspirasyon sa imahinasyon at husay sa gawang sining ng Muslim.

Page 126: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 127: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 128: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Ang kapayapaan sa Islam ay nangangailangan ng pagkakaroon ng katarungan sa lipunan at kawalan ng pang-aapi at katiwalian. Bagama’t binibigyang-diin ng Islam ang pagpapanatili ng kapayapaan, hindi nito sinusuportahan ang pasipismo kung magreresulta ito sa pagmamalupit at sa pagkamatay ng mga inosente (anuman ang pananampalataya).

Dahil sa hinihingi ng mga prinsipyo ng Islam sa etika na dapat matuwid at marangal ang mga pamamaraan gayundin ang layunin, sa paglipas ng mga siglo, gumawa ang mga Muslim ng mga patakaran sa pagsali sa mga digmaang naglalayong pangalagaan ang inosenteng buhay, pag-ingatan ang mga ari-arian, tumupad sa mga tratado at iba pang mga kasunduan, at bawasan ang posibilidad ng pang-aabuso ng kapangyarihan.

salungatan sa PagkaMit ng katarungan

Ang mga patakarang may kinalaman sa digmaan o giyera sa Islam ay maingat na pinag-isipan, pinag-usapan at binuo sa loob ng maraming siglo. Nagbigay si Propeta Muḥammad, na naglingkod bilang Punong Kumandante ng mga pinakaunang hukbong Muslim, ng mayamang mapagkukunan ng mga prinsipyo sa etika na gagawing pamantayan ng mga Muslim para sa kanilang mga sarili. Naunawaang magsisilbi ang Propeta bilang isang huwaran kung kanino ihahambing ang lahat ng paggamit ng puwersa sa hinaharap sa masasalimuot na katotohanang panlipunan. Kaya kapag binabatikos ng mga Muslim ngayon ang mga kalupitang nangyayari sa ngalan nila, ginagawa nila ito nang may paghahambing sa batas at kaugaliang ipinakita sa buhay at mga pakikipaglaban ng Propeta.

IkalaBIng-Isang kaBanaTa

katarungan at kapayapaan sa islam

Chris Hedges, journalist, author, and war correspondent, delivers a speech at the Reviving the Islamic Spirit Conference in Toronto, Canada.

Page 129: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

112 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Pansinin natin kung paano tinutugunan ng Qurʾān ang Propeta at ang mga naunang Muslim tungkol sa salungatang kinakailangan upang maibalik ang kapayapaan. Pagkatapos ng maraming taong paghihirap sa mga kamay ng mga taga-Mecca, kung kailan pinagsikapan ng mga Muslim na lutasin ang alitan nang mapayapa kahit pa naghirap sila at nagutom bilang resulta ng mga panggigipit sa kanila, binigyan sila ng Diyos ng pahintulot na lumaban noong patuloy silang pinagmalupitan ng mga taga-Mecca.

Si Chris Hedges, isang mamamahayag, may-akda at tagapagbalita ng digmaan, ay nagbibigay ng talumpati sa Reviving the Islamic Spirit Conference sa Toronto, Canada

Isang Indian Muslim, sa simula ng sampung araw na Islamic Peace Conference sa Mumbai, India

Page 130: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

kalaBIng-Isang kaBanaTa: kaTarungan aT kaPayaPaan sa IslaM 113

At nang bumuo ng hukbo ang mga taga-Mecca na papasok sa isang lungsod kung ang mga mamamayan ay kinabibilangan ng mga hindi Muslim at Muslim, ipinahayag ng Qurʾān: (Ang kapahintulutan para sa pakikipaglaban ay ipinagkaloob sa kanila [sa mga Mananampalataya] na mga ginigiyera, sa kadahilanang sila ay inapi; at katiyakan, ang Allah ay magkakaloob sa kanila nang tagumpay - Sila na mga pinalayas mula sa kanilang mga sariling tahanan na hindi makatarungan, dahilan lamang na sila ay nagsasabi: “Ang aming Panginoon ay ang Allah.” kung hindi binigyang-kapangyarihan ng Diyos ang mga taong ipaglaban ang kanilang mga sarili laban sa isa’t isa, ang [lahat] ng monasteryo at simbahan at sinagoga at mosque—kung saan dinadakila nang lubos [sa lahat ng ito] ang pangalan ng Diyos—ay siguradong nasira sana) (22:39)

Kapansin-pansin ang pagbanggit sa mga monasteryo, simbahan at sinagoga dito. Kailangang ipaglaban ng mga Muslim ang relihiyon sa pangkalahatan, hindi lamang ang sarili nilang pananampalataya. Itinatakda ng mga bersikulong ito ang kahalagahan ng pagtatanggol sa mga inuusig, lalo na ang mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya, Muslim man o hindi.

Nagtatakda ang mga bersikulo sa Qurʾān na nagbabalangkas sa mga patakaran ng digmaan ng mga limitasyon kung paano at kailan maaaring gumamit ng puwersa, at madalas nitong sinasamahan ang pahintulot na gumamit ng puwersa ng maririing babala laban sa pananalakay.

Halimbawa, ang bersikulong (patayin sila saan mo man sila makita) (2:191), na tumutukoy sa mga pagsisikap ng mga hukbong Muslim na iwasan ang labanan sa mga sagradong lupain, ay nililinaw ng bersikulong kasunod nito na nagsasaad na: (Ngunit kapag huminto sila, itigil ang pakikipaglaban maliban sa mga nang-aapi) (2:193).

Paulit-ulit na ipinagbawal ng Propeta ang pagtugis sa mga sibilyan, binibigyang-diin ang mga etika ng Qurʾān na gawin lamang ang kinakailangan upang manalo sa labanan, hindi sirain ang kalaban o magpairal ng patakaran ng "pananalanta" o "digmaang panlahat."

Sang-ayon sa mga salita ng kanyang guro, pinaalalahanan ni Kalipa Abū Bakr ang kanyang mga sundalo: “Huwag magtaksil, maging traydor omaging

“kahit sa ilalim ng pinakamasasamang pinuno, nagkaroon ang mga kristiyano at hudyo ng mga maimpluwensiyang katungkulan at sa pangkalahatan ay napanatili nila ang kanilang kalayaan sa relihiyon.”

—husTon sMITh, Islam: a Concise Introduction

Page 131: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

114 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

mapaghiganti. Huwag mamutol ng anumang bahagi ng katawan. Huwag pumatay ng mga bata, may edad o kababaihan. Huwag mamutol o manunog ng mga puno ng palma o namumungang punongkahoy o anumang berdeng puno. Huwag pumatay ng tupa, baka o kamelyo maliban para sa iyong pagkain. At makakatagpo ka ng mga taong nagtatago sa mga lugar na pinagsasambahan [mga sinagoga at simbahan]; hayaan silang gawin ang kanilang debosyon."43

Isa sa mga pangunahing pangyayaring nagpapakita sa pagiging likas na maawain ng Propeta ay noong pumasok silang muli sa lupain kung saan sila sapilitan pinaalis nang may banta ng pagpatay, at pagkakita sa mga mukha ng mga taong pinakamatinding nagmalupit sa kanya, mga lalaki at babaeng nagpahirap at nanira sa nagsusumikap na bagong komunidad, binigyan niya sila ng kapatawaran.

PagBiBigay-konteksto sa PagkaMit ng katarungan

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagresulta sa higit pa sa pagkamatay ng daan-daang libong lalaki at babae; marami ring etikal na huwarang tinalikuran. Gayunpaman, sa pagtatapos ng mga digmaang iyon, nakaranas ng marupok na kapayapaan ang maunlad na bahagi ng mundo. Sa kabila ng minsan ay hindi maayos na paghahati-hati ng mga lupain ng mas mayayamang nasasakupang bansa, kahit ang mga hindi gaanong mayamang bansa sa panahon pagkatapos ng pananakop ay nagkaroon ng kalayaan sa ilang paraan—hindi maaaring lapastanganin ang kanilang mga teritoryo— kahit sa teorya man lamang. Bago nakamit ang kapayapaang ito sa pagitan ng mga bansa sa makabagong panahon, maraming imperyo, bansa, lungsod-estado at tribo sa mundo ng kalagitnaang panahon ang madalas na nakaraos nang may mga armadong salungatan bilang bahagi ng karaniwang takbo ng kanilang pamumuhay. Nasa ganitong kalagayan ang Arabia Bago Nagkaroon ng Islam kung saan karaniwan at madalas ang mga labanan ng mga tribo.

Ipinapalagay na may digmaan sa pagitan ng tribo ng isang tao at ng lahat ng iba pa maliban kung nagkaroon na ng treaty o kasunduan sa isa pang tribo na nagtatakda ng matiwasay na ugnayan.44

Sa ganitong kalagayan ipinahayag ang Qurʾān at nabuo ang mga naunang lipunang Muslim. Sa ganitong kalagayan naganap ang pagpapalawak ng imperyo ng Islam. Hinati ng mga naunang Muslim na iskolar ang mga lupain sa tatlong kategorya. Una, may lupaing pinamunuan ng mga Muslim kung saan ligtas para sa mga Muslim na isagawa ang Islam at kung saan pinoprotektahan ang kalayaan sa relihiyon ng mga hindi Muslim. Pangalawa, may lupain kung saan para sa mga - katulad ng Hari ng Ethiopia—

Page 132: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

kalaBIng-Isang kaBanaTa: kaTarungan aT kaPayaPaan sa IslaM 115

nagkakaroon ng kasunduang pangkapayapaan kung saan ang mga Muslim ay malaya nilang naisasagawa ang Islam, bagama’t hindi sila ang namumuno. Pangatlo, may lupaing laban sa mga Muslim kung saan hindi malaya ang mga Muslim na isagawa ang Islam. Ang huling kategorya ang pinagtuunan ng mga pagsisikap ng mga hukbong Muslim upang mapalitan ang katayuan nito at maging isa sa unang dalawang kategorya at upang mapangalagaan ang pisikal na integridad ng komunidad ng mga mananampalataya at makamit ang katarungan para sa lahat. Ito ay "sa panahon at lugar kung kailan ang labanan, minsan upang unahan ang kalaban, minsan upang ipagtanggol ang sarili, ay ang tanging nalalamang paraan upang makaagapay,”45 ngunit ang mga digmaang ito, bagama’t pinahihintulutan, ay pinahuhupa pa rin ng mga salita ng Qurʾān: (At kung sila [mga kaaway] ay humilig tungo sa kapayapaan, kayo [din] ay humilig tungo sa kapayapaan, at manalig sa ALLAH: katotohanan, Siya ang Nakakarinig at Nakakaalam sa lahat. At kung sila ay maglayon na linlangin ka [O’ Muhammad] – katotohanang ang ALLAH ay Sapat na para sa iyo) (8:61:62).

Kung saan nangibabaw ang mga hukbong Muslim, ang mga taong nagnais na manatili doon ay pinangakuan ng kaligtasan ng kanilang sarili at ari-arian sa ilalim ng bagong pamahalaan. Bilang mga hindi Muslim, hindi nila kailangang magbayad ng Zakat (sapilitan para sa mga Muslim upang ibigay sa mga kapus-palad); gayunpaman, bilang kapalit ng pagtatanggol sa kanila, kailangan nilang magbayad ng jizya (buwis para sa depensa). Sa pamamagitan ng jizya na ito, hindi kasama ang nagbabayad sa serbisyo sa militar at ibinabalik ito sa kanya kung hindi siya maipagtanggol ng namumunong Muslim. May nauna nang ganitong uri ng pagbabalik-bayad sa unang bahagi ng kasaysayan ng Muslim noong hindi maipagtanggol ng ikalawang Kalipa, si ʿUmar, ang mga Kristiyanong Arabo sa Syria mula sa mga atake ng mga taga-Byzantine.

katarungan Para sa kaPayaPaan

Sabi ng Allah: (O’ kayong mga Sumasampalataya! Manindigan para sa katarungan, bilang mga saksi para sa ALLAH, kahit pa ito ay laban sa inyong mga sarili, O’ sa inyong mga magulang, O’ mga kamag-anak, maging siya ay mayaman man O’mahirap, dahil nangingibabaw ang Allah sa dalawa. Kaya huwag sundin ang kasakiman [ng inyong mga puso], na baka kayo ay lumihis mula sa Katarungan; at kung inyong babaligtarin ang inyong pagsaksi O’ tumangging gawin ito [ang makatarungan], katotohanan, ang ALLAH ang Namamalaging Nakababatid sa kung ano ang inyong ginagawa) (4:135).

Ang paghahanap ng katarungan upang maibalik ang kapayapaan ay nangangailangan minsan ng paglaban sa kaapihan sa pamamagitan ng

Page 133: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

116 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

puwersa. Ngunit magagawa rin ang paglaban sa kaapihan sa pamamagitan ng pagsasalita laban dito.

Maraming Muslim ngayon ang naglalakas-loob na magsalita laban sa kawalan ng katarungan sa iba’t ibang paraan. Ipinakita ng isang survey noong 2003 na ginawa ng Zogby sa Saudi Arabia na sa pananaw ng mahigit 99 porsyento ng mga respondente, hindi kailanman makatwiran ang karahasan laban sa mga sibilyan.46

Walang kakulangan ng mga samahang malinaw nang nakapagsalita laban sa mga terorismong ginagawa laban sa mga sibilyan—kapwa Muslim at mga hindi Muslim—sa Amerika, London, Espanya, Iraq, Afghanistan at saanpaman sa mundo. Sapat nang sabihin na ang pinakamalalaking institusyon at samahan ng Islam sa buong mundo ay nakatala bilang mga kalaban ng terorismo, kasama ang Organization of Islamic Conference, lahat ng malalaking samahan ng Islam sa Estados Unidos, at marami pang iba sa buong mundo.

Si Mansur Escudero ng Islamic Commission of Spain, isa sa daan-daang imam na mariing nagsalita at nagpasya na sadyang labag sa mga pinakapangunahing prinsipyo ng Islam ang karahasang ginagawa sa Espanya, ay tumugon sa mga pangamba ng iba para sa kanyang buhay sa pagsasabing:

“Kung may pagganti mula sa pangkat na ito o sa iba, tatanggapin ko ang mga ito. Hindi ako natatakot. Diyos lamang ang aking kinatatakutan, at Siya ang pinakamagaling na tagapagtanggol.”47

Page 134: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 135: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBIndalaWang kaBanaTa: PhoTo essay

Mga Muslim sa kasalukuyan—Mga Demograpiko at kulturaItinatag mula sa mga unang araw nito sa tatlong kontinente sa kabila ng daan-daang etniko at linggwistikong pangkat mula Morocco hanggang Tsina, naninirahan at umuunlad ang mga Muslim sa mga mundong magkakaiba tulad ng pagkakaiba ng mga ito sa Medina noong ikapitong siglo. Ngayon, may mahigit sa limampung bansa kung saan Muslim ang karamihan ng populasyon.

Ang kabuuang populasyon ng mga Muslim sa mundo ngayon ay humigit-kumulang 1.3 bilyong katao. Nangangahulugan ito na sa bawat limang taong nabubuhay sa kasalukuyan, ang isa ay nananampalatayang Muslim.

asya

IDumating ang Islam sa Indonesia noong Ikalabintatlong Siglo sa pamamagitan ng mga Indian na mangangalakal na Muslim. Pagdating ng pagtatapos ng Ikalabing-anim na siglo, naitatag na ang Islam sa Java at Sumatra. Ang Indonesia ngayon ay halos 90 porsyento nang Muslim. Sa paglaganap ng Islam sa Indonesia, kapansin-pansing kaiba ang Bali kung saan ang 90 porsyento ng tatlong milyong populasyon ay Hindu. Ang Pakistan, India, Bangladesh at Iran ang kasamang bumubuo sa nangungunang limang bansa sa Asya na may pinakamalalaking populasyon ng Muslim. Sa Malaysia ngayon, mahigit na sa labinlimang milyon ang populasyon ng Muslim (60 porsyento ng kabuuang populasyon) at kinabibilangan ito ng halu-halong mga Malay, Chinese, Indian at mga yumakap sa relihiyon mula sa iba’t ibang etnisidad.and converts from various ethnicities.

Page 136: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBIndalaWang kaBanaTa: PhoTo essayMga MuslIM sa kasalukuyan 119

Page 137: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

120 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

euroPaNakaligtas ang Islam sa maraming bahagi ng Timog Silangang Europa sa ilalim ng hindi mabubuting kundisyon sa Panahon ng Komunista. Sa Albania, Bosnia at Kosovo, malaking bahagi ng populasyon na 70, 60 at 90 porsyento, ayon sa pagkakasunud-sunod, ang kinakatawan ng mga Muslim. Sa iba pang mga bansa sa Europa, tanging ang Montenegro, Masedonia, Rusya, Bulgaria at Pransya ang nagsasabing mayroon silang mga komunidad ng Muslim na mahigit 10 porsyento.

Kapuna-punang minorya ang mga Muslim sa Pransya. Sa United Kingdom, maliit ngunit kapansin-pansing minorya ang mga Muslim—mga 2.8 porsyento ng populasyon.

Page 138: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBIndalaWang kaBanaTa: PhoTo essayMga MuslIM sa kasalukuyan 121

Page 139: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

122 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

aPrikaSa mga unang panahon ng Islam, pinatunayan ng bansang Abyssinia sa Aprika ang pagtuon nito sa pagprotekta sa pananampalataya. Makikita ang karamihan ng mga Muslim sa Aprika sa hilaga, kung saan mahigit 90 porsyento sa mga populasyon ng Algeria, Egypt, Tunisia, Libya at Morocco ang Muslim.

Noong ikawalong siglo, naitatag ang Islam ang baybayin ng Silangang Aprika bilang resulta ng ugnayan ng mga tao sa baybayin ng silangan at mga negosyante mula sa Persian Gulf. Ngayon, hindi kukulangin sa 97 porsyento ng Somalia, Djibouti at Comoros ay mga Muslim. Halos kabuuan ng populasyon ng maraming estado sa Kanlurang Aprika ang Muslim. Ang Mali ay ang bayan ng kilalang si Mansa Musa, isang napakayamang patron ng sining at pagpapakadalubhasa sa Islam noong ikalabing-apat na siglo.

Page 140: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBIndalaWang kaBanaTa: PhoTo essayMga MuslIM sa kasalukuyan 123

Page 141: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

124 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ang aMerikaAng kasaysayan ng Islam sa Amerika ay isinusulat pa rin hanggang sa kasalukuyan. Ang mga antropologo ay may natagpuang katibayan ng mga pamayanang Islam sa Nevada at Texas sa kanluran. Ngayon, halos araw-araw ay nagbabago ang mga demograpiko ng Muslim sa Amerika, na may malalaking bilang ng mga yumakap sa relihiyon at matataas na antas ng imigrasyon mula sa mga bansang Muslim. Ang mga Muslim sa Amerika ang may pinaka-sarisaring pangkat ng relihiyon at ito lang ang walang iisang pangkat etnikong bumubuo sa karamihan.

Ang pinakaunang kinikilalang katibayan ng pagkakaroon ng mga Muslim sa Amerika ay ang libu-libong Muslim na Aprikanong aliping nahuli at dinala sa Kanluran at Timog Amerika. Binubuo pa rin ngayon ng mga Aprikanong Amerikano ang halos sangkatlo ng mga Muslim sa populasyon ng Amerika. Sa pangkalahatan, mas mataas ang antas ng edukasyon ng mga Muslim kaysa sa anupamang ibang pangkat ng relihiyon sa Amerika at mas nakikiisa sila at nakikibahagi sa kanilang mga komunidad kaysa sa kanilang mga katapat sa Europa.

Page 142: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBIndalaWang kaBanaTa: PhoTo essayMga MuslIM sa kasalukuyan 125

Page 143: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 144: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

Nababagay ba ang Islam sa makabagong mundo? Ito ay isang nakababagabag—at masyadong pabaya—na tanong. Ano ang mangyayari kung magpasya ang isang pangkat na ang sagot ay hindi? Hindi mawawala ang makabagong mundo. Ibig ba nitong sabihin na dapat mawala ang Islam? Kailangan bang maghanap ng 1.3 bilyong Muslim na ipinakilala sa mga pahinang ito ng ibang mundong titirhan? O kailangan ba nilang talikuran ang kanilang pananampalataya?

Ang mas makatwiran at kapaki-pakinabang na paraan upang ihayag ang tanong ay, paano namumuhay ang mga Muslim sa mundo sa kasalukuyan? Dahil ang isang relihiyong walang tagasunod ay nababagay lamang sa isang museo. Ang problema—kung mayroon man—ay wala sa Islam, ngunit nasa mga Muslim. Sa isang libong taon kung kailan nangibabaw ang mundo ng Islam, hindi lamang nabuhay ang mga Muslim sa kanilang mga kasalukuyang mundo ngunit hinubog din nila nang buong tapang ang mga mundong iyon, nag-iwan sila ng progresibong reporma at pinahusay nila ang kultura saanman lumaganap ang imperyo ng Islam. Ang mga kaapu-apuhan ng mga tagapasimuno, bisyonaryo at tagarepormang iyon ay itinuturing na ngayong kasalungat ng lahat ng nilinang at sibilisado.

Kapag ang mga imahe ng terorismo, marahas na protesta at pagsusunog ng aklat ang pumapasok sa isipan kapag binanggit ang mga "Muslim," imposibleng magkaroon ng makatwirang talakayan. Makikita lamang natin kung tunay nga itong kaso ng mga hindi na mapagkakasunduang alitan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga katotohanan sa mundo kung paano ito ngayon at paghahambing sa mga ito sa mga huwaran ng Islam at pamumuhay ng mga Muslim. Ang makabagong mundong kinakatawan ng Kanlurang ipinapalabas sa telebisyon ay maningning at masaya. Ipinapakita ng isang

IkalaBInTaTlong kaBanaTa

ang islam at ang Makabagong Mundo

Isang minaret sa gitna ng napakatataas na gusali sa Abu Dhabi, UAE

Page 145: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

128 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

video na kamakailang inilabas sa Internet at pinanood ng mahigit dalawang milyon ang pagsakop sa isang istasyon ng tren sa Antwerp kung saan isang malaking pangkat ng mga Belgian ang biglang nagsayaw sa saliw ng “Do Re Mi” mula sa The Sound of Music. Ang pagkamakabago ay kalayaan at kaligayahan at pagpili ng napakaraming produktong bibilhin sa supermarket. Ano ang mali sa mundo ng Muslim at ayaw nila talagang makisayaw? Bakit napakamalulungkutin nila?

Upang sagutin ang tanong, kailangan nating isantabi ang maraming Muslim sa buong mundo na ganap na nakikibahagi sa makabagong mundo, naglilingkod sa kanilang mga kapitbahay at nag-aambag sa pag-usad ng kani-kanilang lipunan sa larangan ng agham, teknolohiya at pulitika. Kakailanganin nating tumuon lamang sa mga hindi nakukuntento upang matuklasan ang mga pinagmumulan ng lehitimong pagkabigo at pagkadismaya.

PanDaigDigang katarungan at Di-Pagkakuntento

Ang “Ganyan sana ako kung hindi dahil sa kabutihan ng Diyos” ay isang ideyang may magandang layunin ngunit para sa pansariling kapakanan lamang. Sa pangkalahatan, lumipat ang mga Muslim sa Kanluran mula sa mga kolektibismong lipunan kung saan ang “Ganyan ako dahil sa kabutihan ng Diyos” ay nagbibigay ng mas tunay na kahulugan sa ideya ng pagdurusa ng marami. Itinuro ni Propeta Muḥammad: “Ang mga mananampalataya ay parang isang katawan: kapag nagreklamo ang anumang bahagi, tumutugon dito ang buong katawan sa pamamagitan ng pagkapuyat at lagnat.”48 Ang mga pagsusumamo sa pagtatapos ng karamihan ng sermon kapag Biyernes ay patungkol sa bawat sulok ng mundo kung saan may pagdurusa. Magiging kalokohan kung hindi sasabihin na ang diin ay kadalasang nasa mga Muslim na nagdurusa, ngunit sa panahon natin, kung walang pagmamalasakit ang mga Muslim sa isa't isa, walang ibang gagawa nito.

Alam nang mabuti ng karaniwang Muslim ang isinasakripisyo ng mundo para sa mga kaginhawaan sa mayayamang bansa: pagkagutom, pagkasira ng lupang taniman, pagpapatalsik, hindi pantay na pakikinabang sa mga mapagkukunan, at pagpapairal o pagsuporta sa mga hindi makataong diktadurya. Habang natututunan ang mga pagpapahalaga at huwaran ng makabagong demokrasya sa paaralan, nalalaman lamang ng mga Muslim—imigrante man o yumakap sa relihiyon, liberal o konserbatibo—ang mga kuwentong hindi inilalabas sa mga pangunahing media kapag wala nang kabuluhan ang mga ito at bahagi na ng kasaysayan.

Ang mga katotohanang ito ang ginagamit na dahilan ng mga radikal sa pulitika sa ngalan ng relihiyon upang magsimula ng kaguluhan at pagwasak.Hindi masisisi ang mga tagamasid sa mundo ng Muslim para sa pagkalito

Page 146: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBInTaTlong kaBanaTa: ang IslaM aT ang MakaBagong Mundo 129

kapag nakikita nilang pinaparatangan ang kanilang relihiyon ng pagnanais na manakop at marahas na pang-aapi. Nakikita nila ang mga Kanluraning kapangyarihang ipinagpipilitan ang isang partikular na tatak ng demokrasyang pumipili lamang sa isang uri ng pinuno. Ang pagpupumilit na ito ay palaging may kaakibat na pagbabanta o aktwal na paggamit ng

"sandata." Kapag maling pinuno ang napili, nalalaman ng mga mamamayan na marami pang pagdaraanan ang makabagong demokrasya bago makamit ang mga pangako nito. Ngunit ang mundo ng Muslim ang siyang laging inaalipusta at pinaparatangan ng sinaunang barbarismo.

Sa kalagayang ito kumikilos ang Muslim na hindi nakukuntento. Ang mga katotohanang ito na ikinakalat ng mga nagpapasimuno ng pagkamuhi sa buong mundo ang nagpapaliyab ng mga damdamin sa mga lupaing Muslim. Kapag nagsalita ang isang papa nang walang paggalang tungkol sa alaalang iniwan ni Propeta Muḥammad o halos nagpapasimula ng kaguluhan ang isang pahayagan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga maling paglalarawan sa Propeta ng Awa,49 palaging mayroong pangkat ng mga hindi kuntentong hindi mag-aalinlangang humarap sa camera at salungatin ang kanilang likas na pagnanais ng kapayapaan sa pambabato sa mga bintana.

Bagama’t sa pangkalahatan ay nararamdaman ng mga Muslim ang pait ng pagkamuhi at walang saysay na pagkabigo dahil sa hindi makatarungang ginagawa sa kanilang relihiyon at minamahal na guro at Propeta, hindi

Ginawa ni Muhammad Yunus, tagapagtatag ng Grameen Bank, ang konsepto ng microcredit—pagpapautang sa mga negosyanteng hindi makautang sa mga bangko

Page 147: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

130 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

sumasali ang karamihan ng mga Muslim o kahit pa sumasang-ayon sa pagpapatunay na ito sa mga ipinaparatang sa kanila. Sa katunayan, kung igagala lamang ng mga himpilan ng telebisyon ang kanilang mga camera sa paligid ng mga nagsusunog ng aklat sa Karachi, Pakistan, maaari nating matuklasang walang mga galit na taong nagkukumpulan doon, tanging mga karaniwang walang trabahong hindi kuntento ang makikita saanmang kalye sa Karachi. At higit sa lahat, maaaring makita natin na ang mga Muslim sa mundong ito ay tulad nating pagod na rin sa ganitong uri ng eksena—marahil ay higit pa—kaysa sa mga Kristiyano, Jewish at sekular na madla sa Kanluran.50

Hindi lamang hindi kumakatawan ang mga nagsusunog ng aklat na ito sa malaking bahagi ng mundo ng Muslim, ngunit ang kanilang mabalasik na galit sa mundo ay napakalayo sa halimbawa ng Propetang sinasabi nilang iginagalang nila. Maganda ang pananaw ni Propeta Muḥammad sa buhay, at ipinayo niya ang pagkakaroon ng positibong pananaw. Punung-puno ang mga kuwento ng pang-araw-araw na pamumuhay sa Medina ng mga sandali ng katatawanan, pangkulturang kaganapan at kasiyahan, at kahit isang delegasyon ng mga mananayaw mula Ethiopia sa loob ng Banal na Mosque ng Medina—kasama ng mga kuwento ng paghihirap at paghihikaos. Ayon sa mga salita ni Propeta Muḥammad: “Padaliin ang mga bagay at huwag pahirapin ang mga ito! Maging masaya at huwag maging nakakadismaya.”51

tuMigil na Ba sa Pagsulong ang Batas ng islaM?

Upang hindi natin ulitin ang buong talakayan paglipas ng ilang taon kapag nagbago na ang mga prinsipyo ng mga paparating na makabagong mundo, mahalagang huwag mabaon sa mga partikular na debate na hindi magtatagal ay mawawala na sa lugar. Demokratiko ba ang Islam? Iginagalang ba nito ang kapangyarihan ng sekular na batas? Matatanggap ba ng mga Muslim ang mga pangmaramihang lipunan? Paano inaasahang harapin ng Islam ang usapin tungkol sa kasarian? Natalakay na at natugunan ang lahat ng tanong na ito sa mundo ng Muslim bago pa naging kundisyon ang mga ito upang mapabilang sa makabagong mundo. At makikita natin sa kabanatang ito kung ano ang sinasabi ng mga pangunahing teksto, katangi-tanging iskolar at katotohanan sa kasaysayan tungkol sa pananaw ng Islam hinggil sa mga usaping ito.

Gayunpaman, malaki ang posibilidad na isang bagong pangkat ng mga kundisyon ang kakailanganing matugunan upang makapasok sa isang makabagong mundo sa hinaharap. Kung ganoon, ang pinakamahalagang tanong para sa talakayang ito ay kung sasabay ang Islam sa nagpapatuloy na pagbabago. Kaya bang umangkop ng mga batas ng Islam? Anong mga pamamaraan, kung mayroon man, ang taglay ng relihiyon upang makapagbigay-daan sa pagbabago nang hindi nito nawawala ang mga prinsipyo at pangunahing pagpapahalaga? Makatutugon ba ang Islam sa mga kasalukuyang kundisyong pantao? Makatutugon ba ito pagkalipas ng dalawampung taon?

Page 148: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBInTaTlong kaBanaTa: ang IslaM aT ang MakaBagong Mundo 131

tatlong Pantig...katunog ng JiHaD

Ang daan-daang taon ng pagpapakadalubhasa sa Islam at mga aklatan ng mosque na punung-puno ng mga obra ng mga iskolar na higit pa sa nilalaman ng mga aklatan sa lungsod ay katibayan ng isang pamanang kumilala hindi lamang sa pagiging pangunahin ng Qurʾān at Sunna ngunit gayundin sa pangangailangan para sa pagsisikap ng taong patuloy na itaguyod ang buong relihiyong Islam. Bagama’t hinikayat ng Propeta ang kanyang mga tagasunod na manindigan sa Qurʾān at sa Sunna, nagbabala rin siya na huwag umasang ang bawat tanong ay masasagot ng isang bersikulo.

Noong ipinadala niya ang bata pa at makisig na si Muʿādh b. Jabal sa Yemen bilang isang huwes, tinanong siya ng Propeta kung paano niya pagpapasyahan ang mga batas. Sumagot si Muʿādh na sasangguni muna siya sa Qurʾān at sa Sunna. Nagpatuloy sa pagtatanong ang Propeta, at nagtanong sa kanya: “At kung wala kang makita doon?” Sagot ni Muʿādh: "Pagsisikapan kong (ijtihād) gumawa ng sarili kong paghuhusga.”52

Ipinapaliwanag ni Hashim Kamali ang ijtihād, na nagmumula sa parehong salitang ugat tulad ng sa jihad, bilang “lubusang pagsisikap ng isang hukom upang maipakahulugan, nang may mataas na antas ng katumpakan, ang mga alituntunin ng Shariah batay sa detalyadong katibayan ng mga ito sa mga sanggunian.”53 Binibigyang-diin ko sa ibaba ang tatlo lamang sa mga prinsipyong ginagamit sa ijtihād na nagbigay-daan sa isang masigla at patuloy na pagpapatupad sa relihiyong Islam sa pagdaan ng mga siglo. Ito ay karaniwang kaugalian (ʿurf), pagkakaiba ng mga unibersal at limitadong batas, at makatarungang pagtatangi (istiḥsān). Marami pang ibang mga prinsipyong may kabuluhan sa talakayan, ngunit sa ikli ng obrang ito, hindi tayo makapagbibigay ng higit pang mga detalye.

ang konsePto ng ʿurF (karaniWang kaugalian)

Madaling mauunawaan ang isang nag-aaral tungkol sa Islam kung ituturing niya ang Islam bilang isang rebolusyonaryong relihiyon. Marami sa mga pagbabagong dinala ni Propeta Muḥammad sa lipunan ng Mecca noong ikapitong siglo ang tiyak na makabago at radikal sa panahong iyon at sa darating pang maraming siglo. Bagama’t bahagi ng misyon ng Islam ang tumiwalag sa dating kalakaran, walang isinantabi si Propeta Muḥammad ni isa sa mga dating kaugalian, hangga’t hindi taliwas ang mga ito sa mga pangkalahatang prinsipyo ng Islam.

Ang pagsasagawa ng vani, o ang pagbabayad para sa mga parusa sa nagawang krimen sa pamamagitan ng mga anak, na laganap sa mga Pashtun ng Hilagang Kanlurang Pakistan, ay isang halimbawa ng negatibong ʿurf na binabatikos ng batas ng Islam. Gayundin ang kaugalian ng pagtutuli sa kababaihan sa ilang bahagi ng Aprika at sa peninsula ng Arabia. Gayunpaman,

Page 149: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

132 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

habang humihina ang pangingibabaw ng lehitimong batas at naglalabasan ang mga lumalabag sa batas, bumabalik ang mga ito at ang iba pang kaugaliang umiiral na bago pa nagkaroon ng Islam.

PangkalaHatan laBan sa liMitaDo

Isa sa mga pamamaraang ginagamit kapwa ng mga radikal ng Islam at kalaban ng Islam ay ang pagpili ng mga bersikulo mula sa Qurʾān na sumusuporta sa kanilang mga ipinaglalaban. Halimbawa, gagamitin ng isang radikal ang bersikulong (Patayin sila saan mo man sila makita) bilang katibayan na pinahihintulutan sa Islam ang karahasan sa ibang tao. Ganito rin ang gagawin ng matalinong sumasalungat sa Islam. Ang hindi naiisip ng parehong pangkat ay matagal nang kinikilala ng mga iskolar ng Islam ang mga pagkakaiba ng mga bersikulo na inilaang iangkop sa lahat o unibersal at ng mga bersikulong nililimitahan ng isang kundisyong may kinalaman sa isang partikular na konteksto; isang nagpapatuloy na digmaan at isang inaasahang digmaan laban sa mga naniniwala sa maraming diyos sa panahon kung kailan inihayag ang mga bersikulong ito.

Si Propeta Muḥammad ang “Propeta ng Awa” na ipinadala sa buong mundo, ngunit siya rin ang pinuno ng lungsod-estado ng Medina. Ang bintang ng pagiging masyadong literal na ipinaparatang ng mga sekular na tagapagtaguyod ng mga kapakanang pantao sa relihiyon ay mahigpit ding kalaban ng Islam tulad ng makabagong mundo.

ang konsePto ng istiḤsĀn (Makatarungang Pagtatangi)

(Ninanais ng Allah para sa inyo ang kaginhawaan at kabutihan, hindi paghihirap) (2:58)

Ang literal na kahulugan ng Istiḥsān ay “pagturing sa isang bagay bilang mabuti, maganda o kanais-nais.”. 54 Nilalayon nitong maging sukatan sa paghahanap ng kaginhawaan at pagpapatatag ng pagpapahintulot at pagtitimpi. Bagama’t hindi sumasang-ayon ang lahat ng iskolar, kinikilala at ginagamit ng dalawang pananaw ng pagpapakadalubhasa sa Islam na pinakamaimpluwensiya sa mga imigranteng komunidad ng Muslim—ang mga pananaw na Ḥanafī at Mālikī—ang prinsipyong ito upang maging maayos ang mga buhay ng mga Muslim na naninirahan sa mga bansang hindi Muslim. Sa mga unang panahon ng relihiyon, nabigyang-kapangyarihan ang mga iskolar na gawin ang mga alituntuning ito kahit noong bago pa sila nagkaroon ng opisyal na pangalan para sa legal na prinsipyo. Halimbawa, ginagamit ni Kalipa ʿUmar ang prinsipyong ito kapag nagpapasya tungkol sa isang kaso ng mana. Sinuportahan ng iba pang mga kilalang Kaibigan ni Prophet Muḥammad ang kanyang pasya at magmula noon ay karaniwan na itong ginagamit bilang legal na batayan.

Page 150: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBInTaTlong kaBanaTa: ang IslaM aT ang MakaBagong Mundo 133

Wala sa mga prinsipyong ito ang naglalayong ibigay sa lahat ng tao ang karapatang magbigay ng legal na hatol sa Islam. Ang isang iskolar ay dapat magkamit ng mataas na antas ng kakayahan at karunungan sa mga kaalaman tungkol sa relihiyon bago magkaroon ng kapangyarihang magbigay ng fatwa sa kahit anong sitwasyon, lalo na kung lumilihis ito sa batayan.55 Bagama’t hindi lihim na kulang ng mga kwalipikadong dalubhasa sa mundo ng Islam, ang mga pananggalang laban sa baguhang pagbibigay ng fatwa ay nagsisilbi upang pabulaanan ang mga kasalukuyang umaankin sa simbolo ng Mesiyas. Ihahayag ng sinumang mapagpanggap na may karapatan silang magpataw ng mga parusa ng ekskomunikasyon at kamatayan sa lahat ng itinuturing nilang nararapat dito. Inilalarawan ni Hatim Bazian, isang tagapagturo sa University of California ng Berkeley, ang kawalan ng katwiran ng mga fatwa sa kasalukuyan at ng mga panawagan para sa jihad sa pamamagitan ng paghahambing sa mga ito sa isang karaniwang mamamayang Amerikanong nagpapasya na ang isang hatol ng Korte Suprema ay hindi na lehitimo.

“kung ano ka Man, HinDi ako ganoon”

Ang dahilan kung bakit tila ang demokrasya ang pinakamimithi ng tao ngayon ay ang kapansin-pansing kasaganaan at seguridad ng mga Kanluraning demokratikong bansa. Kapag walang kasaganaan o seguridad (o pareho), walang kabuluhan ang pagnanais na magkaroon ng malayang halalan. Kung ang mga katangian ng demokrasya ay nauugnay sa katiwalian at paglilikom ng kayamanan, karaniwan itong nangangahulugan na ang mga tradisyonal o mas konserbatibong kultura ay bumabaling—kahit hindi makatwiran—sa kabaligtaran ng demokrasya at malalayang lipunan. Ito ang dahilan kung bakit makikita mo na ang karamihan, kung hindi lahat, ng radikal na ideolohiya “ng Islam” ay pumapanig sa walang humpay na Leninismo. Higit pa riyan, kapag nagsimulang mawala sa malalayang demokratikong lipunan ang kanilang kasaganaan, marami sa mga nasa lipunang iyon ang magsisimulang magduda sa kanilang mga pangunahing prinsipyo. Sa panahon at pagkatapos ng Panahon ng Matinding Paghihirap, maraming Amerikano ang napaisip tungkol sa komunismo at sosyalismo bilang tugon sa nakita nilang demokrasya ng malayang pamilihan.

Bagama’t magkabagay ang Islam at demokrasya, walang katwiran kung sasabihin na ang Islam ay demokratiko. Ang Islam ay isang magpakailanmang rebelasyong panlahat, at napakalayo nito sa demokrasya. Posibleng marating ng mga henerasyon ng Muslim sa hinaharap ang kasunduan na nagbibigay ng katiyakan sa mga karapatan ng indibidwal at nagbabalanse sa kapakanan ng lahat sa paraang mas mahusay kaysa sa mga nasa demokratikong bansa sa kasalukuyan. Sa panahong iyon, ang uri ng pamamahala ay magiging mas malapit sa Islam.

“kinakatawan ng istiḥsān ang siyam na kasampu ng kaalaman ng tao.” —IMaM MalIk, isa sa apat na ama ng batas ng Islam

Page 151: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

134 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Mga kalagayan ng kaisiPan

Isa pang tatak ng mga progresibong lipunan ay ang pagtanggap nila sa pagkakaiba. Bagama’t malinaw na hindi pa lubusang nagkakatotoo ang huwarang ito, kaunti lamang ang mangangatwiran para sa isang lipunang hayagang inilalarawan ng mahigpit na pagkakahiwa-hiwalay ayon sa lahi, antas o paniniwala. Hindi tulad ng iba pang mga “makabagong” prinsipyong hindi masyadong limitado sa banal na kasulatan ng Islam, malinaw ang konsepto ng pagkakapantay-pantay ng sangkatauhan. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng relihiyon, ipinangaral ni Propeta Muḥammad ang pag-unawa sa kapwa bilang kabutihan. Noon ay itinuturing itong bisyo, at tiyak na hindi isang mahalagang bahagi ng relihiyon.

Noong itinatag ni Propeta Muḥammad ang Medina bilang isang lungsod-estado na pinapatakbo batay sa mga prinsipyo ng Islam, ang mga karapatang pinahahalagahan sa Saligang Batas ng Medina ay para sa lahat ng miyembro ng komunidad, Muslim man o hindi, lalaki o babae, itim o puti, mayaman o mahirap.

Sa pagsasalaysay ng Hudeo-Kristiyano sa kuwento ni Abraham, si Hagar, na ina ng kanyang anak na si Ismael, ay itinuturing lamang na kalaguyo. Sa mga tradisyon ng Islam, asawa siya. Hindi kailanman maaaring gumamit ang isang Muslim ng panrelihiyong batayan bilang dahilan upang ipagbawal ang pag-aasawa ng magkaibang lahi kung ang isa sa mga pinakadakilang Propeta, si Propeta Abraham, isang taong ipinagdarasal ng mga Muslim sa bawat dasal sa araw-araw, ay nag-asawa ng isang aliping Aprikana.

Ang Arabia sa panahon ng pagkapanganak sa Propeta ay isang kawa ng rasismo at tribalismo. Isa sa mga pinaka-rebolusyonaryong aspeto ng mensahe ni Muḥammad ang katarungan at pagiging patas na hindi lamang niya itinuro ngunit isinabuhay rin niya. Dalawa sa kanyang pinakamalalapit na kaibigan ay dating mga alipin, isang aliping itim mula sa Aprika, at isang aliping taga-Persia mula sa imperyong kinamumuhian ng mga Arabo. Hanggang sa kasalukuyan, ang dalawang lalaki ay tinutukoy ng mga Muslim, kapwa itim at puti, nang may magalang na bansag na Sayyidunā, “aming pinuno.”

Pagkatapos ng panahon ng Propeta, ang kanyang pinsang si ʿAlī, ang pangalawang taong tumanggap sa pagkapropeta ni Muhammad at sa paglaon ay naging ikaapat na Kalipa, ay sumulat sa taong itinalaga niya bilang gobernador ng Ehipto, at ipinaalala niya sa kanya na ang kanyang mga nasasakupan ay “mga kapatid mo sa relihiyon, o mga kapantay mo sa paglikha.” Minsan ay ipinatawag si ʿAlī ng dating Kalipa na si ʿUmar sa paghatol laban sa isang mamamayang Hudyo. Nang makita siya ni ʿUmar, magalang siyang binati bilang Abū al-Ḥasan at binati rin ang Hudyo gamit

Page 152: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBInTaTlong kaBanaTa: ang IslaM aT ang MakaBagong Mundo 135

Malcolm X, bumabalik mula sa kanyang biyahe sa Gitnang Silangan at banal na paglalakbay sa Mecca

kailangang maunawaan ng amerika ang Islam, dahil ito ang relihiyong siyang mag-aalis ng problema sa lahi sa lipunan nito. sa aking mga paglalakbay sa mundo ng Muslim, nakakilala ako, nakakausap, at nakasalo pa ako sa pagkain ng mga taong naituring sanang puti sa amerika—ngunit inalis ng relihiyong Islam ang ugaling puti sa kanilang mga isipan. hindi pa ako noon nakakita ng tapat at tunay na kapatirang magkakasamang isinasagawa ng lahat ng lahi, anuman ang kanilang kulay.

—MalColM X, nagsusulat tungkol sa kanyang banal na paglalakbay sa Mecca.

Page 153: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

136 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ang kanyang tamang pangalan. Nakita ni ʿUmar ang pagkadismaya ni ʿAlī at tinanong siya kung ikinagalit niya ang pantay na pagturing sa kanya at sa Hudyo. Nagulat siʿAlī at ipinaliwanag niya na ang kanyang pagkadismaya ay dahil mas iginalang siya kaysa sa Hudyo.

Inihambing ni Imam al-Ghazālī, ang dakilang teologo noong ikalabing-isang siglo, ang pagtatangka ng taong unahin ang sarili niya bago ang iba sa orihinal na pagkakasala ng pagkahambog ni Satanas.

Sa tuwing iniisip ng isang mayamang tao na mas mabuti siya kaysa sa isang dukha, o iniisip ng isang puti na mas mabuti siya kaysa sa itim, nagiging hambog siya. Ginagamit niya ang mga prinsipyo ng pagkakaantas-antas na ginamit ni Iblis [Satanas] sa kanyang pagkamangmang, at kung kaya nagkasala siya sa paniniwalang may katulad ang Allah [kasalungat ng paniniwala sa iisang Diyos].56

ConViVenCia ngayon

Ngunit, marahil sa kasalukuyan ay walang maihahalintulad sa tradisyon ng Convivencia (Mapayapang pamumuhay nang magkakasama) na umiral sa Muslim ng Espanya noong Kalagitnaang Panahon. Marahil higit na nakakaantig dahil sa nagkakasalungatang mga pangyayari ng pagsisiyasat na siyang dapat sundin, ang mga Muslim, Hudyo, Kristiyano at mga pilosopong kahina-hinala ang katapatan at mga komunidad mula sa buong Mediteraneo ay namuhay, nang halos pitong daang taon, sa halos hindi naudlot na pagkakasundo. Hindi ito kathang-isip lamang.

May mga kuwento ng karahasan at hidwaan, ngunit ang pamanang iniwan ng panahon ng pamumuno ng Islam sa katimugang Espanya ay isang may pagkakaunawaan na sadyang nag-iisa sa Europa at nagpatuloy ito sa sumunod na marami pang siglo.

Ito ang kabanata ng kasaysayan ng Europa kung kailan namuhay nang magkakasama ang mga Hudyo, Kristiyano at Muslim at, sa kabila ng kanilang mga alitang mahirap ayusin at nagpapatuloy na hidwaan, nagtaguyod ng masalimuot na kultura ng pagpapaubaya. Kinilala ng kulturang ito ng pag-unawa sa kapwa na ang hindi pagkakatugma sa paghubog ng mga indibidwal gayundin sa kanilang mga kultura ay nakabubuti at produktibo.57

Bagama’t parang kakatwa, muntik nang mamayaning muli ang modelong ito sa pinaka-hindi inaasahang lugar, sa Sarajevo. Pagdating ng ikalabing-anim na siglo, lumago na ang lungsod mula sa isang kampo at naging isa sa mga sentro ng komersyo sa bahagi ng Europa sa Imperyong Ottoman. Dito, muling namuhay at nagtrabaho nang magkakasama ang mga Muslim, Hudyo at Kristiyano. Siyempre, ang pagkakaiba-iba sa kultura, relihiyon at

Page 154: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBInTaTlong kaBanaTa: ang IslaM aT ang MakaBagong Mundo 137

wika ay itinuring na praktikal, ngunit sa paglaon ay naging mga bagay na maipagmamalaki. Sa kasamaang palad, alam natin kung paano magtatapos ang kuwentong ito, at ang mga katumbas nito sa katapusan ng Convivencia ng Espanya ay nakakapangilabot. Ngunit marahil ang mga ito ay mga katapusan lamang ng mga kabanata at makikita nating muling mamayani ang Convivencia sa Sarajevo at Espanya.

Sa Sarajevo, Bosnia noong 1941, isang malapit na kakampi ni Adolf Hitler ang nagpahayag na dapat patayin ng estado ang lahat ng Hudyo at Serbo. Dahil namuhay silang magkakasama bilang magkakapitbahay nang maraming taon, maraming Hudyo, Hitano at Serbo ang naghanap at nakatagpo ng kanlungan sa kanilang mga kababayang Muslim. Isang taong napili para sa kanyang matapang na “pagtutol” ay ang Muslim na iskolar na taga-Albanya na si Dervis Korkut, na noon ay siyang punong tagapangasiwa ng aklatan sa Pambansang Museo ng Bosnia. Nag-aral sa Istanbul at Pransya, nagsulat si Korkut ng maraming artikulo na mariing nagtatanggol sa populasyon ng Hudyo sa Sarajevo. Ngunit ang kanyang katapangan ay hindi lamang hanggang salita.

Noong 1942, isang malupit na pinunong Nazi na nagngangalang Johann Fortner ang dumating sa museo at nag-utos na isuko ni Korkut ang anumang literaturang Jewish. Ang pinakamahalagang yaman ng museo ay ang Ebreong Haggadah (aklat ng Paskua) mula noong ikalabinlimang siglo na isinulat noong panahon ng Islam sa Espanya.

Nalampasan ng aklat na ito ang pagtatapon at panununog ng aklat sa mga nakaraang siglo, at determinado si Korkut na gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang mapangalagaan ito, kahit pa mapanganib ito sa kanyang buhay. Itinago niya ang aklat sa ilalim ng kanyang mga damit at nakaligtas sa pagsisiyasat sa museo ng opisyal na Nazi, at pagkatapos ay ibinigay ito sa pangangalaga ng Imam ng Mosque ng Sarajevo kung saan ito nanatiling ligtas hanggang sa natapos ang digmaan.Natatangi ang kuwento ng mga pagsisikap ni Korkut upang iligtas ang hindi matatawarang piraso ng kasaysayang ito. Ang hindi natatangi ay ang kuwento ng kanyang pagligtas sa isang batang babaeng Hudyo na nagngangalang Mira sa pamamagitan ng pagkupkop sa kanya upang manirahan kasama ng kanyang pamilya hanggang sa nakahanap siya ng paraan upang ligtas na makapunta ang bata sa Italya. Dito, tulad siya ng napakaraming ibang taga-Bosnia at Albanya na mas nanaisin pang mamatay kaysa pahintulutang madakip at mapaslang ang kanilang mga kapitbahay dahil sa kanilang relihiyon. Ang Albanya ay ang tanging bansa sa ilalim ng pamumuno ng Nazi kung saan aktwal na naghimagsik ang populasyon ng Hudyo noong digmaan. Nailigtas ang buhay ng bawat Hudyo. Tulad ng ipinaliwanag ni Enver Alia Sheger, ang anak ng isa sa mga “Muslim Schindler” na pinarangalan ni Yad Vashem: “Bakit isinapanganib ng aking ama

Page 155: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

138 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

ang kanyang buhay at ang buong nayon upang iligtas ang isang estranghero? Isang debotong Muslim ang aking ama. Naniwala siya na ang pagliligtas ng isang buhay ay pagpasok sa paraiso.”

Pagkatapos ng kontrobersya ng karikaturang Danes, isang abogadong Jewish ang nagsulat ng artikulong muling nagsalaysay sa kuwento tungkol kay Propeta Muḥammad at sa mga Kaibigan niya, habang nakaupo sila nang may dumaan na prusisyon ng libing. Tumayo ang Propeta at nang sumagot ang mga Kasama:

"Ngunit libing ito ng isang Hudyo,” binalingan sila ng Propeta at tinanong: “Hindi ba’t kaluluwa siya ng tao? Tumayo kayo.”58

Ang ḥadīth na ito ay napakapamilyar sa mga Muslim, ngunit tumatak sa akin ang pagkaantig ng may-akda ng artikulo nang mabasa ang salitang “Tumayo kayo.” Para sa kanya, ang paggalang at pagkamakatao na bumagtas sa mga hangganan ng kultura at relihiyon ay nagsisilbing walang hanggang aral tungkol sa paggalang.

Binibigyang-daan ng isang matibay na kultura ang pagkakaiba, binibigyang-daan ng isang matibay na kultura ang kalayaan sa pag-iisip at paglihis sa sistema. noong katanyagan ng Panahon ng Abbasid [750-1258 AD], nagkaroon ng kultura ng pagtitiwala sa sarili. Kapag may ganitong lakas ng loob, nagbibigay-daan ka sa kasarinlan at kalayaan. Ang kakulangan ng tiwala sa sarili ay humahantong sa pinakamababang punto sa kultura, mula sa lahat ng aspeto—mga karapatang pantao, mga karapatan ng kababaihan. Mas mayroong kalayaan sa imperyong Arabo kaysa sa mundo ng Arabo ngayon.

— SALMAn MASALHA, intelektwal at manunulang Israelitang Arabo

Page 156: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

IkalaBInTaTlong kaBanaTa: ang IslaM aT ang MakaBagong Mundo 139

sintesis: ang solusyon

Dahil sa ang mga Muslim ay hindi na Monolitiko kaysa sa Kanluran, may makikita kang ilan sa kanila ay buong puso at walang pamimintas na tumatanggap sa bawat makabagong dikta ng pulitika, agham o kultura. Gayunpaman, mayroon bang mga mapag-isip at mahinahon na mga Muslim na namimintas sa ilang aspeto ng makabagong mundo? Walang dudang mayroon. Tungkulin nilang maging ganoon. Walang kabuluhan ang pluralismo kung walang pagtutol, at walang kabuluhan ang pagtutol kung hindi ito nakatanim sa isang kahalili at konstruktibong pananaw.

Ang mga Muslim—ang mga may pananampalataya—ay laging mananatiling malayo sa paghihinala at materyalismo ng makabagong mundo. Isa sa mga tatak ng komunidad ng Muslim, sa pangkalahatan, ay ang pagkakaroon pa rin ng

Si Dervis Korkut, ang Punong Tagapangasiwa sa Aklatan ng Bosnian National Museum ay kinilala dahil sa pagliligtas sa isang aklat ng Paskua mula noong ikalabinlimang siglo mula sa pagkasira sa mga kamay ng mga Nazi.

“Bilang panrelihiyong pananampalataya at bilang panlipunan at pampulitikang pananaw sa daigdig, may mahalagang tungkuling ginagampanan ang Islam sa makabagong mundo kasabay ng mga nagtutunggalian at nagkakatambal na pananaw sa daigdig na nakapaloob sa mga makabagong agham at ideolohiya.”

—MaJId TehranIan, Islam and the West: hostage to history?

Page 157: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

140 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

mataas na antas ng panrelihiyong katiyakan para sa mga tao sa bawat antas ng edukasyon sa kabila ng mga paggigiit na ang anumang pahayag ng pagkakaroon ng katiyakan ay luma at sinauna at humahantong sa panatikong patriyotismo. Totoong nagbabalik-tanaw ang mga Muslim upang mapanatili ang buong mensahe. Hindi pag-unlad o pagbabago ang pinaniniwalaan nilang kailangan ng kanilang relihiyon, kung hindi pagbabalik sa mga prinsipyo nito.

Ang salungatan ay hindi sa Islam at Kanluran, o sa Islam at pagkamakabago, ngunit sa pagitan ng dalawang pananaw. Ang isa ay kumikilala sa Mas Mataas na Kapangyarihan at tumatanggap sa Kanya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao, kumikilala na ang pagkamatay ng katawan ay hindi hudyat ng pagkamatay ng kaluluwa. Ang isa pa ay kumikilala sa kapangyarihan lamang ng

“ngayon at hinaharap.”

Higit pa sa mga nagbibigay-babalang kuwento tungkol sa pangangailangang ilayo ang ating mga sarili sa relihiyon ang makukuha ng Kanluran sa Islam at mga Muslim . At habang patuloy na humihirap pangasiwaan ang mga krisis sa ekonomiya at kultura, tiyak na kakailanganing gamitin ng mga pinuno sa buong mundo ang mga solusyong matagal nang ipinamana ng Islam.

Page 158: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 159: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

142 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

mga tala 1 Umar Faruq Abd-Allah, One God, Many Names, 3.2 Ibid, 4.3 Mula sa tulang “Ang Oda sa Alak” (al-khamrīyya) ni ʿUmar ibn al- al-Fāri. Tingnan ang Emil Homerin (tr.). ʿUmar ibn al- Fāri: Sufi Verse, Saintly life, 43.4 Imam al-Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.5 Ibid.6 Imam al- Bukhārī, al-Adab al-Mufrad.7 Imam al- Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.8 Imam al- Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.9 Ibid.10 Imam al- Bukhārī, al-Adab al-Mufrad.11 Imam al- Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.12 Ibid.13 Imam Muslim, Saḥīḥ Muslim.14 Imam al- Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.15 Tiyak na itinatatwa ng teolohiya ng Islam ang posibilidad ng pagkakaroon ng katauhan ng Diyos o ng anuman sa Kanyang mga katangian—kasama ang Kanyang salita—sa isang tao o bagay. Kapag tinutukoy ng isang Muslim ang Salita ng Diyos, kinikilala niya na ang mga salitang ito ay pinili ng Diyos upang iparating ang Kanyang kalooban sa Kanyang mga alipin. Sa madaling salita, walang ibang may-akda sa mga ito, ngunit hindi sila "bahagi" ng Diyos sa anumang paraan.16 Philip K. Hitti, History of the Arabs: From the Earliest Times to the Present, 93.17 Imam al-Dārimī, Sunan al-Dārimī.18 Imam al-Tirmidhī, Sunan.19 Imam al- Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.20 Ibid.21 Tingnan din ang Qurʾān 29:59 at 16:42.

Page 160: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

noTes 143

22 Imam Muslim, Saḥīḥ Muslim.23 Al-Bayhaqī, Dalā’il al-Nubuwwa.24 Imam al- Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.25 Ibid.26 Tamim Ansary, Destiny Disrupted: A History of the World Through Arab Eyes, 128–129.27 Nabil Matar, Turks, Moors, & Englishmen in the Age of Discovery, 9.28 Karen Armstrong, “Medieval Prejudice Still Influences the West’s View of Islam,” Dawn. http://www.hartford-hwp.com/archives/ 27b/095.html (na-access noong Disyembre 2009).29 Sinipi sa Rosamond Mark, Bazaar to Piazza: Islamic Trade and Italian Art 1300–1600, 1.30 Jonathan Lyons, The House of Wisdom, 147.31 Si Nuṣayba b. Kaʿ b ay isang babae mula sa Medina na nakipaglaban kasama ng Propetang si Muḥammad noong Digmaan sa Uḥud pagkatapos iwan ng marami sa kalalakihan ang kanilang mga puwesto. Pagkatapos ay sinabi ng Propeta na bawat sa direksyong tiningnan niya, parang nakita niya doon si Nuṣayba, matapang na nakikipaglaban. Isa siya sa mga unang taga-Medina na nanumpa ng katapatan sa Propeta at iginagalang siya ng karamihan ng mga nakatatandang Kasama na, tulad ni Abū Bakr at ʿUmar, ay humingi ng kanyang payo at kaalaman.32 Seyyed Hossein Nasr, The Heart of Islam, 251.33 Imam al-Tirmidhī, Sunan.34 Imam al- Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.35 Huston Smith, Islam: A Concise Introduction, 65.36 Stephen Robertson, “Age of Consent Laws,” Children and Youth in History.37 Elizabeth Landau, “Men See Bikini-Clad Women as Objects, Psychologists Say.” http://www.cnn.com/2009/HEALTH/02/19/women.bikinis.objects/ (na-access noong Nobyembre 2009).38 Abū Dāwūd, Sunan.39 Muḥammad al-Ṭāhir b. al- Āʿshūr, al-Taḥrīr wa al-Tanwīr.

Page 161: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

144 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

40 Imam al-Bukhārī, Saḥīḥ al-Bukhārī.41 Ibid.42 Imam al-Daylamī, Musnad al-Firdaws.43 Imam al->abarī, Tārīkh al-Ṭabarī, Tārīkh al-Khilāfa al-Rāshida.44 Fred Donner, “The Sources of Islamic Conceptions of War,” in Dr. Sherman Jackson, “Jihad and the Modern World,” Seasons 1 (Spring, Summer 2003): 6.45 Dr. Sherman Jackson, “Jihad and the Modern World,” Seasons 1 (Spring, Summer 2003): 9.46 James Zogby, “Saudis Reject Bin Laden and Terrorism,” Media Monitors Network, Agosto 12, 2003, http://www.mediamonitors.net/ zogby99.html (na-access noong Nobyembre 2009).47 http://www.int-review.org/terr42a.html (na-access noong Nobyembre 2009).48 Imam al-Bukhārī, Șaḥīḥ al-Bukhārī.49 Tulad ng mga pinag-uusapang karikaturang inilimbag sa pahayagang Danes.50 Christopher Dickey,“Christian Rage and Muslim Moderation,” Newsweek, Mayo 27, 2008.51 Imam al- Bukhārī, Șaḥīḥ al-Bukhārī.52 Imam Aḥmad, Musnad.53 Hashim Kamali, Principles of Islamic Jurisprudence, 153.54 Ibid, 162.55 Sinasabi ng Espanyol na iskolar noong ikalabing-apat na siglo na si al-Shāṭibī tungkol sa istiḥsān: “Kailangan dito ang pagbibigay-halaga sa binigyang-daang hinuha kaysa sa pagsusuri. Ang sinumang gumagamit ng istiḥsān ay hindi lamang tumutukoy sa kanyang hilig at kagustuhan.

Tinutukoy niya ang kanyang nalalaman tungkol sa layunin ng Tagapagbigay ng Batas sa mga ganoong uri ng usapin sa teorya, tulad ng mga tanong kung saan magbibigay ang mga tao ng paghuhusga kung hindi lamang hahantong ang nasabing usapin sa pagkawala ng pakinabang mula sa ibang aspeto o magdudulot ng masama sa parehong

Page 162: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

noTes 145

paraan ...Sa ilang sitwasyon, ang pagsusuri nang walang limitasyon ay hahantong sa kaguluhan ng isipan at paghihirap, kaya may pagbubukod para sa lugar ng kaguluhan ng isipan.” (al-Muwāfaqāt, pt. 4, pah. 116)56 Azizah Al-Hibri, An Islamic Perspective on Domestic Violence, 6. Fordham International Law Journal 195, Disyembre 2003.57 Menocal, Maria Rosa, The Ornament of the World, How Muslims,

Jews, and Christians Created a Culture of Tolerance in Medieval Spain, 11–12.58 Imam al- Bukhārī, Șaḥīḥ al-Bukhārī.

Page 163: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

146 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

a

Allah: Ang Arabic na pangalan ng Diyos ng paniniwalang Iisa ang Diyos;

binubuo ng kasamang tiyak na pantukoy sa Arabic na “al” (ang) at “ilāh”

(Siyang sinasamba sa katotohanan).

ʿurf: Ang pangunahin sa mga karaniwang kaugalian sa pamamaraan ng

diwa ng mga batas sa Islam.

adab: Wastong pag-uugali.

C

Kalipa: Isang panandaliang pinuno ng komunidad ng Muslim.

Convivencia: Ang tradisyon ng pag-iral ng maraming pananampalatayang

Muslim sa Espanya.

D

dhimma: Isang tiyak na kasunduan ng seguridad na ibinibigay sa mga

hindi Muslim na naninirahan sa ilalim ng pamunuang Muslim.

F

fiṭra: Ang natural na katayuan ng kadalisayan na likas sa bawat tao.

H

ḥadIth: Isang kasabihan o naitalang pagkilos ng Propeta; ang ikalawang

pinagmumulan ng kaalaman sa Islam pagkatapos ng Qurʾān.

Ḥajj: Ang pinakamahalagang banal na paglalakbay patungo sa Kaʿba sa

Mecca.

ḥajī: Isang manlalakbay patungong Mecca.

ḥaqq: Responsibilidad at katotohanan.

hijab: Sa Islam, ito ay pantakip sa ulo.

hijra: Ang paglipat ng Propeta mula Mecca patungong Medina.

glosaryo ng mga termino

Page 164: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

glosaryo ng Mga TerMIno 147

i

ijtihād: Pagsisikap tungo sa dalubhasang hatolistiḥsān: Ang pagkiling sa mabuting hatol sa pamamaraan ng diwa ng

mga batas sa Islam.

J

jāhilīyya: Kamangmangan o barbarismo; salitang ginagamit upang

ilarawan ang panahon bago nagkaroon ng Islam.

jizya: Ang buwis para sa depensa ng mga hindi Muslim na naninirahan sa

ilalim ng pamunuang Muslim.

k

Kaʿba: Ang unang istrakturang itinayo para sa layunin ng pagsamba sa

Iisang Tunay na Diyos.

Kalipa: Isang pansamantalang pinuno ng komunidad ng Muslim

Kharijites: Isang tumiwalag na pangkat ng Muslim na sanhi ng pagpaslang

kay Imam ʿAlī, ang ikaapat na Kalipang Nagabayan nang Tama

M

maʿrūf: Ang itinuturing na kabutihan; isang pangunahin ng pamamaraan

ng diwa ng mga batas sa Islam.

madrasa: Isang institusyon ng edukasyon o paaralan ng Islam.

maghāzī: Mga paglalakbay ng militar; ang uri ng pagsusulat ng literatura

tungkol sa mga paglalakbay ng militar.

muezzin: Nananawagan ng pagdarasal sa Islam.

muʿāmalāt: Mga transaksyong panlipunan at sa pagitan ng mga tao.

Q

Qurʾān: Ang Banal na Aklat ng Islam; ang mga salita ng Diyos na idinikta

sa Propetang si Muḥammad sa pamamagitan ng Anghel na si Gabriel

Page 165: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

148 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

r

Ramaḍān: Ang pinakabanal na buwan sa kalendaryo ng Islam. Buwan

noon ng Ramaḍān nang tinanggap ni Propeta Muḥammad ang unang

rebelasyon ng Qurʾān. Sa buwang ito, nag-aayuno ang mga Muslim mula

bukang-liwayway hanggang dapit-hapon.

s

ṣadaqa: Kusang pagkakawanggawa.

salām: Kapayapaan.

sayyidunā: Ang parangal na bansag na “aming panginoon.”

Shariah: Ang Inihayag na Batas ng Islam.

shirk (paniniwalang may katulad si Allah): Pagsamba sa diyos-diyosan;

ang pag-uugnay ng mga kasama sa Diyos.

shūrā: Pagkonsulta

Sunna: 1) Ang paraan kung paano ginawa ni Propeta Muḥammad ang

mga bagay-bagay. 2) Isang kategorya ng mga patakaran para sa mga

pagkilos na kapag ginawa ay may kakabit na gantimpala ngunit hindi

obligado.

u

Umma: Ang Komunidad ng Islam

Z

Zakat: Ang sapilitang pagbibigay-limos, pagbibigay ng 2.5 porsyento ng

kayamanan ng isang tao bawat taon. Isa sa limang haligi ng Islam.

Page 166: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang
Page 167: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

150 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

BiBliograpiya

Abdul Rauf, Feisal. What’s Right with Islam. San Francisco, Harper Collins, 2004.

Abou El Fadl, Khaled. The Great Theft: Wrestling Islam from the Extremists. New York: Harper Collins, 2005.

Ansary, Tamim. Destiny Disrupted: A History of the World Through Islamic Eyes. New York: PublicAffairs, 2009.

Arberry, A.J. (Editor). The Koran Interpreted: A Translation. New York: Touchstone, 1955.

'ÃshÚr, Muḥammad alṬāhir al-. Al-Taḥrīr wa al-Tanwīr.

——— Ibn Ashur: Treatise on Maqasid al-Shariah. Herndon: International Institute of Islamic Thought, 2006.

Chittick, William (Editor). The Inner Journey: Views from the Islamic Tradition. Sandpoint: Morning Light Press, 2007.

Eaton, Charles. Remembering God: Reflections on Islam. Chicago: Kazi Publications, 2000.

Haley, Alex. The Autobiography of Malcolm X. Ballantine Books/ Random House, Inc., 1964.

Homerin, Emil (tr.). 'Umar ibn al-Fāri\: Sufi Verse, Saintly life. New Jersey, Paulist Press, 2000.

‘Iyad, Qadi. Muhammad, Messenger of Allah. Granada, Medina Press, 1991.

Kamali, Mohammad Hashim. Principles of Islamic Jurisprudence. London, Islamic Texts Society, 2005.

Khalidi, Tarif. The Muslim Jesus: Sayings and Stories in Islamic Literature. Cambridge, Harvard University Press, 2001. Lavoie, Louis. Tides of History: A Review of Three Historic Tides That Have Helped Shape the 20th Century, Islam, Russia, and Science. Plymouth, L. Lavoie, 1997.

Page 168: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

glosaryo ng Mga TerMIno 151

Lewis, David Levering. God’s Crucible: Islam and the Making of Europe, 570–1215. New York, Norton, 2008.

Lyons, Jonathan. The House of Wisdom: How the Arabs Transformed Western Civilization. New York, Bloomsbury Press, 2009.

Mack, Rosamond E. Bazaar to Piazza: Islamic Trade and Italian Art, 1300–1600. Berkeley, University of California Press, 2002.

Mamdani, Mahmood. Good Muslim, Bad Muslim: America, The Cold War, and the Roots of Terror. New York, Doubleday, 2004.

Matar, Nabil. Turks, Moors, & Englishmen in the Age of Discovery. New York, Columbia University Press, 1999.

Menocal, Maria Rosa. The Ornament of the World, How Muslims, Jews, and Christians Created a Culture of Tolerance in Medieval Spain. Boston, Little, Brown, and Company, 2002.

——— The Arabic Role in Medieval Literary History, A Forgotten Heritage. Philadelphia, University of Pennsylvania Press, 1983. Nasr, Seyyed Hossein. The Heart of Islam. San Francisco, Harper Collins, 2002.

O’Shea, Stephen. Sea of Faith: Islam and Christianity in the Medieval Mediterranean World. Vancouver, Douglas and McIntyre Ltd., 2006.

Poplak, Richard. The Sheikh’s Batmobile: In Pursuit of American Pop Culture in the Muslim World. Toronto, Penguin Books, 2009.

Reston, James Jr. Defenders of the Faith: Charles V, Suleyman the Magnificent, and the Battle for Europe, 1520-1536. New York, Penguin Press, 2009.

Reston, James Jr. Warriors of God: Richard the Lionheart and Saladin in the Third Crusade. New York, Doubleday, 2001.

Page 169: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

152 ang IslaM aT Mga MuslIM: Isang Tapiseriya ng Pananampalataya

Ruskin, John. The Stones of Venice. New York, Da Capo Press, 1985

Sedgewick, Mark. Islam and Muslims. A Guide to Diverse Experience in a Modern World. Boston, Intercultural Press, 2006.

Smith, Huston. Islam: A Concise Introduction. San Francisco, Harper, 2001.

Winter, Tim (Editor). The Cambridge Companion to Classical Islamic Theology. Cambridge, Cambridge University Press, 2008.

artiCles

Abd-Allah, Umar Faruq. One God, Many Names, Nawawi Foundation, Chicago, 2004.

Al-Hibri, Azizah. An Islamic Perspective on Domestic Violence, Fordham International Law Journal 195, December 2003.

Armstrong, Karen. “Medieval Prejudice still influences the West’s View of Islam,” Dawn, June 21, 2002.

Dickey, Christopher. “Christian Rage and Muslim Moderation,” Newsweek, May 27, 2008.

The Editors. “Islam and Modernity,” America: The National Catholic Weekly, November 12, 2001.

Friedman, Thomas. “If it’s a Muslim Problem it Needs a Muslim Solution,” New York Times, July 8, 2005.

Jackson, Sherman. Jihad and the Modern World, Journal of Islamic Law and Culture, Spring / Summer, 2002.

Landau, Elizabeth. “Men See Bikini Clad Women as Objects,” cnnhealth. com, April 2, 2009.Sharrock, David. “Spanish Muslims Issue ‘Fatwa’ Against Bin Laden,” The Times Online, March 12, 2005.

Page 170: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang

BIBlIograPIya 153

Stone, Caroline. “Ibn Fadlan and the Midnight Sun,” Saudi Aramco World, March / April 1979.

Tehranian, Majid. Islam and the West: Hostage to History? University of Hawaii, December, 25, 1997.

Zaimeche, Salah. “The Little Known Tolerant and Humane Aspects of Muslim Civilization,” Foundation for Science, Technology and Civilization, October, 2003.

Zakaria, Rafia. “A Response to Modernity,” The Hindu, April 13, 2009.

Zuroff, Avraham. “Exhibition Honors Muslim Holocaust Rescuers,” Israel National News, January 25, 2009.

otHer

Abd-Allah, Umar Faruq. Famous Women in Islam (Recorded Lectures). Ihsanoglu, Ekmeleddin. A Culture of Peaceful Coexistence, (speech) Howe Center, Stevens Institute of Technology, May 13, 2004.

Robertson, Stephen. “Age of Consent Laws,” Children and Youth in History, Item #230, http://chnm.gmu.edu/cyh/teaching-modules/230 (accessed November 2009).

Yusuf, Hamza. Removing the Silence on Domestic Violence, sermon held in San Ramon, California, February 20, 2009.

Interview by Kol Hair Jerusalem Weekly, excerpted by orthodoxytoday.org, March 31, 2004.

“Islam and Modernity,” America Magazine. http://www.americamagazine.org/content/article.cfm?article_id=1206 (accessed July 2009).

Page 171: Sa Ngalan ng Allahzhic.ae/Data/Files/Ebooks/Tagalog E-Book 3 Islam and Muslims.pdf · ang mga bagong Muslim sa ilang wika, ... na pananaw tungkol sa isa sa mga labis na hindi nauunawaang