summary

2
Dalag, Marion Valerie Pebrero 10, 2015 Dineros, Katrina Marie PI 100 THQ2 KATITIKAN Pinamumunuan ni Raha Soliman ang Maynila at si Bunaw Lakandula naman ang kinikilalang Hari ng Tundo. Sa pananakop ng mga Kastila sa Maynila, tumakbo sila Raha Soliman sa Tundo ngunit nang huli, hindi tinulungan ni Lakandula si Soliman. Mas ninais ni Lakandula na makipagtulungan sa mga Kastila. Tuluyang nasakop ang Tundo at Maynila noong 1571 at ang Maynila ang ginawang sentro ng pamahalaang Kastila. Nagbalak at gumawa ng plano ang ilang angkan sa Tundo na paalisin ang mga Kastila noong 1587 at ito ay tinawag na Sabwatan sa Tundo. Kasama sa sabwatan ang mga datu at sakop ng Tundo, Maynila, Navotas, Malabon, Bulacan, Pampanga, Bataan at Batangas. Hinikayat din nilang sumama ang mga taga Jolo, Burneo, at mga Hapon, kasama ang mga datu sa Cuyo at Calamianes. Sila ay kumukuha ng armas mula kay Kap. Don Juan Goyo sa pamamagitan ni Dionisio Fernandez bilang interpreter. Ngunit noong 1588, nalaman ang plano dahil binunyag ito sa mga Kastila ni Datu Surabao. Hindi sigurado kung sa simula pa lamang ay espiya siya ng mga Kastila o bumaliktad lamang sa huli. Nahuli si Datu Sumaelob at nakumpirma ang ulat ni Surabao. Pinugutan ng ulo sila Agustin de Legazpi at Martin Panga, at ipinakita ito sa buong bayan. Binitay o ipinatapon naman ang iba pang kasapi. Ang pananakop ng Kastila sa Pilipinas ay may layunin na 3G – God, gold, glory. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay binigyan ng pinakamataas na importansiya ng Hari ng Espanya. Ito rin ang naging tagapag-bango ng kanilang koloniyalismo. Ang proseso ng pagsasaayos ng mga nasasakupan ayon sa panlasang Europeo o reducción ay isa sa mga hakbang ng mga Kastila para mapalaganap ang Kristiyanismo. Ang pueblo ay nabuo sa pamamagitan ng reducción. Sa sentro ng bawat pueblo ay ang plaza kung saan matatagpuan ang simbahan, munisipyo at kumbyento. Ang uring principalia ay karaniwang nakatira malapit sa paligid ng sentro ng pueblo habang ang mga indio ay nakatira malayo sa sentro. Sa katunayan, ang pamilya ni Rizal ay nakatira sa tabi ng simbahan, nangangahulugan na sila ang pinakamayamang principalia sa Laguna.

Upload: abby-dalag

Post on 03-Oct-2015

18 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

Economy during Spanish Colonization

TRANSCRIPT

Dalag, Marion Valerie Pebrero 10, 2015Dineros, Katrina Marie PI 100 THQ2

KATITIKAN

Pinamumunuan ni Raha Soliman ang Maynila at si Bunaw Lakandula naman ang kinikilalang Hari ng Tundo. Sa pananakop ng mga Kastila sa Maynila, tumakbo sila Raha Soliman sa Tundo ngunit nang huli, hindi tinulungan ni Lakandula si Soliman. Mas ninais ni Lakandula na makipagtulungan sa mga Kastila. Tuluyang nasakop ang Tundo at Maynila noong 1571 at ang Maynila ang ginawang sentro ng pamahalaang Kastila. Nagbalak at gumawa ng plano ang ilang angkan sa Tundo na paalisin ang mga Kastila noong 1587 at ito ay tinawag na Sabwatan sa Tundo. Kasama sa sabwatan ang mga datu at sakop ng Tundo, Maynila, Navotas, Malabon, Bulacan, Pampanga, Bataan at Batangas. Hinikayat din nilang sumama ang mga taga Jolo, Burneo, at mga Hapon, kasama ang mga datu sa Cuyo at Calamianes. Sila ay kumukuha ng armas mula kay Kap. Don Juan Goyo sa pamamagitan ni Dionisio Fernandez bilang interpreter. Ngunit noong 1588, nalaman ang plano dahil binunyag ito sa mga Kastila ni Datu Surabao. Hindi sigurado kung sa simula pa lamang ay espiya siya ng mga Kastila o bumaliktad lamang sa huli. Nahuli si Datu Sumaelob at nakumpirma ang ulat ni Surabao. Pinugutan ng ulo sila Agustin de Legazpi at Martin Panga, at ipinakita ito sa buong bayan. Binitay o ipinatapon naman ang iba pang kasapi.Ang pananakop ng Kastila sa Pilipinas ay may layunin na 3G God, gold, glory. Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ay binigyan ng pinakamataas na importansiya ng Hari ng Espanya. Ito rin ang naging tagapag-bango ng kanilang koloniyalismo. Ang proseso ng pagsasaayos ng mga nasasakupan ayon sa panlasang Europeo o reduccin ay isa sa mga hakbang ng mga Kastila para mapalaganap ang Kristiyanismo. Ang pueblo ay nabuo sa pamamagitan ng reduccin. Sa sentro ng bawat pueblo ay ang plaza kung saan matatagpuan ang simbahan, munisipyo at kumbyento. Ang uring principalia ay karaniwang nakatira malapit sa paligid ng sentro ng pueblo habang ang mga indio ay nakatira malayo sa sentro. Sa katunayan, ang pamilya ni Rizal ay nakatira sa tabi ng simbahan, nangangahulugan na sila ang pinakamayamang principalia sa Laguna. Marami pang idinulot na pagbabago sa ating bansa ang koloniyalismo ng Kastila. Isa na dito ang pagbabago sa ating sistema ng pulitika. Nagkaroon tayo ng Cabeza de Barangay na kadalasan ay mula sa mga dating Datu. Ang sumunod na posisyon naman ay Gobernadorcillo na namumuno sa munisipyo. Sila naman ay mula sa mga pinunong ilang beses nang naging Cabeza de Barangay. Nagkaroon din tayo ng Alkalde Mayor at Gobernador-Heneral, ang mga posisyong ito ay para lamang sa mga Kastila. Sinimulan ding ipatupad sa Pilipinas ang Batas ng Espanya.Isa ring pagbabagong naidulot ng koloniyalismo ay ang pagbabagong-ekonomikal. Nagkaroon ng Encomienda o land administration, Hacienda o pagmamay-ari ng malalaking lupain, Kalakalang Galyon na siyang pangunahing hanap-buhay noon, at Polo y servicio o sapilitang paggawa ng mga kalalakihang may edad 16-60 taon.