tagalog - ten simple ways to encourage learning

16
Sampung madaling paraan para akiting matuto ang bata

Upload: foundation-for-early-learning

Post on 28-Mar-2015

388 views

Category:

Documents


4 download

DESCRIPTION

Sampung madaling paraan paraakiting matuto ang bataSa Ikalimang Taon, 90% ng Utak ay Debelop naAng paraan ng pag-aaruga sa isang sanggol sa unang limang taon nito ang siyang huhubog ng kanyang pag-uugali habambuhay. Nang ang sanggol ay ipinanganak, hindi pa ganap na debelop ang kanyang utak. Lumalago ito sa timbang at kaalaman hanggang sa ikalimang taon na kung saan 90% ng utak nito ay debelop na. Dahil dito, napakahalaga ng unang mga taon para sa isang sanggol. Ang interaksyon niya sa kany

TRANSCRIPT

Page 1: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Sampung madaling

paraan para akiting matuto

ang bata

Page 2: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Sa Ikalimang Taon, 90% ng Utak ay Debelop na

Ang paraan ng pag-aaruga sa isang sanggol sa unang limang taon nito ang siyang huhubog ng kanyang pag-uugali habambuhay.

Nang ang sanggol ay ipinanganak, hindi pa ganap na debelop ang kanyang utak. Lumalago ito sa timbang at kaalaman hanggang sa ikalimang taon na kung saan 90% ng utak nito ay debelop na. Dahil dito, napakahalaga ng unang mga taon para sa isang sanggol. Ang interaksyon niya sa kanyang mga magulang at mga tagapag-alaga; ang kanyang mga nakikita, naririnig, naamoy, at damdamin na kan-yang nararanasan; kung gaano kapanatag ang kanyang kalooban—lahat ito ay may malaking kaugnayan sa pagdebelop ng kanyang utak. At maaari ring maapektuhan nito ang paraan kung paano siya matuto, mag-isip, at kumilos bilang isang bata—at hanggang sa kanyang pagtanda.

Nakabatay Lahat Ito Sa AghamAng utak ay binubuo ng mga nerve cell o mga nyuron. Nagsusugpong ang mga nyuron para makalikha ng mga sistemang magpapatakbo sa iba’t ibang gawain ng utak - gaya ng paningin, pandinig, pagkilos/paggalaw, at mga pagtugong pangkaasalan. Naka-gagawa ng trilyong sugpungan ang mga nyuron sa loob ng unang limang taon ng buhay.

Napakahalaga para sa sugpungan ng mga nyuron ang mga karanasang natutuhan ng bata mula sa kanyang pakikisalimuha sa mga tao at mga bagay sa mundong ito. Kung hindi magagamit ang sistemang ito, ang sugpungan ng mga nyuron ay makakalas.

Isang halimbawa, may isang taong ipinanganak na bulag dahil sa pisikal na problema ng kanyang mata. Makaraan ng ilang taon, nagamot ng mga doktor ang kanyang pagkabulag. Ganoon pa man, hindi pa rin siya makakita. Bakit? Dahil ang sistema ng kanyang paningin ay hindi nakatanggap ng naaangkop na karanasan noong unang mga taon ng kanyang buhay.

Isa pang halimbawa. Kapag ang isang sanggol ay gutom o balisa, ang stress-response sys-tems ng kanyang utak ay naglalabas ng mga stress hormone. Kapag tinutugunan kaagad ng tagapag-alaga ang pag-iyak nito, nawawala ang stress-response systems ng bata at nag-sisimulang gumawa ito ng mga sistemang magpapakalma sa kanyang sarili. Ang gani-tong sistema ng pagpapakalma sa sarili o self-calming system ay hindi lubhang nadede-belop sa mga batang napapabayaan at pinagmamalupitan. Ipinakita sa mga pag-aaral na ang mga taong napabayaan o napagmalupitan noong kabataan niya ay nakararanas ng matinding pangamba kapag nahaharap sa malilit na suliranin o alalahanin.

Page 3: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Nakuha Ko Na. Mahalaga Ang Unang Mga Taon.

Kaya Ano Ang Dapat kong Gawain?Ang mga magulang ang unang mga guro ng bata. At magandang balita na matu-tulungan mong lumaki ang iyong anak na malusog, masaya, at matalino sa pama-magitan ng mga simpleng paraan lamang. Sundin ang mga gabay na ito:

• Maging maalalahanin, mapagmahal, at maagap sa pagtugon sa mga pangangailangan ng iyong anak

• Pansinin ang mga pahiwatig ng bata• Kausapin, basahan, at awitan ang iyong anak• Magtakda ng pang-araw-araw na mga gawain• Akiting maglaro at maggalugad sa mga ligtas na lugar• Maging mapili sa mga pinanonood sa telebisyon• Gamitin ang disiplina bilang isang magandang pagkakataon

para makapagturo• Tanggapin na ang bawat bata ay bukod-tangi. • Pumili ng mataas na kalidad ng pag-aalaga sa iyong anak

at makisangkot dito.• Alagaan ang iyong sarili

Tandaan na laging dalhin ang iyong anak sa doktor para sa kanilang regular na pagpapatingin at pagpapabakuna. Kunsultahin ang doktor o nars kapag ang mga bata ay may sakit o may dinaramdam.

Page 4: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Sadyang mahalaga ang haplos; pinasisigla ng hawak at haplos ang utak para magpakawala ng mahahalagang hormone na kailangan sa paglaki.

1Maging Maalalahanin, Mapagmahal,

at Maagap sa Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Iyong Anak

Hawakan. Iduyan. Kausapin. Ngitian. Awitan. Laruin.

Nagbibigay ng kapanatagan sa bata ang pakikipaglaro ng matatanda. Naaapektu-han din ng kanilang mapagkalingang pagmamahal ang pagdebelop ng utak ng bata, at naiimpluwensyahan din nito kalaunan ang kanyang pag-uugali at paraan ng pagkatuto.

Ang Mapagmahal na Pagkalinga ay Nagdudulot ng Higit na KapanataganNatuklasan nina L. Alan Sroufe, Ph.D., at ng kanyang mga kasamahan sa Paman-tasan ng Minnesota na mas madaling nakakayanan ng mga batang nakatanggap ng mainit at mabuting pagkalinga ang mga kahirapan kapag sila ay tumanda. Nagiging mausisa, madaling makihalubilo sa ibang mga bata, at nakapag-aaral sila nang mas mabuti.

Page 5: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

2Pansinin ang mga Pahiwatig ng Bata

Hindi nakapagsasalita ang mga sanggol para ipahayag ang kanilang mga nasasa-loob, nagugustuhan, o mga pangangailangan, subalit nakapagbibigay sila ng mga pahiwatig o palatandaan sa mga taong nag-aalaga sa kanila. Pakinggan ang mga tunog na nililikha nila. Panoorin kung paano sila kumilos. Pansinin ang mga ekspresyon sa kanilang mukha, kung paano sila tumitingin o kaya’y umiiwas ng tingin.

Sa malao’t madali, matutuhan mong basahin ang mga palatandaang ito at matu-tugunan mo ito nang tama. Dapat malaman ng sanggol na kapag ngumingiti siya, mayroon ding ngingiti sa kanya. Kapag nalulungkot siya, may magpapasaya sa kanya, at kapag nagugutom siya, may magpapakain sa kanya. Ang ganito kaagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga bata ay nakatutulong para ganap na mabuo ang kanilang pagtitiwala sa matatanda.

Hindi Mo Pinalalayaw ang Isang Sanggol Kung Maagap mong Tinutugunan ang Kanyang Mga PangangailanganNatuklasan sa pag-aaral na kapag maagap ang pagtugon ng mga tagapag-alaga sa pag-iyak ng sanggol, kadalasa’y hindi ito nagiging iyakin at nakatutulog pa nang mas matagal sa gabi.

Kapag babantayan mong mabuti ang iyong anak, madali mong malalaman kung siya ay nagugutom. Ang lahat ng bata ay kailangang mapakain nang masusustansyang pagkain para lumaki. Hangga’t maaari, ang mga sanggol ay dapat na pasu-suhin ng gatas mula sa ina. Ang mas matatandang bata ay dapat pakainin ng mga gulay, mga prutas, mga pagkaing mayaman sa protina at mga bitamina, at iwasan ang matataba, maaalat, o may mga preserbatibo.

Page 6: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Maging Interaktibo Kapag NagbabasaNatuklasan sa mga pag-aaral na magiging kawili-wili ang pagbabasa kung ito ay gagawin sa paraang interaktibo. Himukin mong makisali sa pagbabasa ang iyong anak. Tanungin mo siya: “Nasaan ang dilaw na tatsulok?” “Sino ang nagtatago sa likod ng pinto?” “Bigkasin natin ang ritmo nang sabay-sabay.” “Matuturuan mo bang kumanta si Tatay?” Ang maliliit na gagamba ay...”

3Kausapin, Basahan at Awitan

Mo ang Iyong AnakSabihin sa bata kung ano ang iyong ginagawa at ilarawan ang mga bagay sa inyong paligid, magparinig ng mga awitin, at bumuo ng mga sariling kuwento:

“Naghuhugas ng mga pinggan si Nanay. Ito ay tasa. Asul ang takip nito. Naghuhugas si Nanay ng asul na takip.”

Huwag ikahiya ang ganitong paraan ng pakikipag-usap sa iyong anak. Kapag paulit-ulit niyang naririnig ang iyong mga sinasabi, natutuhan ito ng mga bahagi ng kanyang utak na may tungkulin sa pagsasalita at pagdebelop ng wika. Maaaring nakababagot sa iyo ang paulit-ulit na pagkukuwento o pag-awit, ngunit natututo ang mga bata sa pamamagitan ng pag-uulit-ulit.

Ang pakikipag-usap, pagpaparinig ng awit, at pagbabasa sa iyong anak ay hindi lamang mahalaga sa pagdebelop ng kanyang utak kundi magandang pagkakataon din ito para maging malapit kayo sa isa’t isa.

Page 7: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

4Magtakda ng Pang-araw-araw

na mga GawainNalalaman ng isang bata na oras na para matulog dahil umaawit at isinasara na ng kanyang ina ang mga kurtina sa bintana —mga bagay na laging ginagawa ng kanyang ina bago siya patulugin. Nalalaman naman ng ibang bata na malapit na siyang sunduin ng kanyang ama dahil binibigyan na siya ng kanyang tagapag-alaga ng katas ng prutas at biskwit.

Ang ganitong pang-araw-araw na gawain ay nakasasanayan ng mga bata. Higit silang napapanatag dahil alam na nila kung ano ang maaaring mangyari sa kanilang kapaligiran at sa mga tao rito.

Nakatutulong sa pagbuo ng maayos at matibay na relasyon sa mga tao ang paulit-ulit na masasayang karanasan. Importante rin ito sa pagdebelop ng pagkilala at tiwala sa sarili, kakayahang mapigilan ang emosyon at pag-uuugali, at gayon din ng mga kasanayang pangkaisipan na kakailanganin nila sa pagpasok sa paaralan.

Kapag ang mga bata ay nasa sasakyan, dapat na lagi silang nasa likuran at nakasuot ng sinturong-pansasakyan. Ang ganitong palagiang gawain ay makasasanayan ng iyong mga anak at sa bandang huli, kusa na silang pupunta sa kanilang upuan at magkakabit ng sinturong- pansasakyan.

Page 8: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

5Akiting Maglaro at Maggalugad sa

mga Ligtas na Lugar Natututo ang mga bata sa pamamagitan ng paglalaro at paggagalugad. Ang isang simpleng laro na gaya ng “it-bulaga” ay nakatutulong sa bata upang matutuhan niya na may mga permanenteng bagay —kahit hindi niya ito nakikita. Natutu-han din niya ang mga sukat, hugis, at kulay sa pamamagitan ng paglalaro ng mga naisasalansang tasa.

Turuan mo ang iyong anak sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa kanya. Tanungin mo siya—“Mailalagay mo ba ang pulang tasa sa asul na tasa?” Pabayaan din siyang maggalugad sa kanyang sariling pamamamaraan—hayaan siyang gumapang, lumakad sa paligid ng kuwarto, hawakan ang mga bagay para maramdaman niya kung ano ang mga ito, itulak ang bagay para malaman kung ito ay gugulong, kalugin para malaman kung ito ay makalilikha ng tunog.

Panoorin mo ang iyong tatlong taong gulang na anak kapag siya ay tumatakbong palayo sa iyo. Mapapansin mo na palagi siyang lumilingon sa iyo para siguruhin na hindi ka umaalis. Sa kanyang pagbabalik mula na malayo, ilahad mo ang iyong mga kamay at braso para mabigyan siya ng malaking yakap. Magbibigay ito sa kanya ng tiwala na hindi mo siya iiwanan.

Kailangan laging ligtas at hindi mapanganib sa bata ang mga lugar na pinapuntahan niya. Gumamit ng mahuhusay na kagamitang de-koryente, itabi ang mga bagay na mababasag o maaaring malulon. Tang-galin ang ilawan o iba pang bagay na maaaring hatakin palapit sa kanya.

Page 9: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Maging Mapili sa mga Pinanonood sa Telebisyon

PATAyIN ANG TeLeBISyoN.

Hindi inirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) ang telebisyon sa mga batang may edad 2 o pababa. Para sa nakatatandang mga bata, inirereko-menda ng AAP ang 1 hanggang 2 oras lamang na panonood ng mga programang pang-edukasyon at hindi mararahas.

6

Ang mga batang nanonood ng telebisyon nang madalas ay nagiging mas mahina sa klase kaysa sa mga batang nanonood ng kaunting oras lamang.

Habang lumalaki ang iyong anak, maaaring dagdagan ang oras ng panonood ng telebisyon. Subalit hindi dapat gamitin ang telebisyon bilang tagapag-alaga ng bata. Piliin din ang mga pinanonood. Maraming magagandang panoorin sa telebisyon, ngunit mayroon ding nakapagpapagulo sa isipan ng mga bata o nakatatakot. Hindi laging naiintindihan ng mga bata ang pagkakaiba ng kung alin ang totoo at kung alin ang kunwari lamang. Kung maaari, samahang manood ang iyong anak at ipali-wanag sa kanya ang inyong pinanonood.

Page 10: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

7Gamitin ang Disiplina Bilang

Isang Magandang Pagkakataon Para Makapagturo

Habang lumalaki ang iyong anak, natututo siyang mag-eksperimento at magsuri. Habang ginagawa niya ito, sinusubukan niyang gawin ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa. Huwag ikagulat kung makita mo ang iyong anak na nagdadabog kapag nabigo siyang gawin ang mga bagay na gusto niya. Tulad halimbawa ng kapag binawalan mo siyang umakyat sa mas mataas na baytang ng hagdan, o kaya’y binawalan mo siyang kumain ng biskwit. Matindi ang damdamin ng isang bata at kadalasa’y hindi niya nagagawang pigilin ang kaniyang galit at pagkainis. Minsa’y nagdaramdam din ang iyong anak dahil sa pagdisiplina o pagtanggi mo sa kani-yang mga kagustuhan. Tulungan mong maiintindihan niya ang ginagawa mo para sa kanya at palagi mong ring sabihin sa kanya na mahal mo siya.

Bilang isang magulang o tagapag-alaga, dapat kang magtakda ng mga limitasyon kung hanggang saan at ano ang puwede mong ibigay sa kanya, at huwag pabagu-bago ang iyong mga dahilan kapag ipinaliliwanag mo ang kanyang mga limitasyon. Ang layunin ng pagdidisiplina ay para magturo at hindi magparusa. Kung mapananatili mo ang iyong mga patakaran nang may pagma-mahal, maipararamdam mong wala siyang dapat ipangamba at matutulungan mo rin siya kung paano makapagpigil sa sarili.

Page 11: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Mga Paraan Para Makapagturo sa Halip na Magparusa• Ipaalam sa iyong anak kung ano ang mga dapat gawin sa oras na iyon: “Alam

kong nagsasaya ka sa palaruan, ngunit oras na para tayo ay umuwi.”

• Ipabaling sa ibang bagay ang ginagawa ng iyong anak sa pamamagitan ng mahinahon at maayos na panananalita: “Hindi mabuti ang magdrowing sa pader, narito ang mga papael na maaari mong gamitin.”

• Iparamdam ang iyong pagmamahal kahit hindi mo sinasang-ayunan ang kan-yang ginagagawa: “Mahal kita pero hindi ko gusto ang iyong ginagawa.”

• Ipaliwanag ang dahilan ng iyong kautusan: “Huwag kang tumakbo na hawak ang gunting dahil maaari kang madapa at masugatan.”

• Magbigay ng kaunting gawain lamang at gawing tiyak ang iyong ipi-nagagawa: “Pakipulot ang iyong mga manikang hayop.” (Sa halip na “Pakili-nis ang iyong kuwarto”).

• Hayaan ang mga batang magpahayag ng kanilang negatibong damdamin subalit magtakda ng limitasyon: “Alam kong galit ka pero hindi ka dapat mangagat.”

• Ipaalam sa mga bata kung paano nakaaapekto sa iba ang kanilang ginagawa: “Masama ang loob ng kapatid mo dahil kinurot mo siya. Ano ang mararam-daman mo kung ikaw naman ang kanyang saktan?”

• Tulungan ang mga bata kung paano nila maipahihiwatig ang kanilang dam-damin: “Sabihin mo sa kapatid mo na ayaw mong sinasaktan ka niya.”

• Purihin ang magandang ugali: “Mabuti ang ginawa mong pagpulot sa iyong mga manikang hayop. Salamat.”

Huwag Saktan o Pagmalupitan ang Iyong AnakIpinakikita ng pananaliksik sa utak na ang parusang pisikal ay maaaring makapag-dulot ng matagal na mga negatibong epekto. Sa disiplina, natututo ng kabutihan ang mga bata subalit sa parusang pisikal, ang natutuhan nila ay takot, hiya at galit. Maaari nilang isipin na ang karahasan ang tamang paraan ng pagganti. Kaya magpakahinahon ka sumandali. Bumilang hanggang sampu. Tawagan ang isang kaibigan o kamag-anak para hingan ng payo. Huwag batikusin o ipahiya ang bata. Punahin ang kanyang asal at hindi ang kanyang pagkatao.

Page 12: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

8Tanggapin na Bukod-tangi

ang Bawat Bata Magkakaiba ang ugali ng mga bata. Magkakaiba rin sila ng bilis sa paglaki. Kung ano ang ipinakikita mong pagtingin sa iyong anak, ganoon din ang paraan ng pagtingin niya sa kanyang sarili. Kapag lagi mong sinasabi na siya ay mangmang o walang kakayahan, maniniwala siya sa iyo at dahil dito, magiging mababa ang pagtingin niya sa kanyang sarili. Kapag sinasabi mo namang siya ay matalino at mahusay, gayon din, maniniwala siya sa iyo.

Kapag natutuhan ng batang mapaglabanan ang mga pagsubok sa pang-araw-araw na buhay, magiging maganda ang tingin niya sa kanyang sarili. Kapag lagi mong pinu-puri ang magaganda niyang nagawa, pinalalakas mo ang kanyang pagpapahalaga sa sarili: “Naakyat mong mag-isa ang mga baitang na iyon. Ang galing mo!”

Huwag ihambing ang isang bata sa ibang bata o kaya’y asahan na sila ay magka-katulad sa lahat ng bagay. Bawat bata ay nabubukod-tangi at kahanga-hanga. Higit na pansinin ang kanilang mga nagawa at mga kinagigiliwan. Palakasin ang mga ito para lalong maitaas ang kanilang pagpapahalaga sa sarili.

Ipagsaya Ang Iyong PagkataoNabubukod–tangi rin ang iyong anak dahil sa kinabibilangan niyang kultura, etniko, at mga tradisyong pampamilya. Tulungan ang iyong anak na maunawaan at mapahalagahan ang inyong kultura at pinagmulan. Makatutulong din ito sa pagdebelop ng kanyang pagpapahalaga sa sarili. Kung laging naiiwan ang bata sa kanyang tagapag-alaga, ipaalam mo rin sa kanya ang inyong kinagisnang kaugalian. Matutuwa ang iyong anak kung ituturo mo rin sa kanya ang tungkol mga katutu-bong pagkain at mga laro. Turuan mo rin siyang tanggapin at pahalagahan ang mga tradisyon at kaugalian ng ibang tao.

Page 13: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

9Pumili ng Mataas na Kalidad ng

Pag-aalaga sa Bata at Makisangkot DitoAng pagpili ng tagapag-alaga ang isa sa pinakamahalagang desisyon ng bawat pamilya. Batay sa pananaliksik, ang batang nakaranas ng mataas na kalidad ng pag-aalaga, na kung saan kasangkot din sa pag-aalaga ang kanyang pamilya, ay higit na nakapagpapakita ng kahusayan sa pag-aaral—sa magkaparehong aspetong pang-akademiko at pakikipagkapuwa-tao.

Bisitahin ang bawat isang tagapag-alaga, at obserbahan kung paano siya makitungo at makipag-ugnayan sa mga bata. Pumili ng tagapag-alagang makatutugon sa pangangailangan ng bawat bata, yaong nagpapakita ng interes na malaman kung paano niya malilinang ang kakayahan ng mga batang inaalagaan niya, at yaong nakikihalubilo rin sa malikhaing paglalaro at paggagalugad ng mga bata.

Pumili ng malinis at ligtas na lugar para sa iyong anak. Tiyaking may sapat na tagapag-alaga para sa iyong anak upang mabigyan siya ng isahang atensyon. Masu-sing tanungin o kilalanin ang mga taong ibinigay na sanggunian ng tagapag-alaga.

Dapat na laging ligtas at nasa malinis na kapaligiran ang iyong anak. Dapat mayroon din silang sapat na mga tauhan para madaling matugunan ang mga pangangailangan ng bawat bata Himukin din ang mga bata makilahok sa mga malikhaing gawain.

Bisitahin ang Knowledge Center sa www.earlylearning.org para sa mga mungkahi tungkol sa pagpili ng tagapag-alaga na nababagay inyong pamilya

Pagkatapos makapili ng tagapag-alaga para sa iyong anak, sikapin mong maki-sangkot dito. Bumisita nang biglaan paminsan-minsan para malaman kung ano ang ginagawa ng iyong anak. Humingi ng palagiang ulat tungkol sa kanyang pag-unlad. At huwag ikatakot ang pagbibigay ng magagandang mungkahi para mapabuti ang karanasan ng iyong anak sa naturang lugar.

Page 14: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Matinding Kalungkutan Pagkatapos ng PanganganakIba’t ibang antas ng kalungkutan o depre-syon ang nararanasan ng maraming ina pagkatapos nilang manganak. Ito ay dulot ng pabagu-bagong hormones sa iyong katawan; at hindi ito dapat ikaba-hala dahil normal lamang ang ganitong pangyayari. Kapag unti-unting napapawi ang depresyon sa loob ng unang anim na buwan, hindi ito magkakaroon ng matinding epekto sa bata. Subalit kapag ang sobrang kalungkutan ay nagtagal ng isang taon o ng mahigit pa, maaari itong magkaroon ng pangmatagalang epekto sa bata. Humingi ng tulong kung sa palagay mo’y nagiging malulungkutin ka pagkata-pos manganak. Para rin ito sa kabutihan mo at ng iyong anak.

10Alagaan Mo Ang Iyong Sarili

Matrabaho ang modernong pamumuhay at mahirap hanapan ng oras ang mga bagay na dapat gawin at tapusin. Para maisakatuparan mo ang iyong tungkulin bilang isang magulang, kailangan mong baguhin ang iyong pang-araw-araw na gawain; baka kailangan mong tumigil pansamantala sa mga dati mong gawain; kailangan mong makapagpahinga nang mabuti at magkaroon ng panahon para sa iyong sarili at sa iyong buong pamilya. Kung maaari, humanap ka ng mag-aalaga sa iyong anak para magkaroon ka rin ng panahon sa iyong sarili at makapagpahinga. Nasa maayos na kalagayan ang iyong anak kaya huwag mo siyang alalahanin. Alagaan mo lagi ang iyong sarili para magampanan mo nang buong lakas at husay ang mapaghamon at kasiya-siyang tungkulin ng pagiging isang magulang, ang pinakauna at pinakaimportanteng guro ng iyong mga anak.

Page 15: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

Foundation for Early LearningMga impormasyon at mga kagamitan para sa Paghahanda sa Pagpasok sa Paaralan.•www.earlylearning.org

Healthy Mothers, Healthy CoalitionMga impormasyon at sanggunian ng mga serbisyong pangkalusugan at mga tulong sa mga ina matapos manganak.•1-800-322-2588•www.hmhbwa.org

Washington State Child Care Resource and Referral NetworkTalaan ng mga sanggunian sa pag-aalaga ng mga bata at mga programang naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa lisensyadong pag-aalaga sa bata at mga mungkahi para sa pagpili ng mga tagapag-alaga.•1-800-446-1114•www.childcarenet.org

Child ProfilePangangalaga sa kalusugan at pagpapabakuna sa estado ng Washington.•1-800-325-5599•www.childprofile.org

Department of Social & Health Services/Division of Child Care and Early LearningNagkakaloob ng mahusay at maayos na pakikipagtulungan ng mga serbisyong pag-aalaga ng bata sa mga pamilya at tagapag-alaga.•1-866-482-4325(librengtawag)•http://www1.dshs.wa.gov

pumunta sa “Quick Links - Child Care”

Postpartum Support InternationalWashington•1-888-404-PPMD•http://ppmdsupport.com

MGA SANGGUNIAN SA IBA’T IBANG eSTADo

Kinikilala ng Foundation for early Learning ang mga magulang bilang pinakauna at pinakamahalagang guro ng kanilang mga anak. Ang mga impormasyon sa munting librong ito ay inilahad para pahalagahan ang maagang pagkatuto at seguraduhin na ang mga bata ay handa nang pumasok sa paaralan.

Page 16: Tagalog - Ten Simple Ways to Encourage Learning

© 2009 Foundation for Early Learning. Reconocimientos: foto pág. 5: MedioImages; foto pág. 8: Jupiter Images; foto pág. 13: Chris Karges Photography; fotos págs. 1, 4, 6, 7, 10, 12, 14: comstock.com

615 SECOND AVENUE

SUITE 525

SEATTLE, WA 98104

P. 206.525.4801

F. 206.525.4822

www.earlylearning.org

Ang pagsasalin sa Tagalog ay donasyon ni Armilito J. Pangilinan sa pagpupunyagi ng kanyang ina na si Teofila J. Pangilinan.

Ang pagsasalin sa Tagalog ay ginawa ni Leticia C. Pagkalinawan. Tumulong sa pagsasalin sina Vanessa A. Pangilinan at Dorine P. Gutierrez.