sanaysay (wikang filipino)

2
Page 1 of 2 WIKANG FILIPINO: MULA BALER HANGGANG SA BUONG PILIPINAS Ikatlong Taon sa Sekundarya | Piyesa para sa Patimpalak |Oktubre 28, 2009 Pansangay na Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay Karapatang-ari nina: G. αlpha Φhi εmjay (Nagsasanay) at G. Ryan Domingo Villamiel ( Tagapagsanay) [email protected] / [email protected] Mabuhay! Mahal Kita…Salamat! Tatlong payak na salitang masarap bigkasin at matimyas pakinggan. Mga salitang nagpapahiwatig ng pagkadakila, pagmamahal at pagpapahalaga. Nagpapakilala at nagsisilbing simbolo ng mga Pilipino saan mang sulok ng mundo. Tunay na napakahalaga ng wika para sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan gayundin sa pambansang pagkakaisa at kalinangan. Ang wika ang nagsisilbing midyum upang maipahayag natin ang ating kaisipan, damdamin, layunin at mga adhikain. Itinuturing ito na kaluluwa ng isang bansa na sumasalamin sa kilos, gawi, tradisyon at kultura ng mga mamamayan. Alinmang bansa sa daigdig na kabilang sa pinaka-industriyalisado ay nagtataglay at gumagamit ng isang wikang nauunawaan ng lahat. Tayo rin ay may malaking potensyal para sa ibayong pagsulong at kagalingan. Maraming dekada na ang nalagas sa tangkay ng panahon. Noon kapag naglalakbay sa iba’t ibang lupalop ng Pilipinas ay mararamdaman mong ika’y banyaga sa sariling bayan, sapagkat sa bawat rehiyon, bawat lalawigan at pulo ay may umiiral na dayalekto. Panahon na kung susuriin mo ay may pagkakawatak-watak at pagkakani-kaniya ang mga tao. Marahil ito ang naging inspirasyon ni Ponciano Penida sa kanyang akdang “Filipino: Isang Depinisyon.” Mababanaag dito ang madilim na kasaysayan ng bansa na pinasidhi ng pananakop ng mga dayuhan. Iginupo tayo sa pagdarahop at kamangmangan, inalisan ng karapatan at pagkakakilanlan. Gayuman, iniluwal mula sa sinapupunan ng Baler ang pag-asa upang mapag-isa ang mahigit pitong libo at isang daang mga pulo. Sa pusod ng Luzon ay hinango, matapos ang mabusising pag-aaral at proseso, ang wikang magiging kadluan ng madlang pangarap at pambansang mithiin. Lumalabas ang isang kauutusan, mula sa wikang Tagalog na siyang batayan, wikang Filipino’y gagamitin sa buong kapuluuan. Gumapang patungo sa pinakadulong pulo ng Pilipinas sa hilaga, ang Y’ami na sakop ng Batanes, hanggang sa pinakaliblib na lugar sa Timog na bahagi, ang Salauag sa Tawi-tawi, ang napagkasunduang wikang pambansa.

Upload: mark-jed-arevalo

Post on 14-Apr-2017

195 views

Category:

Education


7 download

TRANSCRIPT

Page 1 of 2

WIKANG FILIPINO: MULA BALER HANGGANG SA BUONG PILIPINAS

Ikatlong Taon sa Sekundarya | Piyesa para sa Patimpalak |Oktubre 28, 2009

Pansangay na Paligsahan sa Pagsulat ng Sanaysay

Karapatang-ari nina:

G. αlpha Φhi εmjay (Nagsasanay) at G. Ryan Domingo Villamiel (Tagapagsanay)

[email protected] / [email protected]

Mabuhay! Mahal Kita…Salamat!

Tatlong payak na salitang masarap bigkasin at matimyas pakinggan. Mga salitang

nagpapahiwatig ng pagkadakila, pagmamahal at pagpapahalaga. Nagpapakilala at nagsisilbing

simbolo ng mga Pilipino saan mang sulok ng mundo.

Tunay na napakahalaga ng wika para sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan gayundin

sa pambansang pagkakaisa at kalinangan. Ang wika ang nagsisilbing midyum upang maipahayag

natin ang ating kaisipan, damdamin, layunin at mga adhikain. Itinuturing ito na kaluluwa ng

isang bansa na sumasalamin sa kilos, gawi, tradisyon at kultura ng mga mamamayan. Alinmang

bansa sa daigdig na kabilang sa pinaka-industriyalisado ay nagtataglay at gumagamit ng isang

wikang nauunawaan ng lahat. Tayo rin ay may malaking potensyal para sa ibayong pagsulong at

kagalingan.

Maraming dekada na ang nalagas sa tangkay ng panahon. Noon kapag naglalakbay sa iba’t

ibang lupalop ng Pilipinas ay mararamdaman mong ika’y banyaga sa sariling bayan, sapagkat sa

bawat rehiyon, bawat lalawigan at pulo ay may umiiral na dayalekto. Panahon na kung susuriin

mo ay may pagkakawatak-watak at pagkakani-kaniya ang mga tao.

Marahil ito ang naging inspirasyon ni Ponciano Penida sa kanyang akdang “Filipino: Isang

Depinisyon.” Mababanaag dito ang madilim na kasaysayan ng bansa na pinasidhi ng pananakop

ng mga dayuhan. Iginupo tayo sa pagdarahop at kamangmangan, inalisan ng karapatan at

pagkakakilanlan. Gayuman, iniluwal mula sa sinapupunan ng Baler ang pag-asa upang mapag-isa

ang mahigit pitong libo at isang daang mga pulo. Sa pusod ng Luzon ay hinango, matapos ang

mabusising pag-aaral at proseso, ang wikang magiging kadluan ng madlang pangarap at

pambansang mithiin. Lumalabas ang isang kauutusan, mula sa wikang Tagalog na siyang

batayan, wikang Filipino’y gagamitin sa buong kapuluuan. Gumapang patungo sa pinakadulong

pulo ng Pilipinas sa hilaga, ang Y’ami na sakop ng Batanes, hanggang sa pinakaliblib na lugar sa

Timog na bahagi, ang Salauag sa Tawi-tawi, ang napagkasunduang wikang pambansa.

Page 2 of 2

Hindi man masasabing isang daang porsiyento ng ating mga kababayan ang nakapagsasalita

nito, hindi rin mapasususbalian ang katotohanang ito’y patuloy na pinag-aaralan at nauunawaan

saan mang rehiyon sa ating bansa. Patunay dito ang malaking impluwensiya ng media sa

anumang anyo nito. Higit itong lalaganap kung patuloy nating pagyayamanin at lilinangin sa mga

simpleng kaparaanang nalalaman natin.

Ang ating wika ay buhay at walang katapusan. Patuloy ang paglabas ng mga salitang

pampanitikan o pormal, pambansa o istandard, lalawiganin o rehiyonismo at maging salitang

kanto o balbal at salitang bakla o “gay lingo.”

Gamitin din natin ang wikang Filipino sa mga pang-araw-araw nating gawain at pakikisalamuha

sa kapwa, sa pag-aaral, sa pamamalengke, pagsimba, pakikipagtransaksyon at maging sa mga

piging o pagtitipon. Nakalulugod ding pakinggan ang mga pormulasyong panlipunan tulad

halimbawa ng “magandang araw po,” “kumusta ka,” “paumanhin,” “kung maaari sana” at

marami pang iba.

Bagaman at mayroong ilang pagsasalaula sa wika dala ng modernisasyon gaya ng nanyayari sa

paggamit ng kagamitang elektroniko, ito ay mumuti lamang at hindi maiiwasan. Nakalulungkot

ding isipin na pati ang sentro ng pamahalaan at mga sangay nito ay patuloy sa paggamit ng

wikang banyaga sa mga kalatas nito. Mainam siguro na sila ang manguna at magsilbing tularan

para sa mga mamamayan lalo na ang tinatawag na “masang Pilipino.”

“Huwag nating hayaang maparam ang puso’t kaluluwa nating mga Pilipino.” Simulan natin sa

ating sarili, pagbuklurin natin, pag-isahin at pagsamahin ang mga isla sa Luzon, Visayas at

Mindanao.

Mula Baler hanggang Batanes at Tawi-tawi…

Isulong ang wikang Filipino!

Hindi kahapon, hindi bukas kundi ngayon!