sangay ng pamahalaan
TRANSCRIPT
Pumili ng numero at i-click.Bawat numero ay may nakahandang tanong at pagpipilian. I-click ang kahon ng wastong sagot. Good Luck!I-click ang
larawan
Tukuyin kung anong uri ng
pamahalaan ang mga sumusunod?
Ang kapangyarihan ay nasa hari o reyna. Naililipat ito sa pamamagitan ng pagpapamana.
MONARKIYA
Ang kapangyarihan na pamunuan ang pamahalaan ay nasa isang pangkat ng tao lamang. Sinasaklaw nito ang buhay sa lipunan, kultura, ekonomiya at iba pa.
Aristokrasya / Oligarkiya
Ito ang pamahalaan ng taong-bayan o mamamayan.
Demokrasiya
Nagmumula ang kapangyarihan sa iisang tao lamang. Siya lamang ang maaaring magtakda ng mga batas at walang sinumang maaaring sumalungat sa kanyang pamamahala.Diktaturyal
Walang bahagi ang mga mamamayan sa pagpapasya sa ganitong pamahalaan. Tanging lupon ng tagapayo lamang ang sinasanggunian ng pinuno sa pagtatakda ng batas.Totalitaryan
1. Anu-ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?
2. Anu-ano ba ang tungkulin ng bawat sangay ng pamahalaan?
3. Bakit hindi maaaring ipaubaya sa isang pinuno ang tatlong sangay ng pamahalaan?
SANGAY NG PAMAHALAAN
Ang Sangay Tagapagpaganap (Ehekutibo) pinamumunuan ng
Pangulo at Pangalawang Pangulo.
Ang gabinete ng pangulo ay binubuo ng iba’t ibang kagawaran at
pinamumunuan ng mga kalihim. Nilalayon ng bawat kagawaran na
maitaguyod ang iba’t ibang serbisyong magpapaunlad ng bansa at makatutugon sa pangangailangan
ng mga mamamayan.
Ang Sangay Tagapagbatas (Lehislatura)ay binubuo ng Mataas na
Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan (Kapulunganng
Kinatawan).Ang Senado ay dapat maghalal ng Pangulo nito at ang Kapulungan ng mga
Kinatawan ng Ispiker nito, sa pamamagitan ng mayoryang boto ng lahat ng kauukulang Kagawad nito .Katungkulan ng mga Tagapagbatas ang
isulong ang mga batas na magpapaunlad sa mga mamamayan at sa bansa.
Ang Sangay Tagahukom (Hudikatura) ay may kapangyarihang ayusin ang nangyayaring mga sigalot hinggil sa
karapatang-pantao sa ilalim ng Saligang-Batas. May kapangyarihan
itong ipatupad nang naaayon sa batas ang mga kaparusahan sa kawaln ng katarungan sa panig ng alin mang
sangay o instrumentalidad ng hukuman.
1. Anu-ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?
2. Anu-ano ba ang tungkulin ng bawat sangay ng pamahalaan?
3. Bakit hindi maaaring ipaubaya sa isang pinuno ang tatlong sangay ng pamahalaan?