tinig pebrero 2016

9
KULTURA PEBRERO 2016 Protesta sa US Embassy sa anibersaryo ng Digmaang Pilipino-Amerikano Ikalawang Pambansang Kongreso ng Anakbayan–USA idinaos sa Seattle Neoliberal na opensiba sa edukasyong Pilipino Labanan ang makadayuhan at kontra-estudyanteng GE ‘reform’ sa UP! Presyo ng langis tumaas sa kabila ng mababang presyo sa pandaigdigang palengke Komiks at kanta: Fee 3  3 4 6  6  7 >>>Ituloy sa p2 Ikampanya at ipanalo ang mga kinatawan ng kabataan at bayan! #55 KABATAAN Partylist at #11 Neri Colmenares sa Senado Buong lakas at giting nating ikampanya at ipanalo ang mga tunay na kinatawan ng mamamayan ngayong halalan. Kabataan, tayo ang pag-asa! Lumikha ng kasaysayan, sumulong tungo sa mas magandang bukas! Ang KABATAAN Partylist ang nag- iisang kinatawan ng mga kabataan. Itinatag ng mga organisasyon ng mga mag-aaral at kabataan sa buong bansa, isinulong nito ang pulitika ng pag-asa, pakikibaka at pagbabago. Sa loob at labas ng kongreso, pinanindigan ng KABAT AAN ang mga katagang “pag-asa ng bayan.” Ang naging kinatawan nito na si Rep. Raymond Palatino at kasalukuyang kinatawan na si Rep. Terry Ridon ay nakilala bilang mga pinakamahuhusay at pinakamatatapang na kongresista at lider- kabataan. Sa sama-samang pagkilos, nagkamit tayo ng mga tagumpay. Isinusulong ang karapatan sa edukasyon: • Lumalaban sa taon-taong tuition hikes at ipinanawaga n ang pagbabasur a ng other school fees. Matagumpay na napaatras ang taas-matrikula sa ilang paaralan at naipabasura ang mga bayarin. • Tumitindig para sa demokratikong karapatan at kalayaang pang- akademiko sa kampus. • Matagumpay na nilabanan ang budget cuts sa mga state universities and colleges. • Patuloy na nilalabanan ang pahirap at makadayuhan na programang K-12. Tumitindig para sa disenteng trabaho, sahod at pag-unlad: • Nilalabanan ang kontraktwalisasyon, naninindigan para sa dagdag-sahod at ipinagtatanggol ang karapatan ng mga BPO workers. • Lumalaban sa pagtaas ng presyo ng langis at kuryente, mabagal at mahal na internet at bulok na serbisyo gaya ng MRT/LRT. Isinusulong ang tunay na repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon para sa pambansang kaunlaran. Lumalaban sa korupsyon at paggahasa sa soberanya: • Nangunguna sa paglaban sa pork barrel at DAP ng gubyernong Aquino,

Upload: anakbayan-ph

Post on 13-Apr-2018

242 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 1/8

KULTURA

PEBRERO 2016

Protesta sa US Embassy sa anibersaryong Digmaang Pilipino-Amerikano

Ikalawang Pambansang Kongreso ng Anakbayan–USAidinaos sa Seattle

Neoliberal na opensiba sa edukasyong Pilipino

Labanan ang makadayuhan at kontra-estudyantengGE ‘reform’ sa UP!

Presyo ng langis tumaas sa kabila ng mababang presyo sa

pandaigdigang palengkeKomiks at kanta: Fee

3

 3

4

6

 6

 7

>>>Ituloy sa p2

Ikampanya at ipanalo ang mga kinatawanng kabataan at bayan!#55 KABATAAN Partylist at #11 Neri Colmenares sa SenadoBuong lakas at giting nating ikampanya at ipanalo ang mga tunay na kinatawanng mamamayan ngayong halalan.

Kabataan, tayo ang pag-asa! Lumikhang kasaysayan, sumulong tungo sa masmagandang bukas!Ang KABATAAN Partylist ang nag-iisang kinatawan ng mga kabataan.Itinatag ng mga organisasyon ngmga mag-aaral at kabataan sa buongbansa, isinulong nito ang pulitika ngpag-asa, pakikibaka at pagbabago.

Sa loob at labas ng kongreso, pinanindiganng KABATAAN ang mga katagang “pag-asang bayan.” Ang naging kinatawan nito nasi Rep. Raymond Palatino at kasalukuyangkinatawan na si Rep. Terry Ridon aynakilala bilang mga pinakamahuhusay atpinakamatatapang na kongresista at lider-kabataan. Sa sama-samang pagkilos,nagkamit tayo ng mga tagumpay.

Isinusulong ang karapatan saedukasyon:• Lumalaban sa taon-taong tuition hikes atipinanawagan ang pagbabasura ng otherschool fees. Matagumpay na napaatrasang taas-matrikula sa ilang paaralan anaipabasura ang mga bayarin.• Tumitindig para sa demokratikongkarapatan at kalayaang pang-akademiko sa kampus.

• Matagumpay na nilabanan ang budgetcuts sa mga state universities andcolleges.• Patuloy na nilalabanan ang pahirap atmakadayuhan na programang K-12.

Tumitindig para sa disenteng trabahosahod at pag-unlad:• Nilalabanan ang kontraktwalisasyonnaninindigan para sa dagdag-sahod aipinagtatanggol ang karapatan ng mgaBPO workers.• Lumalaban sa pagtaas ng presyo nglangis at kuryente, mabagal at maha

na internet at bulok na serbisyo gaya ngMRT/LRT.• Isinusulong ang tunay narepormang agraryo at pambansangindustriyalisasyon para sa pambansangkaunlaran.

Lumalaban sa korupsyon at paggahasasa soberanya:• Nangunguna sa paglaban sa porkbarrel at DAP ng gubyernong Aquino

Page 2: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 2/8

2 PEBRERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

PUNONG PATNUGOT

Karlo Mikhail Mongaya

MGA KAWANI

Alexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Issa Baguisi, Gem Aramil,

Eden Mae Galas, James Relativo, Jackie Tan Gonzales, Jaque Eroles,

John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Nona Al-Raschid,

Uno Knobles, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,

makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter |@anakbayan_ph

Sinabayan ni Angel Locsin (kanan) si Rep. Neri Colmenares (kaliwa) na kandidato sa pagkasenador ngMakabayan Coalition. Si Locsin ay malapit na kamaganak ni Colmenares. Photo Credits: RK Villacorta

nananawagan ng pananagutan samadugong Mamasapano.• Malakas na nanawagan ng#StopLumadKillings at lumalaban samilitarisasyon at panunupil.• Tumindig para sa tunay na kalayaan,laban sa pananakop ng US at Tsina.Lumalaban sa pagbabalik ng basemilitar ng dayuhan sa bansa.

Ngayong halalan, lumikha tayo ngkasaysayan. Ipanalo natin ang masmaraming kinatawan ng kabataan! Mgasusunod na kinatawan ng KABATAAN:• 1st - Sarah Elago, UP student councilleader, tagapangulo ng NationalUnion of Students of the Philippines,lumalaban para sa edukasyon para salahat• 2nd - Shamina Astudillo, campus

 journalist, tagapangulo ng CollegeEditors’ Guild of the Philippines sa MetroManila, naglalantad ng kabuktutan salipunan

• 3rd - Vennel Chenfoo, tubongMindanao, tagapangulo ng League ofFilipino Students - Northern Mindanao,lumalaban sa militarisasyon atpananakop

 Ang ating Fighter ng Bayan sa Senado:Neri Colmenares! Si Neri Colmenares ay matapang atpalaban na kongresista ng Bayan Muna,lider ng Makabayan Bloc at Senior DeputyMinority Leader sa Kongreso. Anakng security guard at clerk sa Negros,estudyante pa lamang ay aktibista na.

Apat na taon siyang ikinulong at tinortyurnoong martial law dahil sa pagtatanggolsa karapatang pantao.

Naging human rights lawyer siya,tagapagtanggol ng mahihirap at api.Naipanalo sa Supreme Court ang labansa mataas na singil sa kuryente at porkbarrel. Iniakda niya at naipasa angP2000 dagdag SSS pension.

Nagsusulong siya ng makabayangbatas, patakaran at programa.Lumalaban siya sa pagsasamantala ngmakapangyarihan at panlalamang ngUS at Tsina. Siyempre, gaya ng lahatng makabayang kinatawan, hindi siyanagpayaman sa pwesto.

Kailangan natin ng mahigit isang milyongboto para sa tatlong kinatawan parasa KABATAAN at mahigit 13 milyong

boto para maipanalo sa Senado si NeriColmenares. Kaya dapat gawin ang lahatng makakaya at iba’t ibang paraan paramaabot ang milyon-milyong mamamayan.

Isulong ang agenda ng kabataan atmamamayan! Labanan ang pandaraya sa halalan! Dapat nating isulong ang mga panawaganat kampanya ng kabataan at mamamayan

ngayong halalan. Ilunsad natin ang mgakampanya at malalaking protesta parasa edukasyon, karapatan at tunay nakalayaan. Dapat panagutin ang rehimengUS-Aquino sa mga kasalanan nito sa bayanat labanan ang malawakang pandarayangnakatakdang ilusand ng rehimen paraipanalo ang kulelat nitong kandidato.

Gamitin natin ang halalan para higit napalakasin at palawakin ang pagpupukawpag-oorganisa at pagpapakilos para

humakbang pasulong sa pambansademokratikong pakikibaka. Ngayonhigit kailanman, panindigan nating mgakabataan na tayo ang pag-asa, lumikhatayo ng kasaysayan at humakbang tungosa bukas na mas maganda para sabayan.

Page 3: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 3/8

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2016 BALITA

Battle of Manila, ang kauna-unahanat pinakamalaking labanan noongDigmaang Pilipino-Amerikano.

Nanawagan ang Anakbayan samga mamamayan na tumindig atlabanan ang EDCA. Anila, “Bilangmga mamamayang nagmamahal sakalayaan, dapat na aalalahanin atisabuhay natin ang kadakilaan ng atingmga bayani noong Digmaang Pilipino-Amerikano; tumindig at labanan angEDCA at papet na rehimeng Aquino.”

Suot ang mga damit ng Katipunero,isinagawa ng mga kabataan sapangunguna ng Anakbayan at Leagueof Filipino Students ang isang malaking

protesta sa embahada ng EstadosUnidos noong Pebrero 4. Itinaon sa ika-117 anibersaryo ng Digmaan Pilipino-Amerikano ang nasabing protestalaban sa pagbabalik ng base militar ngkano sa Pilipinas.

“Naging kolonya tayo ng EstadosUnidos at mananatiling kolonya kungpatuloy na pakikialaman at didiktahanng Estados Unidos ang internal atpulitikal na usapin ng bansa,” ayon sagrupong Anakbayan.

Kinundena ng grupo ang naging

desisyon ng Korte Suprema sakonstitusyonalidad ng EnhancedDefense Cooperation Agreement(EDCA), na magpapahintulot sa mahigitwalong base at dagdag na sundalongkano na iikot sa bansa.

Noong Pebrero 4, 117 na taon naang nakalipas, nagkampo ang mgasundalong Amerikano sa Sta. Mesa,Manila at pinaputukan ang mgasundalong Pilipino na tumangging isukosa Amerika ang kalayaan ng Pilipinas.Ito ang naging hudyat ng pagsabog ng

Idiniin din ng grupo ang pahayagkamakailan ng kinatawan ng US na sPhilip Goldberg na nagsasabing walangmagagawa ang EDCA sa Tsiina hingging West Philippine Sea.

“Wala sa interes ng US na ipagtanggotayo sa sigalot sa Tsina. Ang tangi nilanginteres ay rebalansehin ang pwersa nila saAsya-Pasipiko na parte ng US pivot to Asiaupang mandambong at pangalagaan anginteres ng kanilang mga korporasyon,ayon sa Anakbayan.

Protesta sa US Embassy sa anibersaryong Digmaang Pilipino-Amerikano

Seattle, USA – Sigaw ang tema na“Daluyong: Buklurin ang Kabataanupang Lumaban para sa Pagpapalaya!”,matagumpay na idinaos ng Anakbayan-USA ang Ikalawang National Congressnito noong Enero 16, 2016.

Mahigit 150 delegado mula sa 11 balangayng Anakbayan sa Seattle, East Bay(Oakland), Silicon Valley, Los Angeles,Inland Empire, San Diego, Long Beach,Chicago, New York, at New Jersey angdumalo sa Kongreso.

Idiniin sa pagtitipon ang pangangailangan sapatuloy na pagpapalawak at pagpalakas ngAnakbayan-USA bilang isang organisasyonna nagsusulong sa kagalingan at interesng pinakapinagsasamantalahan sa Filipinocommunity sa Estados Unidos.

Sa kabila ng kanilang pagkabilanggo,nagawang magbigay ng keynote mensahesa Kongreso sina Benito at Wilma Austria-

Tiamzon, mga consultant ng NationalDemocratic Front of the Philippines para sausapang pangkapayapaan.

Nagbigay din ng mga mensahe sinaInternational League of People’sStruggles chair Jose Ma. Sison,Anakbayan-Philippines national chairVencer Crisostomo, at Palestinongaktibista at dating associate director ngArab-American Action Network na siRasmea Odea.

Hinalal bilang bagong Anakbayan-USAexecutive committee sina Adrian Bonifaciobilang chairperson, Napoleon Pempeñabilang vice-chairperson, Joelle Eliza Lingatbilang secretary general, Lyle Prijolesbilang Education Ofcer, Nikki Cainticbilang nance ofcer, at Lorena Buñi bilangsolidarity ofcer.

“Ngayon na ang panahon para iangatang ating pag-oorganisa sa mas mataas

na antas,” ani Bonifacio. “Sa harap ngpaglala ng panunupil at pananamantalasa sambayanang Pilipino, kailangantayong mas masigasig na lumaban,”dagdag pa ni Bonifacio.

Naglunsad din ng pagkilos ang mgakasapi ng Anakbayan-USA kasama anglokal na itim na komunidad noong Enero18 upang iprotesta ang pagtayo ng isangmarijuana shop sa Central District ngSeattle na unti-unting itinataboy angmga itim mula sa kanilang komunidad.

Naninindigan ang Anakbayan nadapat pasiglahin ang internasyunana solidaridad dahil ang inhustisya nadinaranas ng itim na komunidad aymagkaugnay sa panunupil laban samga Pilipino. Ang pagtataboy ng mgablack at katutubong komunidad sa USay isinasagawa ng parehong monopolyokapitalistang interes na nagaapi sa mgamamamayan ng Pilipinas.

Ikalawang Pambansang Kongreso ngAnakbayan–USA idinaos sa Seattle

Page 4: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 4/8

4 PEBRERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

(WB) at World Trade Organization (WTO).Sa pag-apruba ng mga kasunduan gaya ngGeneral Agreement on Trade in Services(GATS) sa WTO noong 1995, pinatindi ang

pagsasailalim ng mga pampublikongserbisyo gaya ng edukasyon at kalusugansa interes ng malalaking dayuhang kapital.

Para sa edukasyon, nangahulugan itong higit na pangingibabaw ng pribadongsektor para magkamal ng tubo rito,habang binabawasan ang papel atpondo ng gubyerno. Pinatitindi dinang oryentasyon nito para lumikha ngmura at supil na lakas paggawa para sadayuhang kumpanya. Bahagi nito angideolohikal na opensiba na nagpapatatagng kolonyal at reaksyunaryong nilalamanng edukasyon at sumusupil sa anumang

nalalabing makabayan, progresiboat kritikal na mga aralin, kaisipan ataktibidad sa pamantasan.

Sa ilalim ni Aquino, masugid naipinatutupad at isinusulong ang

Neoliberal na opensibaSa huling bahagi ng dekada ’70, itinaguyodng mga imperyalistang bayan ang mgapatakarang “neoliberal” kabilang ang

liberalisasyon, deregulasyon, at pribatisasyonbilang tugon sa lumalalang krisis ngpandaigdigang sistemang kapitalista.

Itinulak ang mga gobyerno sa daigdigna magpatupad ng mga patakaranghigit na tutugon sa pangangailangan ngmonopolyo kapital sa paghuthot ng masmalaking tubo, paglikha ng mura at supilna lakas paggawa at pag-atake sa mgakarapatan ng mamamayan, lalo na ngmahihirap. Nilayon ng mga ito na bawiinang mga serbisyong panlipunan atkarapatan na naipagwagi ng kolektibongpakikibaka ng mamamayan.

Ipinataw ang mga pormulang neoliberal samga atrasadong bayan sa pamamagitanng mga Structural Adjustment Programsat di-pantay na mga kasunduan saInternational Monetary Fund-World Bank

Isa na namang estudyante ang natulak sa kamatayan dahil sa sobrang taasng matrikula. Nitong Pebrero 11, kinuha ni Jessiven Lagatic, isang 4th yearestudyante ng agrikultura sa Central Bicol State University of Agriculture,

ang kanyang sariling buhay matapos siyang mawalan ng iskolarship.

Malinaw na inilalarawan nito ang tindi ng krisis ng sistema ng edukasyonsa Pilipinas at ang malagim ng epekto ng mga itinutulak na “repormang”neoliberal na nagpapasahol dito. Ang K-12, academic calendar shift,at mga pagbabago sa kurikulum sa mga pamantasan ay bahagi ngpangkalahatang plano para sa neoliberal na pagrereistruktura ngedukasyon sa Pilipinas at sa daigdig.

mga neoliberal pagreistrukturang edukasyon sa rekomendasyonng mga dayuhang institusyon

gaya ng IMF-WB, ASEAN, at ibapa. Ang tersaryong edukasyon ayitinutulak sa komersyalisasyonat “internasyunalisasyon” sapamamagitan ng mga pagbabago ngkalendaryo at kurikulum, habang angprimarya at sekondaryang antas ayiniaayon sa paglikha ng murang lakaspaggawa sa pamamagitan ng K-12.

Edukasyon para sa tuboPinagpatuloy ng rehimeng Aquino ngneoliberal na patakaran ng deregulasyonsa edukasyon o ang pagtanggal nggobyerno sa kontrol nito sa pagtataas ngmatrikula at iba pang bayarin.

Hanggang ngayon, patuloy napinapatupad ang Batas Pambansa 232o Education of 1982 ng dating diktadona si Ferdinand Marcos na nagbibigayng kalayaan sa mga pribadongpamantasan na magtakda ng presyo ngmatrikula at iba pang bayarin.

Sa ilalim ng Commission on HigheEducation Order No. 3, Series of 2012na iprinoklama sa panahon ni Aquinobukod sa awtomatikong pagtataas ngmatrikula taon-taon, pinasahol pa ito aidinagdag ang pagpapataw ng iba’t iba

pang mga bayarin sa pamantasan.

Ang resulta, lumobo sa huling 5 taonang presyo ng matrikula nang doblemula P30,000-50,000 noong taong2010 patungong P60,000-100,000 sakasalukuyang taon. Dumami rin ang“other school fees” (OSFs) na hindbababa sa P30,000 kada semestre.

Kaya hindi kataka-taka ang paglaki dinng kita ng mga pribadong pamantasansa bansa na kumikita na ng bilyon-bilyon kada taon.

Kasabay nito, itinutulak ang papatindingkomersyalisasyon sa mga StateUniversity and Colleges (SUCs). Todongitinaas ang matrikula sa University othe Philippines (UP) at itinutulak angmatinding paniningil ng other schoofees. Sa ganitong paraan, itinutulakSUCs na maging “self-sustaininghabang kinakaltasan ang pondo.

Sa ilalilm ng “Roadmap for PublicHigher Education Reform (RPHER)” nAquino, nilalayong kunin na lamang ang50 porsyento ng kabuuang pinansyal napangangailangan ng mga SUCs mula sa

Labanan ang panibagong atakengneoliberal sa edukasyong Pilipino!

Page 5: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 5/8

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2016

sariling kita sa layuning tanggalin na ngtuluyan ang pondo para sa SUCs.

Kaya naman di nakapagtataka ang paglobong kita ng SUCs mula sa mga estudyante.Mula sa halos P8 bilyon sa pag-upo niAquino noong 2010, aabot na sa halosP13 bilyon ang tinatayang kita ng SUCs namula sa sinisingil sa mga estudyante.

Bukod pa sa mga bayarin, pinaparenta

ng SUCs ang mga lupain at iba pangpagmamay-ari nitong para sana salayuning akademiko upang pagkakitaanng pribadong negosyo. Inaalok sapribadong entidad o sinisingilanng mataas na bayarin ang pagkain,dormitoryo, at iba pang serbisyo.

Nauna nang pinahintulutan ng HigherEducation Modernization Act of 1997na patakbuhin ang mga pamantasanng parang negosyo. Ang matrikula ngUP, halimbawa, mula sa P300/unitnoong 2006, tumungo na sa P1500/unitngayong 2015 sa ilalim ng “socialized

tuition scheme.” Tinayuan din ngmga commercial complex ng Ayalaang mga lupain nito. Ang isang gusalinito, pinangalan kay Henry Sy, isa sapinakamayamang kapitalista sa bansa.

‘Internasyunalisasyon’ Sa balangkas ng mas mahigpitna integrasyon ng pandaigdigangmerkado, itinutulak ng rehimeng US-Aquino ang “internasyunalisasyon”ng tersaryong edukasyon upang masiayon ito sa mga pangangailangan ngdayuhang monopolyo kapital.

Bahagi ng mga reporma na itinutulak

ng malalaking dayuhang institusyon angpagrerebisa ng mga kurikulum at kurso,paraan sa pagtuturo at materyales, atsistema ng markahan sa malalaking mgapaaralan upang maging mas kaayaaya samga dayuhang mag-aaral at negosyo.Sa gayon, tinatanaw na papasukinng malalaking dayuhang kapitalista-edukador ang lokal na mga pamantasansa mga joint projects at joint programs.

Ibinibida ang mga mas mabentangkurso sa pandaigdigang merkadohabang binabawasan naman ang mgamardyinal o di kaya’y kritikal na mga

programa kagaya ng kasaysayan,panitikan at wikang Pilipino, aralingpanlipunan, pilosopiya, atbp.

Bahagi nito ang pagkakaltas ng minimumna units ng General Education (GE)program sa mga kampus ng UP sa buongbansa mula 45 tungong 21 kasunod ngnauna nang pagbabago sa kalendaryong pamantasan. Nakatakda na rin itonggawin sa iba pang mga pamantasan.

Lalo nitong patitindihin angkomeryalisasyon ng edukasyon,pagtataas ng matrikula at mga bayarin

at paglalako ng edukasyon bilangnegosyo, sa halip na karapatan.Patitindihin nito ang oryentasyongkolonyal ng mga pamantasan atpatitindihin ang atake sa karapatan ngmga mag-aaral, guro at kawani.

Bahagi ng neoliberal na opensiba angpagkitil sa demokratikong karapatansa paaralan sa pamamagitan ngpagpapasa ng mga “student code ofconduct” at handbook para siilin angmga mag-aaral, pagbabawal ng pag-oorganisa at pagpoprotesta sa kampus,pagtatanggal ng mga espasyo ng mgaorganisasyon, at pag-atake sa mgaunyon ng mga guro at kawani.

K-12: Para sa mura at supil na paggawa, pribitisasyon

Sa primarya at sekondaryong antas,ang K-12 ni Aquino ay itinutulak paragawing ahensyang taga-suplay ang mgapaaralan ng malaking reserba ng muranglakas paggawa para sa pandaigdigangmerkado at dayuhang kapital.

Ang dagdag na dalawang taon ng seniorhigh school ay nakatutok sa pagbibigayng mga ispesyalisado at teknikal na mgakasanayan para sa caregiving, welding,housekeeping, carpentry, tailoring,plumbing, bartending, at iba pang “in-demand” umano sa pandaigdigangmerkado. Nais nitong huwag nang

patuluyin sa kolehiyo ang mas maramingbilang ng kabataan at dumiretso na sapakikipagkompetisyon sa barat na sahodpagtungtong ng edad na 18. Babawasandin ang mga aralin tungkol sa kasaysayanat Pilipino sa kurikulum na hinalaw sa USNational Council for Cultural studies.

Isa ang K-12 sa mga rekisitos na“reporma” ng ASEAN integrationupang ibaba ang halaga ng sahod,pasiglahin ang export ng manggagawaat magtakda ng istandard sa edukasyonpara sa cross-border na pag-empleyosa loob ng Timog-Silangang Asya.

Patitindihin ng K-12 ang pribatisasyon ngedukasyon. Ipauubaya sa mga paaralangpribado at malalaking negosyo angpagbibigay ng dalawang taong dagdagna pag-aaral sa K-12 na popondohan nggubyerno sa pamamagitan ng voucherso Government Assistance Programto Students and Teachers in PrivateEducation (GASTPE) na itinulak ngWB na lumobo na sa P20 billion paralang sa 2016, katumbas na ng buongalokasyon nito mula 2001-2009. Angmga malalaking kumpanya at kroni gayang Ayala, na nagtayo ng mga eskwelapara lang sa senior high school, angnakatakdang makinabang rito,.

Lalagpas sa isang milyong mag-aaral o kalahati ng lahat ng mga

nasa pampublikong high school angpipilitin na pumasok at magbayad ngmahal sa mga pribadong paaralano di kaya’y tuluyan nang mag drop-out. Walang duda, ang K-12 at ibapang mga patakarang neoliberal aymangangahulugan ng higit na pabigaat pahirap sa mamamayang Pilipino.

Ipaglaban ang edukasyong makabayanAng panibagong neoliberal na opensibasa edukasyon ay higit na magtutulaksa kabataan at mamamayan sa masmatinding kahirapan at pagsasamantalaNangangahulugan ito ng walang

kasingtinding pagsahol ng komersyalisadokolonyal, at pasistang kalakaran ngsistemang edukasyon sa Pilipinas.

Dapat labanan at biguin ang mgapanibagong opensibang neoliberal saedukasyon. Dapat ipaglaban ng kabataan amamamayan ang edukasyong makabayansiyentipiko at pangmasa. Dapat makiisasa paglaban ng mamamayan, lalo na ngmanggagawa at magsasaka laban sapangkalahatang atake ng imperyalismoat rehimeng US-Aquino para higit ngbusabusin ang mamamayan.

Page 6: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 6/8

6 PEBRERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

Presyo ng langis tumaas sa kabila ng mababangpresyo sa pandaigdigang palengkeMuling tinaasan ng lokal na kartel angpresyo ng langis sa kabila ng patuloy

na mababang presyo ng krudo sapandaigdigang merkado. Nananatilingmababa sa $30 kada bariles angpandaigdigang presyo ng langis kungikukumpara sa $97 kada barilesdalawang taon ang nakalipas.

Binanatan ng Anakbayan ang mgamalalaking kumpanya ng langis namalinaw na pinagkakitaan na namanang mga motorista at publiko. Bumabang 70% ang pandaigdigang presyo nglangis ngunit nabawasan lamang ng 36%ang lokal na presyo ng gasolina at 56%naman para sa diesel.

“Ang mga kartel barya-barya langkung magrollback pero kung anu-

anong palusot naman ang ginagawapara mapataas lang ang presyo. Noon,laging sinasabi na mataas ang presyo saworld market kaya tumataas. Ngayon,nanatiling mababa ang presyo pero bakitmay increase?” tanong ng grupo.

Bilang sagot sa pang-aabuso ngmalalaking kumpanya ng langis,naglunsad ng protesta at noise barrageang Anakbayan sa harap ng Trabajo,España, Maynila noong Pebrero 1.

Ayon sa Anakbayan, dapat ibasura ang oilderegulation law na nagbibigay-laya samga malalaking kumpanya na magtakda

ng presyo ng langis. “Big-time oil pricerollback ang kailangan, hindi oil price

hike,” giit ng grupo.

Percentage ng pagbaba(Agosto 2014-Enero 2016)

World crude:

$97 patungong $30 70%

Diesel

P41 patungong P18 56%

Gasoline

P50 patungong P32 36%

iba pang mga pamantasan sa Pilipinassa pamamagitan ng pagpapadali ngpaglilipat-lipat ng mga mag-aaral.Kabalintunaan ito dahil sa kabilangbanda, pinipigilan na ang karamihansa kabataang Pilipino na pumasok sakolehiyo sa pagpapatupad ng K-12.

Sa pamamagitan din ng programa, naispabilisin ng gubyerno ang pagpapapasoksa mga dayuhang kapitalista-edukadorsa mga pamantasan sa bansa sapamamagitan ng mas maraming mga

“partnership” at “joint program” sapagitan ng mga dayuhang pamantasanat mga lokal na kolehiyo. Nilulusutannito ang prohibisyon ng Saligang Batasna nagbabawal sa dayuhang pagmamay-ari sa mga pamantasan sa bansa.

Pagpapatindi ng komersyalisasyonTiyak na patitindihin ng programa angkomersyalisasyon ng edukasyon sa UP atpagtataas ng matrikula at mga bayarin.Dahil nakadireksyong sumingil sa mgadayuhang mag-aaral, lalo pang magtataasang matrikula at mga bayarin sa UPhabang patuloy na kinakaltas ang pondo

ng pamantasan. Ang mga dayuhangkorporasyon at kapitalista-edukadornaman, tiyak na sasamantalahin angderegulasyon sa matrikula at mga bayarinpara magtaas ng singil at gatasan ng kitaang mga mag-aaral. Gayundin, umaasa

Labanan ang makadayuhan atkontra-estudyanteng GE ‘reform’ sa UP!

Nitong nakaraaang linggo, biglaangipinasa sa University Council (UC) saUP Manila ang pagkaltas ng GE unitsmula 45 tungong 24-36. Sinubukangipasa ang parehong hakbang sa UCng UP Diliman subalit nabigo ito atnapaatras ng mga protesta. Gaya ngpagpapasa ng academic calendarshift, binabalak ng administrasyon angpataksil na pagpapasa nito sa kabila ngmga protesta sa mga kampus sa buongbansa para maipatupad ito sa UP systemat maging sa ibang mga unibersidad.

Ang pagbabawas ng GE units ay sang-ayon sa programa ng gubyernongAquino para sa “internasyunalisasyon”ng edukasyong kolehiyo. Bahagi itong mga neoliberal na “reporma” naitinutulak ng malalaking dayuhanginstitusyon gaya ng World TradeOrganization (WTO) at ASEAN gaya ngacademic calendar shift at programangK-12 para higit na iayon ang edukasyonsa pangangailangan ng imperyalistangglobalisasyon at dayuhang kapital.

Pambubugaw ng edukasyon sa dayuhan

Ang programang ito ay lansakangpambubugaw ng edukasyong Pilipinosa mga dayuhan. Ayon mismo sagubyerno, layon ng programa na akitinang daan-libong mga mag-aaral mulasa ibang bansa na mag-aral sa UP at sa

Ang hakbang ng rehimeng US-Aquino at ng administrasyon ng Universityof the Philippines (UP) na bawasan ang General Education units sa UP aypanibagong atakeng neoliberal na higit na magpapasahol sa kolonyal atkomersyalisadong edukasyon sa UP at bansa.

ang gubyerno na magagatasan ang mgakontrata at proyekto ng mga dayuhangkorporasyon at paaralan habang

kinakaltasan ang pampublikong pondongnakalaaan para sa mga pamantasan.

Samantala, isasadlak ng liberalisasyonsa mas masahol na pagsasamantalaang mga guro, kawani sa akademyapropesyunal at skilled na manggagawana itutulak sa mas marahas napaligsahan sa pababaan ng sweldokontraktwal na paggawa at iba pa.

Pagpapatibay ng edukasyong kolonyal areaksyunaryoSiyempre pa, gaya ng K-12 at iba pangmga neoliberal na patakaran, lalo pang

pasasahulin ng makadayuhang GE“reform” ang pagtuturo ng kaisipangkolonyal at reaksyunaryo sa mgakabataan at tatanggalin ang anumangnalalabi pang pagtuturo ng kasaysayanaraling panlipunan at pagkamakabayan

Dapat malakas na labanan ng mga Iskolang Bayan at lahat ng mga mag-aarakasama ang kanilang mga guro at mgamagulang ang makadayuhan, kontra-magaaral na GE “reform” at tumitinding mgapatakarang neoliberal sa edukasyon. Dapalabanan ang deregulasyon sa matrikulaat komersyalisasyon at labanan angtumitinding pagtaas ng matrikula at mgabayarin. Dapat labanan ang mga patakarangkolonyal, komersyalisado at pasista saedukasyon at ipaglaban ang edukasyongmakabayan, siyentipiko at pangmasa.

Page 7: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 7/8

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2016 KULTURA

Fee Awit mula sa KaratulaIntro:

  Am

Oh ako’y tuwang tuwang mag-¬enroll sa Maynila

  F E

sa kahit na anong pamantasan

1st verse:

  Am

Oh ako’y tuwang tuwang mag¬-enroll sa Maynila

 F Esa kahit na anong pamantasan

  Am

Subalit ako ay nabigla, sa mga bayarin

  F E

tuition fee, miscellaneous fee at surcharge fee

  Am

ang dami daming fee

  F

fee fee fee fee fee

  E-E7

fee fee fee fee fee

2nd verse:

  Am

Nang ako ay pumasok sa eskwela

  F G

Aking napansin mga basag na salamin,

  Am

Basag na bombilya, bulok na pisara,

mga silyang tatlo ang paa

  F E

Ang taas ng tuition fee, pero bulok naman ang facility

  F

ty ty ty ty ty

  E-E7ty ty ty ty ty

3rd verse:

  Am

Ang laki¬-laki ng bayad sa eskwela

  F E

di kaya ng bulsa ng ermats ko, sa kahit na anong pamantasan

  Am

Kay dami ring bawal sa eskwela, bawal din magprotesta

  F E Am

Samu’t saring policy, ang estudyante pag nagreklamo ay suspindi

  F

di di di di di

  E-Em

di di di di di

(Repeat 1st verse)

Page 8: Tinig Pebrero 2016

7/24/2019 Tinig Pebrero 2016

http://slidepdf.com/reader/full/tinig-pebrero-2016 8/8

8 PEBRERO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANKULTURATINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | ENERO 2016 INFOGRAPHICS

Infographic: Gaano kasakit magmahalng tuition ng tuwid na daan?

PEBRERO 24 AT MARSO 11