the allegory of the cave 1

35
Inihanda ni: Gng. Jeane Cristine G. Villanueva Guro sa Filipino- Baitang 10 Ang Alegorya ng Yungib ni Plato- Sanaysay mula sa Greece (Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo) The Allegory of the Cave - from Plato’s Republic (380 BC)

Upload: jeane-cristine-villanueva

Post on 14-Aug-2015

710 views

Category:

Documents


15 download

TRANSCRIPT

Page 1: The allegory of the cave 1

Inihanda ni: Gng. Jeane Cristine G. Villanueva Guro sa Filipino- Baitang 10

Ang Alegorya ng Yungibni Plato- Sanaysay mula sa Greece

(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)The Allegory of the Cave - from Plato’s Republic (380 BC)

Page 2: The allegory of the cave 1

Ano nga ba ang Sanaysay?• Ito ay isang anyo ng paglalahad na kung

minsan ay may layuning makakuha ng ano mang pagbabago, bagaman maaaring makalibang din.

• Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagkakasarili nito ng may-akda. Dapat ipahayag ng kumatha ang sarili niyang pangmalas, ang kaniyang pagkukuro at damdamin.

Page 3: The allegory of the cave 1

Inaasahan sa Pagtalakay ng Aralin

• Sa Aralin 1.2, inaasahan na maipamamalas mo ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa sanaysay na pinamagatang Alegorya ng Yungib na isinalin ni Willita A. Enrijo sa Filipino mula sa sanaysay na isinulat ng Griyegong Pilosopo na si Plato, ang Allegory of the Cave. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw na makatutulong para sa malalim na pag-unawa sa paksang nais ipabatid ng babasahing sanaysay.

Page 4: The allegory of the cave 1

Anong pananaw/ kaisipan ang nakapaloob?

• At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo kung gaano dapat mabatid o hindi mabatid ang tungkol sa ating kalikasan. Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may bukas na bunganga patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, ito’y hadlang sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo .

Saang bahagi ito matatagpuan?

Page 5: The allegory of the cave 1

Anong pananaw/ kaisipan ang nakapaloob?

• “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi?

Saang bahagi ito matatagpuan?

Page 6: The allegory of the cave 1

Anong pananaw/ kaisipan ang nakapaloob?

• Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon sa mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung pagpapakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.

Saang bahagi ito matatagpuan?

Page 7: The allegory of the cave 1

Anong pananaw/ kaisipan ang nakapaloob?

• Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon sa mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung pagpapakahulugan mo na ang paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.

Saang bahagi ito matatagpuan?

Page 8: The allegory of the cave 1

Sa aking pananaw, ______________________

Sa kabilang dako _________________________

Page 9: The allegory of the cave 1

Ang konsepto ng SANAYSAY ay isang akda na nasa anyong tuluyan tungkol sa mga bagay- bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon upang makatulong na makabuo ng sariling pananaw.

Page 10: The allegory of the cave 1

Tatlong (3) Bahagi o Balangkas ng Sanaysay

PANIMULA – Sa bahaging ito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may akda at kung bakit mahalaga ang paksang tinatalakay.

GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay na paksa upang patunayan o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.

WAKAS - Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katuwirang inisa-isa sa bahaging gitna.

Page 11: The allegory of the cave 1

SANGKAP NG SANAYSAY• Tema at Nilalaman• Anyo at Estruktura a. Panimula b. Katawan c. Wakas

• Kaisipan• Wika at Estilo• Larawan ng Buhay• Damdamin• Himig

Page 12: The allegory of the cave 1

TEMA AT NILALAMAN• Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay

itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi. Inaasahang may kaisahan ang tono, pagkabuo at pagpapakahulugan. Dapat na sa bawat bahagi ay naaaninag ang nabubuong tema.

Halimbawa:

Dito sa Pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng kinikita ng asawa ay ibinibigay sa kanya upang ingatan at gugulis sa wastong paraan.

Page 13: The allegory of the cave 1

ANYO AT ESTRUKTURA• Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang

mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.

Halimbawa:

PANIMULA Sadyang mahirap ang buhay ngayon. Kung hindi ka marunong gumawa ng paraan para mabuhay, mamamatay kang nakadilat ang iyong mga mata.

Page 14: The allegory of the cave 1

ANYO AT ESTRUKTURAKATAWAN

Ngayong bata ka pa dapat ay mulat ka sa nagaganap sa kapaligiran mo. Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kuntento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan. Pero may magagawa ka pa upang hindi sila maging pabigat sa lipunan. Ang isang mungkahi ay ang pagbibigay ng kaalaman sa kanila kung paano tutuklasin ang kanilang natatagong galing na maaaring maging puhunan nila ng pagkakaroon ng munting negosyo.

Page 15: The allegory of the cave 1

ANYO AT ESTRUKTURAWAKAS

“Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”

Page 16: The allegory of the cave 1

KAISIPANNauukol ito sa iba’t ibang karunungan o disiplina, pilosopiya at paniniwala ng may akda ngunit walang layon na ipaangking ito sa mambabasa.

Halimbawa:

Wakas – “Ang bawat tao ay may natatagong kakayahan na dapat paunlarin.”

Page 17: The allegory of the cave 1

WIKA AT ESTILOAng uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.

Halimbawa:

Sadyang mahirap ang buhay ngayon.

Paggamit ng mga simple o payak na salita sa sanaysay na impormal o di maanyo samantalang sa pormal o maanyo ay ang paggamit ng piling mga salita.

Page 18: The allegory of the cave 1

LARAWAN NG BUHAYNailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad gumagamit ng sariling himig ang may akda.

Halimbawa:

Masdan ang ilang pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay o gilid ng mga gusali. Kuntento na sila sa paghingi o pasahod-sahod ng kamay, naglilimos sa mga nagdaraan.

Page 19: The allegory of the cave 1

DAMDAMIN

Naipapahayag ng isang magaling na may akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan.

Page 20: The allegory of the cave 1

HIMIG

Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.

Page 21: The allegory of the cave 1

MGA GRIYEGONG PILOSOPO

Ang mga Tagapagtatag ng

Kanluraning Kaisipan at Kaalaman

Page 22: The allegory of the cave 1

ANG ANGKAN NG PAGTUTURO

Page 23: The allegory of the cave 1

PLATO

Page 24: The allegory of the cave 1

Platonic Love o Teorya ng mga Ideya

Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’

Page 25: The allegory of the cave 1

Ano ang ALEGORYA?• isang kwento kung saan ang mga tauhan, tagpuan at kilos ay

nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan. Ito ay maaaring magpahayag ng ideyang abstract, mabubuting kaugalian, at tauhan o pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon at panlipunan

• Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamamaraan: literal at simboliko o masagisag. Ang alegorya ay nilikha upang magturo ng mabuting asal o magbigay komento tungkol sa kabutihan o kasamaan

• Ang mga tauhan, tagpuan, pangyayari atb. sa isang alegorya at may mahalagang sinasagisag. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon buhat sa Banal na Aklat.

Page 26: The allegory of the cave 1

Ano ang ALEGORYA?• Tauhan

Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang taoAlibughang anak – anak na nagbigay ng hinanakit sa magulang

• TagpuanGolgota – kadalasang sumasagisag sa paghihirap o

kamatayanBundok – pakikipagtagpo sa Diyos (Sampung Utos)Disyerto – pagkauhaw sa Diyos, tukso (Ang Pagtukso

kay Jesus ni Satanas• Bagay

Krus – pasyon at pagkamatay ni JesusPrutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)

• PangyayariKasalan – isang paanyaya sa kaharian ng Diyos

Page 27: The allegory of the cave 1
Page 28: The allegory of the cave 1

Mga Layunin ng Alegorya ng Yungib • Makilala ang Kaibhan ng Anyo o Itsura sa Realidad1. May posibilidad na magkaroon ng maling pag-unawa sa mga bagay na

nakikita, naririnig, nararamdaman etc.

• Maliwanagan1. mga anino patungo sa realidad2. pagkasangkot ng sakit at kalituhan3. sa pakiramdam na hindi ka kabilang sa lahat4. Paroroonang paglalakbay5. Pinauunlad ka subalit ikaw ay nagiging kakaiba “nerd”6. Binigbigyan ka ng malamyang pangkaisipan

• Ipakilala ang Teorya ng mga Ideya1. Ang alegorya ng nagbibigay ng mga pagkakatulad mula anino hanggang sa

pisikal na kaanyuan, mula sa pisikal na kaanyuan patungo sa mga Ideya

Page 29: The allegory of the cave 1
Page 30: The allegory of the cave 1

ALEGORYA NG YUNGIB

• Ayon kay Plato, tayo ay tulad ng isang tao na nasa loob ng kuweba, naka-tanikala at nakaharap sa dingding ng yungib. May apoy sa ating likuran at ang tanging nakikita natin ay mga anino ng mga bagay sa labas ng kuweba. At dahil dito, kakailanganin nating humulagpos sa tanikala at lumabas ng kuweba upang makita ang katotohanan tungkol sa mga bagay.

Page 31: The allegory of the cave 1

ALEGORYA NG YUNGIB

• Ang larawang ito ang buod ng rasyunalismo ni Plato at ito ay tinaguriang “Alegorya ng Kuweba.” Ayon kay Plato, ang mga imahe ng mga bagay na ating nakikita sa mundo ay pawang mga anino lamang ng katotohanan. Ang tunay na pag-iral ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’ Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan. Kakailanganin lamang nating gamitin ang ating pangangatwiran upang sila’y matuklasan.

Page 32: The allegory of the cave 1

ALEGORYA NG YUNGIB

• Taliwas naman ang turo ni Aristotle, na kanyang naging estudyante. Ayon kay Aristotle, ang katotohanan ay ang karanasan sa pamamagitan ng ating mga mata, tenga, pandamdam, pang-amoy at panlasa. Ang mga ideya ay wala pa sa ating isip noong tayo’y ipinanganak, taliwas sa turo ng guro niyang si Plato. Ang isip ng tao ay tinagurian ni Aristotle na ‘Tabula Rasa’ na ang ibig sabihin ay blankong tableta. At bawat karanasan sa pamamagitan ng ating senses ay isinusulat sa nasabing tableta. Ang kaisipang ito ay tinawag na empirisismo.

Page 33: The allegory of the cave 1

ALEGORYA NG YUNGIB

• Sa paglipas ng mga taon, mas pinanigan ng mga pilosopo at mga siyentipiko ang empirisismo. Kahit ako ay palo sa kaisipan ni Aristotle. Ngunit napag-isip-isip ko, bagama’t mali si Plato, may binuksan siyang pinto sa pagtahak sa mundo ng rasyunalismo ang pagtingin lampas sa realidad na ating nakikita.

Page 34: The allegory of the cave 1

• Alegorya ng Yungib – (Pigurang Luwad)

Page 35: The allegory of the cave 1

SANGGUNIAN• Wikipedia• Google.com• Youtube.com