t c colour scheme and text font can be modi˜ed no changes ... · iisang baso, atbp.), paghalik,...

2
1 4 2 5 3 6 7 8 9 10 T C T C T C T C T C T C T C 15 T ! 2 3 4 1 ! T C T C Maghintay ng 15 minuto bago basahin ang resulta. Huwag maghintay ng higit pa sa 20 minuto. Kung may isang linya na makikita sa C, ikaw ay nasuri na negatibo sa HIV. Dapat na walang linya sa may T. Ang pagsusuri ay hindi gumana Kung walang linya ang makikita sa C, ang pagsusuri ay hindi gumana. Kung dalawang linya ang nakita, kahit na ito ay Malabo, ikaw ay nasuri na positibo sa HIV. Positibo sa HIV Negatibo sa HIV Ito ay isang pang-screen na pagsusuri Pumunta sa isang klinika para sa karagdagang agsusuri. o o Ito ay isang pang-screen na pagsusuri Pumunta sa isang klinika para sa karagdagang pagsusuri. Ito ay isang pang-screen na pagsusuri Magpasuri ulit pagkatapos ng 3 buwan. Pisil-pisilin ang iyong daliri sa loob ng 5 hanggang 10 segundo. Maingat na ikutin at kunin berde na tab, pagkatapos ay itapon ito. Pindutin ang kulay abo na buton para matusok ang daliri. Pindutin ng malakas ! MAHALAGA Isang beses lamang ito tutusok! Pisilin nang maigi ang likod ng tinusok na bahagi para lumabas ang dugo. Dugo Punuin ang tubo para sa dugo ng dugo. Kung ang tubo para sa dugo ay hindi puno, pisilin ang daliri at dagdagan ang dugo. Ipapasok ang dugo sa dulo ng tubo para sa dugo Tubo para sa Dugo Ang tubo para sa dugo ngayon ay may sapat na rami ng dugo Kung ikaw ay nahihi- rapan, punasan ang daliri at pisilin ulit ! MAHALAGA Ang tubo ay dapat mapuno KALAHATI PUNO ! MAHALAGA Hawakan ang pagsusuri sa lamesa. Ngayon ay baliktarin ang tubo para sa dugo sa balon. Magdagdag ng 4 na patak sa balon. ! MAHALAGA Ilagay ang pagsusuri sa mga tagubilin katabi ng mga resulta. Siguraduhin na maghihintay ka ng buong 15 minuto. Kung ang iyong daliri ay nagdurugo pa rin gumamit ng isang tisyu o pamunas. Tingnan ang kasamang care card para sa karagdagang impormasyon. Kailangan mo ang apat na mga bagay na ito: Maingat na itugma ang iyong resulta sa , at na mga pagpipilian. Ikutin muna Pagkatapos ay kunin ! Nangangailangan ng karagdagang tulong? Baliktarin ang pahina MAHALAGA: Huwag buksan ang foil na pakete hanggang sa iyong nabasa ang mga tagubilin at handa na para gawin ang pagsusuri. Gamitin agad pagkatapos buksan. Tingnan ang kasamang care card para sa karagdagang impormasyon. Tingnan ang kasamang care card para sa karagdagang impormasyon. ! MAHALAGA Iwanan ang pagsusuri rito, tutulong ito sa pagpuno ng tubo para sa dugo EN Hugasan at patuyuin ang mga kamay. Tingnan kung paso na ang petsa bago mo buksan ang foil na pakete. Bote ng Pansuri na Likido Tisyu o pamunas Orasan XXXX-0A-XXX revXX Tiyakin na ang dugo ay nalipat mula sa tubo patungo sa balon Ilagay at iwana n ang pagsu suri rito Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HIV, baliktarin ang pahina. Mga Resulta Baliktarin Panuorin ang bidyo: https://www.mylanez2uz.com/ MAHALAGA 4 na patak Pangalan ng pagsusuri Mga resulta Balon Tubo para sa Dugo Kulay abo na buton Berdeng sterility tab MAHALAGA HIV SELF TEST

Upload: others

Post on 15-Jan-2020

6 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: T C Colour scheme and text font can be modi˜ed No changes ... · iisang baso, atbp.), paghalik, laway, luha, pawis, hangin o tubig. Ang 4 na patak ay dapat na ipatak sa balon sa

1

4

2

5

3

6 7

8 9 10

TC

TC

TC

TC

TC

TC

TC

15

TC

!

234

1

!

TC

TC

Maghintay ng 15 minuto bago basahin ang resulta. Huwag maghintay ng higit pa sa 20 minuto.

Kung may isang linya na makikita sa C, ikaw ay nasuri na negatibo sa HIV. Dapat na walang linya sa may T.

Ang pagsusuri ay hindi gumana

Kung walang linya ang makikita sa C, ang pagsusuri ay hindi gumana.

Kung dalawang linya ang nakita, kahit na ito ay Malabo, ikaw ay nasuri na positibo sa HIV.

Positibo sa HIVNegatibo sa HIV

Ito ay isang pang-screen na pagsusuriPumunta sa isang klinika para sa karagdagang agsusuri.

o o

Ito ay isang pang-screen na pagsusuriPumunta sa isang klinika para sa karagdagang pagsusuri.

Ito ay isang pang-screen na pagsusuri

Magpasuri ulit pagkatapos ng

3 buwan.

Pisil-pisilin ang iyong daliri sa loob ng 5 hanggang 10 segundo.

Maingat na ikutin at kunin berde na tab, pagkatapos ay itapon ito.

Pindutin ang kulay abo na buton para matusok ang daliri.

Pindutin ng malakas

!MAHALAGAIsang beses

lamang ito tutusok!

Pisilin nang maigi ang likod ng tinusok na bahagi para lumabas ang dugo.

Dugo

Punuin ang tubo para sa dugo ng dugo. Kung ang tubo para sa dugo ay hindi puno, pisilin ang daliri at dagdagan ang dugo.

Ipapasok ang dugo sa dulo ng

tubo para sa dugo

Tubo para sa Dugo

Ang tubo para sa dugo ngayon ay may sapat na rami ng dugo

Kung ikaw ay nahihi-rapan, punasan ang daliri at pisilin ulit

!MAHALAGA

Ang tubo ay dapat mapuno

KALAHATI

PUNO

!MAHALAGA

Hawakan ang pagsusuri sa lamesa. Ngayon ay baliktarin ang tubo para sa dugo sa balon.

Magdagdag ng 4 na patak sa balon.

!MAHALAGA

Ilagay ang pagsusuri sa mga tagubilin katabi ng mga resulta.

Siguraduhin na maghihintay ka ng buong 15 minuto.

Kung ang iyong daliri ay nagdurugo pa rin gumamit ng isang tisyu o pamunas.

Tingnan ang kasamang care card para sa karagdagang impormasyon.

Kailangan mo ang apat na mga bagay na ito:

Maingat na itugma ang iyong resulta sa , at na mga pagpipilian.

Ikutin muna Pagkatapos ay kunin

!Nangangailangan ng karagdagang tulong? Baliktarin ang pahina

MAHALAGA: Huwag buksan ang foil na pakete hanggang sa iyong nabasa ang mga tagubilin at handa na para gawin ang pagsusuri. Gamitin agad pagkatapos buksan.

Tingnan ang kasamang care card para sa karagdagang impormasyon.

Tingnan ang kasamang care card para sa karagdagang impormasyon.

!MAHALAGA

Iwanan ang pagsusuri rito, tutulong ito sa

pagpuno ng tubo para sa dugo

EN

Hugasan at patuyuin ang mga kamay. Tingnan kung paso na ang petsa bago mo buksan ang foil na pakete.

Bote ng Pansuri na Likido

Tisyu o pamunas

Orasan

XXXX-0A-XXX revXX

Tiyakin na ang dugo ay nalipat mula sa tubo

patungo sa balon

Ilagay at

iwanan ang pagsu

suri rito

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HIV, baliktarin ang pahina.

Mga Resulta

Baliktarin

Panuorin ang bidyo: https://www.mylanez2uz.com/

MAHALAGA

4 na patak

Pangalan ng pagsusuri

Mga resulta Balon

Tubo para sa Dugo

Kulay abo na butonBerdeng sterility tab

MAHALAGA

HIVSELF TEST

Product Name/Logo be to edited/modi�ed

Logo be to edited/modi�ed

Colour scheme and text font can be modi�ed

No changes to content dueto regulatory requirements

Page 2: T C Colour scheme and text font can be modi˜ed No changes ... · iisang baso, atbp.), paghalik, laway, luha, pawis, hangin o tubig. Ang 4 na patak ay dapat na ipatak sa balon sa

IN VITRO NA DAYAGNOSTIKONG

MEDIKAL NA KAGAMITAN

30°C

2°C

TEMPERATURA SA PAG-IIMBAK 2°C – 30°C

HUWAG GAMITIN KUNG ANG PAKETE

AY MAY SIRA

HUWAG GAMITIN ULIT

BABALA

SUMANGGUNI SA MGA TAGUBILIN PARA SA

PAGGAMIT

Bago ka magsimula

Pagtusok sa DaliriMaaari bang makakuha ng impeksyon mula sa pagtusok ng aking daliri?

Nahihirapan na tanggalin ang berdeng sterility tab?

Natatakot na magiging masakit ito?

Pinindot ang kulay abo na buton pero di makakita ng dugo?

Nangangailangan ka ba ng tulong sa Pagsusuri? Tungkol sa iyong Resulta Tungkol sa HIV

Nakalabas ba ang buton?Subukan ulit, idiin ng maigi.Paunawa: Isang beses lang ito tutusok!

Pagpuno sa tubo para sa dugoDi alam kung saan ilalagay ang dugo?

Hindi mapuno ang tubo para sa dugo?

Pagkumpleto sa pagsusuriPaano kung ang dugo ay hindi lumipat mula sa tubo patungo sa balon?

Hindi sigurado paano idagdag ang 4 na patak mula sa bote?

Hindi sigurado paano basahin ang resulta?

Nasa loob ba ang buton?Pisilin nang maigi ang iyong daliri, kung wala pa ring lumabas na dugo – tumigil, at kumuha ng isang panibagong pagsusuri.

XXXX -0A-XXX revXX

Huwag buksan ang foil na pakete hanggang sa iyong nabasa ang mga tagubilin at handa na para gawin ang pagsusuri. Gamitin agad pagkatapos buksan.

Ang pasusuri ay may kasamang sterilisadong pantusok para sa pagtusok ng daliri at makagawa ng isang sample ng dugo. Ang berdeng sterility tab ay nagsisigurado na ang pantusok ay mananatiling sterilisado bago gamitin.Kung ang pagsusuri ay nakumpleto na batay sa mga tagubilin sa pamamagitan ng paghugas ng mga kamay, mayroong napakaliit na panganib ng impeksyon mula sa paggamit ng Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV.

Ikutin muna ang berdeng sterility tab nang 90°, pagkatapos ay hilahin ito.

Huwag kang mag-alala, ang mararamdaman mo ay parang pitik lang ng lastiko sa iyong daliri.Hindi mo makikita ang karayom.

Sumangguni sa Care Card na kasama sa kahon para sa karagdagang impormasyon at mga detalye sa pag-kontak para sa local na suporta na mga serbisyo.

Ang tubo para sa dugo ay kulay straw, baliktarin ang pahina para makita ang dayagram sa hakbang 7.

Huwag ilagay ang dugo sa kulay abo ng butas.

Huwag ilagay ang dugo na direkta sa balon.

Punuin ang tubo para sa dugo, sinusukat nito ang sapat na rami ng dugo.

Ang pagdampi ng balat sa tubo ay hindi makakaapekto sa resulta.

Siguraduhin na ang tubo ay puno.

Siguraduhin na ang tubo ay lubos na nakabaliktad sa itaas ng balon.

Kung ang dugo ay hindi pa rin nailipat sa balon – huminto, at kumuha ng panibagong pagsusuri.

Anong mangyayari kung ang aking pagsusuri ay POSITIBO?Ang pagiging positibo sa HIV ay isang napangan-gasiwaan na kondisyon at ang mga taong mayroong HIV ay maaaring mabuhay pa nang mahaba, maging aktibo at malusog na mga buhay. Ang Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV ay isang pang-screen na pagsusuri at ang makakuha ng positibong resulta sa pagsusuri ay hindi nangangahulugan na mayooon kang HIV. Kung ang resulta sa pagsusuri ay positibo, kailangan mong pumunta sa isang pangkalusugan na pasilidad para sa follow-up na pagsusuri. Ang maagang pagdayagnosis ng HIV ay nangangahulu-gan na maaaring magsimula ang gamutan nang mas maaga. Sumangguni sa sinama na Care Card o bumisita sa www.mylanez2uz.com para sa karagdagang impormasyon tungkol sa follow-up na pagsusuri.Ang doktor mo lang o pangkalusugan na propesyo-nal ang maaaring magrekomenda kung anong gamutan ang tama para sa iyo. Kung ikaw ay na-day-agnos na positibo sa HIV, ikaw ay ikokonekta sa mga serbisyo sa pagpapayo at, depende sa iyong kondisyon, maaaring bigyan ng antiretroviral (ARV) na gamutan.Anong mangyayari kung ang aking pagsusuri ay hindi gumana?Ang pagsusuri ay hindi magbibigay ng resulta kung ito ay hindi isinagawa nang tama. Kailangan mong ulitin ang pagsusuri gamit ang isang panibagong kagamitan sa pagsusuri. Kung ikaw ay hindi sigurado kung iyong naisagawa ang pagsusuri nang tama, makipag-ugnayan sa iyong doktor o pangkalusugan na propesyonal.Nag-aalala ako na ako ay nalantad sa HIV sa mga nakaraang araw, ano ang dapat kong gawin?Dapat kang pumunta sa iyong doktor, sa HIV na klinika o sa emergency na departamento sa lalong madaling panahon, at sa loob ng 72 oras, dahil ikaw ay maaaring makakuha ng isang kurso ng mga medikasyon na tinatawag na “PEP” (Post-Exposure Prophylaxis) para tumulong na mag-iwas sa iyo mula sa pagiging positibo sa HIV.

Mayroong 2 uri ng Human Immunodeficiency Virus (HIV): HIV-1 at HIV-2. Kung ikaw ay nahawaan ng HIV-1 o HIV-2, ang iyong Sistema ng imyunidad ay gagawa ng mga antibody laban sa uri ng virus.Ang Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV ay dinisen-yo para matukoy ang mga antibody na ito sa dugo ng tao para matukoy ang impeksyon ng alinman sa uri ng virus. Ito ay isahang-gamit na pang-screen na pagsusuri na nagbibigay ng resulta sa loob ng 15 minuto. Kung isang positibong resulta ang ibinigay, ito ay dapat na kumpirmahin ng isang pangkalu-sugan na propesyonal gamit ang ibang uri ng pagsu-suri.Ano ang “window period”?Pagkatapos na malantad sa HIV, maaaring umabot ng 6 hanggang 12 na linggo bago ang iyong katawan ay magkaroon ng mga antibody na natutukoy ng pagsusuri na ito. Ang panahon na ito ay tinatawag na “window period”. Kung ikaw ay kumuha ng isang sariling pagsusuri ng HIV sa panahon ng window period, maaaring makakuha ka ng maling negatibo-ng resulta. Kung sa tingin mo nalantad ka kamakailan sa HIV, inirerekomenda sa iyo na magpasuri ulit pagkatapos na lumagpas ang window period.Anong mangyayari kung ang aking mga resulta ay NEGATIBO?Mahalaga na malaman kung lumipas na ang higit pa sa 3 buwan mula noong huli mong mapanganib na pangyayari. Kung ito ay totoo, at iyong isinagawa ang pagsusuri nang tama, malamang ikaw ay negatibo sa HIV. Kung hindi pa umabot ng 3 buwan noong huli mong mapanganib na pangyayari, kailangan mong magpasuri ulit sa loob ng 3 buwan. Kung hindi ka sigurado, humingi ng payo, sumangguni sa Care Card.Mahalaga: Magpasuri ulit pagkatapos ng 3 buwan.

Ano ang HIV?Ang ibig sabihin ng “HIV” ay Human Immunodeficien-cy Virus. Ito ay isang virus na pumupunteriya sa sistema ng imyunidad at sa kalaunan ay nagpapababa sa kakayahan ng ating katawan na labanan ang impeksyon. Kung hahayaan na hindi ginamot, ang HIV ay maaaring humantong sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Walang lunas para sa HIV, o AIDS, ngunit kung may tamang medikal na paggamot maaari itong mapangasiwaan bilang isang hindi nakamamatay na kondisyon. Sa maagang pagdayagnosis at paggamot, ang haba ng buhay ng isang taong may HIV ay mahahalintulad sa isang tao na walang HIV.Ano ang mga senyales at mga simtomas ng HIV?Ang paraan lamang upang malaman kung ikaw ay may HIV ay ang pagkakaroon ng isang HIV na pagsu-suri. Mahalagang malaman ang iyong kalagayan para tumulong na maiwasan ang pagpasa ng virus sa ibang tao.Paano nakukuha o napapasa ang HIV?Ilang mga likido mula sa katawan ng isang taong may HIV – tulad ng dugo, gatas ng ina, semilya, rektal na mga likido at likido mula sa ari ng babae – ay maaaring magdala ng HIV. Ang transmisyon ay maaaring mangyari kung ang mga likidong ito ay napunta sa mucous membrane (matatagpuan sa loob ng rectum, ari ng babae, ari ng lalaki o bibig) o sugat, o direktang ininject sa ugat (sa pamamagitan ng karayom o hiringgilya). Ang HIV ay maaari ring malipat mula sa isang nanay na positibo sa HIV papunta sa kanyang anak habang pinagbubuntis o pinapanganak. Kasama sa mga pangyayaring may panganib ng HIV ay: Pagtatalik na walang proteksyon sa isang taong

may HIV o hindi alam ang kalagayan ng HIV. Pagtatalik na walang proteksyon (sa ari ng babae o

sa pwet) kasama ang maramihang mga kasama.Paggamit ng hindi-sterilisadong mga karayom o kagamitan sa pag-inject.

Ang HIV ay HINDI naipapasa sa pamamagitan ng kaswal na kontak (pakikipagkamay, paggamit ng iisang baso, atbp.), paghalik, laway, luha, pawis, hangin o tubig.

Ang 4 na patak ay dapat na ipatak sa balon sa taas ng dugo.

Huwag alugin ang bote.

Baliktarin ang bote, pagkatapos ay pisilin.

Siguraduhing maghintay ng 15 minuto. Huwag maghintay ng higit pa sa 20 minuto.

Ang mga linya na katabi ng “T” at “C” ang magsasabi sa iyo ng iyong resulta.

Baliktarin ang pahina at hanapin ang may kulay na kahon na tutugma sa iyong resulta.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa resulta, basahin ang susunod na seksyon: “Tungkol sa Iyong Resulta”.

Kung kumalat ang dugo, punasan ang iyong daliri, pagkatapos ay pisilin ulit nang maigi.Ituro ang daliri pababa.Maingat na idampi ang dugo sa dulo ng tubo.Kung hindi sapat ang dugo, punasan ang iyong daliri, pagkatapos ay pisilin ulit nang maigi ang iyong daliri.Kung hindi pa rin sapat ang dugo para lubos na punuin ang tubo, ang resulta ng pagsusuri ay hindi magiging tumpak. Tumigil, at kumuha ng panibagong pagsusuri.

Buod ng PagsusuriAng Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV ay binubuo ng isang papel na strip para sa pagsusuri na nasa loob ng isang plastic na lalagyan. Ang pagsusuri ay isinasagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng isang maliit na patak ng dugo sa strip ng pagsusuri at pagkatapos ay ilalapat ang mga patak ng likido ng pagsusuri (diluent). Kapag ang pagsusuri ay nakumpleto na, dalawang mga linya ay maaaring makita sa papel na strip. Ang Kontrol na Linya ay makikita lamang kung ang pagsusuri ay naisagawa nang tama. Ang Pagsusuri na Linya ay makikita lamang kung ang nailapat na sample ay naglalaman ng mga antibody para sa HIV.Ang Nilalayon na PaggamitAng Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV ay isang isahang-paggamit, immunochromatographic, mabilis na in-vitro na dayagnostikong pagsusuri para sa pagtukoy ng mga antibody para sa Human Immunodeficiency Virus Type 1 (HIV-1) at Type 2 (HIV-2) sa buong dugo.Ang Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV ay nilalayon na gamitin ng mga hindi sinanay na mga gumagamit sa isang pribado na lugar bilang isang sariling pagsusuri para tumulong sa dayagnosis ng impeksyon ng HIV-1 at HIV-2 na mula sa mga sample ng presko, buong dugo na nakuha sa pamamagitan ng pagtusok sa daliri na pamamaraan ng pagkolekta ng dugo. Ang kagamitang ito ay nangangailangan ng laki ng sample ng 10uL.Ang resulta ng pagsusuri ay qualitative (“ang iyong pagsusuri ay positibo” o “ang iyong pagsusuri ay negatibo”) at hindi para mag-screen ng mga nagbibigay ng dugo. Ang pagsusuri ay naglalakip

Bumisita sa https://www.mylanez2uz.com para mapanuod ang isang bidyo ng tagubilin. Kung ikaw ay may partikular na katanungan, pagtugon, o mga mungkahi mag-emailsa [email protected]

ng isang in-built sample control na mekanismo para masigurado na ang pagsusuri ay maisagawa nang tama; ang kontrol na linya na ito ay makikita lamang sa pagsusuri na kagamitan kung ang tamang pagsusuri na pamamaraan ay nasunod.Mga Materyales na kasama1 – Mga Tagubilin para sa Paggamit (IFU)1 - Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV (sa loob ng isang foil na pakete na may pampatuyo)1 – Bote ng Pagsusuri ng Likido (diluent)1 – Bag ng Basura1 – Care CardMga bagay na HINDI kasama pero kinakailangan

Isang kahon ng tisyu (o ibang malinis, na sumisipsip na material).Orasan (halimbawa isang relo, orasan o selfon) para masubaybayan ang oras habang hinihintay ang mga resulta.

Mga Restriksyon sa paggamitHindi angkop para sa pag-screen ng mga nagbibigay ng dugo.Hindi angkop para sa mga taong may problema sa pagdurugo (hal. Hemophilia).Hindi angkop para sa mga taong may malubhang takot sa mga karayom.Hindi angkop para sa mga taong nadayagnos na ng positibo sa HIV.Hindi angkop para sa mga taong umiinom ng anti-retro viral treatment (ART).

Mga Limitasyon ng PagsusuriMaaaring hindi makatukoy sa HIV na mga impeksyon na nangyari sa loob ng huling 3 buwan.

Ang pamamaraan, mga pag-iingat at interpretasyon ng mga resulta ay dapat na sundín kapag ginagamit ang pagsusuri na ito.Pinapahiwatig lamang nito ang presensiya ng mga antibody para sa HIV. Hindi dapat gamitin bilang nag-iisang batayan para sa dayagnosis ng HIV na impeksyon o paggamot.Ang mga positibong resulta ay dapat na kumpirmahin ng isang pangkalusugan na propesyonal.Ang negatibong resulta ay hindi sa anumang oras humahadlang sa posibilidad ng HIV na impeksyon. Kung ang resulta ng pagsusuri ay negatibo at ang klinikal na mga símtomas ay nakikita, karagdagang pagsusuri gamit ang ibang klinikal na mga pamamaraan ang inirerekomenda.

Mga babala at mga pag-iingatAng pagsusuri ay pang-isahang gamit lamang. Huwag gamitin ulit ang pagsusuri.Ang lahat ng mga positibong resulta ng pagsusuri ay dapat na makumpirma sa pamamagitan ng pagsusuri ng isang pangkalusugan na propesyonal.Huwag gamitin kung paso na ang petsa.Huwag gamitin kung ang foil na pakete ay may sira (e.g. napunit, may butas o ang selyo ay may sira) o nabuksan.Huwag gamitin kung ang sterility tab ay nasira o maluwagHuwag gumamit ng alinmang ibang solusyon maliban sa pagsusuri na likido na binalot kasama ng pagsusuri.Huwag gumamit ng isang bote ng pagsusuri na likido na nabuksan o tumatagas.

Iwasan na mapunta sa mata/balat ang pagsusuri na likido.Kung ang pagsusuri na likido ay idinagdag sa strip ng pagsusuri na walang anumang dugo, ang pagsusuri ay walang bisa kahit na ang control na band ay makikita.Kung ang mga tagubilin ay hindi nasunod nang tama, ang mga resulta ay maaaring hindi tama.

Pag-iimbakAng pagsusuri ay dapat na iimbak sa temperatura na 2°C hanggang 30°C.Huwag iimbak na direkta sa sikat ng araw.Huwag buksan ang foil na pakete hanggang ikaw ay handa na para gawin ang pagsusuri. Dalhin ang supot sa temperatura ng kuwarto, pagkatapos gamitin agad pagkatapos na buksan.

PagtaponPara itapon ang Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV, ilagay ang pagsusuri at ang lahat ng mga nilalaman ng kahon sa basura na bag na ibinigay. Ang bag ay maaaring iselyo at itapon kasama ng mga basura sa bahay.Pagganap ng PagsusuriAng Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV ay nakita sa pagsusuri sa laboratoryo na tamang natukoy ang 99.6% (1757/1764) ng HIV na negatibo na mga sample (kilala bilang ang test’s specificity). Sa karagdagan, sa in-field na mga klinikal na pagsusuri na ginawa sa Kenya at Australia ito ay wastong nakatukoy sa 95.2% (866/910) ng HIV na negatibo na mga sample kapag ginawa ng mga unang beses na gumagamit ng sariling pagsusuri.Ang Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV ay nakita rin sa pagsusuri sa laboratoryo na tamang natukoy

ang 99.6% (1757/1764) ng HIV na negatibo na mga sample (kilala bilang ang test’s sensitivity). Sa mga sample na ito, ang pagsusuri ay tamang natukoy ang 99.5% ng mga sample na may HIV-1 na impeksyon at 100% ng mga sample na may HIV-2 na impeksyon. Sa karagdagan, sa in-field na mga klinikal na pagsusuri na ginawa sa Kenya ito ay wastong nakatukoy ng 94.3% (33/35) ng mga positibong mga sample kapag ginawa ng mga unang beses na gumagamit ng sariling pagsusuri.Ang pagsusuri na ginawa sa lahat ng mga sample na na-cross-check gamit ang isang kilalang tumpak (may marka ng CE) na pagsusuri sa laboratoryo. Ang pagsusuri ay ginawa sa laboratoryo (na may marka ng CE na lisensyadong mga sample set) sa mga sample na ginamit mula sa parehong mga rehiyon na may mataas ang paglaganap (Timog Aprika) at mga rehiyon na may mababang paglaganap (Europa). Ang in-field na mga klinikal na pagsusuri ay nakatukoy ng pagganap at gamit ng pagsusuri sa mga kamay ng 910 na mga pasyente at ginawa ng Kenya Medical Research Institute (Nairobi, Kenya) at ang nakabatay sa Australia na medikal na pagsasanay.Para masiguro na ang ibang medikal na mga kondisyon (may potensyal na sumasagabal na mga sangkap) ay hindi makaapekto sa pagganap ng Mylan Sariling Pagsusuri para sa HIV, mga sample ng dugo na negatibo sa HIV ay sinuri mula sa mga tao na may iba pang mga kondisyon. Kasama nito ang (ang mga braket ay nagpapakita ng bilang ng tamang mga resulta, bilang ng mga sample):Pagbubuntis (200/200, 100%); Na-ospital na mga pasyente (198/200, 99%); Rheumatic Factor (12/12, 100%); EBV (4/6, 66.7%); Malaria (6/6, 100%); Sipilis (5/6, 83.3%); HSV (5/5 100%); CMV (4/5,

80%); HBc (15/15, 100%); HBs (15/15, 100%); HCV (15/15, 100%); HTLV-I/II (10/10, 100%); HEV (10/10, 100%); Citrate ( 25/25, 100%); EDTA (25/25, 100%); Heparin (25/25, 100%); Panibagong Bakuna sa Trangkaso (1/1, 100%); TB (1/1, 100%); Mataas na Bilirubin (1/1, 100%); Icteric (1/1, 100%); Lipemic (1/1, 100%); Mataas na Protina (1/1, 100%); Mataas na Triglycerides (1/1, 100%); Haemolysed na Dugo (1/1, 100%); E.coli (1/1, 100%); Hemoglobin (mataas o mababa) (1/1, 100%); Mataas na IgG (1/1, 100%); ANA (1/1, 100%).

Mylan Pharmaceuticals Pvt LtdPlot No. 1-A/2,MIDC Industrial Estate, Taloja,Panvel, District Raigad,Maharashtra – 410208

Atomo Diagnostics Pty. Ltd.Level 2, 701-703 Parramatta Rd.Leichhardt, NSW, 2040 Australieatomodiagnostics.com

Manufacturer

Distributor

Colour scheme and text font can be modi�ed

No changes to content dueto regulatory requirements