tula (ang butil ng punlang diwang makabayan)

1
Page 1 of 1 ANG BUTIL NG PUNLANG DIWANG MAKABAYAN (Ikaapat na Taon sa Sekundarya 2010) Malayang Taludturan ©αlpha Φhi εmjay | [email protected] / [email protected] Alipin sa sariling lupain at ang banyaga ang siyang sambahin Mga diyus-diyosang maituturing, may hangaring maitim Sa pusong l unggati ’y lukab na sa hilahil at sikip na panimdim Sikdo ng dugo, gulok na matalim, sa koronang buhay siyang kikitil . Perlas na nilapastangan, bayang pinagnakawan ng mga kawatan, Nitong karapatan at prebilihiyong mamuhay nang may kalayaan! Kaya nga maalab na diwa’y nakihamok, ‘di na mapigilan Nagmistulang isang nag-alsang tinapay sa kanyang kabaltikan. Gunitaing kamahadlikahang Kanluranin ay siyang nagpunla Sa kapwa INDIYO’t ILUSTRADONG dakila sa pagkamakabansa Binuklod ba ang damdamin ni DIAN MASALANTA? At gayong ang Kastila’y nilukob ng ligalig at pagkabahala. Makasaysayang hibla ng buhay ni Hermano Pule Isang konkretong uliran ng katapangang maipagmamalaki, Matapos maitatag ang relihiyosong Confradia de San Jose, Hinarap ang kamtayan para sa bayan at para sa mga api. Sa hangaring makamit ang tunay na kahulugan ng kasarinlan Ang tao’y palaban at mapaghanap sa hustisyang palipunan Lalo na’t nakararanas ng diskriminasyon at abusong mortal Walang santo-santong hindi mabubuwal, ituring man siyang banal. Pag-irog sa inang bayan ang butil ng punlang diwang makabayan Mula sa Hari ng Katagalugan ay dapat nating matutuhan: Sintahin ang D’yos, lupa at paniniwalang may layong masanghayang, Mamatay kaman sa iyong hantungan, may maiiwan kang kadakilaan!

Upload: mark-jed-arevalo

Post on 11-Feb-2017

435 views

Category:

Education


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tula (Ang Butil ng Punlang Diwang Makabayan)

Page 1 of 1

ANG BUTIL NG PUNLANG DIWANG MAKABAYAN

(Ikaapat na Taon sa Sekundarya 2010)

Malayang Taludturan

©αlpha Φhi εmjay |

[email protected] / [email protected]

Alipin sa sariling lupain at ang banyaga ang siyang sambahin

Mga diyus-diyosang maituturing, may hangaring maitim

Sa pusong lunggati’y lukab na sa hilahil at sikip na panimdim

Sikdo ng dugo, gulok na matalim, sa koronang buhay siyang kikitil.

Perlas na nilapastangan, bayang pinagnakawan ng mga kawatan,

Nitong karapatan at prebilihiyong mamuhay nang may kalayaan!

Kaya nga maalab na diwa’y nakihamok, ‘di na mapigilan

Nagmistulang isang nag-alsang tinapay sa kanyang kabaltikan.

Gunitaing kamahadlikahang Kanluranin ay siyang nagpunla

Sa kapwa INDIYO’t ILUSTRADONG dakila sa pagkamakabansa

Binuklod ba ang damdamin ni DIAN MASALANTA?

At gayong ang Kastila’y nilukob ng ligalig at pagkabahala.

Makasaysayang hibla ng buhay ni Hermano Pule

Isang konkretong uliran ng katapangang maipagmamalaki,

Matapos maitatag ang relihiyosong Confradia de San Jose,

Hinarap ang kamtayan para sa bayan at para sa mga api.

Sa hangaring makamit ang tunay na kahulugan ng kasarinlan

Ang tao’y palaban at mapaghanap sa hustisyang palipunan

Lalo na’t nakararanas ng diskriminasyon at abusong mortal

Walang santo-santong hindi mabubuwal, ituring man siyang banal.

Pag-irog sa inang bayan ang butil ng punlang diwang makabayan

Mula sa Hari ng Katagalugan ay dapat nating matutuhan:

Sintahin ang D’yos, lupa at paniniwalang may layong masanghayang,

Mamatay kaman sa iyong hantungan, may maiiwan kang kadakilaan!