sipi sa araling panlipuna grade 7 (vangie)

10
 Ang kasaysayan ng mga sinaunang Pilip ino ay masasalamin sa mga labing arke olohikal at mga kagamitan na tinatawag na artifact. Maaaring gamitin ang mga ito upang matukoy ang uring pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa isang particular na panahon sa kasaysayan. ANG BANGANG MANUNGGUL Sa mga natuklasang artifact ng mga arkeologo sa bansa, maituturing na isa sa pinakatanyag ay ang bangang Manunggul. Natuklasan ang banga noong Marso 1964 sa Lipu un Point, Quezon, lalawigan ng Palawan nina Victor Decalan, Hans Kasten, at iba pang volunteer ng United States Peace Corps. Tinatayang ginawa ang banga sa pagitan ng 890 at 71 0 BCE (Before the Common Era). Ipinakikita ng bangang Manunggul na may natatanging kaalaman ang mga sinaunang Pilipino sa paraan ng paglilibing. Kung ating babalikan, may dalawang sistema ng paglilibing noong sinaunang panahon. Una, inililibing ang mga yumao upang paagn asin ang laman nito. Sa ikalawa, lilinisin at ipapasok ang mga buto sa banga bago muling ilibing. Bangang Manunggul ayon kay Robert Fox Ang bangang Manunggul ay katangi-tanging obra maestro na nilikha ng lahing Pilipino. Inilarawan ito ni Dr. Robert B. Fox, isang kilalang antropologo at naging pinuno ng Dibisyon ng Antropolohiya sa Pambansang Museo ng Pilipinas, nang ganito. Marahil, ang tapayang libingan na may takip na nagpapakita ng Bangka ng yumao ay walang k apantay sa Timog silangang Asya; isang obra ng alagad ng sining at dalubhasa sa pagpapalayok. Ang sisidlang ito ay isang malinaw na halibawa ng ugnayang kultrual sa pagitan ng mga labi mula sa nakaraan at kulturang umiiral pa rin sa kasaluku yan. Inuugitan mg b angkero ang “bark o” sa halip na sagwanan it o. Hindi nabawi ang mast ng Bangka. Mistulang nakasuot ng ben da mula sa bumbunan hanggang sa ilali m ng panga ang dalawang pigura, tulad ng makikita pa rin sa mga kagawian sa paglilibing ng mga katutubo sa Bahaging timog ng Pilipinas. Ang paraan ng pagtiklop ng mga braso ng namatay sa harap ng kaniyan g dibdib tulad ng sa pigura sa harap ay laganap din sa k apuluan SINAUNANG PAGLILIBING Sa paraan ng paglilibing, naipamalas ang malaking lpaggalang ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga Yumaong kasapi ng pamilya at pamayanan. Naipamalas din sa paglilibing ang paniniwala sa buhay pagkaraan ng kamatayan o afterlife. Isinasama sa paglilibingan ang mahahalagang kasangkapan at iba pang gamit ng yumao. Paglilibing (Sipi mula sa akda ni Padre Juan de Placencia) May sariling paraan ng paglilib ing ang mga sinaunang Pilipino. Pinatunayan ito ng mga salaysay ni Padre Palencia. Siya ay isang prayleng Prancisckano na dumating sa Pilipinas noong Hulyo l578 at nanirahan sa katagalugan ng mahabang panahon

Upload: ghuellene-magalona

Post on 13-Oct-2015

780 views

Category:

Documents


8 download

TRANSCRIPT

Ang kasaysayan ng mga sinaunang Pilipino ay masasalamin sa mga labing arkeolohikal at mga kagamitan na tinatawag na artifact. Maaaring gamitin ang mga ito upang matukoy ang uring pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa isang particular na panahon sa kasaysayan.ANG BANGANG MANUNGGUL Sa mga natuklasang artifact ng mga arkeologo sa bansa, maituturing na isa sa pinakatanyag ay ang bangang Manunggul. Natuklasan ang banga noong Marso 1964 sa Lipuun Point, Quezon, lalawigan ng Palawan nina Victor Decalan, Hans Kasten, at iba pang volunteer ng United States Peace Corps. Tinatayang ginawa ang banga sa pagitan ng 890 at 710 BCE (Before the Common Era).Ipinakikita ng bangang Manunggul na may natatanging kaalaman ang mga sinaunang Pilipino sa paraan ng paglilibing. Kung ating babalikan, may dalawang sistema ng paglilibing noong sinaunang panahon. Una, inililibing ang mga yumao upang paagnasin ang laman nito. Sa ikalawa, lilinisin at ipapasok ang mga buto sa banga bago muling ilibing. Bangang Manunggul ayon kay Robert FoxAng bangang Manunggul ay katangi-tanging obra maestro na nilikha ng lahing Pilipino. Inilarawan ito niDr. Robert B. Fox, isang kilalang antropologo at naging pinuno ng Dibisyon ng Antropolohiya sa Pambansang Museo ng Pilipinas, nang ganito.

Marahil, ang tapayang libingan na may takip na nagpapakita ng Bangka ng yumao ay walang kapantay sa Timog silangang Asya; isang obra ng alagad ng sining at dalubhasa sa pagpapalayok. Ang sisidlang ito ay isang malinaw na halibawa ng ugnayang kultrual sa pagitan ng mga labi mula sa nakaraan at kulturang umiiral pa rin sa kasalukuyan. Inuugitan mg bangkero ang barko sa halip na sagwanan ito. Hindi nabawi ang mast ng Bangka. Mistulang nakasuot ng benda mula sa bumbunan hanggang sa ilalim ng panga ang dalawang pigura, tulad ng makikita pa rin sa mga kagawian sa paglilibing ng mga katutubo sa Bahaging timog ng Pilipinas. Ang paraan ng pagtiklop ng mga braso ng namatay sa harap ng kaniyang dibdib tulad ng sa pigura sa harap ay laganap din sa kapuluan

SINAUNANG PAGLILIBINGSa paraan ng paglilibing, naipamalas ang malaking lpaggalang ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga Yumaong kasapi ng pamilya at pamayanan. Naipamalas din sa paglilibing ang paniniwala sa buhay pagkaraan ng kamatayan o afterlife. Isinasama sa paglilibingan ang mahahalagang kasangkapan at iba pang gamit ng yumao.

Paglilibing (Sipi mula sa akda ni Padre Juan de Placencia)May sariling paraan ng paglilibing ang mga sinaunang Pilipino. Pinatunayan ito ng mga salaysay ni Padre Palencia. Siya ay isang prayleng Prancisckano na dumating sa Pilipinas noong Hulyo l578 at nanirahan sa katagalugan ng mahabang panahon

2Ganito ang kanilang paraan ng lpaglilibing ng yumao:

Inililibing ang yumao sa tabi ng kaniyang bahay; at kung siya ay isang pinuno. Inilalagak siya sa ilalim ng maliit na bahay o balkonaheng sadyang ginawa para ditto. Bago siya ilibing, ipinagluluksa siya nang apat na araw; at matapos nito ay inilalagay siya sa bangkang nagsisilbing kaniyang kabaong, inilalagay siya sa ilalim ng balkonahe, kung saan siya babantayan ng isang alipin na maglagay lng mga tagasagwan, naglalagay ng ibat ibang hayop sa loob ng Bangka, dalawaha sa tabi ng sagwanllalaki at babae ng bawat urihalimbawa, dalawang kambing, dalawang usa, o dalawang manok. Tungkulin ng alipin na tiyaking napakakainsila. Kung ang yumao ay isang mandirigma, nagtatali ng buhya na alipin sa ilalim ng kanyang katawan hanggang sa kalunos-lunos na kalagayang ito ay mamatay rin siya. Sa pagdaan ng panahon, naaagnas ang mga bangkay. Sa loob ng maraming araw, ipinahahayag ng mga kamag-anak ng yumao ang kanilang panaghoy sa pamamagitan ng pag-awit ng mga luksang-awit, at mga papuri sa kaniyang magagandang katangian, hanggang mapagod at magsawa sila. Kasabay ng kanilang pagdadalamhati ay nagkakaroon ng kainan at inuman. Ito ay kaugalian ng mga Tagalog.

Sipi mula sa akda ni Padre Francisco ColinIsang misyonero at miyembro ng orden ng mga Heswita na nanirahan sa Pilipinas sa loob ng mahabang panahon. Siya ay isang historyador.

Ang pagmamahal at paggalang sa kaluluwa ng mga namatay ay ipinamalas na sa ibat ibang sinaunang pamayanan. Tunghayan natin ang isa pang sipi nng primaryang sanggunian tungkol sa sinaunang kaugalian sa paglilibing. Mula ito sa isinulat ng paring Heswita na si Padre Francisco Colin sa kaniyang akdang Labor Eangelica.

Bago ipakilala ang relihiyon sa pulo ng Bohol, isa sa mga pinuno ng isla ang nagpalibing sa isang uri ng Bangkang tinatawag ng mga katutubong barangay, na napalilibutan ng mga katutubong barangay, na Napalilibutan ng pitumpung aliping may mga armas, bala, at pagkaintulad ng nazkagawian niya sa kanyang panlulusob at pagnanakaw noon g nabubuhay pa siya at para bang kmagiging dakilang pirata pa rin siya maging sa kabilang. Inililibing ng iba ang kanilang mga yumao sa malalawak na parang, at ilang araw silang nagsisiga sa ilalim ng bahay, at nagtatalaga ng mga bantay upang hindi bumalik ang yumao at kunin yaon kaniyang mga naulila.

Pagkalipas ng libing ay nagtatapos ang panangis, ngunit nagpapatuloy ang pagkain at pag-inom ng alak. Nagpapatuloy ang paginom sa loob ng ilang araw batay sa antas panlipunan ng yumao. Ang biyudo o biyuda at ang mga naulila. Gayundin ang iba lpang kamag-anak na lubhang nagdalamhati, ay nag-aayunoBilang tanda ng pagluluksa at umiiwas sa pagkain ng karne, isda at iba pang pagkain at paunti-unti na kumain lamangng gulay. Ang ganitong uri ng pag-aayuno on paglpapakasakit para sa yumao ay tinatawag na sipa ng mga Tagalog. Itim ang kulay mg pagluluksa para sa mga Tagalog. At puti naman para sa mga Bisayan. Inaahit din ng mga Bisayan ang kanilang buhok at kilay. Sa pagkamatay ng pinuno ay dapat manaig sa lupang kaniyang nasasakupan ang katahimikan hanggang hindi binabawi ang pagbabawal; bataw sa ranggo ng yumao ang haba ng pananatili ng pagbabawal.

3Sinaunang Pagsamba Naniniwala riang mga Pilipino noon sa mga diwata at anito. Para sa mga sinaunang Pilipino, may taglay na kapangyarihan ang mga diwata at anito na maaaring magdulot sa kanila ng mabuti o mahirap na pamumuhay. Dahil ditto, sinasamba nila ang mga ito sa pamamagitan ng mataas na antas ng paggalang, pag-aalay, at pagsasagawa ng mga rituwal at seremonya. Ilan sa tanyag na sinasamba ng mga katutubo ay sina Bathala na pangunahing diyos ng mga Tagalog, Amanikable na diyos ng data, at kaptan na pinakamakapangyarihang diyos ng mga taga-Visayas.

Sipi mkula sa akda ni kPadre Francisco ColinBukod sa kaugalian at mga tradisyon sa paglilibing, may paniniwala rin sila sa mga anito at diwata. Basahin ang sumusunod na sipi mula sa akdang Labor Evangelica ng isinulat ng paring Heswita na si Padre Francisco Colin.

Sinasamba rin nila ang mga pansariling diyos-diyosang kanilang mkinana mula sa kanilang mga ninuno. Tinatawag silang diwata ng mga Bisaya at anito ng mga Tagalog. Ilan sa mga diyos-diyosan ang nakapangyayari sa kabundukan at mga parang. At kailangang humingi ng pahintulot mula sa kanila bago puntahan ang mga lugar na ito. Ang iba ay nakapangyayari sa mga natamnang bukid, at inihahabilin sa kanila ang mga bukiring ito upang maging masagana ang ani at bukod sa mga sakripisyo ay naglalagay sila sa mga bukiring ng mga pagkain para sa mga anito, upang maobliga ang mga anito na magbigay Rin bilang ganti. lMay anito ng dagat kung kanino nila inihahabilin ang kanilang mga pangisdaan at pagla-layag; may anito ng bahay na kanilang hinihingan ng tulong kapag ipinanganganak ang isang sanggol at kapat ito ay pinasususo.

Pinagmulan ng Daigdig at TaoSipi mula sa akda ni Padre Francisco Colin

May sariling paniniwala ang mga katutubong Pilipino ntungkol sa pinagmulan ng daigdig at tao.

Binanggit nila ang paglikha ng mundo, pagsisimula ng sangkatauhan, ang baha, kaluwalhatian, pagpaparusaat iba pang hindi nakikitang bagay, tulad ng masasamang espiritu at mga demonyo. Kinikilala nila ang huling bilang mga kalaban ng tao, at kung gayoy kinatakutan ang mga ito. Sa pamamagitan ng sinasabi nilang pinagmulan ng mundo at ng sangkatauhan ay makikita ang kahangalan ng kanilang paniniwala., na lahat ng ito ay kasinungalinganat kathang isip. Sinasabi nilang nang magsi-Mula ang ay mayroon lamang langit at dagat, at sa pagitan ng mga ito ay isang ibon, nang mapagodNa paglipad at walang madapuan ay sinulsulan ng ibon ang dagat na awayin ang langit. Upang pigilan ang dagat na ay pinapasan ito ng langit ng mga pulo, at hayaan na ang langit at dagat na mamuhay nang tahimik.

\

Sabi nila ay nagmula ang lahat ng tao sa tangkay ng malaking kawayan na may dalawang buko lamang . Inanod ng mga alon ang kawayang ito papuntang pampang, sa paanan ng ibon . Nagalit ang ibon dahil natamaan ang kanyang paa at tinukka-tuka ang kawayan Nang mabiyak ang kawayan ay lumabas mula sa isang buko ang isang lalaki at sa isa pang buko amg babae naman.

Unawain:

Nagdadalantao-buntisNahihirati nasasanayNayong-misyon nayong isinasailalim sa KristiyanisasyonPiging-salusaloDumulog-lumapitDingal pagiging elegantePagkakanaig-relasyon bilang magkamag-anakPagluluwal-pagsilangPeligro-panganibTagal-tagalogLaguna Copperplate Inscription o Kasulatang Tanso ng Laguna- nahukay malapit sa ilog Lumbang sa Barangay Wawa Lumban, Laguna noong 1989. Ito ay piraso ng tanso na may nakaukit na simbolo ng baybayin. Naglalaman ito ng katibayan sapagbabayad ng utang.Kabihasnan mula sa salitang ugat na bihasa, ibig sabihin ay eksperto Ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng tao. Kadalasang ginagamit na kasingkahulugan ng salitang kabihasnan ang sibilisasyon. Mula ito sa salitang Latin na civitas na ibig sabihin ay lungsod. Ang sibilisasyon ay mataas na antas ng pamumuhay sa lungsod. Mas malawak ang saklaw ng salitang kabihasnan kaysa sibilisasyon.Kahangalan- pagiging batay sa mababang antas ng pag-iisipSangkatauhan- kalahatan ng mga taoTangkay- pangunahing uhay o katawan ng halamang tumutubo sa lupa at may dahonInihabilin-ipinagkatiwalaMaobliga-mapilitan Nakapangyayari-naghahari, nangingibabawBool tumutukoy sa BoholNagtatalaga-naglalagayPanangis-pagpapahayag ng dalamhati sa pamamagitan ng matagal at malakas na pag-iyakParang-malawak na patag na lugar na karaniwang tiwangwangIpinagluluksa ipinagdadalamhati Panaghoy pasalitangpagpapahayag ng dalamhatiInuugitan-ginagabayan ang direksyon gamit ang timonLabi-relikya, bakasMast-posteng pinagkakabitan ng layagObra-mahusay na likha Sisidlan lalagyan o taguanTapayan- sisidlan ng tubigYumao-namatay

Module 3-1Sipi ni Padre Cherina na isang paring Heswita na namalagi sa Pilipinas sa loob ng 12 taon. Siya ay naging tanyag sa kaniyang mga naitalang obserbasyon tungkol sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino. Mababasa ito sa aklat na pinamagatan Relacion de las Islas Filipinas (l604).

A. Paraan ng Pagpapangalan ng mga Sinaunang Pilipino (kabanata I.XXXKapag ipinanganganak ang sanggol, tungkulin ng nanay na bigyan siya ng pangalan; at anumang katawagang ibibigay niya ay dapat manatiling pangalan ng kaniyang anak. Ang mga pangalan ng kaniyang anak. Ang mga pangalan ay kalimitang ibinibigay batay sa particular na pangyayari tulad, halimbawa ng Maliag, na nangangahulugang mahirap dahil naging mahirap ang pagluluwal sa bata;Malacas, na nangangahulugan lalaking malakas, dahil naniniwala ang nanay na magiging malakas ang bata, o ninanais na maging ganoon ang bata. Kung minsan ay pinapangalanan ito nang walang anumang simbolismo o natatanging dahilan ng unang salitang sumasagi sa kanilang isipan=tulad halimbawa ng Daan, na nangangahulugang langsangan, Babui, na nangangahulugang baboy o Manug, na nangangahulugang manok. Lahat ng tao ay tinatawag ng ganitong mga pangalan mula pagkapanganak, nang hindi gumagamit ng apelyedo hanggang sila ay mag-asawa. Ipinahihiram ng panganay na anak ang pangalan niya sa kaniyang mga magulang, sapagkat hanggang mamatay sila ay tinatawag ang tatay na Ama ni Coan, at ang nanay, Ina ni Coan. Ipinakikita ang kaibahan ng pangalan ng babae sa pangalan ng lalaki sa pamamagitan ng pagdurugtong ng in Halimbawa, kung ilogang pangalan ng dalawang taong magkaiba ng kasarian ang lalaki ay tinatawag kna ilog, at ang babae ay Iloguin. Sa pagpapangalan ay gumagamit sila ng mga salitang nagpapakita ng pagiging pamilyar, tulad ng ginagawa rin natinHalimbawa ang ama ay nangangahulugang tatay, kung gayon, ang anak kapag binanbanggit siya sa ibag tao ay tinatawag siyang amaco, na ang ibig sabihin ay aking tatay. Subalit kapag kkinakausap niya ang kniyang tatay ay hindi niya ito tintawag na ama kundi bapa, na higit na magiliw at matalik na tawag hindi kring niya tintawag ang kaniyang nanay ng ina, kundi bai, Sa kabilang banda, kapag sila-sila lang ang nag-uusapa ay tinatawag ng tatay at nanayAng kanilang mga anak, kapatid, tiyo, at iba pang malalapit na kamag-anak gamit hindi ang pormal na tawag sa kanilang pagkakanaig, kundi ang mga mas matalik at personal na tawag na nagpapahiwatig din ng gayong pagkakanaig, ito ay isang lamang pagpapakita ng yaman, dingal at pagkamagalang ng wikang tagal.Ang mga anak ng mga katutubong ito ay lpinalaking may lubog na paggalang at pagsamba sa pangalan ng kanilang mga magulang kaya hindi nila kailanman tinatawag ang mga ito gamit ang gayong pangalan, buhay man o pumanaw na ang mga magulang; gayundin, naniniwala silang kapag sinambit nila ang gayong lpangalan, ay mamamatay sila o magiging ketonginIsang pangkalahatang kaugalian sa lahat ng mga lahing ito na hindi magkaroon ng natatanging mga apelyido o dtitulo, gamit lamang nila, tulad ng akin nang nabanggit ang isang katawagan.

B. Tungkol sa pagpapakasal, bigay-kaya, at diborsiyo sa mga Pilipino.Sampung taon na akong naninirahan sa Filipinas bago ko nalamang mayroong sinaunang lalaking may maraming asawa; at nalaman ko lamang ito nang pumunta ako sa mga pulo ng Ibabao at Leite, sapagkat sa Maynila, Mindoro, Marinduque, at Panay ay hindi ko nakita ang gayong kaugalian Para sa pagpapakasal aymayroon silang naiibang seremonya ng pagkakasal sundo ng pagpapakasal, na may katambal na mga kinagawiang parusang mahigpit na ipinatutupad. Narito ang isang halimbawa: ipinangangako ni Si Apai na kaniyang pakakasalan si Cai Polosin; bnang makasal sila aynakipagkasundo sila sa isa pangpares ng mag-asawa habang kapwa nagdadalantao ang mga babae,na kung ang kanilang mga anak ay maging isang lazlaki at isang babae ang mga ito ay ipapakasa at ang susuway ay m,agmumulta ng sampung taels. Ang kasunduan ay ipinagdiwang sa pamamagitan ng isang piging, kung sino sa hinharap ang lumabag 3-2sa kasunduan ay kailangang magbayad ng multa. Ito ang pagkakasundo ng pagpapakasal. Sa relasyong mag-asawa ay may sangkot na bigay-kaya, at ang pagsuko sa babae sa kasalukuyan nang may pahintulot niya, ngunit hindi panghabambuhay. Hindi ang babae, kundi ang lalaki, ang nagbibigay ng bigay-kaya ang halagang pinagkasunduan ay itinakda ayon sa kaniyang yaman . Ito ang isinasalaysay ng ilang manunulat tungkol sa iba-ibang lahi, na nakaugalian na ang pagbili ng babae upang gawing asawa. Bukod sa bigay-kaya ang lalaki kay nahihirating magregalo sa mga magulang at kamag-anak =ayon ssa kaniyang kakayahan. Nang nasa Tigbauan ako ay dumatingang pinuno ng pulo ng Cuyo upang ipakasal ang kaniyang anak na lalaki sa anak na babae ni Tarabucon, ang pinuno ng Oton, na malapit sa baying ng Arebalo at isang nayong-misyon sa ilalim ng mga paring Agustino.

C. Paraan ng Pamumuhay Ang sipi na iyong mababasa ay halaw mula sa aklat ni Mkiguel de Loarca na pinamagatang Relacion de Las Islas Filipinas. Si Miguel de Loarca ay isa sa mga Unang mananakop na Espanyol na dumating sa Pilipinas. Siya ang nnagsagawa ng kauna-unahang senso sa Pilipinas. Pulo ng Cagaian. Habang naglalayag patungong timog-timog-silangan mula sa bayan ng Arebalo ay mararating ang malawak na karagatan; sapagkat walang ibang pulo sa direksyong iyon liban sa mga tinatawag na Cagayan, dalawang mababang pulo mga labinlimang legua mula sa pulo ng Panay. Naliligiran sila ng maraming mabababang batuhan; at liban kung batid ang makipot na pasukan, nahaharap sa matinding panganib ang mga barkong pumaparoon. May humigit kumulang apat na raang nakatira sa mga pulong ito, at lahat sila ay bihasang tagagawa ng barko. Sinasabing ilang taon na ang nakararaan ay nanirahan ditto ang mga katutubo upang gawing tanggulan ang mga batuhan laban sa mga pirata. Matapos nito ay tinangka nilang bumalik sa pulo ng Panay upang doon manirahan, ngunit nangamatay ang maraming kababaihan doon. Dahil dito, at bunsod ng kanilang nakinitang mangyayari sa hinaharap, ay bumalik sila sa pulo ng Cagayan, kung saan sila nanggagaling taon-taon papunta sa ibat ibang pulo upang gumawa ng mga barko. Ang mga Indio ng Cagayan ang gumawa ng mga barko ng kaniyang Kamahalan sa kapuluang ito, gayundin ang mga galera, galliot, at fragata. Tumutulong din sila sa pag-aayos at pagtutuwid ng mga barko. Dahil sa kanilang pagiging pinakamahalagang tao sa kapuluan, itinalaga ng adelantado Miguel Lopez de Legaspi ang mga pulo ng Cagayan sa mga encomendero ng Pulo ng Negros. Paglaon ay tila pinakamainam na ilagay sila sa control ng kaniyang kamahalan.Pulo ng Cubu. Ang pulo ng Cubu, ang unang piniling panirahan ni Miguel Lopez de Legazpi Nasa bayan ang pinakamagandang daungan sa kapuluan at ito ang dahilan upang piliin ni Miguel Lopez de Legazpi na magtatag ng pamayanan doonNagpoprodyus ang Cubu ng hindi karamihang bigas, borona, at millet at kung mayroon man ay kaunting bulak; sapagkat ang telang ginagamit ngmga katutubo para sa kanilang mga damit ay nagmumula sa isang uri ng saging. Mula rito ay gumagawa sila ng telang katulad ng kinulayang calico, at tinatawag nilang medriaque. Sa kapuluang ito ay pinahahalagahan ang mga pulong nakapagpoprodyus ng bigas at bulak, dahil maayos na pamilihan ng bulak at tela sa Nueva Espaa Ang kalagayan ng mga taoay maybmalaking pagkakatulad. Lahat ay may mga manok at kauri nito, baboy, ilang kambing, sitaw, at isang uri ng ugat na katulad ng patatas ng Sancto Domingo, at tinatawag ng mga katutubo na kamote. Sunod sa bigas, isda ang pangunahing pagkain sa pulong ito at sa iba pa, dahil marami nito at napakataas ng uri sa pulong ito ng Cubu. Bagamat may makikitang mga usa sa mga natuklasang pulo, wala nito rito, at kung magdadala rito mula sa ibang lugar ay tiyak na agad silang mamamatay.

3-3Sipi mula sa akda ni Antonio Morga. Siya ay isang abogadong Espanyol na may mataas na katungkulan sa pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas. Si Morga ay isa ring historyador, Inilathala niya ang kaniyang aklat na Sucesos de Las Islas Filipinas noong 1609.

Inilalarawan sa sipi na ito ang obserbasyon ni Antonio de Morga sa paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino mula sa ibat ibang isla. Binigyang pansin ang mga produkto, paraan ng paggawa, at higit sa lahat ang pagiging mayaman ng Pilipinas sa g into.

Pagbuburda ang trabaho at pinagkakaitaan ng kababaihan, at mahusay sila rito at sa lahat ng uri Ng pananahi. Naghahabi sila at gumagawa ng sinulid at naninilbihan sa bahay ng kanilangmga tatay at asawa. Binabayo nila ang palay at inihahanda ang ibang pagkain. Nag-aalaga sila ng mga manok at kauri nito, at baboy, at pinananatili ang mga bahay habang nagtatrabaho sa bukid ang kalalakihan, at nangingisda,naglalayag, at nakikipagkalakalan.Ang kanilang nakagawiang paraan ng kalakalan ay ang pagpapalitan ng isang bagay para sa iba,tulad ng pagkain, tela, baka at kauri nito, manok at kauri nito, mga lupain, bahay, bukirin, alipin, pangisdaan, at nipa at palming ilahas.Magkaminsan ay may presyong pinagkakasunduan, at binabayaran ito ng ginto, batay sa Napagkasunduan, o mga kampanang bakal mula sa China.Lahat ng pulo, sa maraming distrito, ay mayaman sa deposito at mina ng ginto, isang uri ng bakal na minimina at ginagamit sa paglikha ng mga bagay bagay. Gayumpaman, mula nang dumating ang mga katutubo kaugnay nito, at pinagtitiyagaan na lamang ang anumang bara ng ginto at gintong alahas na mayroon sila, isinalin mula sa sinaunang panahon at minana mula sa kanilang mga ninuno.Ilang deposito at minahan ang pinakinabangan sa Paracali sa lalawigan ng Camarines, kung saan may magandang uring ginto na nakahalo sa tanso, ito ay ikinakalakal din sa Ylocos, dahil sa malayong bahagi ng lalawigan, na nahahangganan ng dalampasigan, ay ilang matataas at bako-bakong bundok na umaabot hanggang Cagayan. Sa dalisdis ng mga bundok na ito, sa Ilaya, ay nakatira ang maraming katutubong sa ngayon ay hindi pa nasusupil, at hindi pa napapasok ang teritoryo, na tinatawag na Ygolot. Ang mga katutubong ito ay maraming minahan, karamihan ng magkahalong ginto at pilak. Nahirati silang kunin lamang ang kailangan para sa kanilang mga kagustuhan. Bumababa sila sa mga particular na lugar upang ipagpalit ang ginto (nang hindi pa tapos ang proseso ng pagpipino) sa mga Yloco ang pagpipino at preparasyon ng ginto, at sa pamamagitan nila ay naipamamahagi ito sa kabuuan ng bansa.May mga minahan at deposito rin ng ginto sa ibang mga pulo, lalot higit sa mga Pintado, sa ilog Botuan sa Mindanao, at sa Sebu, kung saan may pinakikinabangang mina ng magandang uring ginto.Unawain:Adelantado-katawagan kaugnay sa gobernador-heneralBihasa mahusay sa paggawa sa isang bagaynaghahabi-gumagawa ng tela Cagaian tumutukoy nsa Cagayanilahas-nabubuhay sa likas na pook tulad Cuba- tumutukoy sa Cebung gubatGalera, galliot, fragata mga uri ng barkodalisdis-pababa o palusong na bahagiKamahalan katawagan kaugnay sa hariilaya-malayo sa baybayinLegua yunit ng distansiyaYgulot -IgorotNueva Espana- mga kolonya ng Espanya sa Hilagang America, Gitnaang Amerika, at kasama ang Pilipinasbigay-kaya pera o ari-ariang ibinibigaTanggulan-depensa laban sa mananalakaysa mapapangasGawain 2 BOOKMARK ORGANIZERKompletuhin ang Manuggul bookmark sa pamamagitan ng pagtala ng mga hinihinging detalye tungkol sa bangang Manunggul at sa sipi mula sa akda ni Dr. Robert B. Fox.

. Maglagay ng pamagat ng iyong bookmark At isulat ang iyong pangalan.

Sa kaliwang bahagi, iguhit ang isang disenyo ng banga na pumukaw ng iyong interes.Sa kanang bahagi, ipaliwanag kung bakit ang iginuhit ang nakapukaw ng iyong interes.Batay sa sipi, itala ang tatlong paglalarawan tungkol sa banga.

Gawain 2.Mod2Mod-2Gawain 3 Pag-alam sa Terminolohiya. Tukuyin ang salita sa bawat bilang . Isulat ang sagot sa patlang.1. diwata-______________________________________________________________________2. anito-_______________________________________________________________________3. pansariling diyos-diyosan-_______________________________________________________4. labi-_________________________________________________________________________5. tapayan-_____________________________________________________________________6. artifact-______________________________________________________________________7. inuugitan-____________________________________________________________________8. kabihasnan____________________________________________________________________9. kamahalan-____________________________________________________________________10. naghahabi-____________________________________________________________________Gawain 3Pagpapahalaga. Batay sa sipi, anong katangian ang ipinakita ng mga sinaunang Pilipino tungkol sa sinaunang paniniwala? Isulat ang sagot.

Gawain 4 Ugnayang noon at ngayon. Isulat sa kahon ang mga patunay na ginagawa pa rin ito ng mga Pilipino hanggang sa ngayon.Noon:Pagiging malikhain

Ngayon:

Noon: Paniniwala sa kabilang buhay

Ngayon:

Noon: Paraan ng paglilibing sa mga pinuno

Ngayon:

Noon: Paglilibing sa mga karaniwang tao

Ngayon:

Noon: Iba pang sinaunang paniniwala

Ngayon:

Modyul 3Boxer Codex ito ang pangalan ng manuskrito kung saan hinango ang mga larawan sa itaas. Naglalaman ito ng koleksiyon ng mga larawan tungkol sa kasuotan ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay isa lamang sa mga patunay na may kabihasnan na ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol. Masasalamin ito sa kanilang lipunan, relihiyon, kaugalian, hanapbuhay, at pamahalaan.MGA URI NG TAO SA SINAUNANG LIPUNANG PILIPINOAng Boxer Codex ay sinasabing pagmamayari ni Luis Perez Dasmarias, ang gobernador heneral ng Pilipinas mula 1593 hanggang 1596.Kinikilala ng mga eksperto na ang mga ilustrasyon na naglalarawan ng mayamang