the christian law of life-giving love
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
Ano ang isang pamantayan o batas?
Ang batas ay isang alituntunin ng katuwiran na itinakda ng mga taong may kakayahan at may kapangyarihan alang-alang sa kapakanang panlipunan.
(1)
Ang batas ay isang makatwirang pagpapasya, ibig sabihin: pinag-isipan at may dahilan, at hindi isang
bagay na nasumpungan lamang.
(2)
Itinakda: ipinahayag nang may sapat na babala sa mga
kinauukulan habang iginagalang ang kanilang karapatan at karangalan.
(3)
Sa pamamagitan ng kinauukulang tagapamahala,
o sa pamamagitan ng may lehitimong kapangyarihang
isagawa ito.
Unang Katangian
Nakaugat ang batas sa isang pananaw: Ang paghahari ng Diyos batay sa katuruan ni
Jesus tungkol sa “Mapapalad.”
Ikalawa
Ito ang tutulong sa atin sa moral na pag-unlad, sa paghubog sa budhi, sa moral na pagkilos, at
pagpapahalagang pangtao.
Ikatlo
Nagbibigay ito ng katatagan at palagiang kaayusan sa ating
buhay, dahil may maasahang gabay na masasaligan.
Mula sa Salmo 19, “Ang batas ng Panginoon ay ganap at nagpapaginhawa sa kaluluwa. Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang. Ito ay utos na
ang dulot sa tao ay bagong buhay. Ang Kanyang mga batas ay
napagtitiwalaan. Nagbibigay talino sa pahat na kaisipan…
Ang tuntuning ibinigay ni Yahweh ay wastong utos, liligaya ang
sinuman kapag ito ang sinunod. Ito ay wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos, pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot. Pati mga
hatol niya ay matuwid na kahatulan, kapag siya ang humatol,
ang pasya ay pantay-pantay.”
Legalismo1. Ang paglalagay sa lahat ng kautusan ng
batas sa pantay-pantay na kahalagahan na naging mabigat na pataw sa mga tao (Lukas 11:46).
2. Ang paniniwala na sa pamamagitan lamang ng pagtupad ng batas ay maililigtas na ng mga tao ang kanilang sarili na hindi na kailangan ang biyaya ng Diyos.
Pagdating ng Bagong Tipan
• Ayon kay Propeta Jeremias, “Gagawa ako ng isang bagong pakikipagtipan sa Israel… Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko sa kanilang puso” (Jer 31:31,33).
Kaganapan ng Tipan
• Ayon kay San Mateo, dumating si Kristo hindi upang pawalang bisa ang kautusan at mga aral ng mga propeta, kundi upang gawing ganap ang mga iyon (Mateo 5:17).
Ikalawa
Inalis ni Kristo ang mga kamaliang pinahintulutan
“dahil sa katigasan ng puso” ng mga tao. (Mateo 19:8)
Ikatlo
Ginawang ganap ni Kristo ang mga batas tungkol sa kalinisan ng pagkain at sa batas ng Sabat na napakahalaga sa mga Judio.
Mga Dakilang Utos• Alin ang pinakamahalagang utos sa
Kautusan?• Sumagot si Jesus: “Ibigin mo ang
Panginoong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip. Ito naman ang pangalawa: ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-40).
Ikalawa
Inihalimbawa ni Kristo sa kanyang buhay at pangangaral ang tatluhang “puso, kaluluwa
at lakas.”
Ayon kay San Pablo: “Wala na ako sa ilalim ng batas ng kasalanan at
kamatayan, sapagkat pinalaya na ako ng batas ng Espiritung nagbibigay-buhay,
bunga ng pakikipag-isa kay Kristo Jesus. Ginawa ng Diyos ang hindi nagawa ng kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Sinugo niya ang kanyang sariling
Anak” (Roma 8:2-3).
Aral mula sa “Mapapalad”Sinasalungat sa “Mapapalad” ang
karunungan ng daigdig: ang materyalismo o pagsamba sa kayamanan, ang pagnanasa sa kapangyarihan at pagtatagumpay, at ang walang awang paglalabanan.
Sa Kaharian ng Diyos, kabaligtaran nito ang mga pinahahalagahan.
(1)
Pagpapawalang halaga sa mga bagay, ang pagpapakumbaba
at ang kagkahabag, ang magdadala sa atin sa tunay na
kaligayahan.
(2)
Ang pagkauhaw sa katarungan para sa lahat at maawaing
pagpapatawad, ang nagdadala sa atin ng tunay na makataong pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Ang Batas na LikasIpinahahayag nito ang
karunungan ng Diyos sa Kanyang sangnilikha at ito ay kabilang sa mismong katangiang-likas ng mga tao, at ito ay panawagang nagmumula sa kaibuturan ng kanilang sarili.
Ang batas na likas ang pinamumulan ng mga karapatan
at tungkulin na tuwirang nagmumula sa katangiang-likas ng tao na pinagkalooban ng katwiran at kalayaan, at hindi sa palagay ng
madla o kahit ang batas na pambayan.
(I)Ang batayan ng Batas na
Likas ay ang katotohanang ang Diyos ang lumikha ng lahat at ang ugat ng lahat
ng bagay.
(II)Mauunawaan ng lahat ng tao ang moral na batayan ng Batas na Likas sapagkat ito ay nakaukit sa budhi ng
bawat tao.
(III)Isang tuwirang moral na
pagpapahalaga at turo na maaaring gawing
pangkalahatan para sa lahat ng mga taong may
mabuting kalooban.
Si Kristo at ang Batas na Likas
• Sa pagsunod sa batas na likas, sinusunod din natin ang banal na batas. • Kay Kristo, magkaugnay ang
batas na likas at ang batas ng Diyos.
Proseso ng Moral na Pagpapasya
Tatlong Hakbang:1. Moral na Pagkilatis2. Paggiit ng moral na pamantayan3. Paghatol o Pagpasya
Sinabi ni Jesus kay Simon, “Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng
batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi
makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng
kamatayan…
…Ibibigay ko sa iyo ang susi ng kaharian ng langit: ang
ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang
ipahintulot mo sa lupa ay ipahihitulot sa langit”
(Mateo 16:18-19)
Ang tunay na batayan ay ang di mabibigong pagpatnubay ng
Espiritu Santo sa Santo Papa at sa Kasamahan ng mga Obispo tuwing ginaganap ang kanilang tungkulin
bilang tagapagturo sa pananampalataya at moral na
pamumuhay.
Ito ang namumukod tanging misyon ng mahisterio ng
Simbahan: upang maipahayag at maipaliwanag ang moral na batas sa harap ng mga tao sa
liwanag ng Ebanghelyo.
Ang ugnayan sa pagitan ng budhi ng mga Katolikong
Pilipino at at ang Katuruan ng Simbahan ay hindi laban
sa kalayaan ng budhi.