tungkol saan ang modyul na ito? -...

53
1 Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Nakatira tayo sa isang planetang may iba’t ibang uri ng mga bagay na may buhay. Marami sa mga ito ang nakikita ng ating mga mata, samantalang may lubhang napakaliit at hindi nakikita ng ating mga mata. Tinatawag itong mikroorganismo. Kabilang dito ang mga bakterya at virus sa hangin, lupa at tubig. Nasa paligid ang mga ito. Kahit ang ibabaw ng ating balat ay tirahan ng milyun-milyong bakterya. Sa kabila nito, may kakayahan tayong protektahan ang ating katawan laban sa mga mapanganib na mikroorganismong nakapagdudulot ng sakit. Anu-ano sa palagay mo ang mga paraan upang maprotektahan ang ating mga katawan laban sa mga mikroorganismo? Paano ito umiiwas sa mga organismong nagdudulot ng sakit o pathogen? Anong ginagawa nito sa mga duming nakapapasok sa ating katawan? Sasagutin ng modyul na ito ang lahat ng mga katanungan sa itaas. Tatalakayin din nito ang ilan sa mga nakahahawang karamdaman, ang kanilang mga sintomas at ang mga paraan sa pag-iwas at paggamot sa mga ito. May dalawang aralin ang modyul na ito: Aralin 1 Ano ang Karamdaman? Paano Ito Nilalabanan ng Ating Katawan? Aralin 2 Mga Nakahahawang Karamdaman Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, may kakayahan ka nang: ipaliwanag kung paano tayo pinoprotektahan sa karamdaman ng mga mekanismo ng ating katawan; tukuyin ang iba’t ibang uri ng nakahahawang sakit na maaaring maiwasan; at

Upload: vucong

Post on 06-Feb-2018

323 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

1

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Nakatira tayo sa isang planetang may iba’t ibang uri ng mga bagay namay buhay. Marami sa mga ito ang nakikita ng ating mga mata,samantalang may lubhang napakaliit at hindi nakikita ng ating mga mata.Tinatawag itong mikroorganismo. Kabilang dito ang mga bakterya atvirus sa hangin, lupa at tubig. Nasa paligid ang mga ito. Kahit ang ibabawng ating balat ay tirahan ng milyun-milyong bakterya. Sa kabila nito, maykakayahan tayong protektahan ang ating katawan laban sa mgamapanganib na mikroorganismong nakapagdudulot ng sakit.

Anu-ano sa palagay mo ang mga paraan upang maprotektahan angating mga katawan laban sa mga mikroorganismo? Paano ito umiiwas samga organismong nagdudulot ng sakit o pathogen? Anong ginagawa nitosa mga duming nakapapasok sa ating katawan?

Sasagutin ng modyul na ito ang lahat ng mga katanungan sa itaas.Tatalakayin din nito ang ilan sa mga nakahahawang karamdaman, angkanilang mga sintomas at ang mga paraan sa pag-iwas at paggamot samga ito.

May dalawang aralin ang modyul na ito:

Aralin 1 – Ano ang Karamdaman? Paano Ito Nilalabanan ngAting Katawan?

Aralin 2 – Mga Nakahahawang Karamdaman

Anu-ano ang mga Matututuhan Mosa Modyul na Ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, may kakayahan ka nang:

♦ ipaliwanag kung paano tayo pinoprotektahan sa karamdaman ngmga mekanismo ng ating katawan;

♦ tukuyin ang iba’t ibang uri ng nakahahawang sakit na maaaringmaiwasan; at

Page 2: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

2

♦ ipaliwanag ang iba’t ibang pag-iingat na maaaring isagawa upangmaprotektahan sa karamdaman ang ating mga katawan.

Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago mo pag-aralan ang modyul na ito, sagutan mo muna angmadaling pagsusulit sa ibaba upang matukoy kung ano na ang alam motungkol sa paksa.

A. Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ang balat ay __________________________________

a. panlabas na takip ng ating katawang nagproprotekta saatin laban sa karamdaman

b. hindi naaapektuhan ng bakterya o virus

c. hindi madaling kapitan ng mikrobyo kung mas maputiang kulay nito

d. hindi mahalaga sa pagproprotekta sa ating katawan labansa sakit

2. Anong mangyayari kung may pumasok na dumi sa iyongmga mata?

a. Mas magiging malinaw ang iyong paningin.

b. Makaiirita ang dumi sa iyong mga mata at magdudulotng impeksiyon.

c. Walang mangyayari.

d. Mabubulag ka.

Page 3: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

3

3. Bakit kailangang tapalan ang mga sugat?

a. Upang maiwasan ang impeksiyon

b. Upang dumugo ang mga sugat

c. Upang magmukhang malinis

d. Upang hindi mangamoy

B. Isulat ang iyong mga sagot sa mga patlang.

4–6. Magbigay ng tatlong uri ng karamdamang maaaringmaiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

C. Sa nakalaang mga patlang, isulat ang Tama kung wasto angpangungusap, at Mali kung hindi.

_____ 7. Nakahahawang sakit ng mga hayop ang rabies lalona ng aso.

_____ 8. Kung nabakunahan ka laban sa bulutong, hindi kamagkakaroon ng sakit na ito.

_____ 9. Hindi tayo kayang protektahan sa sakit ng atingkatawan.

_____ 10. Ligtas na lumapit sa isang taong may tigdas.

Kamusta ang pagsusulit? Maayos ba ang pagsagot mo? Ihambing angiyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 46.

Kung tamang lahat ang iyong mga sagot, magaling! Ipinakikita nitongmarami ka nang alam tungkol sa mga paksa ng modyul na ito. Maaari mopa ring aralin muli ang mga alam mo na. Maaaring may matutuhan ka pangbagong kaalaman.

Page 4: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

4

Kung mababa ang iyong nakuha, huwag malungkot. Ibig sabihin napara sa iyo ang modyul na ito. Tutulungan ka nitong maintindihan ang ilansa mahahalagang konseptong maaari mong magamit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mo ito nang mabuti, maiintindihanmo ang mga sagot sa mga itinanong sa pagsusulit at marami pang iba.Handa ka na ba?

Maaari ka nang magtungo sa susunod na pahina upang simulan angAralin 1.

Page 5: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

5

ARALIN 1

Ano ang Karamdaman?Paano Ito Nilalabanan ng

Ating Katawan?

Ang karamdaman ay mapanganib na kalagayang makaaapekto sapisikal, mental at sosyal na kaaayusan ng isang tao. Kapag maykaramdaman tayo, kailangan nating manatili sa higaan; ayaw nating kumainat makisalamuha sa iba. Nagiging bugnutin din tayo dahil hindi natinmagawa ang ating mga pang-araw-araw na gawain. Magastos din angmagkasakit dahil kailangan nating magpatingin sa doktor at bumili ng mgagamot. Kaya’t dapat nating protektahan ang ating katawan laban sa mgamapanganib na sakit.

Pagkatapos ng araling ito, makakaya mo nang:

♦ ibigay ang kahalagahan ng tamang pangangalaga sa katawan;

♦ tukuyin ang mga sitwasyon kung saan maaaring makakuha angating katawan ng mga nakasasamang organismo tulad ngbakterya at virus;

♦ ipaliwanag kung paano tayo pinoprotektahan ng ating katawan atkung paano ito tumutugon sa sakit; at

♦ ibigay ang pagkakaiba ng mga sakit na nakahahawa sa mga dinakahahawa.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

May sakit o di malusog ang taong may karamdaman. Masasabi moba ang pagkakaiba ng taong may sakit at taong malusog? Pareho ba angkanilang hitsura? Sino ang mas mukhang mahina? malakas? masaya?malungkot?

Pag-aralan at pag-isipan natin ang kuwento ng dalawang malapit namagkaibigan. Kapwa may mataas na pinag-aralan sina Joe at Marc.

Page 6: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

6

Nag-aral sila sa iisang eskwelahan subalit magkaiba ang kanilang kurso.Isa nang matagumpay na negosyante si Joe. Bise presidente naman siMarc ng isang malaki at kilalang kompanya.

Dahil sila ay malapit na magkaibigan simula pa sa kolehiyo, nangakosila sa isa’t isang magkikita nang kahit man lang tatlong beses sa isangtaon. Isang araw, kinumbida ni Marc si Joe at ang pamilya nito upangipagdiwang ang kaniyang kaarawan.

Kailangan mongmagpatingin sadoktor ano.

Mukhang masamana ang ubo mo.Kailan pa ba‘yan?

Nagagalakakong makitaka, Joe.

Gayundin ako. Matagal-tagal na rin tayong hindinagkikita. Mukhang okayka.

Salamat. Naninigarilyo ka pa ba?

Oo, mahirap kasing tumigil.Dahil sa stress sa trabaho atkung anu-ano pa, nais koparating manigarilyo.

Hindi kataka-takangmukhang mas payatka ngayon kaysanang huli kitangmakita. Kailangan monang tigilan angpaninigarilyo.

Mga isang buwan na. Kungminsa’y nawawala ngunitbumabalik din.

Madali para sa’yoang sabihin iyan.(ubo, ubo)

Natatakot akong malaman kung anoang sakit ko. At lalo akong takotmarinig na sabihin niyang itigil ko naang paninigarilyo. Hindo kokakayanin ang stress sa trabaho.Kailangan kong manigarilyo upangmaibsan ito.

Page 7: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

7

Naglaro ang dalawang magkaibigan ng kanilang paboritong laro . . .subalit pagkatapos ng limang minuto . . .

(humihingal) Ayokona, Marc. Hindi kona kayang maglaropa. Hinihingal naako.

Napansin ko nga.Tinatalo mo ako dati sabasketbol. Anongnangyari sa iyo? Hindika na tulad nang dati.

May iba pang paraan upangmaibsan ang stress. Dati rin akongnaninigarilyo, di ba? Pero tumigilako at nag-ehersisyo na lamang.Tumatakbo ako ng 30 minutotuwing umaga bago magtungo satrabaho, at kapag ipinapasyal koang aking aso. Nakatutulong saakin ang pag-ehersisyo upangmabawasan ang stress. Sige na,Joe, magpatingin ka sa doktor.

Sige. Gagawin ko‘yan bukas.

Sana’y gawin mo talaga ito.Tigilan na nga natin angganitong usapan. Maglaro nalang tayo ng basketbol sa likodbahay tulad nang dati.

Payag akor’yan!

Page 8: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

8

Pag-usapan Natin Ito

Ano ang natutuhan mo sa komik istrip na iyong binasa? Natukoy moba ang pagkakaiba ng dalawang matalik na magkaibigan?

Kung minsan, inaabuso natin ang ating kalayaang gawin ang atingnaisin. Halimbawa, nais ni Joe na manigarilyo at ayaw niyang mag-ehersisyo. Ginawa niya ang kaniyang mga masasamang bisyo at hindibinigyang pansin ang pinsalang maaaring maidulot ng mga ito sa kaniyangsarili.

Totoong may sariling paraan ang katawan ng pagproprotekta nitolaban sa mga karamdaman, subalit hindi nito kayang gawin itong mag-isa.Kailangang siguraduhin nating nakatatanggap ang ating katawan ng sapatna nutrisyon at kalinga. Dapat tayong kumain ng masusustansiyangpagkain, magpahinga at matulog nang sapat, at umiwas sa mgamasasamang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak. Kunggagawin natin ang mga ito, malalabanan ng ating katawan ang mgakaramdaman. Ngayon, heto ang ilang katanungan para sa iyo.

1. Paano pinananatiling malusog ni Marc ang kaniyang katawan?

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

Ikinalulungkot kong marinig ‘yan. Ngunitkagaya ng sinabi ko, may magagawa ka pa.Tigilan mo ang paninigarilyo at dalasan moang pag-ehersisyo.

Hindi na akonaglalaro ngbasketbol natulad noon.Siguro ngahindi ko nanaaalagaanang akingsarili.

Natutuwa ako’t nakadalo ako sa iyongkaarawan, Marc. Talagang may natututuhanako kapag ikaw ang kausap ko. Mukhangmasaya at kuntento ka sa buhay mo.

Totoo ‘yan. Salamat.

Page 9: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

9

2. Paano mo pinananatiling malusog ang iyong sarili?

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

3. Anong napansin ni Marc tungkol sa kalusugan ni Joe?

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

4. Ano sa tingin mo ang sanhi nito? Paano nito naaapektuhan angbuhay ni Joe?

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

5. Pinayuhan ni Marc si Joe. May kaibigan ka rin bangnangangailangan ng iyong tulong? Kung ikaw ang nasa kalagayanni Marc, anong payo ang ibibigay mo sa iyong kaibigan?

________________________________________________

________________________________________________

________________________________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pp.46–47.

Page 10: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

10

Alamin Natin

Ano ang susi sa isang mahaba at malusog na pamumuhay? Hindisapat ang pagkakaroon ng pagkain. Ang isang malusog na pamumuhayay kinabibilangan ng regular na pag-ehersisyo, pag-iwas sa mgamasasamang bisyo, tamang pagtugon sa stress, kalinisan, tamangnutrisyon, pag-iwas sa mga nakasasamang elemento sa ating kapaligiran atiba pang bagay.

Isang mahalagang bagay ang hindi paninigarilyo upang pangalagaanang kanilang kalusugan. At kung naninigarilyo na, himukin ang sarilingitigil ito. Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo kundipati na rin sa kanser, istrok at sakit sa baga. Makapagdudulot din angpaninigarilyo ng problema sa ngipin, masamang amoy ng hininga, kulubotna balat, masamang amoy ng buhok at mantsa sa mga kuko.

Hindi nakatutulong ang paninigarilyo sa paglunas sa stress.Nakasasama rin ito sa kalusugan. Isa sa mga pinakamainam na paraan angpag-ehersisyo upang maibsan ang stress. Matagal na nating alam angmabubuting dulot nito sa katawan. Hindi lamang ito nakatutulong sapagpaparelaks, kundi binabawasan din nito ang posibilidad ngpagkakaroon ng sakit sa puso, pinabubuti ang balanse at koordinasyon,tinatanggal ng pananakit at pamimitig ng katawan, at tumutulong sapagkakaroon ng tamang timbang.

Maaari kang pumili ng ehersisyong magugustuhan mo. Maaaringmaging bahagi ng iyong ehersisyo ang iyong mga pang-araw-araw nagawain tulad ng paggawa ng mga gawaing bahay at paglakad patungo satindahan. Hindi mo kailangang maging isang atleta upang maging malusog.Ang paglalakad, pagbibisikleta, paglangoy, pagjojogging, pagsasayaw atpagluluksong lubid ay mga uri ng ehersisyo. Kailangan mong gawin angiba’t ibang uri ng aktibidad upang manatiling malakas at malusog.

Ngayon, tingnan natin kung paano nilalabanan ng ating katawan angmga karamdaman.

Page 11: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

11

Basahin Natin Ito

Mahilig maglaro ng football si Manuel at ang kaniyang mga kaibigan.Mga miyembro sila ng koponan ng football sa kanilang paaralan.

Tuwing hapon pagkatapos ng eskwela, nagsasanay sila sa palaruan ngpaaralan.

Isang kawili-wiling laro ang football. Layunin nitong habulin ang bolaat sipain patungo sa goal upang magkaroon ng puntos. Puno ng aksiyonang larong ito. Nagbubungguan sa isa’t isa ang mga manlalaro atnapapahiga sa lupa. Nasaktan na nang ilang beses si Manuel at angkaniyang mga kaibigan at kung minsan, napapasukan ng dumi angkanilang mga mata. Hindi nagkukulang si G. Diaz, ang kanilang coach, sapagpapaalala sa kanilang gamutin ang kahit na pinakamaliit na sugat.Pinapupunta niya ang mga ito sa klinika upang magamot ng nars o doktor.Pinapayuhan din sila ni G. Diaz na kumain ng mga masusustansyangpagkain, manatiling malusog at panatilihin ang kanilang kalinisan sapamamagitan ng pagliligo araw-araw.

Page 12: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

12

Magbalik-aral Tayo

Isulat ang tamang sagot sa mga patlang.

1. Parating pinaaalalahanan ni G. Diaz ang mga manlalaro na________________ ang kahit na pinakamaliit na sugat.

2. Kung minsan, pumapasok ang __________ sa kanilang mgamata.

3. Kalimitang nagtutungo sa __________ ang mga manlalarongnais magpagamot ng kanilang mga sugat.

4. Pinapayuhan sila ni G. Diaz na kumain ng mga __________pagkain.

5. Pinaaalalahanan din niya sila na panatilihin ang __________ sapamamagitan ng pagliligo araw-araw.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pp.47–48.

Alamin Natin

Alam n’yo ba kung bakit nais ni G. Diaz na panatilihing malusog atmalakas ang katawan ng mga manlalaro? Alam n’yo ba kung bakitpinapayuhan niya ang mga ito na gamutin ang kahit na pinakamaliit nasugat?

Basahin ang mga sumusunod na kasagutan.

Ang balat ang pinakalabas na takip ng ating katawan. Ito angnagproprotekta sa atin laban sa mga karamdaman. Ang balat ng taoang pumipigil sa pagpasok ng maraming mikroorganismo o mikrobyo saating katawan. Subalit kung may sugat ang ating balat, maaaringmakapasok ang mga mikrobyo at makapagdulot ng sakit.

Dahil dito, kailangan panatilihin natin ang kalinisan at kalusugan ngating balat at katawan.

Page 13: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

13

Kailangan nating gawin ang mga sumusunod upang hindi kapitan ngmikrobyo ang ating katawan.

1. Maligo araw-araw.

Dapat nating panatilihing malinisang ating balat upang magingligtas ito sa mga mikrobyongmakapagdudulot ngkaramdaman.

2. Hugasan nang madalas angmga kamay, lalung-lalo nakung madumi ang mga ito.Maaaring maging sanhi ngpagkakasakit ang mga mikrobyoo bakteryang kumakapit dito.

3. Linisan ang mga tenga upangmaalis ang mga dumi atmikrobyo. May mga maliliit nabuhok ang tenga na kungtawagin ay cilia. Ito angpumipigil sa pagpasok ng mgamikrobyo. Kumakapit ang mgamikrobyo sa wax namatatagpuan sa loob ng tenga.

4. Laging panatilihing malinis angmukha. Tumutulong ang mgamata at ang ilong upangprotektahan tayo laban sabakterya. Nagtatanggal ng dumiat mikrobyo sa mata ang luha.Pumipigil sa pagpasok ng mgaduming galing sa labas ang mgabuhok sa loob ng ilong.

Page 14: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

14

5. Tapalan ang mga sugat.Nakatutulong sa pag-iwas saimpeksyon ang paglalagay ngtapal sa mga sugat.

6. Parating magsuot ng tsinelas osapatos. Madaling makapasoksa katawan ang mga bulati atmikrobyo sa pamamagitan ngpaa, lalo na kung may sugat ito.

Ang ilan sa mga natural na tagapagtanggol ng katawan aykinabibilangan ng balat, luha, cilia at ang manipis na balat sa loob ngilong, bibig, lalamunan, tenga at iba pang bahagi ng katawan. Kailangannating gawin ang ating makakaya upang mapangalagaan ang ating katawannang sa gayon makakilos nang maayos ang mga natural na tagapagtanggolnito.

Subukan Natin Ito

Bakit sa tingin mo kailangang gawin ang mga sumusunod? Biluganang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. a. upang maging mabangob. upang maiwasan ang

pangangamoy ngkatawan

c. upang tanggalin ang mgadumi at mikrobyo

2. a. upang maging magandaang kamay

b. upang tanggalin ang mgamikrobyo

c. upang maging handa safootball

Page 15: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

15

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sapahina 48.

3. a. upang tanggalin angdumi

b. upang hindi magdugoang mukha

c. upang maging mabango

4. a. upang hindi makapasokang dumi at mikrobyo

b. upang sirain ang earwaxc. upang tanggalin ang

earwax at mikrobyo

5. a. upang maiwasan angpagkasugat ng binti

b. upang matakpan angsugat at hindimaimpeksyon

c. upang magmukhangmalinis

6. a. upang pigilan angbakterya na makapasoksa paa

b. upang makapaglaroc. upang mapormang

tingnan

Page 16: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

16

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

Anong mangyayari sa mikrobyo kapag nakapasok ito sa loob ngbalat?

Nagkakaroon ang labas ng balat ng hiwa kung nasusugatan tayo.Nasisira ang unang tagapagtanggol ng katawan laban sa mga mikrobyo.Subalit kaya tayong ipagtanggol ng ating katawan kahit na tayo aymasugatan.

Hayaan mong sabihin ko sa iyo kung paano.

May mahalagang papel na ginagampanan dito ang dugo, may whiteblood cells (WBC) o leukocytes ito na kalimitang tinatawag na mga“sundalo ng katawan.”

Pinoprotektahan ng mga white blood cell ang ating katawan laban saimpeksiyon sa pamamagitan ng pagsira sa mga mikrobyong umaatake samga blood cell. Nahahati ang mga “sundalong” ito sa dalawang grupo.Binubuo ang unang grupo ng mga macrophage na kumikilos upangtunawin ang dumi at mikrobyo.

WHITE BLOOD

CELLS

Page 17: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

17

Binubuo naman ang ikalawang grupo ng mga lymphocyte na siyanggumagawa ng mga antibodies nalumalaban sa mga mikrobyo.

Inilalabas ang mgaantibodies bilang tugon saimpeksiyon. Halimbawa, kungmay tigdas ang isang tao, gagawang mga antibodies ang kaniyangkatawan para labanan ang virusna nagdudulot nito. Pinipigilan ngmga ito ang patuloy na paghinang katawan.

Maaari ring makuha angantibodies sa pamamagitan ngpagbabakuna. Isang halimbawaang pagbabakuna sa bata laban sabulutong. May mga antibodiesang bakuna na nagbibigay ngproteksiyon laban sa tigdas. Dahildito, maaari nang labanan ngkatawan ang karamdaman sapamamagitan ng mga antibodiesna lalaban sa virus.

Kung ang katulad na virus ayaatakeng muli sa katawan,kakalabanin itong muli ng mgaantibodies.

Maaaring magkaroon angmga taong may karamdaman ngkakayahang labanan ang sakit naito kung aatake itong muli. Hindina sila kakapitan nito dahilprotektado na ang kanilang katawan laban dito.

Kapag may inmunidad na sa isang uri ng sakit ang katawan,nangangahulugang hindi na tayo kayang kapitan nito. Gawain ng atingimmune system na proteksiyonan tayo laban sa karamdaman. Ang

Page 18: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

18

sistemang ito ay isang koleksiyon ng mga selula at tisyu na nagtatanggolsa ating katawan laban sa mga mikrobyo o pathogens. May mga selulaitong nakakalat sa buong katawan upang labanan ang pathogen sa lahatng lugar na maaari nitong pasukan.

May mga selulang nagdudulot ng proteksiyon sa muling pagbalik ngkaramdamang tulad ng tigdas o beke. Ang inmunidad ang tawag sakakayahang lumaban sa sakit. May dalawang uri ng inmunidad.Congenital o likas na inmunidad ang tawag sa natural na kakayahanglabanan ang karamdaman. Acquired o nakukuhang inmunidad angmaaaring makuha sa mga antibodies na hindi karaniwang nakikita sadugo.

Maaari ring aktibo o pasiba ang inmunidad. Kalimitan,panghabambuhay ang aktibong imunidad tulad ng tigdas. Ang ibanaman ay tumatagal lamang sa loob ng itinakdang panahong maaaringhindi hihigit sa ilang buwan. Nakukuha ang pasibang inmunidad sapamamagitan ng paglalagay ng mga antibodies sa isang taong wala panginmunidad upang mabigyan siya ng hindi permanenteng proteksiyon labansa mikrobyo. Isang halimbawa nito ang mga antibodies na ipinapasa sasanggol sa sinapupunan ng ina sa pamamagitan ng plasenta. Kapagipinanganak ang bata, maaaring magpatuloy ang pagkilos ng mgaantibodies sa pamamagitan ng pagpapasuso ng gatas ng ina. Dahil dito,magkakaroon ang sanggol ng pasibang inmunidad laban sa ilang mgasakit. Bukod dito, ginagamit ang pasibang inmunidad sa pagpapagaling ngilang karamdaman tulad ng dipterya at tetano, at sa kagat ng ahas atgagamba. Matututuhan mo ang tungkol sa mga sakit na ito sa susunod naaralin.

Magbalik-aral Tayo

Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyongmga sagot sa patlang.

1. May ____________ o leukocytes ang dugo na karaniwangtinatawag na mga sundalo ng katawan.

2. Nagproprotekta sa katawan laban sa __________ ang whiteblood cells.

Page 19: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

19

3. Ang ____________ ang kakayahang umiwas sa ilang uri ngsakit.

4. Ang ____________ na inmunidad ay isang likas na kakayahangumiwas sa sakit at mayroon na sapul sa pagsilang.

5. Ang ____________ ay ginagawa ng katawan bilang tugon saimpeksiyon o nakukuha sa pagpapabakuna.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sapahina 48.

Pag-isipan Natin Ito

Ano sa tingin mo ang pagkakaiba ng minanang karamdaman atnakahahawang karamdaman.?

May alam ka bang mga halimbawa ng mga sakit na namamana? Isulatang mga ito sa ibaba.

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

Kung kabilang sa iyong mga sagot ang dyabetes, hypertensyon omataas na presyon, sakit sa puso, sakit sa pag-iisip, rayuma, tama ka.

Ang mga namamanang karamdaman ay iyong maaaring maipasa ngmga magulang sa kanilang mga anak. Halimbawa, kung may dyabetes angiyong ina, posibleng magkaroon ka rin nito.

Ano naman ang mga sakit na nakahahawa? May alam ka bang ilanghalimbawa nito? Isulat mo sa ibaba.

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

Page 20: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

20

Kung kabilang sa iyong mga sagot ang tigdas, bulutong, tetano,dipterya, beke at rabies, tama ka.

Nagmumula ang mga sakit na nakahahawa sa mga mikroorganismo ovirus na naisasalin sa iba’t ibang tao. Maaaring maiwasan ang mga ito sapamamagitan ng pagbabakuna.

Tatalakayin ng susunod na aralin ang ilan pang mga bagay tungkol samga nakahahawang sakit ng mga bata at mga tigulang (teenager).

Tandaan Natin

♦ May likas na proteksiyon ang katawan ng tao laban sa ilang mgakaramdaman.

♦ Ilan sa mga likas na proteksiyon ng ating katawan ay ang balat,luha, cilia, at ang manipis na balat sa loob ng ilong, bibig,lalamunan, tenga at iba pang bahagi ng katawan.

– Ang balat ang bumabalot sa katawan at nagsisilbingproteksiyon laban sa mga mikrobyo.

– Nagtatanggal ng dumi sa mata ang luha.

– Ang cilia ay maliliit na buhok na matatagpuan sa loob ngilong at tenga. Pinipigilan nito ang pagpasok ng mga dumi atmikrobyo.

– Basa at malagkit ang manipis na balat sa loob ng ilong, bibig,tenga at lalamunan upang makasilo ng dumi.

♦ Malakas at malusog ang isang tao kapag tinutulungan ng katawanang mga likas na inmunidad nito na magampanan ang kanilangmga tungkulin.

♦ Pinoprotektahan ng white blood cells ang ating katawan laban saimpeksiyon.

♦ Ang inmunidad ay ang kakayahan ng katawang iwasan ang ilangmga karamdaman.

Page 21: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

21

♦ Kailangang bakunahan ang mga bata laban sa sakit.

♦ Kung nagkaroon ang isang tao ng isang uri ng sakit, maaarisiyang magkaroon ng inmunidad laban dito.

♦ Maaaring maipasa ng mga magulang sa kanilang mga anak angmga minanang karamdaman. Ang mga nakahahawang sakit aynaipapasa ng taong may sakit sa iba sa pamamagitan ng pag-uboo pagbahin, at paggamit ng mga kontaminadong bagay (tisyu,baso, pagkain, kubyertos).

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan

A. Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlangang iyong mga sagot.

1. Kailangang ___________ ang mga bata laban sa mganakahahawang sakit tulad ng tigdas, bulutong, tetano at dipterya.

2. Ang isang taong nagkaroon ng bulutong ay hindi na mulingmagkakaroon nito dahil may ___________ na siya laban sa sakitna ito.

3. Tinatapalan natin ang sugat upang maiwasan ang ___________.

4. ___________ ay koleksiyon ng mga maliliit na buhok namakikita sa loob ng ilong at tenga at sumisilo sa dumi atmikrobyo.

5. Kalimitang tinatawag na ____________ ang mga white bloodcells o leukocytes.

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Malimit nating hugasan ang ating mga kamay, lalung-lalo na kungmadumi ang mga ito, dahil

a. magmumukhang malinis ang ating mga kamay

b. maaaring pagmulan ng karamdaman ang mga mikrobyo obakteryang kumakapit sa mga kamay

c. sinasabihan tayo ng ating mga ina na gawin ito

d. nakapagpapaganda ito ng kamay

Page 22: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

22

2. Ang dalawang uri ng inmunidad ay

a. likas o nakukuha

b. likas o baksinasyon

c. nakukuha o namamana

d. likas o namamana

3. Kapag nabakunahan ang isang bata bago siya nagkaroon ng sakitna bulutong, ang kaniyang katawan ay

a. gagawa ng mga antibodies na pahihintulutan ang mga virusna salakayin ito

b. gagawa ng mga antibodies na aatake sa virus

c. gagawa ng sariling bakuna upang malabanan ang virus

d. hindi gagawa ng antibodies

4. Maaaring ilipat ang mga nakahahawang sakit mula sa

a. di kontaminadong tao patungo sa kontaminado

b. kontamindong hayop patungo sa kontaminadong tao

c. kontaminadong tao patungo sa isa pang kontaminadong tao

d. kontaminadong tao patungo sa di kontaminado

5. Kinabibilangan ang likas na panlaban ng ating katawan ng

a. balat, luha, cilia

b. buto, kalamnan, lalamunan

c. bibig, ilong, utak

d. balat, ilong, lalamunan

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pp.48–49.

Page 23: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

23

ARALIN 2

Mga Nakahahawang Karamdaman

Maaaring ipasa ang mga nakahahawang sakit nang direkta mula saisang kontaminadong tao o sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang mgapersonal na pag-aari. Maaaring maisalin ang mga organismongpinagmumulan nito (bakterya, virus, fungi, protozoa o bulati) mula sataong may sakit patungo sa wala. Tinatawag ng pathogen ang alinmangorganismong nagdudulot ng sakit. Kapag naikalat nang malawakan ngmga pathogens ang sakit, nagkakaroon ng epidemya. Isang halimbawaang epidemya sa trangkasong naganap noong 1918-1919, kung saan masmarami ang bilang ng mga namatay kaysa sa noong Unang DigmaangPandaigdig.

Sa araling ito, tatalakayin natin ang ilan sa mga nakahahawang sakittulad ng dipterya, tetano, tigdas, bulutong, trangkaso, beke at rabies.Tatalakayin natin ang kanilang mga palatandaan at sintomas, mga paraanng pag-iwas at paggamot sa mga ito, at mga maaaring mahingan ng tulonglalung-lalo na sa pagpapabakuna.

Pagkatapos mong mapag-aralan ito, may kakayahang ka nang:

♦ matukoy at mailarawan ang iba’t ibang uri ng nakahahawangsakit;

♦ matukoy ang mga palatandaan at sintomas ng mga sakit na ito;

♦ maipaliwanag ang iba’t ibang paraan ng pag-iwas atpagpapagaling sa mga ito; at

♦ madesisyunan kung kailan at saan hihingi ng tulong medikal.

Page 24: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

24

Alamin Natin

Subukan mong alalahanin kung kailan ka huling nagkasakit.Halimbawa, kailan ang huli mong pagkakaroon ng sipon? Paano monakuha ang karamdamang ito? Nahawahan ka ba ng kontaminadong tao?

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

___________________________________________________

Kapag nagkakaroon tayo ng nakahahawang sakit tulad ng sipon,naipapasa ang pathogens ng sakit na ito ng isang tao patungo sa isa pa.Paano naipapasa ang mga pathogens? Maraming paraan ng pagsasagawanito.

Una, maaaring maikalat ang mga pathogens sa paligid sapamamagitan ng hangin, tubig o iba pang mga bagay tulad ng pagkain okubyertos. Pangalawa, maaari silang makahawa sa pamamagitan ngdirektang pakikisalamuha sa isang taong maysakit. Pangatlo, maaaringilipat ito ng ilang mga organismo tulad ng lamok mula sa isang taopatungo sa iba.

Kapag umubo o bumahin ang isang taong may sakit, kumakalat sahangin ang mga pathogens. Naililipat ang trangkaso sa ganitong paraan.Natetetano naman ang sugat kapag nakokontamina ng lupang may tetanusbacilli. Maaari ring mapagkunan ng mikrobyo ang mga hayop. Maaaringmakuha mula sa kagat ng isang kontaminadong hayop ang rabies virus.

Sa araling ito, titingnan din natin ang ilan sa mga positibongpagbabago sa larangan ng medisina na nakatulong sa paggamot ng mgasakit na ito. Tingnan natin ngayon ang tungkol sa trangkaso.

Page 25: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

25

Basahin Natin Ito

Basahin ang komik istrip sa ibaba tungkol kay Mary Ann.

Magbalik-aral Tayo

1. Ano ang sakit ni Mary Ann?

________________________________________________

2. Anu-ano ang iba’t ibang palatandaan at sintomas na naramdamanniya?

________________________________________________

________________________________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sapahina 49.

Sa tingin ko,magkakaroon kang trangkaso.

Anak, maaga ka yatang umuwingayon. Bakit ka namumutla?

Nay’, masama poang pakiramdamko. Tila po mainitako. Hawakann’yo ako, mainitang balat ko.

Masakit dinpo ang uloko atmahapdi anglalamunan.Pati angaking mgakalamnan aymasasakit.

Salamatpo, Inay.

Tama po kayo, Inay. ‘Yandin ang sinabi ng doktorsa aming paaralan.Binigyan niya ako ng mgagamot. Inumin ko raw angisa mamaya.

Sige, ihahanda ko angiyong tulugan upangmakapahinga ka.

Halika na, anak.Mahiga ka.Ipaghahanda kitang mainit na katasng kalamansi.Makabubuti ‘yonpara sa iyongmahapdinglalamunan.

Page 26: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

26

Anu-ano pa ang mga sintomas ng trangkaso na hindi nabanggit sakuwento ni Mary Ann?

Upang malaman ang sagot, ipagpatuloy mo ang pagbabasa.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

Trangkaso

Deskripsyon Isang nakahahawang sakit na dulot ngvirus na nagpapahina sa resistensya ngkatawan laban sa impeksiyon.Nakapapasok ng virus sa katawankapag nakalanghap ang tao ngkontaminadong hangin.

Mga Palatandaan Lagnat

Mahapding lalamunan

Matinding sipon

Panghihina ng katawan

Pananakit ng kalamnan

Sakit ng ulo

Tuyong ubo

Pagkawala ng ganang kumain

Paano maiiwasan ang Magkaroon ng sapat na tulog at pahingaKumain ng masusustansyang mgapagkain

Uminom ng maraming tubig at katas ngprutas.

at Sintomas

pagkakaroon ng sakitna ito

Page 27: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

27

Panatilihing malinis at maayos angpaligid.

Huwag lumapit sa taong may trangkaso.

Komunsulta ng regular sa doktor.

Magpabakuna laban sa trangkaso sasentrong pangkalusugan.

Paano gagamutin Uminom ng maraming tubig.

Magpahinga

Kumain ng masusustansiyang pagkain.

Uminom ng gamot para sa lagnat.

Uminom ng mainit na katas ng kalamansiupang makatulong sa paggaling ngmahapding lalamunan.

Pumunta sa pinakamalapit na sentrongpangkalusugan kung hindi nawawala anglagnat.

Basahin Natin Ito

Basahin natin ang isa pang kuwento. Ito ang kuwento ni Abdul.

ang sakit

Siguro’y nahawa ka sa sakit ngiyong kapatid. Tingnan ko ngakung may lagnat ka.

Inay, nakahahawa ba ang sakit ni Arsad?Ano kaya ito, Inay?

Tila kakaunti lamang ang iyongkinakain, anak. Naku, punung-puno ng mapupulang pantal angiyong mukha at mga braso.

Page 28: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

28

Pagkalipas ng ilang sandali . . .

Hintayin mo na lamang mawala angmga pulang pantal. Lagyan na langnatin ng lotion para hindi mangati.

Salamat,Inay.

Oo, pero mamaya na natin pag-usapaniyan. Magpahinga ka na muna at akonaman ay pupunta sa doktor. Doon kalamang sa kuwarto at huwag kanglalapit sa iyong mga kapatid para hindisila mahawa.

Inay, pakisabi kay Arsal na sabihin saaming guro na hindi muna akomakapapasok sa paaralan.

Inay, bakit ako nagkaroon ngtigdas?

Paano ko kaya sana itonaiwasan?

Una, dapat napabakunahan ka labandito. Pangalawa, hindi ka sanalumapit sa iyong kapatid habang siyaay nagpapagaling ng tigdas.

Marahil lumapit ka sa iyong kapatid atnalanghap ang mga mikrobyo. Iyonang dahilan kung bakit ka nagkasakit.

Ano ho bang gamot dito?Ang kati!

Huwag mong kamutin ‘yan. Kunghindi, magkakaroon ka ngpermanenteng peklat.

Abdul, heto ang mga gamot na ipinabilini Dr. Musa. Ayon sa kanya, may tigdaska rin tulad ng iyong kapatid.

Page 29: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

29

Pag-usapan Natin Ito

Batay sa kuwento na iyong nabasa, sagutan ang mga sumusunod natanong.

1. Ano ang karamdaman ni Abdul?

________________________________________________

2. Paano niya ito nakuha?________________________________________________

________________________________________________

3. Anu-ano ang mga sintomas na naramdaman niya?

________________________________________________

________________________________________________

4. Ano ang unang ginawa ng ina ni Abdul nang malaman niyangmay tigdas ito?

________________________________________________

________________________________________________

5. Ano kaya ang dapat ginawa ni Abdul upang maiwasan angpagkakaroon ng tigdas?

________________________________________________

________________________________________________

6. Anong payo ang ibinigay kay Abdul ng kaniyang ina habang siyaay may tigdas?

________________________________________________

________________________________________________

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sapahina 49.

Page 30: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

30

Pag-isipan Natin Ito

Ipagpatuloy natin ang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ngnakahahawang sakit na madalas dumapo sa mga bata at sa mga tigulang(teenager). Kailangan nating malaman nang husto ang mga ito sapagkathindi natin alam kung kailan tayo dadapuan ng sakit. Ang magagawalamang natin ay ang maging handa. Maaring nakaranas ang ilan sa inyo namagkaroon ng mga karamdamang ito. Kung isa ka rito, maaari mongibahagi sa iba ang iyong karanasan. Maaari mo ring sabihin sa kanila kunganu-anong mga sintomas ang dapat nilang bantayan, at kung paano silamakaiiwas sa mga sakit na ito.

Narito ang isa pang kuwento tungkol sa isang batang maynakahahawang karamdaman.

Piyesta sa Barangay San Lucas. Sabik na sabik si Samanthang sumali sa lahatng mga laro at sumama sa kanyang mga kaibigan. Buong linggo rin siyang nag-ensayo para sa paligsahan sa sayaw. Subalit sa araw ng piyesta, napansin niyangsumasakit ang kaniyang panga tuwing nagtatangka siyang magsalita. Kaya’tsinabihan siya ng kaniyang ina na manatili na lamang sa bahay.

Page 31: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

31

Ganoon na nga siguro. Talagangnakahahawa ang beke. Hindi ka dapatlumapit sa taong mayroon nito onagpapagaling dito.

Inay, masakit po angaking panga. Lalo paitong sumasakit kapagtinatangka kong ibukaang aking bibig. Hindiman lamang akomakasali sa palaro.

Ito ay isang sakit na nakaaapekto sasalivary glands, lalung-lalo na saparotid glands.

Hindi ko po alam ‘yon. Maaari n’yopo bang kuwentuhan pa ako tungkoldito? Ano po ba ang beke?

Hindi ko pogaanongnaintindihan.Ano po baang parotidglands?

Ito ay matatagpuan salikod ng tenga. Ito anggumagawa ng laway. Itorin ang lumalaki kapagmay beke ang tao.

Parang tuyo angaking bibig.

‘Yan ay dahilnamamaga angiyong parotid glands.Gumagawa ito ngmas kakauntinglaway. Ibibili kita ngantiseptikongpangmumog upangmaproptektahan kasa pangalawangimpeksiyon.

Huwag kangumiyak, anak.Tingnan konga. Tilanamamaga angiyong mgapanga.

Sabi ng ating kapitbahay na nagkaroonna siya nito dati subalit magaling nasiya ngayon. Sa tingin n’yo ba aynahawa ako sa kaniya?

Page 32: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

32

Opo, Inay atmaramingsalamat. Kayoang pinaka-mabuting ina samundo.

Sigurado po ba kayo? Paano n’yonalaman ang lahat ng ito?

Ang iyong nakatatandang kapatid aynagkaroon na nito nang siya aykasing-edad mo. Hindi mo na itomatandaan dahil sanggol ka palamang noon.

Anong ginawa n’yo?

Dinala ko siya sa sentrong pang-kalusugan dahil labis akong nag-alalasa kaniya. Sinabi sa akin ng doktor anglahat ng kailangan kong malamantungkol sa beke.

Siyempre naman, anak. Ngunit kungayaw mong magpa-doktor, kailanganmong makinig sa akin. Sang-ayon kaba rito?

Ngayon, kailangan mo nang mahiga atmagpahinga. Kukuha ako ng yeloupang hindi lumala ang pamamaga atpagsakit ng panga mo. Kailanganmalalambot na pagkain o mga sabawlamang ang kakainin mo upang masmadali mo itong malunok. Igagawakita ng sopas. Kailangan mo ringuminom ng maraming tubig.

Pero ayoko pongmagpatingin sadoktor. Gagalingpo ba ako?

Ang lambing mokapag nagkaka-sakit ka, alam moba ‘yon?

Sang-ayon poako, Inay.

Page 33: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

33

Ang tatlong kuwentong binasa mo ay tungkol lahat sa mga batangdinapuan ng mga nakahahawang sakit. Magkakaiba ang kanilang mgakuwento sapagkat iba’t iba ang kanilang mga karamdaman kaya’t iba’t ibarin ang sintomas ng mga ito. Subalit mayroon silang pagkakahawig. Pare-parehong nakahahawa ang kanilang mga sakit, at may isang bagay sanasilang nagawa upang maiwasan ang mga ito — ang pagpapabakuna.

Alamin natin ngayon ang tungkol sa iba pang nakahahawang sakit namaaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Pag-aralan at Suriin Natin Ito

Tigdas (Rubeola)

Deskripsyon Nakahahawang viral infection namay kaakibat na mga pulang pantalsa balat. Kung walang mangyayaringkomplikasyon tulad ng impeksiyon satenga at pulmonya, tatagal lamang angsakit na ito ng mga sampung araw.

Mga palatandaan Lagnatat Sintomas Pagbahin

Tuyong uboPamumula ng mga mataPagluluha ng mga mataPhotophobia (pagiging sensitibo sa

liwanag)Pangangati

Page 34: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

34

pagkakaroon ng sakitna ito

Paano maiiwasan ang Kailangan mong mabakunahan laban sabulutong.

Huwag lumapit sa taong may bulutong.

Makabubuting pabakunahan ang mgasanggol na may lima hangganglabinglimang buwan pa lamang.Karamihan sa mga sanggol ay may likasna antibodies laban sa sakit na ito.Kailangang mapabakunahan habangmaaga ang mga bata at matatanda nahindi pa nagkakaroon ng sakit na ito ohindi pa nababakunahan laban dito.

Paano ito gagamutin Huwag kamutin ang balat; gumamit nglotion o cold cream kapag nangangati.

Protektahan ang mga mata laban sapagkasilaw o direktang sikat ng araw sapamamagitan nang pagpapanatilingmadilim ng silid.

Maligo ng halumigmig na tubig upangguminhawa ang pakiramdam.

Uminom ng maraming tubig.

Magkaroon ng maraming pahinga.

Dipterya

Page 35: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

35

Deskripsyon Isang nakahahawang sakit na dulot ngbakterya, corynebacteriumdiphtheriae,na nakapapasok sa katawansa pamamagitan ng respiratory tract.Tumitigil ang mga mikrobyo sa lalamunanat lumilikha ng pamamagang reaksiyon.Kumakalat ang impeksiyon sa buongkatawan sa pamamagitan ng daluyan ngdugo. Maaari itong lumikha ngmalubhang pagkasira sa puso at sanervous system.

Mga palatandaan Namamagang lalamunanKahirapan sa paghinga, paglunok atpagsasalitaLagnatPananakit ng likod, braso at bintiPagsusukaKombulsyon

Paano maiiwasan ang Kailangan mong mabakunahan ngDiphtheria Toxoid.

Lumayo sa taong may ganitong sakit.

Paano ito gagamutin Bigyan ng antitoxin upang masugpoang umiikot na mikrobyo.

Magkaroon ng maraming pahinga kungsaan ang pasyente ay nakahiga sakaniyang likod upang mapadali angpaghinga.

Uminom ng maraming tubig, at mainit nasabaw.

Sundin ang matubig at malambot nadiyeta para mas mapadali ang paglunok.

Maglagay ng malamig o mainit na bimpoupang mabawasan ang pananakit nglalamunan.

at Sintomas

pagkakaroon ng sakitna ito

Page 36: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

36

Kumunsulta sa isang health worker opumunta sa pinakamalapit na sentrongpangkalusugan kung hindi mawawala anglagnat sa loob ng 24 oras.

Tetanus

Deskripsyion Isa itong uri ng pagkalason ng dugo namay pagsara at paninigas ng panga. Hindiito nakukuha sa mga taong maysakit.Nanggagaling ang bakterya sa dumi ngmga hayop, lalo na sa kabayo. Nagkalatsa paligid ang tetanus germ naclostridium tetani — sa lupa, alikabok,sa sahig, at sa gilid ng bintana. Nakaka-pasok ito sa katawan sa pamamagitan ngsugat lalo na kung malalim.

Mga palatandaan Masakit na panginginigKahirapan sa paglunokLabis na pamamawisKombulsyon

Paano maiiwasan ang Kailangang ibigay sa lahat ng bata angbakunang tetanus toxoid at ulitin lalo nakung nasusugatan ang mga ito.

Parating magsuot ng tsinelas o sapatosupang maiwasan ang paglapat sa sugat ngalikabok, dumi o mga matutulis na bagaysa lupa. Ang mga malalalim na sugat angpinakadelikado.

at Sintomas

pagkakaroon ng sakitna ito

Page 37: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

37

Paano ito gagamutin Pumunta kaagad sa pinakamalapit naospital o sentrong pangkalusugan.

Kailangang maibigay kaagad ang tetanusantitoxin sa lalong madaling panahon.

Tanggalin ang lahat ng bagay nanakapasok sa sugat.

Linisin ang lahat ng dumi sa sugat.

Hayaang nakabukas ang sugat upangmalayang makadaloy ang oxygen nasiyang pumipigil sa pagdami ng bakterya.

Ibinibigay ang mga antibiotics tulad ngpenisilin upang patayin ang mgamikroorganismo sa sugat.

Rabies

Deskripsyon Isang nakahahawang viral na sakit nghayop ang rabies, lalung-lalo na ng mgaaso. Ang laway ng isang kontaminadonghayop ang pinanggagalingan ngimpeksiyon, na maaaring mailipat sa taosa pamamagitan ng kagat. Mabilismaglakbay patungo sa central nervoussystem ng isang tao ang virus ng rabies.

Mga palatandaan Pagkabalisa (pag-aalala at takot)

Pagkalungkot

Pagkatuyo ng lalamunan

at Sintomas

Page 38: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

38

Hydrophobia (pagkatakot sa tubig).Nagiging paralisado ang mga muscle salalamunan kaya hindi makalunok omakainom ang tao. Nagdudulot ito ngpagkatakot sa tubig.

Kahirapan sa paghinga

Pagkabaliw

Kombulsyon

Kamatayan

Paano maiiwasan ang Lumayo sa mga hayop na may rabies.

Kung may alaga kang aso, pabakunahanito laban sa rabies.

Kung makagat ka ng aso o iba panghayop tulad ng kabayo, squirrel, pusa obaka, pumunta kaagad sa pinakamalapitna ospital o klinika.

Paano ito malulunasan Hugasan kaagad ng sabon at tubig angapektadong bahagi upang matanggal anglaway ng hayop.

Pabayaang bukas ang sugat.

Huwag patayin ang aso. Ilagay ito sakulungan at obserbahan sa loob ngdalawang linggo. Kung mamatay ang asosa loob ng panahong ito, dalhin angbiktima sa sentrong pangkalusugan upangmabakunahan laban sa rabies.

Kung naging mabagsik ang aso sa loobng panahong ito, nawalan ng ganangkumain at bumula ang bibig, patayin ito atibaon. Dalhin ang biktima sapinakamalapit na ospital o sentrongpangkalusugan para sa karampatanglunas.

sakit na ito

Page 39: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

39

Kailangang mabigyan ang pasyente ngserum laban sa rabies.

Tingnan ang Talahulugananz para sakahulugan ng mga salita.

Magbalik-aral Tayo

Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang pamamaga ng parotid glands na matatagpuan sa bandanglikod ng mga tenga.

a. dipteria

b. beke

c. bulutong

d. rabies

2. Isang nakahahawang sakit ito na dulot ng bakterya na pumapasok sakatawan sa pamamagitan ng respiratory tract. Ang mga palatandaanat sintomas nito ay ang namamagang lalamunan, lagnat at kahirapansa paghinga at paglunok.

a. dipteria

b. beke

c. bulutong

d. rabies

3. Isang nakahahawang sakit ito na makikilala sa pamamagitan ngpaglitaw ng mga pulang pantal sa balat.

a. dipteria

b. beke

c. tetano

d. bulutong

Page 40: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

40

4. Isang sakit ito na sanhi ng bakterya na pumapasok sa katawan ng taosa pamamagitan ng sugat, lalung-lalo na yaong mga malalalim.

a. dipterya

b. beke

c. tetano

d. bulutong

5. Ano ang dapat mong gawin kapag nakagat ka ng aso?

a. Huwag mong hugasan ng sabon at tubig ang apektadong bahagi.

b. Patayin ang aso.

c. Pumunta kaagad sa pinakamalapit na ospital o klinika.

d. Tapalan ang sugat.

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sapahina 50.

Pag-usapan Natin Ito

Maraming mga paraan upang maiwasan ang mga ganitong uri ngkaramdaman. Kalimitang makukuha ang mga bakuna sa mga sentrongpangkalusugan at karaniwang ibinibigay sa mga bata. Inihahanda ngbakuna ang mga pananggol ng ating katawan laban sa isang pathogen oorganismong nagdudulot ng sakit bago pa man ito makapasok sakatawan. Karaniwang binubuo ang bakuna ng mga patay o maydiperensyang pathogen na hindi na kayang makapagdulot ng sakit.

Tanungin ang iyong nanay o tatay kung nabakunahan ka na noonlaban sa anumang uri ng sakit. Kung hindi pa, magpabakuna ka sasentrong pangkalusugan. Kung may mga anak ka na, siguraduhingmabakunahan ang mga ito.

Maaari ka ring makiisa sa mga programa ng lokal na pamahalaan omga pribadong serbisyo publiko at programang nagbibigay nginmunisasyon, pagbabakuna (laban sa tetano, rabies, trangkaso, atbp.),

Page 41: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

41

pagsususuring medikal, kalusugang pangkalikasan, nutrisyon at ligtas narasyon ng tubig. Maaari ka ring humingi ng mga impormasyon tungkol sakalusugan mula sa klinika ng inyong barangay o parmasya, o kayamagtanong sa Departamento ng Kalusugan.

Tandaan Natin

♦ Dulot ng bakterya o virus ang mga nakahahawang sakit oimpeksiyon, na karaniwang kumakalat sa tao sa pamamagitan ngubo o bahin, paghawak at paggamit ng mga kontaminadongbagay.

♦ Ang ilan sa mga nakahahawang karamdaman ay ang trangkaso,tigdas, bulutong, beke, dipterya, tetano at rabies.

♦ Nakahahawa ang mga sakit na ito, subalit madali silang maiiwasansa pamamagitan ng baksinasyon.

Dito nagtatapos ang ating modyul! Binabati kita dahil natapos mo ito.Nagustuhan mo ba ang modyul na ito? May natutuhan ka bang kapaki-pakinabang mula rito? Makikita sa buod ang mga mahahalagang kaalamanmula rito.

Ibuod Natin

♦ May likas na mga mekanismong panlaban ang katawan sa mganakahahawang karamdaman.

♦ Kailangan nating mapanatiling malusog at malakas ang atingkatawan nang sa gayon ay makalaban ito sa mga sakit.

♦ Maaari nating maiwasan ang mga nakahahawang sakit sapamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan ng ating katawan,paglayo sa mga taong may mga nakahahawang sakit, regular na

Page 42: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

42

pagkonsulta sa doktor at pagpapabakuna laban sa mgakaramdaman.

♦ Dapat tayong mabakunahan sa dipterya, tetano, tigdas, bulutong,beke at trangkaso. Ang ilan pang mga karamdaman na dapattayong mabakunahan ay kolera, pertussis, polio at tipus.

♦ Maraming mga serbisyo at programang pangkalusugan namakatutulong sa pag-iwas sa sakit.

Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?

A. Isulat ang titik ng larawan na nagpapakita ng tamang paraan ng pag-aalaga sa sarili.

1._____ A B

2. _____

Page 43: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

43

3. _____

4. _____

B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Pinipigilan ng ilong ang pagpasok sa ating sistema ng mgamikrobyo sa pamamagitan ng _________.

a. mga buhok sa loob na pumipigil sa pagpasok ng dumi

b. paglanghap ng hangin

c. pagpatay ng virus habang pumapasok ito sa ilong

d. paggawa ng bakuna na makamamatay sa mga mikrobyo

2. Alin sa mga sumusunod na uri ng selula ang nakagagawa ngantibodies?

a. macrophages

b. lymphocytes

c. erythrocytes

d. red blood cells

Page 44: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

44

3. Kapag nakagat tayo ng aso, maaari tayong magkasakit ng_________.

a. rabies

b. tetano

c. dipterya

d. trangkaso

4. Alin sa mga sumusunod na karamdaman ang maaaring magdulotng kamatayan?

a. tigdas

b. trangkaso

c. rabies

d. beke

5. Maaaring maiwasan ang trangkaso, tigdas at iba pangnakahahawang sakit kung tatanggap tayo ng _________.

a. bakuna

b. dahong gamot

c. oxygen

d. bitamina

6. _________ ang unang depensa ng katawan laban sa mgamikrobyo.

a. kasukasuan

b. buto

c. balat

d. immune system

7. Alin sa mga sumusunod na karamdaman ang hindi naipapasa sapamamagitan ng tao?

a. tigdas

b. tetano

c. trangkaso

d. bulutong

Page 45: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

45

8. _______ ang ilang halimbawa ng mga sakit na minana.

a. Dipterya, dyabetes, bulutong

b. Rabies, tetano, rayuma

c. Mataas na presyon, sakit sa puso, dyabetes

d. Tigdas, dyabetes, bulutong

9. Taglay ito ng katawan upang maiwasan at maprotektahan angsarili laban sa mga mikroorganismong tulad ng bakterya at virusna nagdudulot ng sakit.

a. inmunidad

b. karamdaman

c. antibody

d. bakuna

10. _________ ang mahalagang tungkulin ng luha.

a. pagpapalinaw ng ating paningin

b. pagpigil sa pag-iyak

c. pagtanggal ng dumi o mikrobyo sa ating mga mata

d. pagtulong sa atin na makakita nang mas mabuti

11. Isang nakahahawang viral infection ito na nagdudulot ngmakakating pantal.

a. beke

b. tigdas

c. trangkaso

d. dipterya

Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pp.50–52.

Page 46: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

46

Batayan sa Pagwawasto

A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pp. 2–3)

A. 1. (a) Pinoprotektahan tayo ng balat sa sakit. Maaaringmakapagdulot ang mga bakterya at virus ng impeksiyon, atmas madali ang pagkakaroon ng impeksiyon sa balat ng mgamapuputi.

2. (b) Kapag napasukan ng dumi ang ating mga mata, maaringmakaapekto ito sa ating paningin. Maaari rin itong makairitaat makapagdulot ng impeksiyon.

3. (a) Tinatapalan natin ang ating mga sugat upang maiwasanang impeksiyon.

B. 4–6. (Tama ang kahit anong sagot dito.)

bulutong trangkaso

tigdas beke

rabies Dipterya

tetano

C. 7. Tama

8. Tama

9. Mali. May likas na depensa ang ating katawan nanagproprotekta sa atin laban sa sakit.

10. Mali. Hindi ligtas na lumapit sa isang taong may tigdasdahil isa itong nakahahawang sakit.

B. Aralin 1

Pag-usapan Natin Ito (pp. 8–9)

1. Tumigil na si Marc sa paninigarilyo at nagsimula nang mag-ehersisyo nang regular. Tumatakbo siya nang 30 minuto araw-araw bago pumasok sa trabaho. Pagdating sa bahay, ipinapasyalniya ang kaniyang aso. Nakatutulong ang mga ito sa pagtanggalng kaniyang stress.

Page 47: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

47

2. Isa itong halimbawang sagot. Maaari kang magkaroon ng iba pa.

Sinisigurado kong kumain ng mga masusustansyang pagkain.Umiinom ako ng maraming tubig at katas ng prutas. Nag-ehersisyo rin ako upang maging malusog at malakas ang akingkatawan. Naliligo ako araw-araw upang mapanatili ang kalinisanat upang maging ligtas sa mikrobyo ang aking balat. Sinusubukankong magkaroon ng regular na konsultasyon sa doktor.

3. Napansin ni Marc na mas payat si Joe kaysa dati. Narinig dinniyang umubo ito, na sabi ni Joe ay pabalik-balik sa loob ngmahaba-haba na ring panahon. Nang maglaro sila ng basketbol,madaling nakaramdam ng pagod si Joe at humihingal pa ito.Ayaw ni Joe na tumigil sa paninigarilyo. Natatakot siyangmagpatingin sa doktor tungkol sa kaniyang ubo dahil ayawniyang malamang ito’y sanhi ng kaniyang paninigarilyo.

4. Ang ubo ni Joe ay sanhi ng kaniyang paninigarilyo. Hindi rin siyanag-eehersisyo nang regular kaya’t madali siyang mapagod.

5. Narito ang isang halimbawa ng maaaring sagot. Maaaring maykaunting pagkakaiba dito ang sagot mo.

Kung naninigarilyo ang aking kaibigan at naaapektuhan nanito ang kaniyang kalusugan, papayuhan ko siyang tumigil na.Ipapayo ko sa kaniya na magpatingin sa doktor. Maaaringimungkahi sa kaniya ng doktor na gumamit ng nicotine patch oiba pang alternatibong makatutulong upang matanggal angkaniyang masamang bisyo. Hihikayatin ko siyang mag-ehersisyonang regular at kumain ng mga masusustansiyang pagkain, lalung-lalo na iyong mayaman sa mga bitamina at mineral. At kung ayawpa rin niyang itigil ang kaniyang paninigarilyo, patuloy kongipapaalala sa kaniya ang masasamang epekto nito sa kaniyangkatawan at mga karamdamang maidudulot nito tulad ngpulmonya, kanser sa baga, atake sa puso at istrok.

Magbalik-aral Tayo (pahina 12)

1. gamutin

2. dumi

Page 48: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

48

3. klinika

4. masusustansiyang

5. kalinisan

Subukan Natin Ito (pp. 14–15)

1. c

2. b

3. a

4. c

5. b

6. a

Magbalik-aral Tayo (pp. 18–19)

1. white blood cells

2. impeksiyon

3. Inmunidad

4. Likas

5. Antibodies

Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 21–22)

A. 1. mabakunahan

2. may inmunidad

3. impeksiyon

4. Cilia

5. “sundalo ng katawan”

B. 1. Tamang sagot ay (b). Maaaring tama ang a, c at d subalit bang pinakamainam na sagot. Naghuhugas tayo ng ating mgakamay upang matanggal ang mga mikrobyo.

2. Tamang sagot ay (a). Mali ang b dahil ang bakuna ay isangbagay na nagbibigay ng inmunidad. Mali rin ang c at d dahilang ibig sabihin ng “namana” ay nakuha sa katangian ngmiyembro ng pamilya.

Page 49: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

49

3. Tamang sagot ay (b). Makagagawa ang kaniyang katawan ngmga antibodies na aatake sa virus upang hindi na siya mulingmaapektuhan nito.

4. Tamang sagot ay (d). Maaaring maisalin ang nakahahawangsakit ng isang kontaminadong tao sa di kontaminado.

5. Tamang sagot ay (a). Ang balat, luha at cilia ay ilan sa mgalikas na pananggol ng ating katawan na tumutulong upangmaprotektahan tayo laban sa karamdaman. May ibangtungkulin ang mga buto, kalamnan, bibig, utak, atbp.

C. Aralin 2

Magbalik-aral Tayo (pahina 25)

1. trangkaso

2. Mapula at maputla ang kanyang mukha. Mainit ang kaniyangpakiramdam, masakit ang ulo, mahapdi ang lalamunan, atnananakit ang mga kalamnan.

Pag-usapan Natin Ito (pahina 29)

1. tigdas

2. Sa pamamagitan ng kaniyang kapatid na si Arsad, na nagkaroonng tigdas

3. May mga mapupulang pantal ang kaniyang mukha at mga braso.

4. Kumunsulta siya sa doktor at sinabihan niya si Abdul namanatiling mag-isa sa kaniyang silid.

5. Kung nabakunahan siya at kung hindi siya lumapit sa kaniyangkapatid na si Arsad.

6. Manatiling mag-isa sa kaniyang silid upang hindi mahawa ang ibapa niyang mga kapatid; huwag kamutin ang kaniyang balat upanghindi magkaroon ng permanenteng peklat; maghintay hanggangmawala ang mga pulang pantal; at gumamit ng lotion bilang lunassa pangangati.

Page 50: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

50

Magbalik-aral Tayo (pp. 39–40)

1. (b) Ang beke ay pamamaga ng parotid glands. Isang sakit nanakaaapekto sa respiratory tract ang dipterya. Bulutong angkaramdamang nagdudulot ng mapupulang pantal sa balat. Rabiesnaman ang tawag sa sakit ng mga hayop, lalung-lalo na ng mgaaso.

2. (a) ang tamang sagot. Mali ang (b), (c) at (d). Tingnan angpaliwanang sa bilang 1.

3. (d) Nagdudulot ang tigdas ng mapupulang pantal sa balat. Maliang (a), (b) at (c). Ang tetano ay sakit na dulot ng bakteryangnakapasok sa katawan sa pamamagitan ng sugat, lalung-lalo naiyong mga malalalim.

4. (c) ang tama. Mali ang (a), (b) at (d). Tingnan ang paliwanag sabilang 1.

5. (c) Kapag nakagat ka ng aso, kailangan mong magpunta kaagadsa pinakamalapit na klinika o ospital upang malapatan ngangkop na lunas. Mali ang (a), (b) at (d) dahil dapat hugasan ngsabon at tubig ang apektadong parte upang matanggal ang lawayng aso. Kailangan ding ikulong ang aso upang maobserbahan,huwag itong patayin at hayaang walang tapal ang sugat.

D. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pp. 42–45)

A. 1. (a) Kailangang linisan ang ating mga tenga upang matanggalang earwax at mikrobyo.

2. (b) Dapat nating hugasan ang ating mukha upang maalis angmga dumi at mikrobyo.

3. (b) Kailangan nating tapalan ang mga sugat para maiwasanang impeksiyon.

4. (a) Dapat tayong magsuot ng tsinelas parati upangmaiwasan ang pagpasok ng dumi sa ating mga paa.

B. 1. (a) Pinoprotektahan tayo ng ilong laban sa bakterya. Angmga buhok sa loob nito ay pumipigil sa pagpasok ng dumi atmikrobyo.

Page 51: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

51

2. (b) Gumagawa ang lymphocytes ng mga antibodies nalumalaban sa organismong nakapagdudulot ng sakit.

3. (a) Isang nakahahawang sakit na viral ng mga hayop angrabies, lalung-lalo na ng aso. Maaari itong masalin sa atinkung makakagat tayo ng isang hayop na may rabies.

4. (c) Maaaring makaabot sa utak ang virus ng rabies sapamamagitan ng mga ugat. Kung magkagayon, magigingsanhi ito ng pagkabaliw, kombulsyon at kamatayan.

5. (a) May mga antibodies ang bakuna na nagbibigay nginmunidad laban sa mga nakahahawang sakit tulad ng tigdas,tetano, atbp. Ang mga halamang gamot, oxygen at bitaminaay hind ginagamit upang maiwasan ang mga ganitong uri ngkaramdaman.

6. (c) Ang balat ang panlabas na takip ng ating katawan.Pinoprotektahan tayo nito laban sa mga organismongnakapagdudulot ng sakit. Ang mga buto at kalamnan aytumutulong sa ating paggalaw. Pinoprotektahan tayo ngimmune system kung may mikrobyong nakapasok sa atingkatawan.

7. (b) Matatagpuan ang tetano sa mga dumi tulad ng alikabokat matutulis na bagay na madaling makapasok sa atingkatawan. Nakukuha natin ang impeksiyong ito kung madikittayo sa mga ganitong bagay. Maaaring makuha mula sakontaminadong tao ang tigdas, trangkaso at beke.

8. (c) Ang mataas na presyon, sakit sa puso, dyabetes atrayuma ay nakukuha mula sa mga katangian ng pamilya. Samadaling salita, namamana ang mga ito. Mga nakahahawangsakit ang dipterya, tigdas at tetano.

9. (a) Ang inmunidad ay ang kakayahan ng katawang iwasan oprotektahan ang sarili laban sa mga sakit na dulot ng mgamikroorganismong tulad ng bakterya at virus.

10. (c) Nakatutulong ang luha sa pagtanggal ng mga dumi atmikrobyo sa ating mga mata.

Page 52: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

52

11. (b) Isang nakahahawang sakit ang bulutong na maykasamang pamamantal ng balat. Pamamaga naman ngparotid glands ang beke na matatagpuan sa malapit sa tenga.Isang uri ng impeksiyon ang tetano na gawa ng mga bakteryana mula sa dumi ng mga hayop. Ang trangkaso ay sakit nanakaaapekto sa daanan ng hangin. Ang diptheria naman angsanhi ng bakterya na nakaaapekto sa daanan ng hangin.

Talahuluganan

Acute Kritikal o seryoso

Antibody Alinman sa mga iba’t ibang protina ng katawanglumalaban o pumapatay sa mga mikroorganismong nagdudulotng sakit.

Antiseptiko Bagay na nakapapatay ng mikrobyo

Antitoxin Substance na pumapatay sa lason o virus

Bakuna Isang suspensiyong naglalaman ng mga patay namikroorganismo (virus, bakterya) na nagbibigay ng inmunidad;ibinibigay ito upang maiwasan ang pagkakaroon ngnakahahawang sakit

Karamdaman Hindi maayos na kondisyon ng katawan nakaraniwang may kaakibat na mga sintomas

Kombulsyon Matinding panginginig ng mga braso, binti o katawandahil sa imboluntaryong paggalaw ng mga kalamnan

Dyabetes Isang karamdamang kinakikitaan ng mataas na antas ngasukal sa dugo at ihi

Epidemya Mabilis at di mapigilang pagkalat ng sakit

Impeksiyon Isang kondisyon kung saan ang pathogen aynakapasok at nakaaapekto na sa katawan

Page 53: Tungkol Saan ang Modyul na Ito? - dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/malalabanan_natin... · Hindi lamang sa sakit sa puso ang epekto ng paninigarilyo

53

Inmunidad Ang kakayahan ng katawang maiwasan o malabananang impeksiyon

Mikrobyo Dumi o mikroorganismo

Nakahahawa Maaring mailipat

Organismo Buhay na indibidwal, hayop o halaman

Pagbabakuna Ang pag-iiniksiyon ng bakuna sa katawan

Pathogen Anumang uri ng organismo o virus na nagiging sanhi ngkaramdaman

Rayuma Pamamaga ng mga kasukasuan

Sintomas Mga pagbabago sa katawan dulot ng karamdaman

Mga Sanggunian

Olson-Dorland. A Reference Handbook and Dictionary of Nursing.Asian Edition. Philadelphia: W. B. Saunders Company, 1968.

Mclaren, James E., Lissa Rotundo, and Laine Gurley-Diger. HealthBiology. Canada: D.C. Health and Company, 1991.

Sykes, J. B. The Concise Oxford Dictionary. 6th ed. Oxford: OxfordUniversity Press, 1976.