sap educational assistance program (edap) · walang bagsak na marka sa kahit anong asignatura;...
TRANSCRIPT
DOLE Regional Offices
Regional Office No. II Turingan Building, Campos Street, Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan Tel. Nos.: (078) 844-0133; 844-6265 Telefax No.: 844-2728 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro2.dole.gov.ph
Regional Office No. III Regional Government Center Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga Telefax Nos.: (045) 455-1613; 455-1614 E-mail: [email protected] Website: ro3.dole.gov.ph
Regional Office No. IV-A 3rd and 4th Floors, Andenson Bldg. II, Barangay Parian, Calamba City, Laguna Tel. No.: (049) 545-7360 Fax. No.: 545-7357 E-mail: [email protected]; [email protected]; [email protected] Website: calabarzon.dole.gov.ph
Regional Office No. V Doña Aurora Street, Old Albay, Legaspi City Telefax Nos.: (052) 481-0768; 480-3058 E-mail.: [email protected] Website: ro5.dole.gov.ph
Regional Office No. VI Swan Rose Building Commission Civil Street, Jaro, Iloilo City Telefax Nos.: (033) 320-8026; 509-0400 E-mail.: [email protected]; [email protected] Website: ro6.dole.gov.ph Negros Island Region (NIR) St. Therese of Child Jesus St., Claytown Daro, Dumaguete City Tel No: (035) 266-2778 Fax No: (035) 422-9741 E-mail :[email protected]
Regional Office No. VII 3rd and 4th Flrs., DOLE—RO7 Building General Maxilom Avenue, cor. Gorordo Avenue, Cebu City Tel. Nos.: (032) 266-9722; 266-2792 Fax. No.: 416-6167 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro7.dole.gov.ph
Regional Office No. VIII DOLE Compound, Trece Martires Street, Tacloban City Tel. No.: (053) 325-6293 Fax. No.: 523-4220 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro8.dole.gov.ph
Regional Office No. X Monte Carlo Building, RER Phase I, National Highway, Kausawgan, Cagayan de Oro City Tel. No.: (088) 857-2218 Fax. No.: 857-1930 E-mail: [email protected]; [email protected] Website: ro10.dole.gov.ph
Regional Office No. XI 4th Floor, Davao Ching Printers Bldg., Dacudao Ave. cor. Lakandula Street, Agdao, Davao City Tel. No.: (082) 227-4289 Fax. No.: 226-2671 E-mail: [email protected] Website: ro11.dole.gov.ph
Regional Office No. XII 102 Acepal Building, Mabini Extension, Koronadal City Telefax Nos.: (083) 228-2190; 520-0125 E-mail: [email protected] Website: ro12.dole.gov.ph
For further inquiries, visit or call: BUREAU OF WORKERS WITH SPECIAL CONCERNS
9th Floor, G.E. Antonino Building, J. Bocobo Street cor. T.M. Kalaw Avenue, Ermita, Manila Tel. Nos.: (632) 404-3336; 527-2804 Telefax No.: (632) 527-5858 E-mail: [email protected] Website: www.bwsc.dole.gov.ph
Ano-ano ang mga priority courses sa TVETA?
Ang mga prayoridad na kurso sa TVETA ay iyong mga
natukoy sa HRD Master Plan in the sugarcane industry
Magkano ang maaaring ma-avail ng kwalipikadong
grantee sa TVETA?
Ang halaga ng tulong na maaring matanggap sa
TVETA ay nakabatay sa kaukukulang TESDA rates na
umiiral sa target na lugar. Kung sakaling ang kursong
napili ay nangangailangan ng competency examination,
ang 50% ng assessment fee ay sasagutin ng EDAP.
Depende sa kursong napili, ang tulong sa TVETA ay
maari ding ibigay sa pamamagitan ng starter kits,
allowance pang-renta ng bahay o pambili ng pagkain,
at iba pang kaubnay na gastusin sa training. Subalit,
ang halagang kakailanganin ng mga benepisyaryo sa
kanilang On-the-Job Training ay hindi sasagutin ng
EDAP.
Anu-ano ang mga dokumento na kailangang
isumite ng aplikante ng TVETA?
Sertipikadong kopya ng marka mula sa school
registrar o Report Card (Form 138), kung high
school graduate;
Sertipikadong kopya ng academic records, kung
ang aplikante ay may academic units na natapos
sa kolehiyo ;
Sertipikasyon galing sa Mill, Planters Association o
Planter Member para alamin kung ang
student–grantee ay dependent ng manggagawa sa
asukal or unaffiliated small sugarcane planter. Ito
ay dapat suportado ng Cash Bonus Special Payroll.
Kopya ng sertipiko ng kapanganakan o iba pang
dokumento na magpapapatunay ng relasyon ng
grantee sa manggagawa sa ilohan o tubuhan.
Iba pang dokumento na maaaring hingin ng
program partner.
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT
Bureau of Workers with Special Concerns
SAP-Educational Assistance
Program (EDAP)
As of August 19, 2016
Ano ang Educational Assistance Program o EDAP?
Ang Educational Assistance Program o EDAP ay tulong
pang-edukasyon sa ilalim ng Social Amelioration
Program o SAP. Ang programang ito ay binubuo ng
dalawang bahagi: 1) College Educational Assistance o
CEA; at 2) Technical Vocational Education and Training
Assistance o TVETA. Ang pondo na ginagamit sa
pagpapatupad ng programang ito ay nagmumula sa 9%
Socio-Economic Project Fund ng SAP sa ilalim ng R.A.
6982.
Sino ang mga maaring maging benepisyaryo ng
EDAP ?
Lahat ng mga manggagawa sa ilohan at tubuhan, at ang
mga direktang miyembro ng kanilang pamilya na walang
hanapbuhay ay maaring maging benepisyaryo ng EDAP
sa kondisyon na ang mga ito ay pumasa sa mga
kwalipikasyong nakasaad sa Department Order 158-16
o Guidelines sa pagpapatupad ng EDAP.
Ang bawat benepisyaryo ng EDAP ay patuloy na
makatatanggap ng tulong sa ilalim ng programa kahit na
ang manggagawa ay hindi na kabilang sa produksyon o
paggawa ng asukal sa kadahilanang siya ay nagkasakit/
namatay / nagretiro o di kaya naman ay natanggal sa
trabaho. Mapuputol lamang ang tulong mula sa EDAP
sakaling ang trabahador ay kusang magbitiw sa trabaho
o lumipat sa ibang industriya.
Ano ang College Educational Assistance o CEA?
Ang CEA ay isang programa na nagbibibigay ng
pinansyal na tulong sa mga kwalipikadong estudyante
na nagnanais kumuha ng kurso na natukoy o kinilala sa
Human Resource Development Master Plan in the
Sugarcane Industry o inirekomenda ng Sugar Tripartite
Council.
Ilan sa bawat pamilya ang maaaring makinabang sa
College Educational Assistance?
Dahil sa limitadong bilang ng iskolar na inilaan sa bawat
milling district, isa lamang sa bawat pamilya ang
maaaring makinabang sa apat (4) o limang (5) taong
tulong para sa kursong pang kolehiyo.
Gayunman, ang mga manggagawa sa ilohan at tubuhan
at kanilang pamilya ay maaari namang kumuha ng
Technical Vocational Education and Training Assistance
ng sabay-sabay.
Anu-ano ang mga prioridad na kurso sa College
Education Assistance?
Ang mga kursong binibigyang prayoridad sa CEA ay ang
mga nakalista sa DOLE in-demand courses at advisory
ng Commission on Higher Education (CHED) gaya ng
mga sumusunod:
Priority A (Base sa mga pangunahing pangangailangan
ng industriya):
Kursong pang-inhinyero at iba pang kursong may
kinalaman sa agham pang-agrikultura na
kinakailangan ng industriya;
Iba pang espesyal na kursong technical na naayon sa
pangangailangan ng industriya gaya ng Associate in
Sugar Production and Management at iba pang
katulad na kurso;
Iba pang kursong maaring matukoy ng DOLE ayon sa
konsultasyon sa SRA.
Priority B (Iba pang kursong maituturing na in-demand sa
bansa):
Machine Operator (NC2), Machinery Technician (NC3
-5), Welding, Electrical Installation at iba pang mga
katulad na kurso; at
Iba pang kursong maaring matukoy ng CHED at
TESDA.
Magkano ang ibinibigay na college assistance sa
kwalipikadong grantee?
Ang bawat grantee ay makatatanggap ng Php30,000.00
kada semestre o Php60,000 kada taon bilang maximum
na halaga ng college assistance, sila man ay naka-enroll
sa kursong aabot ng higit sa dalawang semestre kada
taon. Ang tulong pinansyal ay maaaring gamitin na
pambayad sa tuition, laboratory fees, uniporme, libro,
pagkain, pamasahe at iba pang gastusin ng grantee sa
paaralan.
Anu-ano ang mga dapat gawin ng grantee upang
makatanggap ng CEA?
Mag-patala kaagad sa CHED accredited educational
institution pagkatapos na maaprubahan ang
scholarship grant;
Kumuha ng full load batay sa naaprubahang
kurikulum;
Panatiliin ang markang 80% o katumbas nito at
walang bagsak na marka sa kahit anong asignatura;
Tapusin ang kursong kinuha sa loob ng naayon na
bilang ng taon;
Sumunod sa mga tuntunin at kondisyon na
nakasaad sa kontrata sa pagitan ng estudyante at ng
provider.
Paalala: Ang mga grantee ay maaring mapayagang
magpalit ng kurso sa loob lamang ng una hanggang
ikalawang taon sa kolehiyo sa kondisyong ang kukuning
kapalit na kurso ay naayon pa din sa mga natukoy na
prayoridad na kurso sa CEA.
Ang mga nakapagtapos na benepisyaryo ng CEA ay
maari ding obligahing mamasukan sa mga trabaho sa
industriya ng asukal sa loob ng dalawang taon, kung
masisigurong may nakahandang trabaho para sa kanila
o di kaya naman ay hikayating tumulong sa mga
proyektong pang-edukasyon sa mga mahihirap na
komunidad bilang kapalit ng tulong na natanggap.
Ano ang Technical Vocational Education and
Training Assistance o TVETA?
Ang TVETA ay tulong para masuportahan ang
pangangailangan ng mga manggagawa sa ilohan o
tubuhan sa edukasyon o pagsasanay, pag-aaral ng mga
teknolohiya o pagkuha ng mga praktikal na kasanayan
na magiging kapakipakinabang sa industriya ng asukal at
makakatulong sa kabuhayan at kita ng grantee.