the monster who stole my heart by tsunlukaret

293
1

Upload: patrick-mendez-wattpad

Post on 03-Jan-2016

496 views

Category:

Documents


134 download

DESCRIPTION

All rights reserved. Published by Wattpad Angels Digital Publishing Company. Plagiarism is a crime.

TRANSCRIPT

Page 1: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

1

Page 2: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

2

Page 3: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

3

The Monster

Who Stole My Heart

T S U N L U K A R E T

Page 4: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

4

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either

are product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any

resemblance to actual persons, living or dead, events or locales, is

entirely coincidental.

Text copyright © 2011 by Thea Culaba

Proofread and Interior Design © 2013 by Patrick Mendez

All rights reserved. No part of this book may be used or reproduced in

any matter whatsoever without written permission except in the case of

brief quotations embodied in critical articles and review.

Published by Wattpad Angels Digital Publishing, Inc.

For services, comments and suggestions, please contact

[email protected]

Library of Congress Cataloging-in-Publication Date

Culaba, Thea

1st edition

p. cm.

Page 5: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

5

WHAT THEY SAY ABOUT

The Monster Who Stole My Heart

Page 6: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

6

Page 7: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

7

a

I am indebted to the following people:

Rachelle Van Amil, best friend na walang

sawang nag-assist at tumulong;

Mark Reynard Lucerio, sa pangungulit sa

akin. ‘Eto na;

My friends, family and, of course, Wattpad

TMWSMH readers.

Page 8: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

8

Page 9: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

9

Sometimes, love comes when you least expect it.

Page 10: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

10

Page 11: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

11

* ALAM KO, PARENTS know best. Kaya lang minsan, sumosobra

sila sa katalinuhan. Kaya ‘eto ako ngayon, at kaya nakilala ko

siya.

Ako si Azusa Minorin Villarial, Azu-nyan for short.

Actually, sina Mommy't Daddy ang may pakanâ ng name na

iyan. Palibhasa, mahilig sa anime si Mommy while nagbubuntis

pa siya. Sabi pa nila, kamukha ko nga daw ‘yung isang favorite

anime character nila. ‘Ba, ewan ko sa kanila.

Second year college ako ngayon; Management Student

sa Wilkinson University. Masaya ako sa buhay ko, kahit

kalimitan ay nagta-travel ang parents ko at naiiwan akong mag-

isa sa bahay, at solong anak lang ako. Hindi gano’n karami ang

mga kaibigan ko, kasi una: Hindi ako mahinhin gumalaw, tibo

na kung tibo! Madaldal rin ako, walang preno magsalita minsan.

(Take note: Kaya may times na ginagawa na akong kaaway ng

Republika ng Pilipinas!)

Page 12: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

12

Marami ring naiinis sa akin, kasi masyado raw ako

palaban. Sumasabak ako sa gyera, ‘no, kahit kailan—kahit nasa

banyo pa ako't nagtu-toothbrush o nakaupo ba ako sa korona

kong makintab habang kumakanta!

Eighteen na ako ngayon. Birthday ko last December 9.

E, kaya naman, makakagala na ako nang wala si manong driver.

Gawd naman kasi, ang bagal-bagal mag-drive. Maglakad kaya

ako, mauuna pa ako sa pupuntahan ko, promise!

Mahaba na ata, Hala, I told you, madaldal ako, e.

Page 13: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

13

a

Chapter One "NAMAN, KATAMAD BUMAGON." Nakapikit pa rin ang mga

mata ko habang pilit na inaabot ang aking alarm clock.

Nagpapa-alarm ako kasi ayaw ko na may gigising pa sa

akin na yaya kahit naman buhay prinsesa ako kasi OA sina Mom

at Dad, e ayaw ko namang magmukhang immature. (Hoy,

Azusa! Tinatamad ka pa nga bumangon. Immature ka pa, ‘no!)

Lulugu-lugo akong nagtungo sa banyo ko para

maghilamos at mag-toothbrush, tapos naligo na ako. Sabado

ngayon, official gala day! Naman! Pasensiya na, lakwatsera lahi

namin, e.

Bumaba na ako para mag-breakfast. Nasa hagdan pa

lang ako, ayun at ‘di na magkaugaga ang mga maids. Ewan ko

ba, ‘di naman ako nangangain. Mommy kasi, inihabilin ako sa

kanila. Ayun at naglakwatsa-grande sina Dad.

"Good morning po, ma'am," sabay-sabay nilang bati.

Page 14: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

14

"Uy! Good morning. Kayo, a, ‘wag kayo masyado

aligaga. Oks lang ako," ganti ko naman.

Pagkatapos ko mag-breakfast, umalis na ako para

gumala sa mall.

"Hmm. Teka, daanan ko muna si Rachelle Van. Isama

ko sa malling. Ha-ha.”

On the way to Van’s house

(Kung nagtataka kayo kung sino si Rachelle Van,

mamaya ko na ipapakilala sa inyo. ‘Wag atat. Sipain ko kayo.

Ha-ha! Joke, joke!)

Aminado ako na malakas ang pagpapatakbo ko. Heller,

nagmamadali ako. Papasok na ako sa subdivision nina Mimi

nang may biglang kumalabog sa bandang likod ng sasakyan ko.

"What was that?!" mahina kong tanong sa sarili ko. (‘Di

po ako baliw. Ha-ha.) Agad akong bumaba mula sa kotse ko na

Pink Opel Vectra. "Anak ng frog! Ang laki ng gasgas!" Kinuha

ko pa naman sa allowance ko ang pambili ko dito.

Paglingon ko sa kotseng nasa likod ko ay umibis naman

mula doon ang isang binatang kung puwede pa lang iulam ay

kanina ko pa kinagatan. Ang guwapo, e. Wait, lumuluwag

undies ko.

Yuck ka, Azusa. Ang harot mo!

"Miss, sa susunod, mag-iingat ka naman," giit nito.

"Aba’t, teka. So, ako pa mali dito?! Sino ba

nagbangga?" paangil kong sagot.

"Ewan ko, e malamang ikaw. Ayan, late na ako."

Page 15: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

15

Huwait, huwait, kapeng mainit. Ako? Ako may

kasalanan? E siya ‘yung bumunggo sa akin, e. Pero, Azusa,

kalma, kalma.

"Pasensiya na," mahinahon kong sagot.

"Ang bilis mo magpatakbo, e. Tanga ka ba?" sagot

naman nito.

"Aba’t…! Hinahamon ako ng damuhong ito, a,"

mahina kong bulong sa sarili, sabay paangil akong sumigaw sa

kanya. "Hoy, mukhang kalabaw na binabad sa sukang violet!

(Ano raw?!) How dare you call me ‘tanga’! My parents never said

something that rude to me! Ikaw ba nagluwal sa akin, ha? Ikaw

ba?!"

Mukhang ‘di natinag ang damuho, a. Lumapit pa nga

sa’kin hanggang ilang hakbang na lang ang layo niya. ‘Di ko

inaasahan ang sunod niyang ginawa, aba't ngumiti nang ubod ng

tamis ang demonyo. Napanganga na lang ako.

Dahil napikon na talaga ako, dali-dali na akong

sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito. Dederetso ako kina

Mimi. Natagalan ako dahil sa bwisit na iyon! Sarap isako! (Pero

palibhasa guwapo)

E, arogante naman! ‘Wag na lang!

Haru’s Point of View

"Hoy, mukhang kalabaw na binabad sa sukang violet!

(Ano raw?!) How dare you call me ‘tanga’! My parents never said

something that rude to me! Ikaw ba nagluwal sa akin, ha? Ikaw

ba?!" paangil niyang sigaw sa akin.

Page 16: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

16

Hmm, ang cute niya naman magalit. Ayaw ko na

siyang inisin kaya nginitian ko na lang siya. Kaya lang mali ata

ako nang ginawa. Biglang umalis na lang, e. Napakamot-kamot

ako sa ulo ko. Naman, ‘di man lang ako nakapagpakilala, a. Tss.

Sayang.

Sumakay na rin ako sa sasakyan ko. Imagine, kailangan

ko pa ibangga ang sasakyan ko sa car ni Azusa, mapansin niya

lang ako. Naku, bahala na. Wala akong magagawa.

Mahal ko siya, e.

Page 17: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

17

a

Chapter Two “BWISIT NA KUTONG ‘yun!" Inis na inis ako habang papunta

sa bahay nina Mimi.

Pagkarating ko, automatic na nagbukas ‘yong gate nila.

E, pamilyar na kasi ang car ko sa kanila. Pumasok na ako at

umakyat sa kuwarto ni Rachelle Van.

"Van?! Best?" tawag ko sa kanya. (O, ayan, alam n’yo

na kung sino si Van sa istoryang ‘to. Siya ang dakila kong best

friend! Uy, salamat sa pagiging patient ninyo! Loka-loka lang, e.)

"O, Azu-nyan-nyan! Ikaw pala, best. Dali, pasok!"

Patili-tili pa siya. Ito talagang best friend, hyper masyado. ‘Di ko

kaya maki-level sa energy niya. Naka-Enervon ata, a! (Clap, clap!

Sows, endorser kuno!)

"O, bakit parang ang dilim-dilim ng mukha mo? May

problema ba? O baka nasobrahan ka sa make-up? Umitim ka

bigla. Oh, no!" eksaherada nitong tili.

Page 18: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

18

"Uy, magtigil-tigil ka nga, Van. Kurutin kita sa singit

d’yan, e. Dagdag BV ka naman, best. Dapat e, kino-comfort mo

‘ko."

"O teka, teka. Kalma ka lang. Ano ba problema?"

Naging seryoso bigla ang kanyang mukha.

"E, ano kasi, may guwapong arogante akong nakita

kanina. Walang modo! Sarap isako, tapos ihulog sa drum at

itapon sa ilog Pasig!" inis kong sagot.

"Ano ‘yun? Guwapo?!" sagot naman nito.

"Taena naman, Van. ‘Yun lang ba narinig mo sa lahat

ng sinabi ko?! Best naman, e." Mas lalo tuloy sumama ‘yung loob

ko.

"Uy, loko lang, best. Bakit, ano ba ginawa sa’yo?"

At ayun, ikinuwento ko sa kanya lahat nang nangyari at

‘langya, imbis damayan ako sa galit ko sa mundo lalo na sa

kutong ‘yun, pinagtawanan pa ako!

"Oops, joke lang. Dali, shopping na lang tayo, best!"

Hinila niya ako sa braso nang mapansin niyang pikon na pikon

na ako.

Kaya ayun, nauwi sa pagsya-shopping ang inis ko.

Medyo nakalimutan ko na rin. Ang daldal ni best Mimi, e.

Pareho kami, actually.

Nagpaalam na ako sa kanya and went home. Mamaya,

darating na sina Mommy. I missed them badly.

Habang naghihintay ako kina Mom at Dad,

napagbalingan ko ‘yung gitara ko. Matagal ko na ring hindi ‘to

nagagamit. Tutugtog na sana ako nang biglang tumunog ang

Page 19: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

19

buzzer namin sa bahay. Ibig sabihin, narito na sina Mommy't

Daddy.

Todo takbo ako makababa lang kaagad. At ayun,

nahulog ako sa hagdan at nagising sa ospital. Kya! Loko lang!

Siyempre, nag-iingat naman ako. Plus, sanay na ako magtatakbo

dito, ‘no!

Pagdating ko sa living room namin e andu’n na sina

Mom at Dad. Niyakap ko sila. Isang buwan din silang nawala.

"Irishaimasu! (Welcome!)"

Palibhasa, mahilig sila sa anime kaya pinipilit ako na

matutunan ‘yun. Psh. Minsan ko lang gawin ‘yun, dito sa bahay

lang ‘pag nandito sina Mom at Dad.

"We missed you so much, anak," giit naman ng mga

magulang ko.

We talked about so many things. (Actually, paulit-ulit

na lang.)

"Anak, may suggestion ako. Tutal matagal din tayong

‘di nagkasama, why don't we go for a vacation?" Si Dad.

Ako naman, parang nabuhayan ng red blood cells,

isama niyo na ang white at platelets. Patalon-talon pa ako du’n

kaya nagmukha akong uhuging elementary kid.

"Puwede din po. Saan po ba?' (‘Baaa, artista talaga.

Arteng napipilitan lang, gustong-gusto pala talaga.)

"That will be our surprise for you."

"Sige po." Masaya naman ako, kaya lang mukhang may

naaamoy akong masama dito, a. ‘Wag naman po sana. Gusto ko

lang ng masayang vacation. ‘Eto kasi sina Mom at Dad, kung

Page 20: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

20

makangisi parang aning-aning. Sama tuloy ng sagap ko. O baka

napa-paranoid lang ako.

Page 21: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

21

a

Chapter Three "MOM! DAD! THIS is Paradise!" tili ko. (Pak! tumitili na ako

ngayon!)

"Indeed, anak, a place fit for nurturing love."

Hindi ako sigurado kung guni-guni ko lang ba ‘yun o

talagang nakita kong ngumiti nang makahulugan si Mommy.

Uwaaa! It's giving me the creeps.

Pagkadaong ng bangkang sinasakyan namin, agad

akong bumaba at umupo sa buhanginan.

"Mom, can I walk around the island?"

"Hindi ka man lang ba magme-merienda, anak?"

"Mamaya na lang po. Busog pa po naman ako." Gusto

ko talaga libutin ‘to. Uwaaaa! Payag na kasi, dali.

"Sige, you can. Just make sure to be back before dinner

time, anak. I have an important announcement to make."

Page 22: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

22

Nagtataka man ako, tango na lang. E, nagmamadali

ako, e!

Papunta na ako sa kabilang parte ng isla nang makita

ko ang hanay ng mga mangroves.

"Talagang well-preserved ang nature dito. Kung ako

ang lang din e, bibilhin ko ‘to, now na!" sabi ko sa sarili ko.

Lilibot pa sana ako sa isla nang bigla kong maalala ang

bilin ni Mommy.

"Nakow, patay ako nito. Pagabi na."

Sinimulan ko nang bagtasin ang daan pabalik sa main

cottage ng isla. Hindi naman kalayuan ‘yon kaya kahit

maglakad-langgam ako, dadating naman ako do’n. (Weh?

Aabutin ka ng susunod na planetary alignment, Azusa.)

"Mom, Dad, nandito na ako."

"C'mon, anak, magsisimula na ang party natin."

"Pero, Mom, ‘di pa po ako nakakapagbihis mula

kanina," reklamo ko.

"Don't worry, anak." Pinisil n’ya ang pisngi ko.

"Ganda-ganda mo pa rin. Kaya ka nga niya nagustuhan, e."

"E? Ano ‘yun, Mommy?"

"Wala, wala. Halika na," sabi nito sabay talikod.

"E? Ano ‘yun? ‘Di ko maintindihan. Ewan ko,

antokwa." Sumunod na lang ako sa kanya. Tinamad na ako

makipag-argue. Tamad naman kasi talaga ako, ‘no.

Page 23: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

23

Nakita kong umakyat sa platform sina Mommy at

Daddy; salita nang salita pero nang ipapakilala na ako, du’n lang

ako talaga nakinig. Ha-ha. Suwail na anak, e.

"Ladies and gentlemen, we are so proud to introduce to

all of you our beautiful daughter, Azusa Minorin Villarial."

Tumayo naman ako. Kakahiya nga. Ayaw ko sa

ganitong formality.

"She will be the owner of this island!"

Woah, woah! Akin ‘to? Waaa! I love you talaga,

Mommy, Daddy!

Umakyat ako sa platform tapos niyakap sila.

"Akin talaga ‘to, Mommy?"

"Yup. but not just for you!"

"E? Para kanino po?"

"This is also for our future son, Mr. Yoshida Haru

Rodriguez!"

"A, kay Yoshida lang pala—What?! Sinong Yoshida,

Mommy?!" Nataranta ako bigla.

"O, ayan na pala siya." Si Mommy.

Paglingon ko, parang gusto kong bigla tumalon sa

dagat o ‘di kaya sana magbukas na lang ang lupa para kainin ako.

Sobra akong natigagal.

"I-ikaw?!"

"Hey, it's you, Miss ikaw-ba-nagluwal-sa-akin,"

ngingiti-ngiti nitong giit.

"Bwisit ka!" sigaw ko naman.

Nalito na ata ang parents ko kaya biglang nakisawsaw.

Nagkakagulo na rin kasi ang mga tao. Nagtaka ata kung bakit

Page 24: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

24

kami nagsisigawan ng kumag na lalaking ‘to. Teka, ako lang pala

ang sumisigaw.

"Anak, what's wrong?"

"Teka nga, Mommy? Pa’no nangyaring magiging anak

n’yo ‘to? Nag-ampon ba kayo? Hindi ako papayag maging

kapatid ‘yang abnoy na ‘yan! He can't be my brother! Ayoko ng

kapatid na abnormal! ‘Di ko siya makakasundo, Mom. Maawa

ka sa akin," paangil kong giit.

"Oy, kalma ka. Hindi mo naman magiging kapatid

‘yan, anak. E, magiging asawa mo siya, kaya magiging anak din

namin siya," paliwanag ni Mommy.

"Asawa?! Sino?! Itong abnoy na ‘to?! No way!"

"Yes way," sagot naman ng binata.

"Aba't ‘wag kang sasali sa usapan. Bwisit ka!" angil ko

sa binata. Humarap ako kina Mommy. Naluluha na talaga ako.

"Everything's wrong here! Ipapakasal niyo ‘ko sa lalaking ‘di ko

kilala? Lalo na kung siya! This is insane!"

"Pero, anak, we’re doing this for you. Para sa’yo ‘to."

"For me? Hindi ko na kayo maintindihan."

Nanginginig na ang buo kong katawan. Gusto kong

umiyak pero ‘di ko magawa. Sa huli, tumakbo na lang ako.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Bahala

na. Basta gusto ko munang takasan ‘to sa ngayon.

Page 25: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

25

a

Chapter Four Haru's Point of View

"EVERYTHING’S WRONG HERE! Ipapakasal niyo ‘ko sa

lalaking ‘di ko kilala? Lalo na kung siya! This is insane!"

"Pero, anak, we’re doing this for you. Para sa’yo ‘to."

"For me? Hindi ko na kayo maintindihan."

Nakita kong nanginig siya. ‘Di ko maintindihan ang

naramdaman ko. Gano’n ko ba siya nasaktan? Hindi ko alam.

"Tita, susundan ko po muna si Azusa. Gabi na po, baka

sa’n pa po siya mapunta."

"Sige, hijo, maraming salamat. Ikaw na muna ang

bahala sa anak ko."

"Ako na po'ng bahala, tita."

Naglakad ako. Malayu-layo din. Madilim na talaga ang

paligid.

Page 26: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

26

"Azusa? Azusa?” Nakakailang tawag na ako. Wala pa

ring sumasagot. Nasa’n na kaya iyon?

Lalakad na sana ako papuntang kabilang parte ng isla

nang biglang makarinig ako ng splashes galing sa dagat. Sa

tulong ng buwan, nakita ko siya. Nasa dagat, tulala lang.

"Oy, Azusa, umahon ka diyan! Masyado nang gabi para

mag-swimming. Bukas na lang ‘yan. Sasamahan pa kita!"

Hindi niya ako pinansin. Tinawag ko uli siya. Hindi ko

tinigilan hanggang mukhang napikon na ata.

"Go away! ‘Wag mo ‘ko kausapin, abnoy ka! Kasalanan

mo ‘to!"

"Sige ka, may pating diyan." Nagmatigas ako. Alam

kong matigas ang ulo ni Azusa kaya ‘di ko siya susukuan.

"Wala akong pakialam!"

"‘Di ako nagbibiro! May pating talaga diyan, Azusa!"

sigaw ko naman. Pumupunta na kasi siya sa mas malalim.

"Mas mabuti pang kainin ako ng pating kesa

magpakasal ako sa walang-modo!"

"Balik ka na dito!" sigaw ko naman ulit.

Humarap siya sa direksiyon ko. "Bingi ka ba?! I said,

leave me a—A! Aray!" hiyaw niya.

Binundol ng kaba ang buo kong katawan. Shit!

Azusa's Point of View

Bingi ‘tong abnoy na ‘to, a!

"Bingi ka ba?! I said, leave me a—A! Aray!" Pakshet!

Pinulikat ako! ‘Di ko magalaw ang mga paa ko. Nahihirapan na

Page 27: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

27

ako huminga. Diyos ko! Ipapakasal na nga ako sa abnoy,

malulunod pa ako. Waaaaaahhh!

"He-help, help me," pilit kong sigaw kahit lumubog-

lumitaw na ako.

Bago ako mawalan ng ulirat, I felt someone grab my

hand. Tapos, itinaas niya ang ulo ko and then binuhat ako nang

walang kahirap-hirap. And then…then…wala na, I felt like

closing my eyes. Naubos ang lakas ko.

Nagising ako. Blink. Blink. I felt like I was floating.

Teka, parang…Process. Process. Uwaaaa! Mukha akong tanga.

Karga-karga niya ako ngayon. Ano ako, sanggol? Seryoso

masyado ang mukha nitong abnoy na ‘to, a. Nabigatan na ata.

Bwisit, ba't ba kasi buhat niya ako?

"Hoy."

"O, gising ka na pala."

"Malamang gising na ako. Kaya nga nag-uusap na tayo,

‘di ba?" pang-iinis ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako. Psh. Mukhang ‘di napikon, a.

Hmm, wait! Ang awkward naman nito.

"Hoy, ibaba mo nga ako! Ano ba?" tili ko.

"Shh, ang daldal mo, a. Gabi na, nambubulabog ka

pa."

Ay, tanga. Mukhang tulog na ata ang mga tao. Kaya

ngayon, pinipilit ko siyang ibaba ako pero hindi na gano’n

kalakas ang boses ko.

"Put me down! You jerk, Put me down!"

Page 28: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

28

"Sabi mo, e." Ibinaba na niya ako. Tatayo na sana ako

nang deretso nang biglang sumakit ang mga paa ko. Mukhang

‘di pa nawawala ang epekto ng ‘langyang pulikat na ‘yon. Kaya

imbis na makatayo ako, matutumba na ako, face first! Since ‘di

ko talaga mai-balance ang katawan ko, hinintay ko na lang ang

aking doomsday. Sira ang mukha ko nito. Pikit-mata ako habang

hinihintay kong tumama ang aking mukha sa lupa.

Teka, tagal ko naman atang humalik sa lupa. Kanina pa

dapat ako natumba. Minulat ko nang unti-unti ang mga mata

ko.

E?! He's holding my right hand. Tapos ‘yung left hand

niya nasa waist ko. Uwaaaaaa! Help! He's too close!

Haru's Point of View

"There."

Muntik nang matumba si Azusa. Kung ‘di ko siya

nahablot kaagad, talagang natumba na siya. Natulala ata; pulang-

pula ‘yung mukha niya, e.

"E?! Wait." Umatras si Azusa and strived to balance

herself. "Kaya ko. Kaya ko kaya ‘di ko kailangan tulong mo." She

took one step tapos gumewang. Aalalayan ko na sana pero

tiningnan niya ako nang masama. "I said, kaya ko."

She did this:

Lakad.

Gewang.

Lakad.

Gewang.

Lakad.

Page 29: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

29

Tumba.

Psh. Nasasaktan na siya, e.

"You're giving me no choice, lady." Binuhat ko siya

ulit. Hindi ko pinansin ‘yung pagsigaw niya. Ang kulit ng lahi

nito.

Hmm, marunong din pala tumahimik ‘tong babaeng

‘to, e. Ang tabil-tabil.

Azusa’s Point of View

Pagdating sa cottage

"We're here," nakahingal nitong giit.

"Hoy, abnoy! ‘Wag kang hihingal-hingal diyan!"

"E, ambigat mo, e."

"Bakit?! Pinilit ba kitang buhatin ako? Naka-drugs ka

ata."

"Hindi, pero…" Oy, lumalapit ang abnoy sa akin.

Atras naman ako nang atras hanggang wala na akong maatrasan.

He stopped when he was almost an inch away. Kunti na lang,

magkakapalit na ang mga mukha namin. He tilted his face.

Waaaaaah! Ang lapit niya. Alert. Alert. Ayan na…Pumikit ako.

Lord, maawa po kayo sa akin, "...mabigat ka pa rin." I felt him

move away.

E?!

"Adik ka!" sigaw ko na lang.

Pumasok ako sa kuwarto ko and slammed the door. I

can't believe nangyayari sa’kin ‘to. Umuwi lang ba sina Mama

Page 30: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

30

para hanapan ako ng mapapangasawa? E, walang modo ‘yung

abnoy na ‘yon e. Guwapo sana.

Psh. Magtigil ka, Azusa.

Page 31: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

31

a

Chapter Five PALAKAD-LAKAD AKO SA kuwarto ko nang biglang may

kumatok—sunud-sunod kaya ang ingay na.

"Ano ba, ano’ng oras na? Ayoko pa pong kumain."

Katok pa rin nang katok. Walanjo! Ang kulit.

Binuksan ko ang pinto then spoke, "I said, ayoko

munang ku—"

"Ang ingay mo, Motormouth."

What?! Ano’ng sabi niya?

"What did you say?!"

"I said, ang ingay mo. Bingi!"

"Aba't wala ka talagang modo! Lumayas ka nga sa harap

ko!"

"Ayoko." Nag-pout pa ang loko. Sarap kitilin. Joke!

Ang guwapo kaya. Sige, maharot na ako.

Page 32: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

32

"Bakit? Ano ba’ng ginagawa mo dito? Sumamâ ang

hangin pagdating mo, abnoy."

"Ako? Naghihintay na tumila ang ulan. Kita mo,

basang-basa na ako."

On impulse, napatingin ako sa basang shirt niya. Well,

pati ‘yung nasa likod ng shirt. Ha-ha. Wow! Ang abs, ulam.

Behave, Azusa. Mukha ka nang abnoy—tulad niya.

When I looked at his face, I saw him grin. Uwaaaaa!

Napakurap-kurap ako. Pinagtatawanan ako ng hudyo!

"Hindi mo man lang ba ako patutuluyin?" hirit ni

Haru.

"At bakit ko gagawin ‘yon? Ambisyoso ka. Saktan kita

diyan, e."

"Gano’n? Tingnan ko lang."

Tumalikod si abnoy. (tawag ko na ‘yan sa kanya. Ayaw

ko siya tawagin sa name niya. Awkward e). Naglakad siya sa

gitna ng ulan. Akala ko aalis na, pero biglang sumigaw:

"Azusa, papasukin mo na ‘ko!"

Pakshet! Nag-eeskandalo ang loko. Nagigising na ang

mga guest namin. Malilintikan ako nito bukas! No choice.

Malapitan na nga.

"Hoy, abnoy! Nakakahiya ka. Dali, pumasok ka na

lang."

Parang walang narinig ang abnoy, a.

"O, ano?"

Hindi pa rin siya nagsalita.

"Hoy! Kung ayaw mo, e di ‘wa—“

Page 33: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

33

Before I could even continue shouting at him, kinabig

niya ako and he kissed me. Aaaaah! Just Aaaaaah! Mamamatay na

ako!

He let go of me. I was red like a tomato!

Nararamdaman kong ang init ng mukha ko kahit ang lakas ng

ulan. I blinked my eyes. Pagtingin ko sa hudyo, aba't nakangisi.

"How dare you! You stole my first kiss! Urgh! No way!"

I screamed.

"Yes way. Ang suwerte mo nga ako ang first kiss mo."

He grinned. Oh, how I hate that.

Papatayin ko na sana siya nang biglang nagsilabasan

ang mga guest mula sa mga quarters nila. My parents were even

here. The next thing I knew, they were cheering and hooting.

E?! Ano ‘to?

"Anak, thank you so much. We're so happy for you

both."

Teka, bakit? Ano’ng meron?

"I guess, hindi ko na kailangang magpakahirap

magustuhan mo lang si Haru, anak," hirit pa ni Mommy.

Haaaaaaa?!

"Bagay na bagay sila. Ang romantic ng kiss. Sa ilalim pa

ng ulan," narinig ko mula du’n sa mga guest. E ang lakas

magbulungan, e!

This is crazy! At ang abnoy, hindi man lang ako

tinulungan mag-explain. Mukhang enjoy na enjoy pa nga, e.

"Sige, gabi na. You too, better take a rest." Si Daddy.

Page 34: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

34

Nagsialisan na sila pati si Mommy, ako pikon na pikon.

Nagmartsa ako pabalik sa quarter ko. And I was shocked kasi

sumusunod siya. Hinarap ko siya na nakakunot ang noo.

"Why are you following me?!"

"Why not?" kalmado naman niyang tanong sa akin.

"Bwisit ka!" I punched him pero nakailag. Sayang!

"O, ‘wag sa mukha. Masisira ang kaguwapuhan ko."

I rolled my eyes. "Mas guwapo pa sa’yo palaka, e! Kaya

alis ka na! Ano ba’ng ginagawa mo dito? Shoo!" pagtataboy ko sa

kanya.

"Psh. Makikisilong lang ako. Ang layo pa ng quarter

ko. Tapos lumalakas na ulit ang ulan. Pleaseee." He pouted.

Aww, sige, sabihin niyo, pa’no ko ‘to tatanggihan?

Page 35: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

35

a

Chapter Six "FINE!" TUMALIKOD AKO sabay martsa papasok sa kuwarto

ko. Nakabuntot pa rin ang abnoy sa’kin.

"Now, why are you still following me?!"

Hindi ito sumagot. Instead, humiga siya sa kama ko.

Yes, tama: sa kama ko!

"What the—hoy! Umalis ka diyan. That's my bed!"

"Share na lang tayo. Pagod na ako, e," sagot nito

habang nakapikit.

"No way! Bangon! Ayokong diyan ka! Ako diyan!"

Hindi na sumagot ang abnoy. Mukhang tulog na yata.

When I checked him out, yah, tulog na nga.

No choice. Ayokong matulog sa sahig. Nilagyan ko ng

gabundok na mga unan sa gitna namin then tumalikod ako sa

kanya. Bahala siya sa buhay niya. ‘Wag lang siyang

Page 36: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

36

magkakamaling hawakan ako. Papatayin ko na talaga ‘tong

abnoy na ‘to kahit guwapo pa siya!

"Hmm..." Blink. Blink.

Tok. Tok.

Ang aga naman. Tumayo ako. I walked towards the

door na nakapikit pa rin, then I opened it and went back into

my room. Gusto ko pang matulog. Ugaaaaaa…

Makakatulog na sana ako ulit when suddenly I heard

someone shout. Shit! Really loud.

Napabalikwas ako nang bangon and, well, yeah, pati

ang abnoy. Kinabahan rin siguro sa sigaw.

Blink. Blink.

"Mom? Why the hell did you shout? May ipis ba?"

tinatamad kong tanong.

"Oh my God!" Si Mommy.

After saying that, she shouted again. Then dad came

running. And, well, nalito ako sa mga mukha nila. Parang puro

in shock lang.

Nagising bigla ako—as in totally awake—when I saw

my father walk angrily papunta kay Haru. Kinwelyuhan niya ang

binata and shouted, "What the fuck did you do to my

daughter?!"

Hindi umimik si Haru. Tumayo lang ito.

Nag-sink-in unti unti sa utak ko kung bakit

nagkaganito. They thought we did something bad! Whaaaaat?!

"Dad, it's not what you think. Let me explain."

Page 37: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

37

"Wala ka nang dapat ipaliwanag. We saw it with our

own two eyes," galit na giit ni Dad.

Akala ko ipagtatanggol ako ni Haru, na tutulungan

niya akong mag-explain para tumigil na sina Dad. But what he

did shook my entire world.

He held my hand, this time real tight, faced my father

and mother with this determined face. Kinakabahan ako sa

expression niya. Then he said,

"’Wag po kayo mag-alala, Tito. Pananagutan ko po ang

anak niyo."

Okay, what was that?

What was that?!

Papanagutan what?!

Nagsalita si Dad. "Good. Mabuting nagkakaintindihan

tayo. I'll be expecting you to take care of my daughter from now

on. You'll marry her.”

"Pero, dad—" singit ko.

"Enough, Azusa Minorin." Uh-oh, that's the signal. He

called me by my entire name.

"You'll marry Yoshida Haru. No ifs, no buts."

Uh-oh. Just uh-oh!

Page 38: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

38

a

Chapter Seven HINDI KO UGALING seryosohin ang mga sinasabi ni Mommy.

Pero ‘pag si Dad na ang nakialam, hirap akong suwayin siya.

Kahit solong anak lang ako, hindi ko kayang maging bratinela.

Si Dad, parang judge iyan. His decision is always final.

Walang bawian na. Kaya ‘eto, naiipit na ako. Kasalanan ni Haru

‘to, e. Sasapakin ko ‘to, pigilan niyo ‘ko. Mapapatay ko ‘to,

promise!

I'm really getting married sa abnoy na ‘to. Uwaaaaaaaa!

One more thing. Dad…he has this heart disease. Ayaw

ko nase-stress siya. Ayoko na nagagalit siya. Kaya hindi ko siya

binibigyan ng sakit sa ulo. Now, for dad's sake, titiisin kong

makasama ang abnoy na ‘to. Just for Dad's sake.

Page 39: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

39

Later in the morning, Dad announced that we're

getting married. Bwisit, pulang pula ako sa hiya. No way! Parang

wala lang sa hudyo, a. Alam ko, pati siya pinilit lang din ng

parents niyang maikasal sa akin. Parents naming dalawa ang

nagplano nito. Sila na lang kaya ang magpakasal?!

Now, everybody thinks na totoong boyfriend ko si

abnoy. Magwo-walk-out na sana ako when I felt him hold my

arm then whispered:

"Sa’n ka pupunta? I know. Well…I'm doing this for

my parents. Don't act as if ikaw lang ang pinilit," padiin nitong

sabi.

"Ano?! Bakit? Kasalanan ko ba ‘to? Ako ba nagsabing,

papanagutan-ko-po-ang-anak-mo?” sagot ko na naman with

matching gaya-gaya sa boses niya kanina while sinasabi niya ‘yon.

Gusto ko na siyang saksakin ng tinidor. Sus, kunti na lang,

papatayin ko na ‘to.

"E gusto mo naman, e…" pabulong nitong sabi.

"Aba't…ang kapal mo!" paangil kong sabi pero ‘di ko

sinabi nang malakas. Baka marinig ng iba. Instead, tinapakan ko

ang paa niya. Napaigtad siya sa sakit tapos napasigaw.

"Aray!"

Feeling ko nakaganti ako. Kaya lang, na-postpone ang

makasaysayan kong pagdiriwang nang nagtinginan sa amin ang

mga bisita. Nabulabog ata sa sigaw ng abnoy.

Patay-malisya naman ako. Para hindi kami mahalata,

kinurot-kurot ko kunyari si abnoy sabay tawa-tawa na parang

tanga. Ang sarap kitilin nitong hudyong ‘to!

Page 40: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

40

"Don't mind us. Sobra lang po akong mahal nito kaya

nananakit na. ‘Di ba, Zuzu?" sabi ni Haru sabay tawa.

Nagsitawanan ang mga tao and cheered for us. Inirapan

ko lang siya. Nagmumukha na akong tanga dito, e.

Tatlong araw rin kaming nag-stay sa island. And God!

Palagi kaming napapag-abot nu’ng unggoy na Haru na ‘yon!

Wala akong magawa kundi makisakay sa pag-arte. Ayokong

mapahiya sina Mommy. Ang alam ng lahat, boyfriend ko ‘tong si

Haru the Abnoy!

Argggggg...

Friday na, uuwi na kami mamaya. Kaya nandito ako

ngayon sa dalampasigan, muni-muni lang. Tahimik na sana ako

kaya lang biglang sumulpot ang abnoy. Sinundot ba naman ako

sa tagiliran! Grrr.

"Ay! Anak ng kambing na may bangs!" Napasigaw ako.

Ikaw ba naman ganu’nin. Ibaon ko ‘to ng buhay, e.

"Hi, Zuzu."

‘Ba, himala. ‘Di suplado ang abnoy ngayon.

"Layo ka nga. Bakit ka ba nandito? Alis! Shoo!"

Sa halip na lumayo, e lumapit pa siya! Bingi na, tanga

pa.

"E, pa’no kung ayaw ko?" sabi niya habang unti-unting

lumalapit sa kinauupuan ko.

"Ano ba?!"

He's too close. Naduduling na ako. He stopped inches

away from my face. And then...

Page 41: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

41

Wooooooosh!

Kya! Napatalon ako. Huminga ba naman nang malakas

sa leeg ko! Kinilabitan ako du’n, a!

Lumayo ako, and started walking back sa main cottage.

"Zuzu!" tawag niya.

Hindi ako lumingon. Hindi Zuzu ang pangalan ko.

Azusa ako, Azusa, okay?

Nagsalita siya ulit. "Thanks for spending three days

with me! I'll see you back in Manila. Bye, asawa-to-be!"

Nilingon ko siya and stuck my tongue out! "Hindi mo

na ‘ko makikita! Abnoy ka!"

"Let's see about that!" sagot niya. Mukhang confident

na confident, a. Kinabahan tuloy ako ulit.

Azusa's Point of View

"Woohoo! It's nice to be back!"

Nandito ako ngayon sa hallway ng Wilkinson

University. Hinihintay ko, actually, si Rachelle Van. Marami-

rami na rin ang mga nagsisiratingang students. Monday, e.

"Azu-nyan-nyan!" sigaw ni Van. Kahit naman ‘di ako

lumingon, alam kong siya ‘yan. Kung makatili, wagas e.

"O, antagal mo naman."

"Uy, sorry naman. May nakita akong guwapo do’n sa

kabilang building, e." Ngumisi naman siya.

"Ewan. Ang kulit mo naman. Kung ‘di lang kita best

friend, tinapon na kita sa kanal," sabi ko naman. Siyempre, biro

lang. Mahal ko ‘tong best friend ko, e!

Page 42: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

42

Hindi pa niya alam ‘yong tungkol sa nangyari sa island.

Ayoko na pag-usapan e, and, well, sigurado akong ‘di ko na

makikita ‘yung abnoy na ‘yon. Confident akong makakalimutan

din ni Dad ‘yong kasal-kasal na ‘yon. Ngayon, enjoy muna ako.

Stress-free muna.

Nagdaldalan lang kami buong umaga. Sa hapon pa kasi

ang klase ko.

Ito ako ngayon sa classroom. Nasa bandang gitna na

line ako, malapit sa bintana. Nagbabasa lang ako ng libro. Kung

sa labas, ang kulit ko, sa school naman, puro aral lang ang

inaatupag ko. (Loko, ang bait daw.) Ako lang din ata ang walang

love life dito, e.

Alam kong dumating na si Prof. Tumahimik bigla, e.

Tumigil na sa pagdadaldalan tungkol sa kaartehan ang mga

kaklase kong mga bratinela.

"Okay, Good morning, class." Si Prof.

Nagpakilala na siya and nagsalita ng kung anu-ano.

Medyo bored na din kasi ako, e, kaya tinamad na akong

makinig.

Nagsimula na namang umingay ang room namin.

Nakatingin lang ako sa labas. Ewan, tinatamad lang talaga ako

ngayon.

Biglang tumahimik ulit. ‘Di ko alam kung bakit.

Narinig kong nagsalita ang Prof. He said may bago daw sa klase

namin. Transferee. (Eek, malamang!)

Page 43: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

43

"Okay. Please listen. Magpapakilala ang bago niyong

classmate."

Biglang umingay ulit. Mukhang lalaki ang transferee.

OA kung makapagbulungan ‘tong classmates kong girls.

Naririnig ko na nga, e.

"Oh my G! Ang guwapo! Sana dito sa tabi ko umupo!"

"Ang yummy niya!"

Sige, kung makapagbulungan kayo, pasok sa banga! ‘Di

pa rin ako tumitingin, nasa bintana pa rin ang tingin ko. Wala

akong pakialam kung mala-Adonis pa ‘yang transferee’ng ‘yan.

Tumahimik bigla. Then Mr. Transferee spoke, "Hello,

everyone!"

W-wait, kilala ko ‘yung boses na ‘yan, a. Wait. Don't

tell me…

Napalingon ako bigla. When I saw Mr. Transferee's

face, feeling ko nanigas ang buong katawan ko. Parang

mahihimatay na ata ako. Feeling ko ang putla-putla ko na.

Biglang naalog ang mga brain cells ko. Parang lalabas na ang

dugo ko mula sa leeg ko. In short, mamamatay na ako. (Tama!

I'm so gonna die!)

This can't be!

Shit! What is he doing here?!

Page 44: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

44

a

Chapter Eight HOLY SHIT. AYOKO na sa school na ‘to.

"Okay, class, he's new here. Treat him well."

"Yes, Prof.!" sagot naman nila. Well, puro babae lang

din ang sumagot. Kaasar.

"Mr. Rodriguez, you may take any vacant seat."

"Oh, excuse me, sir. Will it be okay if I sit next to that

pretty girl?" sagot naman ni abnoy.

Tumahimik bigla ang klase. Teka, nakapagtataka ata

‘to. Unti-unti, mula sa pagbabasa kunyari, I checked out kung

ano na ang nangyayari and walanjo! Nagtaka lang ako, lahat sila

nakatingin sa akin.

"Wait, bakit diyan niya gustong tumabi sa freak na

iyan? Mahawa pa siya sa kawirduhan niyan, e," sabi ng isa kong

classmate.

Page 45: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

45

"And what did he call her? Pretty? E mas lalaki pa ata si

Azusa kaysa sa kanya, e," sabad naman ng isang mukhang bisugo

ang mukha.

Psh. Ang sarap nilang pag-uuntugin! Ganito lang talaga

ako manamit lalo na ‘pag nasa campus ako. Mas prefer ko mag-

jeans kesa suotin ‘yong mga damit na halos pati kaluluwa mo e

kita na. Mga bwisit. Ayaw ko namang katabi ‘yang abnoy na

iyan. Sige, sa inyo na iyan. Kainin niyo na.

"Okay, Mr. Rodriguez. You'll be sitting right next to

Ms. Villarial."

A, okay, katabi ko pala—Whaaat?! Bakit katabi ko?!

Napatayo ako bigla. Pinameywangan ko siya. "Sir, I

would like to change seats with any classmate who wants to

occupy my seat."

"No, Ms. Villarial. That's your final seat."

Psh. Mukhang wala na akong choice. Nakita kong

naglakad na siya papunta sa upuan niya which is, by the way,

right next to me. Naitirik ko na lang ang mga mata ko. Fine,

wala akong pakialam kahit katabi ko ‘yang abnoy na iyan.

I went back to reading. Ignore. Ignore.

"Hey, asawa-to-be."

Shit, ginagambala na niya ang tahimik kong buhay.

Pagkatapos ng sobrang boring na klase, time na. Dali-

dali akong tumayo and went out of the room. Pupuntahan ko si

Van. Kailangan ko ng kausap.

Page 46: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

46

Naglalakad na ako nang tahimik sa hallway. Parang

walang nakikita ang mga tao. (Kasi nga akala nila tomboy ako.)

‘Di ako pansinin dito sa school. Nagtaka ako nang umingay na

naman. Nagbubulungan na sila.

"Wait, who's that guy? I think, he's too guwapo!" sabi

ng nasa hallway.

"Wait, and why is he walking too close to that Azusa?"

Napalingon ako bigla. And poof! Tumama ang mukha

ko sa dibdib niya.

Dug-dug.

Tokwa, napaatras ako ng ilang hakbang. No, please,

‘wag mo sirain ang peaceful life ko!

He smiled naughtily. Lalong lumakas ang mga

bulungan sa paligid. Kasi naman, we’re catching too much

attention na: Ako, pulang-pula, nakatingin sa kanya nang

masama while he’s smiling there—in a really katakam-takam na

way.

He stepped forward.

I stepped back.

Forward ulit.

I stepped back once more.

Ayoko na. Tumakbo ako palayo.

Noong nagkita kami ni Rachelle Van, sinabi ko na sa

kanya ang lahat: From what happened in the island, until ‘yung

ngayon. ‘Ba, imbis na damayan ako sa pagdadalamhati ko,

kinilig pa! Gusto daw niya makilala ‘yong lover boy ko.

Page 47: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

47

"Kya! Best! Kilig much! Akalain mo, may sunod nang

sunod sa‘yo! Ayaw mo nu’n? At least siya, alam na maganda ka

kahit mukha kang tibo manamit. Ha-ha-ha!"

"Kainis ka, Van!" Sarap patayin ng best friend ko, ‘no?

"E, joke lang. So, I guess, matutuloy ang kasal niyo?"

"‘Di ako papayag. Ayokong makasal nang sobrang aga."

Pero kailangan ko munang gumanti. That jerk ruined

my peaceful life and stole my first kiss!

Pabalik na ako sa room namin. Naglalakad ako while

nagbabasa. Pero biglang may humarang sa dinadaanan ko. Hindi

lang isa. Apat sila. Ang tatangkad kasi, naka-heels. Tiningnan ko

lang sila and continued walking. Pero hinablot nila ako bigla.

Muntik na ako masubsob sa sahig.

"Hey, you! Ano’ng meron sa inyo ni Yoshida?"

"Bakit ka niya sinusundan kanina?"

Ang dami namang tanong. Male-late na ako.

"Wala," sagot ko lang then continued walking.

They pulled me real hard. This time, napaupo na ako

sa sahig. Ouch, ang sakit nu’n, a.

"Don't mess with us!" sigaw nilang apat.

"I'm not. I told you, wala akong pakialam sa abnoy na

iyon," kalmado kong sagot. Nagpipigil lang ako.

"How dare you call him ‘abnoy’!" sigaw ng isang girl,

then she pulled my hair. Shit, ang sakit!

"Bitiwan mo ang buhok ko! Aray!" Pilit kong

tinatanggal ang kamay niya mula sa buhok ko.

Page 48: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

48

Hirap akong tanggalin. Kasi apat sila, pinagtutulungan

na nila ako! ‘Yung ibang students naman, tititingnan lang kami.

Porke't mukha akong tibo, ‘di man lang ako tulungan! Bwisit!

"Let her go."

Napatigil silang apat sa paghila sa buhok ko. Sabay-

sabay silang napalingon.

"Yoshida Haru. A, ikaw pala."

"Alam mo ba, this tomboy right here, called you

‘abnoy’!" maarteng sabi ng isa sa sumabunot sa akin.

Lumapit sa’min si abnoy. She pulled the hands of the

girls off na nang-aaway sa akin. Tapos he carried me. Naalala ko

tuloy bigla ‘yung sa isla.

"Everybody, listen. Get your hands off this girl.

Ayokong sinasaktan niyo siya. Nobody can hurt her," sabi niya

sabay talikod habang buhat-buhat niya ako. Lumingon pa siya

ulit. Mukhang may nakalimutan. "And one more thing, this girl

can call me ‘abnoy’ or any name she wants. Why? Because she's

my wife.”

Page 49: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

49

a

Chapter Nine Haru's Point of View

NAKAKATAWA ANG REACTION ni Zuzu. Pulang-pula na siya.

Ha-ha-ha! Akala niya siguro, ‘di ko siya susundan.

Nasa hallway siya nu’n, naglalakad papunta sa ewan ko

kung saan. Kaya ako naman, sindundan siya agad. Hmm, inisin

ko kaya ‘to? Miss ko na kasi ‘yung pagtataray niya.

Nagbubulungan na ang mga tao sa paligid namin.

Naglalakad ako nang sobrang lapit sa kanya. Mukha na nga

akong aso, e!

Napansin niya siguro kaya bigla siyang lumingon. I was

close kaya blag! Tumama siya sa dibdib ko. Napaatras siya ng

ilang hakbang.

I smiled.

She frowned.

I stepped forward.

Page 50: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

50

She stepped back.

Forward ulit.

She stepped back once more.

Kakausapin ko na sana siya kaya lang biglang tumakbo.

Runner ata ‘yun, ang lakas tumakbo, e!

Buong hapon akong nakaupo lang sa library. Ang

boringggggg. ‘Asan na ba kasi si Zuzu?

Nang papunta na ako sa susunod kong klase, napansin

ko ‘yung kaguluhan sa may hallway. Lumapit ako tapos bigla

kong narinig,

"I'm not. I told you, wala akong pakialam sa abnoy na

iyon."

"How dare you call him ‘abnoy’!"

"Bitiwan mo ang buhok ko! Aray!"

Wait! I know that voice. That's Zuzu! Dali-dali akong

sumiksik sa kumpol ng mga estudyante and saw Zuzu on the

ground habang hawak-hawak ng dalawang babae ang buhok

niya. Nainis ako bigla. Buong gabi kong tinitigan ‘yang

mukhang ‘yan—‘yang buhok na iyan nu’ng nakitulog ako sa

quarters ni Azusa sa isla—tapos hihilahin lang nila.

Malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanila.

"Let her go."

Napatigil silang apat sa paghila sa buhok niya. Sabay-

sabay silang napalingon.

"Yoshida Haru. A, ikaw pala."

Page 51: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

51

"Alam mo ba, this tomboy right here, called you

‘abnoy’!" maarteng sabi ng isa sa sumabunot kay Zuzu.

Hindi ko pinansin ‘yung sinabi ng isang babae.

Tinanggal ko ang mga kamay nilang nakasabunot sa buhok ni

Zuzu and carried her.

"Everybody, listen. Get your hands off this girl.

Ayokong sinasaktan niyo siya. Nobody can hurt her," sabi ko

sabay talikod habang buhat-buhat ko siya. Lumingon pa ako ulit.

"And one more thing, this girl can call me ‘abnoy’ or any name

she wants. Why? Because she's my wife."

Azusa's Point of View

"She's my wife.”

"She's my wife."

"She's my wife."

"She's my wife."

"Aaaah! Nakakaloka! Tantanan mo akong abnoy ka!"

sigaw ko habang nakaharap sa dingding. Bwisit, nakakahiya

‘yung kanina, a. Kargahin ba naman ako sa harap ng maraming

tao! Abnoy talaga.

Nakatulog akong ‘yun ang iniisip. Actually, hindi ako

gano’n nakatulog. Heller, parang sirang plaka kasi ‘yong sinabi

niya. Paulit-ulit na lang.

"Uwaaaaaa! Ang laki ng eyebags ko!"

Para akong Zombie'ng naglalakad sa school.

Napapatingin sa akin ang mga tao tapos nagbubulungan.

"Psh. Kaya pala. E, boyfriend pala siya nu’ng anak ng

may-ari ng school," bulong ng isa. (Bulong daw?!)

Page 52: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

52

"Sayang. Tsk. Ang guwapo pa naman ni Haru."

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila. Walanjo

lang. Ikaw ba naman walang tulog. Psh.

"Asawa-to-be!"

Napatigil ako bigla. ‘Yung feeling na parang binuhusan

ako ng malamig na tubig. Tatakbo na sana ako pero biglang may

humawak sa kamay ko. Paglingon ko, it's Van.

"Best, bakit parang nakakita ka ata ng multo?"

"Uhm, ano…ano kasi…si ano…"

"Si? Sino?"

"Si ano…nandito na si…ano…" Uwaaa! Nauutal ako.

Palapit na si abnoy. Ayoko na dito!

"Ano ba? ‘Di kita maintindihan!"

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap,

misis."

Namula ako. As in, talo pa ang kamatis na hinog!

Bakiiiiiit?

"Misis? Sino? Si Azusa?" litong-tanong ni best friend.

"Oh, tingin ko ikaw ang best friend ni Azusa. Nice

meeting you. I'm Haru, Yoshida Haru."

"Oh, so ikaw pala si ‘abnoy’ ni Azusa?" sabi ni best

friend with matching quotation marks in the air.

"Ay, oo. Ako ‘yun." Nye? Bakit parang proud pa siya

na tinatawag siyang abnoy? Mukhang adik ‘to, a.

Lumapit si abnoy sa akin then kinuha ‘yong bag ko pati

books ko. He held my hand tapos hinila ako. Namula ako lalo.

Hindi ko maigalaw ang kamay ko.

Page 53: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

53

Hinatid niya ako hanggang sa susunod kong klase.

Buti't ‘di kami classmates, kasi tulala lang talaga ako.

Pagkarating namin sa room, nagpaalam na siya, kissed

me on the cheek tapos nawala. Wait…

Process…

Process…

E-e?! What happened?!

Page 54: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

54

a

Chapter Ten INULAN AKO NG tukso mula kay Van. Porke't pakipot daw

ako. Kahit ang guwapo daw ni Haru. Porke't bulag daw ako.

Uwaaaa! Kainis! Ano'ng nangyari sa’kin kahapon? Bakit

‘di ako nakapag-react?!

Pachu. Walanghiyang abnoy iyon! ‘Di ako papayag na

maisahan niya. Gusto niya ng ganito, ha? Humanda siya!

Operation Ganti kay Abnoy

Sabado ngayon. Alam kong walang klase si abnoy

ngayon at according to my research, naglalaro daw sila ng

basketball ‘pag ganitong Sabado't walang klase. Sabi pa, gustung-

gusto daw ni abnoy na naglalaro para pampawala ng stress.

Hmm…

Lightbulb!

Page 55: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

55

Humanda ka ngayon.

Naghintay lang ako ng kunti, tapos I saw his car.

Pagbaba niya, muntik ko nang makalimutan ang pangalan ko.

Nakakapanglaway! (E, maharot ka!) Psh. Pero kailangan kong

mag-concentrate! Back to mission!

Nakita kong nagsidatingan na rin ang mga katropa

niya. Nag-iingay na rin kasi, e. Nang marinig kong aalis na sila

para maglaro, unti-unti na akong naglakad papunta sa

kinaroroonan nila.

"Tara na, bro."

"Sige."

"Babe!" sigaw ko bigla. (Uwaaaa! Kahiya ‘yung ‘babe’,

a.)

Napalingon silang lahat tapos natahimik sila bigla.

"Teka, sino ba’ng tinatawag niya?"

"Teka, ako ata. Ang ganda, e," sabi naman ng isang

katropa ata ni abnoy.

"Akala ko ba sasamahan mo kong mag-shopping

ngayon, Haru?" arte ko naman with matching pa-cute. Bwa-ha-

ha-ha! Magaling ako dito.

Nakita kong nabigla siya. Hindi kaagad nakasagot, e.

Ha-ha-ha! Ano ka ngayon, ha, abnoy?! Akala mo ikaw lang?

Puwes, good bye basketball ka ngayon! Magiging boring itong

araw na ito para sa iyo! (Evil laugh)

"Woah! Si Haru pala."

"Pare! Mukhang may date kayo ngayon, a! Ikaw, ang

sama mo. Kinalimutan mo naman ang girlfriend mo."

Page 56: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

56

"Sus! Kung ako ikaw, ‘di na ako hihiwalay diyan. Baka

agawin ‘yan ni Ford," pasaring naman ng isa.

Napuno ng ingay at kantyawan sa lugar. Si abnoy

naman, tahimik lang. Mukhang masama ang loob kasi ‘di

makakasali sa basketball game nila. Ha-ha-ha! Yes! Ang galing

mo, Azusa!

Akala ko panalo na ako kaya lang biglang nagsalita si

abnoy:

"Ay, oo nga pala, babe. Sorry, nakalimutan ko."

Lumapit sa akin ang abnoy na nakangisi. Parang nagbabantang

naiinis. Gawd, mali ata ‘tong pinasok ko. "Dali, hug na lang kita

para makabawi naman ako," sabi pa niya.

Gusto ko biglang tumakbo. Bahala na kahit ‘di ako

makaganti. Ayoko na.

"So, I guess ‘di ako makakasama, mga ‘tol. Kayo na

lang muna. Samahan ko si babe, e. Baka sumama ang loob nito,"

sabi ni Haru sabay akbay sa akin. Yikes! Danger!

"Sige, pare!"

"Enjoy!"

Bwisit! Mukhang ako ang nabiktima ng plano ko.

"Hmm, so I can't play basketball today, huh?" Psh.

Dapat lang ‘yan sa’yo. I just smirked. Nagpatuloy siya. "Well, it's

okay. Nandito ka naman, e."

"Wait. What did you say?!"

"You said, sasamahan kita sa mall. Okay, pero sa isang

kondisyon. You ruined my schedule. Now, you have to make up

for it.”

Page 57: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

57

"What do you mean?!" sigaw ko naman. Wala akong

pakialam kahit mabulabog man ang mga gorilya o mahulog man

ang mga ibon sa langit dahil sa ingay ko. Napipikon na ako, e.

He stepped two steps forward, held my chin and stared

right into my eyes. "Spend the whole day with me."

Page 58: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

58

a

Chapter Eleven HE STEPPED TWO steps forward, held my chin and stared right

into my eyes. "Spend the whole day with me."

Napanganga ako. That came so sudden. Mukhang

napasubo nga talaga ako.

"What?"

"Psh. Alam ko narinig mo ‘yon. ‘What’ ka nang ‘what’,

e. Halikan kita diyan," sabi naman niya.

Namula ako bigla. Naalala ko tuloy ‘yung sa isla.

"N-O. As in NO," matigas kong sabi.

He just smirked, held my hand at basta-basta na lang

akong hinila papunta sa kung saan. Hirap akong sundin siya.

Ang laki ng lakad, e.

Then we stopped. Nasa harap na kami ng car niya. Ito

‘yung car na nakabangga sa car ko. Psh. Kainis.

Page 59: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

59

"Oh, come on. Tara na." Pinagbuksan niya ako ng

pintuan ng sasakyan then gently pushed me papasok. I have no

choice but to follow him. Ayokong manakawan ng halik ulit,

‘no!

Sumakay na rin siya. Pinaandar na niya ‘yung car niya

and before kami umalis, he turned on the radio.

When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right were you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

Awww. Ang sweet ng kanta. Promise, favorite ko na ‘to!

Kinikilig ako na ewan.

And when you're needing your space,

to do some navigating.

I'll be here patiently waiting,

Page 60: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

60

to see what you found.

No, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

I'm still looking up.

I was humming while tumutugtog ‘yung kanta. Bigla

akong napalingon kasi feeling ko may nakatingin sa’kin. And

when I did, tama nga ako. Nakatingin siya sa’kin. Nakangiti.

Uwaaaaa! Lord, mukhang pinagtitripan ulit ako nito, e!

"I didn't know that you sing," sabi niya.

"Bakit? Masama ba?" taray ko naman.

"Hindi, a. Ang ganda nga, e."

"Maganda? You mean, ‘yung kanta?"

"Hindi, ikaw."

E?! Shit.

Dug-dug.

Ang lakas ng tibok ng tokwa kong heart! Napatingin na

lang ako sa labas.

"Psh. Tigilan mo ako. Dalian mo na lang diyan para

makarating na tayo agad do’n. Nasasayang ang oras ko."

I heard him laugh. Aww, bakit ang sarap pakinggan ng

tawa niya?

Page 61: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

61

a

Chapter Twelve HINDI NA SIYA nagsalita pa for the rest of the time na papunta

kami sa mall. Ayaw ko namang ako ang umunang magsalita.

Therefore, tama ka! Nakabibingi ang katahimikan sa

loob ng car niya. Sus, abut-abot ang dasal ko na sana makarating

na kami agad sa mall.

At, well, mukhang dininig ang dasal ko. Nandito na

kami ngayon malapit sa mall. Pagka-park na pagka-park niya sa

car niya, bumaba agad ako and faced him na nakapameywang.

"What now?"

"Ano’ng ‘what now’?"

"You told me, I have to spend the whole day with you.

Okay, now we're here. Don't tell me tutunganga na lang ako

dito?"

Page 62: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

62

Kung wala naman pala akong mapapala kasama siya,

kay Van na lang ako magpapasama tutal nandito rin siya kasi I

texted her kanina nu’ng nasa car pa kami.

Wait…si Van! Patay, paano na si best? E kailangan

kong samahan ‘tong kumag na ‘to, e.

"Shit!"

"What? Bakit?" tanong naman ni Haru.

"Si Van nga pala. May usapan kami ngayon.

Magtatampo ‘yun ‘pag hindi ko siya sinipot. Ako pa naman ang

nagyaya," litanya ko.

"So, she's here? Hmm. Saang part ba siya ng mall

ngayon naghihintay?"

Teka, nasa’n nga ba?

Ite-text ko na sana siya nang biglang,

Vibrate. Vibrate.

Napatingin ako sa phone ko. It's Van.

From Bhest:

Bhest, where ka na? Dito ako sa

Chowking. punta ka na dito.

"Nasa Chowking daw siya," taranta ko namang sagot.

"Okay, gagawan ko ng paraan ‘yan. She can't come

with you kasi kasama kita."

"E, ano naman kung kasama kita?"

"Basta. Hindi puwede."

"Wow! Boss, ikaw ba ‘yan?" pang-iinis ko naman sa

kanya. Actually, ako na nga ang naiinis.

Page 63: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

63

May kinulikat lang siya sa phone niya then called

someone. ‘Di ko masyado marinig ang usapan nila, e. After that,

he faced me.

"Okay na. ‘Di ka na kailangan du’n. May kasama na

ang best friend mo."

"What? Kasama? Hoy! ‘Pag may nangyaring masama sa

best friend ko, ipapa-salvage kita!" angil ko sa kanya.

"Your best friend will be okay." He smiled. "Mukhang

bukas, ‘pag nagkita kami, magpapasalamat pa ‘yun sa akin," he

said and grinned.

‘Baaa. Ano ba kasi ginawa nitong kumag na ‘to? Baka

mapa’no si best friend.

Rachelle Van's Point of View

(O, ha?! Pumi-POV na rin ako ngayon! Ha-ha!)

"Nasa’n na ba ‘yung babaeng ‘yon?"

Kanina pa ako nandito, e. Hindi naman ako

pinaghihintay nu’n. Mai-text na nga.

To Bhest Lukaret:

"Bhest, where ka na? Dito ako sa

Chowking. punta ka na dito."

Tapos sinend ko. (Malamang, ‘di ba?)

Psh. Mukhang walang planong mag-reply. Iindyanin

ako?! Saktan ko ‘to ‘pag nakita ko ‘tong babaeng ‘to. Ha-ha-ha.

Nagbasa na lang ako ng story sa phone ko. E so

boringggg, e.

Page 64: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

64

Kinikilig na ako dito. Ha-ha-ha.

Napatigil ako sa pagbabasa nang biglang may nakita

akong tumigil sa may harapan ng table ko.

"Let's go?"

Hindi ko pinansin, baka naman hindi ako ang kausap.

Heller, ni dulo ng buhok nitong taong ‘to, ‘di ko kilala, e. In

fairness, guwapo siya. Ha-ha.

After a while, natapos ko nang basahin ‘yung story.

Ngingiti-ngiti pa nga ako sa kilig, e. Pagharap ko, nakatayo pa

rin ‘yung lalaki sa harap ng table ko.

"Tapos ka na? So, tara na?" sabi niya. Teka, sa akin

nakatingin, e. Ako ba kausap nito?

Napaturo ako sa sarili ko sabay sabing,"Teka, ako ba

kausap mo?"

"Malamang, sa’yo ako nakatingin, ‘di ba?"

"Aba't pilosopo ‘to, a!"

"O, dali. Tara na." ‘Di na niya ako hinintay na mai-

process pa kung bakit niya ako kinakausap. He grabbed my hand

and led me palayo.

"Wait, sa’n tayo pupunta? And who are you?"

"Kahit saan. Sa’n mo ba gusto?" parang walang interes

na sagot naman nito.

"Ano?"

"Sabi ko, kahit saan na gusto mo. Sabi kasi ni pinsan,

aliwin daw kita."

"Pinsan? Aliwin ako?"

"Okay, okay. Nakakahilo ka nang magtanong, a," sabi

naman niya.

Page 65: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

65

"E, nakakahilo ka sumagot, e!"

"Fine. I'm Mark. Mark Reynard Rodiguez." Wait,

Rodriguez? Parang familiar ata. "Pinsan ko si Haru. Sabi niya ‘di

daw makakapunta si sino ba ‘yun?"

"Si Azusa," sagot ko naman.

"Tama, siya, kasi magkasama sila ngayon, kaya I came

here para replacement. Ang galing mo, a, nakilala mo agad si

Azusa," dagdag naman niya.

"Malamang naman, manong. Best friend ko ‘yun, e."

Sumimangot na lang ako.

"Hmmm, magaling ka pa rin." Nagkibit-balikat pa ang

mokong na guwapo.

"So, you mean, magka—"

"Yup, yup. Tama na ‘yung tanong. Tara na." Hinila na

niya ako sa kung saan. Woah! Mukhang may love life na si best

friend!

Page 66: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

66

a

Chapter Thirteen Haru's Point of View

SALAMAT SA PINSAN kong magiting at masosolo ko ngayon si

Azusa.

Nag-ikot kami sa mall. Bili dito, bili doon. Grabe kung

makapag-shopping ‘tong si Azusa. Ewan ko lang kung saan niya

isusuot ‘tong lahat ng damit na binili niya.

Nakasunod lang ako sa kanya. Pero, hmm…Makapag-

isip nga ng topic.

Lightbulb!

"Zuzu."

Hindi siya sumagot.

"Zuzu." Sinundot ko siya sa tagiliran.

Napaigtad siya, tapos magkasalubong ang kilay na

humarap sa akin.

"Puwede ba, hindi Zuzu ang pangalan ko. Okay?"

Page 67: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

67

"Zuzu."

"Hindi nga, e. "

"Zuzu gusto ko, e." I pouted.

"Whatever." Tumalikod na ulit siya.

"By the way, matanong lang, huh? Napansin ko:

Babaeng-babae kang tingnan ‘pag sa labas ng school. Pero bakit

‘pag nasa loob…"

Humarap siya sa akin, blangko lang ang expression.

"Kasi ayaw kong magsuot ng damit na parang pati kaluluwa ko

labas na," sabi niya sabay talikod.

Napangiti na lang ako. One more reason why I like her.

Azusa's Point of View

Kanina pa niya ako kinukulit. Ayaw ko siyang pansinin

kasi ‘pag ginawa ko ‘yun, bumibilis ang tibok ng puso ko. ‘Di ko

alam kung bakit.

"By the way, matanong lang, huh? Napansin ko:

Babaeng-babae kang tingnan ‘pag sa labas ng school. Pero bakit

‘pag nasa loob..."

Humarap ako sa kanya, blangko lang ang expression.

"Kasi ayaw kong magsuot ng damit na parang pati kaluluwa ko

labas na," sabi ko sabay talikod. Psh. Sana ‘wag na niya ako bigla

biglang kalabitin. Kinakabahan ako, e.

Tutal naman gusto kong makaganti, nag-shopping

grande ako, tapos pinabitbit ko sa kanya ang mga binili ko. Ha!

Kala niya maiisahan niya ako. Asa!

Pumasok ako sa Penshoppe, tapos dumiretso sa mga

damit. Tinitingnan ko lang. Lumapit sa’min ‘yung saleslady.

Page 68: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

68

"Ma'am, feeling ko bagay ‘to sa inyo," sabi niya sabay

pakita nu’ng dalawang ladies’ shirt. Color pink ‘yung isa tapos

light blue ‘yung isa pa.

Maganda nga, pero pareho lang ang design. Isa na lang

siguro ang bibilhin ko. Hmmm…

"Tingin mo, ano’ng mas maganda?" tanong ko sa

saleslady.

Imbis na sagutin ako, humarap siya kay abnoy tapos

tinanong siya, "Para sa inyo, sir, ano po ba mas bagay para sa

girlfriend niyo?"

"Excuse me, miss, but I'm not—"

"Hmmm, para sa girlfriend ko ba?" sapaw naman ni

abnoy. Buwisit! Napagkamalan kami! A-hu-hu-hu-hu.

"Ano’ng color po ba ang maganda?"

"Hmmm, wala. May transparent ba kayo? Gusto ko

‘yun para sa babe ko, e."

Transparent?!

Hinampas ko siya. "Adik ka bang unggoy ka?!

Transparent mo mukha mo!"

"Ang cute niyo naman pong mag-away. Ay, by the way

po, may mga couple shirt din po kami rito. Baka gusto niyo po.

Ang cute niyong couple, e."

Tatanggi pa sana ako. Kaya lang...

"Sure. Bibili ako."

Kaya ayun, bumili ‘yung abnoy ng isang pair. Kinukulit

niya akong suotin daw namin. Todo tanggi naman ako. Lord,

nakakahiya na ‘to.

Page 69: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

69

"Ma'am, sir, mukhang natuwa po ang manager namin

sa inyo. Kaya kayo po ang pinili na couple of the day. Pakisuot

na lang po ang couple shirt niyo tapos pipiktyuran ko po kayo

para sa tarpoline for this day."

What?!

"Hindi, ‘wag na. Iba na lang piliin niyo."

"KJ naman ni babe." He pouted.

"Tigilan mo nga ako sa babe-babe mo diyan!"

"Bakit? ‘Di ba ikaw naman ang unang nagtawag sa’kin

niyan?" he said in between.

"Shut up!"

"Dali na, picture lang naman, e." Hinila niya ako bigla

tapos tinulak nang marahan papunta sa fitting room.

Wala na akong choice. Nagtyi-cheer na ang ibang

costumers, e. Paglabas ko, nakita kong nakabihis na rin siya.

Piniktyuran kami. Iba-ibang pose. Naaasiwa na nga ako

kasi ang lapit namin sa isa't-isa.

"Okay, last pose na po. 1-2-3!"

Na-shock ako. Inakbayan niya ako then nagsalita nang

mahina:

"I love you…"

Hindi ko masyadong narinig. O baka mali lang ang

dinig ko. Napalingon ako bigla. Bago pa ako makapagtanong,

sinalubong niya ako ng halik sa pisngi.

Page 70: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

70

a

Chapter Fourteen "I LOVE YOU..."

Hindi ko masyadong narinig. O baka mali lang ang

dinig ko. Napalingon ako bigla. Bago pa ako makapagtanong,

sinalubong niya ako ng halik sa pisngi.

Sobra akong namula. Narinig ko pang nagpalakpakan

ang mga tao. Pero ako du’n, tulala lang.

Dug-dug.

Napahawak ako sa dibdib ko. Shit. Ayan na naman.

Nahihirapan na akong huminga sa lakas ng pintig ng puso ko.

Tokwa naman. Tantanan mo ako!

"A, ano…Teka, magsi-CR muna ako," sabi ko sabay

labas sa shop. Naiwang nagtataka si abnoy.

Sa CR

Page 71: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

71

Napasandal ako sa pinto ng cubicle.

Dug-dug.

Psh. Hindi pa rin siya tumitigil. Bakit ba ako

nagkakaganito?

Paglabas ko, nakita kong nakasandal siya sa may

dingding malapit sa girls’ CR. Nang makita niya akong lumabas,

lumapit siya agad sa akin.

"Okay ka lang ba?"

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. "Oo naman, may

dahilan ba ako para ‘di maging okay?" sabi ko with a blank

expression.

Nagkibit-balikat siya. Ako naman umuna na sa

paglalakad.

"Sa’n mo gusto mag-dinner?" basag niya sa

katahimikan.

"‘Wag na. Busog pa ako, e," sabi ko naman without

looking at him.

"Busog? E kanina ka pa ata hindi kumakain, e. Dali,

dinner na tayo."

"‘Wag na sabi e. Busog pa ako." At mas binilisan ko pa

ang lakad.

Napansin na ata niya na parang nag-iba ang timpla ko.

Hinabol niya ako and grabbed my hand. "May problema ba?"

Napalingon ako bigla.

Dug-dug.

Automatic akong namula. "Wala." Hinila ko ang

kamay ko. "Gusto ko nang umuwi."

"Hatid na kita."

Page 72: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

72

"‘Wag na. Papasundo na lang ako."

"Pero—"

"Sabi ko, ‘wag na! Bingi ka ata, e," sabi ko sabay

talikod. I called my driver and told him to pick me up ASAP.

Sinundan niya lang ako at hinintay na makasakay na.

"Thank you for accompanying me," sabi niya bago ako

umalis.

Tango lang ang isinagot ko sa kanya.

Kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon. Natatakot

ako sa puwedeng mangyari kung hahayaan kong lumapit sa akin

si Haru. Natatakot ako na hindi na kayanin ng pagmamatigas

ko.

Natatakot akong mahalin siya.

Kinabukasan, pumasok ako sa school na walang tulog.

‘Wag niyo nang tanungin kung bakit. Malamang dahil du’n.

Todo iwas naman ako sa kanya. Umiba na ako ng

dinadaanan sa school para ‘di kami mapag-abot. Tuwing nasa

iisang klase naman kami ang ginagawa ko tuwing kinakausap

niya ako ay:

Ignore.

Ignore.

Ignore.

Pagdating ng hapon e, wala na akong klase. Deretso

uwi na lang ako. Or baka dadaan muna ako kina Van. Ngayon,

Page 73: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

73

tinatamaan na ako ng katamaran kaya hindi na muna ako nag-

drive. Nagpapahatid-sundo ako kay manong. This week lang

naman, e.

Palabas na ako ng gate. Natatanaw ko na nga ‘yung car

na ginagamit sa pagsundo sa akin, e. Siguro tatambay muna ako

kina Van.

Pagkatapat ko sa car, binuksan ko na ‘yung pinto sa

passenger's seat tapos sumakay nang hindi tumitingin.

(Nakatingin ako sa phone ko, e!)

"Manong, hatid niyo po muna ako kina Van."

Nakapagtatakang ‘di sumagot si manong driver. Hmm.

Never mind. Masyado na akong pagod para usisain pa siya.

Isinuot ko ang headphones ko then pressed a random song. And,

well, nagkataong it's the same song nu’ng nasa car ni abnoy.

When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right were you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

Page 74: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

74

I'm still looking up.

Naramdaman kong unti-unti na akong hinihila ng

antok.

And when you're needing your space,

to do some navigating.

I'll be here patiently waiting,

to see what you found.

No, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love.

I'm still looking up.

I'm still looking up.

Napapikit na ako. Ang sarap matulog. Ugaaaa…

Bago ako tuluyang mahimbing e, I heard someone say

these words:

"Yes, I won't give up."

"Hmmm…"

Blink. Blink.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Inaantok pa

talaga ako, e. Hindi ko pa maibuka nang maayos.

Pagkadilat ko, nakita ko ‘yung langit. Punung-puno ng

stars.

Page 75: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

75

Wait, wait, ‘di ba nasa car ako bago ako nakatulog?

Paano ako umabot dito?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Teka, parang

nakaunan ata ako sa braso ng kung sino. Paglingon ko, bigla

akong binundol ng kaba.

Don't tell me…

Page 76: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

76

a

Chapter Fifteen BLINK. BLINK.

Nang mahinuha ko kung sino talaga ang katabi ko,

parang mamamatay ako bigla sa kaba. It's him. Yes, him!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!" tili ko.

Naalimpungatan ata ang mokong. "Hoy! Bakit ka ba

sumisigaw?" sabi niya habang nakahiga.

"What?! May gana ka pang magtanong? Ano’ng ginawa

mo sa akin, ha? Nasa’n ako? Nasa’n tayo? Nasa’n si Manong?

Ano’ng ginawa mo sa kanya? Pa’no tayo dumating dito?! Bakit

kasa—”

Madami pa sana akong itatanong pero bigla niya akong

sinunggaban and stopped when he was almost just an inch away.

Natahimik ako bigla.

"Hinay-hinay lang. Mahina ang kalaban."

Page 77: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

77

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko kung

gaano kami kalapit sa isa't-isa. Napaurong ako nang mabilis.

"Marunong ka din pa lang tumahimik, e."

"How dare you! Nasaan si manong? Uuwi na ako," sabi

ko sabay tayo.

"A, si manong? Nasa kanila lang. Pinag-day-off ko."

"What?! And bakit nakiki-manong ka na rin sa driver

namin, huh?"

"Why not?"

"‘Wag mong sinasagot ang mga tanong ko ng tanong

din. Abnoy ka!"

"I'll take that as a compliment, babe," sabi niya and

smiled without even looking at me.

"Stop calling me ‘babe’! Hindi ako baboy! Mas lalong

hindi ako biik!"

Lumingon siya sa direksiyon ko and smiled in a very

charming way. "Babe."

"Shut up! Kung ayaw mong sabihin kung nasaan talaga

si manong, uuuwi akong mag-isa! I can go home alone," sabi ko

then I marched back to the car and opened the driver's seat.

Ready'ng ready na sana ako nang biglang…

"Wait, where's the key?"

Padabog akong bumalik sa kinaroroonan ni abnoy and

shouted: "Hoy! Where's my key?!"

He raised his right hand at hinayaang makita ko ang

susi ng sasakyan then he looked at me with a blank face. "Nakita

mo na? Now, it's okay. I won't mind if you really want to go

Page 78: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

78

home," pang-iinis niya sa akin sabay luklok ulit sa susi sa bulsa

ng pants niya.

"Malas ka talaga sa buhay ko. Give the keys back to

me!"

"Get it if you can."

Ayaw ko namang lumapit sa kanya. Baka kung ano’ng

gawin nito sa akin. Nakakarami na rin ‘tong abnoy na ‘to.

"‘Wag na, ‘no! Kung ayaw mong isauli sa akin ‘yan,

magpapasundo na lang ako kay Van." I got my phone then

dialled Van's number. Ilang sandali lang, she picked it up.

"O, best?"

"Van, I really need your help. Can you pick me up

here? Dito sa may park sa Quezon. I can't use my car, e."

"Ngayon na? Teka ha, kasi, ano, best, e..." sabi naman

ni Van.

"Ano?"

"Ano e…hindi kasi ako muna makakaalis dito sa bahay,

e."

Magtatanong pa sana ako kung bakit nang biglang may

marinig akong boses ng lalaki sa kabilang linya.

"Wow! Ganda naman ng collection mo," sabi ng lalaki.

"Sino ‘yan, best? May lalaki ba sa room mo?"

"A-a, a-ano, wala, best. Cellphone ko lang ‘yun."

"Uy, Van. Sino ‘yang kausap mo? Dali, tour mo muna

ako sa kuwarto mo," sabat naman ng lalaki na narinig ko kanina.

"Best, may lalaki talaga diyan. Sino ‘yan?"

"Fine. It's Mark Reynard."

Page 79: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

79

Naka-loudspeaker ang phone ko kaya naririnig ni

abnoy ang pag-uusap namin.

"Mark Reynard? Sino ‘yan?"

"Mark Reynard Rodriguez."

"Wait? ‘Yung pamangkin ng may-ari ng school natin?"

"Yup."

"Whaaaaat?!"

Upon hearing her response, napatakbo ako bigla sa

kinahihigaan ni Haru and pulled him up. Nagtaka naman siya.

"We need to go to Van's house! I need to protect Van!"

Nagtataka man, tumango na lang si Haru and mabilis

na pinaandar ang sasakyan. I need to be there ASAP. Hindi ko

puwedeng ipagkatiwala ang best friend ko sa pinaka-chickboy na

lalaki sa buong campus namin.

I need to protect my best friend no matter what.

Page 80: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

80

a

Chapter Sixteen WALA KAMING IMIKAN habang papunta kami sa bahay ni Van.

Hindi rin naman siya nagtatanong kaya ‘di na ako nag-abalang

kausapin pa siya.

Pagka-park na pagka-park ni abnoy sa car, halos

patalon akong bumaba. Tumakbo ako papasok and headed to

Van's room upstairs.

Hindi na ako nag-abalang kumatok. Pagbukas ko sa

pinto, nadatnan ko si Van na nagsusulat.

Napakurap-kurap ako. Where's that chickboy?

"Nasa’n ang chickboy na iyon?"

"Sino?" tanong naman ni Van.

"‘Yung chickboy na iyon? I mean, si Mark."

"A, ayun, kanina pa nakaalis."

Lumapit ako sa kinauupuan ni Van. "Tell me, may

relasyon ba kayo ni Mark, best?" seryoso kong tanong.

Page 81: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

81

Nakatingin sa mga mata ko si Van. Mukhang tama nga

ang kinatatakutan ko. Masasaktan na si best friend. Handa na

sana akong magpaka-ina at pangaralan si Van nang biglang

humagalpak ito ng tawa.

"Ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha-ha!" Nakahawak na sa tiyan

niya si Van sa kakatawa habang ako naman litung-lito na.

"Bakit ka tumatawa?!"

"E—ha-ha-ha-ha-ha! Ano kasi, best, ha-ha-ha-ha!"

"Sige, tapusin mo muna ‘yang tawa mo. ‘Di kita

maintindihan. Sakalin kita diyan, e."

Nang matapos na ang pagkahaba-habang tawa ni best

friend, hinarap niya ako. "Wala kaming relasyon ng makulit na

iyon. Nagkita kami sa mall noong isang araw tapos kaklase ko

pala siya sa isang subject, tapos groupmates kami. May

presentation kasi kami bukas kaya nag-practice kami. Kanina

nang tapos na, kinulit lang niya akong ipakita ko daw sa kanya

‘yung collection ko ng gitara," pagpapaliwanag naman ni Van.

Matagal bago ako nakahuma. Phew! Akala ko kung ano

na ‘yun, a.

"Phew! Pinakaba mo ako du’n, best. Pero ikaw, mag-

iingat ka pa rin. Matinik sa babae ‘yun."

"Yes, Mommy!" At sumaludo pa siya sa akin.

Hinampas ko siya ng unan. Ang kulit ng best friend ko.

Napahaba ang pag-uusap namin ni Van. Nonstop. ‘Di

ko na nga napansin na alas-onse na pala. Psh. Kung ‘di dahil sa

abnoy na iyon, ‘di sana ako natagalang makarating kina Van.

Page 82: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

82

Wait, si abnoy nga pala!

Napatayo ako bigla. "Teka lang, best friend. Babalik

ako, saglit lang."

Nagtataka man, tumango na lang din si Van.

Sa labas ng bahay

Tumakbo talaga ako papunta sa labas ng bahay.

Nakalimutan ko, kasama ko pala si Haru! Pagdating ko du’n,

para na akong aso humihingal.

"Abnoy," mahina kong tawag sa kanya.

"Buti naalala mo pa ako," mahina niyang sagot, pero

alam kong nagtatampo na ‘to sa akin.

"Sorry. Napahaba lang kasi ang usapan namin."

"Kaya nakalimutan mong may naghihintay sa’yo dito?"

"Sorry na."

Hindi siya sumagot. Lumapit siya sa akin at ibinigay

ang susi ng sasakyan. Walang imik itong tumalikod at naglakad

palayo. Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko magawa. Sobra

akong nagi-guilty sa ginawa ko.

Pagtingin ko ulit, malayo na siya. Napatingin na lang

ako sa susi.

Tinawagan ko si Van.

"Hello, best?"

"Best, dito ko ba matutulog?" tanong naman ni Van.

"‘Di na. Sa bahay na lang ako. Salamat," matamlay

kong sagot.

Page 83: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

83

"May problema ba?"

"Wala. Baka napagod lang ako," pagkakaila ko. Ayoko

nang idamay pa si Van sa katangahan ko.

Sumakay na ako sa car then drived home.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kuwarto ko, nahiga na

ako agad.

Nakatitig lang ako sa kisame all this time. Pagtingin ko

sa wall clock, 4 AM na pala. ‘Di man lang ako nakatulog.

Bumangon ako at kinuha sa lalagyan ang gitara ko.

This is one of my ways of relieving stress. I started strumming

and singing.

Scrolling through my cellphone,

For the 20th time today.

Reading the text you sent me again,

Though I memorize it anyway.

And it's 12:51, and I thought my feelings were gone.

But I'm lying on my bed,

Thinking of you again.

And the moon shines so bright,

But I gotta' dry these tears tonight.

‘Coz you're moving on,

And I'm not that strong to hold on.

Any longer...

Page 84: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

84

I stopped singing. Alam ko, tigasin ako. Pero…ang laki

ng kasalanan ko kay abnoy. Bukas, maga-apologize ako.

Lulunukin ko ang pride ko kahit ngayon lang.

Page 85: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

85

a

Chapter Seventeen MATAMLAY AKO KINABUKASAN. Pumasok ako sa unang klase

nang parang wala lang. Nagbasa lang ako habang hinihintay si

Prof.

Biglang umingay ang girls sa room. I know it's him.

I felt him sit right next to me. Pero iba ngayon. Noon,

kinakausap niya ako, every time darating siya, kinukulit niya

ako. But now, he sat there na parang hindi niya ako kilala. ‘Di

niya ako binati. Ni kunting tingin ‘di niya ako tinapunan.

Naninibago ako. Napatingin na lang ako sa mesa ko.

Gano’n lang ako hanggang sa dumating si Prof.

"Okay, class. Group yourself into two."

Kanya-kanyang hanap ng pair ang mga classmates ko.

Samantalang ako, nakatingin pa rin sa mesa.

"Okay, sino ang walang pair?"

Page 86: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

86

Napakurap-kurap ako. Then I raised my hand.

Paglingon ko, naka-hands up din siya.

"Okay. Kayo na lang ni Mr. Rodriguez."

Tumingin ako sa kanya, pero blangko lang ang

expression niya. ‘Di man lang ako tiningnan.

Lalong sumama ang loob ko. Nang matapos na ang

klase, nagsilabasan na ang ibang estudyante. Naiwan kaming

dalawa. This is my chance!

"Uhm, ano…"

Tiningnan niya ako.Yes! Mukhang kakausapin na ako

nito!

"Miss, pakiabot ng libro na nasa bintana."

Napakurap-kurap ako. What did he call me?

‘Di ako nakagalaw sa sobrang shock.

"Sige, ‘wag na. Ako na lang." Nilampasan niya ako then

kinuha ‘yung libro. After that, lumabas na siya.

Naiwan ako du’n, tulala. Mukhang galit nga talaga siya

sa akin. Sobrang galit na ginusto niyang kalimutan ako.

Lumabas na lang ako ng room at nagtungo sa garden.

Nahahapong naupo ako sa damuhan tapos ipinatong ko ang

aking ulo sa mga binti ko. ‘Di ko alam kung bakit nasasaktan

ako ngayon. Kung bakit parang ayaw tanggapin ng sistema ko na

galit na galit sa akin si Haru.

"‘Eto, o."

Page 87: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

87

Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa tuhod

ko.

"‘Wag ka nang umiyak."

Umiiyak ba ako? Du’n ko lang na-realize na tumutulo

na pala ang mga luha ko.

"Gamitin mo ‘yan. Malinis ‘yan, ‘wag kang mag-alala."

"Salamat." Inabot ko ang panyo then pinilit na

ngumiti.

"Walang anuman. ‘Wag ka mag-alala, hindi ka matitiis

nun," sabi ng mabait na lalaki. Ngayon ko lang din siya nakita

dito sa campus. ‘Di familiar ang mukha, e.

"Ano’ng ibig mong sabihin?"

Ngumiti lang siya then started walking away.

"Teka lang!"

Hindi na siya lumingon. Hanggang nawala na siya sa

paningin ko.

Napatingin ako sa panyo. "Salamat sa mabait na

nilalang na iyon."

Haru's Point of View

Inaamin ko, matagal talaga akong naghintay sa kanya sa

labas ng bahay nina Azusa. Halos tatlong oras din. Pero ‘di ko

‘yun alintana. Kasi iniisip ko, babalik si Azusa para sabihing,

“Sorry, pinaghintay kita. Pero ‘di kita nakalimutan.”

Pero nasaktan talaga ako nang nalaman kong

nakalimutan niya talagang magkasama kami. Kung ‘di siguro

niya naalala, maiiwan akong nakatayo du’n sa labas hanggang sa

Page 88: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

88

ewan ko kung gaano katagal. Kaya ayun, nag-walk-out ako.

Tampururot ako, e.

Kinabukasan, pinilit kong ‘di siya pansinin. Kahit

gustung-gusto ko na siyang lingunin, kausapin at kulitin,

pinigilan ko ang sarili ko. Nagbabakasakali akong baka ‘pag ‘di

ko siya pinansin, ma-realize niya ang halaga ko.

Nang nasa room kami, sinubukan niya akong kausapin.

"Uhm, ano…"

Tiningnan ko siya. Then, I said, "Miss, pakiabot ng libro

na nasa bintana."

Nakita ko kung paano siya nabigla. Actually, nage-emote

lang ako.

Paglabas ko, siniguro kong masusundan ko siya. Nakita

kong pumunta si Azusa sa may graden tapos naupo du’n.

Pinagmamasdan ko lang siya. Damn! Gusto ko na siya

lapitan at aluin pero nakita kong may lalaking lumapit sa kanya

at inabutan siya ng panyo. Tinanggap naman ito ni Azusa.

Ouch.

Tumalikod na ako. This time, totoo na. Nasasaktan na

ako.

Sinuntok ko ‘yung pader. "Shit! I've never been so

jealous. Ngayon lang."

Page 89: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

89

a

Chapter Eighteen Azusa's Point of View

"HMMM…MAGLALAKAD AKO pauwi ngayon. Ayokong

magpasundo."

So ayun, binaybay ko na ‘yung kalsada. 6 PM pa

naman plus, matao pa kaya okay lang. Iniisip ko kung sino ‘yung

lalaking nagbigay sa akin ng panyo. Baka estudyante siya ng

Wilkinson University. Bukas, hahanapin ko siya para maisauli ko

sa kanya ‘tong panyo.

Nalala ko naman si abnoy. Psh. Galit nga sa akin ‘yun.

Teka, mukhang uulan, a. Nakalimuatan ko pa naman

‘yung payong ko.

Unti-unti nang pumapatak ang ulan. May sipon pa

naman ako. Bahala na. Binilisan ko na lang ang lakad ko. Gusto

ko kasing maglakad ngayon.

Page 90: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

90

Lumakas na ang ulan. Nabasa na ako. Since basa na rin

naman ako, bahala na, tumakbo na ako. Pagdating ko sa bahay,

mukha na akong basang sisiw.

Sa likod ako dumaan para ‘di mapansin ng mga yaya

namin. Isumbong pa ako nito kina Mommy't Daddy, e.

Pagkarating ko sa kuwarto, panay ang bahing ko.

Ugaaaaa. ‘Wag naman po sana akong lagnatin. Ugaaaaaaaaaa.

Knock. Knock.

"Sino ‘yan?" Sniff. (May sipon ako, ‘di ba?)

"Ma'am, okay lang po ba kayo? Kanina pa po kasi kayo

bahing nang bahing, e."

"Okay lang ako—Achoooo!" Sniff.

"Sigurado po ba kayo, ma'am?"

"Oo, sige na. Balik ka na du’n."

"Sige po. Kung may kailangan po kayo, tawagin niyo

lang po kami."

"Sige. Salamat. Achooo!" Ugaaaaaa. Sobra na ‘to.

Ugaaa. Mai-text nga si best friend.

To: Bhest

Uy, babaeng maharot. XD joke lang.

Message Sent.

Vibrate. Vibrate,

Page 91: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

91

From: Bhest

Baket? Mas maharot ka, XD HAHA

Message Sent.

Vibrate. Vibrate,

From Bhest

May sipon ako bhest, grabe. Parang

lalagnatin na ako :(

I can't go to school ata bukas. Kopya

nlang ako notes. Puhleaassse. (-___-)

Message Sent.

Ay, deadbatt na ako. Malas talaga ‘tong araw na ‘to

sa’kin.

Kinabukasan, nagkalagnat nga talaga ako. Ang

lamiiiiiiiig! Psh. Paano ako makakapag-apologize if I can't go to

school? Kailangan ko pumunta. Sniff.

So, nagpursigi akong mag-act na oks lang ako para ‘di

mapansin ng maids namin na may sakit ako.

Nakapunta nga ako ng school, pero bahing ako nang

bahing.

Pagkarating ko, dumeretso ako sa room. Magkaklase

kami sa first subject.

Pagpasok ko, andu’n siya, nakikipag-socialize.

Napapalibutan ng girls. Nakayuko ako habang naglalakad kasi

masama din ang pakiramdam ko, dagdagan pa na hindi niya ako

pinapansin.

Page 92: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

92

Umupo ako sa upuan ko, then nagbasa ng libro. Wala

naman akong naiintindihan dito sa binabasa ko kasi nagsisimula

nang sumakit ang ulo ko.

Pagdating ni Prof., nagsibalikan sa mga upuan nila ang

mga girls. Nagsimula na sa pagle-lecture si Prof. pero biglang

tumigil sa tapat ko.

"Are you okay, Ms. Villarial? You look pale."

"Yes, sir, I'm fine," matamlay kong sagot.

Tumingin sa akin ulit si Prof. then bumalik sa pagle-

lecture.

Tiniis ko ang sakit ng ulo ko sa buong klase.

Pagkatapos, tatayo na sana ako pero bigla akong nahilo.

Napaupo ako ulit. Nakita kong lumabas na ng pinto si Haru.

Kailangan ko siyang habulin. Magso-sorry ako.

Pinilit kong tumayo. Hinabol ko siya. Nasa hallway na

siya nang maabutan ko.

"Haru!" tawag ko sa kanya. Kunti na lang talaga ang

lakas ko.

Hindi siya lumingon. Nagderederetso lang siya sa

paglalakad.

"Haru, teka—" Hindi ko na natapos ang dapat kong

sasabihin, nanlambot ang mga tuhod ko. Tapos umikot paningin

ko, and then…

Everything went black.

Haru's Point of View

Mula kagabi, medyo masama pa rin ang loob ko.

Nakita kong may kausap siyang lalaki. Nginitian pa niya. May

Page 93: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

93

pabigay-bigay panyo pa ang mokong. ‘Pag nakita ko ‘yung

lalaking ‘yun dito sa campus, mapapatay ko ‘yun.

Pumasok ako sa school nang bored. Napagbalingan ko

ang mga babae dito sa room namin. Kung kaya niyang magbigay

atensyon sa iba, puwes, ako rin! Hinayaan ko silang lumapit sa

akin at kausapin ako. Halos iuwi na ako ng iba. Psh. Pero naiinis

pa rin ako. ‘Di maalis sa isip ko ‘yung nakita ko kagabi. Pakshet.

Bumukas ang pinto. I saw Azusa enter. Teka, parang

matamlay ata siya. She looked pale. Panakaw tingin lang ako.

Ayokong makita niya na tumitingin ako sa kanya.

She sat quietly malapit sa bintana. I saw her open her

book pero hindi naman siya bumubuklat ng ibang pahina.

Nakakunot ang noo niya. Minsan nga, hinahawakan niya ang

sentido niya. Naghihinala na ako.

Nang magsimula na ang klase, nagtanong si Prof sa

kanya.

"Are you okay, Ms. Villarial? You look pale."

"Yes, sir, I'm fine," matamlay niyang sagot.

Pagkatapos ng klase, nagpatiuna akong lumabas. Nakita

kong tumakbo siya. Mukhang gusto akong kausapin.

"Haru!" narinig kong tawag niya sa akin.

Hindi ako lumingon.

Tinawag niya ako ulit. Pero ‘di niya natapos ang sinabi

niya. Hindi ako lumingon. Pero I heard a loud banging sound.

Parang taong tumama sa sahig.

Paglingon ko, it's her.

It's Azusa, lying unconscious on the floor of the

hallway.

Page 94: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

94

a

Chapter Nineteen IT’S AZUSA, WALANG malay na nakahiga sa sahig.

Binundol ng sobrang kaba ang dibdib ko. Walang sabi-

sabi, napatakbo ako sa kinahihigaan ni Azusa at hinawakan siya

sa may noo.

"Shit! Antaas ng lagnat niya!" taranta kong giit.

Nagsilapitan ang mga tao pero wala namang tumulong.

"Damn! Tumabi kayo!" angil ko sa kanila.

‘Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman

ngayon. Hindi ko kayang mapahamak si Azusa.

Binuhat ko siya at mabilis na binaybay ang hallway.

Dere-deretso ako sa sasakyan ko. Kung paligsahan pa siguro ‘to,

kanina pa ako umabot sa finish line sa bilis ng pagpapatakbo ko.

Pagdating ko sa bahay, tinawag ko kaagad ang mga maids

namin.

"Dali, call our personal doctor!"

Page 95: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

95

"Opo," tugon naman ng maid at tumakbo na papasok.

Karga-karga ko si Azusa paakyat. Sa kuwarto ko na siya

itinuloy. Taranta na ako, e.

"God. Please, don't let anything bad happen to her."

Ilang sandali lang ay dumating na si Doc.

"Sige, hijo, ako nang bahala dito. You can stay

outside."

"Sige po, Doc."

Lumabas na ako, pero ‘di pa rin ako mapalagay.

Kasalanan ko ‘to. Kung ‘di ko lang siya iniwasan. Kung

lumingon lang ako nu’ng tinatawag niya ako. Kung hindi lang

sana ako nagbingi-bingihan…

Nakita kong lumabas ang personal doctor namin mula

sa kuwarto ko.

"Doc, kamusta na po siya?"

"Oh, she's fine. Lagnat lang. Mukhang napabayaan

niya and as I can see, she exhausted herself too much. Mukhang

hindi siya nakapagpahinga nang maayos. Kaya kanina, she has

reached her limits, that's why she fainted."

Napayuko ako. Kasalanan ko talaga ‘to.

"Kailangan mo lang ipainom sa kanya ‘yung mga

gamot. She'll be fine."

"Sige po, Doc."

"Mauna na ako, hijo." Tinapik-tapik niya ako sa

balikat.

Page 96: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

96

Nagtungo ako sa mini bar at kumuha ng maiinom.

Napasuntok ako sa dingding ng mini bar.

"Wala kang kwenta, Haru. Wala kang kwenta."

Azusa's Point of View

"Hmmm..."

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Kurap.

Kurap. Ugaaaaa…Masakit ang ulo ko. Sniff. Sniff.

Bumangon ako nang kunti at hinawi ang kumot ko.

Medyo ‘di ko pa naipa-process ang mga pangyayari. Tatayo na

sana ako nang bigla kong napansin na ang luwag ng suot ko

ngayon.

"Teka, sa pagkaka-alala ko e, naka-tight jeans ako

kanina tapos naka-plain shirt na body hugging."

Pagtingin ko sa damit ko, nagtaka ako lalo.

"Why the hell am I wearing a super laking shirt at

shorts?!"

Tapos na-realize ko na damit panlalaki ‘to.

Wait…just wait…

Woah.

"Aaaaaaaaah!" tili ko.

Then suddenly, narinig ko na may bumukas na pinto

tapos sumara ulit. Paglingon ko, feeling ko hihimatayin ako ulit.

Come on! Himatayin sana ako ulit.

It's him, half-naked, flashing his bare upper body.

Tapos, ‘yung buhok niya tumutulo pa ‘yung ilang butil ng tubig.

Mukhang kakaligo lang.

Page 97: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

97

Nanlaki ang mga mata ko. Wait, kung kakalabas lang

niya ng banyo at kakaligo lang din at I'm currently wearing a

guy's clothes, meaning sa kanya ‘to.

Wait…wait: Nasa’n ang mga damit ko kanina?!

"Aaaaaaaaaaahh!" I screamed as hard as I could.

Napatigil ako bigla nang may tumakip na kamay sa bibig ko.

"Shh. Ang ingay mo. Pati ba naman sa bahay ko,

nambubulabog ka." Tapos binitiwan niya ako.

"Bakit ako nandito?!"

"Can't you ask without yelling?"

"Answer me!"

"Then, for Pete's sake, lower your voice!"

Natahimik ako. Uh-oh. Galit si abnoy. Paglalamayan

na ako nito bukas.

"Sorry. Again, paano ako nakarating dito?" kalmado

kong tanong sa kanya.

Lumingon siya sa akin and stared right into my eyes. "I

made you drink a potion, kidnapped you, and claimed the thing

that you've been protecting ever since."

"What do you mean?!"

He smiled. "What do you think do I mean?"

That's it. Namutla ako bigla.

Page 98: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

98

a

Chapter Twenty "I MADE YOU drink a potion, kidnapped you, and claimed the

thing that you've been protecting ever since."

"What do you mean?!"

He smiled. "What do you think do I mean?"

Automatic na napayakap ako sa sarili ko. Don't tell

me....

"Hoy! Isusumbong talaga kita kina Dad! Sasabihin ko

sa kanila kung ano’ng ginawa mo sa akin. Tingnan ko lang kung

‘di ka manghiram ng mukha ng aso!"

"E di magsumbong ka. Ang alam naman nina Tito e,

ginawa na natin ‘yang iniisip mo du’n sa isla, ‘di ba?" Then he

grinned.

"Bwisit ka! Ano’ng ginawa mo sa akin?!"

"Wala," sagot niya. "Oh, meron pala. I just changed

your clothes." Then tumalikod siya.

Page 99: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

99

Namula ako sa sinabi niya. Binato ko siya ng unan.

Tumama naman ito sa likod niya. Lumingon sa ulit sa akin,

pinulot ‘yung unan, then binato pabalik sa akin. Sa lakas ng

pagkakabato, tumama sa chest part ko kaya natumba ako.

"That's for being such a bad girl and making me so

worried a while ago." Then he went out.

Napakurap-kurap ako. Ano nga ba ang nangyari

kanina? Pinilit kong alalahanin, pero lalong sumakit ang ulo ko.

Ugaaaaa!

Tatayo na sana ako, pero bigla akong nahilo, kaya

humiga na lang ulit ako then stared at the ceiling.

"Galit pa kaya si Haru sa akin?"

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang

bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng naka-

maid-uniform.

"Kamusta na po kayo, ma'am?"

"A…medyo okay na. Masakit lang kunti ang ulo ko,"

sagot ko naman.

"‘Eto po pala. Kumain po kayo nitong soup para po

mas gumanda-ganda po pakiramdam niyo."

"Sige, maraming salamat."

"Sige po." Tatalikod na sana ang maid kaya lang may

naaalala ako.

"Teka lang," pigil ko sa kanya.

"Bakit po?"

"Ano pala’ng nangyari? Paano ako nakarating dito?"

Page 100: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

100

"A, ‘yun po ba, ma'am? Hindi po namin alam ang

buong istorya pero dumating po si Master na nagmamadali tapos

natataranta," sabi niya.

"Sabay ba kaming dumating dito?" tanong ko naman.

"Ay, buhat-buhat ka po ni Master. Wala ka po kasing

malay tapos ang taas po ng lagnat mo."

Napatango ako. Kaya pala.

"Ay, teka, sino pala ang nagbihis sa akin? Iba na kasi

damit ko, e," mahina kong tanong habang pulang-pula ako.

"A, iyon po ba? Ako po nagbihis sa inyo. Tinawag po

kasi ako ni Master. Nagtaka po ako kasi parang pulang-pula si

Master," sabi niya habang nakangiti.

Nakahinga ako nang maluwag. Pinagtitripan lang pala

ako ng abnoy na iyon. Humanda iyon mamaya.

"Sige. Maraming salamat."

"Sige po." Nag-bow siya tapos tumalikod and went out.

Pero ‘di pa naisasara ang pinto ay bumalik ulit ang maid

papasok.

"Ma'am, gusto ko lang po malaman niyo na nakita ko

pong sobrang kinabahan si Master. Para siyang asawa ng isang

babaeng manganganak. Akala ko nga po nu’ng una, e buntis ka

po."

Natigagal ako.

"At, ma'am, sa tinagal-tagal ko na po dito, ngayon ko

lang po nakita na gano’n siya kakinabahan." She smiled then

went out.

E? What was that?! Ikaw kasi, Azusa. Ang tanga-tanga

mo.

Page 101: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

101

Inubos ko ‘yung soup. Nagutom ako bigla. Ang bango

ng amoy. Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako. Ay, sa

wakas, ‘di na ako nahihilo.

"Kanino kayang kuwarto ‘to?"

Inikot ko ‘yung buong kuwarto tapos napadako ako sa

may table. May mga pictures. It's a boy na nakaupo sa damuhan.

"Ang cute naman nitong batang ‘to."

Tiningnan ko pa ‘yung ibang mga pictures. May couple

akong nakita. Kamukha ni Haru ‘yung girl. Ang ganda niya.

This must be his parents noong younger years nila.

Nang nasa panghuli na akong picture frame, I saw a girl

and a boy. Si Haru ‘tong isa. Nakaakbay si Haru sa girl.

Promenade ata. Naka-gown si girl, e.

Parang nakaramdam ako ng kakaibang feeling sa dibdib

ko. Inalis ko kaagad ang tingin ko sa frame.

"Psh. Guni-guni ko lang siguro."

Tumayo na ako. Babalik na sana ako sa higaan nang

biglang may nakita akong isang picture frame na nakataob.

"Hmm…Bakit nakataob?"

Hinawakan ko na kasi titingnan ko, pero biglang

bumukas iyong pinto tapos pumasok ang isang maid.

"Ma'am, baba na po tayo. Gamot niyo po nasa baba

tapos nandito din po daw ang best friend niyo."

"A, sige." ‘Di ko na naituloy ang pag-alam kung sino ba

ang nasa picture frame. Hmm, bakit kaya nakataob?

Haru's Point of View

Page 102: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

102

Phew. Para akong nabunutan ng tinik nang makita

kong nagising na siya. ‘Di ko naman sana siya pagtitripan kaya

lang parang gusto ko siyang inisin. Makaganti man lang ako

kahit na kunti sa kabang binigay niya sa akin.

Pagkababa ko na hagdan, narinig kong may nagsalita sa

sulok.

"Mukhang iingay na ang bahay mo, ‘insan."

Kahit ‘di ako tumingin kong sino ang nagsalita, alam

kong si Mark na iyon. Boses pa lang, alam na.

"Psh."

"Tarantang-taranta ka kanina, a. ‘Di mo man lang ako

napansin, ‘insan. Nadala mo lang dito ang babaeng mahal mo,

nagmukha kang aligaga," panunukso niya sa akin.

"Ano’ng mahal? Sungalngalin kita diyan, e," banta ko

naman kay Mark.

"Ha-ha-ha! Pikon, talo."

Tiningnan ko siya nang masama.

"Loko lang," sabi naman ni Mark.

Sinuntok ko siya nang mahina sa tiyan. Napatalon siya.

"Aray, ‘insan. Nagbinata ka lang, nananakit ka na!"

panunukso naman ni Mark sa akin.

"Tahimik. Lumayas ka sa bahay ko!" pabiro ko namang

sigaw.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pumasok ako sa

music room ko, kinuha ang gitara and started plucking.

When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Page 103: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

103

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right were you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

Naalala ko kung gaano siya kaganda while sleeping.

And when you're needing your space,

to do some navigating.

I'll be here patiently waiting,

to see what you found.

No, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

I'm still looking up.

Page 104: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

104

Napangiti ako. Ever since makita ko siyang nakaupo sa

gilid ng kalsada sa ilalim ng malakas ng ulan, back when I was

still thirteen.

After six long years, mas lalo ko siyang minahal.

Page 105: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

105

a

Chapter Twenty-One Azusa's Point of View

BUMABA NA KAMI. Nakasunod lang ako sa maid nila. Alam

kong malaki ang bahay namin. Pero, itong bahay ni Haru,

sobrang laki. I was wondering kung paano kaya sila nagkikita-

kita dito. Hmm...

"Nasa living area po naghihintay ang kaibigan niyo."

"A, sige. Salamat."

Pagkababa namin, nakita kong pabalik-balik na

naglalakad si Van sa malaking living room nina Haru. Nakatayo

na nga ako sa harapan niya, ‘di pa rin niya ako napansin.

Pinitik ko ang daliri ko sa harap niya. Du’n pa lang

niya ata ako napansin. Tinitigan niya ako ng ilang segundo tapos

bigla akong niyakap.

Page 106: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

106

"Uwaaaaa! Best! Akala ko kung ano na’ng nangyari

sa’yo. Noong nalaman ko kung ano ang nangyari e, pumunta

ako agad sa hallway pero sabi nila, dinala ka na raw ni Haru."

"A, oo. ‘Wag ka mag-alala. Okay na ako. Puwede na

nga siguro akong tumalon sa building ulit, e."

"‘Wag mo ‘ko binibiro ng ganyan, best."

"Sorry. Pasensiya na kung pinakaba ko kayo. Pinilit ko

lang naman pumasok kasi may kailangan talaga akong gawin, e.

Wala na akong ibang chance pa."

Tumango na lang si Van tapos niyakap ako ulit. "Sige,

aalis na muna ako. Dadalawin kita dito bukas, best, a."

"Teka, sama na lang ako sa‘yo. Okay na rin naman ako,

e. Nakakahiya rin naman kasi ‘pag dito pa ako nag-stay."

Sasagot pa sana si Van nang biglang dumating si Haru.

"You'll be staying here for now. Sabi ni Tito at Tita,

dito ka muna."

"What are you talking about?!"

"That's what they said."

"I don't believe you!"

"Fine. You talk to them," sabi niya then tossed his

phone. Mabuti't nasalo ko. I dialled Mommy's number. Tapos,

ilang sandali lang, sumagot na si Mommy.

"Hello, anak? What happened to you? Hinimatay ka

raw?!" sigaw agad ni Mommy.

"Stop overreacting, Mom. May lagnat ako. Napasobra

sa activities kaya nagkagano’n. I'm fine now."

"No, Azusa. Alam namin, hindi mo na inaalagaan ang

sarili mo."

Page 107: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

107

"Inaalagaan naman, a…" I pouted.

"Enough, Azusa." Si Dad.

"I wan't you to stay at Haru's house for now. Nag-usap

na kami ng parents niya. He would look after you while we're

still not around."

"But, Dad—"

"You don't want me to get angry, Azusa Minorin."

"Alam niyo naman po na ayaw ko po ‘yun."

"Then stay there."

"Sige. Papayag ako, Dad. Pero please, pagbalik niyo,

aalis na ako dito."

"Okay."

"We need to go, anak. Please be good to Haru. Siya

mag-aalaga muna sa’yo."

"Wala naman po akong choice, ‘di ba?"

"Stop it, Azusa." Then he hung up.

By the time na natapos ang pag-uusap namin ni Dad,

nakauwi na si Van.

Umakyat ako sa kuwarto ni Haru and knocked.

"Pasok."

"Here's your phone."

"Ilagay mo lang diyan. Your room is right there."

Tinuro niya ang kuwartong nasa harap ng kuwarto niya. "Kung

may kailangan ka, tawagin mo lang ‘yung yaya."

"Okay." Tumalikod ako pero umarap ako ulit. "By the

way, kahit nasa bahay mo ako, wala kang karapatang

panghimasukan ako, okay?"

Lumingon siya and stared at me. Napaatras ako.

Page 108: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

108

"This is my house. I'll set the rules."

I rolled my eyes, then slammed the door. "Bwisit!"

Pagpasok ko sa kuwarto ko, humiga ako agad. Itutulog

ko na lang ‘to. Uuwi na rin naman sina Mommy, e.

Haru's Point of View

I can't believe na she'll live with me. I just have to treat

her well, baka sakaling...

Urgh.

Tumigil ako sa pag-iisip. Lumabas ako ng kuwarto.

Tutuloy na sana ako sa mini bar kaya lang nakita kong naka-

awang ang pintuan ng kuwarto niya.

"Psh. Burara naman nito."

Pumasok ako then saw her sleeping. Ang peaceful niya.

Kinumutan ko siya and stared at her. Lalo siyang gumanda.

Kinabukasan

"Hmmm…" Nagising ako dahil sa pakiramdam na

may nakatingin sa akin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata

ko. Kurap. Kurap. Tapos, bigla akong napatalon.

"Ano’ng ginagawa mo dito?!"

"Kailangan mo lang palang titigan nang masama para

magising ka."

"Ano?!"

"Bangon na diyan. Male-late na tayo."

"Mauna ka na lang," sabi ko tapos nagtalukbong ako

ulit.

Page 109: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

109

"Okay. Pero binabalaan kita. Gagamitin ko ‘yung car.

Wala dito ‘yung ibang sasakyan. Kung magkikilos pagong ka,

maglalakad ka papuntang school."

"Maglalakad lang pala, e—What?!"

Napabangon ako bigla! Ang layo nitong bahay ni Haru

sa school. Never pa ako nakapag-commute.

Napatalon ako sa higaan tapos napahawak sa braso

niya. "Hintayin mo ‘ko. Ayokong maglakad."

"Ayaw mo? Puwes! Gumalaw ka na diyan!"

Napatakbo ako sa banyo tapos mabilis na naligo. Ang

bilis kong natapos, a.

Kumatok ako sa kuwarto niya. Pagbukas niya, naka-

uniform na siya.

"Let's go."

Sumunod naman ako sa kanya. Nagtuluy-tuloy kami sa

dining table, kumain lang nang kunti tapos umalis na.

Nagpatiuna si Haru papunta sa sasakyan. Nakasunod

naman ako sa kanya. Mukhang galit pa ata ‘to sa akin, a.

Pagdating namin sa tapat ng car niya, pinagbuksan niya ako ng

pintuan.

"Salamat."

Hindi siya sumagot. Pumunta na siya sa driver's seat

then started the car.

Akala ko aalis na kami, pero bigla siyang lumapit sa

akin. Napatanga lang ako. Lumiliit na ang distansiya namin sa

isa't isa.

I closed my eyes. Waaaaaa, Lord…Ampupu…

Then I felt him fasten my seatbelt.

Page 110: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

110

Assuming ka, neneng, sabi ko sa sarili ko.

Pagdating namin sa school, ‘di ko na hinintay na

pagbuksan niya ako ng pinto. Abuso na iyon. Marunong din

naman ako mahiya, ‘no. Plus, baka mag-isip na naman nang

masama ang mga kumag dito sa school.

Pagkababa ko pa lang, pinagtinginan na kami.

Uwaaaaa! Iba na talaga ‘pag kasama mo ang anak ng may-ari ng

school.

Sobrang boring ng araw ko ngayon. Ewan ko ba.

Hanggang ngayon, ‘di pa rin kasi ako gano’n iniimik ni abnoy.

Nagising ako mula sa aking pagtulala nang biglang may

sinabi si Prof.

"Okay, it's going to be February by next week, kaya

malapit na ang school festival natin."

A…school festival. ‘Di na lang ako papasok.

Tutunganga lang din naman ako dito. Sa bahay na lang ako,

mag-aaral o magpa-planking.

"So now, we need to elect a class representative for this

event. Please nominate then we will proceed with the final

votation."

"Got it, Prof.," sabay-sabay na tugon ng buong klase.

Well, not really buo. ‘Di ako sumali, e. KJ ako ngayon.

"Okay, first nomination!" Si Prof.

"I nominate Azusa Minorin Villarial." Napalingon ako

bigla. It's Mitty, ‘yung girl na usually e tahimik lang.

"Pero—"

Page 111: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

111

"Ako rin. I'll go for Azusa," sabi naman ni Haru.

Tiningnan ko siya nang masama. And surprisingly…

He smiled.

Dug-dug.

Napahawak ako sa dibdib ko. Potek, ito na naman siya.

After almost a week, he smiled again—the same smile I usually

see before. Namula ako.

"Any other nominations?" Si Prof.

Wala nang ibang tumayo. Tahimik lang ang lahat.

"Okay then, it's decided. Ms. Villarial is our class

representative."

Du’n ako parang natauhan. Ako?! Class representative?

Ibig sabihin, kailangan ko pumunta sa school sa araw ng festival.

Uwaaaaaa! Tange ka, Azusa. Nginitian ka lang, naging abnoy ka

na rin! Pa’no na ‘to?

Page 112: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

112

a

Chapter Twenty-Two Azusa's Point of View

"ANG TANGE MO, Azusa. Ikaw tuloy magpapasan lahat ng

trabaho ngayong school festival," sabi ko sa sarili ko.

Papunta ako ngayon sa office ng School Council. May

meeting daw lahat ng representatives. Bwisit! Mgat maarte talaga

‘tong mga classmates ko. Hayaan ba namang ako ang maging

representative.

Palabas na ako ng room nang biglang magsalita ‘yung isa

naming bratinelang classmate.

"Good luck, Azusa. Bahala ka na sa sandamakmak na

trabaho ng representative. We wish you luck!" sabi niya sabay wave.

Nakangiti pero nakakauyam naman. Nagsitawanan ang

iba naming classmates.

"Psh," sabi ko sabay martsa palabas ng room. Potek!

Nakayuko ako habang naglalakad.

Page 113: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

113

"’Wag ganyan, Azusa. Baka mabangga ka."

Inangat ko ang ulo ko. It's Mitty.

"Congratulations for being class representative," sabi

niya then smiled. This time, I know it's genuine.

"Salamat. Pero, Mitty naman, ‘di mo na lang sana ako

ni-nominate. ‘Di ko kaya ‘to!"

She shook her head. "I nominated you because I know

you can." Tapos nagtuluy-tuloy na siya sa paglalakad.

"Mitty!"

‘Di na siya lumingon pero she waved good-bye kahit

nakatalikod siya.

Napabuntong-hininga na lang ako.

I headed to the SC room. Pagpasok ko, napalingon sa

akin ang lahat ng ibang nasa loob ng room.

"Wow, a. Pumili sila ng tibong representative. Natibo

ata ang buong klase nila," sabi ng isang girl.

"Shh! Stop it, Sheed. Baka marinig ka niyan. Isumbong

ka pa sa anak nitong may-ari ng school. Sa kalye ka pupulutin

bukas," sabi naman ng isang girl.

Natatakot na silang pagtripan ako because I was always

with Haru. Tumigil lang ang bulungan nang pumasok sa room

ang isang lalaki.

Wait...I know this guy.

Isip, isip…

Lightbulb!

Page 114: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

114

He's the guy who gave me the handkerchief before.

Nu’ng bago ako maulanan. Nu’ng nakasalampak ako sa

damuhan.

Dumeretso siya sa harapan, rhen spoke, "Nandito na ba

ang lahat?"

"I believe nandito na po lahat, Pres.," sagot naman ng

isang babaeng naka-skirt. Mukhang secretary ata ng SC.

So this means that this guy is the Student Council

President!

"Okay. Let's start."

Tumahimik na ang lahat.

We discussed about the activities to be done. Kalimitan

minor lang, pero sa last part daw ng school festival, magbo-

bonfire daw sa isang beach resort.

"Oh, and one more thing. May isa tayong activity kung

sa’n bawat klase ay pipili ng isang kakanta for the concert. This

will be next week. Second day of the festival," sabi ulit ni Pres.

"Got it, Prez.," we answered in chorus.

"Okay, that's all for today. Dismissed."

Nagsitayuan na ang ibang representatives at

nagsilabasan na. Nagpaiwan ako.

"Uhm, Prez..."

Lumingon siya, the he smiled at me.

"I just want to return this to you."

"Oh, ‘yung panyo. Sige, salamat," sabi naman niya.

"Ako dapat magpasalamat sa iyo for letting me borrow

your handkerchief." I smiled.

Page 115: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

115

"No, that was nothing. Kahit naman sino, even if it

wasn't me, would do the exact thing kung nakita ka nila."

"Salamat ulit."

He smiled. "What was your name again?" tanong niya.

"Azusa. Azusa Minorin Villarial," I said.

"I'm Tyus. Tyus De Guzman," he said.

We shook hands. Nagpaalam na ako na babalik sa

klase ko. Ia-announce ko pa ‘yung mga activities.

"I gotta go, Tyus."

"Okay, bye. Ingat, Azusa!"

I waved my hand then went out of the room.

Tyus' Point of View

Azusa…I always see her around, being teased by other

students because of the way she dresses. She's pretty.

I'm the student council president, kaya I usually go

around the campus tuwing hapon to check out the rooms. One

time I was heading towards the laboratory which was right next

to the garden. Hapon na noon. Wala nang masyadong

estudyante.

Babalik na sana ako sa SC Room nang may marinig

akong mga hikbi. I tried to trace kung saan nagmula ang mga

hikbi. It led me to the garden.

Doon, nakita ko ang isang babaeng naka-shirt and

jeans, nakapatong ang ulo sa tuhod at mahinang yumuyugyog

ang mga balikat.

Most likely because she was the one crying.

The sobs came from her.

Page 116: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

116

Naglakad ako papunta sa kinauupuan niya. Habang

papalapit ako, unti-unti kong nauulinigan ang pagbulong niya.

"Bakit ‘di na niya ako kinakausap?"

"Bakit ‘di na siya gaya nang dati?"

She buried her face on her knees. ‘Di na ako nakatiis.

Lumapit ako and gave her my handkerchief.

"‘Eto, o.”

Napaangat ang ulo niya mula sa pagkakasubsob sa

tuhod niya.

"Wag ka nang umiyak."

Kumurap-kurap siya.

"Gamitin mo ‘yan. Malinis ‘yan, ‘wag kang mag-alala."

"Salamat." Inabot niya ang panyo then pinilit na

ngumiti.

"Walang anuman. ‘Wag ka mag-alala, hindi ka matitiis

nun," sabi ko naman.

"Ano’ng ibig mong sabihin?"

Ngumiti lang ako then started walking away.

"Teka lang!"

Hindi na ako lumingon.

Habang naglalakad ako pabalik no’n sa SC office,

naisip ko kung gaano katanga ‘yung lalaking iniiyakan niya.

Kung ako lang siguro ‘yun, ‘di ko paiiyakin si Azusa. Napangiti

ako sa naisip ko.

"Ano ba ‘yan?" sabi ko sa sarili ko sabay kamot sa ulo.

Napatingin ako sa panyong isinauli ni Azusa, then

placed it in my pocket.

Page 117: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

117

Tarantadong Haru ‘yan. High school pa lang kami,

torpe na. Mukhang kailangan kong makisali para naman hindi

na humaba nang sobra ang prosisyon.

Magiging direktor ako ng isang love story.

Lalabas na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.

Pagtingin ko, it's Azusa. Humihingal pa nga.

"Prez! Ay, este, Tyus. Gusto ko lang bumawi sa mga

tulong mo."

"Sus, wala ‘yon."

"Coffee?"

"Game," sagot ko naman. Sabay na kami ni Azusa na

lumabas.

"Sorry kung natagalan bago ko naisauli ang panyo mo.

Ang laki ng school, e. ‘Di kita nahanap agad."

"That's fine. Okay lang naman kahit ‘di mo na lang

isinuli sa akin," tugon ko naman sa sinabi ni Azusa.

"Nakakahiya naman."

"Okay lang iyon. We're friends, anyway."

Napalingon siya bigla sa akin. "Friends?"

"Oo, bakit?"

"Wala lang. I'm just damn happy."

Tumawa na lang ako. Ang kulit ni Azusa.

Palabas na kami ng school. Napatingin ako sa gilid ng

corridor. At ‘di nga ako nagkamali, may nakatingin sa amin.

Sa akin lang pala. It's Haru, ang sama nang tingin.

Page 118: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

118

"Mukhang kailangan ko na talagang ipakita ang aking

talent in acting," nasabi ko na lang sa sarili ko. Iniunat ko ang

mga braso ko, then patted Azusa's head. Inakbayan ko din siya.

I counted.

3…

2…

1…

I knew it. Nakaupo ako ngayon sa sahig hawak-hawak

ang dumudugo kong bibig.

Then I felt him fasten my seatbelt.

Assuming ka, neneng, sabi ko sa sarili ko.

Pagdating namin sa school, ‘di ko na hinintay na

pagbuksan niya ako ng pinto. Abuso na iyon. Marunong din

naman ako mahiya, ‘no. Plus, baka mag-isip na naman nang

masama ang mga kumag dito sa school.

Pagkababa ko pa lang, pinagtinginan na kami.

Uwaaaaa! Iba na talaga ‘pag kasama mo ang anak ng may-ari ng

school.

Sobrang boring ng araw ko ngayon. Ewan ko ba.

Hanggang ngayon, ‘di pa rin kasi ako gano’n iniimik ni abnoy.

Nagising ako mula sa aking pagtulala nang biglang may

sinabi si Prof.

"Okay, it's going to be February by next week, kaya

malapit na ang school festival natin."

Page 119: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

119

A…school festival. ‘Di na lang ako papasok.

Tutunganga lang din naman ako dito. Sa bahay na lang ako,

mag-aaral o magpa-planking.

"So now, we need to elect a class representative for this

event. Please nominate then we will proceed with the final

votation."

"Got it, Prof.," sabay-sabay na tugon ng buong klase.

Well, not really buo. ‘Di ako sumali, e. KJ ako ngayon.

"Okay, first nomination!" Si Prof.

"I nominate Azusa Minorin Villarial." Napalingon ako

bigla. It's Mitty, ‘yung girl na usually e tahimik lang.

"Pero—"

"Ako rin. I'll go for Azusa," sabi naman ni Haru.

Tiningnan ko siya nang masama. And surprisingly…

He smiled.

Dug-dug.

Napahawak ako sa dibdib ko. Potek, ito na naman siya.

After almost a week, he smiled again—the same smile I usually

see before. Namula ako.

"Any other nominations?" Si Prof.

Wala nang ibang tumayo. Tahimik lang ang lahat.

"Okay then, it's decided. Ms. Villarial is our class

representative."

Du’n ako parang natauhan. Ako?! Class representative?

Ibig sabihin, kailangan ko pumunta sa school sa araw ng festival.

Uwaaaaaa! Tange ka, Azusa. Nginitian ka lang, naging abnoy ka

na rin! Pa’no na ‘to?

Page 120: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

120

a

Chapter Twenty-Three Azusa's Point of View

"FRIENDS?"

"Oo, bakit?"

"Wala lang. I'm just damn happy."

Nakita kong ngumiti si Tyus. Tapos, the last thing I

knew e, he patted my head. Inakbayan rin niya ako then...

Blag!

Nanlaki ang mga mata ko. Nasa sahig na si Tyus, sapo

ang bibig na dumudugo. Haru punched him.

Tumakbo ako papunta kay Tyus. "Okay ka lang?"

"Yes. Okay lang."

Tinulungan ko si Tyus na tumayo. Hinarap ko naman

ngayon si Haru. "What the heck is wrong with you?!"

He just stared at me, tapos tumalikod.

"Sorry talaga, Tyus."

Page 121: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

121

"No, it's fine. Actually, I understand why he did that."

"E?"

"Sa susunod na lang tayo mag-coffee. Isama mo si

Haru," sabi ni Tyus. Tumalikod na siya. "And, Azusa, go talk to

him. Nakakamatay ang selos."

Mas lalong ‘di ko siya naintindihan.

‘Di ko mahanap si Haru. Halos inikot ko na ang

buong campus. Nakakaloker na.

Nang uwian na, nakita ko siyang nakasandal sa car

niya.

"Haru."

Tumingin siya sa akin.

"Coke float tayo?" tanong ko without looking at him.

Hinintay ko lang na i-reject niya ang offer ko. These

past few days kasi, ‘di na niya ako kinukulit. Nakakapanibago

talaga.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin. "Ano? Sa’n ba

‘yang Coke float na ‘yan?"

Napatingala ako bigla. He was smiling.

Dug-dug.

Hinawakan niya ang kamay ko then pulled me papasok

sa sasakyan. "Let's go."

Page 122: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

122

Tahimik lang kami habang papunta sa kung saan.

Nakalimutan ko na ngang magko-Coke float pala kami. Ang

lakas ng tibok ng puso ko, e.

Pagkalabas namin sa Jollibee…

"Uwi na ba tayo?"

He smiled. "Pagod ka na ba?"

I shook my head. "Okay lang."

"Pagod ka na, e," sabi niya then he patted my head.

Hindi ako umimik.

"I hate it when somebody else tries to pat your head,"

sabi niya.

Napatingin ako bigla sa kanya. "Huh?"

"Wala. Bingi ka."

I punched him. "Che!" sigaw ko habang

nakapamaywang.

Tumalikod na siya. Sumunod ako sa sasakyan.

Pagdating namin sa bahay, madilim na. Umakyat na

kami papunta sa kanya-kanya naming kuwarto.

"Sige. Salamat sa pagpapagod kasama ko," sabi niya.

I stuck my tongue out. Papasok na sana ako nang bigla

niya akong hablutin sa kamay and hugged me.

"Wait. Just this once, let me hug you…"

Tumahimik na lang ako.

Binitawan na niya ako. "Goodnight, Azusa."

Tapos, pumasok na siya.

Page 123: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

123

Kinabukasan

"Hello, sunshine!" sigaw ko pagkagising ko. Ang ganda

ng gising ko! (Halata ba?) Lumabas ako ng kuwarto nang ‘di

natanggal ang ngiti ko.

"Magandang umaga po," sabi ng isang maid.

"Good morning!" Mamayang 8 pa ang pasok ko kaya

nagkikilos-pagong ako ngayon.

Teka, ba't parang ‘di ko nakikita si abnoy ngayon?

Maaga naman ‘yun gumising, e.

Kumatok ako sa kuwarto niya. Walang sumasagot.

Katok ulit. Wala pa rin.

Tinulak ko nang mahina ‘yung pinto. "Bakit bukas?"

Pumasok na ako. And I saw a miracle. (Echosss.) Si

abnoy, tulog pa. Nakatalukbong pa nga, e.

"Hoy! Gising!" sigaw ko. Hmm…Mukhang tulog pa

ata, e. "Abnoy! Gising na!" sabi ko sabay yugyog sa balikat niya.

Wala pa ring epek.

Tinanggal ko na ‘yung kumot. Lumapit ako para sana

sumigaw sa tainga ni abnoy pero…

Bigla niya akong hinila sa bewang kaya natumba ako at

napunta sa itaas niya.

Feeling ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Ako na, ako na ang mas red pa sa red.

"Shhh. Ang ingay mo," sabi niya habang nakapikit pa

rin.

"Let go of me."

"No way. You ruined my sleep," sabi naman niya.

Page 124: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

124

"Urgh…Bitiwan mo ako!" I was trying so hard para

makawala sa pagkakayakap niya but he's too strong.

"Bakit ko gagawin ‘yon?" He showed me a lopesided

grin.

Napalunok ako. He's too close. I could feel his breath

on my face. Mahabaging Langit!

Tok. Tok.

He stopped. Magkadikit na halos ang mga ilong namin.

Jusko, mamamatay ako nang maaga.

"Saved by the bell," sabi ni Haru. Binitawan niya ako.

Mabilis akong lumayo sa kanya. Ang lakas pa rin ng tibok ng

puso ko. Shit!

"You're a monster! Abnoy ka!" sigaw ko sa kanya. Then

I went out. Well, I also slammed the door. Narinig ko pa ang

tawa niya.

Nagtatakang tumingin sa akin ang isang yaya. "Bakit

po, ma'am?"

"Lasunin mo ‘yang amo mo," sagot ko naman.

"Ano ho?!"

"‘Wag na. Ako na lang. Papatayin ko iyan mamaya."

Then pumasok ako sa kuwarto ko.

Nasira ang araw ko. Paksheeet.

Mabilis akong naligo then kumain. Psh. Abnoy na

iyon. Sarap kalbuhin! Kung ‘di niya lang ‘to bahay, matagal ko

na ‘yung tsinap-tsap at isinilid sa sako.

Page 125: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

125

Nagpahatid na lang ako sa driver nila. Walang pasok si

abnoy ngayon, e. Buti na lang din. At least, magkaroon man lang

ako ng kunting katahimikan.

By the way, tomorrow night na ‘yung concert. Ang

kakanta para sa klase namin ay si Mitty. I didn't know that she

can sing. Nagtataka kayo kung paanong si Mitty ang kakanta?

Here it is:

Pagpasok ko sa klase ko, ipinaalam ko agad sa iba ‘yung

mga activities. Mukha naman silang ‘di interesado, e.

"By the way, next week may concert daw. Kailangan may

kumantang isang student bawat klase. Suggestions, please," sabi ko.

Walang nagsalita. Instead, sabay-sabay silang lumingon sa

kinauupuan ni Mitty.

"Okay, ako kakanta," sabi naman ni Mitty habang

nakakunot ang noo.

"Sigurado kang okay lang na ikaw, Mitty?" tanong ko

naman.

"Ano ba ‘yan? Pumayag na nga si Mitty, ‘di ba? Bakit

ba?!" sabat naman ng isang bratinela naming classmate.

Sarap niya sakalin, a. Sigawan ba naman ako? Ipakain

ko ‘to sa uod, e.

"E parang napipilitan lang siya, e," sagot ko naman.

"Kung gusto mo, ikaw na lang," sabat naman ng isa.

"Ay, hindi. Huwag, si Mitty na lang. Kayo naman, ‘di

mabiro," sabi ko na lang. Psh. Muntik pa ako mapasubo du’n, a.

Ang hirap naman nito, ‘di ko naman alam. Pa’no ko

malalaman, e ngayon lang ako talaga formally makakasali sa

school festival? Ugaaaaaa!

Page 126: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

126

Tanga ka ba? Joke, joke! Peace on Earth!

Nagpasundo lang din ako. Malamang, ang layo kung

maglalakad lang ako. Plus, wala akong planong mag-commute.

‘Di ako pinapayagan ni Dad.

Pagdating ko sa bahay nina Haru, ‘di ko siya nakita.

Weird. Psh. Baka naglakwatsa ‘yon, o baka namatay na!

Dumeretso ako sa kuwarto ko, nagbihis lang ng

pantulog then sumalampak sa kama ko. Pagod talaga ako.

Promise, isinusumpa ko ang pagiging Class Representative!

Matutulog rin ako nang maaga. Kailangan ko pumunta ng

school nang maaga bukas.

Kinabukasan

"Ugaaaa…" Unti-unti kong binuksan ang mga mata

ko. Napatingin ako sa wall clock. "Aww, 6:30 AM."

Nagtalukbong ako ulit. 6:30 pa naman, e.

Guzuuuuu...

Napabalikwas ako nang bangon. What time is it?! 6:30

na?!

Tumakbo ako sa banyo. Dali-dali akong naligo.

Nakalimutan ko na ngang i-prepare ang isusuot kong damit.

Pagkatapos ko, binuksan ko ‘yung cabinet para maghanap ng

maisusuot.

"Magdyi-jeans na lang ako ngayon. ‘Yung faded," sabi

ko sa sarili ko.

Page 127: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

127

Pakabukas ko sa cabinet ko, muntik nang malaglag ang

panga, ilong, at mga mata, isama mo na ang mga pilik-mata ko.

Holy shit! What happened here?!

Page 128: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

128

a

Chapter Twenty-Four "WHERE ARE MY jeans?!" taranta kong tanong sa sarili ko. Sa

pag-aakalang namamalikmata ako, sinara ko ulit ang cabinet

tapos binuksan ko ulit but wala talaga ang mga jeans.

Nagpaikot-ikot ako sa kuwarto. Nag-iisip ako ng

posibleng rason kung bakit nawala ang mga gamit ko dito.

May magnanakaw!

"Aaaaaaaah!" sigaw ko habang papunta ako sa kuwarto

ni Haru. Dere-deretso akong pumasok sa loob. "Haru—" Pero

naputol ang sasabihin ko when I saw him standing, holding a

dumbell and, well, topless.

Napatakbo ako palabas at napasandal sa pintuan ng

kuwarto niya. I was still trying to compose myself nang biglang

bumukas ang pinto. Nakasandal ako sa pintuan kaya pagbukas

nito, napaupo ako sa sahig.

"Ouch…"

Page 129: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

129

"What's wrong, Azusa?"

Pagtingin ko sa kanya, wala pa rin siyang shirt. Ang

lapit-lapit pa niya. Namula ako lalo.

"Shirt, please…" hirap na hirap kong sabi.

"What?" tanong niya.

"Shirt, please. Put your shirt on," I said, then I pointed

at his bare chest.

He grinned. "Bakit? Pinagnanasahan mo ako, ‘no?"

"What?! In your dreams!"

"Then why stammer like that?"

"Because hindi naman ganyan ang mga tao sa amin!"

"What?"

"Walang nagda-dumbell sa amin na walang shirt!"

sigaw ko naman.

"So?"

"So, ayaw ko ng ganyan!"

He just grinned. Tapos, tumalikod na.

"Wait, Haru!" tawag ko naman sa kanya.

Humarap siya ulit sa akin.

"May mag…May magnanakaw."

"Magnanakaw? Pa’no magkakaro’n ng ganyan dito?

Tight ang security ng bahay ko," sagot naman niya.

"Psh. Halika nga!" Hinila ko siya papunta sa kuwarto

ko.

"Oy! Baka ma-rape mo ako, a," sabi naman niya.

Hinampas ko siya sa balikat tapos hinila na siya.

Page 130: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

130

"O? Ano ba’ng nawala? Mukhang maayos naman ang

kuwarto mo, a. Galing naman ng magnanakaw, nakapag-ayos

pa," pang-iinis ni Haru sa akin.

Inirapan ko siya. "Suntok, gusto mo?!" sabi ko naman.

"Joke lang. Sa’n ba kasi?"

"My jeans are lost."

"Jeans?"

Binuksan ko ‘yung cabinet ko. "See? My jeans are not

here anymore."

"Wala na nga ang jeans mo. Pero mayaman ata ang

magnanakaw," tugon naman ni Haru.

"Huh?"

"Pinalitan ng dresses, e," bored niyang sagot.

"E? Teka, ngayon ko lang ‘to napansin, a."

Nagkibit-balikat lang si Haru. Napaupo ako sa kama na

nakakunot ang noo. "Psh. Ano’ng isusuot ko ngayon? Late na

nga ako ng thirty minutes, e. 7:30 na," reklamo ko.

"Problema ba ‘yan?" tanong niya tapos kumuha ng

isang color pink dress. "Wear this."

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa gulat. "Are you

crazy?!"

"Why? Ano’ng mali sa damit na ‘to?" balik-tanong

naman ni abnoy.

"E, adik ka naman pala, e! Sungalngalin kita diyan, e!

Ikaw na lang magsuot niyan kung gusto mo!" angil ko sa kanya.

"Okay, ikaw bahala. Mauuna na ako sa school. Ang

tagal mo e, may kailangan pa ako asikasuhin for school festival,"

sabi niya sabay talikod.

Page 131: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

131

"Psh. Kainis! Iiwan mo ako dito? Maglalakad ako?

Fine!" pagmamatigas ko naman.

Tiningnan niya lang ako. "Okay. E di maglakad ka.

Una na ako sa school." Lumabas na siya ng pinto.

"Psh."

Napatingin ako sa orasan. 8:30 AM na. What?! Halos

dalawang oras na akong late!

Napatakbo ako sa kuwarto ni Haru. "Abnoy! Hintayin

mo ako! ‘Pag naglakad pa ako, lalo akong male-late!"

"Ang tagal mo. Mag-commute ka na lang," walang

kagana-gana niyang tugon.

"Commute?! Niloloko mo ba ako?"

"Ayaw mo mag-commute? Pwes, halika na. Umalis na

tayo. Pupunta na akong school."

"Teka naman..." sabi ko. Napatingin ako sa suot kong

damit. Naka-sleeveless at shorts na pambahay lang ako. Ang

laswa tingnan.

"O, bakit?"

"Tingnan mo naman ‘tong suot ko? Papupuntahin mo

ako ng school ng ganito?"

"Problema mo na ‘yan. Nag-suggest na ako ng puwede

mong isuot. Kung makaayaw ka parang malalagutan ka ng

hininga ‘pag isinuot mo ‘yun. Kaya bahala ka," sabi naman niya

habang nakasandal sa dingding, looking oh-so-cool. Yikes. Late

ka nga, Azusa, maharot ka pa rin.

"Kaya ngayon, kung gusto mong sumabay sa akin,

bilisan mo. Five minutes lang," dagdag pa niya.

"What?!"

Page 132: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

132

"Time's running." Then he looked at his clock.

Napatakbo ako pabalik sa kuwarto ko, then opened my

cabinet again.

"Shit!" napamura ako. Puro dresses at damit na

babaeng-babae ka tingnan ang nandito. Malaman ko lang sino

ang may gawa nito, itatapon ko siya sa Black Hole!

Hinalungkat ko na ang buong cabinet.

"Three minutes!" sigaw ni abnoy mula sa labas.

"Bwisit ka! Tigilan mo ako sa countdown mo!

Natataranta ako lalo!"

Inisa-isa ko ang mga damit. "What am I gonna wear?"

"Two minutes!" sigaw uli ni abnoy.

"Ahhh!" Mapapatay ko ang may gawa nito!

Tuloy pa rin ako sa paghahanap ng damit na puwedeng

isuot. Bakit ngayon pa na-late na ako. Late na late na ako!

"Sixty seconds!" Then he started counting.

"Anak ng frog!"

Bahala na! Pinulot ko ‘yung dress na ipinakita ni abnoy

kanina at dali-dali itong isinuot. Nag-pink doll shoes din ako.

"Ten!"

"Nine!"

"Eight!"

"Seven!"

"Six!"

"Five!"

"Four!"

"Three!"

"Two!"

Page 133: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

133

I opened the door. Napatigil siya sa pagbibilang at

napatitig sa akin. Humihingal ako. Kayo kaya pagbihisin nang

binibilangan!

"O, ano na?! Tara na! Dali, late na ako!" sigaw ko sa

kanya.

He composed himself at nagpatiuna. "Aayaw-ayaw ka

pa kanina, susuutin mo rin pala."

"Shut up!"

He just laughed.

Habang nasa loob ako ng sasakyan, abut-abot ang kaba

ko. Baka pagpasok ko mamaya pagtawanan ako. Dapat pala

hindi na ako pumasok. ‘Eto namang abnoy na ‘to, may pasipol-

sipol pang nalalaman. Lalo akong naiinis! Urgh!

"Kumalma ka. Kanina ka pa buntong-hininga nang

buntong-hininga diyan," giit ni abnoy.

Tiningnan ko siya nang masama. "Ano’ng pakialam

mo? ‘Wag kang makinig kung ayaw mo!" angil ko naman.

"Meron ka ba?" tanong naman niya.

"Naka-drugs ka!" sigaw ko naman.

Pagdating namin sa school, parang nag-aalangan akong

bumaba. Nahihiya na ako.

"O, hindi ka ba bababa? Tutunganga ka lang ba diyan?"

tanong ni Haru.

"Pakshet, nahihiya ako."

Page 134: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

134

"Bakit ka naman nihihiya?"

"Bulag ka ba? Tingnan mo nga ‘tong damit ko!"

Umikot si Haru papunta sa gilid ko. Binuksan niya ang

pintuan then looked at me intently. "There's no reason for you

to feel like that. You really look pretty."

Napatulala ako. He said I looked pretty. He held my

hand and pulled me out of the car.

"Don't worry, makikita nila kung gaano kaganda ang

nilalait nila."

Hindi pa rin ako nakasagot. Hawak niya ang kamay ko.

Papasok na kami sa campus. Nakabibingi ang tibok ng puso ko.

This can't be…

Page 135: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

135

a

Chapter Twenty-Five HAWAK-HAWAK NIYA ang kamay ko habang papasok kami ng

campus. Pulang-pula na ako sa hiya.

"Wait, who's that girl?" maarteng sabi ng isang

estudyante.

"Wait, she looks familiar. But I'm not that sure," sabi

naman ng isa.

Psh. Naririndi na ako sa bulungan nila. Actually, hindi

naman bulong. Naririnig ko na kasi sa lakas.

Dumaan kami sa may corridor. Hinila ko na ang

kamay ko pero magkasabay pa rin kaming naglalakad.

"Dude, pakilala mo naman kami sa kasama mo!" hirit

ng isang estudyanteng lalaki.

"Oo nga naman. ‘Di ba may Azusa ka na? Balato mo na

lang sa akin ‘yan," dagdag pa ng isa.

Page 136: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

136

Nagbubulungan na ang mga tao. Hindi ba talaga nila

ako nakikilala?

"See, I told you. They're gonna like it," bulong ni

abnoy sa tainga ko.

"Psh. Tigilan mo ako. Sasapakin kita!" sagot ko naman.

"Wow! Ang tapang ni ganda. Kaanu-ano ni Azusa ‘yan,

dude? Kasing tapang, e." Narinig ata ako ng isang lalaki kaya

humirit.

Napikon na ako. Lumapit ako sa kanya then stared at

him. "I am Azusa. Tigilan n’yo ako. Susungalngalin ko kayo,"

banta ko sa kanya sabay lakad nang mabilis. Naiwang

nakanganga ‘yung lalaki.

"It's really her," sabi naman ni Haru then sumunod rin

naman sa akin.

Buong araw akong trending sa buong school. Naloloker

na ako.

By the way, mamayang gabi na pala ‘yung concert. Sa

Mimi, mukhang nagpa-practice na. Ako naman, kung sa’n-sa’n

na umaabot kaka-follow up sa mga works for school festival.

Kung puwede pa lang mag-resign, ginawa ko na.

Papunta ako ngayon sa SC Room. May itatanong lang

ako kay Tyus tungkol sa concert mamaya.

Kumatok ako.

"Pasok."

"Good morning, Prez," bati ko then I bowed.

Page 137: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

137

"Ikaw pala, Azusa. ‘Di ba sinabi ko na sa’yo na ‘wag na

akong tawaging Prez. Tyus na lang."

"Ay, oo nga pala. Sorry, tanga lang."

Pagtingin ko sa kanya, nagtaka ako sa expression ng

mukha niya. Para siyang nakakita ng multo. "Bakit, Tyus? May

problema ba?"

"Well, I'm just kinda amazed. You seem so…you,"

tugon naman niya.

"Ay, naku. Aksidente lang ‘to, Tyus. I'm not gonna

wear anything like this again. Itaga mo ‘yan sa small intestines

mo," sabi ko naman.

Tumawa siya. "Nakakatuwa ka talaga. But, really, you

look beautiful. Kung ako lang din, mas gusto kong ganyan ka

lang."

Namula ako. "Ay, ewan. Pumunta pala ako dito to ask

you some things for the concert," pag-iiba ko naman sa usapan.

Buti na lang at ‘di na nangulit. Pinag-usapan na lang

namin ‘yung tungkol sa concert mamaya.

"Sige. ‘Yun lang. Maraming salamat, Tyus. Una na

ako," pagpapaalam ko sa kanya.

"Walang anuman. And hey, ingat ka. Baka iuwi ka ng

mga estudyante dito. Mukhang marami ang nagka-crush sa iyo,"

sabi naman ni Tyus. "Hmm, mukhang ‘di na pala puwede.

Iniuwi ka na pala ni Haru," dagdag pa niya sabay tawa.

Du’n ako lalong namula. "E?! Stop joking around,

Tyus. Sige, mauna na ako."

"Sige! Baka hinihintay ka na ni Haru!"

Page 138: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

138

Namula ako lalo. ‘Di ko alam kung bakit. Tumawa

lang siya. Then I went out.

"Ano’ng nakain ng mga tao ngayon?" bulong ko naman

sa sarili ko.

Babalik na sana ako sa room nang bigla kong mapansin

si abnoy na nakasandal sa pader.

"Ano’ng ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Hinihintay ka. Pero mukhang nagka-love life ka na,"

sabi naman niya.

"What are you talking about?!"

"You're blushing," he said then umalis na lang bigla.

Nakakapagtaka na siya these past few days. Kung makapag-mood

swings, daig pa ang buntis.

Haru's Point of View

I know Zuzu is damn pretty. I have seen her wear

simple dresses but she really is pretty. Kaya naman naisulto ako

sa sinabi ng isang kaklase namin.

Palabas na ako ng room nu’ng araw na iyon. Naba-

badtrip din ako dahil hindi ko nakita si Azusa. Ewan ko kung saan

nagsuot ‘yun.

Lumagpas ako sa upuan ng isa kong kaklaseng si Bryle

pero bigla siyang nagsalita kaya napatigil ako sa paglabas.

"Alam mo, dude, nagtataka na kami kung bakit close kayo

ni Azusa," sabi niya sa akin.

Hindi ako sumagot.

Page 139: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

139

"Bakit ba kasi lalapit-lapit ka sa Azusang ‘yon? E mas

lalaki pa ‘yun sa’yo? Mukhang ‘di nga ata ‘yun nagde-dress, e. Bulag

ka ata, e. O baka ginayuma ka nun."

Napikon na ako. Kinwelyuhan ko siya. "I usually don't

care about what people say about me. Pero ‘wag kang

magkakamaling insultuhin o saktan man lang si Azusa, or else I'll

make sure you'll curse the day you were born."

Nakita kong nabigla siya. "E, ang yabang mo pala. Ano

ka ba dito? Anak ka lang ng may-ari ng school," sagot naman ni

Bryle.

"Exactly, anak ako ng may-ari ng school. That's why you

might as well know kung ano ka lang!" sigaw ko.

Dali-daling nagtungo sa may pintuan si Bryle. "Magsisisi

ka, Haru!" banta niya.

I just smirked. "Try me then."

Nasa kuwarto ako nu’n, nakaupo sa sahig. Wala pa si

Azusa. Mukhang busy ata sa school festival.

Nabuo sa utak ko ang isang desisyon: I'm gonna show

those assholes kung gaano kaganda ang babaeng nilalait nila.

Tumayo ako and called one of our maids.

"Master, pinatawag niyo raw po ako."

"Oo. Pakikuha lahat ng jeans ni Azusa do’n sa cabinet

niya then replace it with these dresses."

"Yes, Master."

"And, oh, please don't let anybody know about this."

"Opo."

Page 140: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

140

Kinabukasan, I heard Azusa scream. I guess, napansin

na niyang wala na ang mga jeans niya. Napilitan siyang isuot ang

dress.

When I saw her, my jaw dropped. Literally.

Pagdating namin sa school, nakita ko kung gaano sila

nabigla sa transformation ni Azusa. And I saw Bryle.

Napangisi ako nang makita kong nanlaki ang mga mata

niya when he saw Azusa wearing that cute dress. Ano kayo

ngayon? Ang ganda ng mahal ko, ‘no?

I was humming habang naglalakad ako sa corridor.

Hinahanap ko si Azusa. ‘Asan na kaya ‘yun?

I saw one of her classmates.

"Uhm, excuse me."

"Bakit?"

"Have you seen Azusa?"

"You mean, ‘yung maganda?" I just smiled. "I saw her

enter the SC Room, mukhang may idi-discuss for the concert

mamaya."

"Oh, thanks."

I headed towards the SC Room. Hindi na lang ako

pumasok. Hihintayin ko na lang siya dito.

Sumandal ako sa dingding. Isusuot ko na sana ang

headphones ko nang biglang maulinigan ko ang pag-uusap nila.

"Well, I'm just kinda amazed. You seem so...you." Si

Tyus.

Page 141: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

141

"Ay, naku. Aksidente lang ‘to, Tyus. I'm not gonna

wear anything like this again. Itaga mo ‘yan sa small intestines

mo," sabi ni Azusa.

Tumawa si Tyus. "Nakakatuwa ka talaga. But, really,

you look beautiful. Kung ako lang din, mas gusto kong ganyan

ka lang."

Makikinig pa sana ako pero may dumaang grupo ng

mga lalaking may dalang gitara. Umingay sa hallway kaya ‘di ko

narinig ang ibang usapan. Ilang sandali lang, nakita kong

lumabas ni Azusa. Pagharap niya sa akin, she was blushing.

Para akong sinuntok nang sobrang lakas.

Nanggaling siya sa SC Room. She was talking to Tyus.

Now, she's blushing. Malamang dahil kay Tyus ‘yun.

"Ano’ng ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Hinihintay ka. Pero mukhang nagka-love life ka na,"

sabi ko naman.

"What are you talking about?!"

"You're blushing," I said then umalis na ako.

Ang sakit nun, a.

Azusa's Point of View

Nakapagtataka si Haru ngayon, a. Paiba-iba ng mood.

Minsan, galit. Minsan, alaskador. Minsan naman, ang bait

sa’kin. Ano ba ‘yan?

Tinawagan ko si Van.

"Hello, best? Sa’n ka?"

Page 142: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

142

"Here me sa room, best. Bakit?" sagot naman ni Van.

"Can you meet me sa garden? May sasabihin lang ako."

"Ya. Sure, sure. Hintayin mo ako diyan. I'm on my

way."

"Okay. Bye!"

Ibinaba ko na ang phone then headed to the garden.

Baka si best friend may idea kung bakit nagmu-mood swings si

abnoy.

Sa garden

"Best!" sigaw ni Van. Nasa malayu-layo pa siya pero

kung makatili nakaka-stress!

Kumaway lang ako.

Pagdating niya sa kinauupuan ko, nagtanong kaagad

siya. "O, ano’ng meron?"

"Hmmm…Itatanong ko lang sana kung may idea ka

ba."

"Tungkol sa’n ba?" tanong ni Van.

"Si ano kasi…nagtataka na ako sa kanya. These past

few days, nagmu-mood swings siya. Minsan, galit. Minsan,

pikon. Minsan, unreasonable. Minsan naman, ang sweet."

"Si Haru ba?"

Nahihiya akong tumango.

"Bakit, ano ba’ng nangyari?"

Kinuwento ko sa kanya lahat, pati ‘yung kanina noong

biglang nag-walk-out si abnoy.

"So you mean, nasa SC Room ka. Kausap mo si Prez.

Tapos, paglabas mo nakasandal si Haru sa dingding."

Page 143: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

143

Tumango ako.

"Tapos, kamo nakita kang nagba-blush, nag-walk-out?"

Tango ako ulit.

"Hmm…" Nag-posing na kunyari nag-iisip si Van.

"Teka, ano ba’ng pinag-usapan niyo ni Prez?"

"Wala, tungkol lang sa concert mamaya."

"Anything else before that?" pangungulit ni Van.

"Well, he kinda…praised me. I look pretty daw."

Napapukpok si Van sa kamay niya. "That's it!" sigaw

niya.

"Huh?" Nalilito na ako sa kanya, promise.

"You said nanggaling ka sa SC Room, you were talking

to Tyus. Then when you went out, Haru saw you blushing."

"E?" Nalito ako lalo.

"Ang alam ko hindi soundproof ang SC Room.

Nakasandal sa dingding si Haru kay he possibly heard Tyus

praise you. Plus, you went out red like a tomato na bulok na. I

mean, you were blushing. So natural, malamang iisipin ni Haru

na dahil kay Tyus ‘yun," mahabang pagpapaliwanag ni Van.

"So?" tanong ko ulit.

"So, I therefore conclude that your Haru is J-E-A-L-O-

U-S," she spelled out.

"Jealous?! Naka-drugs ka ba?"

Van just laughed.

"Bakit naman siya magseselos?"

"Sa tingin mo, bakit?" balik-tanong naman ni Van.

Hindi ako sumagot.

Page 144: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

144

Nag-bell na. Tumayo na si Van. "Mauuna na muna

ako, best. May klase ako, e. Ring me mamaya, okay?"

Tumango ako. Bago siya umalis, Van hugged me and

spoke:

"Payo lang, best: stop being so blind. ‘Wag kang

manhid. Nasa paligid lang siya. ‘Wag mong hintaying mawala

siya sa’yo bago ka gumalaw."

Page 145: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

145

a

Chapter Twenty-Six "PAYO LANG, BEST: Stop being so blind. ‘Wag kang manhid.

Nasa paligid lang siya. ‘Wag mong hintaying mawala siya sa’yo

bago ka gumalaw."

Napatingala ako kay Van. Hindi ako sigurado pero

tingin ko'y may point siya.

"Your Haru is J-E-A-L-O-U-S."

"Your Haru is J-E-A-L-O-U-S."

"Your Haru is J-E-A-L-O-U-S."

Ilang beses pang nagpaulit-ulit sa utak ko ‘yun. Si

Haru, magseselos? Bakit naman? Imposibleng magustuhan ako

nun. Pinilit lang siya ng mga magulang niya na pumayag sa

arranged marriage na ‘to.

Page 146: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

146

Nilaro-laro ko ang mga daliri ko habang nag-iisip. Pero

bakit parang natuwa ako nang kunti on the thought na

nagseselos si Haru.

Ay erase, erase. Baka gutom lang ‘to. O baka nahawa na

ako sa pagiging abnoy ni Haru. Ay, ewan!

Tumayo ako and checked if my messages ba sa phone

ko. May apat. Tiningnan ko kung sino. Baka kako importante.

From Haru

Punta ka dito cafeteria. ASAP.

E? Ang angas na nga. Siya na nga nagpapapunta sa

akin, ang yabang pa.

"Now, tell me. Ito bang mokong na ‘to ang

nagseselos?" bulong ko sa sarili ko.

I decided to go to the cafeteria. Tutal, kakain din

naman ako. Dalawang oras na lang e, magsa-start na ang concert.

Kailangan kong kumain kasi mamaya, buong gabi akong nasa

backstage. Ka-badtrip ‘pag class representative!

Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaupo sa may sulok na

part, nakatukod ang dalawang siko sa lamesa. Lumapit ako sa

kanya. I tapped the table.

"Ang tagal mo." Si Haru.

"Bakit? Ano’ng kailangan mo?" tanong ko naman.

May inilapag siyang plastic sa mesa. "I bought you

dinner. Kumain ka. Mamaya wala ka nang time para kumain.

Malilipasan ka na naman ng gutom," sabi ni Haru.

Page 147: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

147

Napakurap-kurap ako. He bought me something to

eat. "Maraming salamat," mahina kong sabi.

"What? I didn't hear you," sabi ni Haru.

"Sabi ko, salamat," sabi ko ulit.

"Hindi ko talaga narinig. Lumapit ka nga."

Psh. Tingnan mo ‘to. Binilhan nga ako ng dinner pero

pinagtripan naman ako after. Pero anyway, he still bought me

something to eat. Kaya naman, lumapit ako, du’n sa may tainga

talaga niya para ‘di na siya makapagpalusot. Malamang naman

marinig na niya ako. Heller, ang lapit ko na kaya.

"I said—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko when he pulled

me closer then kissed me on the cheek. "Walang anuman," he

whispered.

Napatunganga ako.

Dug-dug.

Tumayo na siya. "Good luck mamaya, class rep. See

you in the concert. Eat that. Baka himatayin ka na naman. Wala

akong planong buhatin ka ulit, tabaching."

Hindi ko na na-absorb nang maayos ang sinabi niya.

My concern was on what I was feeling right now…this irregular

beating of my heart.

Napahawak ako sa dibdib ko. May nag-aaway ata sa

puso ko: ang gulo, e. (Neknek mo, neneng!)

Page 148: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

148

Kinain ko ‘yung bigay ni Haru. Sa fastfood lang naman

‘to galing pero ewan ko kung bakit ang sarap ng food para sa

akin.

"Dahil ba gutom lang talaga ako?" tanong ko sa sarili

ko. "O baka dahil..."

"Baka dahil Haru bought that for you," sabi ng isang

boses.

Napatingala ako. It's Van. Ang lapad ng ngiti.

"Hi-hindi, a!" todo tanggi naman ako.

"Oh, really?" pang-aalaska naman ni Van.

"Tigilan mo ako. Igagarapon kita," banta ko naman sa

kanya.

Van just laughed. "Bago ka himatayin diyan, tara na sa

auditorium. Magsisimula na ‘yung concert."

Napatayo ako bigla. "Ay, ang concert nga pala!"

"See, you almost forgot about the concert. Kinilig lang,

naging ulyanin na agad," panunukso ni Van.

I pinched her on the side.

"Ouch…" arte naman ni Van.

Nagtawanan na lang kami.

Nasa backstage na kami ngayon. Busy lahat ng tao. Pati

kami, si Van, class representative rin, kaya aligaga kami pareho.

Nagsimula na ang concert. Naghihiyawan na sa labas.

I took one deep breath. OA kasi ‘yung kaba ko ngayon.

Si Mitty naman ang kakanta, hindi ako. Pero daig ko pa ang

magsosolo dahil sa kaba ko ngayon.

Page 149: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

149

Teka, nasaan pala si Mitty?

I started looking for her. Natanong ko na ata lahat ng

kaeskwela namin kung ‘asan siya pero wala pa rin. Don't tell me

na hindi pa siya dumarating. Malapit nang mag-perform ang

college namin!

Namutla ako sa kaba. Saang black hole ko hahanapin si

Mitty?! Saan?!

I checked all the dressing rooms pero wala siya. I tried

calling her pero cannot be reached!

"My God!" nasabi ko na lang sa sarili ko.

Lumapit sa akin ‘yung isang organizer. "College of

Management, you're up next."

Maiyak-iyak na ako sa sobrang kaba. "Where the heck

are you, Mitty?" tanong ko na lang sa sarili ko.

Hindi ko alam kung sino ang tatawagan ko. I scrolled

through my phonebook. Nakita ko ang number ni Haru.

Tinawagan ko na lang siya. Baka siya may alam kung paano ‘to.

"Hello, Haru."

"O, bakit?"

"College na natin ang susunod!"

"O, e di mabuti. Okay na ba si Mitty?"

"‘Yun nga ang problema. Nawawala si Mitty!"

"I'll be there. Wait." Then he hanged up.

"Lord, help me po…" dasal ko.

I saw Haru na paparating. Sinalubong ko siya.

"Haru, si Mitty..." natataranta kong sabi.

"Okay, calm down, calm down. We'll find a way."

Page 150: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

150

"Pero, malapit nang matapos ang kanta ng isang

college! Tayo na ang susunod!"

Hindi sumagot si Haru.

"Up next! College of Management!" sabi ng announcer.

Namutla ako. Patay. Doomsday ko na ‘to.

Then I heard Haru spoke. "We have no choice. Tayo

ang kakanta."

"What?! Are you nuts?! Hindi puwede!"

"We have no choice! Gusto mo bang mapahiya ang

buong college natin?" tanong ni Haru.

Nagsimula nang maghiyawan ang mga tao.

"No! Pero mas mapapahiya ang college natin kung ako

ang kakanta!"

"I know you can, Azusa."

"No."

Nagsimula nang magbulungan ang mga tao. Wala pa

rin kasing lumalabas sa stage para kumanta.

"We can do this Azusa, trust me. We can do this

together."

"But—" Hinila niya ako palabas. Pagkatungtong ko sa

stage, nalula ako sa dami ng tao!

"Si Azusa ba ‘yan? Bakit siya ang kakanta?"

"Marunong ba ‘yan?"

Dinig na dinig ko ang bulungan ng mga tao. Mas lalo

akong nag-alangang kumanta. Pero I felt Haru grab my hand.

He led me papunta sa gitna ng stage.

"Sing, Zuzu. For me…Don't worry, I'll be here." Si

Haru.

Page 151: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

151

Bahala na.

Lumapit ako sa piano and started playing. Natahimik

ang lahat. Then I started singing.

Heartbeats fast, colors and promises,

How to be brave.

How can I love when I'm afraid,

To fall, watching you stand alone,

All of my doubts certainly goes away somehow.

One step closer.

Nanginginig ang mga kamay ko. Kinakabahan akong

magkamali. Supposed to be, may magigitara sa kantang ‘to. Pero,

wala akong ibang kasama. Patay.

But suddenly, I heard the sound of a guitar playing.

Paglingon ko, it's Haru. He smiled at me. Ayun, nagkalakas-loob

akong kumanta.

I have died everyday, waiting for you,

Darling, don't be afraid, I have loved you.

For a thousand years, I love you for a thousand more.

Akala ko, tutugtog lang siya pero I was amazed when I

heard him sing, too. Naghiyawan ang mga tao.

Time stands still,

Beauty and oh, she is.

I will be brave

Page 152: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

152

I will not let anything take away,

standing in front of me.

Every breath, Every hour has come to this.

One step closer.

Lumapit si Haru sa akin, smiling. Parang nakalimutan

kong nagpe-perform kaming dalawa sa harap ng maraming tao.

Nawala lahat ng kaba ko sa dibdib.

I have died everyday, waiting for you,

Darling don't be afraid, I have loved you.

For a thousand years, I love you for a thousand more.

Naghiyawan ang mga tao. Ang lakas ng palakpakan.

Lumingon ako kay Haru. He offered his hand. Tinanggap ko

naman then sabay kaming nag-bow. Palakpakan ulit. Then nag-

exit na kami.

Pagdating namin sa backstage, hapung-hapo akong

napaupo.

"I told you, you can do it." Si Haru.

Napatingala ako sa kanya. Tumabi siya sa akin.

Mamaya e, ia-announce ang best performers. Hindi na ako nag-

expect na mananalo kami. E, unprepared ‘yun, natigagal ang buo

kong existence. Ugaaaa!

"CR muna ako, Azusa," paalam ni Haru.

I just nodded. ‘Di ko pa rin talaga matanggap na

kumanta ako sa harap ng maraming tao. Yes, I love singing pero

hindi ako kumakanta pag maraming tao.

Page 153: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

153

One more thing: Malakas pa rin ang tibok ng puso ko.

Haru was looking at me the whole time na kumakanta kami. As

if, ako lang ang nakikita niya.

Inaamin ko, it really did warm my heart.

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may lumapit na

grupo ng mga babae. Mukhang galing sa ibang colleges.

"Miss, ang galing mo. Mukhang panalo na ang college

niyo," sabi ng naka-pink.

"Oo nga. Tapos, bagay na bagay pa kayo ng ka-duet

niyo."

I pointed at myself. "Hindi naman. On the spot nga

‘yun, e. Nakakahiya."

"Talaga? Akala nga po namin, matagal na kayong

kumakanta kasama ‘yung boyfriend niyo."

"No, he's just a friend," sabi ko naman.

"Ganu’n po ba? Sayang naman. Bagay po talaga kayo."

Namula ako."First year ba kayo?"

Sabay silang tumango. Kaya pala ‘di nila alam na

tinutukso akong tibo dito.

"Sige po. Dito na po kami. Congratulations po ulit."

Tumango lang ako. Ilang beses na ba kaming

napagkamalang couple?

Ia-announce na ang best performer. Nasa stage kaming

lahat na kumanta for all the colleges. Katabi ko si Haru na

tahimik lang. There's no way we're gonna win. Magso-sorry na

lang ako sa buong klase bukas. Patay ako kay Prof. nito.

Page 154: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

154

"And the best performer is…" sabi ng announcer. "The

best performer is from the College of…" sabi ulit niya.

Ang tagal naman i-announce, gusto ko na umuwi.

Nakaka-depress. Nakakahiya na rin.

"The College of Management!"

Napakurap-kurap ako.

"We won, Zuzu!" sabi ni Haru.

Parang ‘di ko pa rin na-gets. ‘Di ako nakapag-react!

Nabigla ako nang bigla akong buhatin ni Haru at

inikot sa ere. The audience cheered.

"Kiss!"

"Kiss!"

Napanganga ako. What?! Ano ‘to?!

"Wow! The audience is cheering for the couple from

the College of Management! Ang gandang couple. Talented!"

sabi ng host.

Naloka na talaga ako. Tuluy-tuloy sa pagtyi-cheer ang

mga audience. Parang gusto kong tumalon sa stage at

tumakbong pauwi.

"Can you hear that? They're asking for a kiss!" sabi ulit

ng host.

Para akong tuod du’n. ‘Di makaimik. Naloloka na ako.

The last thing I knew, hinawakan ni Haru ang balikat

ko and kissed me lightly on the tip of my nose.

Page 155: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

155

a

Chapter Twenty-Seven THIS IS IT. Mamamatay na ako.

"A kiss on the nose! Aww, ang sweet naman! Let's give

the best performer and the best couple another round of

applause!" hirit ng host.

Nagsigawan ang mga tao. Tapos, nagpalakpakan.

Tulala pa rin ako hanggang sa nakalabas na kami ng auditorium.

Pati sa kuwarto ko, ‘di ako mapalagay. Maloloka na ako

nito.

Pumikit ako then hummed the song we sang earlier.

Unti-unti akong hinihila ng antok.

Page 156: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

156

He was staring right into my eyes. I'm happy he's with

me. He moved closer. I felt him kiss my nose lightly.

Then I heard a kid's voice. I saw Haru playing with

him. They looked so cute. Habang nakatingin ako sa kanila, I

realized how much I love this man.

When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

Napaungol ako. Hmmm…

Kurap. Kurap.

Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama ko.

Panaginip lang pala, pero parang totoo, e.

Sino ba ‘yung batang ‘yun? I've never seen that cute kid

before. Nagkibit-balikat lang ako. Pati ba naman sa panaginip

ko, nakikisuot pa rin si abnoy.

Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili. Sabado ngayon,

rest day ko. Mukhang ‘di na muna ako gagala.

Nasanay na rin ako sa bahay ni Haru. Kung noong una,

parang awkward, ngayon parang malulungkot talaga ako ‘pag

umalis na ako dito.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang may

kumatok.

"Pasok."

"Ma'am, kakain na po. Baba na raw kayo."

"Sige. Salamat. Susunod na ako."

Page 157: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

157

Umalis na ang maid.

Bago ako lumabas, I checked myself sa salamin.

Nakakahiya naman na humarap kay Haru na parang binagyo

ang anyo. Dyahe naman ‘pag para kang nanggaling sa

pakikipaglaban kay Sendong.

"Wait? Bakit ako mag-aayos para sa kanya?" Tinampal-

tampal ko ang pisngi ko. "Magtigil-tigil ka, Azusa," saway ko sa

sarili ko.

Bumaba na ako. Naabutan kong nasa dining table na si

Haru. He's wearing his usual "pambahay" attire. Mukhang wala

rin siyang lakad, a.

"Kain na." Si Haru. Tumayo na siya.

"Tapos ka na ba?" tanong ko naman.

"Oo, e. Bakit? Nanghihinayang kang ‘di mo ako

kasabay kumain?" He grinned.

Namula ako. Pakshet. Kalimitan these past few days,

palagi akong namumula. "Asa! In your dreams!" angil ko naman.

"Aminin mo na kasi, gusto mo ako kasabay."

"Bwisit! Saktan kita diyan, e!"

"O, kalma. Ang aga-aga, suplada ka masyado."

I rolled my eyes.

Biglang umingay ang bahay. Napatigil ako sa pagnguya.

"O, nandito na pala sila." Tumayo na si Haru. Pagbalik

niya, may kasama na siyang apat na lalaki. Mukhang ka-edad

lang niya. Kumakanta sila habang papasok. Pero bigla silang

Page 158: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

158

napatigil paglingon nila sa dining table. Tapos sabay-sabay na

nag-apir sa isa't isa.

"Wow, dude! Sino ‘yan?"

"Puwede makipag-kilala?"

Dumeretso si Haru sa kuwarto niya, mukhang may

kukunin. Kaya naiwan silang apat sa living room. Agad lumapit

‘yung apat sa akin.

"Hi!"

Tumango lang ako.

"I'm Lance, this is Drew, this is Japhet and—"

"I am Ford," dugtong ng isang matangkad at mestisong

lalaki. He's handsome, anyway.

Tumango ako ulit. "I'm Azusa."

"Wow! Ganda naman ng pangalan mo, kasingganda

mo."

Ngumiti lang ako.

Biglang sumulpot si Mark Reynard. Tama, si Mark

Reynard the chickboy. Naiinis rin ako rito, palaging sumusunod

kasi sa best friend ko. I just learned na pinsan pala ‘to ni Haru.

Mas asal-abnoy nga lang kaysa sa kanya.

"Oy, oy, kayo. Lumayu-layo kayo kay Azusa. Lalo na

ikaw, Ford," sabi ni Mark.

"Nakikipagkilala lang naman," katwiran ng nagpa-

kilalang Lance.

Hinarap ako ng nagpakilalang Japeth. "So, maaga ka

ata? Bakit ang aga mo rito kina Haru at mukhang nakapambahay

ka lang?" tanong niya.

Page 159: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

159

Sasagot na sana ako nang biglang nakisabat na naman si

Mark. "Dito ‘yan natulog."

"Seryoso?" tanong ni Lance.

"Wow! Binata na talaga ang kaibigan natin!" tatawa-

tawang sabi ni Drew.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa bahay ni Haru,

Azusa?" tanong naman ni Ford.

Nakisabat na naman si Mark. Ano ‘to? Spokesperson

ko?! "No. Amo siya dito."

Nalito ata ‘yung apat, kaya nag-frown lahat.

"She lives here," sabi ulit ni Mark.

Nakita kong nabigla silang apat. "You mean? You too

are living together?" sabay tanong nilang apat.

"That's—"

Tinapakan ko ang paa ni Mark. Napatalon siya sa sakit.

This time ako na ang sumagot. "Not together-together.

I just live here," paglilinaw ko naman.

"So you're not Haru's girlfriend? Or wife?" tanong

naman ni Ford. ‘Di ako sigurado pero parang I saw him smile in

a meaningful way.

"Not yet," malakas na sagot ni Haru. Napalingon

kaming lahat kay Haru. He was looking at Ford.

Pumagitna na agad si Lance. "Woah, woah! Chill lang,

guys!"

Ford laughed. "Don't worry, dude. I can see the

boundaries."

"Practice muna kami," paalam ni Haru sa akin.

"Practice sa’n?"

Page 160: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

160

"Band," tipid na sagot ni Haru.

Tumango na lang ako.

Nasa music room ngayon sina Haru, nagpa-practice.

‘Di ko naman marinig: soundproof, e.

Nag-ikot na lang ako sa bahay. I saw a really cute

painting sa isang cabinet sa gilid ng kuwarto ko. It's a cute girl na

nakatalikod habang may hawak na payong. Parang familiar sa

akin, pero ‘di ako sigurado.

Ang cute talaga e, kaya kinuha ko siya then binitbit

palabas. Ilalagay ko ‘to sa wall sa may living room. Naghanap

ako ng mapapatungan. ‘Di ko kasi abot.

Nagtanong ako kung ‘asan ‘yung storage room. Baka

meron du’n. When I went there, may nakita akong maliit na

hagdan. Mukhang intended talaga sa paglalagay ng paintings at

pictures sa wall. ‘Yun ‘yung ginamit ko. Umakyat na ako at

sinubukang ilagay ang painting.

"Hmm, ang cute talaga tingnan. Ang galing ng nag-

paint," sabi ko sa sarili ko.

Nang makuntento ako sa pagtitig sa painting, numaba

na ako. Pagtapak ko sa unang baitang pababa, ‘di sinasadyang

nadulas ang paa ko. I lost my balance.

"Aaaaaaah!" impit kong sigaw. Ipinikit ko na lang ang

mga mata ko. This time alam kong mahahati ang bungo ko.

Biglang may mga kamay na sumalo sa akin. Nawalan

din ata ng balance kaya natumba rin.

"Ouch…" sabi ko.

Page 161: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

161

Pagbukas ko sa mga mata ko, nakita kong nakakunot

ang noo ni Haru.

"A-are you all right?" tanong niya sa akin.

"Oo, pero ikaw, nadaganan kita. May masakit ba

sa’yo?"

"Okay lang ako."

Hinawakan ko ang braso niya. I felt him jolt. I checked

it out. May sugat siya sa braso. Mukhang tumama sa hagdan

nu’ng sinalo niya ako.

"Ano ka ba? Hindi ka okay, e."

Tinutulungan ko siyang tumayo nang biglang

sumulpot ang mga kabanda niya.

"Oy! SPG!" sigaw ni Drew.

"Mamaya niyo na kami pagtripan. Tulungan ninyo

akong itayo si Haru," taranta kong sabi.

Lumapit naman sila. Tinulungan nila akong itayo si

Haru. Pagkatapos ko ikuwento sa kanila kung ano ang nangyari

naghuntahan kaagad sila.

"Sa wakas! Mukhang binata na si Haru.

Magpapakamatay na para sa babae," sabi ni Lance.

Matapos namin mag-usap, nagpaalam na sila na aalis na

muna, babalik na lang daw para dalawin si Haru.

Umakyat ako sa kuwarto ni Haru, dala ang first aid kit.

Hindi na ako nag-abalang kumatok pa.

"Haru?"

Lumingon siya.

Page 162: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

162

"Gamutin ko muna sugat mo," sabi ko habang

nakayuko.

"‘Wag na, kunting galos lang naman. Magiging okay

din ‘to," sagot ni Haru.

"Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadyang madulas sa

hagdan. Pasensiya na. Sorry. Sorry…" Nararamdaman kong

naiiyak na ako.

Tumayo si Haru. Lumapit siya sa akin and held my

chin up. "Wala kang kasalanan, okay? Aksidente ‘yun. Itong

galos na ‘to, kaya kong ‘tong tanggapin nang paulit-ulit, ‘wag ka

lang masaktan. Masaktan man ako, ‘wag lang ikaw."

He said it while he was staring right into my eyes. Unti-

unti akong kumalma. Para akong nabunutan ng tinik.

"At ‘pag namatay ka, masyadong mahal ang

pagpapalibing kaya okay lang kahit nasugatan ako," pagbibiro ni

Haru.

Tinampal ko ang balikat niya.

"Aray! Aray!" reklamo ni Haru.

Nataranta na naman ako. "‘Asan? Sa’n ang masakit?"

"Dito," sabi niya sabay turo sa balikat niyang hinampas

ko kanina. Tiningnan ko naman.

"Saan? Dito ba?" tanong ko habang tyini-check ko

‘yung balikat niya.

Hindi siya sumagot, kaya lumingon ako para tingnan

kung bakit. Paglingon ko, he was looking at me seriously. Unti-

unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

Woooooooooosh…

Page 163: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

163

Napatalon ako sa kaba. Bakit? He blew on my neck.

Nakuryente ang buo kong katawan. Napatakbo ako papunta sa

pintuan niya. Naiwan siyang nakatayo habang pinipigilan ang

tawa.

"Uhm, mag-magluto m-muna ako."

"Marunong ka ba?" tanong naman niya habang pigil pa

rin ang tawa.

"A-a. M-maglilinis na lang ako," nauutal kong sagot.

"Bakit ka maglilinis?"

"A-ano…Ang kalat na kasi sa ano…sa kuwarto ko. He-

he-he," sabi ko, kasabay ang pilit na tawa. Tumalikod na ako at

lumabas nang walang lingun-lingun.

Napasandal ako sa pinto ng kuwarto niya. Hawak-

hawak ko ang dibdib ko. May World War III ata sa loob ng

dibdib ko. Ang lakas ng tahip, e.

Haru's Point of View

Nauuhaw ako kaya ako lumabas mula sa music room.

Nakita ko si Zuzu na nakapatong sa hagdan habang may

tinititigang kung ano. Lumapit ako nang kunti, eksakto namang

pababa na siya. Pagtapak niya sa unang baitang, nakita ko kung

paano siya nadulas. Nabitiwan ko ‘yung basong gamit ko.

Napatakbo ako papunta sa kanya. On instict sinalo ko kaagad

siya. ‘Di sinasadyang tumama ang braso ko sa hagdan.

Naramdaman ko ang sakit, pero hindi ko ininda. Ang mahalaga

ay si Azusa. Kahit ako na lang, ‘wag lang siya. Nasalo ko siya

pero natumba ako.

Page 164: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

164

When you love someone truly and when that person is

really important to you, you would go against the six to one

billion odds just to protect her, and to keep her safe.

That's exactly why I caught her. Ayokong masaktan

siya. She's too important, way important than anything else.

Kanina nu’ng nakatitig ako kay Azusa, nakita ko kung

gaano kaganda ang babaeng nasa harapan ko. She has no idea

how much I love to kiss her right there. Pero I stopped myself.

Ayokong biglain siya. Natatakot akong baka ‘pag nagpadalus-

dalos ako, mawala siya sa akin. Hindi ko kaya ‘yun.

Page 165: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

165

a

Chapter Twenty-Eight Van's Point of View

GUSTO KONG MAG-SHOPPING ngayon, pero wala akong

makakasama. Busy si best friend, e. Anebee…’Di naman

masyadong busy. Gusti ko lang magka-quality time sina Azusa't

Haru.

Hmm…Magdyi-gym na lang ako muna ngayon.

Pumasok ako sa banyo para maligo. Pero lumabas rin

ulit kasi nakalimutan ko ang towel ko. Tanga lang.

On second thought, gusto ko talaga mag-shopping, e.

Uhuuuu! Kaya, para sa ikapapanatag ng nangangati kong kamay,

magsya-shopping ako. Mag-isa!

I was humming habang papasok ako sa banyo. Then I

showered. Mga 995 years din ako sa banyo. Naghilod ako, e.

Page 166: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

166

Mabilis akong nagbihis. Naka-hiphop attire ako

ngayon, himala na! E, feel ko lang, e. Angal?

"Psh. Ang hirap ng walang best friend na makukulit.

Kailangan ko pa talagang kausapin ang sarili ko. Ni wala akong

makasama sa pagsya-shopping," sabi ko sa sarili ko.

"Tama, tama. Sobrang hirap niyan."

"Talaga! Ikaw ba naman gumala na mag-isa, ‘di

nagmukha kang tanga!" sagot ko naman.

"Oo nga naman. Nakakamukhang tanga ‘yon. Ang

talino mo talaga."

"Alam ko. E sa maganda at matalino lahi ko, e," sagot

ko ulit.

"Matalino ka nga. Pero boring ang buhay ‘pag walang

kasama."

"Oo nga. Naiiyak ang pagkatao ko," sagot ko ulit.

"Kaya, para ‘di boring, samahan na lang kita."

"Samahan? Saan tayo—"

Naputol ang pagsagot ko. Teka, ‘di ba sarili ko lang ang

kausap ko?! Bakit parang iba kung sumagot?! Hinay-hinay akong

lumingon sa likuran ko.

Uwaaaaaaaaaa!

Napatakbo ako sa may cabinet ko. "W-what t-the hell

are you d-doing h-here?!" nauutal kong tanong.

"Sinasamahan ka. Ulit," sagot niya habang nakapikit

ang isang mata.

"W-what?!"

"Bingi ka?" tanong niya.

"How dare you!"

Page 167: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

167

He grinned.

"G-get out!" taranta kong sigaw sa kanya.

Tumayo siya. "Ayoko," he said while staring at me.

Taena naman ‘tong octopus na ‘to, a. Ito ata ‘yong

nawawalang kakambal ni satanas! Sisipain ko na talaga ‘to

palabas!

Mukhang mauuna ata akong mamamatay dito. Feeling

ko minalas ako bigla. Ang ganda na ng araw ko! Letcheng frog!

Paano ko ba ‘to masisipa paalis ng bahay ko?

Wait…

May evil plan ako. Mwa-ha-ha-ha-ha!

"Gusto mo ba talaga akong samahan?" sabi ko sa

mahinang boses habang lumalapit ako sa kanya.

Nakita ko kung paano nag-iba ang expression ng

mukha ng octopus na guwapo ay este, hudas! Mula sa pagtitig sa

akin nang matiim, bumakas ang pagtataka sa mukha niya.

Malamang! Ngayon ko lang ‘to ginawa, e. Nagpa-cute ako.

Mwa-ha-ha! Artista ‘to, neneng!

He cleared his throat. "Uhm, yup," sagot niya.

Lumapit ako at nagsalita nang ubod ng lambing.

"Mapilit ka naman. Sige na nga." Yuck! Masuka-suka ang

pagkatao ko sa sinabi ko, a. Mamaya maghihilod ako nang

bongga. Nakakasira ng kinabukasan!

Lumapit pa ako nang bongga. I stopped when I was

already kinda close. Bawal din lumapit masyado, baka matuklaw

ako ng sawa!

Page 168: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

168

Teka, hindi naman ‘to sawa e, anaconda ‘to.

Ipapatapon ko ‘to sa outer space! Tutal mukhang alien kung

umasta, e. Ha-ha.

Nakita kong nabigla siya. Then biglang ngumisi.

Hudas talaga ‘to!

"Hindi mo talaga ako matiis, ‘no?" sabi ni Mark.

Halos masuka ako du’n. Pinigil ko lang ang sarili ko.

Kaloker ang self-confidence, a! Para matakpan ang inis ko,

ngumiti lang ako. Peke nga lang. Buti mukhang ‘di nahalata.

Tanga ata ‘to, e.

Hinawakan niya ako sa bewang, then he tilted his face.

Eeeeeekkk! Kalma, Van, kalma.

Nakisakay ako, pero nang malapit nang maglapat ang

mga labi namin, I executed my evil plan. Tinuhod ko siya.

Tama. Tinuhod ko siya nang bonggang-bongga.

Napaaray si Mark at natumba. Nagpagulong-gulong

siya sa sakit.

I stuck my tongue out! "Serves you right! Manyak ka!

Mabaog ka sana!" Then nag-walk-out ako.

Pagkababa ko, na-realize ko, ako pa talaga ang nag-

walk-out, e bahay ko ‘to, ha? Mabilis akong bumalik sa taas. I

opened the door harshly pero wala na ang hudas.

"Hmf! Baka namatay na ‘yun, o kaya nasunog ang

kaluluwa! Bwisit na octopus! Iulam kita diyan, e!" sabi ko.

Nagmumukha na nga akong tanga, e.

Tinawag ko si Manang Leng, ipapasabi ko na

pahigpitan pa ang security. May nakakapasok na mga unggoy, e!

Page 169: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

169

"Ma'am, sorry po. May sakit po kasi si Manang Leng,"

sabi ng isang maid.

"May sakit? Nasa’n si Manang?"

"Nasa kuwarto niya po."

"Sige. Pupuntuhan ko na lang siya."

Pumunta na ako sa kuwarto ni Manang.

"Manang?" tawag ko. "Okay lang po ba kayo,

Manang?"

"Ay, opo, ma'am. Pasensiya na po. Nagkalagnat ako,

mapapabayaan ko po ang trabaho ko."

"Naku! ‘Wag mo na po isipin ‘yun. Magpagaling po

kayo."

"Naku, ma'am, maraming salamat po."

"Wala hong anuman, manang. Lalabas po muna ako.

Bibili ako ng gamot para sa inyo."

"Marami po talagang salamat, ma'am."

"Tama na po ang pagpapasalamat. Baka po malunod na

ako niyan," biro ko naman.

Umalis na ako. Walking distance lang naman ang

pharmacy kaya hindi na ako nagsayang ng gasolina. Kailangan

kong magtipid! Naks.

Nasa kanto na ako nang namataan ko ang sasakyan ni

Azusa. Ipinark niya ang Opel Vectra niyang matagal ko nang

pinagnanasahan. ‘Di, loko lang. Ang ganda kasi ng kulay, e.

Pagbaba niya, her expression was so unusual.

Azusa's Point of View

Page 170: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

170

Wooh! Hindi ko na alam kung ano’ng gagawin ko!

Palagi na lang akong natataranta kapag kasama ko siya.

Nagmumukha akong kamatis na hinog palagi.

Nagda-drive ako ngayon. Gumawa lang ako ng excuse

para makaalis sa bahay ni Haru. Kailangan ko ng fresh air.

Nahihirapan na akong huminga. Anak ng teteng.

Papunta ako kina Van. Kailangan ko ng makakausap.

Baka may words of wisdom ulit si best friend, e.

Pagliko ko, nakita kong naglalakad si best friend,

nakabusangot. Parang galing sa washing machine ang mukha,

parang kinusot nang ilang ulit ang noo. In short, nakakatuwa

siya tingnan!

Joke! Actually, mukang problemado kaming dalawa

ngayon. Damay-damay ba ‘to?

Bumaba ako ng car ko.

"O? Bakit ang sama mong tingnan?" tanong ni Van.

"Wow! Nagsalita ang babaeng mas lukot pa ang mukha

sa damit na walang plantsa," sagot ko naman. Nagtawanan kami.

Nakaaaa. At least, nakatawa ako ngayon.

Sabay kaming napabuntong-hininga.

Isinakay ko siya papuntang pharmacy pero doon sa may

town na pharmacy na kami pumunta para mas malayo. Ha-ha! E

sa marami akong gas, e.

"O, ikaw muna. Ano ba’ng problema mo?" tanong ni

Van.

"Ano kasi, best, e…Nasugatan si Haru dahil sa akin."

"O? Nasa’n na siya? 50-50 ba?! Magdo-donate ako ng

red blood cells!" eksaheradang tanong ni Van.

Page 171: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

171

Sinapok ko siya sa noo. "Nakahithit ka ba ng usok

mula sa sinunog na hudas? O baka naman gusto mong sunugin

kita para makalanghap ka ng usok?!" angil ko.

"‘Eto naman, nagdyo-joke lang. ‘Di ka na kumalma.

Takot ka na may mangyaring masama kay Haru, ‘no?"

"H-hindi, a! Asa!" sagot ko naman. Iniiwas ko ang

tingin ko.

"Oy! Nasa sinapupunan ka pa lang ng Mommy mo,

kilala na kita! Hindi mo ako kayang ilagay sa bulsa mo. Alam

kong naapektuhan ka na sa powers ni Haru, your love!" sabi

naman ni Van sabay hagikhik.

Napabuntong-hininga ako. "Nag-aaalala lang ako kasi

dahil sa akin kaya siya nasugatan. Wala akong pakialam kahit

hatiin man siya ni Sadako at pagpiraso-pirasuhin basta wala

akong kinalaman pero iba ‘yung kanina," litanya ko naman.

"E di umamin ka rin. Kaya ka ganyan kasi nag-aalala

ka. Nag-aalala ka kasi mahalaga siya. Mahalaga siya kasi iba siya.

Iba siya kasi…ikaw na ang nakakaalam kung bakit," sabi ulit ni

Van sabay halukipkip.

"Mukhang naka-drugs ka lang, best," pagkakaila ko

ulit.

"Wow, a! Ang ganda ko pa rin kahit naka-drugs ako,"

sagot naman ng loka kong best friend. Nagtawanan kami.

"O, ikaw naman, ano’ng problema mo?" ako naman

ang nagtanong.

"Uy, change topic agad. Sabihin na kasi na ‘yang

tarangkahan ng puso mong kinakalawang na e nabuksan ni

Haru!" panunukso ni Van.

Page 172: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

172

"Tigil-tigilan mo ako, Van. Ipapakain kita sa pating,"

sabi ko naman.

"Osiya, joke lang naman, e."

"Ano nga kasi ang problema mo?"

"Si ano kasi..Urgh!" sabi ni Van.

"Wow! Ang linaw mong magkuwento. Sobrang

naintindihan ko, best, a," pauyam kong sabi.

Nakita kong kumunot ang noo niya pagkatapos

napabuntong-hininga siya. Tatanungin ko pa sana si Van kung

bakit nang biglang may Estrada na car na tumawid. Napapreno

ako nang bigla.

Phew! Saved!

Nagtaka ako nang biglang bumaba si Van. Malalaki

ang hakbang na lumapit siya sa sasakyang Estrada at kinatok ang

bintana nito.

"Hoy! Tanga ka ba?!" sigaw ni Van.

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan. Pareho

kaming nabigla ni Van. Actually, sobrang nabigla si Van.

Anak ng mudfish!

Page 173: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

173

a

Chapter Twenty-Nine "HEY."

Boink!

Napaatras si Van kaya tumama siya sa akin. Muntik na

ako matumba du’n, a!

"Ikaw pala, Van!" sabi ng lalaki.

"A, oo. Ako nga," tipid na sagot ni Van.

"How's my sweetheart?" nakangising tanong ng lalaki.

Wait.. kilala ko ‘to, a. Sino nga ba ‘to? Isip-isip, Azusa.

"Stop calling me that," diin ni Van.

"Why would I stop, sweetheart? Don't you miss me?"

tanong ng lalaki sabay hawak sa braso ni Van. Nalito ako lalo.

Teka, hindi ko talaga maalala, e. Makakalimutin ka na talaga,

Azusa!

"Don't touch me!" asik ni Van. Hindi pa rin bumi-

bitaw ‘yung lalaki.

Page 174: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

174

"Hoy! Bitiwan mo ang best friend ko! Abnoy ka!" sigaw

ko.

Tiningnan niya ako. "Uy, si Tibong Popcorn, babae

na!" sabi ng lalaki.

Nagpanting ang tainga ko. Teka, naaalala ko, merong

tumatawag sa akin niyan noon.

Aha! Art. He's Art Sandoval!

"Adik ka ba?! Bitiwan mo ang best friend ko or else

ipapa-salvage kita!"

Tiningnan niya lang ako tapos tumawa nang

nakakauyam. "Pakipot talaga kayong magkaibigan," sabi ni Art.

"Aba!" Inis na inis na talaga ako.

"Let go of my girl," sabi ng isang boses.

Napalingon kami sabay sa nagsalita. Si Mark!

"O, sino naman ‘to?" sabi ni Art.

Naiwan akong nagtataka. Tiningnan ko si Van. Namu-

la siya bigla. E?!

"Ako? Ako ang boyfriend ng babaeng sinasaktan mo

ngayon. Now let her go, or else I'll turn you into cubes," diin ni

Mark.

Tumawa ng pagak si Art. "Tell me, sweetheart: Sa’n mo

napulot ‘tong asong ‘to?" pang-iinis ni Art.

‘Di nakasagot si Van.

"I told you, let her go." Hinablot ni Mark ang kamay

ni Art at hinila palapit si Van. "Hon, ‘di ba sinabi ko sa bahay ka

lang. I told you, ako na’ng bibili ng PK," sabi ni Mark kay Van.

Para akong nanunuod ng pelikula.

Page 175: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

175

"Ano?" takang-tanong ni Van. Nagtatakang nakatingin

si Art sa kanila.

"PK. Here it is." Inabot ni Mark ‘yung maliit na

colorless plastic. At muntik na akong mahimatay sa nakita kong

laman nito.

It's a…

It's a pregnancy kit!

Mark's Point of View

(Kyaaa! POV ko! Mwa-ha-ha-ha!)

Ang sakit nun, a. Tinuhod talaga ako. ‘Pag ako nabaog,

itatali ko siya sa puso ko. Yikes! Laswa, ‘tol!

Inabot ko na ‘yung camera ko mula sa bintana.

Hmm…At least may pictures naman ako.

Tumalon na ako sa bintana! Oy! Hindi ako super-

hero,‘no!

Papauwi na ako nang madaanan ko ‘yung sasakyan ni

Azusa. Teka, ba't nandito si Azusa?

E?! Maraming tao sa gilid ng daan. Likas akong tsis-

moso kaya lumapit ako nang kunti.

May isang lalaki…

Si Azusa…

At si Van?! Teka, ba't hawak ng lalaki ‘yung braso ni

Van?

"Ano ba, bitiwan mo ako!" Si Van.

"‘Ba, mukhang masama ‘to, a." Nasa gilid ako ng phar-

macy.

Page 176: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

176

"PK po," sabi ng isang babae sa pharmacy. Nakita kong

inabutan ang isang lalaki ng isang supot na may lamang

pregnancy kit. Biglang may umilaw sa utak ko. Hmmm, tinuhod

mo ako kanina. Makaganti nga.

Lumapit ako sa counter. "Miss, isang pregnancy kit."

Napatingin sa akin ‘yung pharmacist. ‘Yung expression

niya na parang "E?! Ang bata pa, nakabuntis na!"

Hindi ko na siya pinansin. Kumuha ako ng buong

P1000. "Keep the change." Tumalikod na ako at naglakad

papunta sa kumpol ng mga tao.

Bumilang ako.

1…

2…

3…

Action!

"Let go of my girl."

Napalingon silang lahat.

"O, sino naman ‘to?" sabi ng lalaking may hawak sa

braso ni Van. Gago ‘to, a! Sasapakin ko ‘to!

"Ako? Ako ang boyfriend ng babaeng sinasaktan mo

ngayon. Now let her go, or else I'll turn you into cubes," diin ko.

Tumawa ng pagak ‘yung lalaki. "Tell me, sweetheart:

Sa’n mo napulot ‘tong asong ‘to?" sabi ulit ng lalaking parang

ulol.

‘Di nakasagot si Van.

"I told you, let her go." Hinablot ko ang kamay ng

lalaki at hinila palapit si Van. "Hon, ‘di ba sinabi ko sa bahay ka

lang. I told you, ako na’ng bibili ng PK," sabi ko.

Page 177: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

177

"Ano?" takang-tanong ni Van. Nagtatakang nakatingin

‘yung lalaki sa amin. Hmm, ito na. Aarte na ako.

"PK. Here it is." Inabot ko kay Van ‘yung maliit na

colorless plastic. Napasinghap si Azusa. At ‘yung ulol na lalaki,

kumunot ang noo. Gusto ko na talagang tumawa, pero masisira

ang pag-aartista ko. Psh. Sayang naman. Baka magka-award ako

nito.

"A, so you're with this guy." Mukhang kalmado na

‘yung ulol. "Anyway, fancy meeting you again, Van," sabi ng

lalaki at sumakay na sa sasakyan niya.

Pregnancy Kit lang pala ang katapat, a! Natatawa na

talaga ako, e. Pigil pa rin.

Nabigla ako nang bigla akong hilahin ni Van palayo sa

crowd. "Ano ‘to?! What are you talking about?!" angil ni Van sa

akin.

"I'm doing you a favor. Kaya wala bang thank you

diyan?" kalmado kong sagot.

"E, maluwag pala ang turnilyo mo sa utak mo, e! Bakit

mo ginawa ‘yun?! Akala ng maraming tao, boyfriend kita! At

holy shit, akala nila, buntis ako!"

"Sus, masuwerte ka nga. Maganda ang lahi ng anak

mo," tatawa-tawa kong sagot.

Sinuntok niya ako sa sikmura. Napa-atras ako. Ang

sakit maging asawa ‘to, a!

"Bwisit! Nu’ng nagpaulan ng kayabangan ang Diyos,

sinamsam mo lahat. Pati ang huling patak ng kayabangan,

nilagok mo!"

Page 178: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

178

"Niligtas lang kita du’n sa nambabastos sa’yo, kaya

magpasalamat ka," sagot ko.

Inirapan niya ako.

"Ito na ‘yung sinasabi ko sa’yo. I'm starting our plan.

Para ‘to sa best friend mo kaya please, cooperate," sabi ko.

Van's Point of View

"Ito na ‘yung sinasabi ko sa‘yo. I'm starting our plan.

Para ‘to sa best friend mo kaya please, cooperate," sabi ni Mark.

Plan? Wait, I remember.

Kakalabas ko lang sa banyo. Paglingon ko, napasigaw ako

sa kaba.

"Shhh…" sabi ni Mark.

"What the f are you doing here?!"

"I'm here to talk."

"About what?! And wait, paano ka nakapasok dito sa

kuwarto ko?"

Walang ka-effort effort na tinuro niya ang bintana.

Napanganga ako. Diyan siya pumasok?!

"May lahi ka bang akyat-bahay?"

"Wala. Hobby ko lang ‘yan," bored niyang sagot.

"Hobby daw—What?! You mean, palagi mo ‘to

ginagawa?" Feeling ko namatanda ako du’n, a.

"Anyways, I'm here to tell you a plan."

"Plan? What plan?" lito kong tanong.

"We'll call this ‘Azusa X Haru Plan’," sabi niya sabay

kindat sa akin.

Page 179: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

179

Oo nga pala. Pumayag akong magpanggap na girlfriend

nitong unggoy na ‘to para magkatuluyan sina Azusa at Haru.

Ganito kasi raw ‘yun:

Si Azusa, alam kong gusto si Haru pero ayaw lang

tanggapin. Tangengot lang. Ang sarap igarapon ‘tong Maria

Clara’ng hilaw na best friend ko!

Si Haru naman, feel namin na may itinatagong

pagtingin kay Azusa. (Yuck! Ang laswa ng Tagalog! Ha-ha!) ‘Yun

nga kaya lang bahag ang buntot, e.

Si Mark, ayaw na ayaw ni Azusa. Kaya ‘pag ako

niligawan at naging girlfriend ni Mark, siyempre ‘di agad

magtitiwala si Azusa. Kaya susunod at susunod si Azusa.

Bilang cousin ni Haru si Mark, so malamang si Haru

ang kakaladkarin ni Azusa para sundan kami sa kung saan kami

gumala kunyari ni Mark. Sa paraang ‘yun, magkaka-moment na

sila nang bonggang-bongga! O, ha?! Mas matalino pa kami sa

author! Wo-ho-ho-ho!

Eeeek! Back to reality.

"E bakit kailangang buntis ako?!" angil ko.

"Buntis agad? Kakabili ko pa lang ng pregnacy kit, e.

Magte-testing ka pa. He-he-he," pang-iinis niya.

Inambaan ko siya ng suntok. "Gano’n pa rin ‘yun! Baka

makarating ‘to kina Mommy. Bakit kailangan kasi may ako'y-

buntis-at-ikaw-ang-ama thing pa!"

"Para mas effective," tugon naman niya, then he

winked.

Tug-dug.

Paksheeeeet.

Page 180: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

180

Ayan, lumalapit na si Azusa, kailangan ko nang umarte.

Psh. Pero para din naman ‘to sa kanila, a. Tiis-tiis lang, Van.

Para ‘to sa best friend mo.

"What is the meaning of this?!" malakas na tanong ni

Azusa.

Page 181: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

181

a

Chapter Thirty PARA AKONG WALA sa sarili habang pauwi kina Haru. This

can’t be.

My best friend is in love with a Casanova! Parang

kapatid ko na rin ‘yun kaya maisip ko lang na masasaktan si Van

dahil sa lalaking ‘yun, parang gusto ko nang kumuha ng

barbecue stick at tuhugin nang bongga si Mark.

"What is the meaning of this?!"

"‘Yun na ‘yon. Kung ano ang narinig mo, that's it,"

kalmadong sagot ni Mark.

"Oh, please. Puwedeng ‘wag ninyo akong pagtripan? Joke

lang ‘to, ‘di ba? ‘Di ‘to totoo, ‘di ba?"

Nakita ko kung paano yumuko si Van. This confirmed it.

"Totoo, best. Sorry if hindi ko ipinaalam sa iyo agad,"

mahinang sagot ni Van.

Page 182: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

182

Napaatras ako on impulse. Pero lumapit din naman ako

para makausap si Van in private.

"Best, naka-shabu ka ba? Marami namang lalaking

naghahabol sa’yo? Bakit ‘yang chickboy pa?" taranta kong tanong.

"M-mahal ko siya, e. Wala akong magagawa," sagot

naman ni Van.

"Pero, Van…"

Humarap siya sa akin then looked at me with pleading

eyes. "Please, trust me with this, Azusa. Give Mark a chance," sabi

ni Van.

Doon ako napahinto. Kahit siguro daig ko pa ang

donyang nakakita ng suka sa higaan kung ayawan ko si Mark, wala

akong magagawa kung mahal siya ni Van.

Napayuko ako. Bumuntong-hininga ako. "Fine. But

isaksak mo ‘to sa lahat ng lamang-loob mo na mapapatay ko ‘yang

boyfriend mong hilaw kung malaman kong pinaiyak ka niya. I'll be

watching you," sabi ko, loud enough para marinig ni Mark. Nakita

ko kung paano napangiwi si Mark. Tumango naman si Van.

"Urgh!" Inis kong inihampas ang unan ko. "Mapapatay

ko ‘yong apo sa singit ni satanas na ‘yon ‘pag nalaman kong nag-

emote si Van dahil sa kanya," litanya ko habang nakahiga sa

kama ko.

Tumawag ako sa landline nina Van. Kakamustahin ko

lang.

"Hello, Garcia's residence. How may I help you?"

"Si Azusa po ‘to. Si Van po?"

"Ay, ma'am, si Ma'am Van po e umalis. Ngayon lang

din po."

Page 183: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

183

"Saan daw nagpunta?"

"Hindi ko po sigurado pero may dala pong malaking

bag, e."

"Malaking bag?! May kasama ba siya?"

"Ay, sinundo po siya ng isang lalaking mestiso tapos

matangkad."

"What?! Wala ka bang idea kung saan sila pupunta?"

"‘Di ko po talaga alam, ma'am, e. ‘Di po nagpasabi si

Ma'am Van. Basta sabi niya po, ‘I won't be home for a couple of

days’," sabi ng yaya with matching gaya-gaya pa sa boses ni Van.

"Sige. Salamat." Binaba ko agad ang telepono.

"Saang lupalop kaya nagpunta ‘tong best friend ko? At

magkasama talaga sila, a!" Ayokong mag-isip ng kung anu-ano

pero iba talaga naiisip ko, e. Diyos ko, baka maging batang ina

ang best friend ko! Maloloka na ako kakaisip kung ‘asan.

I texted her kanina pero walang response! Ipapasemento

ko ang utak nito ‘pag nakita ko ‘tong dalawang ‘to.

Napansin ko ang laptop ko. "Teka, makapag-FB nga.

Baka may hint akong makuha dito."

At ‘di nga ako nagkamali.

‘@ Herby's Resort, Palawan. Natures too good ;)’ Iyan ang status

ni Van.

Wooooah! Nasa Palawan sila ngayon?! Napatakbo ako

bigla sa kuwarto ni Haru.

"Haru!" Dere-deretso ang pasok ako. Nakita ko siyang

may bitbit nang dumbells. Niyugyog ko siya. "We need to go to

Palawan. ASAP."

"Why? Ano’ng meron?"

Page 184: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

184

"Si Van…at si Mark!"

"What? Ano’ng nangyari sa kanila?"

"They went there together. Ang best friend ko!"

"So?"

"So ka nang so! So-sohin kita diyan, e!" sigaw ko.

"Oh…Oh…Kalma, baga mapatay mo na ako."

"Sasama ka ba sa akin o igagarapon kita?!" sigaw ko.

"Tatahimik ka ba o aanakan kita?!" sigaw naman ni

Haru.

Automatic na napipi ako. What?! Hindi magandang

threat ‘yun!

"F-fine! Pupunta ako mag-isa do’n! Kainin ka sana ng

anaconda!" sigaw ko then I stormed out of his room. Pumasok

ako sa kuwarto ko para mag-empake. Mabilisan talaga.

Kailangang makahabol ako sa Palawan. Baka ano na’ng nangyari

sa best friend ko, e.

Paglabas ko, tahimik ang kuwarto ni Haru.

"Pfft! Manhid! Walang pakiramdam!" litanya ko.

Bumaba na rin ako at nagdere-deretso sa sasakyan. Pero

nagtaka ako nang makita ko si Haru sa may sasakyan.

"We'll use my car," sabi ni Haru.

"Akala ko ba ‘di ka sasama? Shooo!" pagtataboy ko sa

kanya.

"Sasama ako, period. O baka gusto mong magkaanak

nang maaga," sabi niya while staring at me.

"I-ikaw naman, ‘di mabiro. Tara na. Alis na tayo,"

nauutal kong palusot. Diyos ko, ayoko pa pong maging ina.

Page 185: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

185

Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Gabi na nang

dumating kami sa Palawan. Deretso kami sa Herby's Resort.

Nag-check-in kami. Ay, si Haru lang pala. Pagod na

pagod na kasi ako, e, kaya hinayaan ko lang siyang mamili ng

kuwarto.

"Let's go." Si Haru.

Walang imik akong sumunod sa kanya. Lantang gulay

na si neneng niyo, e.

Room 557. Binuksan na niya, samantalang ako parang

asong pagod na nakasunod lang sa kanya. Pumasok na kami.

Ako, dumeretso na sa bed. Ugaaaaa…Naantok na ako, e.

"Okay na ako. You can go to your room," sabi ko

habang nakapikit.

Hinihintay kong magsara ulit ‘yung pinto. Meaning,

nakalabas na siya. Pero wala, e. Kaya I slowly opened my eyes.

Then I saw him na nakatayo sa gilid ng bed habang matiim na

nakatingin sa akin. Napabalikwas ako.

"Usog ka," tipid niyang sabi.

"W-what?!"

"Sabi ko, umusog ka. Matutulog na rin ako," bored

niyang giit.

"W-what? Doon ka sa kuwarto mo!" asik ko.

"That's why I'm here. This is my room."

Nalito ako. "If this is your room, nasa’n ang akin?"

"Dito rin, kaya umusog ka."

"What?! No way. Kukuha na lang ako ng ibang room.

Lumukin mo ‘tong kuwarto mo!" sigaw ko sa kanya.

Page 186: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

186

"Go ahead," kalmado niyang sagot.

Tumawag ako sa front desk.

"Hello, can I take another room?"

"I'm sorry, ma'am. Fully booked na po, e."

Nahahapong napaupo ako sa sahig. "Umalis ka diyan!

that's my bed," naka-pout kong sabi.

"This is my room, kaya this is my bed. Kaya kung ayaw

mong matulog, magpatulog ka," sabi ni Haru.

Naiiyak na talaga ako. Dapat pala ‘di ko na siya

pinasama. Paksheeet.

"Hoy," tawag ko kay Haru, pero he's not answering.

Nakatulog na ata. Lumapit ako sa bed. Banayad na ang paghinga

niya. Mukhang tulog na ang monster.

"Paano ako nito?"

Tiningnan ko ‘yung kama. King-sized bed ‘to kaya

sobrang laki. Kahit siguro tatlo e magkakasya. Kaya kumuha na

lang ako ng gabundok na unan at nilagay sa pagitan namin.

"Neknek mo. Bangungutin ka sana!" mahina kong sabi.

Then I closed my eyes.

He was staring right into my eyes. I'm happy he's with

me. He moved closer. I felt him kiss my nose lightly.

Then I heard a kid's voice. I saw Haru playing with

him. They looked so cute. Habang nakatingin ako sa kanila, I

realized how much I love this man.

When I look into your eyes,

Page 187: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

187

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

Kinapa ko ang phone ko sa ulunan. Ang eeeengayy mo,

cellphone ka. Naantok pa ako. Unti-unti kong binuksan ang

mga mata ko. Para akong tinakasan ng dugo sa una kong nakita

at sa posisyon namin ni abnoy.

He's still sleeping, his face an inch away from mine, his

hands on my waist at ako…ako…

Nakasuksok sa dibdib niya!

Namilog automatic ang mga mata ko. Nakatulala lang

ako habang nakatitig sa mukha ni Haru habang natutulog. He

sleeps like a baby. Akalain mo? Ang bait ng mukha ‘pag tulog!

Then he suddenly opened his eyes. "Dim nang kunti,

please…" sabi ni Haru.

Napakurap-kurap ako. "What?"

"Sabi ko, dim nang kunti. Masyado kang bright-eyed.

Nakakasilaw," sabi ni Haru sabay ngisi.

"W-what the hell…" Tinangka kong tumayo pero ‘di

ko nagawa. Nakadagan ang paa niya sa dalawa kong paa. Feeling

ko, kamatis na triple na ako sa pula. "Alis..."

"Bakit? Ayaw mo ba akong katabi?"

"Yuck! Nakakasuka kang katabi, abnoy!" sabi ko

naman.

"Gano’n ba? E kanina nga kung makasiksik ka sa akin,

parang pusang naghahanap ng nanay, e," pang-iinis niya.

"Gano’n?! E kung dukutin ko kaya ‘yang mata mo!"

Page 188: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

188

"Kahit dukutin mo pa ‘to, sa‘yo pa rin ako nakatingin,"

sabi niya sabay ngisi. Hudyo talaga ‘to.

Kinurot ko siya sa braso. Diniinan ko pa talaga para

mamatay na ‘tong hudas na ‘to!

"Aww! Aray! Ouch!" sigaw niya.

"Ano ka ngayon?! Gusto mo igarapon kita? Tapos

itapon kita sa ilog ng pating?!" pananakot ko sa kanya.

Imbis na matakot, tumawa pa ang hudyo! "Okay lang.

Pero bago mo ako patayin, aanakan muna kita. Sayang naman

ang lahi ko," seryoso niyang sabi.

Napanganga ako. "E, sabog ka pala, e." Sinipa ko siya

nang ubod ng lakas kaya nahulog siya sa kama. Mabilis akong

tumayo at sumandal sa pintuan. "Bahala ka sa buhay mo, abnoy

ka!" sigaw ko tapos nag-walk-out na ako.

Bwisit sa buhay.

Pumasok ako ulit sa kuwarto nang masiguro kong wala

siya. Nag-shower lang ako tapos nagbihis ng jogging-attire.

Masarap mag-jogging, e.

Naka-earphones ako habang nagdya-jogging.

Nakakatuwa ‘yung music, e. Pagkatapos kong mag-jogging, I

decided na maglakad-lakad muna sa dalampasigan.

"Haaay, hindi ko pa rin nakikita kung nasa’n sina Van

ngayon. Baka ano na’ng nangyari sa best friend ko! Baka nasa

drum na ‘yun ngayon. O baka naka-hang sa tuktok ng Mt.

Everest na nakatiwarik!" sabi ko sa sarili ko. Dahil sa naisip ko,

lalo tuloy akong nag-alala.

Page 189: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

189

Naupo ako sa buhanginan at tumingin sa papasikat na

araw. Naalala ko bigla ‘yung panaginip ko. Parehong-pareho

du’n sa una kong napanaginipan. Mas lalo na akong nagtataka

kung sino ba ‘yung bata du’n.

Napasinghap ako. ‘Di kaya mabubuntis talaga ako?!

Bruhilda ka, Azusa. ‘Di ako papayag na mabuntis! Lalo

na ‘pag kasing hudas ni abnoy ang ama!

Tumingala ako, tapos huminga nang malalim.

Paglingon ko sa kanan ko, may nakita akong dalawang taong

naglalakad, magka-holding-hands.

"Wow, ang sweet," nasabi ko sa sarili ko.

Pero habang papalapit sila nang papalapit, may

nabubuong realisasyon sa utak ko. That hair…And that shirt…

Whaaaaat?!

Bigay ko ‘yang shirt na ‘yan kay Van! Napatitig ako sa

papalapit na couple.

Si Van!

Nataranta ako. Makikita nila ako. Wala akong

matataguan! Patay. Kitil na kitil!

Page 190: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

190

a

Chapter Thirty-One SI VAN!

Nataranta ako. Makikita nila ako. Wala akong

matataguan! Patay.

Nag-isip ako ng puwedeng gawin para ‘di nila ako

makita. Kung tatayo ako at tatakbo palayo, mas lalo nila akong

mapapansin. Kung uupo lang din naman ako dito, makikilala rin

nila ako.

Papa God, tulungan mo po ako. Magagalit sa akin ang

best friend ko ‘pag nalaman niyang sumunod ako para tiktikan

sila!

Sobrang lapit na nilang dalawa. Doomsday ko na ‘to!

Naririnig ko na ‘yung pag-uusap ng dalawa.

"Babe, tabi tayo ulit mamaya, a." Boses ni Mark. Ang

sarap sapukin! Kung ‘di lang ako nagtatago dito, inundayan ko

na ‘to ng suntok.

Page 191: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

191

"E? Ang kulit mo." Boses ni Van. Naku! Mahabagin.

Mukhang naimpluwensyahan na niya ang best friend ko!

Sinasabi ko na nga bang masamang damo talaga ‘tong pinsan ni

abnoy! Magpinsan nga sila! Pigilan niyo ‘ko, sasaksakin ko ‘to ng

kuko ko!

"Teka, that girl looks familiar." Boses ni Van. Oh my

vegetable! Mukhang mabubuking na ako.

Naramdaman kong may lumapit sa akin. Ipinikit ko na

lang ang mga mata ko nang mariin. Nandito na si Van…

ipapatapon na ako nito sa ilog Pasig!

Pero nagtaka ako nang biglang may tumabi sa akin at

hinawakan ang magkabila kong pisngi. Napadilat ako on

impulse.

Bago pa ako nakahuma, he brushed his lips on mine.

"Ay, mali pala. Akala ko best friend ko. Pero ‘di naman

‘yun nakikipaghalikan, e." Boses ni Van sabay tawa. "Tara na,

balik na tayo sa cottage. Nagugutom na ako, e."

Magkadikit ang mga noo namin. He was breathing in

an improper way. Samantalang ako, nakatulala lang.

"Saved," sabi niya sabay hingang-malalim. Pinakawalan

na rin niya ako. Doon ko na na-absorb lahat ng pangyayari.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

He…

H-he kissed me!

“W-hy the hell did you do that?!" angil ko habang

nakatakip ang palad ko sa bibig ko.

Page 192: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

192

"Para ‘di ka makilala ng best friend mo."

"Pero bakIt mo ako hinalikan?!"

"The same reason."

"What?!"

Tumayo siya at naglakad pabalik sa hotel. "And because

I want to, Azusa Minorin." Then he continued walking away.

Dug-dug…

Dug-dug…

Dug-dug…

It can't be…

Van’s Point of View

"Hmmm…Mukhang nandito na sina Azusa."

Sinadya talaga naming mag-iwan ng hint kung nasaan

kami. Alam kong susunod si Azusa, at masisimulan na namin

ang drama.

I checked out sa front desk kung nag-check in na ba

sila.

"Hmm, iisang kuwarto, huh?" sabi ni Mark.

"Sigurado ka ba sa ginagawa natin, huh?" tanong ko

kay Mark habang nakataas ang isang kilay.

"Well, ito lang alam kong way para mapadali na

maging sila. Ikaw? May alam ka bang paraan na mas madali?"

I shook my head. Tigasin kasi ‘tong si Azusa. Kahit

may nararamdaman na, deny pa rin nang deny. Anebeee.

Nag-unat si Mark. "Hmm, since nandito na tayo, let's

might as well enjoy. Sayang naman pera ko, ‘no. Ako ang

gumastos lahat," giit niya.

Page 193: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

193

"E, adik ka pala, e. Malamang ikaw ang nagyaya kaya

ikaw dapat ang gumastos," nakapamaywang kong sabi.

"Hmmm…Masakit pa rin sa bulsa ‘yon, ‘no," reklamo

ni Mark.

"Psh. Ang damot mo! Babayaran kita, ‘wag kang mag-

alala!" angil ko.

"Okay lang. Dali, tara na sa kuwarto."

"Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Maniningil na ako," sabi ni Mark sabay ngisi.

"A-ano?"

"May utang ka, ‘di ba? Kaya pasok na. Maniningil na

ako."

Tinaasan ko siya ng kilay. "E, kung ayaw ko?"

Tumawa si Mark. "Ayaw mo ba?" panunukso niya.

Tinadyakan ko siya nang malakas. "Gusto mong

mabaog nang tuluyan?!" asik ko sa kanya.

"Oy, joke lang! Loko lang ‘yun." Then he held my

hand. Napasinghap ako.

"T-teka, sa’n tayo pupunta?"

"Sa dalampasigan," sabi niya sabay kindat. Napasunod

na lang ako. Malamang naman, e hila-hila niya ako, e.

Habang naglalakad kami papunta sa dalampasigan,

feeling ko andaming nakatingin sa amin—specifically, girls.

"Are they two together?" bulong ng isa. (Bulong ‘yun,

a!)

"The boy is too handsome for her," litanya ng isa. Psh.

Tatadyakan ko ‘to sa mukha!

Page 194: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

194

"Bwisit. Bitiwan mo nga ako. Pinagtitinginan na tayo,

e."

Lumingon siya then stopped walking. "Bakit ko

bibitawan ang kamay ng girlfriend ko? Masama bang ipakita na

masaya ako na kasama ka?" malakas na sabi ni Mark. Malakas.

As in, sobrang lakas na naglingunan na sa aming lahat ang mga

tao.

Nakakahiyeeeee….

Kinaladkad ko siya palayo sa mga tao. "What are you

talking about?!"

"I'm talking about us," sabi niya sabay ngiti. Kinurot

niya ang pisngi ko sabay sabing, "Ang ganda ng girlfriend ko."

At naglakad na ulit.

Nag-init nang sobra ang mukha ko. Paksheeeeet,

mukhang imbis na ang best friend ko ang ma-in love nang

tuluyan, ako ata ang manganganib.

Matagal bago ako sumunod sa paglalakad. Pero biglang

tumigil si Mark at tumakbo pabalik sa kinatatayuan ko.

"Guess who's here," sabi niya sabay ngiti.

"Sino?" tanong ko. Nang sundan ko ang direksiyon na

tinuturo niya, nakita ko si Azusa.

Oy…Mukhang simula na ang operation.

Hinawakan ni Mark ang kamay ko at hinila ako nang

marahan. Nang malapit na kami sa kinauupuan ni Azusa, bigla

siyang nagsalita.

"Babe, tabi tayo ulit mamaya, a." Nanghilakbot ako sa

sinabi ni Mark. Walanjong lalaki ‘to! Pinagmumukha talaga

akong maharot!

Page 195: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

195

Pero kinalma ko ang sarili ko. Kailangang masimulan

ko na ‘yung plano para makaalis na kaagad kami dito't mawala

na si Mark sa sistema ko.

"Ang kulit mo talaga..." pagsakay ko naman. Yuck,

halos isuka ko na ‘yun, a. Squishy...!

I saw Azusa jolt. Mukhang narinig ang pag-uusap

namin. Malamang, gustung-gusto na niyan kaming sugurin at

itumba si Mark dahil sa kalandian nito. Ay, pati pala ako. He-he-

he.

Palapit na kami nang palapit. Nakikita kong itinatago

ni Azusa ang mukha niya. Halatang ayaw niyang makita namin

siya. Pero nang sobrang lapit na namin, natigagal kami.

Haru sat right next to Azusa and kissed her right there.

"Ay, mali pala. Akala ko best friend ko. Pero ‘di naman

‘yun nakikipaghalikan, e," sabi ko. Sinadya kong lakasan para

marinig nila. "Tara na, balik na tayo sa cottage. Nagugutom na

ako, e." Then I pulled Mark back.

Pagdating sa cottage

"Did you see that?!" tili ko.

He smiled. Dahil sa tuwa ko, ‘di sinasadyang napatalon

ako ng yakap kay Mark. Pero napalayo rin ako sa sobrang hiya.

Kahiya ka, dude!

"Sorry…natuwa lang ako nang sobra. ‘Wag kang mag-

isip ng kung anu-ano," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"I'm not thinking of anything unusual. Ang alam ko

lang, niyakap ako ng girlfriend ko. Wala namang masama du’n,

‘di ba?" he said, smiling.

Page 196: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

196

Dug-dug.

Waahh, ‘yung puso ko, sumama sa Milo Marathon.

Best friend, sorry mukhang tama ang hinala mo.

Madadagdag ako sa listahan ng Mark na ‘to.

Page 197: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

197

a

Chapter Thirty-Two "AND BECAUSE I want to, Azusa Minorin."

"And because I want to, Azusa Minorin."

"And because I want to, Azusa Minorin."

Ugaaaa, hindi ako mapalagay! Kaninang umaga pa ‘yun

nangyari. Gabi na ngayon, pero ‘di pa rin ako maka-get-over.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Mali, sa kama

namin ni abnoy. Psh. Wala na akong choice kundi makipag-

share ng kama. E, mas mabuti na ‘yun kesa matulog sa sahig, ‘di

ba.

"Urgh!" Tumayo ako at humarap sa salamin.

Maglalakad-lakad na lang ako sa resort. Mukhang may event

du’n sa main stage. Wala pa si Haru. Nasa’n na kaya ‘yun? Hindi

ako makatulog kasi hindi ko na siya nakita mula kanina.

Baka kinain na ‘yun ng pating...o baka dinala ng mga

shokoy. Maygaaad!

Page 198: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

198

Lumabas na ako sa kuwarto at binaybay ang

buhanginan. Hmmm…ang ganda ng dagat.

"Azusa?"

Napalingon ako. "Tyus?"

Lumapit siya sa akin at akmang ita-tap ang ulo ko.

"I just hate it when other people taps your head," sabi

ng isang boses sa utak ko.

Umiwas ako bigla kaya sa braso ko lumanding ang

kamay ni Tyus. Nakita kong nabigla siya, pero pati ako nabigla

sa naging reaction ko.

"Ow, I'm sorry," sabi ni Tyus.

"No, ako ang dapat mag-sorry," sabi ko naman. "Ano

lang kasi, naalala ko lang bigla ‘yung sabi ng isang tao na ayaw

niyang may ibang tumatapik sa ulo ko." Tapos napahagikhik

ako.

"A, let me guess: Si Haru ‘yan, ‘no?"

"H-hindi a-a…" pagkakaila ko.

"C'mon, Azusa. Halata, e. Kung salamin lang ako,

kanina pa dapat ako nahawa sa kapulahan mo," sabi niya tapos

tumawa. Umiwas ako ng tingin.

Tinapik niya ako sa balikat at sinabing, "Good luck on

you two. I wish you all the best."

Tango lang ang sinagot ko. Aalis na sana si Tyus nang

bigla akong may naalala.

"Teka!" pigil ko sa kanya.

Lumingon si Tyus.

"Ano pala ang ginagawa mo dito?"

"Namamalengke, ineng," pagbibiro ni Tyus.

Page 199: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

199

I pouted.

"‘Di, loko lang. My family owns this resort kaya

madalas ako dito."

"Wow! Ang yaman mo, a!"

"Hindi ako, sina Mommy at Daddy ang mayaman,"

sabi niya sabay ngiti.

"Gano’n pa rin ‘yun," litanya ko.

Tumawa lang si Tyus at nagpaalam na.

"Oh, before I go, Azusa, I just want to tell you three

things." Si Tyus.

Tumango ako.

"One, listen to the rythm of your heart. Pakiramdaman

mo kung ano ang laman niyan. Two, for once, allow other

people to make you happy. And three, ‘wag mo siyang

baliwalain. It's not everyday that you'll meet a person whose

mere presence is enough to soothe your pain."

He smiled then he left. Wala mang pangalang

binanggit ang magpapari atang si Tyus, sa puso ko alam ko kung

sino: Si Haru. Tama nga bang hayaan ko siyang tuluyang

maging parte ng buhay ko?

Bahala na.

Naglilibot pa rin ako ngayon. Marami-rami ring tao

ngayon. Mukhang sikat talaga ‘tong resort nina Tyus. Bigtime na

si Tyus, a. Ipa-kidnap ko kaya ‘yun para madagdagan ang

allowance ko.

Page 200: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

200

Pero totoo lang, naapektuhan ako sa sinabi ni Tyus.

Alam kong may point siya. Second year college na ako pero

hanggang ngayon wala pa rin akong boyfriend. Lalo na noon, e

mas mukha pa ata akong lalaki kesa sa lalaki, e.

Pero si Haru, kahit gaano ako kamaldita, ‘di pa rin siya

lumayo sa akin. Gusto ng parents namin na kami ang

magkatuluyan.

Noong una ko siyang makita, sobrang BV na BV ako sa

kanya. ‘Di ko nga lubos maisip na magiging fiancé ko ‘tong

abnoy na ‘to.

Nagbuntong-hininga ako. Galit talaga ako sa kanya,

pero bakit parang ‘pag kasama ko siya nagwawala ang puso ko?

Blag!

Napahawak ako sa bewang ko. Aray naman. May

nabangga ata ako. Kaya nga lang ako ang natumba. Pagtingala

ko, may lalaking nakatayo sa paanan ko.

"Bryle?"

"O, ikaw pala ‘yan, tibo. Pasensiya na kung nabangga

kita. Lumulutang ka kasi sa alapaap habang naglalakad. In short,

tanga ka."

Nagpanting ang tainga ko. Tumayo ako at sinikmuraan

siya. "Tarantado ka pala, e. Ikaw na nga nambangga, ikaw pa

ANG maangas!" angil ko sa kanya.

Hindi ininda ni Bryle ‘yung suntok ko. Sa halip

ngumisi pa siya nang nakakaloko. "Gandang-ganda ka siguro sa

sarili mo ngayon, tibo? Sige, i-enjoy mo muna ‘yang atensyon ni

Haru mo. Dahil ‘pag bumalik si Bree, sigurado akong sa

kangkungan ka pupulutin. Ay, hindi pala, ewan ko lang kung

Page 201: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

201

may pupulot pa ba sa‘yo ‘pag iniwan ka ni Haru." Tapos

tumalikod si Bryle.

Naiwan akong nalilito sa mga sinabi niya. Atensyon ni

Haru? At sino si Bree?

Inhale, exhale, Azusa. Pampawala ng stress.

Napagdesisyunan kong bumalik na sa kuwarto ko. I

mean, kuwarto namin.

"Azusa, ‘wag mo i-boobs ‘yung mga sinabi ni Bryle.

Nandito ka hindi para du’n kundi para sa best friend mo kaya

umayos ka," sabi ko sa sarili ko.

Naglakad na ako pabalik. Nakapatay ang ilaw sa

kuwarto kaya malamang patay na patay na sa tulog si abnoy.

Binuksan ko nang hinay-hinay ang pintuan. Nakita kong

natutulog na si Haru.

"Pfft. Sarap na sarap ka sa tulog mo, huh? ‘Di mo man

lang ako hinintay, tapos ako kanina ‘di makatulog kasi wala ka

pa," litanya ko.

Malakas ang loob kong sabihin ‘yung nararamdaman

ko ngayon kasi tulog naman si Haru. Malamang, ‘di na niya ako

maririnig.

Kumuha ako ng isang makapal na bedsheet at inilatag

‘yun sa sahig. Pagkatapos, nilagyan ko ng gabundok na unan.

Bago ako humiga, sinulyapan ko muna si Haru.

"Psh. Iyo na ‘yang kama mo. Ayokong matulog malapit

sa taong walang paki. Nakakainis ka."

Humilata na ako na parang starfish sa sahig na may

sapin. Dahil sa pagod ay nakatulog na ako agad.

Page 202: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

202

Haru's Point of View

Nang masiguro kong tulog na si Azuza, hinay-hinay

akong bumangon at sinulyapan siya. Natutulog siyang

nakakakunot ang noo. Si Azusa talaga, pati sa pagtulog,

problemado pa rin.

"Pfft. Sarap na sarap ka sa tulog mo, huh? ‘Di mo man

lang ako hinintay, tapos ako kanina ‘di makatulog kasi wala ka

pa."

Nabigla ako nang marinig kong sinabi ‘yun ni Azusa.

Actually, talo ko pa ang gising. ‘Di ako natulog, I was just

pretending to be.

Hinintay ko talagang makabalik si Azusa sa kuwarto.

Nang makaulinig ako ng mga yapak, agad kong pinatay ang ilaw

at nagtulug-tulugan. ‘Di sa natotorpe ako, basta ayaw ko lang

malaman niyang hinihintay ko siya.

"Psh. Iyo na ‘yang kama mo. Ayokong matulog malapit

sa taong walang paki. Nakakainis ka." Boses ni Azusa. Ilang

sandali lang ay naririnig ko na ang banayad niyang paghinga

tanda na tulog na siya.

Bumangon ako and saw her sleeping on a mat na

nakalatag sa sahig. Umupo ako sa tabi ng higaan niya. I touched

her cheek.

"‘Di mo lang alam kung ilang oras ako naghintay

sa‘yo." Tapos binuhat ko siya and transferred her on the bed. I

won't allow the woman I love to sleep on the floor.

"Hmmm…abnoy..." sabi ni Azusa habang nakapikit.

She's dreaming.

Page 203: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

203

Napangiti ako. "Tawagin mo na akong abnoy o ano

man, at least itong abnoy na ‘to, mahal na mahal ka."

I leaned towards her and planted a kiss on her nose.

Sinulyapan ko siya ulit at humiga sa kinahihigaan niya sa sahig

kanina.

"Actually, hindi lang ilang oras kitang hinintay. Taon,

Azusa…walong taon kitang hinintay. And I won't mind waiting

for a hundred years just to make you mine."

Page 204: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

204

a

Chapter Thirty-Three "MOMMY, LALABAS PO muna ako. Pupunta po ako kina

Japheth," paalam ko kay Mommy.

I'm Yoshida Haru Rodriguez, fourteen years old. Nasa

high school na. Nakatira ako sa isa sa pinakamalaking

subdibisyon dito sa Manila. My parents, they own companies.

They give me what I need; they provide me with all material

things. Kaya marami—hindi, halos lahat pala ang nagsasabi na

sobrang suwerte ko raw. Pero ‘di ko ramdam ‘yun. Masyado

silang busy sa kanya-kanya nilang buhay.

I grew up with four friends and a cousin. Si Drew, ang

pinakamaginoo sa amin. Tahimik rin siya kaya minsan

napagkakamalang wala dahil madalang lang magsalita. Si Lance,

ang pinakamadaldal at maingay. Kahit saang kanto mo ‘yan

ilagay, may makakausap ‘yan. Si Japheth, ang isa sa mga best

friends kong mahilig maglaro ng basketball. MVP na nga kahit

Page 205: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

205

fourteen pa kami. Si Ford, ang pinakamahilig mamingwit sa ilog

ng karimlan. Ha-ha! I mean, masyadong lapitin ng babae. At si

Mark, ang pinsan kong chickboy, halos araw-araw kung magpalit

ng girlfriend. Pero magkasundo kami, ‘di dahil babaero rin ako

pero dahil pareho kami ng kalagayan. Parehong business-minded

ang parents namin, kaya kalimitan naiiwan kami sa pangangalaga

ng mga yaya.

Sabado ngayon. Malamig ang panahon, pero ‘di ko

alintana. Gusto kong pumunta kina Japheth. Makikipaglaro ako

ng basketball o ‘di kaya tutunganga na lang sa kanila. ‘Di hamak

naman na mas boring sa bahay kaysa kina Japheth.

Naglalakad na ako sa malapad na kalsada ng

subdibisyon. Malapit lang naman ang kina Japheth kaya ‘di na

ako nagpahatid.

Malapit na ako sa bahay nina Japheth nang biglang

may nakita akong batang babaeng nakaupo sa gilid ng kalsada,

nakalugay ang mahaba at medyo kulot na buhok at may bangs

na ang cute tingnan. Nakatitig siya sa kawalan. Tiningnan ko

nang maigi ‘yung bata. Parang sobrang lalim ng iniisip, e.

Tapos nakita kong yumuko siya at ipinatong ang ulo sa

dalawa niyang tuhod. Marahang yumuyugyog ang balikat niya.

Sobra akong nagtaka. Imbis na dumeretso kina Japheth,

naglakad ako papunta sa kinauupuan niya.

"Bata, umiiyak ka ba?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Sa halip umiba siya ng posisyon.

Nakatalikod na siya ngayon sa akin at marahang humihikbi.

"‘Wag ka nang umiyak. May solusyon ‘yang problema

mo."

Page 206: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

206

Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Nanatili lang

siyang nakayuko na parang walang kausap.

"Kung makakagaan ng loob mo, puwede mong sabihin

sa akin ang problema mo," marahan kong sabi.

She just shook her head without looking at me.

"Kung gano’n, aalis na ako. Kaya mo ‘yan," sabi ko

sabay talikod.

Pumunta na ako kina Japheth, pero naglalaban pa rin

sa utak ko kung aalis ba ako o sasamahan ko ‘yung batang babae.

Gumagabi na rin kasi.

Nasa kuwarto kami ngayon ni Japheth, naglalaro ng

PlayStation. Unti-unting narinig ko ang patak ng ulan.

Lumalakas na siya.

Napatingala ako sa kisame. Napabuntong-hininga.

"Nandu’n pa kaya ‘yun sa daan?" salita ko.

Litong lumingon sa akin si Japheth. "Ano ba ‘yang

pinagsasabi mo? Nalipasan ka ba ng gutom?"

"No," tipid kong sagot. Biglang binundol ng kaba ang

dibdib ko. On impulse, tumayo ako at nagtungo sa pintuan.

"Wait. Sa’n ka pupunta, ‘tol?" tanong ni Japheth.

"To her."

Tuluy-tuloy akong lumabas sa bahay nina Japheth at

patakbong tinungo ang lugar na kinakitaan ko sa bata kanina.

At ‘di nga ako nagkamali. Nasa gilid pa rin siya ng

daan, nakayuko sa ilalim ng ulan. ‘Di ko alam pero parang sa

oras na ‘yon, ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng bata.

Lumapit ako sa kanya at ipinatong ang suot kong jacket sa

ulunan niya. Pero useless pa rin, basa na kami.

Page 207: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

207

Napatingala siya.

That's when I saw her face.

That very moment it seemed like my heart stopped

beating.

Apparently, magkaharap lang pala ang bahay namin ng

bata. Nalaman ko noong hinatid ko siya. I also learned na, like

me, yaya lang ang nag-aalaga sa kanya. I felt her pain.

Her name is Azusa, Azusa Minorin Villarial. She only

knows me by my nickname which is Shida. Parang nakaligtaan

ko na nga ring sabihin sa kanya ang buo kong pangalan.

Mula noon, araw-araw kong inaabangan ang paglabas

niya sa bahay at pagkaway sa akin. May isang beses nga, I even

painted her.. nakatalikod siya but still really adorable.

Somehow, that made my day complete.

Pero this day was different. Today, hindi siya lumabas

para kumaway sa akin. Sa halip lumapit siya sa akin para para

sabihing aalis na sila kinabukasan.

"We're moving. Salamat sa lahat ng tulong mo, abnoy,

a." She called me that since day one. That word sounds like

music to my soul.

I managed to hide my despair sa pag-alis nina Azusa.

Bago sila tuluyang umalis, may inabot siyang papel sa akin.

Tumalikod na siya pero bigla ko siyang pinigilan sa braso.

"Hmm?" tanong niya.

"U-uh…You take care, okay? ‘Wag kang maliligo ulit

sa ulan," sabi ko sa kanya.

Page 208: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

208

"Unless kasama kita?" tanong niya.

"Unless kasama mo ako." Then I patted her head.

Binuklat ko ‘yung papel na walong taon nang nasa

akin.

Dear Shida,

Hoy, abnoy, payatot! Salamat sa lahat ng tulong. Sorry kung nagmamaldita ako minsan. Actually, palagi talaga akong maglalakdita ‘oag ijaw amg jasala jn. HAHA :P Pero salamat talaga sa pangsesermon sa ajim ‘oag magtatamga-tangahan ako. Shida…hintayin mo ako, ha. Babalik ako, PRAMIS. Babalik ako. Maliligo tayo ulit sa ukam. ‘Pag waka ja oagbakij jn, isusuloa jn lahat ng lalaking may pangalang katunog ng pangalan mo! Hahaha. XD Mandamay ba naman. Sige na. Basta, hintayin mo ako, ha. Ipapa-sakvage jita ‘oag ‘di ln ajn hihimtayim.

Bye, bye! Azusa

Page 209: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

209

Bumuntong-hininga ako. Tiniklop ko na ulit ‘yung

sulat at inilagay sa pitaka ko. Sakto namang bumukas ‘yung

pinto at iniluwa nito ang babaeng nang nagpaulan ng

kasupladahan ang langit ay sinalo ata lahat pero kahit gano’n,

mahal ko pa rin. Nakataas ang isang kilay niya habang

nakasandal sa pinto.

"Abnoy."

"Hmm?" tanong ko.

"Breakfast."

"Okay." Tumayo na ako para sumunod.

Nagpatiuna siya papunta sa front cottage. Nakasunod

lang ako sa kanya. Pero biglang humarap sa akin si Azusa na

nakapamaywang.

"Why are you following me?!"

"Breakfast," tipid kong sagot.

"Sa iba ka na lang mag-breakfast! Shoo!"

"Gusto ko dito."

"E, alis na! Ayokong nandito ka!"

"Ayaw. Gusto ko ‘yung food dito."

"Basta. ‘Wag ka dito."

"Resort mo ba ‘to?" tanong ko.

"Hindi, " sagot ni Azusa.

"Then I can eat here. Walang pakialamanan."

Humarang siya sa dinaraanan ko. Nilampasan ko lang

siya. Gutom na ako, e.

"Abnoy! Alis!" sigaw niya sa akin.

"Ikaw naman ang kumaladkad sa akin dito, ‘di ba?"

sagot ko kay Azusa.

Page 210: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

210

"Hoy! Walang pumilit sa iyong sumama!" asik niya

sabay kurot sa braso ko. Iinisin ko na sana ulit si Azusa nang

biglang…

"Best friend?" sabi ng isang boses.

Sabay kaming napatigil na Azusa. Uh-oh.

Page 211: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

211

a

Chapter Thirty-Four "BEST FRIEND?"

Napatigil kami sa pagbabangayan ni Haru. Daig ko pa

ang ipinako sa kinatatayuan ko. Slow motion akong napalingon

at shooooooot, si Van nga ang nakatayo sa likod ko habang

nakakunot ang noo. Nasa tabi niya si Mark at nakangiti.

"U-uy, best..." mahina kong sabi.

"Ano’ng ginagawa mo dito? O baka tamang sabihin

kong ano ang ginagawa niyo dito?" diing sabi ni Van.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Nagbabakasyon din ba kayo together?" sapaw ni

Mark.

Ting! Tama! I can use that as an excuse!

"Ay, o-oo…" nauutal kong sabi sabay hila kay Haru.

Kumapit ako sa braso niya at tiningnan siya. Nakakunot ang noo

ni Haru. "’Di ba, Haru? Nagba-bonding lang kami, you

Page 212: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

212

know…malapit nang matapos ang break from school kaya

nilubos-lubos na namin. Right, Haru?" Kinurot ko ang braso ni

Haru at tiningnan siya nang matalim dahilan para mapaigtad

siya.

"Yep! That's right," tugon ni Haru. Kumawala siya sa

pagkakahawak ko at hinawakan ako nang mahigpit sa bewang.

Nanindig bigla ang mga balahibo ko. Uwaaaaa…Ang lakas ng

tibok ng puso ko. e.

"Ay, gano’n ba? Akalain mo nga naman. Pareho pa

talaga tayo ng napiling resort," sabi ni Van.

"Coincidence, I guess," pagkakaila ko naman.

Abut-abot ang dasal ko na ‘di na sana magtanong pa si

Van dahil baka malagutan na ako ng hininga sa kakasinungaling

ko.

"Okay, let's drop that. Since nandito na rin lang kayo,

‘insan, why don't you join us? Maga-island hopping at

swimming kami mamaya, ‘di ba, babe?" giit ni Mark.

Tango ang isinagot ni Van. Hmmm, mukhang okay

lang si Van kasama si Haru. Actually, blooming nga siya ngayon.

Don't tell me, naging stick-to-one na si Mark? Magpapa-party

ako sa Bermuda Triangle ‘pag nangyari ‘yon.

"What do you think?" Si Mark ulit.

Tatanggi na sana ako nang biglang magsalita si Haru.

"Game."

Napahawak na lang ako sa sentido ko. Ano na naman

‘tong napasok namin ni abnoy na ‘to.

Page 213: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

213

"Best!" tawag ni Van sa akin. Kakalabas ko lang galing

sa cottage.

Nasa dalampasigan sila ngayon. Naka-shorts si Mark at

Haru with flower prints. Summer na summer ang feeling ng mga

damuho!

Si Van naman, ang hot sa suot niyang one-piece

swimsuit. Kahit kailan talaga ‘pag ganitong nasa beach kami,

agaw-pansin talaga si Van. Daig pa ang supermodel sa

kagandahan ng katawan, e.

Nagpunta na ako sa dalampasigan. "Okay! Swimming

na tayo!" energetic kong sigaw. Para akong nakalunok ng speaker

sa lakas ng boses ko.

Nagtaka ako nang sa halip na makisaya at makisakay sa

pagka-energetic ko ay lumingon ang lahat ng nasa dalampasigan

sa akin. Some even looked at me from head to foot.

Napatigil ako. Bakit? May dumi ba ako sa mukha? May

demonyo ba sa likod ko? Nasa likod ko ba si Lolong?!

"Look at her. Baka mamaya niyan, mag-pajama na ‘yan

habang naliligo. O baka nga magsuot pa ‘yan ng kumpletong

pantulog," narinig kong sabi ng naka-two-piece na babaeng

mukhang paa. Pfft! Parang ang ganda-ganda, kung

makapamintas! Sungalngalin kita diyan, e.

Isa-salvage ko na sana ‘yung babaeng mukhang feet

kaya lang mabilis akong hinila ni Van pabalik sa cottage.

"Bakit? Ano’ng problema?" taka kong tanong kay Van.

"Are you seriously gonna wear that sa swimming?!"

angil ni Van.

Page 214: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

214

"Oo. Bakit? Okay naman ‘to, e. Lalamunin ba ako ng

dagat kung ganito ang suot ko?" sabi ko sabay tingin sa suot ko

ngayon. I was currently wearing an above-the-knee shorts at

maluwag na shirt. Pagharap ko kay Van, lukot na lukot ang

mukha niya. She gave me the wear-that-and-itatakwil-kita look.

"Seriously, best?!" diin ni Van.

"Stop giving me that look, Van," dabog ko.

"I won't stop giving you this look unless you change

into a proper swimming wear," lintanya ni Van.

"Wala akong dala, e…" pag-amin ko.

"Pa’no nangyari ‘yun? ‘Di ba nandito kayo for a

vacation? Helloler? Resort ‘to. Malamang naman siguro may

plano kayong mag-swimming." Si Van.

"‘Di naman ‘to planado ‘tong trip na ‘to, e," walang

kagatol-gatol kong sagot.

"What?" Si Van.

Napatakip ako sa bibig ko. "U-uhm, I mean. Biglaan

kasi…sinorpresa lang ako ni Haru," palusot ko. Huh! Muntik na

‘yon, a. Ang tabil-tabil mo kasi, Azusa!

"Whatever. May extra akong dala. Don't you dare

move. Kukunin ko lang." Tapos deretso siyang lumabas ng

pinto. Pagbalik niya, natawa bigla si Van.

"Bakit?" bored kong tanong.

"Talagang ‘di ka gumalaw sa posisyon mo, ha," tatawa-

tawang sabi ni Van.

"You told me not to move. I didn't kaya stop

laughing," asik ko.

Page 215: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

215

"Sige na…bihis na." Marahan niya akong tinulak

papasok sa isang cubicle.

Hinubad ko na ‘yung mga damit ko. Sayang naman,

kumportable pa naman akong suot ‘to.

"Akin na ‘yang pinaghubaran mo," sabi ni Van.

Walang reklamo kong inabot sa kanya ‘yun, tapos

inabot niya sa akin ang isang paper bag.

"I'll wait outside, best," sabi niya sabay tawa nang

pakikay. Nagtaka ako bigla.

Dahil tinatamad na akong mag-isip, binuksan ko na

lang ‘yung paper bag. Malamang shorts at sleeveless ‘to. Yuck,

ang laswa. Pero mas mabuti na ‘yun kesa sa swimsuit. Psk, psk.

Pagtingin ko, napanganga ako. MY GOODNESS

GRACIOUS MAN SO GORGEOUS!

A two-piece swimsuit!

The fuck!

"Best?!" taranta kong tawag kay Van, pero wala nang

sumasagot.

May naulinigan akong mga boses. Mukhang mga

magbibihis rin. Patay ako nito. Ayoko nito. Mamatay ako ‘pag

pinasuot niyo ako ng ganito.

Biglang may kumatok sa pinto ng cubicle ko.

"Somebody inside?"

"W-wait..." taranta kong sagot.

Paksheeet, kinuha ni Van ‘yung damit ko kanina.

Talipandas na best friend ‘yun, a. Alam niya talagang tatanggi

ako ‘pag nakita kong ito ‘yung ipapasuot niya sa akin.

Ipapalamon ko ‘yun sa pating mamaya!

Page 216: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

216

Kumatok ulit. "Aren't you done yet?"

Shit…No choice! Mabilis akong nagbihis at binuksan

‘yung pinto ng cubicle.

"Sorry for the wait," sabi ko sa foreigner na

naghihintay.

"It's okay. By the way, you look really stunning. Nice

body there."

Napaturo ako sa sarili ko.

"Yup. If that body's mine, I'd go out wearing two-piece

everyday." Tapos tumawa siya.

Nalipasan ata ng gutom ‘yung foreigner na ‘yun.

Maganda daw katawan ko?! E, Coke in can nga ‘to e!

Hiyang-hiya ako habang papunta ako sa dalampasigan.

Putakte, ang daming tao! Napapansin kong napapalingon sa akin

ang mga tao habang naglalakad ako papunta sa kinatatayuan

nina Van. Sabi ko na nga ba't mapipintasan na naman ako!

"Best!" tili ni Van.

Napalingon sina Mark at Haru.

Haru’s Point of View

"Best!" tawag ni Van. Mukhang natapos na rin sa

pagbibihis si Azusa.

Paglingon ko, my jaw dropped. Holy shit!

Azusa stood there, with that innocent look. She wass

just so…she looked like a supermodel! Hindi ako nakahuma

kaagad! Ang hilig magsuot ng malalaking damit pero ganyan ang

katawan?! Mahihiyang tumabi sa kanya ang Ms. Universe!

Pitik.

Page 217: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

217

Napakurap-kurap ako. Automatic kong naisara ang

bibig ko.

"Pinsan, baka matunaw si Azusa niyan."

I cleared my throat. Hila-hila ni Van si Azusa.

"Haru, what do you think?" eksaheradang tanong ni

Van.

‘I wanna take her home,’ sabi ng isang boses sa utak ko.

"She looks fine," tipid kong sagot. Haaaay. Buti ‘di

‘yun ang nasabi ko. Baka lumulutang na ako ngayon sa dagat

habang unti-unting kinakain ng isda ang kaguwapuhan ko.

Shit! Gustung-gusto ko na siyang purihin at the same

time e bakuran. Ang lagkit ng tingin ng mga lalaki sa kanya.

"‘Yun lang?!" tanong ni Van.

I just nodded. Nakita kong umismid sa Azusa.

"Okay, swimming na tayo?" singit ni Mark.

Sabay-sabay kaming tumango.

Azusa’s Point of View

Enjoy na enjoy kami habang naliligo. Laro dito,

habulan doon. Para kaming mga bata.

"Babe, punta tayo sa malalim," sabi ni Mark kay Van.

Kinarga ni Mark si Van. Ito namang si Van, tatawa-

tawa lang. They really looked good together. Mukhang wala

nang point para hadlangan ko pa ang makasasaysang kaharutan

ng aking best friend. Siguro mas maganda kung susuportahan ko

na lang sila.

Huminga ako nang malalim.

Page 218: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

218

Napasigaw ako nang biglang may humawak sa paa ko

mula sa ilalim ng dagat.

"Ay, palaka!" tili ko. Natumba ako dahil du’n.

Biglang may umahon sa akin, paubo-ubo pa ako. Si

Haru, nakangising parang hudas! Hinampas ko siya nang

malakas.

"Aray! Sumeksi ka lang nananakit ka na!" sabi ni Haru.

"Sexy mo mukha mo! Abnoy!"

"E, sexy ka naman talaga, lalo na ngayon."

Tiningnan ko siya nang masama. "Kanina, sabi mo

hindi tapos ngayon kung makapuri ka… nakakatakot, a. Baka

nakalunok ka na ng tubig-dagat, a!" sabi ko sabay pukpok

kunyari sa likod niya.

Hinawakan niya ang kamay kong pumupukpok sa

likod niya. "I never said ‘NO’ kanina. I only said you look fine,"

sabi ni Haru.

"Gano’n pa rin ‘yun."

"Iba ‘yun. You look awesome in that suit pero tandaan

mo, kahit naka-duster ka pa o nakasuot ng costume ni Jollibee,

maganda ka pa rin sa paningin ko," seryosong sabi ni Haru.

Dug-dug.

Dug-dug.

"A-ano…tara, ligo na tayo ulit…" atubili kong sabi.

Lumangoy na ako palayo kay Haru.

Fine, mahal ko na siya.

Page 219: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

219

a

Chapter Thirty-Five Azusa's Point of View

‘DI PA RIN nagbe-bahave ang puso ko. Ang lakas pa rin ng

tibok. Nakaupo lang ako sa dalampasigan ngayon, pinapanood

sina Mark at Van na kung makapaglambingan e, pati asin halos

langgamin na rin. Andu’n din si Haru, naliligo.

Naliligo? E parang nagmukha pa nga siyang nasa

photoshoot o baka shooting kamo. Kasi ‘pag umaahon siya e

nagtitilian ‘yung mga babaeng maharot na nakatingin.

Nakakahiya talaga ‘yung kanina.

"A-ano…tara, ligo na tayo ulit…" atubili kong sabi.

Lumangoy na ako palayo kay Haru.

Naramdaman kong sumunod siya sa akin. "Pst, Zuzu.

Punta tayo sa malalim," yaya niya sa akin.

"Gusto mo sa malalim, a, para ano? Lulunurin mo ako,

‘no? Mag-isa ka!"

Page 220: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

220

"Ba't naman kita lulunurin?" tanong ni Haru sa akin.

"Sus. E ang laki ng galit mo sa akin, e. Halos mamatay na

nga ako kanina noong hinila mo ang paa ko," nakanguso kong

sagot.

"Oy, hindi, a…" pagtanggi ni Haru.

"Ano’ng hindi? Oy, kilala kita! Alam kong may maitim

kang balak. Balak mo talaga akong lunurin."

"Oo. Sa pagmamahal ko," walang kagatol-gatol niyang

sabi.

Natrulaley ako bigla. What did he say?

"Hoy." Pumitik siya sa harapan ko kaya nagising ako sa

pagkatrulaley.

"A-ano…Ewan ko sa’yo!"

"So, ano? Lulunurin na ba kita sa pagmamahal ko?" sabi

ni Haru habang nakangisi.

"Adik!"

"Ako sa’yo," dugtong naman ni Haru.

Namula na ako nang sobra. Daig ko pa ang na-sunburn

ng isang bilyong beses. Narinig ko ang matinis na tawa ni Haru.

Bigla niya akong niyakap mula sa likod. "Ang sarap-sarap mo

asarin, alam mo ba ‘yon?" bulong ni Haru sa tainga ko.

"Pfft," ismid ko.

"Ayan, naasar na ‘yan…" sabi ni Haru sabay tawa.

Hindi ako umimik. Pokerface lang ako. Then he suddenly

blew on my neck.

"Kyaaa!" Napatalon ako dahil do’n at natumba. Halos

makainom na ako ng tubig-dagat. Tatawa-tawang hinila ako

patayo ni abnoy. Naku, ang sarap tirisin ng guwapong kutong ‘to.

Page 221: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

221

Hinampas ko siya nang malakas. "Walang hiya ka! Sabi

ko na nga ba't papatayin mo talaga akong damuho ka!" angil ko.

Ngumisi lang si Haru. Tinalikuran ko siya at akmang

lalangoy na ulit. Pero biglang…

"A-aray…" Napahawak ako sa paa ko. Namamanhid.

Kinakabahan na naman ako. Parang ‘yung tulad noong sa

isla…Pero naramdaman kong binuhat ako ni Haru.

"Ikaw naman kasi, layo ka nang layo sa akin. Ayan tuloy,

pinulikat ka."

"Ano’ng kinalaman nun?"

He just smiled. Ibinaba niya ako sa dalampasigan at

pumwesto sa may parteng paanan ko.

"A-ano’ng gagawin mo?!" taranta kong tanong.

"Puputulin natin para mawala ang sakit," seryoso niyang

sagot.

Napasinghap ako. Hihilahin ko na sana ang paa ko pero

‘di ko naman maigalaw.

"Loko lang. Hihilutin natin para mawala ‘yung manhid."

Then he smiled.

I sat there, pulang-pula habang hinihilot niya ang binti

ko.

Napabuntong-hininga ako. Naalala ko tuloy noon. May

isang bata ring tumulong sa akin noong minsang nadulas ako at

sumakit ang paa ko. Hinilot rin niya ako. Ganito rin ang ginawa

noon ni Shida.

Noong naalala ko ‘yun, bigla akong napatingin kay Haru.

Somewhat, e, nakikita ko si Shida sa kanya. ‘Di hamak nga lang na

mas mabait si Shida kesa sa abnoy na ‘to.

Page 222: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

222

"Stop looking at me like that," sabi ni Haru habang

hinihilot niya ang paa ko. Automatic kong nilipat ang tingin ko sa

kung saan.

Then may nahagip ang mga mata ko na isang mestisang

babaeng nakatayo sa ‘di kalayuan habang matalim na nakatingin

sa amin. She looked somewhat familiar. Parang nakita ko na ‘yang

mukhang ‘yan.

"Okay na ba ang feeling mo sa binti mo?" Boses ni Haru.

Naputol ang pag-alala ko sa kung sino ‘yung babae. "O-

oo. Sige na, balik ka na du’n," pagtataboy ko kay Haru.

"Samahan na lang kita dito."

"‘Wag na sabi e. Doon ka na, magpakalunod ka na du’n.

‘Tsaka, bantayan mo sina Van, baka kainin ng pating ‘yang

dalawang ‘yan sa kaswitan," paggawa ko ng excuse.

"Okay," sabi niya then patted my head. "Tawagin mo

lang ako kung may kailangan ka. Tatakbuhin ko from there to

here," sabi ni Haru.

"Yabang! Shooo!" natatawa kong pagtataboy sa kanya.

What he did next was unexpected. Lumapit siya sa‘kin

and planted a light kiss on my lips.

"Bye, tomato!" Then tumakbo na siya pabalik sa dagat.

Pagkatapos ng buong araw na pagswi-swimming at

paggala sa buong isla e, nakabalik na rin ako sa kuwarto ko sa

wakas! Hoooo! Ang sarap humilata ‘pag ganitong pagod na

pagod ako.

Nakapikit lang ako at nakahigang parang lantang

starfish sa kama nang biglang bumukas ang pinto.

"Pagod na pagod ka, a." Boses ni Haru.

Page 223: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

223

"‘Di ba obvious?"

‘Di na umimik si Haru. Bumangon ako at umupo sa

kama.

"Abnoy."

"Hmmm?"

"Bakit ka pumayag na ipagkasundo tayo?" Wow, ha.

Nasabog ata ako dahil sa pagod at nagawa kong i-bring up ‘tong

topic na ‘to.

"I want to make my parents happy," sagot ni Haru.

‘Di ko alam pero na-dissappoint talaga ako. So talagang

nag-expect ako na kahit kunti at kahit kasing liit man lang ng

butil ng pawis ng anay e, nagustuhan niya ako pero mukhang

ako ang talunan dito, a.

"Ikaw? Bakit ka pumayag?" balik-tanong naman ni

Haru.

"W-well…I love my parents, too. May sakit si Dad sa

puso, at ayokong bigyan sila ng sama nang loob and..."

"And what?" tanong ni Haru.

‘At dahil mahal na kita,’ sagot ng utak at puso ko.

"W-wala…"

"‘Yun lang?" tanong ni Haru.

Yumuko ako at marahang tumango. Kung puwede pa

lang ipalamon ko na ngayon sa abnoy na ‘to kung gaano ko siya

kamahal. Pero hindi naman ako mahal nito, e. Sa huli, kung

itataya ko ang sarili ko, ako lang din ang masasaktan.

"Ako, hindi lang ‘yun ang dahilan ko," basag ni Haru

sa katahimikan.

Page 224: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

224

Napatingala ako ulit. Tiningnan ko siya sa mga

nagtatanong na mata.

"Kung ipapakasal ako sa isang tao dahil sa ‘yon ang

kagustuhan nina Mommy ay siguro, malaki ang chance na i-

reconsider ko pero siguro matatagalan bago ako pumayag. Pero

when I learned na ikaw ang ipagkakasundo sa akin, I decided a

second later. I don't go for things which I don't like and I don't

want spending time with people I don't love."

"What do you mean?" lito kong tanong.

"I'm spending time with you so what do you think do I

mean?" Ngumiti si Haru at lumabas ng kuwarto. Naiwan akong

nakatulala.

He said, ayaw niyang nagsi-spend ng time kasama ang

mga hindi niya mahal, and he's spending time with me…

Tama ba pagkakaintindi ko? O baka naman sinumpong

na naman ako ng pagka-assuming ko?

Page 225: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

225

a

Chapter Thirty-Six PAGULONG-GULONG NA AKO sa kama. Parang sinisilihan ang

puwit ko. Hinihintay ko lang naman na bumalik si Haru dito at

wala nang atrasan. Tatanungin ko talaga siya. Pero dalawang oras

nang dilat ang mga mata ko. Ni dulo ng buhok ni Haru, ‘di ko

pa nakitang bumalik.

Bumalikwas ako nang bangon at hinagilap ang

cellphone ko. Sinuot ko ang aking sinisintang headphone.

Magsa-sountrip na lang muna ako habang hinihintay kong

bumalik si Haru.

Heartbeats fast, colors and promises,

How to be brave.

How can I love when I'm afraid,

To fall, watching you stand alone,

All of my doubts certainly go away somehow.

Page 226: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

226

One step closer.

I have died everyday waiting for you.

Darling, don't be afraid, I have loved you.

For a thousand years.

I love you for a thousand more.

Napahinto ako sa pagkanta. Wala pa rin si Haru. Baka

naman kasama lang nina Mark. O ‘di kaya nag-jogging at inikot

ang buong isla.

O ‘di kaya baka may ibang babaeng kasama…

Napatindig ako bigla. "Ano naman kung may kasama

siyang iba, ‘di ba?" sabi ko sa sarili ko.

"E pa’no kung meron nga?!" dabog ko. Tinungo ko ang

pinto. Titingnan ko lang naman kung meron ba. Wala namang

mali du’n, e.

Naglakad-lakad ako sa labas. Mukhang may party. Ang

daming tao, e.

"Nasaan na ba ‘yun?" tanong ko sa sarili ko. "‘Pag

nakita ko talaga ‘yon, humanda ‘yon sa akin."

Sa kakalakad ko, umabot na ako sa may dalampasigan.

"Hmmm…ansarap naman ng hangin dito," sabi ko

sabay tingala sa langit.

Ilang sandali rin akong nakatitig sa langit nang may

maulinigan akong mga kaluskos. Paglingon ko, parang nakita ko

si Haru na nakatalikod.

Page 227: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

227

Napaigtad ako. Tumayo ako agad at hinanap ang

pinagmumulan ng mga kaluskos. Paglampas ko sa isa sa

malalaking puno ng niyog nakita ko ang likod ni Haru. Kahit ‘di

siya nakaharap, kilala ko na si Haru talaga ‘to. Lalapit na sana

ako nang biglang may narinig akong boses ng babae.

"Sweetie, I missed you so much. How about do’n ka sa

room ko mamaya?" sabi ng boses.

Nagsisimula nang mag-init ang mga mata ko. Ang sakit

pala mapakinggan ng ganito…

"Alam kong miss na miss mo na rin ako. Because I'm

Bree, ang babaeng hindi mo kayang mawala sa iyo," sabi ulit ng

babae.

Teka, Bree? Ito ba si Bree? Siya ‘yung babaeng ang

talim kung makatingin sa amin kanina, a.

"C'mon, sweetie. Alam kong kaya ka sumama dito ay

para makita ako. Alam kong ‘di mo ako matitiis."

Kaya pala sumama si Haru. Kaya pala…

"And one more thing. I might as well say na magaling

ka mamili ng toy, huh. Nawala lang ako saglit, naghanap ka na

kaagad ng toy na pampaaliw. Bilib na talaga ako sa’yo." Si Bree

ulit.

"Toy?" sumagot ‘yung lalaki. This guy was Haru.

"Sino pa? E di ‘yung tibong Azusa na ‘yon," sabi ni

Bree sabay tawa.

‘Di ko na narinig na nagsalita ulit si Haru.

Nakita kong nangunyapit sa leeg ni Haru si Bree and

kissed him torridly on the lips. Halos mahati ang pagkatao ko.

Page 228: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

228

Hindi ako makaalis kahit gustung-gusto ko nang tumakbo at

lamunin na lang ng lupa. Ang sakit... Ang sakit-sakit…

Tumakbo ako pabalik sa kumpol ng maraming tao.

Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Wala akong pakialam kahit

pinagtitinginan na ako ng mga tao. Marahas akong umupo sa

harapan at nagsalita sa lalaking nagbibigay ng drinks.

"Give me your best drink. ‘Yung malalasing ako agad,"

sabi ko.

"Are you sure, ma'am?" sabi ng bartender.

I buried my face sa mga kamay ko and nodded.

"Okay po, ma'am. Saglit lang po."

Bree’s Point of View

Nang makita kong papunta na sa lugar na kinatatayuan

namin si Azusa ay agad kong sinenyasan ‘yung lalaking binayaran

ko para magpanggap na si Haru. Pinatayo ko siya in a way na

likod niya lang ang makikita ni Azusa. Madilim ang lugar kaya

parang nagmumukhang kasing-katawan ni Haru ‘yung lalaki.

Eksaktong lumampas si Azusa sa puno ng niyog ay nagsalita ako.

"Sweetie, I missed you so much. How about do’n ka sa

room ko mamaya?" sabi ko sa napakalanding boses. Kung ganito

lang din e, award-winning ako. Nakita ko kung paano nabigla si

Azusa. Namilog ang mga mata niya kaya lalo akong natuwa. Ha-

ha! Akala mo siguro makukuha mo si Haru, ‘no. Asa ka pa!

"C'mon, sweetie. Alam kong kaya ka sumama dito ay

para makita ako. Alam kong ‘di mo ako matitiis. And one more

thing. I might as well say na magaling ka mamili ng toy, huh.

Page 229: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

229

Nawala lang ako saglit, naghanap ka na kaagad ng toy na

pampaaliw. Bilib na talaga ako sa’yo," sabi ko ulit.

"Toy?" sagot ng lalaking binayaran ko. Kaboses rin ni

Haru. Ang galing talaga ng twin brother kong si Bryle.

Makahanap ba naman ng lalaking halos kamukha na ni Haru.

"Sino pa? E di ‘yung tibong Azusa na ‘yon," sabi ko

sabay tawa nang pauyam. Nangunyapit ako sa leeg ng lalaki and

kissed him as hard as I could. Pagtingin ko, tumatakbo na palayo

si Azusa.

Tumindig ako and faced the guy I paid. "Okay, tapos

na ang serbisyo mo sa akin. Get the hell out of my face."

Humarap ako sa dagat and smirked. "Tingnan natin ngayon,

Azusa. Uuwi kang luhaan! Makukuha ko rin pabalik si Haru.

Kunting panahon na lang…"

Azusa's Point of View

Malakas ang nakabibinging tugtog. Ang daming

sumasayaw, some were even making out in front of me. Pero ni

isa sa mga ‘to, wala akong pakialam. Ang alam ko lang, nasaktan

ako nang sobra. Nagpakatanga ako.

Nagpakalasing ako for the first time. Naliliyo na ako

dahil sa nainom ko. Kahit ‘di pa naman gano’n karami ay feeling

ko ang dami ng mga bagay ang nakikita ko.

Ang sakit no’n. Ang tanga mo kasi, Azusa. Nagmahal

ka na nga, kay Haru pa. Nakalimutan mo bang magkatunog ang

pangalan nila ni Shida? Nakinig ka kasi sa puso mo kaya ‘yan

ang nangyari sa’yo ngayon.

Sobrang sakit.

Page 230: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

230

a

Chapter Thirty-Seven Haru's Point of View

DALAWANG ORAS MULA kanina nang lumabas ako ay bumalik

ako sa kuwarto namin, hoping to see Azusa. This time, mahal

niya man ako o hindi, desidido akong ipaalam ang

nararamdaman ko sa kanya.

"O, ‘insan. Ikaw lang ba? Nasa’n si Azusa?" tanong ni

Mark sa akin. Pumunta ako malapit sa kuwarto nina Mark at

kasalukuyang nag-aasaran sina Mark at Van.

Tumango ako. "She's at the room. ‘Tol, tell me: Mali

ba kung sasabihin ko kay Azusa ang nararamdaman ko?" seryoso

kong tanong kay Mark.

Nakita kong nabigla siya pero ilang saglit lang ay

ngumiti nang ubod ng lapad. "Finally, aaminin mo na ang

nararamdaman mo?"

Tumango ako.

Page 231: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

231

Tinapik ako sa balikat ni Mark. "Alam mo namang

gusto ko lang na sumaya ka, pinsan," seryosong sabi ni Mark.

"Kaya, kung sa’n ka masaya, susuportahan kita!" pagpapatuloy

pa niya.

Sinuntok ko siya nang marahan sa balikat. "Salamat,

‘tol." At nagmamadali akong bumalik sa kuwarto namin.

Habang pabalik ako, pina-practice ko pa nga kung ano

ang sasabihin ko pero parang nainis ako pagbukas sa pinto.

Wala si Azusa. Nakalapag lang sa kama ang headphone

niya.

"Sa’n na kaya ‘yun?" tanong ko sa sarili ko.

Hinintay kong bumalik si Azusa pero wala. Lumabas

ako ng kuwarto at naupo sa hagdanan malapit sa front door ng

cottage.

"Dude, punta tayo sa disco hall. Marami raw mga hot

babes."

"Balita ko nga. Ando’n nga raw ‘yung babaeng sobrang

hot kanina sa beach," sabi ng isa pang nagdaan.

Doon nahuli ang atensyon ko. Napalingon ako sa nag-

uusap. "You mean ‘yung naka-two-piece na akala natin manang

bago magbihis?"

"Yeah, dude! At umiinom siya ngayon du’n," sagot ng

lalaking naunang nagsalita.

Si Azusa!

Page 232: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

232

Lakad-takbo ang ginawa ko makarating lang ako

kaagad sa disco hall. Sobrang dami ng tao; ang ingay-ingay.

Paano napunta rito si Azusa? ‘Di naman nagpupunta sa mga

ganito si Azusa, a? Lalo akong kinabahan.

Nilibot ng paningin ko ang mga tables. Baka makita ko

si Azusa. Ang sabi nila umiinom daw. Pero wala naman akong

Azusa’ng nakita.

Kahit ayaw kong isipin na sumasayaw si Azusa with this

kind of music, I just considered the possibility.

"Where the hell are you, Azusa?"

May nahagip ang mga mata kong pamilyar na pigura.

Tiningnan ko nang maigi. And I was suprised to see Azusa

dancing. Not just dancing—dirty dancing. Mabilis akong

lumapit sa kinaroroonan ni Azusa at hinawakan siya sa braso.

"Let's go back, Azusa."

"Ano ba! Bitiwan mo ako! Hik!" sabi ni Azusa.

"No. Aalis na tayo dito. Now!" utos ko.

"Dude, bitiwan mo siya. Nakita mong ayaw sumama sa

iyo, e," sabi ng isang lalaking kanina'y kasayaw ni Azusa.

Kumulo ang dugo ko nang kinausap niya ako.

Tiningnan ko siya nang matalim at kinwelyuhan. "You stay the

hell away from her. Or else, I'll cut your throat out now."

Natakot ata kaya napaatras.

"Ano ba…Hik! Let go of me! Hik! I hate y-you! Hik!"

Hindi ko pinansin ang pagpalag ni Azusa. Binuhat ko

siya at binitbit palabas ng maingay na disco hall. Dinala ko siya

sa may dalampasigan.

Page 233: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

233

"What the hell happened to you, Azusa?!" Galit na galit

ako. "Paano kung may nangyari sa iyong masama doon? Paano

kung bastusin at saktan ka ng mga tao du’n, ha?"

Tumawa lang nang pauyam si Azusa. "Saktan?

Kalokohan. Namamanhid na nga ako sa sakit e kaya wala nang

epekto kung saktan man nila ako." May hinanakit sa boses ni

Azusa.

"Bakit? Ano’ng nangyari, Azusa?" nalilito kong tanong.

"Wala naman. Nagpakatanga lang ako kaya ‘eto,

nasaktan ako," sagot ni Azusa at tumalikod siya mula sa

pagkakaharap sa akin.

"‘Yon ba? Azusa, tell me the truth, ano’ng problema?

Nahihirapan akong makita kang nasasaktan," sumamo ko.

Nabigla ako nang humarap sa akin si Azusa na hilam

ang mga mata sa luha. "Gusto mong malaman?! Nasasaktan ako!

Ang sakit-sakit, Haru…" Humagulgol si Azusa. Tinangka ko

siyang lapitan pero she shook her head. "Ba't ka nga pala

nandito? Doon ka na sa Bree mo. Baka makita pa niyang

nandito ka at mag-away kayo."

"Bree? Paano mo nakilala si Bree? At bakit kailangan ko

siyang puntahan? E hindi naman siya ang kasama ko. Ikaw,

Azusa, ikaw..." diin ko.

"Tama na, Haru. Stop playing with me. Panalo ka

na…" nanghihinang sabi ni Azusa.

"What do you mean?" ‘Di ko talaga ma-gets si Azusa.

Kanina lang e, okay naman kami.

Humarap ulit sa akin si Azusa. Walang tigil sa pagtulo

ang luha niya. Nasasaktan ako habang nakikita ko siya.

Page 234: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

234

"Fine! Mahal kita, Haru! Mahal na mahal kita! ‘Yan ba

gusto mong marinig? Panalo ka na! ‘Wag kang mag-alala, aalis

ako. Puwede mo nang gawin lahat ng gusto mo. I'll tell Mom na

hindi na tayo ikakasal. Magsama kayo ng Bree mo!" galit niyang

sigaw sa akin.

Hindi ko na halos alintana ang susunod na sinabi ni

Azusa. M-mahal niya ako?

Sinugod ko ng yakap si Azusa. Naramdaman kong

nabigla siya.

"B-bitiwan mo ako..." pagpupumiglas ni Azusa.

"There's no way I would let the girl I love go again..."

sagot ko.

"What?" takang-tanong ni Azusa.

"Mahal kita, Azusa…mahal na mahal kita."

Azusa's Point of View

"Mahal kita, Azusa…mahal na mahal kita."

What?!

Tinulak ko siya. "E, adik ka pala, e. Kanina kung

makipaghalikan ka kay Bree, wagas! Tapos sasabihin mo sa aking

mahal mo ako?" litanya ko. Parang nawala ang kalasingan ko

bigla.

"Halikan? Kay Bree?" takang-tanong ni Haru.

"Kanina! I saw it with my own two eyes!" angil ko.

"That's impossible. Nasa kuwarto ako kanina,

naghihintay na bumalik ka. See, I even have your headphone

with me. Naiwan mo ata kanina. At isa pa, hindi ko naman alam

na nandito si Bree. Lastly, there's no way na makikipaghalikan

Page 235: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

235

ako sa kanya. She's not even my girlfriend," mahabang paliwanag

ni Haru.

"Hindi mo siya girlfriend?"

"Of course not! Hindi ako ‘yung kahalikan niya

kanina."

Napakurap-kurap ako.

"At isa pa, magkaka-girlfriend lang ako kung sasagutin

mo ako ngayon," Haru said while he stared at me.

"B-bakit naman kita sasagutin, aber?" Pinamaywangan

ko siya.

"Because you love me and I love you..." He held my

chin and kissed me passionately. Sino ba naman ako para

magpakatuod,’ no? E di go na rin ako! Eeee!

He let go of me and smiled. "So does this mean..."

"Oy, m-manligaw ka na muna." Pulang-pula ako

habang sinasabi ko ‘yun.

He smiled and carried me again in his arms.

"W-wait…Sa’n tayo pupunta?!" taranta kong tanong.

"Honeymoon."

"What!? Put me down. Papatayin kita!" sigaw ko.

"Joke lang. I love you!"

Page 236: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

236

a

Chapter Thirty-Eight "HMMMM…"

Blink. Blink.

Umaga na pala. Tumagilid ako. Nasaan na ‘yung abnoy

na ‘yon? Wala na siya sa lapag, e. Ewan ko ba du’n kung ba't

biglang nagpumilit na sa lapag na lang daw siya matulog.

Huminga ako nang malalim. Hindi ba ‘to panaginip

lang? Mahal ba talaga ako ni Haru?

"Mahal kita, Azusa…mahal na mahal kita."

"Mahal kita, Azusa…mahal na mahal kita."

"Mahal kita, Azusa…mahal na mahal kita."

Napangiti na lang ako. Parang ngayon lang ako

nagdalaga. Ang laswa pakinggan.

Biglang bumukas ang pinto at naabutan ako ni Haru na

nakangiti na parang ewan.

"Oy, pinagpapantasyahan ako..."

Page 237: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

237

Sinimangutan ko siya. "Asa!"

"Suplada naman. Flowers for you." Inabutan niya ako

ng isang dosenang red roses.

"Para saan naman ‘to? Patay na ba ako at kailangang

alayan ng bulaklak?" tanong ko.

"‘Eto naman, ang taray. Ang aga pa. ‘Di ba halata?"

"Halatang ano?"

"Nanliligaw po ako, ale, FYI," sabi niya and smiled.

Automatic namang namula ang mga pisngi ko.

Umayos-ayos ka nga, Azusa! Nagmumukha kang sabik na sabik,

e.

"Mukha kang tomato. Pero maganda ka pa rin."

"Kainis ka! Paano ako naging maganda e, kakagising ko

pa lang. Mukha akong aswang," inis kong sabi.

Lumapit siya sa akin and kneeled. "Kahit may muta ka

pa o panis na laway, maganda ka pa rin kasi mahal na mahal

kita." Hinila niya ang kamay ko at itinayo ako. "Tara, breakfast

tayo."

Ako na, ako na ang kinikilig!

Pagdating namin sa resto, nakita namin na nandoon na

sina Van at Mark. Tinitigan ko si Mark. It seemed like si Van

lang ang nakikita niya. Nakakapanibago lang since no’ng una ko

pa lang pasok sa school namin e, balita na ang pagkababaero

niya.

Kaya nga nahila kami dito para bantayan sila, ‘di ba?

Kaya nga lang, imbis na bantayan ko sina Van at Mark,

Page 238: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

238

mukhang puso ko ang dapat kong bantayan, lalo na ngayo't alam

na ni Haru ang nararamdaman ko.

"Gandang umaga, ‘insan, Van," bati ni Haru sa dalawa.

"E? Mukhang ang ganda ng gising mo, ‘insan,"

makahulugang sabi ni Mark.

"May nangyari ba, best?" tanong naman ni Van.

"W-wala, a…" pagkakaila ko with matching pokerface.

Pinaghila ako ng upuan ni Haru at iginiya ako paupo. Pagtingin

ko kina Van at Mark, nakangisi nang nakakaloko ang mga

damuho. Ipa-salvage ko kaya sila?

"Talaga lang, huh? Baka mamaya, malaman naming

nagkakaigihan na talaga kayo," pahaging na sabi ni Van.

Biglang huminga nang malalim si Haru, kaya

napatingin ako sa kanya.

"Well, I believe you guys have to know."

Nagkatinginan sina Van at Mark. "Know what?" sabay

nilang tanong.

"Ano kasi—" pagsisimula ni Haru pero biglang

sumingit si Van.

"Oh my goodness, Azusa! Are you pregnant?!"

"O-of course not! Sabog ka, ‘no!" mabilis kong sagot.

"Ano nga kasi?" tanong ulit ni Mark.

"Ano kasi…" sabi ulit ni Haru. Pero this time si Mark

naman ang pumutol sa sasabihin ni Haru.

"Magtatanan kayo kasi gusto niyong magpakasal?!"

Binatukan ni Haru si Mark. "ULOL! Puwede bang

patapusin mo muna ako?!"

"Okay, okay," kalmadong sabi ni Mark.

Page 239: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

239

"I'm courting Azusa."

Natahimik silang dalawa. Pati ako. Then biglang nag-

apir ang dalawa. Kaya kami naman ni Haru ang nagtaka.

"E?" Tapos biglang natigilan sina Van at Haru tapos

mabilis na bumalik sa normal.

"Ang totoo? Naka-drugs ba ang dalawang ‘to?" tanong

ko sa sarili ko.

"Sa wakas, ‘tol. Nagkalakas-loob ka na rin!" sabi ni

Mark.

Ngumiti si Haru and looked at me. Ako naman,

nagkukunyaring nakatingin sa Menu. Nokokohoyo koyo!

Pagkatapos naming kumain, nag-empake na kami. ‘Di

nga ‘yon matatawag na empake e, heller? Ang kunti lang naman

ng dala kong gamit.

"Pst. Ganda." Boses ni Haru.

‘Di ako lumingon. Heller, ‘di naman ganda ang

pangalan ko. Azusa ako, Azusa. Biglang may sumundot sa

tagiliran ko kaya automatic akong napasigaw.

"Shhhh…Maingay," sabi ni Haru.

"Walang hiya ka! Wala ka talagang awa sa akin, abnoy

ka, ‘no?!"

Ngumiti si Haru. "Azusa?"

"O, bakit?"

"Papayag ka na bang magpakasal sa akin?"

Umiinom ako ng tubig no’n kaya nasamid ako. Halos

hindi ako makahinga.

Page 240: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

240

"Hey? Okay ka lang?"

Habul-habol ko ang hininga ko. Pagtingin ko sa kanya,

nakita kong pinipigilan niya lang ang tawa niya. Hinampas ko

siya nang malakas.

"Bwisit ka! Papatayin mo ako, e." Uubo-ubo pa ako.

"Hindi, a. Mahal kaya kita."

"W-wow, a. Ang sarap-sarap mong magmahal, abnoy,"

pang-iinis ko na lang.

Tumawa siya at nahiga na sa kama. Ako naman,

pumasok ng banyo para maligo. After 800 years ay lumabas na

ako ng banyo. Siyempre, bihis na, ‘no! Ang laswa ng isip mo!

Pagtingin ko sa kama, nakahiga pa rin si Haru at

nakapikit. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama.

Ang bait-bait talaga tingnan nitong mokong na ‘to ‘pag

natutulog. Tiningnan ko lang siya. Parang kahit ito lang ang

gawin ko buong araw ay hindi ako mabo-bore.

Napahinga ako nang malalim. Ay naku, Azusa. Akalain

mo, minahal mo ‘tong taong ‘to? Itong mokong na gumasgas sa

Opel Vectra mong mas mahal mo pa kesa sa sarili mo. Itong

mokong na ‘to na gumulo sa tahimik mong buhay. Itong

mokong na ‘to na dahilan kung bakit parang laging champion sa

Marathon ang puso mo sa bilis ng tibok nito. Ang mokong na

kahit katunog ng pangalan ni Shida ang pangalan ay mahal na

mahal mo.

I was just wondering kung kailan ko simulang minahal

si Haru. ‘Di ko na maalala…

Hahawakan ko na sana ang pisngi ni Haru nang bigla

siyang dumilat. Nag-freeze mid-air ang kamay ko.

Page 241: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

241

"Rape," sabi ni Haru.

"K-kapal nito!" asik ko.

"Weh? E, ano ‘yan?" nakangising tanong ni Haru sabay

turo sa kamay kong naka-freeze pa rin. Napatingin ako sa kamay

ko at automatic na binawi ito.

"M-may lamok, e…Oo, may lamok!"

Tumawa lang si Haru and tapped my head.

Van's Point of View

Naka-uwi na kami. Balik na kami sa dati. Isang linggo

na lang rin at babalik na kami sa school.

Umupo ako sa gilid ng pool namin at ibinabad ang paa

ko sa tubig.

"We'll act like real lovers until Haru decides to pursue

Azusa," sabi ni Mark.

"At bakit naman ako papayag?"

"At bakit naman hindi?" sagot ni Haru sabay pakita sa

akin ng video kung saan kumakanta ako. Nanlaki ang mga mata

ko. What the?!

"Where did you get that?!" Pinipilit kong kunin ‘yung

cellphone ni Mark pero hindi ko talaga abot. Hu-hu-hu!

Tumawa lang si Mark. "Deal?"

"In your dreams!" angil ko.

"Okay. Ipo-post ko na ‘to sa FB ko."

"Deal!" mabilis kong sagot.

Do’n, ‘yun ang punu't-dulo kung bakit ako nakaladkad

sa sitwasyong ito. I agreed to act as his girlfriend with two goals

in my mind: One, makuha ‘yung cellphone ni Mark at i-delete

Page 242: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

242

ang bidyong sisira sa napakaganda kong future. And two,

tumulong para magka-love life ang shunga kong best friend.

Pero…hindi naman kasama sa plano ko ang ma-in love

sa peke kong boyfriend.

Page 243: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

243

a

Chapter Thirty-Nine HE WAS STARING right into my eyes. I'm happy he's with me.

He moved closer. I felt him kiss my nose lightly.

Then I heard a kid's voice. I saw Haru playing with

him. They looked so cute. Habang nakatingin ako sa kanila, I

realized how much I love this man.

Boink. Boink.

Nananaginip na naman ako, pero parang iba ngayon.

Nagigising kasi ako noon sa tunog ng cellphone ko pero iba

ngayon, e. Parang yumuyugyog ang kama ko…

Boink. Boink.

Napadilat ako bigla. Sumakit tuloy ang mga mata ko.

Hu-hu!

Boink.

E? Tulog pa rin ba ako? Para kasing ‘di pa rin nawawala

‘yung yugyog, e.

Page 244: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

244

Tumingin ako sa paanan ko. At halos mawalan ako ng

ulirat nang makita ko kung ano ang nando’n.

"Li-li-lizard!" Napatalon ako mula sa kama ko, at

hawak-hawak ang dibdib na napasiksik ako sa sulok ng kuwarto

ko.

"Good morning, Mommy!" biglang may sumigaw.

Napalingon ako. Mas lalo akong natigagal. It's the boy…the

baby boy in my dream!

"Mommy? Hello? Okee ka lang pow bu?" sabi ni baby

boy. Halatang pilit ang pagta-Tagalog.

Napakurap-kurap ako. Huwait, huwait, kapeng mainit:

Paano nakalabas sa panaginip ko ang batang ‘to?! Don't tell me,

may sumumpa sa akin kaya paggising ko, ina na ako. Diyos ko!

Hindi pa po ako handa!

Nakahawak pa rin ako sa dibdib ko nang biglang

bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok ang guwapong-

guwapo kong manliligaw. E?! Erase, erase.

"Daddy! Gising na po si Mommy!" masiglang sabi ng

baby boy.

D-daddy?!

"M-may anak ka?!" hilakbot kong tanong. Nanlaki

nang bongga ang mga mata ko. Ang dami namang revelations

ngayon! Maloloker ako nito agad-agad!

Tiningnan ako ni Haru na parang alien ako sa paningin

niya. "Jasser, come here." Nakita kong lumapit kay Haru ‘yung

bata. "Inistorbo ba nito ang tulog mo?"

"Hindi naman. Pero teka lang, huh, wait…paano? I

mean, paano nagkaro’n ng bata dito?" lito kong tanong.

Page 245: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

245

Lumapit si Haru sa kama ko at naupo. Si Jasser naman,

pumatong rin at sa likod ko pa talaga pumwesto. "Jasser is my

cousin's son."

"Kay Mark?!"

Tumango si Haru. W-what?! M-may anak si Mark?!

Tiningnan ko si Haru with the what-the-eff-is-this

look. Bigla niya akong kinurot sa pisngi. "Joke lang! Pamangkin

namin ni Mark si Jasser. Hindi lang naman si Mark ang pinsan

ko, e.”

Nakahinga ako nang maluwag. "Pero, why is he here?

Bumisita sa’yo?"

"Uhm, parang gano’n na rin. Pero, he'll stay here.

Siguro for a week. May business deal kasi si Ate Abby kaya hindi

niya puwedeng isama si Jasser. Sa akin siya ibinilin," paliwanag

ni Haru.

"Gano’n ba?"

Hindi ako masyadong makapag-concentrate kasi si

Jasser, nilalaro ang buhok ko. Ang sakit na ng anit ko kasi halos

hilahin na niya.

"A-abnoy…masakit na ang buhok ko. Hinihila ni

Jasser," reklamo ko.

"That only means that he likes you," tugon naman ni

Haru.

"Wow! Ganito pala ‘tong batang ‘to? ‘Pag gusto niya,

nanghihila ng buhok?" tanong ko naman.

"Okay lang ba, Azusa, kung dito muna si Jasser?"

"Oo naman. Heller, bahay mo kaya ‘to. Malamang,

ikaw magde-decide."

Page 246: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

246

"Pero, you live here too, so may say ka sa lahat." Then

he smiled.

"Aww, oo. Okay lang."

Nasa Lanai ako ngayon. Pinapanood ko sina Haru

habang naglalaro ng PlayStation. Hindi na ako nakisali. ‘Di

talaga ako maka-relate, e.

Surprisingly, mula nang makabalik kami galing sa

resort, nakakapag-usap na kami ni Haru na hindi nag-aaway.

Parang okay na, pero kinakanabahan pa rin ako tuwing sobrang

lapit niya sa akin!

"Mommy."

Napalingon ako. Si Jasser nga, nakatayo sa gilid ko

habang may bitbit na lizard. Napausog ako palayo. Jusmiyo.

Ilayo niyo sa akin ang organismong ‘yan! Mamamatay ako nang

maaga!

Nakita kong pinakawalan ni Jasser ‘yung lizard at

humilata sa tabi ko.

"Mommy, are you and Daddy together?"

Tsismosang bata!

"No, Jasser. Friends lang kami ni Haru," sagot ko

naman.

"Aww…Ang lungkot naman pow, Mommy. Akala ko,

you too are together."

"No, were not." Ginulo ko ang buhok ni Jasser.

Page 247: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

247

"Pero po, can I still call you Mommy? Shige na po.

pleasssshh…" sabi niya with matching puppy eyes. Antokwa!

Ang cute ng batang ito! Hindi ako makatanggi. Wooo!

"Sure, baby. I'll take care of you hangga’t ‘di pa

nakakabalik si Mommy Abby mo, okay?"

"Yesh!" Then the cute boy hugged me.

"Nakakaistorbo ba ako sa moment ng mag-ina?" Boses

ni Haru.

Natigil kami sa pagkanta ni Jasser.

"Hi, Daddy! Dali, join ka dito!"

"Sige. Sasali na si Daddy."

Uupo na sana si Haru sa tabi ni Jasser nang biglang

pinigilan siya ni Jasser. "No, Daddy, you sit there—right next to

Mommy."

"Okay, boss!" tatawa-tawang sagot ni Haru.

Halos buong araw na nagharutan lang sina Haru at

Jasser. Kung makikita niyo sila, parang pinagbiyak na buko.

Kung ‘di ko lang talaga alam na pamangkin niya lang ‘to, e,

iisipin kong anak talaga ni Haru si Jasser.

"Mommy!" Biglang may sumigaw mula sa taas.

Kinabahan ako. Baka nahulog sa hagdan o nadulas sa kakatakbo

si Jasser. Halos liparin ko ‘yung hagdan makarating lang agad sa

taas. Humihingal pa ako pagdating ko du’n.

Page 248: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

248

Mabilis kong binuksan ‘yung pinto sa kuwarto ni Haru

at napatanga ako sa naabutan kong eksena.

Si Haru nakatayo habang nasa leeg niya nakapatong si

Jasser at mukhang tuwang-tuwa kasi halos maabot na niya ‘yung

cabinet na sobrang taas.

"Diyos ko naman, abnoy. Halos liparin ko ‘yung

hagdan kasi sumigaw si Jasser. Akala ko kung ano ng nangyari,"

reklamo ko.

"Mommy! Puwede po ba tayong maglakad-lakad sa

neighborhood?" lambing ni Jasser sabay pa-cute.

Sige nga, mga neneng: Sinong manhid ang kayang

tanggihan ‘yan?

Kaya ito kami ngayon, naglalakad. Nakasakay pa rin si

Jasser sa leeg ni Haru habang ako…ako… hawak ni Haru sa

kamay.

Si Jasser kasi, e.

"Mommy! Puwede po ba tayong maglakad-lakad sa

neighborhood?" lambing ni Jasser sabay pa-cute.

E?

"Please, Mommy. Gusto ko po makita ‘yung paligid. Kasi

po, we arrived here late last night kaya ‘di ko na po nakita ‘yung

paligid."

"Jasser, ‘wag mo na pilitin si Mommy, okay? Ako na lang

ang magpapasyal sa’yo," sabi ni Haru. Aba, ginawa pa akong

masama!

I saw how Jasser's expression changed from looking so

happy to pouting. Awww…Naaalala ko si Shida sa kanya.

Page 249: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

249

"Okay. Sasamahan kita, baby, okay?" sabi ko naman.

Fine. Ngayon lang naman, e.

Nasa labas na kami ng bahay nina Haru. Naka-jogging

pants ako at maluwag na shirt at gano’n din si Haru.

"Okay. Tara na, Jasser?" yaya ni Haru. Kaya ayun,

nakapatong na naman si Jasser sa leeg ni Haru.

"‘Di ba mabigat?" mahina kong tanong kay Haru.

"No. Ikaw nga, kaya kitang buhatin habang buhay, si

Jasser pa kaya," sagot ni Haru sabay ngiti.

Umiwas ako ng tingin. Ayokong makita ni Haru kung

gaano ako namumula tuwing kasama ko siya. Sige na! Ako na ang

may late reaction na pagdadalaga!

"Hey, Dad," tawag ni Jasser kay Haru.

"Hmmm?"

"Can you hold Mommy's hand?"

Napalingon ako. What was that?

"‘Wag na, baby. Baka magalit si Mommy sa’tin. ‘Di tayo

nagpaalam," palusot ni Haru.

"E di mag-ask ka ng permission to hold her hand, Dad,"

pangungulit ni Jasser.

"Pero, Jasser..." hirit ni Haru.

"Kung ‘di kayo magho-hold-hands, ‘di niyo ako love,"

dabog ni Jasser.

Aba! Spoiled na bata!

"Can I?" biglang sabi ni Haru sabay titig sa mga mata ko.

Hindi ako nakasagot agad. Nagmi-mix emotions na naman ako.

"Hello? Wake up, Mommy!"

Page 250: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

250

Napaigtad ako. "O-okay," mahina kong sagot. Then I felt

Haru's hand envelope mine.

"You see. Your hand and daddy's hand fit so well!" talak

ni Jasser.

Mahabaging Diyos! Ang bata pa ni Jasser, ang galing na

mag-matchmake!

I felt Haru squeeze my hand then he smiled at me.

Samantalang sa kabilang dako…

"Hmp. Sige, magpakasaya ka ngayon, Haru. ‘Pag

nailabas ko na ‘tong alas ko, tingnan ko lang kung hindi ka iwan

ng babaeng mahal mo. Mararamdaman mo rin kung gaano

kasakit ang naramdaman ko nang tanggihan mo ‘ko. And you'll

consider it your biggest mistake ever."

Sumakay na ako sa sasakyan ko and looked at the

envelope placed in the passenger's seat of my car.

"You just wait, Yoshida Haru. You'll come back

crawling. Ha-ha-ha!"

Pinaharurot ko na ang sasakyan ko palabas ng

subdivision nina Haru.

"I'll get my sweetest revenge soon. Very soon."

Page 251: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

251

a

Chapter Forty WHEN I LOOK into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right were you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

Page 252: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

252

I was playing my guitar right now. Nasa kuwarto lang

ako at nakahilata. Kaninang mga 3 kami nakabalik sa bahay. Ang

kulit ni Jasser. Halos buong subdivision ang inikot namin, a!

Humiga ako sa kama ko and then closed my eyes. Two

years after kami umalis sa unang subdivisiong tinirhan namin e,

bumalik ako. Fifteen na ako ngayon. Bumalik ako para bumisita,

at para makita si Shida.

I told him to wait for me.

Tanda ko pa ‘yung mga sinabi niya sa’kin the day na

aalis ako, at proud akong sabihin sa kanya na sinunod ko talaga

ang mga sinabi niya. Kaya I was hoping na madadatnan ko

siyang naghihintay sa akin.

Pagdating ko sa una naming bahay, agad akong

tumakbo papunta sa bahay nina Shida and pressed the doorbell.

"Sino po sila?"

"Azusa po. Is Shida home?" tanong ko.

Tiningnan ako nang maigi ng babae. "Naku. Walang

Shida’ng nakatira dito."

"Sigurado po ba kayo? Kasi po ang alam ko dito po siya

nakatira," sabi ko ulit.

"Pasensiya na talaga. Pero wala," sabi ng babae.

Nagtataka lang ako kung bakit ‘di siya makatingin sa akin nang

deretso.

Tapos biglang may lumabas na babaeng halos

kasingtanda ko lang. Naka-pigtails at pulang-pula ang lips.

Parang binabad ang nguso sa paint, e. Nakataas ang isa niyang

kilay habang nakapamaywang.

Page 253: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

253

"Ano ba, yaya! Bakit ang tagal mong bumalik?"

pagtataray ng babae.

"A, ma'am, may hinahanap ho kasi siya. Shida daw

po."

Nakita ko kung paano parang namutla ‘yung girl pero

bumalik lang din sa natural ang expression. "U-uhm…Wala.

Wala akong Shidang kilala. Close the gate, yaya. Balik ka na

dito."

Walang imik na tumalikod ‘yung sinasabi niyang yaya,

kaya naiwan akong nakatayo sa harap ng nakasaradong gate.

Nakatayo ako ngayon sa gilid ng daan, doon sa

parehong lugar kung saan kami unang nagkita ni Shida.

Napayuko ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

"A-akala ko ba, hihintayin mo ako…" bulong ko sabay

hikbi. "S-sabi mo, hihintayin mo ako…Pero nasa’n ka?"

Unti-unting pumatak ang maliliit na butil ng ulan.

Parang nakikiramay ang langit sa lungkot ko ngayon.

"Sabi mo…sabay tayong maliligo sa ulan ulit..."

Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kahit umuulan pa.

Anyway, I'm destined to end up like this. Hurt. Broken. In the

middle of solitude. No matter how hard I try, I end up always

alone.

Bigla akong nagising. Napahawak ako sa sentido ko.

Psh. Napanaginipan ko ‘yung bagay na pilit kong kinakalimutan.

Page 254: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

254

Bumangon ako at lumabas ng kuwarto. Iinom na lang

ako ng gatas at matutulog ulit. Pagtingin ko kanina sa wall clock

e 9 PM na.

Paglabas ko, nakita kong nakabukas pa ang pinto sa

kuwarto ni Haru. Hahawakan ko na sana ang doorknob pero

bigla akong natigilan.

"Maggu-good night lang naman ako, e…"

pagkukunsiti ko sa sarili ko. Napasampal ako sa sarili ko. "Adik

ka ba? Halata kang masyadong lukaret." Nagpatuloy na lang ako

sa paglalakad pero bigla akong napatigil nang may maulinigan

akong mga hikbi.

Pinakinggan ko nang mabuti kung saan galing ang mga

hikbi at iginiya ako nito papunta sa kuwarto ni Jasser. Mabilis

kong binuksan ang pinto ng kuwarto at naabutang

nakatalukbong si Jasser habang umiiyak.

"Jasser…may problema ba, baby?" marahan kong

tanong.

Hindi sumagot si Jasser, nagpatuloy lang sa pag-iyak.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan siya sa balikat.

"You can tell it to Mommy. I'll listen."

"I…I m-miss Mama Abby…I miss Papa…" mahina

niyang sabi in between sobs.

"Uuwi rin si Mama Abby mo, baby. Soon. Sa ngayon,

nandito naman ako. Now tell me what I can do for you, baby?"

Bumangon si Jasser at humarap sa akin na maluha-luha

pa. "There's this one night when Mom and Dad slept right next

to me. Ang saya-saya ko po noon, Mommy..."

O-okay…I can sense something here. Don't tell me…

Page 255: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

255

"Can you and Dad sleep right next to me?"

Nagdadalawang-isip pa ako kung kakatok ba ako. Nasa

labas ako ngayon ng kuwarto ni Haru.

"Azusa, do it for Jasser," kumbinsi ko sa sarili ko.

Nagbilang ako ng tatlo. On three, kakatok na talaga ako.

1…

2…

3…

Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto

at tumama sa mukha ko. As in, pasok na pasok sa banga!

Napaupo ako sa sahig sabay hawak sa mukha ko. Ansakiiiiiiit.

"Azusa?" Agad naman akong tinulungan ni Haru.

"Okay ka lang ba?"

"A-aww…" reklamo ko. Ilong ko, ang sakit. Parang

bigla e feeling ko parang nagmukhang airport ang ilong ko.

"I'm fine."

"Sa susunod kasi, ‘wag kang tatambay sa harap ng

pintuan ko. ‘Di naman ‘to amusement park, e," reklamo ni Haru

sabay kamot sa ulo.

"Sira ulo ka ata! Ikaw na nga ang nakasakit, ikaw pa ang

maangas! Patayin kaya kita!" angil ko naman.

"O, o, kalma lang. ‘Di naman kita inaangasan.

Nagsasabi lang ako."

I rolled my eyes. Psh. Kung ‘di ko lang siya kailangan

para maging okay si Jasser e at kung ‘di ko lang ‘to mahal,

pinugutan ko na ‘to at ipinaulam sa mga piranha!

Page 256: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

256

"So, bakit ka pala nakatambay sa harap ng pinto ko?"

"Wala," sabi ko sabay talikod. Pero nahawakan niya

ako sa kamay.

Dug-dug.

"I know there's something. What is it?"

Napayuko ako. ‘Di ko kayang sabihin sa kanya. "A-a..

a-a, ano kasi..."

"What?"

"Jasser wants..."

"Jasser wants to?"

"He wants us to sleep at his room tonight," sabi ko

habang nakapikit nang mariin.

Hindi sumagot agad si Haru, so I assumed na ayaw

niya talaga.

"P-pero okay lang. Kung ayaw mo, ako na lang. I'll

just…well…make up some excuses. He-he…"

"Do I have to bring my own pillow?" sabi ni Haru

sabay ngiti sa akin.

Nasa gitna namin si Jasser. I was on his right and

Haru's on his left. Nakatitig lang ako sa kisame habang si Haru

ay nakatingin sa nakabitin na ball sa cabinet ni Jasser.

"Tulog na tayo?" mahina kong tanong kay Jasser.

"One song…"

Nagkatinginan kami ni Haru.

Page 257: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

257

Nagsimulang kumanta si Haru habang ako naman e

nakatingin pa rin sa kisame. This was too awkward for me. We

looked like we're a family at si Jasser ang baby namin. It

somewhat gave me this warm feeling in my heart na ‘di ko rin

alam ang dahilan.

When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

I remained quiet habang kumakanta si Haru. Wala

akong planong kumanta. Nakokohoyo! Pero naramdaman kong

nakatingin sa akin si Jasser.

"Why, baby?" bulong ko.

"Sing, Mommy…"

"P-pero…" I was about to say ‘no’ but seeing Jasser's

face made up my mind. I started singing with Haru.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right where you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

Page 258: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

258

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

Never in my entire life have I ever thought of

experiencing these things. Mula sa pagiging lalaki pa sa totoong

lalaki, nakaladkad ako sa isang engangement, was followed by a

monster a.k.a alien na lalaki, stayed at his house, fell in love with

him and was now taking care of a cute child with him. I felt like

a true mother, kahit na alam kong play house lang ‘to.

Surprisingly, I loved Jasser in a short period of time and

more importantly, I love this man.

Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko until I fell

into the world of dreams.

"Well, I won’t give up..."

Page 259: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

259

a

Chapter Forty-One Van's Point of View

"I WANT TO see him," una kong nasabi paggising ko.

Automatic akong napatakip sa bibig ko. Ibinaon ko ang mukha

ko sa unan at tumili na sobrang lakas. "Ayoko na…Please, help

me forget him. Ang laki na ng eyebags ko. Pagod na akong

umiyak. Naglalabasan na ang mga pimples ko. Tumataba na ako.

Please, help me forget him…" sabi ko. Kahit wala akong kausap

gusto ko lang mailabas ang nararamdaman ko.

I grabbed my phone and stared at my wallpaper. We

looked so happy back there. I never felt like I was just acting. He

never made me felt like we were just playing and acting as fake

lovers. I never saw him look at other girls. Kahit na mukha

akong zombie ‘pag bago akong gising pero he would still tell me

I'm beautiful. Kahit na wala sina Haru at Azusa na nakikinig sa

Page 260: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

260

amin, he would still treat me as his girl. Now tell me, can you

blame me if I fall in love with him?

"Please, help me forget him. Ayoko nang umiyak. I love

him too much…"

"Sino ba ‘yan? Dali, tutulungan kita."

Dug-dug.

When I heard that voice, parang tumigil ang puso ko.

It can't be…

Lumingon ako sa bintana pero wala akong nakitang

Mark. Napayuko ako. I must be imagining things. Sinampal-

sampal ko ang sarili ko.

Maybe, I just miss him too much.

Mark's Point of View

"I wan't to see her." Napayuko ako at napapikit nang

mariin. "Shit.." I said.

"Wow, dude, ang lumanay mong magmura," sabi ni

Drew sabay tapik sa balikat ko.

Hindi ako sumagot. Wala ako sa mood ngayon. Kahit

saan ako tumingin, mukha ni Van ang nakikita ko.

"Dude, punta tayo sa tambayan mamaya. Marami raw

hot babes do’n. Mukhang ‘yan ang kailangan mo para bumalik

ang ulirat mong lumulutang sa alapaap," sabi naman ng isa kong

kaklase. Nagtawan ang lahat maliban sa akin.

"Ano? Punta tayo mamaya?" tanong ulit ng kaklase ko.

Bumuntong-hininga ako. "Pass muna ako, mga ‘tol.

May dadaanan pa ako," tipid kong sagot.

Page 261: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

261

"Wow, a. Dalawang linggo ka nang may dinadaanan,

dude, a. Check attendance ba?" pabirong hirit ni Drew.

‘Di ako sumagot ulit.

"Dude, isang tanong, isang sagot: May sineseryoso ka

na, ‘no?"

Doon ako nabigla. Umiwas ako ng tingin. "W-wala, a.

Ako, magseseryoso? Kilala niyo ‘ko. Wala sa vocabulary ko ‘yan."

Tiningnan nila ako nang maigi. "Wala nga ba?"

Naasiwa ako sa mga titig nila.

"Hoy, mga gago! Ang laswa niyo makatingin! Alam

kong guwapo ako pero ayaw ko sa ganyang tingin. Gay," sabi ko

naman.

"Hoy! Mas gago ka! Wala kaming planong maging

bakla! Sayang ang lahi namin!" sabay-sabay nilang angil sa akin.

Doon na ako natawa. Ang kulit talaga ng mga kaibigan

ko. "Pero, pass muna talaga ako. May kailangan lang akong

puntahan."

"Okay. Pero, seryoso lang, dude, a. Kung ano man

‘yan, puwede mong sabihin sa amin. Tropa tayo, ‘di ba?"

Tumango ako at nagpaalam na.

"I need to see her."

Nasa tapat na ako ng bahay nina Azusa ngayon.

Tumingin ako sa bintana ng kuwarto ni Van. Dalawang linggo

na pala akong tumatambay diyan ‘pag gabi, pinapanood na

matulog si Van.

Page 262: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

262

Napaisip ako. Mula no’ng pumunta kami sa resort, ‘di

na ako nakagala pa at nakapaghanap ng girls. Kahit ngayon na

tapos na ang pagpapanggap namin, parang wala sa isip ko ang

maingwit na naman sa ilog na kaharutan.

Makita ko lang si Van, nakukuntento na ako.

Pero iba ngayon. Gusto ko siyang makausap. Gusto ko

siyang makasama. I want to hold her hand again.

Nakahilata si Van sa kama niya at nakatitig sa kawalan.

‘Yan ang eksenang naabutan ko sa may bintana ni Van. Nandito

na naman ako, nakamasid sa kanya.

"Please, help me forget him. Ayoko nang umiyak. I love

him too much…" sabi ni Van.

Nabigla ako. In love si Van?

Parang sinuntok ako ng ilang beses nang maisip akong

may mahal siyang iba. Hindi ko napigilang magsalita.

"Sino ba ‘yan? Dali, tutulungan kita."

Nakita kong nabigla si Van. Nag-freeze siya mula sa

pagtampal-tampal sa unan niya. Pero bago pa man makalingon si

Van ay naduwag ako, kaya nagtago ako sa gilid ng bintana niya.

Nasa tapat na ulit ako ng bahay nila. Bumaba na ako.

‘Di na ulit ako nagkalakas-loob na magpakita kay Van. I want to

hug her badly…I miss my girl…

Nasuntok ko ‘yung puno. "Shit! Kailan ka pa naduwag,

Mark?"

Page 263: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

263

Azusa's Point of View

Tapik.

Tapik.

"Wake up, Azusa…"

Tapik.

"Hmmm..." mahina kong ungol. Inaantok pa ako, e.

Hu-hu-hu.

Binuksan ko ang kaliwa kong mata, tapos ‘yung kanan.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. Mukha ni Haru ang

nabungaran ko. Ang lapit-lapit niya! Napabalikwas ako nang

bangon kaya tumama ang noo ko sa noo ni Haru.

Blag!

Pareho kaming napahawak sa mga noo namin.

"O-ouch..." reklamo ko.

"Tshhh..." sabi naman ni Haru. "Ang tigas ng bungo

mo, Zuzu."

Sinimangutan ko siya. "Che!"

"Joke lang."

"Ba't ka ba kasi nakaharap sa akin kanina?!" tanong ko

sa kanya.

"Ginigising kita."

"Bakit?"

"Si Van, tumatawag," sagot naman ni Haru.

"Kanina pa ba?"

"Oo. Paos na nga ‘yang cellphone mo kakakanta, e.

Naawa na ako kaya ginising na kita."

"Salamat," tipid kong sagot.

Page 264: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

264

"Ang hirap mo gisingin, a. Mukhang ang sarap ng tulog

mo kasi katabi mo ako," tatawa-tawang puna ni Haru.

Sinapak ko siya. "Ang kapal mo, a!"

"Aray naman!" reklamo ni Haru.

I stuck my tongue out at lumabas na.

"Hello, best?" sagot ko sa phone ko.

"Best, kailangan ko ng tulong mo," sabi naman ni Van.

Page 265: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

265

a

Chapter Forty-Two "BEST, KAILANGAN KO ng tulong mo."

Papunta ako ngayon sa bahay ni Van. Ano naman kaya

ang nangyari sa babaeng ‘to. Ang lungkot ng boses, e.

"Good evening po, ma'am."

Tango lang ang sinagot ko sa gwardiya nina Van.

Dumeretso ako sa pool. Ando’n daw kasi si Van.

Nakita ko siyang nakaupo at nakatitig sa kawalan.

"Best..." mahina kong tawag.

Lumingon siya at bigla akong tinakbo nang yakap.

"O? Ano’ng problema?"

"B-best…I-I'm s-sorry..."

"Bakit? Para saan?"

"You already warned me. Pero hindi ako nakinig…"

Isa lang talaga ang naisip ko: Niloko siya ni Mark.

Page 266: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

266

"Ano’ng ginawa sa’yo ni Mark? Niloko ka niya, ‘no?

Papatayin ko ‘yun," galit kong sabi.

"N-no, best.. I believe you have to know," mahinang

sabi ni Van sabay yuko.

"Know what?"

"Please…don't be mad at me."

"I won't, I promise."

"Hindi naman talaga kami ni Mark, e."

Nanlaki ang mga mata ko. "What do you mean?"

"We were just acting. In short, plano lang ang lahat.

Ginawa namin ‘yun para sa inyo, para tuluyan na kayong

maging okay ni Haru."

Nabigla ako. "O-okay…hindi ako galit. Actually,

thankful ako sa inyo. Pero bakit umiyak ka?"

"I…I'm in love with Mark..."

"Okay. ‘Yun lang pala e," sabi ko naman.

Pero nang maintindihan ko na talaga…

"WHAT?!"

"I'm sorry, best."

"Bakit? Ano’ng nagyari? Ginayuma ka ba niya?" taranta

kong tanong.

"We looked so happy back there. I never felt like I was

just acting. He never made me felt like we were just playing and

acting as fake lovers. I never saw him look at other girls. Kahit na

mukha akong zombie ‘pag bago akong gising pero he would still

tell me I'm beautiful. Kahit na wala sina Haru at Azusa na

nakikinig sa amin, he would still treat me as his girl. Now tell

me, can you blame me if I fall in love with him?"

Page 267: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

267

Bumuntong-hininga ako. "Noong nasa resort tayo,

nakikita ko na. You two seem to be so in love. Mukhang mas in

love ka pa nga kesa sa akin, e. At si Mark, hindi ko na

nababalitaan na nambababae ‘yun."

"P-pero…hindi niya naman ako mahal, best, e."

Niyakap ko si Van. "Stay here, okay? Kukuha muna

ako ng tubig. ‘Wag kang aalis diyan."

Imbis na kumuha ng tubig e lumabas ako ng bahay

nina Van at kinuha ang phone ko. Tatawagan ko na sana si

Mark pero nabigla ako nang makita kong nakatayo siya sa labas

ng bahay nina Van at nakatingin sa bintana ng kuwarto ni Van.

"Mark?"

Lumingon siya at ngumiti sabay kamot sa ulo. "Azusa,

ikaw pala."

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Malalaki ang

hakbang na lumapit ako kay Mark at tinanong ko siya. "Do you

love Van?"

"What?" takang-tanong ni Mark.

"Answer me: Do you love Van?!"

Mark looked at me straight. "Yes. Very much..."

Napangiti ako. Hinila ko papasok si Mark at tinuro

kung nasaan si Van. "I guess it's time for you to talk."

Van's Point of View

Masaya ako kasi hindi nagalit si Azusa. Pero ang

lungkot ko kasi hindi mawala sa isip ko si Mark.

Page 268: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

268

Ibinabad ko ang paa ko sa pool. "Ang tagal naman ni

Azusa’ng bumalik. Ilang galong tubig ba ang kinuha no’n?"

Nakarinig ako ng mga yapak. I was expecting it's Azusa

kaya hindi na ako lumingon.

"Best, hindi ka ba talaga galit sa akin? Ang tanga ko

kasi. Binalaan mo na ako pero hindi ako nakinig."

Walang sumagot pero okay lang. At least, nakikinig sa

akin ang best friend ko.

"Best, mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si

Mark. Pero ako—"

Mark's Point of View

Pagkarating ko sa pool, nakita ko si Van na nakaupo,

nakababad ang mga paa at nakayuko. Lumapit ako at tumigil

nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya.

"Best, hindi ka ba talaga galit sa akin? Ang tanga ko

kasi. Binalaan mo na ako pero hindi ako nakinig."

Hindi ako sumagot. Kasi siyempre, hindi ako ang

kinakausap. I only listened. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang

susunod niyang sinabi.

"Best, mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si

Mark. Pero ako—" M-mahal ako ni Van? Hindi ko mai-

paliwanag ang saya ko. Mahal ako ng babaeng mahal ko!

Hindi ko na siya hinayaang makatapos pa sa dapat

niyang sasabihin. "Mahal ka rin non. Mahal na mahal ka niya,"

dugtong ko sa sinabi ni Van.

Page 269: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

269

Van's Point of View

"Mahal ka rin non. Mahal na mahal ka niya."

Boses ni Mark ‘yun, a. Nagi-imagine pa rin ba ako?

Unti-unti akong lumingon. And then I saw Mark,

standing there, smiling…

Unti-unti akong tumayo. "Tell me I'm just dreaming.

Mukhang nakatulog na ako kakahintay kay best friend na

bumalik sa pagkuha ng tubig, e," sabi ko sabay tawa nang hilaw.

Lumapit sa akin si Mark then hugged me. "If you're

dreaming, then I must be dreaming, too."

"Joke lang ‘tong lahat, ‘di ba?"

Mark looked into my eyes. "Kung joke lang ‘tong lahat

ng nararamdaman ko, dapat sana nasa tambayan na naman ako

at kasama ang maraming babae. At dapat sana, hindi kita gabi-

gabing minamasdan sa bintana mo habang natutulog. At dapat

sana, hindi ako nasaktan nang gano’n no’ng narinig ko mismo

sa’yo na may mahal ka at gusto mo siyang makalimutan."

"You were really there?" taka kong tanong.

Tumango siya. "Naduwag lang ako. Natatakot akong

malaman na may mahal kang iba. Na hindi mo ako mahal," sabi

ni Mark.

Napatanga na lang ako.

"Mahal kita, Van. Do you love me, too?"

Tumango ako. H-he…loves me…

He held my chin. "I want to hear it, baby. Please, let

me hear it."

"I love you..." mahina kong sabi.

Page 270: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

270

"And I love you a thousand more. Much more than

you could ever imagine." And the wall that I tried to put up

around me shattered into pieces right then and there.

Page 271: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

271

a

Chapter Forty-Three Azusa's Point of View

NASA MALL AKO ngayon. Shopping galore. Kanina e kasama ko

si Van kaya lang biglang kinaladkad ng irog niya. Ayon, ewan ko

kung saan sila naglakwatsa.

Actually, ang cute nila tingnan. Nakakainggit. Kailan

pa kaya ako magkaka-love life nang gaya non?

Psh. Tigil-tigilan mo ‘yan, Azusa. Naloloker ka na.

Nag-ikot ikot lang ako. Pumasok ako sa NBS at

naghanap ng magandang libro na babasahin. Nakaka-bore na

kasi. Pero lumabas rin akong walang dala. Wala akong

napagtripang basahin.

Pumasok ako sa shop ng sapatos at nagtingin-tingin.

"Ang cute naman nito."

Page 272: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

272

"Ma'am, bagay po ‘yan sa inyo," sabi ng isang babae.

Pagtingin ko sa nagsalita…

"Mitty?"

"Azusa?" sabay naming sabi.

"Ano’ng gingawa mo dito?" taka kong tanong.

"Ay, tinutulungan ko lang si Mommy. Napagtripan

kong dito muna igugol ang oras ko habang wala pang klase."

"Gano’n ba? Uhm..." Tiningnan ko ulit ‘yung sapatos.

Ang cute talaga. "I'll take this."

Ngayon naman nasa Bench shop ako, namimili ng

damit. May nakita akong couple shirt at napangiti ako.

"Ma'am, sir, mukhang natuwa po ang manager namin sa

inyo. Kaya kayo po ang pinili na couple of the day. Pakisuot na lang

po ang couple shirt niyo tapos pipiktyuran ko po kayo para sa

tarpoline for this day."

What?!

"Hindi, ‘wag na. Iba na lang piliin niyo."

"KJ naman ni babe." He pouted.

"Tigilan mo nga ako sa babe-babe mo diyan!"

"Bakit? ‘Di ba ikaw naman ang unang nagtawag sa’kin

niyan?" he said in between.

"Shut up!"

"Dali na, picture lang naman, e." Hinila niya ako bigla

tapos tinulak nang marahan papunta sa fitting room.

Wala na akong choice. Nagtyi-cheer na ang ibang

costumers, e. Paglabas ko, nakita kong nakabihis na rin siya.

Page 273: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

273

Piniktyuran kami. Iba-ibang pose. Naaasiwa na nga ako

kasi ang lapit namin sa isa't-isa.

"Okay, last pose na po. 1-2-3!"

Na-shock ako. Inakbayan niya ako then nagsalita nang

mahina:

"I love you…"

Napangiti na lang ako habang nakatingin sa couple

shirt.

"Excuse me, miss. I'll take this. "

Uuwi na sana ako nang biglang maalala ko si Jasser.

"Ay, ano ba magandang bilhin para kay baby?"

Paglingon ko may nakita akong bola. "Eureka."

"Whooo…" Hihingal-hingal ako. Ang dami ko naman

kasing pinamili. Ang bigat-bigat na. Dapat pala kinaladkad ko na

lang si abnoy para may kargador ako pag-uwi. Ha-ha! Ang sama

ko.

Blag!

Nahulog ang mga pinamili ko. May nabangga ata ako,

o ako ata ang binangga. Pero kahit na alin du’n, nahulog pa rin

ang mga pinamili ko.

Nagsimula na akong pulutin sila pero may may nakita

akong babaeng tumulong rin. Pagtayo niya, nanlaki ang mga

mata ko.

"Bree?"

"Oh, Azusa…Fancy meeting you here," sabi niya with

the ever pauyam na ngiti.

Page 274: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

274

Hindi ako sumagot at kinuha na rin ang mga gamit

kong siya ang pumulot.

"Pasensiya na kung nabangga kita. Ang tanga ko kasi.

Alam mo na, bulag e," sabi niya. Napapansin kong in-emphasize

talaga niya ‘yung ibang words: tanga at bulag. E sapakin ko kaya

‘to.

"Pasensiya na rin," tipid kong sabi.

"Oh, and by the way," sabi ni Bree. Tiningnan ko siya.

"Babae rin ako, kaya I care for you."

"What do you mean?" taka kong tanong.

"Do you really know the man na hinahayaan mong

lumapit sa’yo?"

Kumunot ang noo ko.

"Baka hindi mo pa talaga siya kilala. He might be

hiding something really stinky. Kaya I wish you luck. Mag-iingat

ka. Baka, sa huli ma-realize mong sa kakaiwas mo sa sawa,

pumasok ka na pala sa tirahan ng cobra." Then inabot niya sa

akin ang huling paper bag na pinulot niya kanina. "Bye, Azusa.

Take care!"

Naiwan ako doong nalilito. Sino ang tinutukoy niya sa

sinabi niya?

Pagkauwi ko sa bahay, dumeretso ako sa kuwarto ko.

Mukhang wala sina Haru at Jasser, a. Pagpasok ko sa kuwarto

ko, napasin ko kaagad ‘yung maliit na note sa table ko.

Page 275: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

275

Zuzu,

I have something

important to tell you to-

night. I'll be back at 6. I

love you pretty girl. :)

- Haru

Napangiti ako sa nabasa ko. Si Haru talaga.

"Hmmm? What am I gonna wear?"

Binuksan ko ang cabinet ko, pero sinara ko lang din

ulit. "Yuck, Azusa. Kailan ka pa nagkaro’n ng pakialam sa

isusuot mo?"

"Pero…’di naman masamang mag-prepare, ‘di ba?"

palusot ko naman.

Kaya ayun, hinalungkat ko ang cabinet ko. Nang

makahanap na ako ng damit ko, napatingin ako sa mga pinamili

ko. Kinuha ko sila sa mga paper bag. Paghila ko sa couple shirt,

may nahulog na brown envelope.

"Teka? Wala naman akong maalalang bumili ako ng

envelope, e."

Binuksan ko ‘yung envelope at kinuha ang mga laman

nito. At natigagal ako sa laman.

Mga pictures ni Haru?!

"Well, bakit may pictures ni Haru dito?" Nagtataka na

talaga ako.

Page 276: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

276

Bawat picture kasi e, mas bumabata si Haru. Nasa

kalagitnaan na ako ng mga pictures nang makita ko ‘yung

lalaking nakangiti.

"This…He looks like Shida…"

Don't tell me…

Mabilis kong tiningnan ang ibang mga pictures at nang

makita ko ang panghuling picture, nabitiwan ko lahat.

Si Haru at Shida ay iisa?!

Tiningnan ko ang mga pictures na nagkalat sa sahig, at

nahagip ng mga mata ko ang picture namin ni Shida na

magkatabi. Nanginginig ang kamay ko nang pulutin ko ‘to.

"A-ang tanga tanga ko…Bakit ‘di ko nga ba napansin

ang resemblance nila. Shida. Yoshida... Tama, iisa nga sila. Bakit

‘di niya sinabi sa akin ang totoo? Akala ko ba mahal niya ako?

Pingamukha niya akong tanga."

Mabilis kong kinuha ang mga damit ko at nag-impake.

Nang nakasay na ako sa sasakyan ko, tiningnan ko

‘yung bahay na halos dalawang buwan ko ring tinirhan. Ang

lugar kung saan pinuno ng kakulitan ko at ni Haru ng mga

alaala. Ang lugar kung saan natutunan kong mahalin si Haru. At

ang lugar kung saan nadurog ang puso kong hinayaan kong

wasakin ni Haru—ni Shida.

Tumulo ang luha ko. Pinaandar ko na ang sasakyan at

umalis na.

Haru's Point of View

"She's not coming."

Page 277: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

277

Apat na oras na akong naghihintay sa kanya. I decided

to go home. Dumeretso ako sa kuwarto ni Azusa.

"Azusa, papasok ako."

Walang sumagot.

Pinihit ko ang doorknob. Hindi naka-lock. I pushed

the door open and what I saw broke my heart.

Azusa's not here. Her cabinet was empty. The room was empty.

"Azusa…"

Page 278: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

278

a

Chapter Forty-Four Two months after

"HERE’S YOUR JUICE," mahina kong sabi.

Tinanggap ni Van ang baso. "Best, are you really all

right? You look really pale. I'll bring you to the hospital if you're

not feeling good."

I shook my head. "Okay lang ako." I forced a weak

smile.

"Why don't you talk to him?"

Yumuko ako. "Wala na kaming dapat pang pag-usapan.

Masaya na ‘yon kasi naloko niya ako."

"I guess, you should hear his side first, best," sabi ni

Van.

"Best, please…let's not talk about this."

Tumango na lang si Van.

Page 279: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

279

Van's Point of View

Mukhang wala na kaming choice kundi gawin ‘to.

Ayaw talagang kausapin ni Azusa si Haru. ‘Eto namang si Haru,

parang laging wala sa sarili. Lagi na lang tahimik at ‘pag

nababanggit ang pangalan ni Azusa e, parang nagiging gloomy

ang atmosphere.

Ring…Ring…

"Hello, Mark."

"O, babe? Kamusta ang pakikipag-usap mo kay Azusa?"

"Ayaw talaga. Galit na galit pa rin kay Haru."

"I guess we have no choice. Are we gonna do it?"

tanong ni Mark sa kabilang linya.

"Call the others. Let's do this!"

Azusa's Point of View

Dalawang buwan na rin. Dalawang buwan ko na ring

‘di nakikita si Haru. A week after kong umalis sa bahay niya ay

lumipat ako ng school. I made up excuses para payagan ako nina

Mommy't Daddy. Mula noon, wala na akong narinig mula kay

Haru.

I guess, nagdidiwang na ‘yon ngayon kasi wala na ako.

Plus, napaikot niya pa ako nang walang kahirap-hirap. Matapos

niyang ‘di tuparin ang pangako niya when I was still fifteen,

bumalik siya para saktan ako four years after.

Ang sakit non.

Nasa labas ako ngayon ng bahay, naglalakad-lakad. Sabi

nila maputla na raw ako. Hindi kasi ako masyadong lumalabas

ng bahay kay bihira akong mainitan.

Page 280: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

280

Naka-headphone ako at sumasabay sa kantang naka-

play. Naka-shuffle kasi ang kanta ko kaya natigilan ako nang

biglang tumugtog ang kantang pamilyar na pamilyar sa akin.

When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right were you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

Napapikit ako nang mariin. This song brings back

memories. Papalitan ko na sana nang biglang may van na tumigil

sa harapan ko. Hindi ‘yung best friend ko kundi isang van na

sasakyan. Tapos biglang bumukas ‘yung pinto at hinila ako

papasok. Nagpupumiglas ako pero lima sila, tapos puro naka-

bonet. Natakot na talaga ako. Lord, mamamatay na po ba ako?

Piniringan nila ako at pinaupo.

"‘Wag kang maingay kung ayaw mong masaktan," sabi

ng isang kidnapper.

Page 281: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

281

Teka, bakit parang pamilyar ang boses? Pero imbis na

mag-focus ako du’n, pinangibabawan na ako ng takot at kaba.

Tumigil ang van at binuhat ako ng isa.

"T-teka, sa’n ninyo ako dadalhin?!"

Walang sumagot. Sa halip patuloy lang sila sa pagbitbit

sa akin. Hanggang makarinig ako ng malakas na tunog.

Teka? Malapit ba kami sa isang helicopter?

At ‘di nga ako nagkamali. Isinakay nila ako do’n.

Abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Lord…ihu-

hulog po ba nila ako sa Pacific Ocean? O ipapatapon sa Bermuda

Triangle? Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Goodbye, Earth. Hu-hu-hu.

Matapos ang halos thirty minutes atang lipad e, unti-

unting nag-landing ang helicopter at binuhat ulit ako ng isang

lalaki.

"Aaaaah! Wag niyo akong ipakain sa pating!" tili ko.

Naramdaman kong ibinaba nila ako sa buhanginan.

Ilang sandali lang parang naiwan akong mag-isa. May piring pa

rin ako kaya ‘di ko makita kung nasaan ako.

Ay, puwede ko nga pa lang tanggalin ang piring ko.

Tangengot talaga ako.

Pagtanggal ko sa piring ko nagtaka ako sa nakita ko.

Ang dilim ng paligid at nasa likod ko lang ang dagat. Inikot ko

ang paningin ko.

"Azusa…"

Parang tumigil ang puso ko sa pagtibok nang marinig

ko ang boses na iyon. Paglingon ko, si Haru nga.

"Can we talk?" sabi niya ulit.

Page 282: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

282

"Nandito na ako, so I believe wala na akong choice,"

malamig kong tugon.

"I'm sorry, Azusa…I didn't mean to hide it from you.

Sasabihin ko rin naman sa’yo, e. Humahanap lang ako ng

tiyempo."

Tiningnan ko siya. "Sasabihin? Kailan? ‘Pag wala na

akong magagawa? ‘Pag hulog na hulog na ang loob ko sa’yo?

Haru…mali pala. Shida, I trusted you. Minahal kita. Pero what

did you do?!"

Nakita kong yumuko si Haru. "I'm so sorry, Azusa.

Mahal na mahal kita, alam mo ‘yun… Natatakot lang akong

mawala ka ‘pag sinabi ko sa’yo."

Tinangka niyang lumapit sa akin, pero I shook my

head. "Wala na rin namang pupuntahan tong pag-uusap natin,

kaya itigil na natin ‘to."

"Azusa..."

"Don't worry, you're forgiven." Tumalikod na ako.

Kailangan kong makaalis dito bago pa ako talunin ng

nararamdaman ko para kay Haru.

"Hindi mo na ba ako mahal, Azusa?" Punung-puno ng

hinanakit ang boses ni Haru.

Hindi ako nakasagot. Gustong-gusto kong isampal kay

Haru kung gaano ko siya kamahal pero ang sakit-sakit pa rin ng

nararamdaman ko dahil sa pagsisinungaling niya at pagtatago

niya sa akin ng totoo.

"Hindi mo na ako mahal…mukhang wala na akong

magagawa," nanghihinang sabi ni Haru.

Tumulo na ang luha ko. Ang sakit naman nito.

Page 283: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

283

"I hate you, Daddy!"

Pareho kaming nabigla ni Haru nang marinig namin

‘yon. Sabay kaming napalingon. Si Jasser, nakatayo sa

dalampasigan at umiiyak.

"Jasser..." sabay naming sabi ni Haru.

"I hate you, Daddy! Sabi mo, ibabalik mo si Mommy.

Sabi mo, ‘di ka susuko. Sabi mo, ibabalik mo sa akin ang

Mommy ko?!"

"J-Jasser…hindi na ako mahal ng Mommy mo,"

nanghihinang tugon ni Haru.

Sobrang nahihirapan na ako.

"Pero, Daddy! Susuko ka na lang ba?! Why don't you

tell Mommy how much you love her?"

Natulala ako. Kailan pa natuto si Jasser tungkol sa

ganitong bagay?

Yumuko si Haru. "Tama na ‘yan, Jasser. Let's go home.

Ayaw na ng Mommy mo sa akin."

"No! Why don't you tell Mommy na mula nang umalis

siya, halos gabi-gabi kang umiinom? Na palagi na lang kitang

nakikitang nakatanaw sa labas? Na you even cried. You cried so

hard, Daddy. I saw your shoulders shake, Dad!"

Napanganga ako. Si Haru? Umiyak dahil sa akin?

"Jasser, tama na," sabi ni Haru. Pagtingin ko sa kanya,

umiiyak na rin siya.

"Dad! Why don't you tell Mommy na matagal mo na

siyang hinihintay? You waited for her for thirteen long years,

Dad!"

What Jasser said shook my world.

Page 284: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

284

"What is he talking about?" tanong ko kay Haru.

"He's right, Azusa. I never had a serious girlfriend ever

since you told me na hintayin kita. I waited for you, Azusa. I

even followed you. Kaya nga sobrang saya ko nang malaman

kong sa’yo ako ipapakasal. That made me really happy. Hindi ko

naman alam na galit na galit ka pala sa akin," paliwanag ni Haru.

"P-pero, paano nangyari ‘yun? I came back, Haru. Two

years after ng pag-alis ko, bumalik ako. Hinanap kita sa inyo.

Pero sabi ng babae, hindi ka raw nakatira doon."

"Sinong babae?"

"A girl na halos ka-edad ko lang. Maputi at nakapig-

tails siya no’n," mahina kong tugon.

"Si Bree."

Napalingon ako bigla kay Haru. "That was Bree?"

Tumango si Haru. "Sa maniwala ka't sa hindi, Azusa, I

was there that day. May lagnat ako no’n kaya hindi ako

makalabas. Si Bree ay kababata ko, kaya madalas siya sa bahay

namin. Siya ‘yung kasama ko sa bahay no’n with her yaya."

"Then why did she tell me na wala ka na doon? Sabi pa

nga niya na wala daw siyang Shida na kilala."

"Because she loves me. Sinabi niya sa akin noon na

mahal niya ako pero I rejected her kasi ikaw ang mahal ko."

Nabigla ako sa sinabi niya. "W-what did you say?"

Lumapit sa akin si Haru and held my chin up. "Oo,

mahal na kita mula pa noon. That day I saw you in the rain.

That day na nilapitan kita and saw your face. I promised myself

that when the right time comes, I'll marry you. That's why kahit

gaano katagal, hihintayin kita, and if I have to wait again for you

Page 285: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

285

to just forgive me and learn to love me again, I would. Even if

takes forever."

Naiyak ako lalo. Hindi ko na kayang pigilan pa ang

nararamdaman ko. I love this man too much.

"H-Haru…I'm sorry kung hindi kita binigyan ng

chance na makapagpaliwanag," sabi ko sabay hikbi.

He touched my cheek. "May karapatan ka namang

magalit sa akin, e. Kasi nagsinungaling ako sa’yo. Azusa. I love

you too much kaya maghihintay ako until mapatawad mo ako.

Then I'll win your heart over again. At kahit ilang beses ko pang

kailangang gawin ‘yon, hindi ako mapapagod. Even if it's against

the six to one billion odds."

Hinawakan ko ang mukha ni Haru. "No need to wait

that long…I love you."

Nagliwanag ang mukha ni Haru. "Mahal mo na ako

ulit?"

"I never stopped loving you. Oo, nagtampo ako pero

hindi ko kailanmang kinalimutan na mahal kita." I smiled.

Then he kissed me right there. Bumitaw si Haru sa akin

tapos lumuhod.

Boom!

Napatingin ako sa langit and what I saw made me cry

again.

PLEASE MARRY ME.

Naiyak na talaga ako. Pagtingin ko kay Haru, nakangiti

siya. "Will you let me hold your hand until the end, Azusa? Will

you marry me?" Haru asked.

Pinunasan ko ang mga luha ko. "Yes!"

Page 286: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

286

Napatalon si Haru payakap sa akin. "I love you so

much, Azusa. Akala ko, hindi na kita mapapakasalan. I love you

so much!" Then he shouted, "She said ‘yes’!"

Tapos biglang nagliwanag ang paligid. May stage sa

gitna at nasa tuktok sina Van, Mark, Drew, Japheth, Lance, Ford

and, of course, ang aming baby, si Jasser. Ang lapad ng ngiti nila.

Then biglang nagsimulang tumugtog ang banda.

And then Haru faced me and started singing.

When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right were you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.

Well, I won't give up.

Niyakap ko siya nang mahigpit and mouthed "Thank

you" sa mga nasa stage.

Page 287: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

287

"Zuzu, can you let me hear the words that I've been

anxiously waiting for again?"

I smiled. "I love you, Shida."

Page 288: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

288

;

Epilogue I COULD FEEL the warmth of his breath on my cheek, the warm

feeling of being enveloped in his arms, and his heart beating with

mine.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. The first

thing I saw was Haru's face. He's sleeping like a baby.

It's been like this for three months now.

And now, I'm already Mrs. Azusa Minorin V.

Rodriguez. We got married last December 9 on the day of my

birthday.

Gumalaw si Haru and opened his eyes. "Good

morning, ganda."

"Morning, guwapo," tugon ko naman. "Ang guwapo

talaga ng asawa ko."

He smiled. "Hindi ako guwapo. Mahal mo lang ako."

Page 289: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

289

Tumawa ako. Niyakap niya ako nang mahigpit,

sumiksik naman ako sa dibdib niya.

"I'd be willing to stay like this forever," mahinang sabi

ni Haru.

I nodded. "Ako rin. Kahit saan man ako mapunta basta

kasama kita."

Bigla niya akong tinitigan.

"O-o? Bakit?"

"Ang tagal naman ng junior ko."

Natawa ako. "‘Wag kang atat."

Yumakap siya ulit sa akin. "Dali, overtime tayo para

may junior na ako bukas."

Hinampas ko siya sa balikat.

"Aray naman. Battered husband ako. Hu-hu-hu."

I stuck my tongue out. Babangon na sana ako nang

biglang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa kamay ni

Haru.

"What's wrong?"

Hindi ako nakasagot. Sa halip tumakbo ako papunta sa

banyo at nagsuka. Naramdaman kong sumunod si Haru at

hinagod ang likod ko.

"Okay ka lang ba, Azusa?"

Hinang-hina ako pagkatapos. Binuhat na lang ako ni

Haru at iniupo sa kama. Nakatingin sa akin si Haru na parang

may gustong itanong. "Bakit ka nagsusuka, Zuzu?"

"Epekto lang siguro."

"Epekto ng ano?" Nakita ko kung paano kumunot ang

noo ni Haru.

Page 290: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

290

May inabot ako sa drawer ko at bumalik sa banyo.

Paglabas ko, hinagis ko sa kanya ‘yung kinuha ko kanina sa

drawer. Ilang sandali lang ay nagsisisigaw na si Haru.

Binuhat niya ako. "You don't know how happy I am

right now, Zuzu. Magiging tatay na ako!"

Binitbit niya ako palabas at tiyempo namang dumating

ang barkada kasama sina Van na ikakasal na next month.

"Batiin niyo ‘ko. I'm going to be a dad!"

Napuno ng tawanan at saya ang bahay namin. Ang

saya-saya ni Haru tingnan.

"I love you, Zuzu," sabi ni Haru habang yakap niya ako

sa likod.

"I love you more, monster," tugon ko.

Humarap siya sa akin. "Monster?"

I smiled. "Yes. You're the monster who stole my heart."

WAKAS

Page 291: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

291

From the Author

Kyaaaaaa! TMWSMH is now finished! Clap, clap! I

would like to thank everyone na bumasa sa story kong shunga-

shunga! I love you po!

Sa aking churvabells na katropang si Mark, ayan. tapos

na. Puwede ka nang magpakalunod! Ha-ha!

Sa aking best friend na si Van! I love you, best! Salamat

sa lahat ng tulong at support while sinusulat ko pa ‘to.

Sa lahat ng mga bumasa, nawa'y suportahan niyo rin

po ang iba ko pang story! Kayo po ang inspiration ko sa

pagsusulat lalo na po ‘yung mga natutuwa sa story ko. 'Di ko po

maipaliwanag ang saya ko the moment na matapos ko ang story.

Daig ko pa ang nanalo ng lotto. Talon, talon.

Mukhang napapahaba na ang aking makasaysayang

page-emote. I love you po lahat! God bless us all!

Tsun Lukaret

Page 292: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

292

Page 293: The Monster Who Stole My Heart by TsunLukaret

293

Ang tunay na pangalan ay Thea Faye Culaba na

nagtatago sa likod ng pen name na ‘TsunLukaret’ sa

mundo ng Wattpad. Mahilig siyang magsulat at isang

certified otaku. Si Thea ay kasalukuyang 16 years old at

isang college freshie. The Monster Who Stole My Heart

ang una niyang nobela.

https://www.facebook.com/yukihime.yumi

@Eori_Chii