tract 6010-pg 1 - fellowship tract league

4
Kautusan ni Maria

Upload: doanngoc

Post on 28-Jan-2017

245 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: tract 6010-pg 1 - Fellowship Tract League

Kautusanni Maria

Page 2: tract 6010-pg 1 - Fellowship Tract League

Sa ebanghelyo ni Juan ay mababasa natin ang isang kasalan na naganap sa Cana. Dito ay binigyandiin ni Maria ang kahalagahan ni Jesus at ng Kaniyang Salita. Napag-alaman na wala nang alak at si Maria mismo ay walang magawa: sinabihan niya si Jesus---ang tanging makagagawa ng paraan. Pagkatapos ay nagbigay ng kautusan si Maria sa mga lingkod, "Ang kaniyang ina ay nagsabi sa mga lingkod, Anuman ang kaniyang sabihin sa inyo, gawin ito." (Juan 2:5) Ito ang tanging talata sa Biblia na kung saan si Maria ay nagbigay ng kautusan kung kayat nararapat na pakatantuin ng bawat Romano Katoliko ang Kaniyang ipinag-utos, "Anuman ang kaniyang sabihin sa inyo, gawin ito."

Sa kadahilanang ang layunin ng lahat ng mabuting Romano Katoliko ay ang makarating sa langit, makabuluhang tunghayan natin ang Biblia, gawin ang ipinagagawa ni Maria, alamin ang sinasabi ni Jesus at gawin ito.

Sinabi ni Jesus....Siya lamang ang maaari mong maging Tagapagligtas. "Sinabi ni Jesus sa kaniya, ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay: walang taong makalalapit sa Ama, kundi sa pamamagitan ko." (Juan 14:6)

Hindi niya sinabi...na umasa ka sa mga santo (rebulto), sa papa o kahit sa Kaniyang inang si Maria para sa iyong ikaliligtas. "Ni walang kaligtasan sa kaninumang iba: sapagka't walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay sa gitna ng mga tao, na siyang ating dapat ikaligtas." (Mga Gawa 4:12)

Sinabi ni Jesus...pananampalataya sa kaniya ang tanging makapagliligtas sa iyo. "Siya na sumasampalataya sa anak ay may walang-hanggang buhay: at siya na hindi sumasampalataya sa Anak ay hindi makikita ang buhay; kundi ang poot ng Diyos ang nananahan sa kaniya." (Juan 3:36)

Hindi niya sinabi...espesyal na sakripisyo o mabubuting gawa ay kinakailangan bilang pantulong para sa ikaliligtas mo. "Datapuwa't sa kaniya na hindi nananampalataya sa kaniya na

Page 3: tract 6010-pg 1 - Fellowship Tract League

nagpapawalang-sala sa mga di-maka-Diyos, ang kaniyang pananampalataya ay ibinibilang na katuwiran." (Roma 4:5)

Sinabi ni Jesus...walang-hanggang buhay ang Kaniyang ipinagkakaloob. "Katotohanang, katotohanang, sinasabi ko sa inyo, Siya na nakikinig ng Aking salita, at nananampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may walang-hanggang buhay, at hindi makararating sa kahatulan; kundi inilipat na mula sa kamatayan tungo sa buhay." (Juan 5:24)

Hindi niya sinabi...na ito ay pansamantalang buhay na nakasalalay sa ating sariling kakayanan kung maiingatan o mawawala natin. "At ako ay nagbibigay sa kanila ng walang-hanggang buhay; at sila ay hindi kailanman mapapahamak, ni maaagaw sila ng sinumang tao mula sa Aking Kamay." (Juan 10:28)

Sinabi ni Jesus...Ang Salita ng Diyos lamang ang nararapat sundin. "Siya na nagtatakuwil sa akin, at hindi tinatanggap ang Aking mga salita, ay may isa na humahatol sa kaniya: Ang salita na Aking nasabi, ito rin ang hahatol sa kaniya sa huling araw." (Juan 12:48)

Hindi niya sinabi...na ang kaugalian o mga kautusan ng tao ay magmula sa Kaniya. "Subali't sa walang-kabuluhan ay sumasamba sila sa akin, na itinuturo bilang mga doktrina ang mga kautusan ng mga tao. Na ginagawa ang salita ng Diyos na walang bisa sa pamamagitan ng tradisyon ninyo, na inyong maituro; at marami pang gayong mga katulad na bagay na ginagawa ninyo." (Marcos 7:7, 13)

Kaibigan, ngayon din ay maaari kang maligtas at malaman mong ikaw ay may buhay na walang hanggan, kung ilalagay mo ang iyong "buong" pananamapalataya kay Cristo-Jesus at hindi ka aasa sa iyong sariling kakayahan, iglesia, sakramento, o anomang bagay na inaakala mong makapagliligtas sa iyo. Si Jesus ang Tagapagligtas. Nanampalataya ka ba sa Kaniya o hindi? "Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo na sumasampalataya sa pangalan ng Anak KAYO AY MAY WALANG- ng Diyos; upang inyo Nawang

Page 4: tract 6010-pg 1 - Fellowship Tract League

FELLOWSHIP TRACT LEAGUEP.O. BOX 164 • LEBANON, OH 45036www.fellowshiptractleague.org © Tract 6010 (Tagalog)All tracts free as the Lord provides. Not to be sold.

malaman na kayo ay may Walang-hanggang Buhay, at upang kayo nawa ay manampalataya sa pangalan ng anak ng diyos." (I Juan 5:13) Sa sandaling tanggapin mo ng buong puso at pagtiwalaan ang Panginoon Jesus bilang sarili mong Panginoon at Tagpagligtas...sa sandaling iyan...ikaw ay ligtas...magpakailanman!

ANO ANG IYONG KAPASIYAHAN?Nagpapasiya akong maniwala sa sinasabi ni Jesus. Batid kong ako'y isang makasalanan at sa unang pagkakataon,

ako'y tunay na naniniwala na kayang tuparin ni Cristo-Jesus ang Kaniyang sinasabi. Kapapanalangin ko pa lamang at tinanggap ko Siya bilang sarili kong Tagapaglitas. "Sapagka't ang sinumang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas." (Roma 10:13)

Naniniwala akong ang babasahing ito ay 'di sangayon sa katoliko. Kaibigan, ibinigay namin sa iyo ang babasahing ito

sapagka't mahal ka namin at ayaw naming makita kang tumungo sa impiyerno pag ikaw ay namatay. Kung inaakala mong ito ay hindi maka-katoliko, suriin mong muli ang iyong panampalataya. Sino mang tumanggi kay Cristo-Jesus ay sinasabing...Antricristo. "Siya na hindi ko kasama ay laban sa akin;" (Mateo 12:30a)

PangalanTirahanSiyudad ZipProbinsiya Edad

Kung tinanggap mo si Jesu-Cristo bilang sariling tagapagligtas matapos basahin ang pulyeton ito, sana’y aming malaman sa

pamamagitan ng pagpapadalang muli ng babasahing ito.