ugnayan ng mga unang pilipino

9
Maayos ang ugnayan ng mga tao sa barangay. Sila ay tulong-tulong na gumagawa, nagdadamayan sa panahon ng kagipitan, at sama-samang nagsasaya sa panahon ng mahahalagang pagdiriwang sa tribo Ugnayan ng mga Unang Pilipino

Upload: jetsetter22

Post on 25-Jun-2015

725 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ugnayan ng mga unang pilipino

Maayos ang ugnayan ng mga tao sa barangay. Sila ay tulong-tulong na gumagawa, nagdadamayan sa panahon ng kagipitan, at sama-samang nagsasaya sa panahon ng mahahalagang pagdiriwang sa tribo

Ugnayan ng mga Unang Pilipino

Page 2: Ugnayan ng mga unang pilipino

May ugnayan na ang mga barangay noong unag panahon. Nagtatag ang mga unang Pilipino ng kalipunan ng magkakalapit na barangay. May dahilan kung bakit naitatag ang kalipunan ng mga barangay:

1. ang pangangalaga sa isa’t-isa laban sa mga kaaway

2. pagpapakasal ng mga lakambini at lakan na kasapi ng iba’t-ibang barangay

Page 3: Ugnayan ng mga unang pilipino

Nagpapatunay ito na kahit noon pa mang unang panahon ay may diwa na ng pagkakaisa tungo sa pagbuo ng pamahalaan para sa isang malakas at matatag na bansa.

Page 4: Ugnayan ng mga unang pilipino

Batay ang uri ng ugnayan ng mga barangay sa pagpapahayag ng digmaan o kasunduan. Ang ugnayang ito ay kadalasang nagwawakas sa kasi-kasi o sanduguan

Page 5: Ugnayan ng mga unang pilipino
Page 6: Ugnayan ng mga unang pilipino

Sa paggawa at pagpapatupad ng mga batas, tulong-tulong din ang mga barangay. Ang datu at ang lupon ng mga matatanda ay tulong-tulong sa pagbuo ng batas. Sa sandaling tapos na ang batas, isang tagasigaw ang inaatasang ipaalam ito sa buong barangay. Ito ang umalohokan. Lumilibot siya sa mga barangay na may dalang kampana. Ipinaaabot niya sa lahat ang nilalaman ng bagong batas.

Page 7: Ugnayan ng mga unang pilipino
Page 8: Ugnayan ng mga unang pilipino

Ang batas ay maaaring nasusulat o nagpasalin-salin lamang sa bibig ng mga tao mula sa mga naunang henerasyon. Napakahalaga ng batas sa pag-uugnayan ng ating mga ninuno noon sapagkat dito umiikot ang buhay ng mga tao. Ito ang nagsisilbing patnubay sa pakikipag-ugnayan ng mga tao at barangay sa isa’t-isa.

Page 9: Ugnayan ng mga unang pilipino

Dahil sa mga batas ay nagkakaroon ng kapayapaan, kaayusan, at pagkakaunawaan ang pamayanan. Naiiwasan ang anumang uri ng kasakiman dahil malinaw na nailalahad ang karapatan at tungkulin ng bawat isang kabilang sa pamayanan.