sanaysay tungkol sa ekonomiya

2
Rañin , Manilac Melissa S. Filipino 2 9:30 to 10:30 AM Gng. Emphasis Ang Krisis Ay Di Biro... Pero May Bukas Pa Nagtataasang presyo ng mga bilihin, lumalalang kawalan ng trabaho, bumababang halaga ng pera, kriminalidad - iilan lamang ito sa maglalarawan na bahagi tayo sa pandaigdigang krisis pinansyal. Samaktuwid, ito ang magpapasigaw sa atin na ANG KRISIS AY DI BIRO. Talagang ang krisis ngayon ay damang-dama ng karamihan. Nakapanglulumo ang sitwasyon na pipila ang mga kababaihan at mga bata para makakabili lang ng bigas ng NFA. Ang iba’y nag-away na nga nang dahil sa bigas. Nang dahil sa krisis, mas maraming pamilya ngayon ang di na makakain ng pagkain na sapat sa dami at sustansya. Nakakaawa ang mga paslit na sa paggising sa mundo kaharap na mismo ang kahirapan. Sa kasalukuyan, tiyak na marami sa mga nakapagtapos sa hayskul ang hindi na makakapasok sa kolehiyo lalo na sa pribadong paaralan. Tila mauunsyami ang mga matatayog na pangrap ng mga kabataan. Bagama’t ganito katindi ang kahirapan, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. May bukas pa ang naghihintay. Ang mahalaga ay marunong tayong mag-prayoridad sa mga bagay na kinakailangan. Una, dapat marunong tayo magtipid sa mga bagay-bagay. Halimbawa, patayin ang ilaw kung di kailangan. Huwag mag-aksaya ng tubig. Pangalawa, huwag gumastos ng higit sa badyet. Kung maaari, huwag mangutang dito, mangutang doon kung alam mo na hindi na kayang bayaran sa natitira mong sahod. Pangatlo, maging kontento kung ano meron ka. Huwag mainggit. Mamuhay ng simple. Ayos na ‘yon. Sa kabilang dako, nawa’y ang mga opisyales ng pamahalaan mula sa pangulo hanggang sa kagawad ng barangay ay dapat magbibigay ng serbisyong totoo. Kung ano ang laan na halaga para sa mga proyekto ay

Upload: ranin-manilac-melissa-s

Post on 28-Mar-2015

9.038 views

Category:

Documents


10 download

TRANSCRIPT

Page 1: SANAYSAY TUNGKOL SA EKONOMIYA

Rañin , Manilac Melissa S. Filipino 2 9:30 to 10:30 AM Gng. Emphasis

Ang Krisis Ay Di Biro... Pero May Bukas Pa

Nagtataasang presyo ng mga bilihin,  lumalalang kawalan ng trabaho, bumababang halaga ng pera, kriminalidad  - iilan lamang ito sa maglalarawan na bahagi tayo sa pandaigdigang krisis pinansyal. Samaktuwid, ito ang magpapasigaw sa atin na ANG KRISIS AY DI BIRO.

Talagang ang krisis ngayon ay damang-dama ng karamihan. Nakapanglulumo ang sitwasyon na pipila ang mga kababaihan at mga  bata para makakabili lang ng bigas ng NFA. Ang iba’y nag-away na nga nang dahil sa bigas.

Nang dahil sa krisis, mas maraming pamilya ngayon ang di na makakain ng pagkain na sapat sa dami   at   sustansya.  Nakakaawa   ang  mga   paslit   na   sa   paggising   sa  mundo   kaharap   na  mismo   ang kahirapan.

Sa kasalukuyan, tiyak na marami sa mga nakapagtapos sa hayskul ang hindi na makakapasok sa kolehiyo   lalo  na   sa  pribadong  paaralan.  Tila  mauunsyami  ang  mga  matatayog  na  pangrap  ng  mga kabataan.

Bagama’t ganito katindi ang kahirapan, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. May bukas pa ang naghihintay. Ang mahalaga ay marunong tayong mag-prayoridad sa mga bagay na kinakailangan.

Una, dapat marunong tayo magtipid sa mga bagay-bagay. Halimbawa, patayin ang ilaw kung di kailangan. Huwag mag-aksaya ng tubig. Pangalawa, huwag gumastos ng higit sa badyet. Kung maaari, huwag mangutang dito, mangutang doon kung alam mo na hindi na kayang bayaran sa natitira mong sahod. Pangatlo, maging kontento kung ano meron ka. Huwag mainggit. Mamuhay ng simple. Ayos na ‘yon.

Sa  kabilang  dako,  nawa’y  ang  mga opisyales  ng  pamahalaan  mula   sa  pangulo  hanggang   sa kagawad ng barangay ay dapat magbibigay ng serbisyong totoo. Kung ano ang laan na halaga para sa mga proyekto ay ilalapat sa proyekto para malulubos ang pera ng ating bayan at sa gayon ay mabibigyan ng trabaho ang mga walang trabaho- kikita sila at magkakaroon ng pagkakataon na masasagot ang mga pangangailangan ng pamilya.

Walang krisis na di natin kayang lagpasan. Alalahanin ang pahayag sa  Bibliya na di tayo bibigyan ng Panginoon ng problema na higit sa ating kakayahan. May bukas pa kahit anumang krisis na raragasa sa atin na animo’y bagyo.