tahanan at paaralan...titulo i, bahagi a pang-estadong inisyatibo sa pakikibahagi ng magulang at...

9
Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan. Hanggang noong bakasyon ng taglamig, ang mga mag- aaral at mga guro ay puno ng enerhiya upang makamit at maabot ang matataas na layuning pang-akademya. Hinihikayat ng mga guro ang mga mag-aaral at nagsasabing, "Alam kong kaya mo ito!" Kinakabahang inuulit naman ito ng mga mag-aaral, "Sa tingin ko kaya ko ito." Ngunit, anong susunod? Para sa ilan, tulad ng isang roller coaster, nakarating na sila sa unang mataas na tuktok at ngayon na ang panahon para tumungo sa Mayo. "Pababa na ito, baby. I-enjoy mo na ang sakay." Nagsisimula nang umunti ang pagsisikap. Nagpapakita na nang hindi inaasahang pagbabago sa mga kilos at pag-uugali. Sa kalaunan, matatapos din ang sakay na ito nang may sapat na tagumpay upang maipasa ang STAAR at makasulong sa susunod na baitang ngunit nabawasan na ang pagkatuto ng mga bagong konsepto. Para sa ilan, nagsisimula sa tagsibol ang summer slide o pagbaba ng abilidad na matuto dahil sa mahabang bakasyon ng tag-init. Naiintidihan ng iba na ang bakasyon ng taglamig ay panandaliang panahon upang mag-recharge, dahil marami pang tuktok na kailangang maabot. STAAR. Pagtatapos. Pagiging matatag upang malampasan ang kawalan ng tirahan o ang isang bully. Pagpapabuti ng kakayahan sa pagbasa habang kinakalaban ang dyslexia. Katatagan laban sa mga prehudisyo tungkol sa mga imigrante at mga balakid sa wika. Kung sa tingin mo ay kaya mong abutin ang susunod na tuktok ng tagumpay, tama ka. Kung ganoon, ano ang susunod? Patatagin ang mga ideya na nagbubunga ng tagumpay: Kumain nang masusustansiya at balenseng mga pagkain Magpahinga at matulog nang sapat Kompletuhin ang mga takdang-aralin araw-araw Magbasa ng isang libro o magasin na gusto mo sa araw-araw Subaybayan ang paggamit ng social media at ang oras ng paglalaro ng mga electronic game Mag-ehersisyo araw-araw May benepisyo at masaya ang mga aktibidad na hindi bahagi ng kurikulum, ngunit huwag sobrahan ang paglaanan ng oras sa mga ito. Ngayon din ang pinakamainam na oras para mag-usap ang magulang at guro tungkol sa progreso ng bata. Bilang bata na mahusay sa agham at matematika – hindi ako 'sing husay sa sining ng wika – hindi ako interestado sa kasaysayan ngunit gusto ko ng heograpiya. Ang bawat bata ay may katangi-tanging mga lakas at kahinaan. Umuunlad ang mga bata, sa pang-akademiko at pisikal, nang hindi sabay-sabay at may mga biglang pagbilis at mga paghinto. Makipag-usap sa guro ng iyong anak upang magtanong kung paano mo matutulungan ang iyong anak sa semestre ng tagsibol na ito. Nais mong makita ang iyong anak na magtapos nang malakas. Nais mong sabihin sa iyong anak na, "Alam kong kaya mo ito." Nais mong marinig mula sa iyong anak na, "Alam kong kaya ko rin ito." Mga Leksiyon sa Buhay Alora M. Knight Nakikita kong nakitingin ka sa iyong mga anak, Iniisip kung ano ang kanilang magiging buhay. Kung aalamin mo ang ilang mga sagot Maaari mong makita ang kanilang kinabukasan. Tinuruan mo ba silang maging matapat? Tinuruan mo ba silang maging mabait? Nabigyan mo ba sila ng karunungan Na kailangan para hindi tingnan ang tao ayon sa kulay? Tinuruan mo ba silang maging mapagmalasakit Para sa mga may kapansansan? Binabasahan mo ba sila bago matulog? Tinuruan mo ba silang magdasal? Naglaan ka ba ng oras para sabihan sila Kung gaano kalaking mirakulo ang buhay? Kung paano maunawaan ang kalikasan, At ibahagi ang ganda nito? Tinuruan mo ba sila ng kahalagahan Ng pagkakaroon ng respeto sa isa't-isa? Magpasalamat, at hindi maging mapagmataas Kapag nakakaangat sa buhay? Sinasabihan mo ba silang mahal mo sila Nang walang duda, Para alam nilang ito ay Isang bagay na hindi nila makakaligtaan? Nais nating isipin na nagawa natin ang lahat. Minsan totoo iyon. Masasagot mo ba ng 'oo' ang lahat ng tanong ko? Iiwan ko na ito sa'yo. Hiling ko na ang iyong sagot ay positibo, Para alam kong makikita mo Ang kinabukasang puno ng saya Tulad nang dapat nating matamo. Skip Forsyth The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) Tahanan at Paaralan Bolyum 16 2020, Ika-3. Quarter “Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago” ““Tama”Sa tingin mo man ay kaya mo o sa tingin mo man ay hindi, parehong totoo ito.” – Henry Ford Sa tingin ko kaya ko. Sa tingin ko kaya ko. Sa tingin ko kaya ko... Alam kong kaya ko." – The Little Train That Could (Ang Maliit na Tren Na Nagsabing "Kaya Ko")

Upload: others

Post on 26-Mar-2020

15 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan. Hanggang noong bakasyon ng taglamig, ang mga mag-aaral at mga guro ay puno ng enerhiya upang makamit at maabot ang matataas na layuning pang-akademya. Hinihikayat ng mga guro ang mga mag-aaral at nagsasabing, "Alam kong kaya mo ito!" Kinakabahang inuulit naman ito ng mga mag-aaral, "Sa tingin ko kaya ko ito." Ngunit, anong susunod?Para sa ilan, tulad ng isang roller coaster, nakarating na sila sa unang mataas na tuktok at ngayon na ang panahon para tumungo sa Mayo. "Pababa na ito, baby. I-enjoy mo na ang sakay." Nagsisimula nang umunti ang pagsisikap. Nagpapakita na nang hindi inaasahang pagbabago sa mga kilos at pag-uugali. Sa kalaunan, matatapos din ang sakay na ito nang may sapat na tagumpay upang maipasa ang STAAR at makasulong sa susunod na baitang ngunit nabawasan na ang pagkatuto ng mga bagong konsepto. Para sa ilan, nagsisimula sa tagsibol ang summer slide o pagbaba ng abilidad na matuto dahil sa mahabang bakasyon ng tag-init.Naiintidihan ng iba na ang bakasyon ng taglamig ay panandaliang panahon upang mag-recharge, dahil marami pang tuktok na kailangang maabot. STAAR. Pagtatapos. Pagiging matatag upang malampasan ang kawalan ng tirahan o ang isang bully. Pagpapabuti ng kakayahan sa pagbasa habang kinakalaban ang dyslexia. Katatagan laban sa mga prehudisyo tungkol sa mga imigrante at mga balakid sa wika. Kung sa tingin mo ay kaya mong abutin ang susunod na tuktok ng tagumpay, tama ka.Kung ganoon, ano ang susunod? Patatagin ang mga ideya na nagbubunga ng tagumpay:

� Kumain nang masusustansiya at balenseng mga pagkain � Magpahinga at matulog nang sapat � Kompletuhin ang mga takdang-aralin araw-araw � Magbasa ng isang libro o magasin na gusto mo sa araw-araw � Subaybayan ang paggamit ng social media at ang oras ng paglalaro ng mga electronic game

� Mag-ehersisyo araw-araw � May benepisyo at masaya ang mga aktibidad na hindi bahagi ng

kurikulum, ngunit huwag sobrahan ang paglaanan ng oras sa mga ito.

Ngayon din ang pinakamainam na oras para mag-usap ang magulang at guro tungkol sa progreso ng bata. Bilang bata na mahusay sa agham at matematika – hindi ako 'sing husay sa sining ng wika – hindi ako interestado sa kasaysayan ngunit gusto ko ng heograpiya. Ang bawat bata ay may katangi-tanging mga lakas at kahinaan. Umuunlad ang mga bata, sa pang-akademiko at pisikal, nang hindi sabay-sabay at may mga biglang pagbilis at mga paghinto. Makipag-usap sa guro ng iyong anak upang magtanong kung paano mo matutulungan ang iyong anak sa semestre ng tagsibol na ito. Nais mong makita ang iyong anak na magtapos nang malakas. Nais mong sabihin sa iyong anak na, "Alam kong kaya mo ito." Nais mong marinig mula sa iyong anak na, "Alam kong kaya ko rin ito."

Mga Leksiyon sa Buhay

Alora M. Knight

Nakikita kong nakitingin ka sa iyong mga anak,

Iniisip kung ano ang kanilang magiging buhay.

Kung aalamin mo ang ilang mga sagot

Maaari mong makita ang kanilang kinabukasan.

Tinuruan mo ba silang maging matapat?

Tinuruan mo ba silang maging mabait?

Nabigyan mo ba sila ng karunungan

Na kailangan para hindi tingnan ang tao ayon

sa kulay?

Tinuruan mo ba silang maging mapagmalasakit

Para sa mga may kapansansan?

Binabasahan mo ba sila bago matulog?

Tinuruan mo ba silang magdasal?

Naglaan ka ba ng oras para sabihan sila

Kung gaano kalaking mirakulo ang buhay?

Kung paano maunawaan ang kalikasan,

At ibahagi ang ganda nito?

Tinuruan mo ba sila ng kahalagahan

Ng pagkakaroon ng respeto sa isa't-isa?

Magpasalamat, at hindi maging mapagmataas

Kapag nakakaangat sa buhay?

Sinasabihan mo ba silang mahal mo sila

Nang walang duda,

Para alam nilang ito ay

Isang bagay na hindi nila makakaligtaan?

Nais nating isipin na nagawa natin ang lahat.

Minsan totoo iyon.

Masasagot mo ba ng 'oo' ang lahat ng tanong ko?

Iiwan ko na ito sa'yo.

Hiling ko na ang iyong sagot ay positibo,

Para alam kong makikita mo

Ang kinabukasang puno ng saya

Tulad nang dapat nating matamo.

Skip Forsyth

The Parent and Family Engagement Connection (Ang Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya)

Tahanan at PaaralanBolyum 16

2020, Ika-3. Quarter“Sama-Sama Tayong Makakagawa ng Pagbabago”

““Tama”Sa tingin mo man ay kaya mo o sa tingin mo man ay hindi, parehong totoo ito.” – Henry FordSa tingin ko kaya ko. Sa tingin ko kaya ko.

Sa tingin ko kaya ko... Alam kong kaya ko." – The Little Train That Could (Ang Maliit na

Tren Na Nagsabing "Kaya Ko")

Page 2: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

2

MGA MASASAYANG BAGAY NA PUWEDENG GAWIN KASAMA ANG IYONG MGA ANAK HABANG SPRING BREAKKung ikaw ay isang magulang ng mga batang nag-aaral, marahil naghahanap ka ng abot-kaya, nakakalibang at (ayaw mo man isipin) mga edukasyonal na aktibidad para may ginagawa ang iyong mga anak habang spring break. Maaari mo naman silang payagan na manuod ng tv, maglaro sa cellphone o mga game station at bigyan ng 10 bag ng Doritos, ngunit maaaring mayroong mas mainam na mga paraan upang malibang ang iyong mga anak. Narito ang ilang alternatibo sa TV sitter na matutuwa ka at iyong mga anak!1. Maging mga turista sa inyong sariling lugarKapag namamasyal sa isang bagong bayan o lungsod, madalas nating napapansin ang mga bagay at binibisita ang mga sikat na lugar na hindi na napapansin ng mga taga-doon, mga bagay na nagbibigay rito ng katangian at ganda na siyang nagpipinta ng kulay ng lugar na ito sa mga hindi taga-doon--kung kaya't maaari itong maging isang nakakatuwang pagbabago ng rutina at maging turista sa iyong sariling bakuran.Bilang lumaki sa Twin Cities, nagplano ang aking mga magulang ng mga regular na field trip ng pamilya sa aming bayan sa iba't-ibang atraksiyon para sa mga turista, at bilang bata nagustuhan kong matutuhan ang kasaysayan ng lugar na aking tinuring na tahanan.2. Mag-picnic sa bakuranDalhin ang iyong pagkain mula sa kainan sa loob patungo sa bakuran, at ito ay isang masaya at madaling paraan upang mas maging masigla ang isang normal na araw na tila walang kaganapan. Ilabas ang iyong paboritong checkered na kumot, gumawa ng ilang mga sandwich, at para sa dagdag na puntos ng mga alaala ng nakaraan, magpatulong sa iyong mga anak na ilagay ito sa picnic basket at lumabas para magtanghalian sa ilalim ng araw!3. Magtungo sa isang maikling bakasyonSyempre, lahat naman ay gustong magbakasyon nang isang linggo sa Bahamas, ngunit hindi naman kailangan ng iyong mga anak na ang kanilang bakasyon sa tagsibol ay maging kapareho nang kung ano ang nakikita sa mga palabas upang matuwa sila. Sa halip, mag-road trip at bisitahin ang iyong mga magulang, mga kapatid, o dating kaibigan noong kolehiyo na may mga anak na halos kapeho ng edad ng iyong mga anak. Kahit na ito ay 45 minuto lamang, isang masiglang pagbabago sa iyong pang-araw-araw na buhay ang pagpalit ng tanawin, makakapagkuwentuhan ka sa mga taong hindi mo madalas makita, at maaaring magkaroon ng mga bagong kaibigan ang iyong mga anak.4. Magluto kasama ang mga bataDali! Ano ang paboritong lutong-bahay ng iyong anak? Mac and cheese? Spaghetti? Mga chocolate cookie? Anupaman ang kanilang gusto sa pagluluto, marahil maaari silang makumbinsi na maglaan ng oras kasama ka sa kusina para magluto ng kanilang paboritong pagkain. Ang pagluluto kasama ang mga bata ay nagbibigay sa kanila ng pagkakaroon ng responsibilidad at paggawa, at makakatulong na magturo sa kanila ng mga kasanayan sa totoong buhay na kanilang magagamit sa mga darating na taon. Ang ilan sa aking mga pinakagustong alaala ng pagkabata ay ang mga panahon na tinutulungan ko ang aking mga magulang na maghanda ng mga pagkain para sa pamilya: paghahalo ng mabangong sopas, pagkuha ng isang kutsarang cookie dough, at pagsilip sa bintana ng oven habang inaabangan ang pag-alsa ng mga cookie.

5. Maglaan ng isang araw sa inyong lokal na librarySa makasaysayang mga salita ni Arthur, ang Aardvark: "Hindi mahirap magsaya kung mayroon kang card sa library!" Ipakita sa iyong mga anak ang nakakahumaling na mahika ng pampublikong silid aklatan sa paglaan ng isang maghapon at tingnan ang lalagyan ng mga aklat. Karamihang mayroong parehong silid ng pagbabasa para sa mga bata na maraming komportableng upuan AT napakaraming naka-iskedyul na mga kaganapan bawat linggo para sa mga bata sa mga silid aklatan. Tingnan ang kalendaryo bago pumunta, at tiyakin na mag-sign up sila para sa kanilang sariling card sa library bago ang araw na iyon. Naalala ko pa rin kung gaano ko naramdaman na importante at parang matanda na ako noong natanggap ko ang aking unang card sa library. Nasa pitaka ko pa rin ito hanggang ngayon.6. Tuklasin ang mga malapit na museo, zoo at konserbatoryoAng araw sa museo ay isang mainam na paraan upang malibang at matuto ang mga bata habang sila ay hindi pumapasok sa paaralan. Habang ang ilan dito ay maaaring may kamahalan at hindi kalibang-libang para sa mga bata, kung alam mo kung saan maghahanap, tiyak na makakahanap ka ng ilang mga pagpipilian na hindi mahal (o libre!) sa inyong lugar. Maghanap ng mga aquarium, greenhouse, zoo na maaaring mahawakan ang mga hayop, at anumang museo na may mga gamit na maaaring pagkaabalahan ng mga bata (tulad ng Museong Pambata, Discover Center o Museong Pang-agham). Ang isang araw sa lokal na museo ay maaaring maging masaya para sa iyong mga anak kung gagawin mo itong isang scavenger hunt! Gumawa ng listahan ng 25 iba't-ibang mga piraso sa loob ng museo at ipahanap ito sa iyong mga anak bago kayo makaalis.7. Mag-hike at maglakad kasama ang kalikasanWala nang mas gaganda pa sa kalikasan. Ayain ang iyong mga batang anak na tumayo mula sa sofa at maglakad-lakad sa lokal na kagubatan, magtampisaw sa ilog, o mag-hike sa pinakamalapit na bundok. Walang tatalo sa malamig na simoy ng hangin sa tagsibol, at kung maswerte ka, maaari ka pang makakita ng mga hayop habang naglalakad! Tiyakin na magbaon ng meryenda at maraming tubig, at huwag mag-alinlangan na hayaan ang iyong mga anak na huminto at tuklasin ang kanilang kapaligiran hangga't gusto nila.Sipi mula sa Brad's Deal, 10 Masasayang Bagay na Maaaring Gawin Kasama ang Mga Bata Habang Spring Break ni Caroline Thompson

Page 3: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

3

Ngunit para sa mga bata, ang ibig sabihin ng ehersisyo ay paglalaro at pagiging pisikal na aktibo. Ang mga bata ay nag-eehersisyo kapag mayroon silang klase sa gym sa paaralan, habang recess, sa klase sa pagsayaw o ensayo ng soccer, habang nagbibisikleta, o kapag naglalaro ng tayatayaan (tag).

ANG MARAMING BENEPISYO NG EHERSISYO

Ang lahat ay makakatanggap ng benepisyo mula sa regular na pag-eehersisyo. Ang mga aktibong bata ay magkakaroon ng:

• Mas malalakas na mga kalamnan at buto• Mas balingkinitan na mga katawan • Mas mababang panganib ng pagiging sobra sa timbang • Mas mababang tyansa na magkaroon ng type 2 diabetes • Mas mababang presyon ng dugo at mga antas ng kolesterol

sa dugo • Mas mabuting pananaw sa buhayMaliban sa pagtamasa ng mga pangkalusugang benepisyo ng ehersisyo, mas nakakatulog nang maaayos ang mga malusog na bata. Mas makakayanan din nila ang mga pisikal at emosyonal na mga hamon, mula pagtakbo para habulin ang bus hanggang sa pag-aaral para sa isang pagsusulit.

ANG TATLONG ELEMENTO NG MALAKAS NA PANGANGATAWAN (FITNESS)

Kung nakakakita ng mga batang nasa palaruan, nakita na ng iyong dalawang mata ang tatlong elemento ng malakas na pangangatawan kapag sila ay:

1. Tumatakbo mula sa bata kung sino ang taya (katatagan)

2. Pagtawid sa mga mongkey bar (lakas)

3. Pagtuwad upang itali ang sintas ng kanilang sapatos (pleskibilidad)

Dapat na hikayatin ng mga magulang ang kanilang mga anak na gumawa ng iba't-ibang mga aktibidad upang masanay sila sa lahat ng tatlong elemento.

https://kidshealth.org/en/parents/exercise.html

Isinulat ng Mayo Clinic Staff: https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/childrens-health/in-depth/nutrition-for-kids/art-20049335

NUTRISYON PARA SA MGA BATA:Gabay para sa masustansiyang dietAng nutrisyon para sa mga bata ay batay sa mga parehong prinsipyo ng nutrisyon para sa mga may hustong gulang. Lahat tayo ay kailangan ng pareparehong uri ng mga sustansiya — tulad ng mga bitamina, mineral, carbohydrate, protina at taba. Samantala, kailangan ng mga bata ng iba't-ibang dami ng espesipikong sustansiya sa iba't-ibang edad.Ano kaya ang pinakamainam na pormula para sa paglaki at pagunlad ng iyong anak? Tingnan ang mga pangunahing isinasaalang-alang sa nutrisyon para sa mga batang babae at lalaki sa iba't ibang edad, batay sa pinakabagong Gabay sa Pagkain para sa Mga Amerikano (Dietary Guidelines for Americans).

Isaalang-alang ang mga masustansiyang pagkain na ito: � Protina. Piliin ang lamang-dagat, hindi matabang karne at manok, mga

itlog, beans, gisante (pea), mga produktong gawa sa soya (soy), at hindi inasinang mga mani at buto.

� Mga prutas. Hikayatin ang iyong anak na kumain ng maraming uri ng sariwa, de-lata, pinagyelo o pinatuyong mga prutas — kaysa sa juice na gawa sa prutas. Kung umiinom ang iyong anak ng juice, tiyakin na ito ay 100 porsiyentong juice na walang idinagdag na mga asukal at limitahan ang kaniyang inumin. Maghanap ng de-latang prutas na nagsasabing ito ay "light" o "packed in its own juice" (juice na mismong galing sa prutas), na nangangahulugang kaunti lamang ang idinagdag na asukal. Tandaan na ang isang sangkapat ng tuyong prutas ay kapareho ng isang tasa ng prutas. Kapag kumain nang mas marami rito, daragdag lamang ang mga pinatuyong prutas sa sobrang mga calorie.

� Mga gulay Maghain ng iba't-ibang sariwa, de-lata, pinagyelo o pinatuyong mga gulay. Layunin na magbigay ng iba't-ibang uri ng mga gulay linggo-linggo, kabilang ang mga kulay berde, pula at orange, mga beans at gisante (pea), ma-gawgaw (starchy) at iba pa. Kapag namimili ng mga de-lata o pinagyelong mga gulay, maghanap ng mga opsiyon na mababa sa sodium.

� Mga butil. Pumili ng mga purong butil (whole grain), tulad ng tinapay na purong trigo (whole-wheat), oatmeal, popcorn, quinoa, o brown o wild rice. Limitahan ang mga pinrosesong butil tulad ng puting tinapay, pasta at bigas/kanin.

� Mga produktong gawa sa gatas. Hikayatin ang iyong anak na kumain at uminom ng walang taba (fat-free) o kaunting taba (low-fat) na mga produktong gawa sa gatas, tulad ng gatas, yogurt, keso o pinagtibay na inuming gawa sa soya (fortified soy beverage).

Layunin na limitahan ang mga calorie ng iyong anak mula sa: � Idinagdag na asukal. Limitahan ang idinagdag na asukal. Ang mga

natural na asukal, tulad ng mga nasa prutas at gatas, ay itinuturing na hindi idinagdag na asukal. Kabilang sa mga halimbawa ng mga idinagdag na asukal ang pulang asukal (brown sugar), pampatamis na gawa sa mais, syrup ng mais, pulut-pukyutan (honey) at iba pa.

� Mga saturated at trans fat. Limitahan ang mga saturated fat — mga taba na nanggagaling sa mga hayop na pinagmulan ng pagkain, tulad ng pulang karne, manok at purong taba (full-fat) na mga produktong gawa sa gatas. Maghanap ng mga paraan upang palitan ang mga saturated fat ng mga mantika galing sa gulay o mani, na siyang nagbibigay ng mga kailangang fatty acid at bitamina E. Ang mga mas masustansiyang taba ay natural ding matatagpuan sa mga olive, mani, avocado at lamang-dagat. Limitahan ang mga trans fat sa pag-iwas sa mga pagkaing bahagyang mayroong hydrogenated oil.

Isinulat ng Mayo Clinic Staff:

Kapag nag-iisip ang mga may hustong gulang tungkol sa ehersisyo, naiisip nila ang pag-work out sa gym, pagtakbo sa treadmill o pagbubuhat ng mga weight.

Page 4: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

4

Mga Paraan Upang Hikayatin ang Iyong AnakAng ilang bata ay may motibasyon sa paggawa ng ilang bagay (self-motivated). At ang ibang bata naman ay mas kaunti ang motibasyon at kailangan ng kaunting tulong o mas maraming paghihikayat. Kung iniisip mo kung paano bigyan ng motibasyon ang iyong anak, maaaring naisip mo agad ang pagbibigay ng gantimpala o regalo sa iyong anak sa bawat hakbang na tinatahak niya na naaayon sa tamang direksiyon, at pagbibigay nga mga parusa sa mga hakbang na tinatahak sa maling direksiyon. Sa totoong buhay, ang pinakamainam na paraan ay maghinayhinay sa mga gantimpala at parusa at hulmahin ang kaniyang internal na motibasyon—tulungan siyang maramdaman ang mga pakiramdam ng paggampan ng isang bagay at ang kasiyahan sa pagkompleto ng isang maayos na trabaho. Upang alamin kung ano ang nagbibigay motibasyon sa iyong anak, tingnan ang 10 paraan na ito upang palakasin ang kanilang motibasyon:

1. Magtakda ng mga Layunin. Hayaan mo silang magtakda ng mga layunin. Gumawa ng listahan ng mga panandaliang layunin at isa para sa pangmatagalang layunin. Tiyakin na ang mga layunin ay kayang magawa ngunit kailangan ng pagsisikap upang makamit ito.

2. Gumawa ng Plano. Upang makamit ang mga layunin, kailangan mo ng plano. Tulungan ang iyong anak na gumawa ng estratehiya sa pagkamit ng kanilang mga layunin. Gumawa ng step-by-step na plano upang magawa ang mga ito.

3. Ipagdiwang ang mga Natapos. Kapag nakakatapos ang iyong mga anak ng kanilang mga layunin, ipakita sa kanila na ipinagmamalaki mo sila. Sabay na ipagdiwang ang mga tagumpay na ito.

4. Gawing Kompetitibo ang mga Bagay. Hikayatin ang malusog na kompetisyon. I-cheer o palakasin ang loob ng iyong anak upang matalo ang ibang tumatakbo sa kompetisyon o upang manalo ng trophy sa spelling bee. Gawing tungkol sa pagiging positibo at lakas ng iyong anak ang kompetisyon at hindi tungkol sa negatibong mga bagay at mga kahinaan ng kalaban.

5. Hikayatin Sila. Ipakita sa iyong mga anak na naniniwala ka sa kanila. Sabihin sa kanila kung gaano sila kagaling. Ipawalang saysay ang anumang duda sa sarili o mga takot na mayroon sila.

6. Magpakita ng Interes. Alamin ang mga interes ng iyong anak. Kausapin ang iyong anak tungkol dito at makinig. Ipapakita nito sa iyong anak na may pakialam ka at maaari silang makipag-usap sa iyo tungkol sa kanilang mga interes.

7. Tuklasin ang Silakbo ng Damdamin (Passion). Hikayatin ang iyong anak na tuklasin kung ano ang sumisiklab sa kanilang damdamin. Maaaring kailangang subukan ito ng ilang beses. Suportahan ang iyong anak sa paglalakbay na ito patungo sa kanilang pagsiklab at hikayatin sila na ipagpatuloy ito hanggang mahanap nila.

8. Manatiling Positibo. Manatiling may positibong pananaw para sa iyong mga anak. Kung nakakakita sila ng takot o duda sa iyong mga mata, maaaring mawalan sila ng kumpiyansa sa sarili. Mas magiging positibo ang kanilang pananaw sa isang sitwasyon kapag positibo ang pagtahak dito.

9. Gawin Silang Masigasig. Gawing masigasig ang iyong mga anak tungkol sa kanilang mga layunin at ambisyon. Ipakita mo rin na ikaw ay masigasig tungkol dito. Itutulak sila ng positibong enerhiya at adrenaline upang ipagpatuloy ang kanilang pinagpaguran at maging masaya sa kanilang mga pagsisikap.

Bahagi mula sa 10 Paraan Upang Hikayatin ang Iyong Anak. Ginamit nang may permiso ni Dr. Scott Turansky

PAGTUTURO SA MGA BATA NG PERSONAL NA KALIGTASAN

Ituro ang mga Tip ng Kaligtasan Tungkol sa "Stranger Danger" (Panganib ng mga Hindi Kakilala) Na Ito sa Iyong Mga Anak � Umiwas sa mga madilim o walang taong mga lugar. � Huwag sumagot o buksan ang pinto kung ikaw ay mag-isa sa bahay.

� Huwag sabihin sa kaninuman sa telepono na mag-isa ka lamang sa bahay. Sabihin na may ginagawa ang iyong mga magulang. Maaari ka bang kumuha ng mensahe para sa kanila.

� Huwag magtiwala sa hindi kilala maliban na lamang kung may kasama kang matanda na mapagkakatiwalaan.

� Kung sinusubukan ng hindi kilala na bigyan ka ng isang bagay o na dalihin ka sa isang lugar, magsabing "hindi," tumakbo, at sabihan ang isang matanda na iyong mapapagkatiwalaan.

Kunin ang mga DetalyePilitin ang iyong mga anak na palaging sabihan ka o ibang mapagkakatiwalaang matanda kung nasaan sila, sino ang kasama, at kung kailan sila makakarating.Maghanap ng ImpormasyonTuruan ang iyong mga anak na palaging magsabi sa iyo kung mayroong tao na hinahawakan sila sa paraang hindi sila komportable.Magtalaga ng Mga Tagubilin sa Paggamit ng KompyuterKung nagsu-surf ang iyong anak sa Internet, subaybayan ang mga Web site na kanilang binibisita. Sabihin sa kanila na huwag magbigay kaninuman ng personal na impormasyon maliban kung sabihin mo na OK ito at na huwag manatili sa anumang site o anumang chat room na hindi sila komportable.Talakayin ang mga PatakaranGawin itong bahagi ng inyong regular na mga pulong ng pamilya upang tiyakin na alam ng lahat ang iyong mga patakarang pangkaligtasan at kung paano ito susundin. Purihin ang iyong mga anak sa pag-alam at pagsunod ng mga patakaran.

Bahagi mula sa Smart Parenting: Guide to Everyday & Emergency Situations, Positive Promotions® (Gabay sa mga Araw-Araw at Emerhensiyang Sitwasyon, Mga Positibong Promosyon®)

2020 Pang-estadong

Conference para sa

Pakikilahok ng mga Magulang

TANDAAN ANG PETSA!

Disyembre 10-12, 2020Waco Convention Center

100 Washington Ave.|Waco, TX 76701

Malalapit na HotelHilton

Courtyard by Marriott

Tagos sa puso

Page 5: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

5

MGA CHECK IN NA KALENDARYO (CHECK IN CALENDAR)

Paglampas sa mga "Wala"Kapag tinatanong mo ang iyong anak ng "Anong ginawa mo sa paaralan ngayon araw?" Palagi mong nakukuha ang parehong sagot: "Wala." Sana sa susunod ay malaman mo na ang iyong anak ay mas maraming ginagawa kaysa "Wala." Ngunit, sa paggamit ng mga sumusunod na mga tanong maaari kang makakuha ng mas maraming detalye tungkol sa araw ng iyong anak at mas marami sa "wala".

Nagbibigay ang Strong Fathers-Strong Families, LLC ng buwanang kalendaryo para sa mga Aktibidad para sa Bata (Early Childhood Activities) sa wikang Ingles at Espanyol pati na rin ang isang "Check In" na Kalendaryo (makukuha sa Ingles at Espanyol). Ito ay mga tanong na pang-akademik na maaaring tanungin sa iyong anak ARAW-ARAW kaysa sa "Anong ginawa mo sa paaralan ngayong araw?" I-click ang link para mag-sign up at makatanggap ng libreng mga kalendaryo bawat buwan para sa IYONG pamila o sa mga pamilya sa inyong paaralan.

https://www.strongfathers.com/txcalendars

LING LUN MAR MIYER HUWEB BIYER SABAnong

pinakagustong mong oras sa buong araw?

Saan ang iyong pinakapaboritong lugar sa paaralan para magbasa?

Magbigay ka sa akin ng tatlong

numero na ginamit mo sa paaralan

ngayong araw sa labas ng klase sa

matematika.

Kung makakapagkolekta

ka ng kahit na anong gusto mo

galing sa paaralan, ano ito?

Mas gusto mo bang maglakad, tumakbo

o magbisikleta papuntang paaralan?

Ano sa tingin mo ang dahilan sa

pagiging magaling na lider ng iyong

guro?

Ano kaya ang isang kwelang super-

power at ano ang itatawag mo sa

superhero na may kapangyarihang

ito?

Kung titira ka kahit saan, saan ito?

Anong mga tunog ang narinig mo sa paaralan ngayong araw?

Gaano ka naging tapat sa paaralan ngayong araw?

Paano ginamit ang ilaw sa paaralan ngayong araw?

Paano nahahanap ng iyong guro ang pagkakaiba?

Anong kanta ang narinig mo sa paaralan ngayong araw?

Kung nakakapaglaro ka ng propesyonal na isport, ano kaya ito?

Ano ang unang libro mong naaalala?

Magsabi ng tatlong bagay na maaari mong gawin gamit ang matematika.

Anong natutunan mo tungkol sa mga hayop?

Sabihin ang apat na direksiyon na nasa kompas. Sabihin ang walong direksiyon.

Paano nagagawa ng agham na mas maging maayos ang ating bahay?

Ilang mga daliri ang nasa bahay natin ngayon? Ilang mga mata, daliri sa paa at ilong naman?

Magsabi ka ng salita na nakakatawa ang tunog kapag sinabi mo.

Ilarawan mo ang panahon ngayon.

Ano ang pinakagusto mong regalo na iyong natanggap?

Kung makakagawa ka ng isang wika, anong itatawag mo rito? Anong tunog nito?

Gaano ka kabilis bumilang hanggang 100?

Sa anong direksiyon gumagalaw ang araw sa langit?

Makakaguhit ka ba ng mapa ng iyong kwarto?

Ano sa tingin mo ang matatagpuan sa buwan?

Anong pinakamasarap na cereal sa agahan? Bakit?

Ilang mga salita ang magagawa mo gamit ang mga letrang: s-n-o-w-f-l-a-k-e

Nasaan sa bahay ang iyong pinakapaboritong lugar para magbasa?

Page 6: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

6

Pag May Nakita Magsabi Sa Isang TaoAng mga mag-aaral ang mas madalas na unang makabatid ng posibleng problema sa kanilang paaralan.Tiyakin na alam ng iyong anak na kung makakita sila ng isang bagay na kakaiba, kaduda-duda, o mapanganib, mahalaga na i-report ito.Paalalahanan ang iyong anak na ang pag-report ng isang bagay ay hindi "paglalaglag" o "pagsusumbong." Ito ay paggawa ng mga bagay na makakapagpanatiling ligtas sa lahat.Hikayatin ang iyong anak na mag-report ng anuman sa mga susunod sa isang guro, counselor, o administrator: � Tao sa paaralan na hindi karaniwang naroon, o gumagalaw na nagiging hindi komportable ang iyong anak.

� Mga banta o "hate speech" (makapanirang salita) na ipinost online.

� Mag-aaral na binubully o ginugulo. � Mga tsismis tungkol sa isang tao na nagpa-planong magdala ng sandata sa paaralan.

� Tao na nagsasabi tungkol sa pagsakit sa kanilang sarili o sa ibang tao.

� Anuman na ikinababahala ng iyong anak.

Makipagtulungan sa inyong paaralan Minsan nag-aatubiling magsabi ang mga mag-aaral na mag-report ng bagay na kanilang nakita o narinig, ngunit sasabihin nila sa kanilang magulang. Kung nag-report ang iyong anak sa iyo (pagbubully, mga banta, atbp.), makipag-ugnayan sa principal.

Mga Drill para sa Kaligtasan sa Paaralan Ang mga drill para sa kaligtasan ay para sa pagiging handa ng mga mag-aaral kung may mangyari na emergency o krisis. Kadalasan, hindi ito sineseryoso ng mga mag-aaral, at sa halip ay ginagamit itong oportunidad upang magpahinga mula sa klase – o makipagbiruan sa mga kaibigan.Tumutulong sa mga mag-aaral ang mga drill para sa lockdown kung ano ang gagawin sa oras na magkaroon ng totoong lockdown, at ang mga drill para sa paglikas ay nagtuturo sa mga mag-aaral kung gaano kabilis dapat umalis sa gusali nang maayos – upang maiwasan ang pagkalito at pagkakagulo.

Tiyakin na naiintindihan ng iyong anak ang kahalagahan at pagkaseryoso ng mga drill para sa kaligtasan. Kapag mayroong drill para sa kaligtasan ang inyong paaralan, tanungin ang iyong anak tungkol sa mga procedure na susundin at ilarawan kung ano ang mangyayari. Tanungin din ang iyong anak kung nakakasama ng loob sa anumang paraan ang pagsagawa ng mga drill para sa kaligtasan.Idinisenyo ang mga drill para sa kaligtasan upang panatilihing ligtas ang mga mag-aaral, ngunit sa kasamaang palad, maaari itong magdulot ng pagkabalisa (anxiety) sa ilang mag-aaral. Kung mayroon kang mga pangamba kung paano nakakaapekto ang mga drill sa iyong anak, bigyan sila ng katiyakan na ang mga drill na ito ay ginagawa lamang para sa pag-iingat. Kung ang iyong anak ay tila lubos na balisa o nangangamba tungkol sa kanilang kaligtasan, makipag-usap sa counselor ng iyong anak, principal o doktor.Kung mayroon kang mga tanong o mga pangamba tungkol sa espesipikong mga procedure sa emergency/krisis sa paaralan ng iyong anak, tiyakin na makipag-unayan sa isang administrador ng paaralan.Bahagi mula sa Student Safety & Security: Isang Gabay para sa mga Magulang, Woodburn Press

Pagtuturo sa mga Bata ng Pamamahala ng Galit (Anger Management)

Ang galit ay isang natural na emosyon na ipinapahayag ng mga bata. Nagbibigay ito sa kanila ng paraan sa paglabas ng kanilang pagkayamot, takot, lungkot at iba pang maraming nararamdaman. Ang mga batang matututong pamahalaan ang kanilang galit ay matututo rin na magpahayag ng mga nararamdaman na nagdulot ng kanilang galit. Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagkakaroon ng malusog na pagtanda. Ito ang ilang mga paraan na maaaring mong tulungan ang iyong mga anak upang makontrol ang kanilang galit.Tukuyin ang mga Senyales ng Galit sa Mga Bata. Ang mga pinakakaraniwang senyales ay: � Mga sensyales sa katawan – mabilis na pagtibok ng puso,

pakiramdam na mainit o malamig, nararamdamang tumigas ang tiyan o likod, umiinit na pakiramdam sa mukha, pagtigas ng mga kamay

� Mga pag-iisip tungkol sa karahasan na hindi direktang ipinapahayag sa pamamagitan ng mga pagguhit, mga nakakalungkot na pagpapatawa (dark humor), at mga reaksiyon na sumosobra

� Mga pag-uugali na marahas o nagbabanta Suriin ang Galit ng Iyong Mga Anak. Magtanong upang matulungan kang maintindihan ang mga sumusunod na aspeto ng galit ng iyong anak. � Ang sitwasyon na nagdudulot ng galit � Ang mga pananaw at paniniwala ng iyong mga anak tungkol sa

sitwasyon � Ang mga nararamdaman ng iyong mga anak kasabay ng pagkagalit � Kung ano ang sinasabi ng iyong mga anak sa kanilang sarili (Ito

ang "self-talk," (pagkausap sa sarili) tulad ng "Ang tanga-tanga ko!" Turuan ang iyong mga anak na alisin ang negatibong pagkausap sa sarili at palitan ito ng positibong pagkausap sa sarili)

� Kung paano ang pag-uugali ng iyong mga anak kapag galit � Ang pagkakaintindi ng iyong mga anak sa mga kahihinatnan ng

kanilang galit Magmungkahi ng mga Mabuting Kasanayan Para sa Pamamahala ng Galit. Maaaring kabilang dito ang: � Pagbibigay ng time-out (pagtigil sa

ginagawa) � Pag-alis mula sa isang sitwasyon na

potensiyal na maging marahas � Pagbilang hanggang 10 (o 20 o 50) � Paghingi ng tulong mula sa isang ligtas

na matanda � Pag-usapan ang mga bagay na ito.

Hikayatin ang iyong anak na sabihin ang mga nararamdamang galit kaysa sa mga pisikal na aksiyon.

Tulungang Iwasan ang Di-kinakailangang Galit. Sa pagpapabuti ng mga kasanayang pangkomunikasyon ng iyong mga anak, matutulungan mo silang maiwasan o mas mainam na mapangasiwaan ang kanilang galit. Ang mga bata na kayang malinaw na ipahayag ang kanilang mga nararamdaman, pangangailangan, at mga opinyon ay makababawas sa mga insidente kung saan sila ay hindi napapakinggan nang maayos at, pati na rin, ang pakiramdam ng pagkagalit. Turuan silang: � Tumayo para sa kanilang sarili kung ito ay ligtas, magsabi ng "no"

(hindi) sa mga hindi angkop na mga asal sa kanilang mga sarili at sa ibang tao.

� Mag-isip muna bago gumawa. Makipag-usap sa iyong anak tungkol sa mga mahalagang pagkakaiba tungkol sa reaksiyon at pagtugon.

� Respetuhin ang mga karapatan ng ibang tao. � Maging aktibong tagapakinig. Tulungan ang iyong anak na

matutong makinig upang maiwasan nilang mabigyan ng maling interpretasyon kung ano ang sinasabi ng iba.

Tandaan, Ikaw ang Halimbawa, panatilihing malamig ang ulo at pamahalaan ang galit sa pinakamainam na paraan hangga't maaari.

Bahagi mula sa Smart Parenting: Guide to Everyday & Emergency Situations, Positive Promotions® (Gabay sa mga Araw-Araw at Emerhensiyang Sitwasyon, Mga Positibong Promosyon®)

Page 7: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

7

Mga Gawing Nakakahikayat sa 2019Tumanggap ang Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya ng mga aplikasyon mula sa mga paaralang PK-12 sa mga espesipikong estratehiya sa PFE na tumutulong upang patatagin at pataasin ang pakikibahagi ng magulang at pamilya at mga resulta ng mag-aaral. Sinuri ang mga aplikasyon at minarkahan ng isang pang-estadong komite at inisyatibo ng mga staff. Kinilala ang mga nanalo at iprinisenta ang kanilang mga gawad sa Pang-estadong Conference para sa Pakikilahok ng mga Magulang ng 2019. Nasa ibaba ang mga nanalo sa Mga Gawing Nakakahikayat sa 2019.

Ang NACOGDOCHES ISD ay iginawad bilang distrito, ngunit dalawang paaralan ang nakasama sa nangungunang sampu (top ten). � Emeline Carpenter Elementary School – Principal, Lola Moore

Nakapokus ang Book Bingo Literacy Night sa pakikibahagi ng pamilya na may layong humikayat sa kagustuhang magbasa. Ang book bingo ay isang interaktibong paraan upang maging masigasig sa mga libro na alam nila at mga libro na maaaring interesado silang basahin. Hinihikayat nito ang pakikibahagi ng pamilya habang nagbibigay rin sa mga magulang ng isang mas malalim na pag-unawa sa antas ng pagbabasa ng kanilang anak at mga paraan na matutulungan nila ang kanilang mag-aaral na mas maging malakas, mas nakapagsasariling tagabasa sa tahanan. Makakatanggap ang bawat mag-aaral ng bagong libro sa kanilang antas ng pagbabasa para dalhin sa bahay. Ang nais dito ay tiyakin na ang mga magulang ay mayroong matatag na pag-unawa kung nasaan dapat ang antas ng pagbabasa ng kanilang anak.

� Fredonia Elementary School - Principal Melinda Wiebold Ang mga Dragon Dinner ay isang buwanang hapunan na talakayan ng mga magulang sa paaralan na nabibigay sa mga pamilya ng edukasyon at suporta sa mga larangan na kaugnay sa paggiging magulang (parenting) at akademiko. Inaalagaan ang mga bata at nakakatanggap ang mga ito ng tulong sa kanilang mga takdang-aralin habang nagsasanay ang mga magulang. Ang ilan sa mga paksa na tinatalakay sa mga Dragon Dinner ay: Fredonia 101, upang malaman ng mga magulang ang lahat ng tungkol sa paaralan at mga staff, at matutunan ang mga paraan upang makilahok at makibahagi sa pagkatuto ng kanilang anak, pagkuha ng tulong para sa matematika, pagbasa at takdang-aralin, komunikasyon, pag-asal at disiplina, paggiging handa para sa STAAR, at mga estratehiya para sa tag-init. Ang mga paksang ito ay tinutukoy gamit ang mga survey at mga talakayan kasama ang mga magulang. Ang kanilang opinyon ang nagtutulak sa mga pagsasanay.

ARLINGTON ISD Ang pokus ng mga Parent Café ay ang pagbibigay edukasyon sa mga protektibong salik na

nagpapanatiling matatag sa mga pamilya. Gumagawa ang mga Café ng isang ligtas na lugar para sa mga magulang at tagapag-alaga upang mag-usap tungkol sa mga hamon at mga tagumpay ng pagsisimula at pagtataguyod ng isang pamilya sa ika-dalawampu't-isang siglo. Sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay tungkol sa sarili at pagkatuto mula sa mga kasama (peer-to-peer learning), mapapalakas ng mga lumahok ang kanilang katatagan, mga positibong sosyal na koneksiyon at kaalaman tungkol sa paggiging magulang at pag-unlad ng bata. Ang pinakanakaka-udyok sa mga aspeto ng mga Parent Café ay ang matutuhan ng mga magulang na sila ay

hindi mag-isa sa kanilang mga paghihirap at ang mga pamilya ay mas maraming pagkakapareho kaysa pagkakaiba. Matututuhanng mga magulang kung gaano sila katatag, at aalis nang malakas ang loob, konektado at insipirado!

THRALL ISD Ang Showcase of Excellence ay isang pangyayari bawat taon na nagbibigay sa mga mag-aaral ng oportunidad upang ipakita ang mga magagaling na bagay na kanilang natutunan at nagawa sa buong taon. Ito ay isang napakagandang oportunidad para sa mga magulang at sa komunidad upang makilala at makipag-usap sa district leadership team at ang lahat na inihanda ng Thrall ISD para sa mga magulang at mga pamilya. Ang kaganapan ay mayroong pagkain, mapaglilibangan, mga exhibit na interaktibo, mga pagbibigay ng demonstrasyon, at marami pang iba. Ang mga magulang ay binibigyan ng mga oportunidad upang makita kung ano ang ginagawa at pinag-aaralan ng kanilang mga anak sa silid aralan at upang matutuhan ang mga paraan upang makilahok sa paaralan sa lahat ng antas.

Ang Showcase of Excellence ay isang pangyayari bawat taon na nagbibigay sa mga mag-aaral ng oportunidad upang ipakita ang mga magagaling na bagay na kanilang natutunan at nagawa sa buong taon. Ito ay isang napakagandang oportunidad para sa mga magulang

at sa komunidad upang makilala at makipag-usap sa district leadership team at ang lahat na inihanda ng Thrall ISD para sa mga magulang at mga pamilya. Ang kaganapan ay mayroong pagkain, mapaglilibangan, mga exhibit na interaktibo, mga pagbibigay ng demonstrasyon, at marami pang iba. Ang mga magulang ay binibigyan ng mga oportunidad upang makita kung ano ang ginagawa at pinag-aaralan ng kanilang mga anak sa silid aralan at upang matutuhan ang mga paraan upang makilahok sa paaralan sa lahat ng antas.

Page 8: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

8

Ang NORTH EAST ISD ay ginawaran bilang distrito at tatlong sa kanilang paaralan ang nakasama sa nangungunang sampu (top ten).

• Regency Place Elementary – Principal, Estellia Wallace Ang Linggo ng Family/Student Dream Builders ay isang linggo na inaalay sa paghikayat ng mga mag-aaral upang pag-isipan ang kanilang mga kinabukasan at tuklasin ang mas mataas na antas ng edukayon at mga interes sa karera. Nakasentro ang linggong ito sa pagtataguyod ng mga pakikipagtalakayan sa mga magulang at kanilang mga anak na kaugnay sa kolehiyo, mga karera, mga bisyon at mga layunin sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iba't-ibang mga oportunidad at mga aktibidad para sa kanila. Kabilang sa linggong ito ang mga sesyon ng mga pangkat ng magulang at pag-aaral ng mga aklat, mga tour sa kolehiyo para sa mag-aaral at magulang, araw ng karera sa campus, mga family dream maker make and take night. Ito ay isang linggong puno ng impormasyon para sa mag-aaral at sa pamilya. Bibigyan ang mga magulang ng iba't-ibang oportunidad na makibahagi sa kanilang anak sa tahanan at sa campus at magkaroon ng mga makabuluhang talakayan tungkol sa kanilang

mga ekspektasyon at mga bisyon para sa mga karera sa at edukasyon sa hinaharap.

• Olmos Elementary – Principal, Galia Booth Ang Olmos Elementary ay isang campus sa Titulo I na may 98% kahirapang pang-ekonomiko. Ang HSE Program o High School Equivalency Program (Programa para sa Katumbas ng Mataas na Paaralan) ay para sa mga pamilya at sa mga nakapalibot na komunidad. Ito ay isang programa sa pagkatuto na umuusad ayon sa pagtugon ng mag-aaral (self-paced learning) at nagbibigay sa mga nakikilahok ng pangalawang pagkakataon upang makamit ang katumbas ng isang diploma sa high school. Inaalok ang programang ito sa mga mamamayan at di-mamamayan ng US. Available ang programa sa iba't-ibang wika. Ang programang ito ay nagpatatag ng tiwala at mas nakagawa ng matatag na mga relasyon sa pagitan ng tahanan at paaralan. Dagdag pa dito, ang mga mag-aaral na pumapasok sa mga

klase ng HSE ay kaunti o walang pagkahuli o mga pagliban sa paaralan. Mas nabawasan din ang mga problema sa disiplina.

• Wood Middle School – Principal, Marcus Alvarez Sa simula ng taon, nagsasagawa ang paaralan ng mga pagbisita sa tahanan upang masimulan ang isang matagumpay na taon, sila ay masinsinang nakikipagtulungan upang magkaroon ng mga epektibong pakikipagtulungan sa mga mag-aaral na nagkaroon ng mga problema sa disiplina, pagpasok sa paaralan, at pang-akademiko. Ang kanilang layunin ay ang magtayo ng isang matatag, at mapag-arugang relasyon sa mga pamilya upang tiyakin ang isang matagumpay na taon. Nakikilala ng paaralan ang mga pamilya at hinihingi ang kanilang opinyon sa mga mahahalagang tanong sa simula ng taon sa paaralan na mayroong plano para sa kanilang anak na umunlad.

Nagbibigay ang ALIEF ISD ng isang taunang Family U Conference kung saan dumadalo ang mahigit 700 kalahok. Ang conference na ito ay itinatag ayon sa pagtataguyod ng dobleng kapasidad (dual capacity), sa pag-aalok ng mga sesyon para sa mga pamilya at mga staff. Nakapokus ang programa ng PFE sa apat na layunin. Mararamdaman ng mga pamilya na matanggap, mabigyan ng impormasyon, makilahok at magkaroon ng kakayahan. Kabilang sa conference ang 20+ na sesyon sa iba't-ibang mga paksa para sa mga pamilya na may mga anak sa iba't-ibang antas ng baitang. Makakaalis ang mga magulang

Nais ng TAYLOR ISD Nais ng TAYLOR ISD na gumawa ng matatag, malusog na inter-henerasyonal na relasyon sa mga magulang at kanilang mag-aaral na nakakaranas ng kahirapan sa paaralan. Nagsimula sila sa pag-aalok ng ng libreng camp para sa basketbol sa tag-init (Midnight Basketball) at lumaki ang pagdalo. Sobra itong dumami at kailangan nilang magdagdag ng iba pang mga isports at nagdagdag pa ng arts and crafts. Mayroong ding edukasyon tungkol sa karakter na bahagi ng programa kung saan nagtatampok ng isang lider sa komunidad na nagtatalakay ng kanilang propesyon at mga kasanayan na kailangan para sa kanilang trabaho. Mabilis na naging proyekto ng komunidad ang kaganapan na ito kung saan kinabilangan ng mga boluntaryo mula sa Lions Club, Rotary Club, Kiwanis Club, at iba pang mga grupo sa komunidad. Winakasan ng kaganapang ito ang mga balakid sa pagitan ng tahanan, paaralan at komunidad.Ang Munch at Lunch Program ay isang programang pang-mentor (tagapayo) na mayroong ratio na 3:1

mag-aaral sa adulto. Nakikipagtulungan ang mentor sa mga mag-aaral na nasa panganib (at-risk). Dumadalo ang mga taga-komunidad o magulang na boluntaryo sa isang maikling pagsasanay at pagkatapos ay itatalaga sa mga mag-aaral upang magpayo. Naglalaan ng oras ang mentor na alamin ang tungkol sa mag-aaral at bibigyan sila ng oportunidad na bumuo ng mga relasyon sa isang mapagkakatiwalaang matandang nasa hustong gulang. Maaaring mag-relax ang mag-aaral sa isang ligtas na kapaligiran at magsaya

habang bumubuo ng mga relasyon at natututo. Sinabi ni G. Matthews na kapag ang mentor at mag-aaral ay nagkaroon ng pagbubuklod, mayroong mahikang nangyayari, nagsisimulang makaroon ng pakialam ang mag-aaral tungkol sa pagkatuto at ang kanilang asal na siyang nagbubunga ng mas mabuting kumpiyansa sa sarili at mas mainam na mga pagpapasiya. Mas nababatid ng mag-aaral ang nasa paligid niya at nagiging aktibo.

nang may impormasyon at kakayahan nang mayroong mga bagong pinagkukunan at mga estratehiya. Ginagamit ang conference upang magtayo ng matatag na tulay sa pagitan ng tahanan at paaralan, kung saan nakakaimpluwensiya at tumitiyak sa pang-akademikong tagumpay para sa lahat ng mga mag-aaral.

Page 9: Tahanan at Paaralan...Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya Nakarating na tayo, marahil sa pinakamahirap na pahanon ng taon sa paaralan

Titulo I, Bahagi A Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

9

ADMINISTRASYONRay Cogburn, Executive Director

Region 16 Education Service Center5800 Bell Street - Amarillo, Texas 79109

Telepono: (806) 677-5000 Fax: (806) 677-5167www.esc16.net

Cory Green, Associate CommissionerKagawaran ng mga Kontrata,

Mga Gawad at Pampinansiyal na AdministrasyonTTexas Education Agency

1701 N. Congress Avenue - Austin, Texas 78701Telepono: (512) 463-9734

www.tea.texas.gov

© 2020. Texas Education Agency. Nakalaan ang lahat ng karapatan.

Ang Parent and Family Engagement Connection (Koneksiyon ng Pakikilahok ng Magulang at Pamilya) ay naka-post sa aming website apat na beses sa isang taon para sa mga magulang at nagtuturo sa Texas. Available ang newsletter na ito sa Espanyol, Vietnamese, Aleman at Koryano.

EDITORTerri Stafford, Koordinator

Pang-estadong Inisyatibo sa Pakikibahagi ng Magulang at Pamilya

[email protected]

Die Eltern- und Familienmitwirkungsverbindung Zuhause und Schule

“Zusammen machen wir einen Unterschied”

ANG TANGING PAYO SA PAGIGING MAGULANG NA KAILANGAN MO➯ Hayaan mong mabigo ang iyong mga anak. Upang matutunan nila ang pag-asa sa sarili (self-sufficiency), kailangan ng mga bata na madapa (literal at pasimbolo) nang walang tulong mula sa iyo. Alam ng karamihan sa mga magulang kung ano ang kakayahan ng kanilang mga anak ngunit tinutulungan sila upang mapadali ang mga bagay para sa kanila. Halimbawa, ang teenager na marunong maglaba ay nalalampasan ang panandaliang di-pagkakomportable. Bago ka tumuloy at tumulong sa pisikal na gawain, tanungin ang iyong sarili: "Nasa totoong panganib ba ang aking anak?" Pagkatapos, ilapat ito sa iba pang mga hamon, tulad ng poster para sa social studies na kailangan ipasa bukas, isipin kung mayroong kinakailangan na kakayahan ang iyong anak (kahusayan sa paggamit ng kamay (dexterity) at balanse) o simpleng sapat na tulog at meryenda. Tama ba? Panahon na upang huwag makialam at pagmasdan ang mangyayari.➯ Tandaan ang acronym na H.A.L.T. Ang mga tantrum ay madalas na nangyayari dahil ang sinusumpong ay Hungry (Gutom), Agitated (Balisa), Lonely (Malungkot), o Tired (Pagod). ➯ Magplano ng mga hindi karaniwang gawi ng kabaitan. Kailangangang malaman ng mga bata na ang pagtulong sa ibang tao ay isang araw-araw na gawain at hindi lamang kawanggawa na ipinapakita kapag pasko. Hamunin ang iyong anak na kumompleto ng maliliit na gawain bawat linggo, tulad ng pagtapon ng kalat ng ibang bata sa oras ng tanghalian o pagtabas ng damo ng kapitbahay. Sanayin ang iyong anak na ang pagpokus sa iba ay nakakatulong sa hindi pag-iisip ng kanilang mga karapatan (entitlement).➯ Huwag bayaran ang iyong mga anak para linisin ang kanilang mga kwarto. Kung bibigyan mo sila ng pero para ayusin ang kama, kapag sinabihan mo silang tulungan ka sa pagbitbit ng mga pinamili, sasabihin nila, 'Magkano? Bakit ko gagawin 'yan nang libre kung binabayaran mo akong ayusin ang kama ko?' Maaari mong bigyan ng allowance ang iyong anak bilang introduksiyon sa pamamamahala ng pera at sa pangkalahatang mabuting asal. Ngunit huwag mong perahan ang bawat gawahin sa bahay.➯ I-modelo ang pagkamalakas na loob. Gusto mo ng may kumpiyansang mga anak? Mas hindi sila masisindak kapag nakikita ka nilang sumasabak sa mga malusog na panganib (healthy risks). Maraming mga matatanda ang hindi nagpupunta nang mag-isa sa sinehan dahil nahihiya silang makitang nakaupong mag-isa. Kung kaya't gawin ito, at kausapin ang iyong mga anak tungkol dito. Kung nakikita ka ng iyong mga anak na tumatawa kapag napansin mong baliktad ang iyong damit nang buong umaga, marahil tatawa rin sila, kaysa makaramdam ng hiya, kapag nangyari ito sa kanila.➯ Para pahinain ang boses ng mga maliliit na bata, hinaan ang iyong

boses kaysa lakasan ito. Pinupwersa nito na magpokus ang mga bata. Maraming batang lilipunin? Sabihin nang mahina, "Kung gusto mong marinig ang susunod nating gagawin, lumukso gamit ang isang paa." Ang pagtalon nang nakakatawa ay tiyak na nakakahawa.

Mga bahagi mula sa: https://www.realsimple.com/work-life/family/kids-parenting/only-parenting-advice-you-really-need