sibilisasyon ng mesoamerica

31

Upload: john-warren-tamor

Post on 26-Jun-2015

4.100 views

Category:

Education


22 download

DESCRIPTION

Mga Sibilisasyon at mga Kabihasnang nabuo noon sa Mesoamerica.

TRANSCRIPT

Page 1: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 2: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Ang Pinagmulan ng Kabihasnang Mesoamerica

Sinasabi ng mga siyentipiko na ang mganangangasong tao ng Asya ang napadpad sa kontinente ng North America. Noongisang tuyong lupain pa ang Bering Strait,nagsilbi itong tulay sa dalawang kontinentesa nakalipas na 30,000 taon at 12, 000 taon.

Page 3: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Ang BERINGIA LAND BRIDGE 18,000-20,000 years ago.

Page 4: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Ang Mapa ng MesoamericaRehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fensoca sa katimugan ng El Salvador at pinalilibutan ng iba pang mga anyong lupa’t tubig tulad ng Ilog Panuco at Santiago, Baybayin ng Honduras, Gulod ng Nicaragua at tangway ng Nicoya sa Costa Rica.

Sa kasalukuyan, saklaw ng Meso-america ang malaking bahagi ng Mexico, Guatemela, Belize at El Salvador. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pagulan ay nagdudulot ng iba’t ibang uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang uri ng klima at ekolohiya. Pabago-bago ang panahon sa rehiyong ito.

Page 5: Sibilisasyon ng Mesoamerica

ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000 – 1500 B.C.E.)

Nagtanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noong 3500 BCE.Noong 1500 BCE nagsimula silang manirahan bilang mga pamayanan.Naidagdag rin sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne ng hayop.Nagkaroon ng politikal at panlipunang kaayusan noong 2000-900 BCENagkaroon ang maliliit ngunit makapangyarihang pamayanan ng mga pinuno.Nagkaroon ng ilang angkang nangingibabaw sa aspektong ekonomiya, pampolitika at panrehiyo.

Page 6: Sibilisasyon ng Mesoamerica

ANG MGA OLMEC (1500 – 500 BCE)Pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ng mga pamayanang magsasaka.Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America at maaaring maging sa buong America.Olmec ay nangunguhulugang “rubber people” .Sila’y gumamit ng mga dagta ng punong Rubber o Goma.Yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast at lumawig hanggang Guatamela.May sistema ng irigasyon na nagbigay daan upang masaka ang kanilag lupain.Mayroong sariling sistema ng pagsulat at nakakagawa ng mga kalendaryo, ngunit hindi pa ito lubusang nauunawaan ng mga eksperto. Nauunawaan na ang konsepto ng zero sa pagkukuwenta.

Page 7: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Ang Mesoamerican long count Calendar na gumagamit ng konsepto ng Zero.

Ang larong pok-a-tok na namana ng iba pang sibilisasyon sa Mesoamerica

Page 8: Sibilisasyon ng Mesoamerica

ANG MGA OLMEC (1500 – 500 BCE)Kilala sa paglililok ng mga anyong ulo sa mga bato na hango sa kanilang mga pinunoAng pinakamalaking ulong lilok ay may siyam na talampakan at may bigat na 44 libra.Gumawa ng mga templong hugis-piramide na nagsisilbing lugar-sambahanNaniniwala at sinasamba ng hayop na “Jaguar” bilang isang espiritu na nagpapakita ng lakas, katusuhan at kakayahang manirahan kung saan man.Ang San Lorenzo at La Venta bilang sentro ng kalakalan ng Olmec.Mayaman sa mga mineral tulad ng Jade, Obsidian at Serpentine. Sila ay humina at bumagsak sa hindi malamang paraan. Sinasabing dahil ito sa pagbabago ng kanilang kapaligiran o di naman kaya’y sa pagsakop ng ibang pangkat.

Page 9: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Ang tinatawag na Colossal Head ng mga Olmec.

Ang mapa ng Olmec kung saan makikita ang San Lorenzo at La Venta

Page 10: Sibilisasyon ng Mesoamerica

ANG MGA TEOTIHUACAN (200 – 750 CE)Teotihucan ay nangangahulugang “Tirahan ng Diyos” ng lingwaheng Nahuatl Matatagpuan sa Lambak ng MexicoPinakamalaking lunsod sa Mesoamerica na nagsusukat ng 12.95 sq. meters.Nagkaroon ng monopolyo ng mahahalagang produkto tulad ng cacao, goma, balahibo at obsidian.Matagupay na pinamunuan ng mga dugong bughaw sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, pag-angkop sa relihiyon at pagpapasunod ng pwersahan.Pinakamahalagang diyos ay si Quetzalcoatl ang Feathered Serpent God. Na tinatawag na Diyos ng Kabihasnan, Diyos ng Hangin at ang kumakatawan sa puwersa ng liwanag at kabutihan. Noong 600 CE, mabilis bumagsak ang lungsod matapos salakayin ng ilang tribo sa hilaga. Ang paghina ng lugar ay maaring dulot ng matinding tagtuyot at pagkasira ng kalikasan

Page 11: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 12: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Isang Obsidian at si Quetzalcoatl

Page 13: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Kabihasnang Maya (1000 – 900 CE)Namayani ang kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa timog Mexico hanggang GuatemalaLungsod: Uaxactun, Tikal, El Mirador at Copan Nakamit ng Maya ang rurok ng kanyang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at 700 CEKatuwang ng mga pinuno ang kaparian sa pamamahalaHalach Uinic o “Tunay na Lalaki” ang tawag sa mga Pinuno na nagpapalawig sa kanilang pagsamba sa mga DiyosMay mga maaayos na kalsada at rutang pantubig ang mga EstadoMay pagkakahati ang mga tao sa lipunan: Mariwasa at MahirapAng Sentro ng bawat lungsod ay ang mga pyramide

Page 14: Sibilisasyon ng Mesoamerica

HALACH UINIC MAYAN GODDESS OF THE MOON

Page 15: Sibilisasyon ng Mesoamerica

La Danta Stepped Pyramids of The Mayans

Page 16: Sibilisasyon ng Mesoamerica

KABIHASNANG MAYA (100 – 900 CE)Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at balat ng hayop.Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin.Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya at cacao.Pagkatapos ng ikawalong siglo (800 CE) ang ilang mga lungsod ay nilisan , ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estruktura ay tuluyang bumagsak.Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sento ng maya ay inabandona at iniwan. Nanatili pa ng ilang siglo ang mga lunsod ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna at Copan. Ngunit ang lunsod lamang ng Mayapan ang namayani hanggang sa magganap ang isang pagaalsa noong 1450.Hindi parin lubusang maipaliwanag ang pagbagsak ng kabihasnang ito.

Page 17: Sibilisasyon ng Mesoamerica

The Role of Agriculture in the Mayan’s Livelihood

Page 18: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Paglisan ng mga Mayan na sinasabing dahilan ng pagkasira ng kalikasan, pagbasak ng produksiyon ng pagkain o paglaki ng populasyon,

Page 19: Sibilisasyon ng Mesoamerica

Umusbong sa Central Mexico at ang pangunahing lungsod ay ang Tula.Pinaniniwalaang nagmula sa kulturang Teotihuacan.Ang wika ng Toltec ay Nahuatl na ginamit din ng Aztec at kasalukuyang isa sa official language ng Mexico. Lumawak ang imperyo sa pamamagitan ng paggamit ng pwersang militar at sinaklaw ang mga bahagi ng Mexico at Guatamela.Ang kauna-unahang hari at tagapagtatag ng Tula ay si Chalchiuh Tlatonac.Sinalakay sila ng mga Aztecs upang kuhanin ang kanilang materyales galing sa kanilang kabisera.Ang mga kaalaman ukol sa mga Toltec ay mula sa mga alamat na hango sa mga sumunod na kabihasnan at batay sa mga panulat ng mga Aztecs. Ang mga pinuno ay bumuo ng isang kaisipan na sila ay Diyos.Sinamba ng mga Toltec ang kanilang mga pinuno at ito naman ay ng namana ng mga Aztec. Ang imperyo ay winasak ng mga Chitimerc atbp pangkat. Sa pagbagsak ng imperyo, nalugmok ang Gitnang Mexico sa kaguluhan at digmaan.

Ang mga Toltec (1000 – 13000 CE)

Page 20: Sibilisasyon ng Mesoamerica

STATUES OF THE MIGHTY TOLTEC WARRIORS “CHALCIUH” A TOLTEC LEADER

Page 21: Sibilisasyon ng Mesoamerica

KABIHASNANG AZTEC (1325 – 1521 CE)Mga nomadikong tribo, ngunit hindi matukoy ang pinagmulan. Unti-unti silang tumutungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng 1ka-12 na siglo. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “Isang nagmula sa Aztlan”. Isa itong mitikong lugar sa Hilagang Mexico. Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang lawang ito ay matatagpuan sa Lambak ng Mexico.Nasakop nila ang ibang tribo sa Gitnang Mexico kaya naman naging mahalagang Sentrong pangkalakalan ang Tenochtitlan. Nakabatay sa pagtatanim ang ekonomiya ng Aztec. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga “chinampas”, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden sa gitna ng lawa. Mais ang kanila pangunahing tanim. Ang iba pa ay patani, kalabasa, abokado, sili at kamatis. Nagaalaga rin sila ng mga pabo, aso, pabo at gansa. Umaasa sila sa mga diyos at sa puwersa ng kalikasan. Isa rito ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw at kay Tlaloc, ang diyos ng ulan.Naniniwala sila na dapat bigyan ng alay ang mga diyos na ito. Nag-aalay sila ng mga tao na kadalasan ay sarili nilang bihag.Pagsapit ng 1500 CE nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang nagbigay daan nito ay si Tlacaelel , isang tagapayo at heneral.

Page 22: Sibilisasyon ng Mesoamerica

KABIHASNANG AZTEC (1325 – 1521 CE)Ang paninindak at dahas ay isa sa mga naging kaparaanan upang makontrol at pasunod ang iba pang mga karatig lugar nito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding bigyang ng tributo o buwis.Dahil rito, naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean hanggang sa Gulf of Mexico.Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero, nakagawa rin sila ng mga kanal, aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan at mga pamilihan. Sa pagsapit ng ika-15 siglo, tinatayang 300,000 katao na ang populasyon ng Tenochtitlan.Sa pagdating ni Hernando Cortes, na nanumo sa eskspedisyong Espanol natigil ang pamamayani ng mga Aztecs.Inakala ni Montezuma II na ang pagdating ng ga Espanol ang sinasabing pagbalik ng kanilang diyos na si Quetzalcotl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan. Dahil ito sa pang-aalipin, digmaan, labis na paggawa, pagsasamantala at sa small pox na dala ng mga Espanyol.Nabawas sa kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica ng 85%-95% sa loob ng 160 taon.

Page 23: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 24: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 25: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 26: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 27: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 28: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 29: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 30: Sibilisasyon ng Mesoamerica
Page 31: Sibilisasyon ng Mesoamerica