tapat vol 1 no11

12
Dami ng kaso ng annulment, pababa - Pahina 2 www.tapatnews.com @tapatnews /tapatnews [email protected] Pangalawang milagro ni John Paul II inaprubahan - Pahina 3 - Basahin sa Pahina 3 TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY HUNYO 18-24, 2013 VOL 1 NO 11 3 LABOR OFFICIALS, PINAGHIHINALAANG NANG-AABUSO NG MGA OFW Maaaring makilahok sa Act of Consecration o Pagtatalaga sa Malinis na Puso ni Maria ang bawat Pilipino tuwing unang Sabado ng buwan. Ceiling, Sanctuary of Our Lady of Fatima, Portugal (Photo by Sky Ortigas)

Upload: tapat-ang-balitang-totoo

Post on 11-Mar-2016

271 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Tapat sa Balita.. Tapat sa Buhay

TRANSCRIPT

Page 1: Tapat vol 1 no11

Dami ng kaso ng annulment, pababa

- Pahina 2

www.tapatnews.com@tapatnews /tapatnews [email protected]

Pangalawang milagro ni

John Paul II inaprubahan

- Pahina 3- Basahin sa Pahina 3

TAPAT SA BALITA.. TAPAT SA BUHAY

HUNYO 18-24, 2013 VOL 1 NO 11

3 LABOR OFFICIALS, PINAGHIHINALAANG

NANG-AABUSO NG MGA OFW

Maaaring makilahok sa Act of Consecration o Pagtatalaga sa Malinis na Puso ni Maria ang bawat Pilipino tuwing unang Sabado ng buwan.

Cei

ling,

San

ctua

ry o

f Our

Lad

y of

Fat

ima,

Por

tuga

l (P

hoto

by

Sky

Orti

gas)

Page 2: Tapat vol 1 no11

2 HUNYO 18 - 24, 2013balitaWhat’s Happening?

Holy Mass in remembrance of Jaime Cardinal Sin’s death anniversaryJune 21 [Friday], 7 a.m., Manila Cathedral cryptMass to be celebrated by His Excellency Arch-bishop Socrates Villegas, Archbishop of Lin-gayen-Dagupan

Eucharistic celebration on the feast of St. Josemaria Escriva, Founder of Opus DeiJune 26 [Wednesday], 6 p.m., St. Therese of the Child Jesus Shrine, Manlunas, Pasay City (in front of NAIA 3)Mass to be celebrated by His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle, Archbishop of Manila

Couples for Christ 32nd AnniversaryJune 22 [Saturday], 10 a.m. to 7.30 p.m., Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila

Subtle Attacks Against the Family Explained seminarEvery 3rd weekend, Saturday 8 a.m. to Sunday 5 p.m., St. Michael Retreat House, Antipolo CityFor more information, contact (02) 696-1729 or 696-0382 / 0917-896-7202, [email protected] www.stmichaelretreathouse.org

Couples for Christ Christian Life ProgramEvery Saturday starting June 29, 7.30 p.m., Santuario del Santo Cristo parish, San Juan City

Rally laban sa RH law, gaganapin sa Hulyo 9

IMBES na isang ganap na kilos protesta, mag-dadaos ng isang mala-piyestang pagtitipon ang mga pro-lifers sa Hulyo 9 upang magpa-kita ng suporta para sa mga nagpepetisyon laban sa R.A. 10354 o Reproductive Health Law na nakatakdang sumali sa oral argu-ments sa Korte Suprema sa nasabing araw.

Nananawagan ang grupong Filipinos for Life (F4L) sa lahat ng mamamayang nanin-indigan sa buhay na lumahok sa nasabing pagkilos na magsisimula ng 9 a.m. sa harap ng Korte Suprema sa kalye ng Padre Faura sa Maynila.

“Ginawa natin itong isang mala-piyestang pagtitipon dahil kailangan nating ipalabas ang mensahe sa ating bayan na dapat nat-ing ipagdiwang ang buhay. Una’t sapul, ang pinakamagandang maaaring mangyari sa isang tao ay ang maipanganak,” ani AJ Perez, pangulo ng F4L.

Magkakaroon ng isang maikling programa kung saan magrorosaryo, magkakaroon ng mga pep talks galing sa mga kinatawan ng mga mampepetisyon, kantahan at sayawan.

Ang mga dadalo ay hinihikayat na magsuot ng pula at magbitbit ng mga placards na may mga “positibong mensahe tungkol sa buhay.”

Sa kabila ng napakatagal na laban kontra sa RH law, may nakikitang pag-asa si Perez sa darating na oral arguments.

“Kinikilala natin ang katotohanan na ito ay maaaring maging makasaysayang sandali sa ating bansa. Matagal na nating iwinawaksi ang RH at maaaring ito na ang ating pag-kakataon na paslangin ang dragon,” dagdag pa nito.Para sa karagdagang impormasyon, makip-ag-ugnayan sa Pro-life office sa (02) 733-70-27, (02) 734-94-25, 0918-2337783 o ‘di kaya’y i-email sa [email protected]. (NED)

Pababa ang dami ng kaso ng annulment - obispoBUMABABA ang dami ng mga kaso ng an-nulment, sabi ng pinuno ng National Appel-late for Matrimonial Tribunal (NAMT) ng Simbahang Katolika nitong linggo.

Tantiya ni retired NAMT Judicial Vicar Archbishop Oscar Cruz na bumaba ng 10-15% ang dami ng kaso ng annulment itong mga nakaraang taon.

“Sa palagay ko ay mas mababa sa 10-15% kung ang mga kaso dito sa atin ang pag-uu-sapan. May mga kasong direktang dinadala sa Roma at ito’y hindi dumadaan sa amin,” ani Cruz.

Dinadagdag pa ng dating pangulo ng Cath-olic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang karamihan ng mga mag-

asawang naghahanap ng pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal ay taga-Metro Manila.

Sinabi pa niya na bagamat dumadami sa probinsiya ang mga kasal sa Simbahan, iba ang sitwasyon sa malalaking lungsod.

Ayon kay Cruz, maraming mga mag-no-byo ang nagpapasyang manirahang mag-kasama at hindi magpakasal “dahil mismo sa kalakaran na kung [mag-live-in sila], maaari rin silang maghiwalay kung kailan man nila gustuhin.”

“Mas mahirap ang buhay mag-asawa dito [sa Metro Manila] dahil sa impluwensiya ng mga mayayamang bansa na kung saan pina-hihintulutan ang diborsiyo at same-sex ‘mar-riage’,” sabi ng obispo.

Ni ROY LAGARDE

Page 3: Tapat vol 1 no11

3HUNYO 18 - 24, 2013 balitaWORLD NEWS 3 Labor Officials,

pinaghihinalaang nang-aabuso ng mga OFWNi PAULO DE GUZMAN

SA kabila ng gulo sa ilang bahagi ng gitnang Silangan, nagawa pa diumano ng ilang opisyal ng Philippine Over-seas Labor Office (POLO) na samantalahin ang kanilang posisyon sa pamamagitan ng pag-alok sa mga babaeng OFW ng repatriation o pagbalik sa Pilipinas kapalit ang seks.

Batay sa mga sources galing mismo sa Department of For-eign Affairs (DFA) at Depart-ment of Labor and Employ-ment (DOLE), ang nasabing mga opisyal ay nakilala bilang sina Mr. Kim na nakabase sa Damascus, Syria; si Assistant Labor Attache Mario Antonio ng Amman, Jordan; at si Blas Marquez, isang opisyal ng POLO sa bansang Kuwait.

Samantala, ikinalungkot at mariing kinondena ng chair-man ng CBCP-Episcopal Com-mission on Migrant and Itiner-ant People at Obispo ng Maasin na si Precioso Cantillas ang iskandalong kinasasangkutan ng nasabing mga opisyal.

“Nalulungkot tayo at ki-nukondena natin ang hindi magandang ginagawa ng kung sinuman, ang mga nag-exploit sa ating mga kababayan. Hi-

rap na hirap na nga sila tapos dadagdagan pa ng masamang gawa. Sila na nga hirap sa bu-hay, sila pa ang pinahihirapan ng mga opisyal pa ng pamaha-laan,” ani Cantillas.

Dagdag pa ng obispo “na hindi sana nai-exploit o naabu-so ang mga Filipino sa iba’t-ibang panig ng mundo kung hindi laganap ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa Pilipi-nas.”

Sa kabila nito nagpahayag naman ng tiwala si Cantillas na magkaroon ng resulta ang gagawing imbestigasyon ng DFA upang maparusahan ang mga opisyal na nasa likod ng pang-aabuso sa mga kababay-an nating OFW.

Ipinahayag ng sekretarya ng DFA na si Albert Del Rosario na sa ngayon maituturing na ‘sabi-sabi’ ang isyu patungkol sa ‘sex for fly’ sa kadahilanang wala diumanong nakarinig ng naturang isyu sa opisina o tanggapan ng mga nasasang-kot na ahensya.

Sinabi din ni Del Rosario na nagbibigay ang gobyerno ng libreng biyahe pauwi sa ating mga OFW at hindi ito dahilan upang maabuso ang ilan na

naghihintay ng kanilang pag-uwi sa ilang mga shelter na itinalaga para sa mga OFW.

Diin naman ni Del Rosario na hiniling na ng pamunuan ng DFA ang mga inaakusahan na umuwi at magpaliwanag.

Dagdag pa ni Del Rosario, pamumunuan niya mismo ang pagsisiyasat at sisiguraduhin din nito ang pagkalap ng ta-mang impormasyon hinggil sa isyu.

Matatandaan nito lamang pagbubukas ng Hunyo, nana-wagan ang grupong Migrante kay Pangulong Benigno Aqui-no III upang pabilisin ang pag-uwi ng mga OFW na nanana-tiling stranded sa ilang bahagi ng Gitnang Silangan.

Ani Migrante chairperson Garry Martinez, “Sa bawat araw na walang aksyon ang gobyerno ng Pilipinas ay nangangahulugang buhay o kamatayan sa ating mga OFW.”

Tinatayang may halos 63.1 porsyento ng kabuuang 2.2 milyon na OFW ay kababaihan na may edad 15 hanggang 34 at nanatili sa iba’t ibang baha-gi ng mundo upang makipag-sapalaran sanhi ng ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas.

Nangakong iimbestigahan ni DFA secretary Albert del Rosario ang tinaguriang “sex-for-fly” modus operandi sa ilang bansa sa Middle east.

Pangalawang milagro ni John Paul II inaprubahan

VATICAN CITY, Italy – Inaprubahan na ng mga teologo ng Vatican ang ikalawang milagro ni pope John Paul II na ayon sa ANSA news agency ay “ikagugulat ng mundo”. Ayon sa report, nangyari ang ikalawang milagro sa mis-mong araw ng beatipikasyon ni Beato John Paul II noong 2011, ngunit hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang ANSA tungkol dito.

Matatandaang ang unang milagro ni Bl. John Paul II ay ang ‘di maipaliwanag na paggaling ni Sr. Ma-rie Simon-Pierre sa Parkinson’s disease matapos humingi ng ‘intercession’ mula kay John Paul II.

Kinakailangan ng dalawang kumpirmadong mi-lagro upang madeklarang santo ang isang tao.

Google ‘balloons’ maghahatid ng wifi sa

liblib na lugarSOUTH ISLAND, New Zealand – Nagpalipad ang Google ng 30 na lobo mula sa New Zealand patun-gong estratospera upang makapaghatid ng wifi inter-net sa mga tagong lugar na walang internet connections.

Tinaguriang Project Loon, ang nasabing proyekto ay naglunsad ng mga super pressure na lobo na iikot sa mundo na may taglay na 3G-speed na internet para sa 4.8 milyong katao .

Ang sakop ng nasabing internet ay aabot sa 780 milya o sukat ng dawalang New York City.

Bill laban sa late-term abortions, pinasa ng U.S.

Congress WASHINGTON, D.C., United States – Sa kabila ng matinding oposisyon ni U.S. President Barack Obama sa “Pain-Capable Unborn Child Protection Act” (H.R. 1797) ni Trent Franks pumasa ito sa House of Representatives noong Miyerkules.

Bumoto ang 228 na mambabatas ng U.S. upang ipa-sa ito; 196 naman ang tutol na ipagbawal ang aborsyon para sa mga babaeng 20 linggo nang nagdadalang-tao.

Matatandaang sa isang pahayag ng Administration Policy, tinawag ng pangulo na “isang banta sa karapatan ng mga kababaihan na pumili”at handa niyang ipawalang-bisa ang nasabing panukalang batas pumasa man ito sa Senado.

Ni ANA YSALAKAN

Page 4: Tapat vol 1 no11

4 HUNYO 18 - 24, 2013editoryal

AREOPAGUS MEDIA ENTERPRISEPublisher

NIRvA DElAcRUzEditor in chief

DIANA UIcHANcOManaging Editor

SKY ORTIGAScreative Director / Online Editor

YEN OcAMPOMarketing Director

Tapat is published every Tuesday by Areopagus Media Enterprise

You can reach us through the following:landline # (02) 788 07 04

Fax # 0871 314 1470Email: [email protected]: www.tapatnews.com

All rights reserved 2013

Editoryal

Pananakot at hikahos sa tuwid na daanHalos magdadalawang taon na ang nakalilipas nang pagdesisyunan ng Kataas-taasang Hukuman ang pagpa-pamahagi ng lupain ng Hacienda Lu-isita na pagmamayari ng mga kamag-anak ni Pangulong Benigno Aquino III. Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw ang patutunguhan ng mga ipinaglalaban ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita.

Kamakailan, inakusahan ng Ki-lusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) si PNoy at ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng pang-haharass matapos diumano mag-padala ng ilang trak ng sundalo ang pamilya ni PNoy sa Hacienda Luisita.

Pinaniniwalaan din na may-roon pang shares o parte si PNoy sa nasabing lupain taliwas sa sinabi noon ng Pangulo na nai-benta na niya ang kanyang bahagi.

Sinasabing namana ni PNoy ang parte sa lupain mula sa kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino ngunit sinabi na rin noon ni Cory na naibenta na ito. Ayon din sa batas, ang anumang parte o mga business interest ay dapat bitawan sa sandal-ing maupo bilang pangulo o ‘di kaya

naman bilang miyembro ng Gabinete.Kung ganoon man, bakit ngay-

on lamang naibenta ni PNoy ang kanyang shares? Sa pagkakaupo niya bilang pangulo, lumaki diu-mano ang ‘net worth’ ni PNoy na nakasaad sa kanyang statement of assets and liabilities o SALN.

Samantala, ang grupong Ambala (Alyansa ng Manggagawa sa Asy-enda Luisita) naman ay nakiusap sa Kataastaasang Hukuman na ipag-utos ang madalian at kumpletong pamama-hagi ng lupaing may kabuuang sukat na 4,335 ektarya na taniman ng asukal.

Ayon sa isang report, ikinababa-hala naman ng KMP ang pagdagsa ng mga militar, pulis at ilang mga ahente ng National Bureau of Inves-tigation (NBI) sa Hacienda Luisita na naghahanap sa mga lider ng AM-

BALA na sina Lito Bais, Gil Palaganas, Gaudencio Halili, at Mary Jane Taruc.

Nagpapakita lamang ang ganitong aksyon ng kawalan ng interes na tu-gunan ang hinaing ng mga magsa-saka ng Hacienda Luisita na lubhang nalugmok sa kahirapan. Tayo mismo ay pinalad na makilala ang isa sa mga lider ng AMBALA, and kapatid na si Lito Bais, nang magkaroon ng isang pagpupulong dito sa Maynila. Sady-ang nakaaawa ang kanilang kalagayan. At noong aming pagkikita, nakiusap pa si kapatid na Lito ng pandagdag sa kanyang pamasahe pauwi ng Tarlac.

Kailan ba tutungo sa daang matu-wid ang direksyong ipinaglalaban ng mga magsasakang ito? Kung na-kayanan noon ni PNoy na gawan ng paraan na maipasa ang ‘Sin Tax’ bill, totoo bang nakagapos ang kanyang

mga kamay sa isyung pamamaha-gi ng lupain ng Hacienda Luisita?

Malapit na naman ang State of the Nation Address (SONA) ni PNoy at inaasahang muli niyang ipagmamala-ki ang sinasabing ‘economic growth’ ng bansa. Sana lamang, isiwalat din ng pangulo ang sinabi ng National Economic and Development Author-ity (NEDA) na may 624,000 mga man-ggagawa mula sa sektor ng agrikultu-ra ang nawalan naman ng trabaho.

Ayon din naman sa National Sta-tistics Office (NSO) nitong Abril, bumagsak ang bilang ng trabaho ng 7.5% o tinatayang may 3.08 milyong trabaho ang nawala. Ito ay sa ka-bila ng pagmamalaki ng palasyo sa 7.8% na pagsulong ng ekonomiya.

Ano ba ang mga ito sa karaniwang magsasaka? Para sa ating mga kapatid na magsasaka, ang tanging pag-asang makatanggap ng lupa ang maaaring makapag-aangat sa kanilang naghihi-kahos na kalagayan. Paulit-ulit na ang usapan, pagkilos na ang kinakailan-gan. Madaling maipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita kung gu-gustuhin at makikiisa tayo sa kanilang ipinaglalaban tungo sa tuwid na daan.

Nagpapakita lamang ang ganitong aksyon ng kawalan ng interes na tugunan ang hinaing ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita na lub-

hang nalugmok sa kahirapan.

Page 5: Tapat vol 1 no11

5HUNYO 18 - 24, 2013 opinyonTHE JUMPING WALL

Rogie YlaganSariling gabay sa bawat hakbang

THE DREAMERPaul Edward Sison

Babala sa mga tsismoso’t tsismosa

MANILA GIRLDiana Uichanco

Si Juan at si TuldokDalawang bagay ang im-portante para may marat-ing ang isang tao. Ang layunin at ang pags i s imula . Hindi maaaring wala ang isa. Ang layunin ay kung ano ang iyong ninanais na destinasyon at ang pagsisimula naman ay ang unang hakbang para marating ito. Kung hindi malinaw anglayunin ay para kang isang taong ligaw na pagala-gala na walang patutunguhan. At kung ‘di ka naman mag-sisimulang humakbang, ang layunin ay manana-tiling panaginip lamang.

Subalit hindi sapat ang mayroon nito sa simula lamang. Habang nagla-

lakbay patungo sa at-ing direksyon, dapat ay patuloy na nakatuon tayo sa ating layunin at dahi-lan ng ating pagsisimula. Maraming mga pangarap ang hindi natupad dahil sa pagbitaw sa dalawang ito.

Ilang mga estudyante na ba ang hindi nakapag-tapos sa pag-aaral dahil

sa nawaglit na layunin sa eskwela na mag-aral at matuto, bagkus inuna pa ang bisyo at barkada? At mga pamilyang na-sira dahil sa nakaligtaang sumpaan sa simula na magsasama nang mata-pat at magbubuo ng isang mabuti at marangal na pamilya, dahil sa pag-

kalingat sa mga impor-tanteng bagay dala ng mga tukso sa mundo? Mga tagumpay na hin-di naabot ng ilang mga biniyayaan sana ng tal-ento dahil sa pagkasilaw sa kasikatan at karang-yaan na tinamasa sa gitna ng kanilang paglalakbay hanggang naisantabi na nila ang pangunahing la-

yunin na kanila sanang naging gabay.

Sa bawat hakbang natin sa buhay ay hin-di maiiwasan ang iba’t ibang kinang sa paligid na humahalina sa ating mga pandama para ito ay lapitan at subukan. Hindi masama ang maglibang at magsaya sa mabubut-

ing bagay at paraan na iyong nakakasa-lubong pansumandali upang makabawas sa pagod at pagkas-uya. Panatilihin mo lamang sana sa iyong

paningin at isipan ang iyong layunin at ang da-hilan ng iyong unang paghakbang nang hindi ka tuluyangmahinto at maging dahilan ng pa-glimot sa pagtahak ng destinasyong una mong inasam na marating.([email protected] / theignoredgenius.blogspot.com)

“But I tell you that every-one will have to give ac-count on the day of judg-ment for every empty word they have spoken. For by your words you will be ac-quitted, and by your words you will be condemned.” - Matthew 12:36-37

Ito daw ang mensahe ni Rep. Manny Pacquiao sa mga taga-media ayon sa isang Facebook status ni Ivy Lisa Mendoza, dating editor ng Manila Bulletin.

Napapanahon po ang ganitong paalala ni Pac-quiao dahil sa pagig-ing laganap ng bagong teknolohiya na nagpa-padali ngunit siya rin namang nagpapatabang kung minsan ng komu-nikasyon. Dahil sa social

media, internet, cell-phones, i-Pad tablets, atbp., napakadali na nat-ing ipahayag ang ating saloobin.

Mabuti sana ito – kung ito ay ginagamit para sa mabuti. Kaso nga la-mang, napakarami rin ng gumagamit nito sa ‘di wastong paraan.

Ano ‘yon? National pastime daw ng mga Pinoy ang pagchichis-mis? Patay tayo diyan! Chismoso na ang Pinoy,

mas lalo pang pinalala ni-tong Facebook at dali ng pagtetext.

Hay naku…buti sana kung therapy o escape lang ‘yan ng mga taong mababa ang tingin sa sari-li. Alam niyo na, ‘yung mga tipong insecure at inggitera sa tagumpay ng ibang tao, kaso, matindi ang parusa diyan, lalo na kapag tayo ay namatay na at nakaharap na sa pa-

ghuhusga ni Kristo.Tama si Pacquiao. Ba-

sahin niyo ulit ang men-sahe niya sa itaas. Hindi po biro ‘yan!

Ang Diyos na mismo ang nagsabi sa Sampung Utos, “Thou shall not bear false witness against thy neighbor.” Pero, tama po ba na ang kapitbahay

natin ang paborito nat-ing pag-usapan? Oo nga po … lalo na kapag na-katalikod o wala.

Magbagong buhay na tayo. Mismong ang Santo Papa na ang nag-papaalala sa atin: Je-sus, “With all simplicity says: ‘Do not speak ill of one another. Do not den-igrate one another. Do not belittle one anoth-er.’” Sinabi rin ni Pope

Francis na immature ang paninirang puri dahil ki-nakailangan pa na mani-ra tayo ng kapwa para lang maramdaman natin na importante tayo.

Kakagatin mo na la-mang ba ang dila mo? Ayos ‘yan! Ika nga sa Couples For Christ… taming the tongue!

Minsan, naghahanap ako ng bagong tali para sa mga aso ko. Lumalaki na kasi sila, bumibigat na rin kaya mukhang kaunti na lang at mapipigtas na ‘yung ginagamit kong mga leash ‘pag nagpu-milit silang tumakbo.

Habang naghahanap ako sa mga dog sup-ply shops, may nakita akong babaeng nag-tutulak ng stroller. Wow, ang cute naman, naisip ko, ipinapasyal niya ang baby niya sa animal-friendly envi-ronment tulad nito... Tapos pagtingin ko sa stroller, ang nakasakay

pala ay aso! Ewan ko nga ba pero sa sandal-ing ‘yon, parang gusto kong itaob ang stroller. Violent reaction ba? Eh pa’no naman kasi, ang stroller ay para sa tao, tapos ang daming mga nanay na ngawit na sa pagbubuhat ng anak nila dahil walang pambili ng stroller. Heto ngayon, aso ang ilalagay sa stroller sa-mantalang inilalabas nga ang aso paminsan-minsan para ma-ex-ercise eh. Tapos pau-upuin mo sa stroller?

Naalala ko tuloy ‘yung mga panahon na nakakita ako ng mag-ina sa mall -- magkadugtong ang dalawa sa pamamagi-tan ng “leash”. Hindi naman nakakabit sa leeg ng bata ang leash -- sa pulso lang o

kaya sa baywang. Ta-pos ang kabilang dulo ay hawak ni nanay.

Iba-iba ang style ng mga magulang; iba-iba rin ang ugali ng mga bata, kaya nirerespeto ko ang desisyon ng bawat magulang tung-kol sa pagpapalaki sa kanilang anak. ‘Yun nga lang tuwing nakakikita ako ng ganitong naka-leash na bata, naiisip ko na sa panahon ngayon tila ang mga tao ay tinatratong parang hayop, habang ang mga hayop ay tinatratong parang tao. Batang na-ka-leash, asong nakasa-kay sa stroller -- at di-

nadamitan pa madalas.Pero nakalilimutan

siguro natin na habang mahalaga ang wastong pag-aalaga ng mga hayop na nilikha rin ng Maykapal, pangalawa lang sila sa mga tao sa herarkiya ng mga nilalang. Ang pinaka-gusgusin na taong na-katira sa kalye ay mas nararapat bigyang halaga pa rin kaysa sa pinakamalinis at bihis na bihis na asong naka-pagbibigay-aliw sa atin. Ang halaga ng buhay ng daan-daang mama-haling aso ay walang sinabi sa halaga ng buhay ng isang taong inilikhang larawan at kawangis ng Diyos.

Ating isipin: na-kikita ba ang ganitong wastong pagpapa-halaga sa pagtrato natin sa ating kapwa?

Yun nga lang tuwing nakakikita ako ng ganitong naka-leash na bata, naii-sip ko na sa panahon ngayon tila ang mga tao ay tinatratong parang hayop,

habang ang mga hayop ay tinatra-tong parang tao.

Sinabi rin ni Pope Francis na immature ang paninirang puri dahil kinakailangan pa na

manira tayo ng kapwa para lang maramdaman natin na importante tayo.

Ilang mga estudyante na ba ang hindi nakapagtapos sa pag-aaral dahil sa nawaglit na layunin sa eskwela na mag-aral at matuto,

bagkus inuna pa ang bisyo at barkada?

Page 6: Tapat vol 1 no11

6 HUNYO 18 - 24, 2013tampok

Umuulan ng tubig... at pagsubok!Handa ka na bang salubungin ang tag-ulan?

Ni DIANA UICHANCO

Pasukan na naman ba para sa mga anak mo? O baka naman ikaw mismo ang estudyante at ngayo’y babad na naman sa mga klase at

aralin? Alin ka man sa dalawa, tila panibagong panimula ang panahon na ito -- panibagong pag-pupunyagi at may kasamang pakikipagsapalaran dahil sa inaasahang baha at trapiko sa mga susu-nod na buwan. May mga oras bang parang ang hi-rap nitong kaliwa’t kanan na pagsubok? Pag-aaral, pag-asikaso sa mga gawaing bahay, mga kaibigan o katrabaho, mga gastusin, ang pagod sa biyahe araw-araw… Minsan nakakasubok pa ng panana-mpalataya dahil na rin nakaliligtaang gawing prayoridad ang mataimtim na pagdarasal.

Huwag mabahala! Narito ang mga paalalang mak-tutulong sa iyo:

Gumising sa tamang oras. Malaki ang epekto ng pagsimula ng umaga sa magiging kabuuang ka-lidad ng araw mo. Kaya kapag ginising ka na ng nanay, asawa, kapatid, o alarm, bumangon na agad upang salubungin ang bagong araw ng may sigla!

Matapos ang ilang segundong pag-alay ng bagong araw sa Diyos, mainam na magbanat-banat ng kaunti para mas mabilis magising ang isip -- blood circulation lang ‘yan. Ikumpara mo ang ganitong gawi sa pa-bandying-bandying at tinatamad na pagbangon o marahil kinagawiang pag-extend ng tulog.

Alamin agad ang estado ng panahon. May bagyo ba? Bumabaha na ba? Mainam na makibalita kung nagdeklara na walang pasok, habang maaga pa kaysa naman abutin sa baha o ma-stranded ka sa eskwelahan o opisina.

Mag-impok para sa isang pares ng botas. Alam mo ba kung bakit mabuting investment ito kung dumadaan ka palagi sa bahaing lugar? Dito sa Pilipinas at lalo na sa Maynila, napakarumi ng tubig baha. Kung anu-ano ang laman niyan, kasa-ma na ang ihi ng daga na siyang pinagmumulan ng sakit na leptospirosis. Maaaring pumasok sa kata-wan ang bacteria na sanhi ng leptospirosis, lalo na kapag may sugat, kaya’t kahit nakagawian na ng

marami, ang pagsuot ng tsinelas o anumang bukas na sapatos sa tuwing may baha ay masama para sa kalusugan. Siguro mahal ang sapatos mo kaya iniiwasan mong ilublob ito sa baha, pero mas ma-halaga ang kalusugan at buhay mo (nagiging sanhi ng pagkamatay ang leptospirosis kapag hindi naa-gapan agad). Mabulto nga ang botas, pero sa at-ing mga nakatira sa Pilipinas na kung saan may kakulangan ng wastong sanitation, importante ito bilang proteksyon sa sakit tuwing tag-ulan.

Alagaan ang kalusugan ng katawan at ng kaluluwa. Ngayong may mga paalala ka na tung-kol sa praktikal na mga bagay, sabayan ang pakiki-pagsapalaran sa pang-araw-araw ng naaalinsunod na dasal at pagtupad sa mga obligasyon ng pagig-ing Kristiyano. Kung ang katawan nga nagiging baldado kapag hindi inalagaan, ang kaluluwa pa kaya na kung saan nakasalalay ang tibay natin sa pagharap sa mga hamon ng buhay? Kung prob- blema sa pamilya pa ‘yan, sa pagsusulit, sa pera o pakikipag-relasyon, kayang-kaya basta’t panatag ang loob mo sa Panginoon.

Page 7: Tapat vol 1 no11

7HUNYO 18 - 24, 2013 tampokIsa ka bang annoying MRT/lRT passenger?

Alamin kung pano maging mabuting pasahero

MATINDING pagpapasensiya at tiyaga. Mada-las ito ang kailangan pagsakay sa MRT o LRT, lalo na tuwing rush hour na kung kailan ha-

los ‘di mo na kailangan ng mga binti para makapasok sa tren -- itutulak ka na papasok ng ibang pasahero.

Maliban sa pasensiya -- nang wala kang mapandila-tan dahil sa inis -- ang kagandahang-loob ay isa ring ugaling mabuting pagsanayan (para ikaw naman ang hindi pandilatan ng iba sa inis). Tutal, hindi lang sa loob ng simbahan o tuwing Linggo lang ang pagiging mabuting Kristiyano -- isinasabuhay natin ito kung kaya’t ang mabuting ugali na turo ng ating Simba-han ay nakikita sa pang-araw-araw na gawain natin. Kasama na dito ang pakikitungo natin sa kapwa saan man tayo naroroon! Narito ang ilang mga tips para sa pagiging mabuting pasahero:

* Huwag manulak. Kahit late ka na sa paroroonan mo, hindi ito nagbibi-gay sa iyo ng karapatang mag-asal maton. Dapat ini-sip mo na ang oras at dami ng tao sa istasyon noong nasa bahay o opisina ka pa lang. Walang kasalanan ang pasahero sa harap mo sa pagiging late mo, kaya’t huwag mo na siyang itulak upang madaliin.

* Kung may dala kang basang payong, ilagay ito sa plastik o sa loob ng bag mo. Ito ay para hindi tumulo ang tubig sa paa ng ibang pasahero at hindi rin babad ang mga pantalon o pal-da nila dahil sa payong mo.

* Kung hindi naman importante ang mensahe, iwasang gumamit ng cell-phone kapag nasa tren. Para sungkitin ang cellphone mo at hawakan ito sa iyong tainga (o kaya mag-text), kailangan mo ng malaking space at elbow room. Malamang may ma-sisiko ka kapag gawin mo ito. Baka may malagutan pa ng hininga kapag ginawa mo ito sa pagkasikip-sikip na tren. Isa pa, bahagi ng good manners ang nakikipag-usap sa telepono ng katamtaman lang ang boses, nang hindi naririnig ng paligid mo ang usa-pan. Mahirap yata ito kapag ginawa mo sa isang tren na puno ng tao dahil malamang marami rin sa kanila

- Pahina 8

Nagsasama pa pero love-less na?Tatapatin kita…

Ate Ami

Dear Ate Ami,

Sumusulat po ako tungkol sa sitwasyon ng isang kakilala kong si “Cesar”. Kasama pa rin niya ang kanyang maybahay, pero wala na ang dating pag-iibigan nila. Apat ang anak ni Cesar at ng kanyang asawa (nasa mga edad 40 na sila), ang panganay ay graduate na ng college habang ang tatlo ay nag-aaral pa. Sabi niya wala na siyang gana at ganin din ang pakiramdam ng asawa niya — nagkasawaan na. Nagkataon namang nagkatagpo ulit ng ‘di inaasahan si Cesar at ang kanyang dating nobya, si Fe, na single pa, at naging “sila na” pero hindi “officially.” Paano po ba ‘yun? Hindi na nagmama-halan ang mag-asawa. Kesa naman maging miserable sila, hind ba’t mas mabuting maghiwalay na lang? Better to be with the ones they love than stay in a love-less marriage, ika nga. Is it even moral to stay in such a marriage? Paniwala ko, it’s not moral. Pero para po malinaw, ang aking sariling marriage ay okey naman at wala akong balak na hiwalayan ang aking asawa dahil mahal na mahal ko siya at napakarami na naming pinagdaanan na amin namang kinaya. More power to you!

- Ronnie

Dear Ronnie,Naku, peligroso ‘yang mga tanong mo. “Maghiwalay na lang kesa mag-ing miserable”? “Is it even moral to stay in such a marriage?” Malabo ka. Sabi mo wala kang balak hiwalayan ang asawa mo, eh bakit iyon ang ipapayo mo sa iba? Ano ba para sa iyo ang “moral” sa pag-aasawahan? ‘Yung masaya, walang problema, kilitian habang buhay? Aba, eh buti na lang sumulat ka. Ikaw ang may problema eh.

Sabi mo, napakarami na kayong pinagdaanan na inyong kinaya ng misis mo kaya mahal na mahal mo siya at wala sa isip mong hiwalayan siya. Iyon ang dapat mong ipayo kay Cesar na nangangaliwa — nang

ni Ate Ami

makita niya ang kahalagahan ng pinagsaluhang hirap sa mag-asawa. Ang ginagawa niya ang immoral — ang pagtakas sa responsibilidad niyang mag-kasundo silang mag-asawa. Ang solusyon niya ay pakikiapid — sumisiping sa hindi niya asawa. Pagdating ng panahon, ‘yung dalagang si Fe na pumatol sa lalaking may asawa na ay lilipat din sa ibang lalaki, pagkat wala sa kon-siyensya niya ang pagiging tapat at matuwid. Parehong selfish si Cesar at si Fe, sarili lang ang inisip at hindi ang pamilya nila.

Mahaba at malawak ang ibinubunga ng pakikiapid. The hardest to deal with in this case is the relationship between Cesar and the children. Baka makaya pa nga nung asawa niya, eh pano ang iisipin ng mga anak nila? Hindi sila mahal ng tatay nila, at paglaki nila, puwede rin nilang gawin iyon, mangaliwa, pagkat iyon ang tama, ayon sa magulang nila. Maraming masa-saktan dahil lang diyan sa pilosopiya mong “Buti pang maghiwalay kesa magsama nang miserable.” Mga magulang ng mag-asawa: walang magulang na natutuwa sa pagkasira ng pamilya dahil lamang sa “nagkasawaan” na. Kahit mga magulang ni Fe —ikahihiya nila tiyak na madiskubreng nagpakat-agal-tagal sa pagkadalaga si Fe ‘yun pala’y sa isang immature na may asawa lang babagsak

Dapat i-set aside ng mag-asawa ang mga selfish urges, at magkahawak-kamay nilang talakayin nang buong talino ang kanilang pagiging “miser-able”. “Nagkasawaan na pareho”? “Wala na ang dating pag-iibigan”? Bakit, sinumpaan ba nilang maging mainit sa sex hanggang 95 anyos na sila? Na-pakabata pa nila para matuyot si misis at manglambot si mister, kaya hindi iyon ang problema nila, kung ‘di hindi nila “kasali” ang Diyos sa marriage nila. Pakinggan nila ang Diyos at nang maunawaan nila ang pinagdadaanan nila. Yakapin nila ang pagbabagong dinaranas nila ngayon pagkat ibig la-mang sabihin niyon ay may mas magandang nais ihandog sa kanila ang Panginoon.

May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa [email protected]. Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.

Page 8: Tapat vol 1 no11

8 HUNYO 18 - 24, 2013

may good news ka ba?Maraming nangyayaring positibo araw-araw -- kailangan lang

namin marinig mula sa ‘yo upang maibalita sa iba. Ikwento niyo sa amin ang mga good news na nakikita at naririnig niyo

sa paligid! Mag-email lang sa [email protected] at ilagay ang “Good News” bilang subject. Salamat po!

good news

balitaTAPATAN Question!

Heto na naman ang tag-ulan – panahon ‘di lang ng ulap kung hindi kadalasan ng baha. Paglabas mo ng bahay ay tiyak bang handa kang sumabak sa water world ng Kamaynilaan? Hindi natin masabi e…Dati payong lang ang katapat, ngunit ngayon, minsan ang kailangan ay pump boat. Kaya’t nagtanong-tanong kami kung ano ba ang mga rainy day tips ng ating mga kababayan.

Ano ang ‘rainy day’ tip mo?“Always bring an umbrella.” ~ Nillian Arena, Qu-ezon City

“Una, kailangan mag baon ng payong bago umalis ng bahay papuntang opisina. Pangalawa, kung walang payong magdala ng raincoat, jacket at magdala ng bota para sa baha. Ikatlo, huwag magtampisaw sa tubig ulan o baha para iwas sakit. Number 4, huwag makikipagsapalaran sa matataas na baha upang makaiwas sa disgrasya. At ang huli, makinig sa bal-ita sa TV o radyo upang malaman kung may pasok o wala.” ~ Esteve Mata, Las Piñas City

“Keep calm and dance in the rain.” ~ Elaine Ange-les, San Juan City

”Humanda kang mabasa at madumihan. Kahit anong iwas mo sa ulan o putik, wala kang magagawa. Pre-pare yourself emotionally and take comfort in the fact that you are not alone in this ‘battle’.” – Dominique Maling, Antipolo City

“If possible, bring rubber slippers or sandals, so that you can save your shoes from the water. Also, take vitamins, especially vitamin C to boost your immune system.” ~ Mark Vertido, Manila

“Always bring a water resistant jacket.” – Guilian Geronimo, Cavite City

ang nagkukwentuhan, kaya medyo kailangan mong lakasan ang boses mo sa telepono.

* Kung mapalad ka’t nakaupo sa tren, kailangang handa kang ibigay ito sa matatanda, nagdadalantao, o may kapansanang walang upuan at nakatayo malapit sa iyo. Maawa ka naman -- kahit ‘di malalaman ng iba kung nagkukunwaring tulog ka lang, alam ng Diyos ang lahat.

Para sa iba pang articles ni Nicole Bautista, bisitahin ang http://quietbutnotstill.blogspot.com

- Nicole Bautista

Isa ka bang annoying... mula sa pahina 7

Page 9: Tapat vol 1 no11

9HUNYO 18 - 24, 2013

It’s good to know that...

ADVERTISE WITH US..... EMAIL US AT [email protected]

@tapatnews tapatnews

[email protected]

FOLLOW US... FOLLOW US...

or subscribe to Tapat. Check out the subscription form on page 8 of this issue.

www.tapatnews.com

A study shows that children from families that go to religious activities together report seeing more expressions of love and affection between their parents.

The country entrusted itself to Our Blessed Virgin Mary, last June 8. As we begin to enjoy the graces this act showers upon us, the Church calls on everyone to pray this daily prayer together telling Mama Mary, “We are yours. Our families are yours. Our nation, our Church are yours.”

A Daily Consecration PrayerBeloved Mother of Jesus, and our Mother, trustingly we gather before you. We lay before you all the longings and hopes, sufferings and anxieties of our people. To your Immaculate Heart we raise from our hearts this Act of Entrustment and Consecration. Embrace us, dear Mother, and gather each one of us within your saving mantle; take us within your motherly love.

Immaculate Heart of Mary, we seek to unite ourselves with the consecration which Jesus the Son made to His heavenly Father on the night before He gave His life for us, when He prayed: “For their sakes, I consecrate myself, that they also may be consecrated in truth,” (John 17, 19) His consecration obtains pardon and mercy and secures redemption for all sinners and from all sin. Its power over-comes every evil which the powers of darkness awaken in human hearts throughout history. It joins us in His heart to make us one in the grace of His Paschal Mystery.

Immaculate Heart of Mary, your heart is most wholly united with Your Son’s redeeming consecration. As we entrust ourselves to you, help us to live in trust Jesus’ consecration, faithfully each day. De-liver us from the power of sin, in all its forms and manifestations, in personal and social living. Help us to strive to raise up in our land a civilization of solidarity, justice and love, by the grace of the Spirit of Jesus.

May the infinite power of the merciful love of God, through your motherly intercession, be revealed in our history as a people. May it change our hearts to the likeness of the Pierced Heart of Jesus and the likeness of your own Immaculate Heart.

By this consecration, may we become ever more truly, “pueblo aman-te de Maria”, a people which loves you mightily in its own heart, a people you make each day ever more y our own, held securely and cherished in your Immaculate Heart. AMEN. AMEN.

Page 10: Tapat vol 1 no11

10 HUNYO 18 - 24, 2013Katoliko

KATESISMO, MISMO!

Unapologetically catholicAre you saved?

Why is the sacrament of Penance called

“the sacrament of Confession”?The sacrament of Penance is called “the sacrament of Confession”, because the confession of sins to a priest is an essential element of this sacrament.

It is called the sacrament of confession, since the disclosure or confession of sins to a priest is an essential element of this sacrament. In a profound sense it is also a “confession” – acknowledgment and praise – of the holiness of God and of his mercy toward sinful man.

It is called the sacrament of forgiveness, since by the priest’s sacramental ab-solution God grants the penitent “pardon and peace.”[1]

It is called the sacrament of Reconciliation, because it imparts to the sinner the life of God who reconciles: “Be reconciled to God.”[2] He who lives by God’s merciful love is ready to respond to the Lord’s call: “Go; first be reconciled to your brother.”[3]

1 OP 46 formula of absolution.2 2 Cor 5:20.3 MT 5:24.

- St. Faustina, Divine Mercy in My Soul

From the Saints...My daughter, just as you prepare in My presence, so also you make your confession before Me.

The person of the priest is, for Me, only a screen. Never analyse what sort of a priest it is that I am

making use of; open your soul in confession as

you would to Me, and I will fill it with My light.

(1725)

Picture yourself alone in a small, quiet, cozy restaurant dining by your lone-some self when a charming young cou-

ple walks in, looks around, and unable to find a table politely ask if they can join you. You hospitably accommodate. After pleasant-ries, amiably the charming lady says, “May I ask you a question?” With your assent she shoots, “What is your idea of salvation?”

Unnerved? No.You sigh a silent prayer to the Holy Spirit

and reply concisely, “Salvation is a free gift from God; we are saved by His grace and our response to that free gift of grace is an active faith with good works.”

The question may come, “Are you saved? Have you been born again? Do you know if you will go to heaven? – probes hinged on Sola Fidei doctrine. Luther confessed the theology of salvation with a simplistic Faith Alone doctrine that he felt was imputed in Romans, “A man is justified by faith apart from works of the law.” (3:28). He believed man as intrinsically perverse and incapable of good, thus his good works were of no merit for justification.

The Bible clearly states “A man is justified by works and not by faith alone.” (Jas 2:24) -- the only Scripture verse where ‘alone’ follows ‘faith’. Justification is not solely by faith, minus good works or a question of faith versus good works, both are inextri-cably united. “Faith apart from good works is dead.” (Jas 2:26); but Luther called James an “epistle of straw”. The “works of the law” in Romans were Mosaic ordinances and 613

tacked-on Pharisaic precepts Judaizers deemed es-sential, not the good works for love and neighbor.

St. Paul knew what it was to be saved. His was an extraordinary encounter with Jesus, yet he wasn’t presumptuous (1 Cor 4:3-5). Never preached a “once-saved always-saved” proposition with smug con-fidence and absolute certitude, nor did he discount good works. He stressed the excellence of love over faith (1 Cor 13:1-13), urging “Be rich in good works (1 Tim 6:18)” and “Work out your salvation with fear and trembling” (Phil 2:12), while rejoicing in com-pleting in himself “what is lacking in the suffering of Christ for the sake of His body the Church” (Col 1:24).

Was Christ’s redemptive work incomplete? Open-ness to grace completes it in us for God is at work in you, both to will and work for His good pleasure (Phil 2:13). We are instrumental causes of good through which the Principal Cause of good, Eternal Goodness Himself works. Without our cooperation we could still lose salvation (cf. 1 Pet 5:8). A confessed eternal-security following an intellectual, minimally simplis-tic, verbal profession of faith and being born- again, exuding cannot-lose-heaven sureness is a misguided, unbiblical notion of salvation.

Justification by faith is an ongoing conversion pro-cess coalesced in a continuum of past, present and future events: I have been saved (Rom 8:24, Eph 2:5-8, 2 Tim 1:9; 3:15); I am being saved (Phil 2:12, 1 Pet 1:9); I will be saved (Mt 7:21, Mt 10:22, Mt 24:13, Mk 8:35, Acts 15:11, Rom 5:9-10, 13:11, 1 Cor 3:15; 5:5; Heb 9:28).

“Not everyone who says to me, ‘ Lord, Lord’ will enter the kingdom of heaven, but he who does the will of my Father in heaven” (Mt 7:21) – that means a lifetime of faith and good works.

by EDGARDO DE VERA

Page 11: Tapat vol 1 no11

11HUNYO 18 - 24, 2013

#coolCatholics by SKY ORTIGAS

Creative Catholic photographer on the loose!

So many #CoolCatholics, so little time! This time, I talked to hardcore Catholic and pro-lifer Dominic Barrios. He’s not just one of my good

friends and brothers in CFC Singles for Christ, he’s also another creative kindred spirit.

Dominic or Nicky is one cool wedding photogra-pher (I have to say this, so that I can get him for my wedding for free! Now about the groom…). But seri-ously, his photos have a signature look and style – in short, they are awesome! Not only does he take photos with skill, but he has a passion that seems to capture, not only the wedding event, but the creator of marriage Himself, the only Author of Life.

So where does he get this eye for more than just detail? I think it’s because Nicky is also an advocate of life itself as seen through his passion for John Paul II’s Theology of the Body. More importantly, he’s a Jesus addict! A leader of CFC Singles for Christ, he shares his skills with aspiring photographers, while sharing his love for the Lord and his skills in using photography to glorify Him.

I got to ask him a few questions…. Here goes.

What made you love photography?When I was young, I was very much into arts and crafts already. I loved sketching using charcoal, mak-ing stuff from scratch, painting with oil pastel. But my favorite was sketching people. It was very tiring and draining to sketch a face, so I didn’t pursue that hobby. When I received my first DSLR, I loved that I could instantly capture beautiful things with my camera with just one click. I also loved the idea that

I could use this new blessing to document our com-munity and Gawad Kalinga activities.

Why weddings?When I decided that I was going to pursue a career in photography, I was discerning whether to take an apprenticeship in food photography or weddings be-cause they were the very lucrative ones. Who doesn’t love food? They’re yummy and very colorful, plus you get to eat them after shooting them. [I chose] weddings because they are full of emotions and I love shooting people as subjects What is the most memorable part of a wedding that you want to capture?My favorite part of the wedding that I love to shoot is the aisle walk of the bride. I always look forward to the groom’s reaction as the church door opens for the bride. They always smile and I love it more when the bride and groom cry because of happiness. Any words of inspiration to those aspiring photographers out there?Always have your purpose in mind. Why you’re do-ing this at all. Is it for yourself or for God. If you’re doing this only for money, then I don’t think you’ll have a long career in photography. But do this out of passion, then you’ll be doing great things as a pho-tographer.

Looking for someone to capture your own wedding’s highs? Check out his website,

http://dominicbarrios.com

“”

And whatever you do, whether in word or deed, do it all in the name of the Lord Jesus, giving thanks to God the Father through him.

– Colossians 3:17

Page 12: Tapat vol 1 no11