the 7610 - ppadgab

31
Praymer sa Pang-aabuso sa Bata PRESENTED BY: PERLA TANGPUZ PALACIO TRAINING OFFICER ________________________________________ ____ GABRIELA – Southern Tagalog

Upload: ethelandico

Post on 27-Dec-2015

326 views

Category:

Documents


67 download

DESCRIPTION

RA 7610

TRANSCRIPT

Page 1: The 7610 - Ppadgab

Praymer sa Pang-aabuso sa Bata

PRESENTED BY:

PERLA TANGPUZ PALACIO

TRAINING OFFICER

____________________________________________

GABRIELA – Southern Tagalog

Page 2: The 7610 - Ppadgab

Sino ang Bata?

ay sinumang tao na ang edad ay hindi pa tumutuntong ng 18 taong gulang o maaaring higit pa dito na ayon sa pagsusuri ng isang kwalipikadong doktor, sikolohista o psychiatrist ay napatunayang walang kapasidad na mapangalagaan ang kanyang sarili dahil sa kapansanan sa isip at pangangatawan o mapangalagaan ang sarili laban sa pang-aabuso. (IRR of RA 7610)

Page 3: The 7610 - Ppadgab

Ano ang Child Abuse? Ito ay patungkol sa

pagmamaltrato, minsanan man o madalas sa isang bata na maaaring ang mga sumusunod:

Sikolohikal at pang-aabusong pisikal, pagpapabaya, pagmamalupit, pang-aabusong sekswal at pagmamaltratong emosyonal

Page 4: The 7610 - Ppadgab

Ano ang Child Abuse? Anumang gawa o salita na

nagpapababa, nagpapaliit o nakakaapekto sa pagkatao at dignidad ng bata bilang isang tao.

Di pagbibigay sa bata ng kanyang mga pangunahing pangangailangan ng walang sapat na dahilan gaya ng pagkain at tahanan.

Page 5: The 7610 - Ppadgab

Ano ang Child Abuse? Ang di-pagbibigay ng agarang

atensyong medikal sa isang batang may natamong pinsala na maaaring magresulta sa seryosong kapahamakan sa kanyang normal na paglaki at pag-unlad o kaya ay permanenteng pinsala o kamatayan.

Page 6: The 7610 - Ppadgab

Sa simpleng salita, angChild Abuse ay……

paglalapat ng pinsalang pisikal o sikolohikal, pagmamalupit, pagpapabaya, pang-aabusong sekswal o eksploytasyon ng bata.

Page 7: The 7610 - Ppadgab

Anu-ano ang mga URI at KATANGIAN ng CHILD ABUSE?

Pang- aabusong Pisikal- anumang gawa na nagresulta sa pisikal na kapinsalaan ng bata na di bunga ng aksidente o di resonableng pagpapataw ng parusa sa bata na maaaring alinman sa mga sumusunod; sugat, bali, paso, marka ng sakal, marka ng kagat ng tao, bukol, pasa at mga katulad na pinsala o pagkamatay.

Page 8: The 7610 - Ppadgab

Pang-aabusong Sikolohikal Anumang pinsala sa

damdamin at pag-iisip ng bata gaya ng pag-alimura, pagtatakwil, pagmamaliit at pagyurak sa pagkatao at diskriminasyon.

Page 9: The 7610 - Ppadgab

PAGPAPABAYATumutukoy sa pagkakait sa bata ng mga pangunahing pangangailangan upang mabuhay at umunlad gaya ng pagkain, damit at tirahan; edukasyon; pangangalaga sa kalusugan at kagalingan ng bata; at pagsubaybay ng magulang

Page 10: The 7610 - Ppadgab

Sekswal na Pang-aabuso?-ay ang pagpapatrabaho, paghikayat, pagpilit, paggamit, pananakot, at pag-engganyo sa isang bata na pumaloob sa o pag-asiste sa ibang tao na makipag- sexual intercourse o (lascivious conduct) pagmolestiya, prostitusyon o incest ng isang bata.

Page 11: The 7610 - Ppadgab

Ano ang lascivious conduct?ay ang intensyonal at direktang paghawak sa o maaaring may damit sa ari, puwit, suso, hita o ang pagpasok ng anumang bagay sa ari, puwit at bibig ng sinumang tao, maging sa kapwa babae/ lalaki o sa opposite sex na may intensyong abusuhin, pahiyain, maliitin, i-harass, o makapagparaos ng pagnanasa, kahayupan, libog at pagpapakita ng ari sa publiko.

(IRR of RA 7610)

Page 12: The 7610 - Ppadgab

Eksploytasyonay ang pag-upa, pagpapatrabaho, paghikayat, pagpilit at pananakot sa isang bata na magtanghal sa mahalay na pagtatanghal at hindi disenteng palabas, ito man ay live, naka-video, o film, o mag-pose bilang model sa mga mahalay na babasahin o pornographic materials, o magbenta at mamahagi ng nasabing mga babasahin. (IRR of RA 7610)

Page 13: The 7610 - Ppadgab

Ano ang IBA PANG PORMA NG CHILD ABUSE? A. Mga gawa na kinokonsidera na pagta-

tangka sa prostitusyon (Sec. 5 (a,b) of RA 7610)1. Sinumang tao na hindi kaanak ng bata ay natagpuang kasama ang isang bata sa loob ng kwarto o cubicle ng bahay, hotel, motel, inns, pension house, apartelle, o iba pang katulad na establisimiento, sasakyang pandagat, sasakyan o anumang tago o di-hayag na lugar na maaring maging rason na mapaniwala ang isang tao na ang isang bata ay maaabuso o may magaganap na eksploytasyon.

Page 14: The 7610 - Ppadgab

Ang sinumang tao na tumatanggap ng serbisyo mula sa isang bata sa sauna parlor, brothel, massage clinic, health club, spa o iba pang katulad na establisimiento.

Ano ang IBA PANG PORMA NG CHILD ABUSE?

Page 15: The 7610 - Ppadgab

Ano ang IBA PANG PORMA NG CHILD ABUSE?

Iba pang akto ng pagpapabaya, pang-aabuso,pagmamalupit, eksploytasyon at iba pang kondisyon na nakakaapekto sa normal na pag-unlad ng bata gaya ng;– Pag-abandona sa bata– Pagpapabaya sa edukasyon ng bata– Pagtanggi o hindi pagpapa-enrol sa bata– Pagpayag o pagiging dahilan ng pagliban ng

bata sa paaralan ng higit sa 20 araw ng pagpasok.

Page 16: The 7610 - Ppadgab

- Pagsama sa batang labindalawang taong gulang pababa sa pribadong lugar gaya ng hotel o motel.

- Paggamit, pamimilit, pagpwersa o pananakot sa batang lansangan o sa sinumang bata na:a. mamalimos para sa kabuhayan;b. gamitin bilang runner sa drugs;c. gumawa ng anumang illegal na bagay.

- Pagbibigay ng malupit na parusa o labis na pamamahiya sa bata.

Page 17: The 7610 - Ppadgab

Ano ang Epekto ng Pang-aabuso? Pisikal na Epekto

malnutrisyon, STD, AIDS, pagkabuntis, permanenteng pinsala, adiksyon at pagkamatay, pinsala sa katawan.

Sikolohikal at Sosyal na Epektowithdrawal syndrome, learning disabilities, extreme depression, sense of alienation, suicidal tendencies, emotional breakdown, aggressive behavior, low self image, relationships problem, rejection, fear, confusion, distrust, truancy, paglayas, takot, pangamba, galit, tulala, shock.

Page 18: The 7610 - Ppadgab

Sino ang Nang- aabuso sa Bata?

Ang isang child abuser ay sinumang tao anuman ang edad, kasarian, lahi o kulay na tahasan o sinadyang gumawa ng mga aktong masasabi nating child abuse. Siya ay maaaring kakilala o pinagkakatiwalaan ng bata– kaanak, kadugo, kapit-bahay, kaibigan, guro, tagapag-alaga ng bata. Maaari rin na siya ay istranghero sa bata. Ayon sa pag-aaral sila ay maaaring biktima rin ng pang-aabuso.

Page 19: The 7610 - Ppadgab

Mga Dahilan ng Pang-aabuso Kamangmangan - matinding galit Emotional immaturity - walang kontrol Kasalatan sa buhay sa sarili Problema sa pamilya - Stress pagkasira ng isip - Predisposition Kulang na outlet sa paglabas ng galit Impluwensya ng alkohol at droga Sexual perversion

Page 20: The 7610 - Ppadgab

Sino ang Maaaring Magreport ng Kaso ng Pang-aabuso sa Bata?

Sinumang tao na may nalalaman sa insidente ng pang-aabuso sa bata ay maaring mag-ulat

Opisyal at kawani ng gobyerno na ang gawain ay may kinalaman sa bata.

Opisyal at kawani ng anumang ospital o clinic gayundin ang doktor o nars na tumingin sa batang inabuso ay dapat iulat sa loob ng 48 na oras sa sandaling matingnan ang bata.

Page 21: The 7610 - Ppadgab

Kanino o Saan Mag-uulat ng mga Kaso ng Pang-aabuso?

Sa pinakamalapit na tanggapan ng Lokal na DSWD

Sa pinakamalapit na tanggapan ng Pulisya.

NBI BCPC Commission of Human Rights Department of Justice

Page 22: The 7610 - Ppadgab

May parusa ba kapag hindi naireport ang mga kaso ng pang-aabuso?

Oo, ngunit ito ay ipapataw lamang sa mga taong tinukoy sa Sec. 4 ng IRR ng RA 7610. Sila ay ang mga pinuno at kawani ng ospital o klinik at mga doktor o nars na tumingin sa bata na may posibleng kaso ng pang-aabuso.

Page 23: The 7610 - Ppadgab

Protektado ba sa Asunto ang Sinuman na Mag-uulat sa Kaso ng Pang-aabuso? Oo. Sec 7 ng IRR ng RA 7610 sa

Reporting and Investigation of Child Abuse Cases ay nagsasabi na ang sinuman na nag-ulat ng kaso ng pang-aabuso sa bata ay ginawa iyon dahil sa mabuting intensyon at hindi siya maaaring sampahan ng kasong sibil at administratibo dahil sa kanyang ginawa.

Page 24: The 7610 - Ppadgab

May Parusa ba sa Paghahayag ng Kaso ng Inabusong Bata? Ang lahat ng tala at impormasyong may

kaugnayan sa kaso ng pang-aabuso sa bata ay strictly confidential at walang impormasyon ang dapat na mabunyag liban kung ito ay may kaugnayan sa proceedings sa korte.

Paglabag: 1 taong pagkakulong at/oMulta ng Php 2,400.00 o Kulong at multa

Page 25: The 7610 - Ppadgab

Sino ang Maaaring Magsampa ng Kaso?

Ang batang inabuso Magulang o legal guardian Kamag-anak ng bata Opisyal, social worker o kawani ng isang

lisensyadong child-caring institution. Opisyal at kawani ng DSWD Kapitan ng Barangay At least, tatlong concerned citizen na nakatira

kung saan naganap ang pang-aabuso.

Page 26: The 7610 - Ppadgab

Anu-ano ang mga Dokumentong Kailangan sa Pagsasampa ng Kaso?

Sinumpaang salaysay ng biktima at ng mga saksi.

Sertipiko ng Kapanganakan Resulta ng Physical/ Mental

Examination at/o Medical Examination Iba pang ebidensya makapagpapatunay

sa kaso.

Page 27: The 7610 - Ppadgab

Ano ang Dapat na Serbisyong Ibibigay sa Batang Inabuso?

Protective custody - Legal services Counseling - Educational services Medical/ dental services Psychological/ psychiatric services Social services to family Child Placement services

– Residential care/ temporary shelter– Foster Home– Adoption

Page 28: The 7610 - Ppadgab

Children in Need of Special Protection (CNSP)

-refers to all persons below 18 years of age, or those over but are unable to take care of themselves, who are vulnerable to or are victims of abuse, neglect, exploitation, cruelty, discrimination and violence (armed conflict, domestic) and other children at risk and in analogous conditions prejudicial to their development.

Page 29: The 7610 - Ppadgab

CNSP’s include but not limited to:1. Girl child2. Juvenile in conflict with the law3. Children involved in armed conflict4. Working children and those involved in child

labor.5. Sexually abused and CSEC6. Children in various circumstances of

disability7. Displaced/ refugee children

Page 30: The 7610 - Ppadgab

CNSP’s include but not limited to:8. Children directly affected by

HIV/ AIDS/ STD’s9. Children in substance abuse10.Children of indigenous cultural

communities/ IP’s11.Abandoned children/ children without

primary caregiver (foundling)12.Victims of family violence and neglect

Page 31: The 7610 - Ppadgab

PRAYMER SA PANG-AABUSO SA BATA

PAGTATAPOS NG PRESENTASYON

THANK YOU!!!

SALAMAT SA INYO!!!