trinidad

14
14 1 Ang Tunay na Dios at ang Aral ng Trinidad balangkas ni Isa Abdullah Biago “ O kayong mga Cristiano na binigyan ng Kasulatan! Huwag kayong magdagdag ng aral sa inyong relihiyon o magsalita ng anoman ukol sa Allah maliban kung ito’y ( may batayan at) pawang katotohanan. Ang Messias na si Jesus, siya’y anak ni Maria na sugo ng Allah at Kanyang ( nilikha sa pamamagitan ng) salita na ibinalita kay Maria, at siya’y isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya nga, sumampalataya sa Allah at sa at sa Kanynag Sugo. Huwag kayong mangaral ng Trinidad ! Itigil na ninyo ito, higit itong mabuti. Ang Kaputihan ay para sa Kanya lamang. Higit Siyang Mataas sa lahat ( at hindi bagay) na magkaroon ng anak. Siya ang nagmamay-ari ng lahat sa sankalangitan at sankalupaan. At ang Allah ay Sapat sa lahat ng bagay bilang Tagapag-alaga. Ang Messias ay hindi maaaring sumuway na paglingkuran ang Allah at pati na ang mga angel na malapit sa Kanya. At ang sinomang sumuway sa Kanya at mapagpalalo, katotohanan sila’y haharap sa Kanya upang magsulit.” ( Qur’an 4:171-172) Ang Islam ay isang relihiyon at ang mga kaanib nito ay mahigpit na nananampalataya sa K K a a i i s s a a h h a a n n n n g g D D i i o o s s 1 1 Walang ibang dapat paglingkuran at sasambahin maliban ang Allah, tinatawag ito na Ash-Shahadatan. Sinabi ng Propeta Muhammad : “ He who died knowing (Monotheist) at salungat sa ibang umiiral na relihiyon. Maraming lumitaw na pananampalataya noong una pa man at magpahanggang ngayon ang naniniwla sa pag-iral ng Dios. Noong unang panahon, popular ang sistemang Paring- Hari ( Priest- King) ang itinataas sa kadiosan katulad ng Parao sa Egipto, itinuturing siya bilang nagkatawang taong- dios na si Orisis, Amon- Ra; Gayon din ang emperador ng Roma, sila ay itinataas bilang isang dios, at nag-aangkin na sila’y mga inapo ng mga anak-dios katulad ni Hercules ( o Jupiter) Noong unang siglo, ang pinakasimula ng pagiging dios ng Messias na si Jesus -Anak ni Maria. Si Constantino ang kinikilalang pinaka-susi sa paglaganap ng Cristianismo 2 at ibinadya niya ito bilang opisyal na relihiyon ng emperyo ng Roma. Ang unang henerasyon ng mga mananampalataya pagkatapos ni Jesus -Anak ni Maria ay nagkaroon ng pag- aalitan ukol sa pananampalataya 3 , katulad ng tinatawag na Arian-Athanasian controversy noong ika apat na siglo. Si Athanasius ay nagtuturo na si Jesus -Anak ni Maria ay kapantay o may bahagi sa pagka-Dios ng Ama, salungat kay Arius na si Jesus -Anak ni Maria ay nilikha ng Poong Maykapal 4 . Ang samahan ni Arius ay nagtuturo na kung ang that there is no true deity worthy of being worship except Allah entered Al-Jannah ( Paradise ) [ Sahih Muslim # 39 2 Edict of Milan noong 313 AD, ito ay naglalayon lamang para sa kanyang pangpolitikang kadahilanan. At ipinagkaloob pa nga niya ang Palasyo ng Lateran para sa obispo ng Roma. 3 Ang mga simbahan o iglesia ay may kanya-kanyang opinyon at kuro-kuro o pananampalataya, at iba’t-ibang pamamaraan ng pamamahala. 4 Sa Antioch ay may isang magiting na tao, si Lucian na pinaninindigan ang Kaisahan ng Poong Maykapal at ang payak na kalagayan ni Jesus bilang tao. Si

Upload: fanar

Post on 14-Jan-2015

2.246 views

Category:

Spiritual


8 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: Trinidad

14 1

Ang Tunay na Dios at ang Aral ng Trinidad

balangkas ni Isa Abdullah Biago

“ O kayong mga Cristiano na binigyan ng Kasulatan! Huwag kayong magdagdag ng aral sa inyong relihiyon o magsalita ng anoman ukol sa Allah maliban kung ito’y ( may batayan at) pawang katotohanan. Ang Messias na si Jesus, siya’y anak ni Maria na sugo ng Allah at Kanyang ( nilikha sa pamamagitan ng) salita na ibinalita kay Maria, at siya’y isang espiritu na mula sa Kanya. Kaya nga, sumampalataya sa Allah at sa at sa Kanynag Sugo. Huwag kayong mangaral ng Trinidad ! Itigil na ninyo ito, higit itong mabuti. Ang Kaputihan ay para sa Kanya lamang. Higit Siyang Mataas sa lahat ( at hindi bagay) na magkaroon ng anak. Siya ang nagmamay-ari ng lahat sa sankalangitan at sankalupaan. At ang Allah ay Sapat sa lahat ng bagay bilang Tagapag-alaga. Ang Messias ay hindi maaaring sumuway na paglingkuran ang Allah at pati na ang mga angel na malapit sa Kanya. At ang sinomang sumuway sa Kanya at mapagpalalo, katotohanan sila’y haharap sa Kanya upang magsulit.” ( Qur’an 4:171-172) Ang Islam ay isang relihiyon at ang mga kaanib nito ay mahigpit na nananampalataya sa KKaaiissaahhaann nngg DDiiooss1

1 Walang ibang dapat paglingkuran at sasambahin maliban ang Allah, tinatawag ito na Ash-Shahadatan. Sinabi ng Propeta Muhammad : “ He who died knowing

(Monotheist) at salungat sa ibang umiiral na relihiyon. Maraming lumitaw na pananampalataya noong una pa man at magpahanggang ngayon ang naniniwla sa pag-iral ng Dios. Noong unang panahon, popular ang sistemang Paring- Hari ( Priest- King) ang itinataas sa kadiosan katulad ng Parao sa Egipto, itinuturing siya bilang nagkatawang taong-dios na si Orisis, Amon- Ra; Gayon din ang emperador ng Roma, sila ay itinataas bilang isang dios, at nag-aangkin na sila’y mga inapo ng mga anak-dios katulad ni Hercules ( o Jupiter) Noong unang siglo, ang pinakasimula ng pagiging dios ng Messias na si Jesus -Anak ni Maria. Si Constantino ang kinikilalang pinaka-susi sa paglaganap ng Cristianismo2 at ibinadya niya ito bilang opisyal na relihiyon ng emperyo ng Roma. Ang unang henerasyon ng mga mananampalataya pagkatapos ni Jesus -Anak ni Maria ay nagkaroon ng pag-aalitan ukol sa pananampalataya3, katulad ng tinatawag na Arian-Athanasian controversy noong ika apat na siglo. Si Athanasius ay nagtuturo na si Jesus -Anak ni Maria ay kapantay o may bahagi sa pagka-Dios ng Ama, salungat kay Arius na si Jesus -Anak ni Maria ay nilikha ng Poong Maykapal4. Ang samahan ni Arius ay nagtuturo na kung ang

that there is no true deity worthy of being worship except Allah entered Al-Jannah ( Paradise ) [ Sahih Muslim # 39 2 Edict of Milan noong 313 AD, ito ay naglalayon lamang para sa kanyang pangpolitikang kadahilanan. At ipinagkaloob pa nga niya ang Palasyo ng Lateran para sa obispo ng Roma. 3Ang mga simbahan o iglesia ay may kanya-kanyang opinyon at kuro-kuro o pananampalataya, at iba’t-ibang pamamaraan ng pamamahala. 4 Sa Antioch ay may isang magiting na tao, si Lucian na pinaninindigan ang Kaisahan ng Poong Maykapal at ang payak na kalagayan ni Jesus bilang tao. Si

Page 2: Trinidad

14 2

Ama ay may anak, siya na anak ay may pasimula, kung magkagayon ang anak ay may panahon na siya ay wala pa, dahil dito ang anak ay hindi kapantay ng Ama. 5 Ang paniniwala na ang anak ay Dios at kapantay ng Ama ay labag sa Kaisahan ng Poong Maykapal. Ang aral na ito’y muling panunumbalik sa paganismo o Balik-Paganismo.6 Kaya nga kung sasabihin natin na si Jesu ay Dios, ito’y pagsamba na rin sa mga dios-diosan. Dahil dito ay nag-alala ng labis si Constantino na maaaring masira ang kanyang emperyo dahil sa kaguluhang ito ng pagkakahiwalay-hiwalay ng mga Cristiano. Wala pang pinakamataas na Konseho, walang pang Papa kundi mga Obispo lamang. Upang maayos ang kaguluhan, siya ay nag-anyaya sa lahat ng pinuno ng mga Cristiano sa unang pandaigdigang kunseho noong 325 AD. Ano ang naging bunga ? Ang Roma ay naging sentro ng mga simbahan, at ang sinomang sumalungat dito ay ituturing na erehe ( heretic ). Dito, si Jesus -Anak ni Maria ay pinagtibay bilang Dios sa pamamagitan ng butohan o eleksyon. Ang Kunseho ng Nicea ay ginanap noong ika-20 ng Mayo , 325 AD. Si Constantino mismo ang naging patnugot at nanguna sa pagpupulong, at siya rin ang nagbigay kung ano ang dapat na talakayin: “ Si Jesus -Anak ni Maria at ang ama ay isang sangkap sa pagka-Dios .” Ang mga obispo ay lumagda sa

Arius ang kanyang masigasig na mag-aaral. Dahil dito, pinalaganap ni Arius ang ang Kaisahan ng Poong Maykapal na naging resulta ng panunupil ni Alexander ang Obispo ng Alexandria. Sa Kunseho ng Nicea si Arius ay itiniwalag at lahat ng kanyang mga kasamahan katuald nina Eusebius ng Caesarea at Eusebius ng Nicomedia. 5 Henry Bettenson, Documents of the Christians Church, 2nd Edit.1963 6 B.K. Kuiper, The Church in History 1964

Kredo bagaman laban ang kanilang kalooban, maliban sa dalawa.7 Sino si Constantino ? Siya ay walang alam8 sa pananampalatayang ( theology ) Cristiano, sa kanya ang pagtataas kay Jesus -Anak ni Maria bilang dios ay hindi na pangkaraniwan, dahil pati na nga ang kanyang ama na si Constantius ay ginawa na ring dios, bakit pa kaya hindi si Jesus -Anak ni Maria na dapat bigyan ng pinakamataas na kalagayan bilang Dios. Siya ang may akda ng Kunseho sa Nicea noong 325 AD9 at kailan man ay hindi siya Cristiano manapay isang masugid na deboto sa dios ng pagano. Ang popular na kanyang pangitain “ In Hoc Signo Vinces”(In This sign you will conquer), ay isang pangitain na ikinakapit sa dios-araw na si “Sol Invictus”. Ngunit ang simbahan ay binago at tumaliwas, sapagkat kanilang binago ang kahulugan nito sa halip ay ginawang pangitain tungkol sa Krus ni Cristo. Ang kanyang tagumpay sa digmaan sa Tulay ng Milvian ay ipinagmamapuri niya sa pamamagitan ng ngalan ni Sol Invictus, ang Paganong Dios-Araw. Si Constantino ay isang paganong deboto, at siya mismo ang pinaka-punong

7 Encyclopedia Britanica, 1968 8 A History of Christianity Vol. 1, 1997, Kenneth Scott Latourette 9 Pagkatapos na si Jesus ay inihalal bilang kapantay sa Poong Maykapal ay nagkaroon uli ng panibagong pagtaliwas sa pananampalataya, itinaas din ang kalagayan ng ina ni Jesus na si Maria noong 431 AD sa Kunseho ng Ephesus. Dito si Maria ang ina ni Jesus ay binigyan ng titulong “ Ina ng Dios”, datapwat ang titulong ito ay nagkaroon ng mahigpit na pagsalungat hanggang sa noong 1856. Ang Papa ng Roma na si Pius IX ay itinanyag na kailangan tanggapin si Maria na “ immaculately conceived” o Siya ay hindi nagkakasala. Makalipas ang isa pang siglo ay itinanyag pa rin bilang “ Reyna ng Kalangitan ( Queen of Heaven.”

Page 3: Trinidad

14 3

saserdote (pari) nito.10 Kaya nga , maraming mga bagay sa pananampalatayang Cristiano ang matatagpuan din natin sa relihiyon ni Constantino bilang pagano.11 Bagaman kanyang pinapangunahan ang Cristianismo, ang pakiwari ng iba’y siya’y naging Cristiano, ngunit manapa’y hindi. Siya’y nagpatayo ng “Arkong Palatandaan ng Tagumpay” (Triumphal Arch ) na inihandog niya sa kanyang dios-araw at ganoon din ang kanyang ginawa sa Constantinople na kasama ang kanyang larawan. At matapos ang mga bagay na ito’y itinanyag siya bilang dios matapos ang kanyang kamatayan sa buong Emperyo ng Roma.12 Bagaman, maraming bagay ang naitulong niya sa mga Cristiano, ito’y dahilan sa kanyang pang-politikang motibo. Higit siyang interesado na pag-isahin ang mga Cristiano sa pamamagitan ng dahas kaysa sa ituwid ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga Cristiano ukol sa pananampalataya. Ipinapatay niya ang sinomang kumakalaban sa kanya, kabilang na nga rito ang kanyang sariling asawa at anak.13 Sa Kunseho ng Nicea, upang maisakatuparan ang maka-paganong doktrina na si Jesus -Anak ni Maria bilang anak ng Dios ay “ Dios Anak 14”, “ homoousios” ( Ang anak ay kapantay sa kalagayan , kawalang-hanggan, at ka- isang

10 Paul John son, A History of Christianity 1976 11 The Messianic Legacy nina Michiel Baigent, Richard Leigh and Harry :incoln, 1986 pp. 39-43 12 Paul Johnson, History of Christianity1976 13 Ralph Woodrow , Babylon Mystery Religion 1981; Anthony F. Buzzard, Chrales F. Hunting, The Doctrine of the Trinity Christianity’s Self-Inflicted Wound 1994 14 Mahigit na 50 ulit na binaggit sa Biblia ang salitang “ anak ng Dios” ngunit wala ang salitang “Dios Anak”. Ito’y nasa tinatawag na genitive case, na nagpapakitang si Jesus ay nagmula at pag-aari ng Poong Maykapal.

sangkap ng Poong Maykapal. ). Siya ay nag-utos ng kamatayan sa sinomang sasalungat dito at ipinasunog ang lahat ng aklat na sumasalungat dito.15 Ang aral ng Kredong ito ay itinanim sa isip ng mga tao, na ito ang tunay na katotohanan16 Kaya nga, ang simbahan ay anak ng Paganismong Babilonia na may tatak ng Cristianismo. Paganismo ang Pumukaw at naging Huwaran ng Trinidad sa Simbahan Ang sandigan ng pananampalataya ng Simbahan ay sinasabing ang Dios ay kapantay, kawalang-hanggan, ka-isang sangkap na Trinidad, at si Jesus -Anak ni Maria ay Tunay na Dios. Ang doktrinang ito ay ibinibilang na pinaka-haligi ng Simbahan, datapwat saan nanggaling ang doktrinang ito ? Ang balangkas ng kasaysayan ay napakaraming patotoo, na ang simbahan noong unang siglo hanggang ikatlong siglo ay hindi kilala ang kapantay, kawalang-hanggan, ka-isang sangkap sa misteryong Trinidad, at si Jesus -Anak ni Maria ay Tunay na Dios. Ang unang mananampalataya ay sumasamba lamang sa iisang Dios at pinaniniwalaan na si Jesus -Anak ni Maria ay mababa kaysa sa Tunay na Dios at mas dakila ang Ama kaysa sa anak. Ang mga Israelita sa panahon ni Jesus -Anak ni Maria at bago pa siya dumating ay may pananampalatayang salungat sa mga paganong relihiyon. Tuwirang nilang sinasalungat ang pananampalataya ng kalapit na bansa at pinaninindigan ang Kredong “ Shema17”

15 ibid. Kenneth Scott Latourette 16 Henry Bettenson, Documents of the Chritian Church 2nd Edit. 1963 17 Hear o Israel: The LORD our GOD is One LORD ( Deuteronomy 6:4 )

Page 4: Trinidad

14 4

na matatagpuan sa Deuteronomio 6:4-9, 11:13-21, at Mga Bilang 15:37-41. Binibigkas ito ng mga Hebreo o Israelita dalawang beses sa isang araw18 para ipahayag ang pananampalataya at pagkundena sa mga dios-diosan ng mga kalapit na bansa. Ito rin ang punong pangaral ni Jesus -Anak ni Maria sa Bagong Tipan. ( Mateo 22:36-38) at winika niya na ito ang Pangulo at dakilang kautusan. Kung ang Trinidad ay tunay, dapat ang Shema19 na binabanggit sa Biblia ay : “ The Lord our God is one in three persons o kaya’y God is three in One. ” Ang konsepto ng Trinidad ay nagmula sa Babilonia, at lumaganap sa malaking bahagi ng mundo. Ang paganong Trinidad ay nahalo sa Griegong religion at ang pilosopiya nito ay unti-unting tinanggap patungo sa simbahan 300 taon pagkaraan ni Jesus -Anak ni Maria. Ang panukalang “ Dios Anak “ ng paganong Babilonia at mitolohiya ay itinapal o itinagpi ng mga may katungkulan sa Simbahan. Sa Pahayag ni Victor Paul Wierwille, ukol sa Trinidad ng pagano, sinabi n’ya : “ Long before the founding of Christianity the idea of a triune god or god-in-three-persons was a common belief in ancient religions. Although many of these religions had many minor deities, they distinctly acknowledged that there was one supreme God who consisted of three persons or essences. The Babylonians used an uquiteral triangle to represent this three-in-one god, now the symbol of the modern three-in-one believers… the Hindu trinity was made up of the gods Brahma, Vishnu and Shiva. The Greek triad was composed of Zeus, Athena and Apollo. These three were said by the pagans to agree in one. One of the largest pagan temples built by the Romans was constructed at

18 pagkagising sa umaga at sa pagtulog sa gabi 19 Sa Hebreo, “ Shema’ Yisrael Adonai Elohenu, Adonoi Ehod.”

Ballbek ( now Lebanon) to their trinity of Jupiter, Mercury and Venus. In Babylon the planet Venus was revered as special and was worshipped as a trinity consisting of Venus, the moon, and the sun. This triad became the Babylonian holy trinity in the fourteenth century before Christ…Although other religions for thousands of years before Christ was born worshipped a triune god, the trinity was not a part of Christian dogma and formal documents of the first three centuries after Christ … So how then did a trinitarian doctrine come about? It gradually evolved and gained momentum in late first, second and third centuries as pagans, who had converted to Christianity, brought to Christianity some of their pagan beliefs and practices.”20 Paano ito nangyari ? Sa pagbabalik aral, pagkaraan ng tatlong siglo matapos ang panahon ni Jesus -Anak ni Maria, ang tiwaling Emperador na si Constantino ay ipinilit ang trinidad sa Kunseho ng Nicea. Sa Kunsehong ito ay sinasabing si Jesu-Cristo-Anak ni Maria ay Dios. Pagdakay sa Kunseho ng Constantinople 381 ay sinabi rin na ang Espiritu Santo ay Dios, sa Kunseho ng Chalcedon noong 451 ay binalangkas na si Jesus -Anak ni Maria ay taong totoo at Dios na totoo. Ito’y simpleng katotohanan lamang na ang doktrina ng trinidad at pagka-Dios ni Jesus Cristo ay hindi umiral kailanman at lumitaw lamang at ipinilit tanggapin dahil anya ay totoo. Kung ito’y katotohanan, ito’y totoo na sa pasimula pa lamang hanggang sa wakas. Hindi ito maaaring maging totoo kung binalangkas at pinagtibay lamang noong ika-4 at ika-5 siglo. Ngunit kung ito’y totoo sa pasimula pa lamang , paanong nangyari na ang simbahan ay matagal na panahon nilang binalangkas ito. Kailangan pa bang balangkasin ang

20 Jesus Christ is not God, 1975

Page 5: Trinidad

14 5

katotohanan ? Ang Biblia ay hindi naglalaman ng balangkas at paliwanag ng trinidad at pagka-Dios ni Jesu-Cristo-Anak ni Maria- katulad ng salitang Trinidad, tatlong persona, isang sangkap sa tatlong persona, at iba pang mga katagang katulad nito. Ang mga salitang ito ay dumaloy mula sa paganismo patungong simbahan at naging kabahagi ng mga kahulugan sa pagbalangkas ng Trinidad ng Cristiano.21 Ang salitang Dios anak ay hindi natin matatagpuan sa Griego, Hebreo, o Aramaic na Kasulatan. Ang Dios anak ay matatagpuan natin sa Babylonia. Sa kasaysayan ng Babylonia, si Nimrod ay ginawang dios22, at nang siya ay mamatay na, ay itinaas ang anak niyang si Tammuz bilang Dios anak o El-Bar.23 Si Karl Barth ( isang kilalang theologian ), ay nagsabi: “ The Bible lacks the express declaration that the Father , The Son, and The Holy Spirit are equal essence.”24 Sa karagdagan pa, inaangkin ng iba na ang Trinidad na aral ay nagmula sa Kasulatan o Biblia. Sa katotohanan, may mga bahagi sa balangkas ng Trinidad, ay hinango mula sa pinagdugtong-dugtong o tahi-tahing kataga ng Biblia at dagdag na konsepto ng Neo-Platonism. Sa ibang salita- ito’y pinag-halong pilosopiya ng Griego at Misteryong relihiyon ng Babilonia at dinagdagan ng mga sariling pakahulugan mula sa Biblia25. Bingo ! Trinidad na ! Ang pinaghalo-halong Hebreo-Griegong kaisipan ay nag-ugnay sa lumaganap na Kilusang Hellenista at ito’y sa pamamagitan ng mga pinuno ng simbahan, na ang

21 John L. McKenzie Dictionary of the Bible, 1995 22 Texe Marrs, Ravaged By the New Age , 1996 23 Alexander Hislop, The Two Babylona, 1916 24 The New International Dictionary of the New Testament Theology , 1976 25 tignan din ang paksang ito sa mga pahina 43-44, 76-82

theolohiya ay may kulay ng Platonist. Ang bunga ng pagpasok ng ganitong kaisipan ay dumaloy sa simbahan nang hindi ito namamalayan ng mga mananampalataya. Sinabi nga ni Thomas Jefferson26 : “ … the Trinity is an unintelligible proposition of Platonic mysticisms that three are one and one is Three.”27 Ang Trinidad ng Simbahan ay pagbabagong ayos ng mga konsepto mula sa mga lumang katuruan ng mga paganong tao na sumama sa Cristianismo. Ang konsepto ni Plato ( noong ika-4 na siglo) ukol sa divinong trinidad ay matatagpuan sa lahat ng lumang paganong relihiyon28 at naging susi sa pagbalangkas ng nabuong kredo ng Simbahan. Ang aral ng Trinidad ay tiwaling aral at kailanman ay hindi misteryo sa Kaisahan ng Dios kundi misteryo ng Paganong Babylonia. Sa loob ng libo-libong taon, bakit walang isa man sa mga Propeta ang nagturo at bumanggit nito? Dahil ba sa misteryo, kahit na misteryo dapat ay ipinaliwanag at binanggit nila ito. Lalabas na mas may patnubay pa ang mga namumuno sa simbahan dahil binalangkas nila ito at ipinapaliwag kaysa sa mga Propeta. Sa Bagong Tipan, kahit si Jesus -Anak ni Maria at ang mga apostol niya ay walang sinabi ukol dito o direktang ipinahayag ni Jesus -Anak ni Maria na siya ay Dios- kapantay, kawalang hanggan at kasangkap ng Trinidad. Wala! Sa 72 o kaya’y 77 aklat ng Biblia walang isa sa mga ito ang bumanggit. Dapat kayang paniwalaan na ang haligi

26 1743-1826, 3rd U.S. President 27 ibid. Anthony F. Buzzard, Charles F. Hundting 28 Nouveau Dictionnairre Universel 1870;Microsoft Encarta Funk & Wagnalls 1994

Page 6: Trinidad

14 6

ng pananampalataya ay hindi man lamang nabanggit kahit isa sa Biblia ? Ang matandang Babilonia ang pinangalingan ng diwa ng Trinidad na kumalat sa iba’t-ibang bansa29. Hanggang sa dumating at umalis si Jesu-Cristo, ang paniniwalang ito ng mga pagano ay laganap pa rin. Ang konsepto nito ay pumasok sa Kilusan ng mga Hellenista hanggang sa mga pinuno ng simbahan at bumalangkas ng mga Doktrina Iglesia. Dahil dito ang Trinidad ng Simbahan ay anak ng Misteryong Babylonia. Saan natin matatagpuan ang aral ng Misteryong Babilonia ? Sa pangitain ni Juan sa Apocalipsis 17: 1,4-5;18: 2,4 ay sinabi ang ganito : “ … Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig … at sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan HHIIWWAAGGAA,, DDAAKKIILLAANNGG BBAABBIILLOONNIIAA,, IINNAA NNGG MMGGAA

PPAATTUUTTOOTT AATT NNGG MMGGAA KKAASSUUKKLLAAMM--SSUUKKLLAAMM SSAA LLUUPPAA…at siya’y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, NNaagguuhhoo,,

nnaagguuhhoo aanngg ddaakkiillaanngg BBaabbiilloonniiaa,, aatt nnaaggiinngg ttaahhaannaann nngg mmggaa

ddeemmoonnyyoo,, aatt kkuulluunnggaann nngg bbaawwaa’’tt eessppiirriittuunngg kkaarruummaall--dduummaall aatt

kkaassuukkllaamm--ssuukkllaamm nnaa mmggaa iibboonn…… at narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, MMaannggaaggssiillaabbaass kkaayyoo ssaa

kkaanniiyyaa,, bbaayyaann kkoo,, uuppaanngg hhuuwwaagg kkaayyoonngg mmaannggaarraammaayy ssaa

kkaanniiyyaanngg mmggaa kkaassaallaannaann,, aatt hhuuwwaagg kkaayyoonngg mmaaggssiittaannggggaapp nngg

kkaanniiyyaanngg mmggaa ssaalloott ..”” Sino kaya ang ang Misteryong Babilonia na ito at nasaan? Sa The First Scofield Reference Bible (KJV) ay ganito ang talababa : “ Babylon, ‘confusion,’ is repeatedly

29 Ang detalyadong reperensiya ukol dito ay ang aklat nina Rev. Alexander Hislop, The Two Bablon; Ralph Woodrow Bablon Mystery Religion 1981

used by the prophets in a symbolic sense. The Two ‘Babylon’ are to be distinguished in the Revelation: eecccclleessiiaassttiiccaall

BBaabbyylloonn, wwhhiicchh iiss aappoossttaattee CChhrriisstteennddoomm,, hheeaaddeedd uupp uunnddeerr

tthhee PPaappaaccyy;; and ppoolliittiiccaall BBaabbyylloonn,, which is the Beast’s confederated empire, the last form of Gentile world –dominion.

EEcccclleessiiaassttiiccaall BBaabbyylloonn iiss ‘‘tthhee ggrreeaatt wwhhoorree’’ ( Rev. 17:1), … The notion of a literal Babylon to be rebuilt on the site of ancient Babylon is in conflict with Isa. 13:19-22. But the language of Rev. 17 ( e.g. vs. 10, 16, 18) seems beyond questions ttoo

iiddeennttiiffyy ‘‘ BBaabbyylloonn,,’’ tthhee ‘‘ cciittyy ’’ ooff lluuxxuurryy aanndd ttrraaffffiicc,, wwiitthh

‘‘ BBaabbyylloonn’’ tthhee eecccclleessiiaassttiiccaall cceennttrree ,, vviizz.. RRoommee..””

Sa Karagdagan pa, ang talababa o paliwanag ng The Oxford Annotated Bible ( RSV) ay ganito rin ang sinabi : ““

TThhee ffaallll ooff BBaabbyylloonn,, wwhhiicchh iiss RRoommee,, tthhee cciittyy oonn sseevveenn

hhiillllss ((1177::99,,1188)) aanndd tthhee aarrcchh--ppeerrsseeccuuttoorr ooff tthhee ssaaiinnttss ((1177::66)) ....

SSccaarrlleett bbeeaasstt,, tthhee RRoommaann eemmppiirree ((sseeee 1133::11)).. BBllaasspphheemmoouuss

nnaammeess,, ddiivviinnee ttiittlleess ggiivveenn ttoo RRoommaann eemmppeerroorrss.. ……””

Ang Simbahan ay nagsisikap na maipaliwanag ang

Trinidad, ngunit ang mga pamamaraan at mga patotoo ay taliwas sa tunay na anyo nito. Tulad halimbawa ng paggamit ng salitang Elohim. Sinasabi nila na ang Elohim ( God or Gods ) ay Pangmaramihang anyo, ngunit ginagamit sa iisang Dios, ito’y nangangahulugan ng Trinidad. Sagot: Elohim ( EEllooaahh ssiinngguullaarr ffoorrmm))

• Ang pangmaramihang anyo sa salitang Hebreo na Elohim ay hindi kailanman kumakatawan sa aral ng

Page 7: Trinidad

14 7

Trinidad, sapagkat ito’y ginamit din upang itukoy sa huwad na Dios tulad ni Dagon30, angel 31 at marami pang iba. Ngunit hindi sila nasa kalagayang Trinidad.

• Si Jose ay tinawag ding “ panginoon” ( adho’neh [plural]), ngunit hindi nangangahulugan na siya ay nasa anyong “ tatlo” o trinidad o maraming persona.

Ang titulong Elohim ay ginagamit din ng ilan upang patunayan ang aral na trinidad, sapagkat anya ito ay pangmaramihan sa wikang Hebreo. Ang ““ AAhhaadd ”” ( Arabic) o

““AAcchhaadd 3322”” ( Hebrew) ay tumutukoy sa Kaisahan ng Poong

Maykapal (Ω). Ang Tangi at Nag-iisang Poong Maykapal (Ω) ay hindi maaaring hatiin, paghiwalayin o kaya’y magkaroon ng iba’t-ibang personalidad. Ang tunay na konsepto ukol sa kalagayan ng Poong Maykapal ay hindi dapat sumalungat

sa pagiging – Walang Hanggan, Kawalang-Katapusan, Hindi Sakop ng Panahon, Walang-Pagkasira, Walang-Kamatayan, Lubos ang Kaalaman, Pinakamakapangyarihan sa lahat at marami pang iba. Bukod dito, Ang Allah o Poong Maykapal ay may 99 na katangian na ang lahat ng ito ay hindi dapat na ikapit sa mga nilikhang tao. Ang pananampalatayang Trinidad ay naligaw sa pag-unawa ukol sa Semitikong

30 Hukom 16:23 31 Awit 8:5 32 Ahad at Achad ay salitang semitiko (Arabic at Hebreo) na ang ibig sabihin ay “ Tanging Nag-iisalamang” (The One and Only or Alone). Ang salitang ito ay naglalarawan ng buong-buo, hindi nahahati, at tuloy-tuloy na walang pagbabago sa katangian o kalikasan. Ito ang salitang ginamit ni Jesus at kanyang sinipi upang ipakilala niya ang Kalikasan ng Tunay na Dios (“ Pakinggan mo , OhIsrael; ang Panginoong nating Dios, ang Panginoon ay iisa….Sinabi sa kaniya ng eskriba, Sa katotohanan, Guro,ay mabuti ang pagkasabi mo na siya’y iisa; at wala nang iba liban sa kaniya.” ( Marcos 12:29,32 ihambingDeutronomio 6:4) Tignan din ang pahina 49-51

Pamilang. Sa Semetikong pamilang ( Numbers) ay mayroon silang Pang-isahan (Singular), Pang-Dalawahan (Dual) at Pangmaramihan (Plural). Sa pangmaramihan ( Plural) ay maaaring ito’y higit pa sa tatlo, at ginagamit pa rin bilang “Kadakilaan, Kamaharlikaan, at bilang Pangpitagan kapag ginagamit sa mga Pangalan, Panaguri, Pangalang pambalana, at pang-uri. Tulad nito ay si Abram33, at naging Abraham34 (plural). Datapwat si Abraham ay hindi Tatlong persona. Sa Smith Bible Dictionary ito ang paliwanag:

“ Elohim is the plural of Eloah ( in Arabic Allah [Ι]);… The plural form of Elohim has given rise to much discussion. The fanciful idea that it referred to the trinity of persons in the Godhead hardly finds now a supporter among scholars. It is either what grammarian call the plural of majesty, or denotes the fullness of divine strenght, the sum of powers displayed by God.” 35Si T.C. Hammond ay

nagsabi rin: “ Elohim ( plural) occur over 2,000 times. It implies the God of Creation and providence, the supreme Deity. Though a plural of form, it most probably a plural of majesty.”36 Sinabi ng Cristiano37 The Old Testament gives implications that though God is one. He is not a solitary Being. (?) Sagot: Ang salitang “solitary” ay nangangahulugan din ng “ single, sole, alone” o kaya’y “without companion.” Ang

33 Genesis 17:5 34 Sa wikang Semetiko ay Ibrahim ( Arabic) 35 William Smith, Zondervan Pub. House p. 220 36 Understanding Be Men, A Handbook of Christian Doctrine. p.50 37 Cristiano, salitang aking gagamitin sa mga pangungusap na ibinigay sa pumpletong : “ Do Christians Believe in Three Gods?”

Page 8: Trinidad

14 8

salitang “ isang Panginoon” sa Duetronomio 6:4 ay “ achad “ sa wikang Hebreo at ito ay nangangahulugan ng “ tanging isa lamang” o kaya’y “alone” at “ one and only ” ( nag-iisa ). Ang Jerusalem Bible ay nagbigay ng pagtatapat sa kanilang talababa na ang iba pang pagsasalin ng talata ay : “ Yahweh (God) alone, a declaration of Monotheistic faith of the Jews Shema; … Si James Moffatt ay isinalin ito na : “ The Eternal alone , is our God.38 ” Kung gayon ang

Poong Maykapal (Ω) ay hindi maaaring magkaroon ng iba’t-ibang persona o mahahati man ang kanyang kalagayan.

Kaya nga ipinahayag ng Allah[Ι] sa Qur’an ang ganito: (Pilipino ang buong Kapitulo ay ganito ang pagkakahulugan):

“Ipangaral mo Muhammad !Siya Ang Allah [Ι] Ang Tangi at Tunay na Maykapal ay Iisa,

Ang Allah [Ι] ay walang pasimula at walang katapusan Hindi magkukulang sapagkat Siya’y Ganap At sa Kanya l

amang umaasa ang lahat.Hindi Siya tulad ng isang tao na nagkakaroon ng anak at gayon din

Hindi Siya maaaring ipanganak, sapagkat wala Siyang pinanggalingan o magulang.

At Siya’y walang kahalintulad kahit isa man lamang sa lahat ng mga nilikha.”

[Surah Al-Ikhlas ( Ang Dalisay na Pananampalataya, (Kabanata 112)]

Sinabi ng Cristiano: God sometimes used a plural pronoun when speaking of Himself e.g., “ Us”, “ Our ”, in Genesis

3838 tignan din ang Duetronomio 4:35; 5:39; 32:39; I Hari 8:60; 2 Hari 19:15; I Samuel 44:8; 45:5, 21, 22

1:26; 3:22. The Old Testament writers often use language that makes us think of a plurality within this unity. For example, the word translated God some 2, 570 times in O.T. is Elohim39- a plural term.”

Bakit ginamit ng Poong Maykapal (Ω) sa Biblia ang pangmaramihang panghalip kapag siya ay nagsasalita patungkol sa kanyang sarili. Halimbawa ay “ Lalangin nnaattiinn ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” ( Genesis 1:26). Sagot: Naipaliwanag na natin ang salitang Elohim kung bakit ito ay nasa pangmaramihang anyo sa pamilang. Tungkol naman sa plural pronoun kapag ginagamit ng Poong Maykapal para sa kaniyang sarili ay hindi nanganaghulugan na ang Poong Maykapal ay may tatlong persona o Trinidad. Ang Qur’an at ang Matandang Tipan ng Biblia ay isinulat sa Semitikong Wika at paulit-ulit na ginamit ang panghalip na “ We” ( Kami), “ Us” (Tayo), at “Our” (Natin), ngunit walang sinomang dalubhasang

Muslim at Judio ay mag-iisip na ang Poong Maykapal (Ω) ay may maraming persona. Ang Allah [Ι] ay Nag-iisa sa Kalagayan bagamat ginamit Niya ang Pangmaramihang Panghalip. Ang mga Muslim at di-Muslim na nag-aaral ng gramarya ay tinatawag nila itong “ plural of respect” ( pangmaramihang anyo ng paggalang), “authority, ”(kapangyarihan), “Sovereighty” (Kamaharlikaan) at marami pang iba. Ayon sa Merriam-Webster Collegiate Dictionary: ““

WWee iiss uusseedd ffoorr ssiinngguullaarr II,, bbyy KKiinnggss,, aanndd ootthheerrss wwrriitteerrss ttoo kkeeeepp

39 Singular of Elohim is Eloah ( in Arabic Allah )

Page 9: Trinidad

14 9

aann iimmppeerrssoonnaall cchhaarraacctteerr4400. Sa karagdagan pa, Sa Britanica World Language Dictionary 41ay ganito ang sinabi: ““ WWee…… AA

ssiinnggllee ppeerrssoonn ddeennoottiinngg hhiimmsseellff,, aass aa ssoovveerreeiiggnn,, eeddiittoorr,, wwrriitteerr,,

oorr ssppeeaakkeerr,, wwhheenn wwiisshhiinngg ttoo ggiivvee hhiiss wwoorrddss aann iimmppeerrssoonnaall

cchhaarraacctteerr..”” Sa karagdagan pa, ang pangmaramihang anyo ay katulad din ng paggamit ng pagpapakilala sa Elohim, upang ipakilala ang katangi-tanging kapangyarihan at karapan. Ito ay kaugalian na sa loob ng Biblia na ang sinomang nasa Kapangyarihan at Katungkulan ay nagsasalita na katulad baga na siya ay marami. Katulad ni Absalom na sinabi niya kay Ahithophel, “ Give your counsel; what shall wwee do?” ( 2 Samuel 16:20 ). Sa diwa ng paksa, si Absolom ay humihingi ng payo para sa kanyang sarili, datapwat ginamit niya ang salitang “ ttaayyoo” ( we). Tignan din ang Ezra 4:16-19 Cristiano: Naniniwala kami sa Biblia at ito ay nagtuturo na ang “ isa” ay maaring mas higit sa isa. Ngunit bagaman hindi natin makakayang maunawaang mabuti ito, ngunit hindi rin naman dapat tanggihan ito. Datapwat, pagsikapan din natin na maunawaan sa ating buong makakaya . Dahilan sa ito’y isang misteryo. Sagot: Sa katotohanan, ang trinidad ay walang patnugot o

hindi galing sa Poong Maykapal (Ω), kung sasabihin natin na ito ay misteryo. Ano ang misteryo ? Ito ay ang mga bagay na hindi lubos na maunawaan ng tao sa pamamagitan ng kanyang pang-unawa, o kaya’y itinuturo ng relihiyon na maaari lamang malaman sa pamamagitan ng Kapahayagan

40 p. 968 41 Vol. II, 1964, sa pahina 1425

(revelation) mula sa Poong Maykapal (Ω). Kung tunay na may misteryo ukol sa trinidad, dapat kahit isa man sa mga sugo ay binanggit ito at ipinaliwanag. Sa katotohanan walang,

sinomang Propeta o si Jesus -Anak ni Maria(υ) at ang kanyang mga apostol ang bumanggit sa Tatlong Persona sa Nag-iisang Dios o kaya’y Trinidad. Wala !!! Wala silang binanggit ukol sa misteryong trinidad. Ito ay lumitaw lamang nang pinagtalunan sa Konseho noong 325 C.E, na pinangunahan ni Constantino, hindi siya Cristiano manapa’y isang pagano at naniniwala sa Trinidad ng Paganismo. Ang aral na ito ay pinagbutohan, hindi kailangan pang gawin ang butohan tungkol sa aral na ito kung may patnugot mula sa

Poong Maykapal (Ω), na nauwi lamang sa matinding patayan.

Kung ito ay aral mula sa Poong Maykapal (Ω) hindi maaaring hindi ito babanggitin ng mga sugo at Propeta ng Poong

Maykapal (Ω). Ayon pa nga kay Noel Espinosa, Pastor ng Puritan Baptist Church, sa Laguna: “ Trinity is indeed a difficult subject, the Bible doesn’t use the expression.”42 Sa karagdagan pa, sinabi ng isa pang Theologian na si J.I. Packer:43 “ all the great Biblical doctrine- the trinity, incarnation … are partly mysterious, and raise problem for our minds that are at present insoluble … we should not hesitate to commit ourselves to faith in the trinity, although we do not know how one God can be three persons, nor to faith in the incarnation, although we do not know the divine and human natures combined in the person of Christ.”

Ang Poong Maykapal (Ω) ay hindi Dios ng kalituhan o kaguluhan : “ Sapagkat ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan.” Ito ang sinabi ni Pablo sa I Corinto

42 Trinity Take a second Look , page 2 43 Fundamentalism and the Word of God.

Page 10: Trinidad

14 10

14:33. May kapayapaan ka ba sa aral na “ raise problem for our minds that are present insoluble,” wika ni Packer. Kung ito ay “mysterious ?” kaya hindi kayang ipaliwanag ninuman kahit na Propeta pa siya o sugo ng Poong Maykapal

(Ω), dapat binanggit kahit na minsan lamang ang aral na ito. Wika ni Pastor Noel Espinosa “ the Bible doesn’t use the expression.” Ang mga dalubhasa ng simbahan at ng ibang sekta ng Cristiano ay nalilito at naguguluhan, sino pa kaya tayo na hindi maging biktima ng aral na ito ? Batay sa

prinsipyong inihayag ni Pablo, ang Tunay na Dios [Ω ]ay hindi Dios ng kaguluhan manapa’y kapayapaan, dahil ang Trinidad ay magulong aral ito’y hindi galing sa Poong

Maykapal (Ω). Cristiano: Ang Trinidad ay may batayan mula sa Biblia. Ang katotohanang ito ay may maliwanag na patotoo sa Bagong Tipan . Ito ay sa I Juan 5:7-8 Sagot: Kapag ang isang tao ay walang lubos na kaalamann ukol sa kalagayan at tunay na Kalikasan ng Poong Maykapal

(Ω), ang mga tao ay maaaring lumabis sa katotohanan at makagawa ng pamumusong. Ang mga bagay na ito ay

naganap na, si Jesus -Anak ni Maria(υ) at ang Banal na Espiritu ay inihanay na kapantay sa Poong Maykapal (Ω). Ayon kay Fritz Ridenour 44, na ang kalabisang ito ayon sa ibang mga dalubhasang Cristiano, na ang kadiosan ni Jesucristo ( Trinidad), ang pagkabuhay na maguli ni Jesus -

Anak ni Maria(υ) at marami pang iba ay isang uri ng pagtatagpi sa Theolohiya na idinagdag ng mga sumulat

44 Who says God Created.G/L Regal Book 1967 pp. 38, 47

nito sa Bagong Tipan dahilan sa matinding paglaganap ng misteryong relihiyon ( Mystery Religion 45) Sa karagdagan pa, sa isang aklat na “ The Lost Teaching of Jesus”, sinulat ni Prophet ay sinabi ang ganito sa pahina ii : “ We know that the Gospel have been edited, interpolated, subjected to scribes errors, garnished by addition and plagued by substractions. As Professor James H. Charlesworth tell us ‘ All the gospel manuscripts contain errors, some mistakes were caused by a scribes’s faulty hearing or eyesight; other occurred because of poor spelling or inattentiveness; others were deleberate alterations due to cahnges in doctrinal or theological beliefs … This can be seen in the thousands of New testamemnt manuscript we posses and thousands of the Bible qoutes preserved in ancient writing-which differ from each other in over 250,000 ways. The texts have been extensively worsked and re-worked … It shows unequivocaly that the New Testament we hold in our hands today was edited and embelished for doctrinal reasons.”

45 Mithraic cults, a cult of Mithras, ancient Persian sun-god florished in the late Roman empire, the perfect prototype of Jesus(υ) and the founder of an international assembly in which Christmas and Easter were the two most important festivals. He is a divine saviour came into the world as an infant, and his first worshippers were shepeherds and the day of his nativity was December 25th. They kept the 1st day holy ( Sunday). Mithra is a mediator, they had seventh sacraments indentical with the seven sacraments of Roman Catholicism. Sir Richard Gregoty in his : Religion in Science and Civilization p. 111 says: “ Each of the major festivals of the Christian calendar carries on the tradition on the earlier pagan beliefs which the early Church, with a wisdom which still persists in Roman Catholic missionary efforts in its relations with primitive peoples, had adopted and transformed in the service of the Christian faith.”

Page 11: Trinidad

14 11

Ating natunghayan na may pagmamalabis na nangyari sa Biblia at ito ay hindi kayang pasinungalingan batay sa mga dalubhasa at umiiral na katibayan. Ang isa sa mga halimbawa nito ay ang pagdadagdag, na ating nabanggit sa paksang Trinidad. Sa talababa (footnote) ng Jerusalem Bible sa pahina 419 ay inamin ng mga dalubhasa na ang I Juan 5:7-8 ay isang huwad na isinama sa teksto ng Biblia. Gayon din sa Appendix ng Bagong Tipan na Modern Speech ng namayapang si Richard Francis Weymouth sa pahina 696 ay nagsabi : “ verse 7 as given in AV ( authorized version) is found only in two Greek Manuscriptof the fourteenth and sixteenth century. It perhaps a quotation- a comment of Cyprians which got into the Vulgate ( Latin Bible)”. Gayon pa rin, si Goodspeed sa kanyang American Translation of the New Testament ay nagbigay din ng paala-ala : “ It ( I John 5:7) is universally discredited by Greek Scholars and editors of the Greek text of the New testament.”

Isang Tunay na Dios [Θ ]na may tatlong persona ay taliwas sa mga aral ng Biblia. Kaya nga, dahil dito ay may mga ilan na nagnais na maisingit ito sa manuskrito. Ganito rin ang natunghayan natin sa nangyari sa Juan 1:1-18 na pawang idinagdag at ang diwa ng mga nagsalin ay may dalawang Dios, hindi isa lamang. Si Rev. Charles F. Potter ay nagpahayag na ang Trinidad ay “ … a forgery a deliberate interpolation and evidently have crept in from a marginal note ”. Sina Moffatt, Goodspeed, mga editors ng Oxford Annotated Bible (Revised Standard Version), First Scofield References Bible at marami pang iba ay inamin na ang I Juan 5:7 ( nagtataglay ng aral na Trinidad) ay huwad, kung gayo’y ‘ hindi mabisang batayan at ito ay isiningit lamang sa mga matandang manuskrito ng Biblia.”

Cristiano: Ang Poong Maykapal (Ω) sa Bagong Tipan, ay iniugnay niya ang kanyang sariling Pangalan sa tatlong katungkulan bilang Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Sagot: Winika ni Jesus -Anak ni Maria (υ) ang ganito: “ … na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, …” ( Mateo 28:19). Ang talatang ito ay isa sa mga batayan ng Trinidad, dahil anya ay iniugnay ang ama, anak at espiritu. Ayon sa kanila, ang salitang “ pangalan” ay nag-uugnay sa kanila bilang Trinidad dahil hindi sinabing “ mga pangalan,” kundi “ sa pangalan.” Una, may mga nangangatuwiran na ginagamit ang pamamaraan ng Matematika na ang Ama, Anak at Espitu ay “ isa” sa pamamagitan ng multiplika ( 1x1x1=1). Datapwa’t ang pamamaraan ay mali batay sa gramarya ng Teksto. Kung multiplika ang pamamaraan dapat ang ginamit ay “by the Father, by the Son, and by the Holy Spirit.” Sa katotohanan, sapagkat ang ginamit ay ‘ of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit” na ang katumbas nito sa Aritmetika ay “ 1+1+1= 3,” higit na makatuwiran ito, hindi ba ? Ikalawa, Ang salitang “ pangalan” (singular) ay hindi matibay na batayan na sila nga ay iisang Dios na may tatlong persona. Pansinin, kapag ginagamit ang salitang pangalan ngunit ikinapit sa maramihan ay hindi nanganaghulugan na ang maraming binabanggit ay isa lamang sa kalagayan. Ang pinakamabuting halimbawa nito

“ Binubuksan siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at tinatawag ang kaniyang sariling mga tupa sa pangalan, at sila’y inihahatid sa labas. ( Juan 10:3)

Page 12: Trinidad

14 12

ay nabanggit din ni Jesus -Anak ni Maria(υ) sa Juan 10:3. Pansinin ninyo ang pagkagamit “ mga tupa” at “pangalan”. Hindi nangangahulugan na ang mga tupa ay isa lamang, bagama’t ginamit ang pangmaramihang anyo na “ mga” . Samakatuwid, ang paggamit ng salitang “pangalan” bagaman maraming iniuugnay o tinutukoy ay pagkakaisa ang tunay na diwa.

Ang Mga Cristiano ba ay naniniwala sa Tatlong Dios ? Sa isang maliit na babasahin na ipinalimbag ng Radio Bible Class (RBC) sa pamamahala ni Herb Vander Lugt at may pamagat na “ Do Chritians Believe in Three Gods?” ay nagpahayag ng kasagutan ukol sa katanungang ito : sinabi nila : “ Muslims, Jews, Jehovah’s Witnesses, and Mormons say yes. They insist that the orthrodox Christian doctrine of the Trinity is unbiblical and is a hangover from the polytheism of the Greek and Roman mythologies. Is this true? Or is believing in a three-in-one God foundational to biblical faith? Dahil sa kapahayagan at katanungang ito, ay nais nating ipakita na katotohanan ngang sila’y nananampalataya sa tatlong dios nang hindi nila ito namamalayan, bagamat sinasabi nilang iisa ang Poong Maykapal (Ω), at hindi tatlo ang kanilang Dios Si Kersey Graves, sa kanyang The World’s Sixteen Crucified Saviors, Chapter 24: Trinity Very Anciently a Current Heathen Doctrine ay nag-ulat ukol sa tatlong kalagayan ng anyo at tatlong bahagi ng pagkadios, at ito’y inamin din ni St. Jerome : “ All the ancient nations believed in the Trinity.” Ayon sa kanyang pagsusuri, sa Banal na Aklat ng Hindu (( PPuurraannaass)) isang

libo at apat na daang taon ( 1400) bago pa ipinanganak si Jesucristo ay nakasulat ang ganito “ O you three Lords! Ejaculated attencion , know that I recognize only one God. Inform me, therefore, which of you is the true divinity that I may address to him alone my vows and adorations. The three GGooddss,, BBrraahhmmaa,, VViisshhnnuu,, aanndd SSiivvaa, becoming manifest to him, replied, ‘ Learn, O devotee, that there is no real distinction between us. What to you appears such is only by semblance. The single being appears under three forms by the acts of creation, preservation and destruction , but he is one.” Alam ba ninyo na ang aral ng trinidad ay matatagpuan din natin ang aral na ito sa sinaunang Brahmin, Persian, Chaldean, Chinese, Mexican at Grecian- at mas nauna pa kaysa sa Cristianismo. Ang paham na si Plato ang unang nagpanukala sa doktrinang trinidad at isinulat niya ito at ipinaliwanag apat na daang taon (400) bago ipinanganak si Jesus -Anak ni Maria(υ). At ang kanyang mga paliwanag ay kaayon sa doktrina ng Cristiano. Sa wikang Griego ay iniulat ni Plato ang trinidad na 1. Si Agathon, ang Pinakamataas na Dios o Ama, 2. Ang Logos (o Salita / Verbo) at 3.Psyche na ang kahulugan nito sa Griegong talatinigan ay espiritu o kaluluwa. Ang panuntunan ng pananampalataya ni Plato at mga pakahulugan niya sa trinidad ay siya ngayong kinakatigan ng Cristiano. Matibay kayang panulok ng pananampalataya ang mga hiram na aral sa Paganong si Plato. Ang manunulat na si Chataubron ay sinipi ni Kersey Graves, na sinasabing sa naunang Griegong inskripsiyon sa napakalaking Obelisk46 sa Roma ay mababasa natin ang “ The

46 Isang mataas na haligi at may apat na sulok sa gilid nito at sa itaas ay hugis ng Piramido (Pyramid). Ito’y monumentong pagkakakilanlan ng mga paganong pananampalataya, mga diyos at diyosa.

Page 13: Trinidad

14 13

Mighty God, The Begotten of God, and Apollo the Spirit.” ( Ang Makapangyarihang Dios, Ang Bugtong ng Dios, at si Apollo ang Espiritu ). Ito ang inukit na kataga upang ihayag ang pananampalatayang trinidad ng paganong Roma. Sa karagdagan pa mula kay Mr. Cudworth, kaagapay ng ulat na ito ay sinabi : “ The Greeks had a first God, and second God, and third God, and the second was begotten by the first. And yet for all that they considered all these one.”

Sa Platonic at Grecianong trinidad, ang unang persona ay ibinibilang na taga-panukala sa paglikha, ang ikalawang persona ay kasamang manlilikha at gayon din ang ika-tatlong persona na kaluluwa o espiritu ay sumasa ibabaw ng tubig at nagbigay buhay sa kalaliman at sa lahat ng nilikha na kung inyong mapapansin ay mag-katulad sa doktrinang Cristiano. Ang pinakamatandang aral at ang tunay na pinag-mulan ng trinidad ay matatagpuan sa Brahmin , ito ay : “ Brahma, the Father or Supreme God , 2nd Vishnu, the incarnate Word and Creator, and 3rd Siva, the Spirit of God i.e. the Holy Spirit -” na ang mga katagang ito ay katapat din sa doktrinang Cristiano ng Trinindad, datapwat dalawang libong taon ang kahigitan. Bakit Nating Kailangang Manampalataya sa Kaisahan ng Poong Maykapal (Ω)?

• Sapagkat ang doktrina ng Trinidad ay salungat at taliwas sa unang kautusan sa aklat ni Moises na sinasabing: “ Huwag

kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.” (Exodu 20:2)

• Ang aral na Trinidad ay ginagawa natin na ang Poong Maykapal (Ω) ay may tatlong isip47 (split personality), tatlong damdamin 48 (puso) at tatlong pagkilos o kalagayan49.

• Ang aral na Trinidad ay isang haka-haka, sapagkat ito ay sumasalungat sa Katangian na ang Poong Maykapal Ω na makapangyarihan sa lahat, ay nakakaranas ng walang kaayusan sa isip ( mental disorder50 ) kaya nagaganap ang paghihiwalay ng isip ( split personality )- Dios at pag-iisip ng tao.

• Sapagkat ang Tao-Dios na katangian ay hindi maaaring magsama sa isang kalagayan. Ang kalikasan nito ay magkasalungat, halimbawa, Ang Poong Maykapal (Ω) ay walang kamatayan, walang pagbabago, walang hangganan , samantalang si Jesus -Anak ni Maria(υ) ay may kamatayan, nagbabago ng kalagayan , may hangganan at marami pang iba. Ang dalawang katangiang ito ay kinakailangang magkahiwalay at hindi magkasama, malibang may dalawang Dios ang isa ay Poong Maykapal (Ω) at iba naman ay tao. Datapwat salungat ito sa konsepto na ang Tunay na Dios ay iisang kalagayan lamang ( Monoteismo ).

47 Isip ng isang Makapangyarihan sa lahat, isip ng masunuring anak at pangkaraniwang nilalang at isip na tagapagsubaybay at naglilingkod sa nilalang. 48 Damdamin ng Manlilikha, damdamin bilang nilalang at nangangailangan ng tulong at tagapaglingkod. 49 Kalagayan bilang Walang hanggan o Walang pasimula at walang katapusan, kalagayan bilang nilalang at namamatay, at tagapaglingkod. 50 Pabago-bago ng isip

Page 14: Trinidad

14 14

Huwag tayong magmalabis sa ating pananampalataya, huwag tayong gagawa para sa atin ng mga aral na walang patnugot sa Poong Maykapal. Ang Trinidad kailanman ay hindi katanggap-tanggap, ang Kaisahan ng Allah ang malinis at dalisay na pananampalataya. Huwag natin dungisan ang ipinagkatiwalang aral sa atin ng mga Propeta. Ang Poong Maykapal- ang Allah ay iisa lamang, wala nang iba pa.Isang pananampalataya, isang aral at isang relihiyon ( daan ng buhay). Humingi tayo ng pagkalinga sa tanging Nag-iisang Poong Maykapal- Ang Allah. Siya ang Higit na Maawain, Ang Higit na Mahabagin.