termpaper (1-5)

26
1 Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon Physics. Maraming mag-aaral ang nagsasabing, “Napakahirap ng physics.” Oo, isa ang Physics sa mga komplikadong sabdyek na kinakaharap ng marami sa ngayon dahil ito ay isang napakalawak na sangay ng agham. Nakatuon dito ng lahat ng mga bagay (o matter), iba’t ibang uri ng enerhiya, at ang interaksiyon ng mga ito. Physics as a discipline requires learners to employ a variety of methods of understanding and to translate from one to the other—words, table of numbers, graphs, equations, diagrams, maps. Physics requires the ability to use algebra and geometry and to go from the specific to general and back. This makes learning physics particularly difficult for many students (Redish, 1994). Ang mga uri ng representasyon sa physics ay isa sa mga dahilan kung bakit napakahirap para sa mga mag-aaral na intindihin ang sabdyek na ito. Ang kaisipang ito ay sinang- ayunan ni Carl Angell, isang mananaliksik sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Stanford. Ayon kay Angell, ang pag-iiba sa uri ng isang representasyon ang

Upload: gian-carlo-tolentino

Post on 13-Apr-2015

111 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

book

TRANSCRIPT

Page 1: termpaper (1-5)

1

Kabanata IAng Suliranin at Kaligiran Nito

Introduksyon

Physics. Maraming mag-aaral ang nagsasabing, “Napakahirap ng physics.” Oo,

isa ang Physics sa mga komplikadong sabdyek na kinakaharap ng marami sa ngayon

dahil ito ay isang napakalawak na sangay ng agham. Nakatuon dito ng lahat ng mga

bagay (o matter), iba’t ibang uri ng enerhiya, at ang interaksiyon ng mga ito.

Physics as a discipline requires learners to employ a variety of methods of understanding and to translate from one to the other—words, table of numbers, graphs, equations, diagrams, maps. Physics requires the ability to use algebra and geometry and to go from the specific to general and back. This makes learning physics particularly difficult for many students (Redish, 1994).

Ang mga uri ng representasyon sa physics ay isa sa mga dahilan kung bakit

napakahirap para sa mga mag-aaral na intindihin ang sabdyek na ito. Ang kaisipang ito

ay sinang-ayunan ni Carl Angell, isang mananaliksik sa akademikong perpormans ng

mga mag-aaral sa Unibersidad ng Stanford. Ayon kay Angell, ang pag-iiba sa uri ng

isang representasyon ang nagpapalito sa mga mag-aaral kung kaya’t nahihirapan silang

pag-aralan ito.

Study Habits. Ayon sa ikatlong tomo ng “Issues… About Change” ng

Southwest Educational Developmental Laboratory, malaki ang epekto sa pagkatuto ng

isang mag-aaral ang kanyang mga pananaw ukol sa kursong kanyang pinili. Kadalasan,

ang mga mag-aaral na mayroong matataas na marka sa kanilang mga sabdyek ay

kakikitaan ng kasipagan at mapursiging damdamin.

Page 2: termpaper (1-5)

2

The extent of student’s learning in academics may be determined by the grades a student earns for a period of learning has been done. It is believed that a grade is a primary indicator of such learning. If a learner earns high grades it is concluded that they may also have learned a lot while low grades indicate lesser learning. However, many experiences and studies found out that there are also several factors that would account for the grades (Kizlik, 2012.)

Marami ang naniniwala na kapag ang isa ay nagkaroon ng mataas na marka sa

isang sabdyek, matalino siya at madaling matuto. Ngunit ayon kay Dr. Bob Kizlik, isang

propesor sa Unibersidad ng Virginia, maraming salik ang napapaloob sa pagkakaroon ng

mataas na marka, at isa na rito ang pagkakaroon ng mga positibong study habits.

Mga Study Habits sa Sabdyek na Physics. Napakarami ng mga study habits na

maaring gawin ng isang mag-aaral sa sabdyek na physics, gaya ng time management,

pag-aaral ng mga leksyon sa bahay, pag-aaral tuwing may pagsusulit, pagtatala ng mga

mahahalagang punto, pagtatanong sa mga guro, paggawa ng mga asignatura, at

pagbabasa ng mga aklat. Ngunit alin kaya sa mga nabanggit ang pinakamabisang study

habit upang maunawaan ng husto ng isang mag-aaral ang sabdyek na physics?

Page 3: termpaper (1-5)

3

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng mga mananaliksik na pag-aralan ang kabisaan ng mga iba’t ibang

study habits sa sabdyek na Physics ng mga mag-aaral sa Holy Angel University sa taong

akademiko 2012 – 2013.

1. Anu-ano ang epektibong study habits na ginagawa ng mga mag-aaral ng

ikalawang taon ng kursong Engineering sa kanilang pag-aaral sa sabdyek na

physics?

2. Sa paanong paraan makakatulong ang mga guro sa Physics sa lubusang

ikauunawa ng mga mag-aaral sa sabdyek na ito?

3. Paano makakatulong ang mga study habits na ito sa iba pang mga sabdyek na

pinag-aaralan ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng kursong Engineering?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik ay makakatulong sa mga mag-

aaral upang mapadali ang kanilang pag-aaral sa sabdyek na Physics. Higit na

makikinabang ang mga sumusunod:

Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang maging maganda ang

marka nila sa sabdyek na Physics.

Mga Guro sa Physics. Mas mapapadali ang kanilang pagtuturo o pagtatalakay sa

mga leksyon ukol sa sabdyek na nabanggit.

Administrasyon. Makakatulong ang pag-aaral na ito upang tumaas ang passing

rate ng departamento o kolehiyong kinabibilangan.

Page 4: termpaper (1-5)

4

Mananaliksik sa Hinaharap. Maaring gamiting batayan ng mga susunod na

mananaliksik ang mga impormasyong nakalap ng mga kasalukuyang mananaliksik.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga paniniwala at gawi ng mga

mag-aaral sa sabdyek na Physics na nasa ikalawang taon ng kursong Engineering sa Holy

Angel University sa taong akademiko 2012-2013.

Nalilimitahan ang pag-aaral na ito sa isang kolehiyo ng Holy Angel University na

siyang nagtuturo ng sabdyek na Physics. Lalo pang nililimitahan ang pag-aaral na ito sa

pamamagitan ng pagpili ng mga respondenteng nasa ikalawang taon, sa pangalawang

semestre ng taong akademiko 2012-2013. May kabuuan na isang daang respondente, ang

tinanong ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng Random Sampling Method. Gumamit

ang mga mananaliksik ng mga sarbey kwestiyoneyr o talatanungan na binubuo ng tatlong

tanong.

Page 5: termpaper (1-5)

5

Depinisyon ng Terminolohiya

Para sa kapakanan, kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa, binigyang

depinisyon ang mga sumusunod na mga terminolohiya batay sa kung paano ito ginamit sa

pamanahong-papel na ito:

Physics. Ito ay isang sabdyek na pinag-aaralan ng mga mag-aaral sa hayskul at kolehiyo.

Isa itong natural na agham na sumasangkot sa pag-aaral ng materya at mosyon nito sa

espasyo-panahon kasama ng mga kaugnay na konseptong gaya ng enerhiya at pwersa.

Algebra at Geometry. Ito ang mga mahahalagang sangay ng matematika na dapat pag-

aralan ng mga mag-aaral upang mapadali ang kanilang pag-aaral sa physics.

Study habits. Ginamit ng mga mananaliksik ang study habits bilang isang gawain o pag-

uugali na ipinamamalas ng mga mag-aaral sa panahon ng kanilang pag-aaral.

Grade. Ginamit ng mga mananaliksik ang grade bilang isang basehan sa antas ng

pagkatuto ng mga mag-aaral sa sabdyek na physics.

Page 6: termpaper (1-5)

6

Kabanata IIMga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang pagsusuri sa iba’t ibang study habits ay di maikakailang nakatuon sa isang

malawak na pag-aaral sa mga mag-aaral sa lahat ng antas. Dahil rito, marami ang

nagsagawa ng kani-kanilang pananaliksik upang palawigin ang mga ito at malaman ang

lebel ng kabisaan ng bawat isa sa mga mag-aaral na gumagawa nito.

Tinatalakay sa kabanatang ito ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ng iba’t

ibang indibidwal o grupo upang lubos na maunawaan ang mga kabisaan ng mga study

habits sa mga mag-aaral ng physics.

Kaugnay na Literatura

Ano ang study habit?

Study habits are the ways that you study - the habits that you have formed during your school years (Fleming, 2005).

Ang mga study habits ay ang mga bagay, gawain, o pag-uugali na kadalasang

ipinapakita ng mga tao sa kanilang pag-aaral. Ang mga ito ay maaaring positibo o

negatibo depende sa resulta na nakukuha ng isa.

Effective study skills must be practiced in order for you to improve. It is not enough to simply "think about" studying; you have to actually do it, and in the process use information from what you do to get better. All that follows depends on this single concept. There is a saying that goes like this: "Practice doesn't make perfect; perfect practice makes perfect." If you want to be an achiever, take this saying to heart (Kizlik, 2012).

Ayon sa mga pahayag ni Kizlik, napakahalaga para sa isang mag-aaral ang

pagkakaroon ng magaganda’t positibong study habits dahil mas mapapalawak ang

Page 7: termpaper (1-5)

7

kanyang kaalaman kung lubusan niyang nauunawaan ang lahat ng kanyang dapat

matutunan.

Ayon sa 2011 isyu ng Insight Magazine, kahit na napakahalaga ng mga study

habits sa pag-aaral, madalas ito’y hindi itinuturo sa mga paaralan. Kaya, nagbigay sila ng

iba’t ibang mungkahi o suhestiyon kung paano makabubuo ng mga positibong study

habits ang mga mag-aaral.

Determining time limits for study sets the immediate goal for completing one’s work within specific time limits and also helps one to resist recreational distraction (Robinson, 1990).

Maglaan ng tamang oras para sa pag-aaral. Ang pagkakaroon ng angkop na oras

sa pag-aaral ay tutulong sa mga mag-aaral na magtamo ng sapat na kaalaman. Ang

pagtatalaga ng mga leksyon upang gawin sa isang yugto ng panahon ay mas makakabuti

at madaling maintindihan.

Focusing only on the material being studied will help save time. It might seem obvious, but this will allow the retention of more information. In other words, if it is math study time, don’t fret about next week’s science test (Insight Magazine, 2011).

Magkaroon ng konsentrasyon sa iisang isyu lamang. Kapag nakatuon ang isa sa

iisang materyal lamang, hindi nahahati ang kanyang atensyon kaya mas madali para sa

isa na matutunan ang iba’t ibang mga leksyon.

Pakikinig sa guro. Ayon kay Rivers (1981), sa karaniwang talastasan ay doble ang

paggamit ng pakikinig kaysa pagsasalita at apat hanggang limang ulit na ginagamit kaysa

pagbasa at pagsulat.

Students who are active listeners use new information more productively. They are better equipped to access their prior knowledge, which allows them to make connections with new information. It also enables them to decide how to use this

Page 8: termpaper (1-5)

8

information. By activating their schema, they have a framework for understanding new content and whether or not the content is relevant. As a result, they are much better at sifting through all of the information they receive and determining what the main points are and what are extraneous details. Because good listeners tap into their prior knowledge when hearing new information, they can more readily integrate new ideas into their schemas. Students who use active listening strategies also exhibit better concentration and memory. Active listeners filter information, connect to what is important, use it and store it in a meaningful way. Consequently, they often seem to have a better grasp on academic content than their peers who listen more passively (Cole and Edwards, 2011).

Ang matamang pakikinig tuwing may diskusyon sa loob ng klase ay makakatulong

upang bumilis ang pang-unawa ng isang mag-aaral. Maganda rin ang naidudulot ng

pakikinig sa memorya ng mga estudyante. Maraming eksperto ang naniniwala na mas

natatandaan ng mga tao ang isang ideya kung ito ay kanyang narinig kaysa kung ito ay

kanyang nabasa.

Kaugnay na Pag-aaral

Bilang karagdagan, ang “A Survey of Students Study Habits in Selected Secondary

Schools: Implication for Counselling”, isang tesis na binuo sa Unibersidad ng Benin sa

Nigeria ay nagpapahayag na kailangan din ng mga mag-aaral ang mga sumusunod.

“Reading with one's head instead of one's eyes is what effective study habit involves- The students must learn to read with an active attitude of seeking what is important in the material and subordinating what is merely explanatory (Robinson, 1990).”

Malaki ang naitutulong ng pagbabasa sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Marami

ang nakukuhang impormasyon sa pagbabasa ng iba’t ibang aklat, artikulo, mga

pahayagan, magasin at iba pa.

Page 9: termpaper (1-5)

9

There are times when, no matter how interesting a subject might be, it's still very difficult to stay awake when studying. Say you have several chapters to read for the next class. You have the time to do it, but you're having trouble keeping those "baby blues" open and focused. Try this. First, buy an egg timer, one of those little white ones that clicks off the seconds quietly. Set the timer for ten minute intervals. Read until the timer goes off. Then get up and move around for a couple minutes -- maybe sip some fruit juice. Then set the timer and repeat the process. If the moving around and sipping isn't enough, try some deep knee bends, sit ups, or muscle-stretching activities. The idea is to keep the blood moving through the brain. You'll be surprised at the amount of information you cover in a short period of time (Patterson, 2008)

Pagiging atentibo. Ang pagiging atentibo ay tutulong sa isang mag-aaral na

matuto ng mas mabilis. Mas marami ang pumapasok sa utak ng mga aktibong mag-aaral

kaysa roon sa mga hindi atentibo at walang pokus sa pag-aaral.

Iilan lamang ang mga nabanggit at naitala sa mga literatura at pag-aaral na

isinagawa ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan ukol sa mga study habits. At maaari pa

itong lumawak sa tulong ng pananaliksik na ito.

Page 10: termpaper (1-5)

10

Kabanata IIIDisenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng paraang deskriptib analitik. Ito ay

gumagamit ng mga talatanungan o mga sarbey kwestyoneyr upang makalikom ng mga

datos ukol sa kabisaan ng iba’t ibang study habits sa sabdyek na Physics ng mga mag-

aaral sa ikalawang taon ng kursong Engineering sa Holy Angel University, taong

akademiko 2012 - 2013. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito

sa kanilang paksa.

Mga Respondente

Ang mga napiling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na

kasalukuyang nag-aaral ng physics. Para sa sarbey, ang mga mananaliksik ay kumuha ng

isandaang (100) mag-aaral mula sa ikalawang taon ng kursong Engineering sa Holy

Angel University sa pamamagitan ng random sampling upang hindi maging biased ang

resulta ng sarbey. Naniniwala rin ang mga mananaliksik na napiling bilang ng

respondente ay makapagbibigay ng akyureyt na datos.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang ginamit na instrumento sa pag-aaral at pagsusuri ng mga datos ng mga

mananaliksik ay ang talatanungan o sarbey kwestyoneyr. Ito ang kanilang napiling

instrumento dahil naniniwala ang mga mananalisik na ito ang pinakamadali at

pinakamabisang paraan upang kanilang makuha ang inaasahang resulta ng pag-aaral.

Page 11: termpaper (1-5)

11

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na

mangalap ng impormasyon mula sa iba’t ibang hanguan sa silid-aklatan ng Holy Angel

University gaya ng libro, artikulo sa mga magasin at journal. Ang mga mananaliksik ay

kumuha rin ng mga impormasyon mula sa internet.

Tritment ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay ayon sa mga gawi o paraan sa pag-aaral ng sabdyek na

physics. Isinagawa lamang ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito nang naayon sa

kanilang pamamaraan sa nasabing sabdyek. Bilang o dami ng mga pumili sa bawat

pinagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik.

Kinalkula rin ng mga mananaliksik ang bahagdan ng mga pumili sa bawat sagot. Ginamit

sa pag-aaral na ito ang grapikal at tekstwal na presentasyon.

Page 12: termpaper (1-5)

12

Kabanata IVPresentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Natuklasan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na datos at impormasyon

na kanilang nakalap mula sa isandaang (100) respondente. Ang pinagmulan ng mga

resulta ng sarbey ay nakaklasify sa tatlong presentasyon upang madaling mailahad ng

mga mananaliksik ang mga datos at impormasyon.

Inalam ng mga mananaliksik ang mga epektibong study habits na ginagawa ng

mga respondente sa kanilang pag-aaral sa sabdyek na Physics. Walumpung pito (87) o

halos labinlimang porsyento (15%) ang nakikinig sa kanilang guro tuwing ito ay

nagtuturo at nagrereview tuwing may medyor na pagsusulit. Pitumpu’t dalawang (72)

respondente o halos labintatlong porsyento (13%) naman ang nagtatanong sa kanilang

mga kaklase na magaling sa Physics. Pinakamababa naman ang bilang ng mga

respondente na nag-aaral ng kanilang mga leksyon tuwing may bakanteng oras sila sa

paaralan o sa bahay na mayroong apatnapu’t isa (41) o halos pitong porsyento (7%)

lamang.

Tingnan ang grap:

Page 13: termpaper (1-5)

13

Grap 1

0

10

20

30

40

50

60

70

80

9087

72

61

4753

67

54

87

41

Kabisaan ng mga Study Habits sa Sabdyek na Physics

Series 1

Sa pangalawang presentasyon makikita ang mga paraan kung paano

makakatulong ang mga guro sa Physics sa lubusang ikauunawa ng mga mag-aaral.

Walumpung pitong (87) respondente o halos dalawampu’t apat na posyento (24%) ang

nagsabi na dapat ipaliwanag ng mga guro ang mga leksyong tinatalakay ng mabuti.

Pitumpu’t dalawa (72) o halos dalawampung porsyento (20%) ang sang-ayon sa

paggamit ng mga guro ng mga simpleng ilustrasyon. Samantala, pitumpu’t isang (71)

respondente o halos labing siyam na porsyento (19%) ang nagsabi na mabuti ang

pagbibigay ng mga tanong na madaling maintindihan. Sumunod dito ay ang pagbibigay

ng takdang-aralin sa mga mag-aaral na sinang-ayunan ng animnapu’t siyam (69) na

respondente. Animnapu’t apat (64) naman ang nagsabi na dapat hikayatin ng mga guro

ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti. Ang kabuuang bilang mga sagot ay 366,

kasama na rito ang iba pang kasagutang itinala ng mga respondente.

Kabuuang Bilang ng mga Sagot = 569

Page 14: termpaper (1-5)

14

Tingnan ang grap:

Grap 2

24% o 87

20% o 7219% o 71

19% o 69

17% o 64

1% o 3

Paraan Kung Paano Makakatulong ang mga Guro sa mga Respondente

Pagpapaliwanang ng Mabuti

Paggamit ng Simpleng Ilustrasyon

Pagbibigay ng mga Tanong na Madal-ing Maintindihan

Pagbibigay ng Takdang Aralin

Paghihikayat sa mga Estudyante na Mag-aral ng Mabuti

Iba Pang Kasagutan

Ang iba pang kasagutang itinala ng mga respondente ay ang pagbibigay ng mga

group seatwork para malinang ang pagtutulungan ng mga mga-aaral, paglalagay ng mga

bonus problems, at pagbibigay ng mga pagsusulit na maaaring sagutin sa bahay.

Sa ikatlo at huling presentasyon naman makikita kung paano makakatulong ang

mga study habits na ito sa iba pang mga sabdyek na pinag-aaralan ng mga respondente.

Isang sagot lamang sa bawat respondente ang hiniling ng mga mananaliksik.

Dalawampu’t lima (25) ang nagsabi na makakatulong ang mga study habits na ito upang

mapabilis ang kanilang pagkatuto sa mga leksyong tinatalakay. Dalawampu’t apat (24)

naman ang naniniwala na makakatulong ang mga ito upang magkaroon ng matataas na

grado sa iba’t ibang sabdyek. Ganoon din ang bilang ng mga respondente na nagsabi na

ang paggamit ng mga ito ay makakatulong upang magkaroon sila ng focus sa pag-aaral.

Labintatlong (13) respondente naman ang sang-ayon na ito ay makakatulong upang

Kabuuang Bilang ng mga Sagot = 366

Page 15: termpaper (1-5)

15

maging aktibo sila sa loob ng klase. Samantalang labindalawa (12) ang nagsabi na ito ay

isang paraan upang malinang ang kasipagan nila sa pagrereview. Dalawa lamang sa

isandaang respondente ang mayroong ibang kasagutan. Ayon sa mga respondenteng ito,

makakatulong ang paggamit ng mga study habits na ito upang tumaas ang kanyang iskor

sa mga pagsusulit at matandaan ang mga leksyong napag-aralan na.

Pansinin ang kasunod na grap:

Grap 3

0

5

10

15

20

25

30Epekto ng mga Study Habits sa Ibang Sabdyek

Kabanata V

Page 16: termpaper (1-5)

16

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na suriin ang iba’t ibang study habits na

ginagawa ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa sabdyek na Physics, ang mga

hakbang o gawain na maaaring gawin ng mga guro upang mapabuti ang kanilang pag-

aaral at ang epekto ng mga study habits na ito sa ibang sabdyek na kanilang pinag-

aaralan.

Ang ginamit na pamamaraan ng pananaliksik ay ang disenyong deskriptib

analitik. Ang paggamit ng sarbey kwestyoneyr naman ang teknik na ginamit sa

pangangalap ng mga datos at impormasyon. Nagdisenyo ang mga mananaliksik ng isang

kwestiyoneyr na mayroong tatlong tanong at pinasagutan sa isandaang (100) respondente

mula sa mga mag-aaral ng ikalawang taon ng kursong Engineering sa Holy Angel

University. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong akademiko 2012 – 2013.

Napag-alaman sa pag-aaral na ito na positibo ang epekto ng paggamit ng mga

study habits na ito sa Physics at sa iba pang sabdyek. Napatunayan rin na malaki ang

maitutulong ng mga guro sa Physics sa pag-aaral ng kanilang mga esudyante.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay

humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

Page 17: termpaper (1-5)

17

1. Ang pinakaepektibong study habits sa pag-aaral sa sabdyek na Physics ay mga

sumusunod: pakikinig sa guro tuwing ito’y nagtuturo, pagrereview tuwing may

medyor na pagsusulit at pagtatanong sa mga kamag-aral.

2. Makakatulong ang mga guro sa Physics sa kanilang mga estudyante na

maunawaan ang kanilang mga leksyon kung ipapaliwanag nila ng mabuti ang

mga leksyong tinatalakay, paggamit ng mga simpleng ilustrasyon sa pagtuturo, at

pagbibigay ng mga tanong na madaling maintindihan.

3. Kung gagamitin ang mga epektibong study habits na ito sa ibang sabdyek, mabilis

na matututunan ang mga leksyon, malilinang ang pokus sa pag-aaral, at

magkakaroon ng matataas na grado sa iba’t ibang sabdyek.

Rekomendasyon

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral, buong-pagpapakumbabang iminumungkahi

ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal, pangkat, institusyon o tanggapan

ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Para sa mga guro sa Physics, magkaroon ng mga visual aid na madaling

maintindihan at nakakapukaw ng pansin, gaya ng powerpoint presentation, mga

larawan o mga nakatalang pormula, na maaaring gamitin sa lubusang ikauunawa

ng mga mag-aaral.

2. Para sa mga mag-aaral, magkaroon ng disiplina sa pag-aaral at magkaroon ng

tamang oras sa paglilibang o paglalaro na maaaring makagambala sa pagrereview

tuwing may pagsusulit at medyor eksams. Matutong i-manage ang oras ng pag-

aaral at pagpapahinga.

Page 18: termpaper (1-5)

18

3. Para sa mga administrador, siguraduhin na ginagawa ng mga guro ang nakaatas

na gawain sa kanila, lalo na ang pagsunod sa kanilang lesson plan o syllabus,

dahil makakatulong ito upang maturuan nila ng maayos ang kanilang mga

estudyante.

4. Para sa magulang, sikaping alamin ang akademikong perpormans ng kanilang

mga anak at suriin ang mga study habits na kanilang ginagawa upang matulungan

nila ang kanilang mga anak na malinang ang kasipagan sa pag-aaral.

5. Para sa mga guro sa lahat ng sabdyek, hikayatin ang mga estudyante na

magtanong kapag mayroong silang hindi naiintindihan sa leksyon upang

malinawan sila at upang mapadali ang kanilang pagsagot sa mga pagsusulit at

takdang-aralin.