tula ng bata

Upload: wensore-cambia

Post on 09-Jan-2016

227 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

pag- ibig

TRANSCRIPT

Pag ibigNiMariah Henecy P. ReaGrade 8 - DiligenceS.Y. 2015-2016

Ibang ligaya ang aking nadaramaNang ang tulad mo ay aking nakilalaProblemat lungkot ay agarang nawalaNang sa harapan ko, ikay nagsalita.

Ako ay napupunta sa kalawakanPag natatanaw ko ang yong kagwapuhanMala anghel mong ngitiy kay sarap tingnanAt ang itong tinig na kay sarap pakinggan.

Pag-ibig na itoy pagkagulo-guloKung minsay baluktot, kung minsan ay wastoBulag ang katulad, tila nalilitoKung minsay may sakit ng pagkasiphayo.

Alam kong akoy walang pag-asa sayoDahil ang agwat natin ay magkalayoPero sanay wag mong itaboy tong pusoNa nagmamahal sa iyo ng totoo.

Ang iyong paglisan ay nakakalungkotKaya ang puso koy nabalot ng kirotAng katulad mo ay pinapangarap koPero ito ay malabong maabot ko.

Pag ibigNiClarisse D. MalabananGrade 8 - DiligenceS.Y. 2015-2016

Pag nasilayan ang makisig mong mukhaTila akoy parang nasa ulap sintaPalaging ikaw ang hanap ko sa twinaNagbibigay saya sat wing kasama ka.

Akoy maghihintay at di magsasawaNa pasayahin ka at alalayan kaKapag tumitig ka sa akin o sintaPawing aking puso nabalot ng kaba.

Akoy umaasang iyong magustuhanAt mapagtanto mo na tayo ay bagayKapag umiyak ka pusoy malulumbayMaaasahan mong ikay gagabayan.

Ikaw na nga yata aking hinihintayNagbibigay saya inspirasyong tunaySana ikaw na nga ang panghabang buhayNa mamahalin ko ng labis at wagas.

Gagawin ko ang lahat dahil mahal kitaAalagaan ka at papayuhan kaUpang maramdamang ikay aking mahalPag-ibig mo sinta aking inaasam

Ang Aking HinahangaanNiMaicah Joy P. EdonGrade 8 - DiligenceS.Y. 2015-2016

A aking pamilya ay aking pag-asaKahit sa problema ay laging kasamaSila ang laging ninanais makitaMula pa lamang paggising sa umaga.

Kayo lamang ang nagbibigay ng kulaySa aking buong mundot sa aking buhayPagmamahal ninyoy hindi mawawalay.Buong buhay ko sa inyoy iaalay.

Pagmamahal ninyoy hindi magmamaliwDahil kayo ang nagbibigay aliwKahit sa problemay hindi bumibitiwSapagkat kayo ang tanging ginigiliw.

Kayo ay isang magandang alitaptapNagbibigay liwanag saking pangarapHandang magturo sa aking hinaharapKapag nawalay ay laging hinahanap.

Tutuparin ko ang mga pangako nyoDahil kayo ang tanging minamahal koKahit bali-baliktarin man ang mundoKayo parin ang tanging iniibig ko

Pag ibigNiJonas Chester R. CabuyaoGrade 8 - DiligenceS.Y. 2015-2016

Umaga pa lamang ay sumasaya naPaggising sa umaga inspirado naIto ay lalo na pag nakita ka paAng araw ko ay parang nabuo mo na

Hindi ko malaman ang aking gagawinPag nasalubong ka, sa akiy tuminginPara bang ako ay namamangha pa rinLalo pang nakita ang pagkamahinhin.

Tunay na paggalang ay aking gagawinAng iyong mg autos, aking susundinMagsabi ka lamang, lahat ay gagawinAng aking paghanga ay iyong tanggapin.

Wala ng iba pa, kundi ikaw sintaIkaw ay magtiwala sa aking paghangaAng pusoy anong kaba pag syay nakitaNagbibigay kislap sa aking mga mata.

Akoy humahanga sa isang dalagaAt ang paghanga koy bigyan ng halagaTunay na araw koy laging gumagandaIkay inspirasyon sa tuwi-tuwina.