thesis fili102

16
Ang “REPRODUCTIVE HEALTH LAW” AT ANG PAGTUGON NITO SA MGA PANGANGAILANGAN NG KABABAIHAN Ipinasa kay: G. Mark Sherwin M. Maestro FILI102 – Pananaliksik Tungo sa Pagkatutong Pangkaalaman Kagawaran ng Filipino at Panitikan Ipinasa nina: Mojado, John Philip N. Vibar, Ma. Carmela P. Macoco, Earl Mathew R. Domenden, Adam Albert A.

Upload: adamalbertdomenden

Post on 11-Jul-2016

21 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

Term Paper

TRANSCRIPT

Page 1: Thesis Fili102

Ang “REPRODUCTIVE HEALTH LAW” AT ANG

PAGTUGON NITO SA MGA PANGANGAILANGAN

NG KABABAIHAN

Ipinasa kay:

G. Mark Sherwin M. Maestro

FILI102 – Pananaliksik Tungo sa Pagkatutong

Pangkaalaman

Kagawaran ng Filipino at Panitikan

Ipinasa nina:

Mojado, John Philip N.

Vibar, Ma. Carmela P.

Macoco, Earl Mathew R.

Domenden, Adam Albert A.

HRM12

Page 2: Thesis Fili102

Bachelor of Science in Tourism Management

De La Salle University – Dasmarinas

Tsapter 1

Paksa: Ang “REPRODUCTIVE HEALTH LAW” AT ANG

PAGTUGON NITO SA MGA PANGANGAILANGAN NG

KABABAIHAN

Layunin ng Pag-aaral:

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mailahad ang

gampanin ng Reproductive Health Law sa pangangailangan ng

kababaihang Pilipino.

1. Matukoy ang mga pangangailangan ng mga kababaihang

Pilipino.

2. Malaman ang nilalaman ng Reproductive Health Law

kaugnay sa mga bagay kontraseptibo at epekto nito sa mga

kababaihan.

3. Mapatunayan na ang Reproductive Health Law ay hindi

nakabubuti para sa mga kababaihan.

Page 3: Thesis Fili102

Introduksyon

Ang mabilis na paglago ng populasyon sa bansang Pilipinas

ang siyang nakikitang isa sa pangunahing dahilan ng kahirapan

nito. Sa loob lamang ng isang siglo ay lumago ang populasyon ng

bansa sa higit-kumulang isang libo dalawang daan at limampung

porsyento. Nang dahil sa krisis na kinakaharap ng bansa, naging

prayoridad ng mga mambabatas na lumikha ng batas na

makatutugon sa paglobo ng poplusyon – ang Republic Act No.

10354 o mas kilala sa tawag na Reproductive Health Law. Ang

Pilipinas, ng dahil sa pananakop ng mga dayuhan, ay nagkaroon

ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Pamahalaan at ng

Simbahan na hanggang sa kasalukuyang panahon ay dala-dala

Page 4: Thesis Fili102

parin ng mga Pilipino. Nakagisnan na ng nakararami na ibatay

ang kanilang pagpapasya, personal man o hindi, sa mga bagay

ng pananampalata. Isa na rito ang usaping politikal, kultural, at

moral – ang Reproductive Health Law.

Ang Reproductive Health Law ay naglalayon na itaguyod

ang mga epektibong natural at makabagong metodolohiya ng

Family Planning na ligtas sa kalusugan at nakasusunod sa mga

pamantayang nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas. Labag

man sa batas ng Pilipinas, nakasaad sa Reproductive Health Law

na kinakailangang tugunan ng Pamahalaan ang medikal na

pangangailangan ng isang kababaihan na nanggaling sa isang

aborsyon at isailalim ito sa gabay ng mga propesyonal sa

makataong pamamaraan at walang halong maruming pag-iisip.

Iminumungkahi din ng batas na ito ang paglalakip ng multi-

dimensional approach of family planning and responsible

parenthood sa lahat ng programang pangkahirapan ng

Pamahalaan at implementasyon ng reproductive health and

sexuality education mula sa ika-limang antas hanggang ika-apat

na taon sa sekondarya sa pamamagitan ng “life-skills approach”

at iba pang pamamaraan. Nakapaloob din sa batas na ito ang pag

Page 5: Thesis Fili102

garantiya ng Department of Labor and Employment na

mapangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga

kababaihang manggagawa sa pamamagitan ng pag-atas sa mga

pribadong kumpanya na magbigay ng health care services sa

kanilang mga empleyado. Ngunit sa kabila ng magandang

layunin ng batas na ito ay napakarami ang mga tumutol sa

pagpapatupad nito. Pangunahin ang mga religious groups,

Communist Party of the Philippines, student activists, at maging

ang mga politiko na nakisakay lamang sa isyu ng Reproductive

Health Law.

Ayon kay Rebecca Cook, isang feminist, ang hindi maayos na

pagpapatupad ng mga batas na naglalayong pangalagaan ang

reproductive health ng mga kababaihan ay isang malaking

diskriminasyon laban sa mga ito. Ito ang pangunahin sigaw ng

mga kritiko ng batas sa Pilipinas, na hindi magagawang

gampanan ng Pamahalaan ang tamang pagpapatupad nito

sapagkat ang Pilipinas ay nananatiling developing country o nasa

third world na kategorya lamang. Ayon naman kay Azizah al-

Hibri, naging matagumpay man ang kilusang feminismo sa

Kanluran, nanatili paring nasa kalagayan ng diskriminasyon ang

Page 6: Thesis Fili102

mga kababaihang nasa third world country. Ito ay patungkol sa

usaping kultural at moral. Ipinagpapalagay ng buong mundo na

ang mukha ng kababaihan ay yoong nasa mga taga-kanluran

lamang, na kung ano ang kultura at kaisipan ng Westerners ay

ganoon narin mayroon ang mga taga-silangan. Ang usapin na ito

ay pumapalibot sa paggamit ng mga contraceptives at mga uri

nito sa ating bansa. Ayon sa simbahang Katolika, ang

pagtangkilik sa mga contraceptives ng walang tamang

pamantayan ay paghimok sa mga Pilipino, kabataan man o nasa

sapat na gulang, ang pakikipagtalik ng hindi isinasaalang-alang

ang kasagraduhan ng kasal. Ito ay lumalabag sa karapatan ng

mga kababaihan na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos sa

pamamagitan ng pagkakasal. Sinisira rin aniya ng batas ang

konserbatibong lipunan ng mga Pilipino. Ang maling

pagpapatupad ng batas na ito ay makapagdudulot lamang ng

pagkalito sa mga kabataan at paglaoy magtutulak sa mga

kababaihan na maging alipin sekswal ng mga kalalakihan.

Page 7: Thesis Fili102

Paglalahad ng Suliranin

Ang Reproductive Health Law ang sinasabing isa sa mga

solusyon sa patindi na patinding kahirapan sa Pilipinas. Ang

pagsupil sa populasyon ay pag control sa pagkonsumo. Ang pag-

iwas sa pagbubuntis ang nakikitang solusyon upang matugunan

ito. Ngunit ang mga kababaihan Pilipino ay kinakailangan din

namang pangalagaan. Hindi pa handa ang Pamahalaan at ang

ating lipunan upang tanggapin ang implementasyon nito. Sa

kasalukuyan, ang Reproductive Health Law ay hindi pa

makabubuti sa ating mga kababaihan.

Page 8: Thesis Fili102

1. Anu-ano ang mga pangangailangan ng kababaihang

Pilipino?

2. Ano ang epekto ng mga kontraseptibo sa mga kababaihan?

3. Nakabubuti baa ng Reproductive Health Law para sa mga

kababaihan?

Tesis na Pahayag

Ang mga Pilipino ay namumuhay parin sa primitibong uri ng

pag-iisip. Ang hindi maayos na pagsasapubliko ng mga

kontraseptibo ay makasasama lamang sa mga Pilipino.

Samakatuwid, sa kabila ng kahirapang dinaranas ng bansa, ang

pagpapatupad ng Reproductive Health Law ay hindi makabubuti

sa mga kababaihan nito.

Mga Teorya

Mga Teorya

Postcolonial Feminism

Page 9: Thesis Fili102

Ang postcolonial Feminism ay nagpasimula bilang kritika sa

kilusang Feminismo ng kanluraning mga bansa. Ayon sa mga

tagapag-palaganap nito, hindi tama ang naging bunga ng

kilusang Feminismo sapagkat naging katangi-tangi lamang para

sa mga kanluraning kababaihan ang imahe na kinikilala ng

buong lipunan. Inaasahan na ang Feminismo ay sasalamin sa

kalagayan at pakikibaka sa ikapapantay ng karapatan ng lahat ng

kababaihan. Ngunit ito ay minolestiya ng mga kanluraning

ideyolohiya, na ipinagpalagay na ang kalagayan ng mga

kababaihan sa mga bansang nasa kanluran ang dapat maging

pamantayan ng pagpapataas ng kalagayang panlipunan ng mga

kababaihan sa pamamagitan ng pagbibigay kahalagahan sa

kanilang kakayahan, karapatan, at kalagayan sa lipunan.

Matapos na matagumpay na maipaglaban ng Feminismo ang

kanilang adhikain, mabilis na tinanggap ng lipunan ang pagbago

ng tingin sa mga kababaihan. Naging mabuti sa mga kababaihan

ang pangyayaring ito, ngunit nagkaroon ng malaking pagtutol

ang mga kababaihan sa panig ng mga taga-silangan. Hindi

maitatanggi na Malaki ang kaibahan ng kultura at pamumuhay

ng mga kababaihan sa silanganan kumpara sa kanluraning

Page 10: Thesis Fili102

kababaihan. Ang liberal na pamumuhay at kalagayang sosyal ay

labis na tinutuligsa ng ilang mga bansa. Ang implementasyon o

globalisasyon ng Feminismo ay hindi anila akma sa kulturang

silanganan kaya hindi maaaring ituring na ang pakikibaka ng

Feminismo ay siyang sumasalamin sa kalagayan ng mga

kababaihang mula sa silangan. Dahil sa layuning bigyang

modipikasyon ang mga layunin ng Feminismo, tinawag ang

kritisismo sa kilusang Feminismo bilang postcolonial Feminism.

Communism

Ang komunismo ay isang ideyolohiyang pilosopikal,

politikal, at ekonomikal na kung saan nilalayon nito ang

pagkakaroon ng komunistang lipunan. Ang ideyolohiyang

komunismo ay nagmula pa noong panahon ng sina-unang

griyego. Naging kilala ito sa pangunguna ni Karl Marx, kung

saan, aniya, ang likas na kalagayan ng tao ay ang mamuhay na

ayon sa kalikasan, walang sariling kayamanan, walang sariling

ari-arian, tanging lahat ng bagay sa kaniyang kapaligiran ay

pinaghahatian ng lahat ng nilalang. Isang bagay na nasa usaping

moralidad ay ang ugat ng kasamaan. Ayon kay Marx, ang

Page 11: Thesis Fili102

kasamaan ay nag-uugat sa kapital na kaisipan. Nagkakaroon ng

matinding pagka-gaham sa mga ari-arian na siya namang

nagtutulak sa tao na gumawa ng iba’t ibang uri ng maruming

gawa at kaisipan. Sa rurok ng Kapitalismo, inaasahan na

magkakaroon ng labis na pakiki-baka ang kalagayan ng lipunan.

Mag aaklas ang mga manggagawa upang ipaglaban ang kanilang

karapatan. Ito ang hudyat ng sosyalismo. Sa matinding

paghahangad na tibagin ang mundong punong-puno ng

pakikipag-kumpitensya, isisilang ang isang pamayanan na

walang antas ng lipunan. Lahat ng mamamayan ay pantay sa

kalagayan.

Filipino Primitivism

Sa isang pag-aaral ng iskolar ng Pilosopiya na si F.P.A.

Demeterio III, ang mga kastila ay may malaking kinalaman sa

kontemporaryong kaisipan ng mga Pilipino. Isinasaad sa

kaniyang iskolastikang pag-aaral na ang pagmomonopolyo ng

mga prayle sa kaalaman at modernong kaisipan na pumapasok sa

kapuluan ng Pilipinas ay inaasahang makapipigil sa pag-unlad ng

kaisipan ng Kaniyang mamamayan. Ang isang manipestasyon

Page 12: Thesis Fili102

Existentialism

Idealism

Utilitarianism

Social Contract

Talaan ng mga Reperensya

Jowett, B. (1980). Plato: The Republic (Collector's ed.). Norwalk, Conn.: Easton Press.

Locke, J. (199). An essay concerning human understanding. Raleigh, N.C.: Alex Catalogue.

Baring, R. (2012). REPRODUCTIVE HEALTH BILL IN THE PHILIPPINES: Sources of Conflict between the Church and its Proponents. Manila: Social Development Research Center De La Salle Univ ersity.

Page 13: Thesis Fili102

Diya, U. (2013). Human rights versus legal control over women’s reproductive self-determination (Vol. 15). Health and Human Rights Journal.Azizah, A. (1994). Who Defines Women's Rights? A Third World Woman's Response. The Human Rights Brief. Seligson, H. (2010). Beyond The Bedroom: What The Birth Control Pill Really Did For Women. Forbes. Crowley, E. (2014). Third World Women and the Inadequacies of Western Feminism. Global Research.Schopenhauer, A., & Haldane, R. (1957). The world as will and idea (2d ed.). London: Routledge & K. Paul. Hobbes, T. (1995). British philosophy 1600-1900. Thomas Hobbes. Questions concerning Liberty, Necessity, and Chance. Charlottesville, Va.: InteLex Corporation.Adams, R. (1987). The virtue of faith and other essays in philosophical theology. New York: Oxford University Press. Kant, I., & Gregor, M. (1998). Groundwork of the metaphysics of morals. Cambridge, U.K.: Cambridge University Press.Adams, R. (1987). The virtue of faith and other essays in philosophical theology. New York: Oxford University Press. Kant, I., & Gregor, M. (1998). Groundwork of the metaphysics of morals. Cambridge, U.K.: Cambridge University Press. Mill, J. (199). Utilitarianism. Raleigh, N.C.: Alex Catalogue.Mill, J. (199). On liberty. Raleigh, N.C.: Alex Catalogue. Villegas, S. (2012). Seeking Light and Guidance on the RH Bill Issue. In Contraception is Corruption! CBCP. Odchimar, N. (2011). CHOOSING LIFE, REJECTING THE RH BILL. CBCP.