saklolo manual

12
2 Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto Kagawaran ng Edukasyon 3/F Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189 Manwal ng Tagapatnubay Saklolo! Basic Literacy Learning Material Bureau of Alternative Learning System DEPARTMENT OF EDUCATION

Upload: jedith-evangelista

Post on 12-Jul-2015

138 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Saklolo manual

2

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa PagkatutoKagawaran ng Edukasyon

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Manwal ng Tagapatnubay

Saklolo!

Basic Literacy Learning Material

Bureau of Alternative Learning SystemDEPARTMENT OF EDUCATION

Page 2: Saklolo manual

PANIMULA

Ang modyul na ito ay ginawa upang malinang sakaisipan ng mag-aaral ang mga mahahalaganghakbang na dapat gawin kung may sunog.

Malalaman din ang iba’t ibang tao namakakatulong sa pamayanan. Ito ay binubuo satatlong aralin. Ang mga aralin ay may kanya-kanyanglayunin upang higit na malinang ang kakayahan sabawat asignatura.

Ang modyul na ito ay magagamit ng tagapagturosa kanilang lugar sa magaan at mabisang pagtuturo.Ang mga pamamaraan, metodolohiya at estrtiheya aynaiangkop sa antas at kawilihan ng mag-aaral upangmasigla ang pagtatalakayan, makipagtalastasan,magsuri, at malinang ang kanilang kakayanan sapagbasa, pagsusulat at pagsagot sa mga suliraningpamilang na nailaan sa bawat pagtatalakayan.

1

Saklolo!

Karapatang-Ari 2005KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA

SA PAGKATUTOKagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema saPagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindimaaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nangwalang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ngpamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng EdukasyonKawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto

3/F Mabini Bldg., DepEd ComplexMeralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Page 3: Saklolo manual

Saklolo! Bumbero, May Sunog Sa Kanto!Patnubay sa Aralin Blg. 1

I. MGA LAYUNIN

Pakikinig : Nakapakikinig nang may pang-unawa sa narinig na kwento.

Pagsasalita : Naipaliliwanag ang pang-unawa sanarinig na kwento.

Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita atsimpleng pangungusap.

Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahangsumulat ng mga salita gamit angmga larawan.

Pagkwenta : Natutukoy ang panunurangpamilang.

Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagangSuliranin o hakbang na gagawin kapag mayMapanuring sunog.Pag-iisip.

Paglinang : Naipakikita ang malasakit at pang-ng Sarili, unawa sa kapwa.Pakikipag- : Nakikilala ang ibat bang tao saKapwa at pamayananPakikipanayam

Pakikisalamuha at Pagdamay sa Kapwa

II. PAKSA

A. Aralin 1 – Saklolo! Bumbero, May Sunog sa Kanto!p. ___

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:Kasanayang makipagkapwa at makibagay sakapwa.

B. Kagamitan: mga larawan ng iba’t ibang taosa pamayanan

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

• Itanong:Naranasan na ba ninyo ang masunugan?Kung oo, maaari itong ipakuwento saharap.

• Hayaang magtanong ang iba sanagkukwento.

2 3

Page 4: Saklolo manual

B. Panlinang na Gawain

Pagbasa

1. Paglalahad

• Sabihin:- Basahin ang kwento sa modyul na

matatagpuan sa pahina __ hanggang__. (Pakinggan Natin)

• Ipasadula ang kwento.• Itanong:

- Sino-sino ang mga taong tumulong sapagsugpo ng sunog sa bahay ni Ador?

• Ipagawa ang Simulation Game- Tumawag ng isang mag-aaral sa

harapan. Ipakita sa kanya ang isanglarawan ng bumbero at gagayahin niyaang trabaho nito.

2. Pagtatalakayan

• Balikan muli ang maikling kwento. Pagusapan ito.

Itanong:- Kung kayo si Ador, ano kaya ang

gagawin ninyo sa oras na iyon?- Hihingi din ba kayo ng tulong sa iba?

Kanino?

• Pag-usapan ang mga sagot ng mag-aaral.Basahin ang mga dapat gawin kapagmay sunog sa Pag-usapan Natin pahina __.

• Gabayan ang mag-aaral sa pagpapantigng bawat pangalan ng mga ito.

• Ipagawa ang “Subukin Natin”, A at B,pahina __.

3. Paglalahat

• Pabuksan ang Tandaan Natin sa pahina__.

• Ipabasa ang mga dapat tandaan.

4. Paglalapat

• Ipagawa ang Fire Drill- Hatiin sa dalawa o tatlong pangkat ang

mga mag-aaral.- Gamit ang mga larawan sa modyul,

ipagawa ang “fire drill”.Halimbawa:• Gamitin ang salitang “sunog” bilang

hudyat na may sunog sa loob. • Susundan ng mag-aaral ang bawat

larawang ipakikita ng taga-patnubay.

• Panalo ang grupong makakapag-pakita ng mga tamang proseso sapagsugpo sa sunog.

4 5

Page 5: Saklolo manual

Pagkukwenta

1. Paglalahad

• Sabihin:- Pagmasdan mabuti ang larawan.

Paano nagsunud-sunod ang mgalarawan?

• Itanong:- Sino-sino sila? Paano sila nagtutulung-

tulong kung may sunog?

2. Pagtatalakayan

• Ipagawa ang Simulation Game.• Tumawag ng limang (5) mag-aaral sa

harapan. Ipagaya ang nasa larawan sa pahina __.

• Paharapin ang mga mag-aaral sa pintuan bilang tanda ng simula.

- Hayaang tuklasin ng mag-aaral kungsino ang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat atikalima sa linya. Bakatin at gayahin angnasa pahina __.

- Ipagawa ang iba pang Gawain sapahina __.

3. Paglalahat

• Tumawag muli ng limang mag-aaral.Isang payat, isang mataba, isangmatangkad, isang maliit at isang maitim.(Puwedeng ibahin ang mga katangian

6 7

depende kung anong meron ang mgamag-aaral.)

• Magpagawa ng isang linya• Magsabi ng isang katangian ng mag-aaral

at isusulat bsa papel ng iba kung pang-ilan ang nabanggit na mag-aaral salinya.

Halimbawa:Tagapatnubay: Siya ay masaya at

mataba.Mag-aaral:

4. Paglalapat

A. Ipasagot ang mga sumusunod natanong pagkatapos ng maikling kuwento.

• Ikaw sana ay mamamalengke sa sikatna pamilihan sa inyong bayan. Nangbiglang nakita mo na may sunog sakanto. Ano ang gagawin mo? Tutuloyka ba sa palengke o tutulong ka munakasi mas kailangan ang iyong tulong?

• Pagkabitin ng guhit ang bagay atang pangalan nito.

IV. PAGTATAYA

Ipagawa ang “Alamin ang iyong natutuhan”,sa pahina __.

Page 6: Saklolo manual

8 9

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Sino sila?Kilalaning mabuti ang mga sumusunod na tao

sa inyong pamayanan.Ano ang nagagawa nila sa inyong pamayanan?Isulat ang mga gagawin nila.Isama ito sa sariling journal o portfolio.

Saklolo! Saklolo! May Parating na Bagyo!Patnubay sa Aralin Blg. 2

I. MGA LAYUNIN

Pakikinig : Nakapakikinig ng may pang-unawasa narinig na balita.

Pagsasalita : Naipaliliwanag ang pang-unawa sanarinig na pahayag.

Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita atsimpleng pangungusap.

Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahangsumulat ng mga salita gamit angmga larawan.

: Naisusulat ang mga pangalan ngmga bagay na kailangan sapanahon ng bagyo.

Pagkwenta : Naisasagawa ang mga panunurangbilang.

Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagangSuliranin o hakbang na gagawin kapag mayMapanuring bagyo.Pag-iisip.

Paglinang : Nauunawaan ang mga narinig sang Sarili, balita at kwento.Pakikipag- : Naihahanda ang sarili sa narinig naKapwa at balita.Pakikipanayam.

Page 7: Saklolo manual

Katatagan sa Sarili at Pagdamay sa Kapwa

II. PAKSA

A. Aralin 2 – Saklolo! Saklolo! May Parating naBagyo! p. __.

Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:Kasanayang makipagkapwa at makibagay sakapwa.

B. Kagamitan : mga larawan ng iba’t ibangkagamitan sa bahay nakakailanganin sa panahon ngbagyo.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Pagganyak

• Itanong:Naranasan na ba ninyo ang masunugan?Kung oo, maaari itong ipakuwento saharap.! Hayaang magtanong ang iba sa

nagkukwento.Pabuksan sa pahina 1 Aralin 2

Sabihin:! Sagutin natin ang mga tanong.

(Ipabasa ang panuto. Kung hindi kayagabayan ng tagapatnubay ang mag-aaral sa pagbasa.)

B. Panlinang na Gawain

Pagbasa

Paglalahad

• Sabihin:- Basahin ang kwento sa modyul na

matatagpuan sa pahina __ hanggang__. (Pakinggan Natin)

• Ipasadula ang kwento.• Ipakita ang mga larawan ng iba’t ibang

kagamitan sa bahay na pwedengmagamit sa panahon ng bagyo, namatatagpuan sa pahina __ ng modyul.(Kilalanin Natin)

• Itanong:- Marunong na bang bumasa? Ating

basahin ang mga pangalan ng bawatlarawan. Sino ang makababasa na?

- Ano-ano ang mga gamit na nakikitaninyo sa mga larawan?

• Ipagawa ang Simulation Game- Tumawag ng isang mag-aaral sa

harapan. Ipakita sa kanya ang isanglarawan ng tao na tagapagbalita satelebisyon at gagayahin niya ang

10 11

Page 8: Saklolo manual

12 13

trabaho nito. Kailangan hindi makitaang larawan ng iba dahil huhulaan nilakung sino at ano ang trabaho nito sapamayanan.

- Itanong:- Anu-anong paghahanda ang

ibinigay ng brodkaster sa mga taongnanonood sa telebisyon? Gamitinang larawan na nasa pahina 7 ngmodyul. (Pag-usapan Natin)

Pagtatalakayan

• Balikan muli ang maikling kuwento. Pag-usapan ito.Itanong:- Kung kayo ang nakarinig sa balitang

iyon, ano kaya ang gagawin ninyo saoras na ito?

- Susundin ba ninyo ang mga payo ngtagapagbalita? Bakit?

- Hihingi din ba kayo ng tulong sa iba?Kanino?

• Pag-usapan ang mga sagot ng mag-aaral.Ipagawa ang “Subukin Natin”, pahina __.

• Talakayin ang mga gamit na kailangankung may bagyo, pahina __.

• Ipabasa kung anu-ano ang mga dapatgawin sa pagsapit ng bagyo. Tandaan

Natin pahina __.

• Gabayan ang mag-aaral sa pagbasa ngmga ito.Halimbawa:

Mag-aaralMakinig ng radio o telebisyon.

Paglalahat

Itanong:! Kung naintindihan. Ano-anong mga

paghahanda ang dapat gawin sa tuwingmay padating ng bagyo?

! Ipasulat ang mga bagay na kakailanganinpagsapit ng bagyo. (Ipamasid sa mag-aaral ang mga larawan, upang maisulatang pangalan ng mga bagay sa kahon.)

! Bakit kailangan natin ihanda ang mgakagamitang ito? Ipaliwanag.

Paglalapat

• Magpagawa ng isang dula-dulaantungkol sa pagbabalita sa paparating nabagyo.

• Tingnan kung paano nila ihahanda angsarili pagkatapos marinig ang balita.

• Ipagawa sa mag-aaral ang dapat gawinkapag may bagyo.

Kwentahin Natin

Pag-aralan ang pangunahing hugis nanakikita sa larawan, pahina __.

Page 9: Saklolo manual

14 15

Itanong: Masasabi mo ba kung anong hugisang mga ito?

Pabuksan sa pangunahing hugis. Pag-aralanang mga larawan na nasa ibaba.

Basahin ang bawat pangalan ng bawatlarawan at isulat ito sa nakalaang guhit saibaba (Pahina __)Pagmasdan ang mga hugis sa susunod napahina na nasa larawan.Ano-anong hugis ang nakikita ninyo ?Pagkabitin nang mga linya para mabuo anghugis na nakalarawan.

IV. PAGTATAYA

• Pabuksan ang modyul sa pahina __, “AlaminNatin ang iyong natutuhan.”

A. Ipagawa ang mga pagsasanay.

B. Bakatin ang pangalan ng bawat kagamitan sapahina __.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Magpagawa ng scrapbook tungkol sanakaraang lindol sa Pilipinas.

Ipaliwanag ito sa mga mag-aaral.

Isama ito sa sariling journal o portfolio.

Saklolo ! Saklolo! Yumayanig ang Mundo!Patnubay sa Aralin Blg. III

I. MGA LAYUNIN

Pakikinig : Nakapakikinig nang may pang-unawa sa narinig na kwento.

Pagsasalita : Naipalil iwanag ang sarilingpananaw sa narinig na kwento.

Pagbasa : Nakababasa ng payak na salita atsimpleng pangungusap.

Pagsulat : Naipamamalas ang kakayahangsumulat ng mga salita gamit angmga larawan.

: Naisusulat ang mga pangalan nglugar na maaaring pangyarihan nglindol.

Pagkwenta : Natutukoy ang mga panunurangbilang.

Paglutas ng : Natutukoy ang mga mahahalagangSuliranin o hakbang na gagawin kapag mayMapanuring lindol.Pag-iisip.

Paglinang : Nakikilala ang mga bagay nang Sarili, magiging kanlungan habangPakikipag- lumilindol.Kapwa at : Naisasagawa ang mga hakbang naPakikipanayam. dapat gawin para sa kaligtasan.

Page 10: Saklolo manual

16 17

Pakikipagtulungan at Pakikiramay sa Kapwa

II. PAKSA

A. Aralin III – Saklolo! Saklolo! Yumayanig angMundo!

Pangunahing kasanayan sa Pakikipamuhay:Kasanayang mailigtas ang sarili at makatulongsa kapwa.

B. Kagamitan: mga larawan ng mga pan gyayarisa kwento, mga kagamitan o bagayna masisilungan habang

lumilindol

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagganyak

• Itanong:Naranasan na ba ninyo ang lindol ?

Kung oo, maaari itong ipakuwento saharap.

• Hayaang magtanong ang iba sa nagku-kwento.

B. Panlinang na Gawain

Pagbasa

1. Paglalahad

Sabihin:- Basahin ang kwento sa modyul na

matatagpuan sa pahina __ hanggang __.- Bayaang isadula ang kwento.- Ipakita ang mga larawan ng sitwasyon

upang higit na mabigyan ng buhay angbawat yugto.

Pagtatalakayan

Itanong:- Ano ang inyong naramdaman sa

pagbibigay buhay sa mga pangyayari sakwento?

- Sino-sino ang magtutulungan kungsakaling may pangyayaring ganito sa lugarninyo?

- Ano ang kahalagahan ng pagsasadula ngmga pangyayaring ito sa inyo? Ipaliwanag.

Paglalahat

Itanong:- Ano-ano ang natutunan sa ginawa natin?

Sino ang pwedeng magbuod sa mganatutunan. (Tumawag ng mag-aaral atsasabihin ang kanyang natutunan sa

Page 11: Saklolo manual

harap ng klase.) Basahin ang mga salita sa“Basahin Natin” A at B, pahina __.Isagawa ang pagsasanay sa “SubukinNatin”, pahina __.

Paglalapat

Pabuksan sa pahina __ ng modyul, “AlaminNatin” at “Tandaan Natin.”

Itanong:- Ano ang dapat gawin kapag may lindol?

Ano-ano ang mga dapat tandaan kapagkayo ay nakaramdam ng pagyanig nglupa? (Pwedeng ipabasa nang

maramihan , pangkatan dalawahan at isahan.

Pagkwenta

Paglalahad

Itanong:Ano-ano ang mga kagamitan sa inyong

bahay ang pwedeng masilungan o magamitkung may lindol ?

Pabuksan sa pahina __ ng modyul.

Pagmasdan at suriin mabuti ang mgalarawan.

Itanong:- Ano-anong mga kagamitan ang inyong

nakikita?- Saan ito pwedeng gamitin? Ipaliwanag.

Pagtatalakayan

- Pagsamasamahin ninyo ang magkaka-uriat kung saan ito nabibilang na grupo?

- Ilang grupo ng mga kagamitan mayroonsi Aling Linda?

Pabuksan sa pahina __ ng Modyul. Pag-aralanang mga sumusunod na larawan.

Itanong :> Ano-anong mga larawan ang nakikita

ninyo?

Paglalahat

> Ano-anong kagamitan mayroon si AlingLinda?

> Saan kaya niya ito pwedeng gamitin?Bakit? Kailan?

Paglalapat

Sabihin:Nagkaroon ng lindol sa lugar ni Aling

Linda, nagkagulo-gulo ang kanyang mgakagamitan. Nagkahalu-halo ang mga ito saloob ng bahay. Paano natin siyamatutulungan?

18 19

Page 12: Saklolo manual

IV. PAGTATAYA

Pabuksan sa pahina __ ng modyul sa “Alamin Natin”,pahina __.Ipagawa sa mag-aaral ang mga sumusunod:- Ipasulat ang pangalan ng bawat lugar na

pwedeng pangyarihan ng pagyanig ng lupa.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Magpagawa ng scrap book ng mga larawan ngmga pangyayari sa lindol.

20