unti-unting pagkalimot sa ugaling pilipino

22
KABANATA 1 Panimula Pinagdaanan ng Pag-aaral Sa panahon ngayon, kapansin-pansin ang unti-unting pagkalimot sa mga kaugaliang Pilipino. Sa paglipas ng panahon, unti-unting ibinabaon sa limot ang mga kaugaliang ito na minana pa natin sa ating mga ninuno. Ang bagong kalendaryo ng National Bookstore para sa taong 2009 ay inisa-isa ang mga magagandang kaugaliang Pilipino na parang nawawala na at nakakaligtaan nang gawin ng mga kabataang Pilipino ngayon. Saan mang lugar sa Pilipinas ka magpunta, kaunti na lamang ang kakikitaan mong patuloy na nagsasagawa sa mga kaugaliang Pilipino. Ang bayanihan, pakikisama, pagmamano, amor propio, delicadeza at palabra de honor ay ilan lamang sa mga kaugaliang Pilipino na isinasagawa na noong panahon ng ating mga ninuno na sa ngayon ay nakakaligtaan ng isagawa o dili naman kaya ay ituro sa mga kabataan. 1

Upload: genevieve20

Post on 25-Oct-2014

2.390 views

Category:

Documents


21 download

TRANSCRIPT

Page 1: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

KABANATA 1

Panimula

Pinagdaanan ng Pag-aaral

Sa panahon ngayon, kapansin-pansin ang unti-unting pagkalimot sa mga kaugaliang

Pilipino. Sa paglipas ng panahon, unti-unting ibinabaon sa limot ang mga kaugaliang ito na

minana pa natin sa ating mga ninuno.

Ang bagong kalendaryo ng National Bookstore para sa taong 2009 ay inisa-isa ang mga

magagandang kaugaliang Pilipino na parang nawawala na at nakakaligtaan nang gawin ng mga

kabataang Pilipino ngayon.

Saan mang lugar sa Pilipinas ka magpunta, kaunti na lamang ang kakikitaan mong

patuloy na nagsasagawa sa mga kaugaliang Pilipino. Ang bayanihan, pakikisama, pagmamano,

amor propio, delicadeza at palabra de honor ay ilan lamang sa mga kaugaliang Pilipino na

isinasagawa na noong panahon ng ating mga ninuno na sa ngayon ay nakakaligtaan ng isagawa o

dili naman kaya ay ituro sa mga kabataan.

Pagtalakay sa Paksa na Itinuturing na Problema

Layunin ng pananaliksik na ito na sagutin ang tanong na:

Ano ang epekto sa ating mga Pilipino ng unti-unting pagkalimot sa mga kaugaliang

minana pa natin sa ating mga ninuno?

1

Page 2: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Marahil hindi kapansin-pansin ang mga epekto nito sa buhay nating mga Pinoy ngunit

malaki ang naidudulot nito sa ating magandang pagkakakilanlan. Sa unti-unting pagkakabaon sa

limot ng mga kaugaliang ito, unti-unti ring nabubura sa isipan ng mga dayuhan ang ating

magandang pagkakakilanlan.

Haypotesis

Malaki ang epekto ng unti-unting pagkalimot sa mga kaugaliang Pilipino sa ating mga

Pinoy. Maaaring hindi ito nakakaapekto sa ating buhay ngunit nagkakaroon ito ng negatibong

epekto sa ating magandang pagkakakilanlan.

Isa sa mga negatibong epekto nito ay ang unti-unting pagkawala ng tiwala sa atin ng mga

dayuhan. Naapektuhan rin nito ang mga pag-uugali ng mga kabataang Pilipino. Kung noon, ang

mga kabataan ay lumaking may disiplina sa sarili at marunong gumalang sa mga nakakatanda,

ngayon, ang mga kabataan ay lumaking mga bastos at walang galang sa mga nakakatanda sa

kanila.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang epekto ng unti-unting

pagkalimot ng mga kaugaliang Pilipino sa ating mga Pinoy.

Ang mga ispesipik na layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:

1. Alamin ang mga dahilan kung bakit nalilimutan na nating mga Pilipino ang mga

kaugaliang minana pa natin mula sa ating mga ninuno.

2

Page 3: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

2. Tukuyin kung paano natin muling bubuhayin ang mga kaugaliang Pilipino na unti-

unti nang nababaon sa limot.

3. Alamin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga kaugaliang Pilipino.

4. Alamin ang mga kaugaliang Pilipino na ginagawa pa rin ng karamihan sa atin.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Kilala tayong mga Pilipino sa ating mga magagandang kaugalian. Dahil dito saan mang

bansa tayo magpunta ay pinupuri tayo dahil sa mga magagandang kaugaliang namana natin sa

ating mga ninuno. Ngunit sa paglipas ng panahon, unti-unti itong ibinabaon sa limot.

Kaya naman inaasahang ang resulta ng pananaliksik na ito ay magiging

kapakipakinabang sa mga sumusunod:

1. Muling maibalik ang mga kaugaliang Pilipino sa isipan ng mga kabataang Pinoy.

2. Malaman ang mga dahilan ng unti-unting pagkabaon ng mga kaugaliang Pilipino sa

limot upang sa gayon ay maiwasan ito.

3. Maitatak sa isipan ng bawat kabataang Pilipino ang kahalagahan ng mga kaugaliang

minana pa natin sa ating mga ninuno.

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Upang mas maintindihan ang pananaliksik na ito, binigyang kahulugan ng

tagapagsaliksik ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito.

Amor Propio. Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.

3

Page 4: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Bayanihan. Nabuo sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit

kailan o saan man kailanganin ng tulong.

Delicadeza. Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa

lugar.

Pagmamano. Isang pagbibigay galang sa mga nakakatanda.

Palabra de Honor. May isang salita.

Pinoy. Salitang lansangan na tumutukoy sa mga Pilipino.

Utang na Loob. Isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na

kanyang dinaanan.

4

Page 5: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

KABANATA 2

Katawan

Ang mga Pilipino ay kilala sa kanilang mga magagandang kaugalian. Mga kaugaliang

nagsimula pa noong panahon ng kanilang mga ninuno. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga

kaugaliang Pilipino:

Bayanihan

Ang bayanihan ay nabuo sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan

kahit kalian o saan man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga

sasakyang nasiraan ng gulong. Ang mga tambay at ang mga taong-bayan na malapit dito ay

agad-agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang mangyari maayos lamang ang

nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat bahay noon ng

mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na

sinasabayan pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay

kabaligtaran ng ugaling indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.

Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak

Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak.

Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga Pilipino

ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay

may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa

dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan,

at halos lahat ay mag-kakakilala.

5

Page 6: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Pakikisama

Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at

mabuting pakikitungo sa iba. Halimbawa nito ay ang maluwag na pagtanggap sa mga bisita kahit

pa may kinikimkim kang galit sa kanya.

Hiya

Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay

naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang

kung sila ay nakagawa ng kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang

para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay

ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi napat sapat ang kabuhayan niya. Kung ay

isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob.

Utang na Loob

Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok

na kanyang dinaanan. Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng utang na loob sa ating mga

magulang sa pagpapalaki at pagpapaaral sa atin na balang araw sa ating paglaki ay masuklian

natin ang mga paghihirap na ginawa nila sa atin upang maging isang mabuting tao.

Amor Propio

Bawat Pilipino ay taglay ang kaugaliang ito. Bawat isa ay may pagpapahalaga sa sariling

dignidad maging sa dignidad ng iba.

6

Page 7: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Delicadeza

Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.

Palabra de Honor

Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o

pangako sa iba at hindi paiba-iba ng opinyon.

Pagmamano

Tumutukoy ito sa pagbibigay galang sa mga matatanda. Ginagawa ito tuwing bumibisita

sa mga lolo at lola o dili naman kaya’y sa mga ninong at ninang at sa mga magulang.

Pagbibigay galang sa mga Nakakatanda

Ito ang paggamit ng mga magagalang na salita kung kinakausap ang mga nakakatanda sa

atin. Ang paggamit ng “po” at “opo” ang pinaka popular sa mga magalang na salita.

Ang mga nabanggit na mga kaugaliang Pilipino ay ilan lamang sa mga kaugaliang hindi

na isinasagawa ngayon ng mga Pinoy, mas lalong-lalo na ng mga kabataang Pinoy. Maraming

mga dahilan kung bakit unti-unti itong nakakaligtaang gawin. Maaaring hindi nila ito

nakasanayang gawin o kaya naman ay hindi ito naituro sa kanila.

Magkagayon man, dapat pa rin nating isagawa at panatilihin ang mga kaugaliang ito dahil

sa ang mga kaugaliang ito ang nagbigay sa atin ng mga magagandang papuri sa mga dayuhan at

dahil din sa mga kaugaliang ito tayo pinagkakatiwalaan.

7

Page 8: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

KABANATA 4

Obserbasyon, Pagsusuri, Interpretasyon

Base sa mga naging resulta nang pakikipanayam ng tagapagsaliksik, naipakita na hindi

lahat ng mga kaugaliang Pilipino ay naibaon na sa limot. Ang ilan sa mga ito ay patuloy pa ring

isinasagawa ng karamihan sa mga kabataang Pilipino. Base rin sa naging resulta ng

pakikipanayam, kaya naibabaon sa limot ang ibang mga kaugaliang Pilipino ay dahil sa

kadahilanan na hindi nila ito nakagisnan o dili naman kaya’y wala silang kaalam-alam ukol dito.

Kung ating paka susuriin ang naging resulta ng pakikipanayam, malalaman natin na

maaari pa nating buhayin ang mga naibaon na sa limot na mga kaugaliang Pilipino.

Ilan sa mga napatunayang mga kaugaliang Pilipino na patuloy na isinasagawa

magpahanggang ngayon ay ang pagmamano, at pagsasabi ng “po” at “opo”. Ayon sa pagsusuri,

ang dalawang kaugaliang ito ang may pinakamataas na porsyento nang mga kaugaliang patuloy

na isinasagawa ng mga kabataang Pilipino hanggang ngayon.

Ang amor propio, bayanihan, delicadeza, at palabra de honor ay ang mga kaugalian

namang hindi na isinasagawa ng karamihan sa mga kabataang Pinoy. Ayon sa ibang mga

nakapanayam ng tagapagsaliksik, walang epektong naidulot sa kanila ang hindi pagsasagawa ng

mga kaugaliang ito. Ayon naman sa ibang nakapanayam, may kaunti itong naidudulot gaya ng

sabi ng isang nakapanayam na hindi tayo magiging Pilipino kung hindi natin isasagawa ang mga

kaugaliang ito.

8

Page 9: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

KABANATA 6

Talasanggunian

National Bookstore Calendar 2009 ● Mga Kultura at Kaugaliang Pilipino

http://tlwikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Pilipinas#Kaugaliang_Pilipino ● Retrieved Date:

February 15, 2009 ● Time of Retrieval: 2:25 p.m.

9

Page 10: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

KABANATA 7

Halimbawa ng Kwestiyuner

Kober Letter

Kwestiyuner na Ginamit sa Pakikipanayam

1. Anu-anong mga kaugaliang Pilipino ang alam mo o nakagisnan mo na mula pagkabata?

2. Alin naman sa mga kaugaliang iyong binanggit ang hindi mo na isinasagawa ngayon?

3. Anu ang dahilan kung bakit hindi mo na ginagawa ang mga kaugaliang iyon?

4. May epekto bang naidudulot sa iyo ang hindi na pagsasagawa sa mga kaugaliang ito?

5. Kung may epekto: Anu-anu ang mga epektong idinulot nito sa iyo?

Kung walang epekto: Bakit?

6. Alam mo ba na unti-unti nang nababaon sa limot ang mga kaugaliang Pilipino?

7. Gaano kahalaga ang pagpapanatili ng mga kaugaliang Pilipino, para sa iyo?

8. Paano natin muling bubuhayin ang mga kaugaliang unti-unti nang nababaon sa limot?

10

Page 11: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

KABANATA 8

Talaan ng Datos ng May-akda o Awtor Apendiks

Pangalan:

Genevieve E. Keyaten

Address:

#122 Purok 14, Lower Cypress Irisan, Baguio City

Taon:

16

Kaarawan:

Setyembre 20, 1992

Lugar ng Kapanganakan:

Balatoc,Itogon,Benguet

Relihiyon: Anglican

Pangalan ng Ama:

Santos D. Keyaten

Pangalan ng Ina:

Novernia E. Keyaten

Mga Kapatid:

Braille E. Keyaten

Jehan E. Keyaten

Pamela E. Keyaten

Melusine E. Keyaten

Klyde E. Keyaten

Educational Background:

Elementarya:

Quirino Elementary School

Sekundarya:

1-3 Pines City National High School

4 Pines City National High School (Kasalukuyan)

11

Page 12: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Mga Larawan o Litrato

12

Page 13: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Pakikipanayam kay Mary Rose G. Mahusay

Gen: Anu-anong mga kaugaliang Pilipino ang alam mo o nakagisnan mo na mula pagkabata?

Mary Rose: Pagmamano, pagsasabi ng po at opo…. Anu pa ba? Bayanihan tapos yung kwan

pagiging hospitality

Gen: Alin naman sa mga kaugaliang iyong binanggit ang hindi mo na isinasagawa ngayon?

Mary Rose: Bayanihan….ha…ha…ha…

Gen: Anu ang dahilan kung bakit hindi mo na ginagawa ang mga kaugaliang iyon?

Mary Rose: mahirap… ha…ha…kasi…uhhm…bihira na lang ang nagbabayanihan sa ngayon.

Gen: May epekto bang naidudulot sa iyo ang hindi na pagsasagawa sa mga kaugaliang ito?

Mary Rose: Meron..

Gen: Ano?

Mary Rose: Kasi…uhhmmm… Kasi parang hindi na maka-Pilipino.

Gen: Alam mo ba na unti-unti nang nababaon sa limot ang mga kaugaliang Pilipino?

Mary Rose: Oo kasi hindi ko na rin ginagawa at tsaka napapansin ko rin.

Gen: Gaano kahalaga ang pagpapanatili ng mga kaugaliang Pilipino, para sa iyo?

Mary Rose: uhhm…oo dahil ito and “trade mark” ng mga Pilipino

Gen: Paano natin muling bubuhayin ang mga kaugaliang unti-unti nang nababaon sa limot?

Mary Rose: Sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata ng mga kaugaliang nabaon na sa limot at

sa muling pagsasagawa nito…

13

Page 14: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Pakikipanayam kay Carmina Joelle Bayasen

Gen: Anu-anong mga kaugaliang Pilipino ang alam mo o nakagisnan mo na mula pagkabata?

Carmina: Pagmamano, pagsasabi ng po at opo, fiesta, family ties, paniniwala sa pamahiin at

marami pang iba…

Gen: Alin naman sa mga kaugaliang iyong binanggit ang hindi mo na isinasagawa ngayon?

Carmina: Paniniwala sa pamahiin.

Gen: Anu ang dahilan kung bakit hindi mo na ginagawa ang mga kaugaliang iyon?

Carmina: Dahil hindi ako naniniwalang totoo ang mga ito .

Gen: May epekto bang naidudulot sa iyo ang hindi na pagsasagawa sa mga kaugaliang ito?

Carmina: Oo.

Gen: Ano?

Carmina: Di ako naaapektuhan sa mga desisyon at sabi-sabi ng iba. Tama ba??? Ha…ha…

Gen: Alam mo ba na unti-unti nang nababaon sa limot ang mga kaugaliang Pilipino?

Carmina: Oo.

Gen: Gaano kahalaga ang pagpapanatili ng mga kaugaliang Pilipino, para sa iyo?

Carmina: Napakahalaga!

Gen: Paano natin muling bubuhayin ang mga kaugaliang unti-unti nang nababaon sa limot?

Carmina: Pagpapakatotoo, pagpapahalaga at pag-alala.

14

Page 15: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

Pakikipanayam kay Sharmaine Cabanlit

Gen: Anu-anong mga kaugaliang Pilipino ang alam mo o nakagisnan mo na mula pagkabata?

Sharmaine: pagsasabi ng po at opo, pagmamano

Gen: Alin naman sa mga kaugaliang iyong binanggit ang hindi mo na isinasagawa ngayon?

Sharmaine: Wala… ginagawa ko pa rin laht ng aking sinabi. . .

Gen: Alam mo ba na unti-unti nang nababaon sa limot ang mga kaugaliang Pilipino?

Sharmaine: oo. Mukha nga

Gen: Gaano kahalaga ang pagpapanatili ng mga kaugaliang Pilipino, para sa iyo?

Sharmaine: syempre pra sa akin its a sign of respect kaya mahalaga…

Gen: Paano natin muling bubuhayin ang mga kaugaliang unti-unti nang nababaon sa limot?

Sharmaine: Isipin natin yung kahalagahan nung mga kaugalian.

15

Page 16: Unti-unting pagkalimot sa ugaling Pilipino

16