abstrakdyeypi.weebly.com/.../research_paper_microchip_666.docx · web vieway may kaukulang datos na...
TRANSCRIPT
Republika ng Pilipinas
Quezon City Polytechnic University
IBP Road Batasan Hills Quezon City
Pamagat: MICROCHIP SA TAO, BAGONG BUHAY AT MALAWAKANG
PAGBABAGO
Mga Mananaliksik:
John Perry Carpio
John Paul Casin
Jovyleen Famacion
Adonis bagaipo
Marix dela Peña
Katelyn Gagarin
Divino Balidoy
Chriztoff Dayag
Toshie GajardoDalubguro
Microchip 666 Page 1
Talaan ng NilalamanI. Abstrak................................................................................................................................................3
II. Introduksyon.......................................................................................................................................4
Suliranin..................................................................................................................................................5
Layunin...................................................................................................................................................5
Depinisyon ng mga katawagan................................................................................................................5
III. Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura..........................................................................................6
Ayon sa ulat ni Jessica Soho................................................................................................................6
Ayon sa isang video ni SMASHEDPOTS mula sa youtube.................................................................7
Ayon sa pelikulang Wall-E..................................................................................................................8
IV. Disenyo ng pananaliksik at pamamaraang ginamit..........................................................................9
Descripsyon ng Pinagmulan ng Datos at Sample.....................................................................................9
SABJEK..................................................................................................................................................9
PAGLALARAWAN NG INSTRUMENTONG KAGAMITAN............................................................................9
PAG-IIPON NG DATOS..............................................................................................................................9
ESTATISTIKANG PAGTRATO...................................................................................................................10
V. Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos.......................................................................................10
VI. Konklusyon at Rekomendasyon.....................................................................................................10
Carpio, John Perry.................................................................................................................................10
Famacion, Jovyleen...............................................................................................................................11
Gagarin, Katelyn....................................................................................................................................12
Casin, John Paul....................................................................................................................................12
Dela Pena, Marix...................................................................................................................................12
Balidoy, Divino.......................................................................................................................................13
Bagaipo, Adonis.....................................................................................................................................14
Dayag, Chriztoff....................................................................................................................................15
VII. Bibliograpiya.................................................................................................................................15
VIII. APPENDIKS.................................................................................................................................16
Microchip 666 Page 2
I. Abstrak
ng microchip na ito ay ini-implanta o itinuturok sa ilalim ng balas sa kanang kamay, at
balang araw balak itong ilagay sa ilalim ng noo, para sa mga taong walang kanang kamay
ay malalagyan parin sila ng microchip. Ang tawag sa microchip na inilalagay sa tao ay tinatawag
na VeriChip. Bawat microchip ay may kaukulang datos na tumutukoy sa kung kanino ito
inimplanta, tulad ng kung ano ang kanyang pangalan, tirahan, edad, at lahat ng mga datos
tungkol sa kanya. Maging ang microchip na ito ay maaari ding gamitin sa pag hanap ng isang tao
kung sakaling itoy mawala sa tulong ng antena na nakalagay dito.
A
Ang microchip na ito ay may sukat na kasing-laki ng butil ng bigas. Bagamat may mga
magagandang maitutulong ang microchip na ito ay napakaraming tao ang salungat dito, lalo na
ang Simbahang Katoliko. Ayon sa Simbahang Katoliko ay may bagay ng kayang gawin ang
microchip dahil sa itoy itinuturok sa katawan, hindi daw makakasiguro ang tao na balang araw
ay dadating na ang mga tao ay kokontrolin ng iba ang ating utak gamit ang signal mula rito, at
sinasabi ring ang tao ay maaaring magkaroon ng walang kamatayang buhay at maaari naring
gamitin ang bagay na ito pra bumuhay ng tao sa hinaharap.
Isa lang ang microchip 666 sa mga bunga na buhat sa mga kaalaman at pagnanais ng tao na
maging perpekto, dahil isa sa mga pwedeng paggamitan ng bagay na ito ay ang pagkakaroon ng
malawakang paglagpas sa kung hanggang saan lang ang dapat na alamin lang ng tao. Hindi natin
alam , maaaring sa susunod na 30 taon, ay gigising nalang tayo na lahat tayo ay kimokontrol na
ng makinang nooy tayo ang gumawa.
Mulat ba ang mata natin sa mga maaaring maging dulot ng anu mang ating gagawin?. Dahil
marami sa atin ngayon ay lahat gagawin para lamang makilala at yumaman. Hindi nila iniisip
ang malawakang masamang dulot ng kanilang ginagawa, at isa ang microchip sa mga
imbensyong ito.
Microchip 666 Page 3
II. Introduksyon
oong 1948 nailimbag ang librong Cybernetics ni Norbert Weiner, na tumutukoy sa
“neurological communication” o ang komunikasyon sa pagitan ng utak lamang at ang
pag control sa utak ng tao gamit ang mga chips.
NAng unang operasyon ng pag implanta sa utak ng tao ay isinagawa noong 1974 sa estado ng
Ohio, USA at sa Stockholm, Sweden. Ang chip na ito ay tinatawag na Brain electrodes na
ipinasok sa bungo ng mga sanggol kahit hindi ipinaalam sa mga magulang ng mga ito noong
1946. Noong 1950s at 1960s, ginagamit ang chips para makontrol ang mga nilagyan nito. Sa
katunayan, ang mga ganitong uri ng gamit ay ginawa lamang para sa mga hayop lang, ginagamit
ito para malaman ang kinaroroonan at kung sino ang nagmamay-ari ditto.
Tatlumpong taon na ang nakakaraan na makita ito sa X-ray na may sukat lamang na isang
sentimetro. Ang mga sumunod na ini-implanta ay may sukat na na kasing laki lang ng isang butil
ng bigas. Gumawa sila ng uri nito na gawa sa silicon, at sumunod ang Gallium Arsenide. Higit na
naipalawak ang pag-aaral tungkol sa microchip dahil nilalagay narin ito sa leeg o sa likod, o kaya
sa alin mang bahagi ng katawan na naisin ng nagpapalagay. Pag nailagay na ang microchip sa
katawan ng tao ay halos imposible na itong matagpuan o tanggalin dahil itoy humahalo na sa
laman at nagiging parang cell ng tao.
Bagamat itoy ginawa at naimbento para makatulong sa tao, hindi ito maaaring tumukoy sa pag
sama ng teknolohiya at buhay ng tao. Kahit may mga taong mismoy may kailangan sa
kagamitang ito, tulad ng mga matatanda sa ilang bahagi ng amerika, kailangan nila ito para
makatulong sa pag –alala ng mga bagay, dahil karamihan sa kanila ay may Alzheimer's Disease o
sakit ng pagkalimot.
Kahit maganda ang pag gamit nito ay may magandang dulot para sa iilang pagkakataon lamang,
malalaman din natin ang mga detalyeng kaugnay at nasa likod ng usaping hindi dapat nating
balewalain dahil itoy may malaking kaugnayan sa atin miso at sa mundong ating ginagalawan.
Microchip 666 Page 4
Suliranin
Kung anu-ano pa ba ang mga positibo at negatibong dala ng pag tuturok ng microchip 666 at ano
ang mga magiging reaksyon ng tao tungkol dito. Ang mga mahahalagang katanungan na
kinakailangan ng kasagutan na kailangan nating malam tungkol sa microchip ay ang mga
sumusunod:
Bakit may mga taong sang-ayon sa pag gamit ng microchip sa tao?
Bakit may mga sumasalungat ditto?
Paano makiki-alam ang tao sa usaping ito?
Paano ito inilalagay sa katawan ng tao?
Anu-ano ba ang mga magagandang dulot nito sa tao?
Anu-ano rin ang mga negatibong dulot nito?
LayuninA
ng layunin n gaming pananaliksik ay upang maging malinaw sa atin ang mga detalyeng kakibat
at nasa likod ng tinatawag na microchip 666. Isa-isahin ang mga positibong gamit nito sa mundo,
at paano ito makakatulong sa pagtaas ng antas ng kalidad ng buhay, at kung mga negatibong
dulot ay ang mga dahilan ng pagtuligsa at pagsalungat sa ganitong uri ng device na isang likha
ng syensya, at para narin nating balansehin ang dalawang panig tungkol sa usaping gaya nito.
Ang mga inaasahang malaman sa aming pananaliksik ay ang mga sumusunod:
Malaman ang mga negatibo at positibong dulot ng pag implanta ng microchip sa tao.
Malaman ang mga impormasyon kung bakit ito kailangan ng tao.
Malulutas ang mga problema kung itoy tuluyang mapalaganap sa lahat.
Depinisyon ng mga katawagan
Scanner- isang makina o kagamitan na ginagamit upang mapaman o masuri ang isang espisipik na
bagay upang malaman ang mga katangian nito konkreto man o hindi.
Microchip 666 Page 5
Encode- paraan ng pag kalkula ng datos, sa syensya ito at teknolohiya, ito ay pag rerebisa sa isang
pormat na may sinusunod na paraan.
Radio frequency Identification- teknolohiya na gumagamit ng signal para malipat ang mga datos ng
isang makina o bagay papunta sa isa pang bagay na may kalakip na sekyuridad. Ito ay kadalasang
ginagamit sa mga importanteng bagay upang itoy ma protektahan mula sa mga masasamang loob.
Neurological communication- isang uri ng pag aaral na kung saan ay ang utak ay ginagamit sa
pakikipag komunikasyon lamang. Ayon ditto ang utak ay kayang makipag usap sa kapwa utak
kahit walang usapang ginagamit na bibig o tainga. Pinag-aaralan din ditto kung ang utak ng tao
ay kayang mag control ng iba pang utak, at maging makina ay kayang kontrolin ang utak.
III. Mga kaugnay na pag-aaral at Literatura
Ayon sa ulat ni Jessica Soho, Ang microchip ay isang maliit na bagay na nagpapagana sa mga
computers at sa mga robots , marami na itong gamit sa pang araw-araw nating buhay, at hindi na
lamang sa mga makina ikinakabit ang microchip na ito, kundi pati narin sa mga hayop at maging
sa mga tao mismo.
Mga high-tech na kompyuters, robots, portable media players, touch-screen cellphones, mga
gadyets na usong-uso ngayon, lahat ng itoy pinapagana ng maliit na na bagay na nasa loob nito,
ang microchip.
Pero ngayon, hindi na lamang sa makina o sa alin mang makabagong gamit na lamang makikita
ang mga maliliit na bagay na ito, dahil ikinakabit na rin ito maging sa mga hayop. Tulad sa isang
karerahan ng kabayo sa St. Ana racing park ay karamihan sa mga kumakarerang kabayo doon ay
nagtataglay na ng microchip. Labing dalawa hanggang labing walong milimetro (12-18 mm) na
nagkakahalaga dito sa pilipinas ng isang libo at tatlong daan. (1,300) pesos, na may sukat na
malaki lang ng konti sa isang butil ng palay.
Napapabilis ng microchip ang pag a-identify o pag kilala sa isang kabayo kung itoy nagtataglay
ngmicrochip, gamit ang microchip at malalaman kung sino ang mag-ari dito at maging kung itoy
Microchip 666 Page 6
may sakit, dahil maaari din malaman ang kanyang tamperatura pra malaman kung itoy may sakit
o lagnat.
Sa pag implanta ng microchip sa kabayo ay ginagamitan ng hirindilya, inaahitan ng konti ang
likod na nasa bandang ulo para doon I turok ang microchip, at ipupuwesto sa ilalim ng balat ng
kabayo. Sa pamamagitan ng isang scanner ay madedetect ang labinglimang digits identification
number ng bawat kabayo, at ang lahat ng impormasyon tungkol sa kabayo ay ie-encode sa
kompyuter.
Maaari din ito sa mga alaga nating mga aso, uso narin ang pagpapalagay sa mga alagang hayop
ang microchips lalo na sa mga mamahaling breeds, dahil sa pag aalalang pagkawala at
pagkakapalit-palit ng alagang hayop lao na ang mga aso. Ayon kay Dr. Jun Punsalan ang
nagdidistribyut ng microchip sa hayop sa pilipinas, nakatulong daw ang pag gamit ng microchip
para mabawasan ang kaso ng rabbis sa maraming bansa, at inaasahan din nyang itoy mangyayari
din sa ating bansa. Dahil ang mga nabakunahan na mga aso ay madedetect gamit ang scanner
kung itoy may microchip na sa katawan.
Ayon kay Prof. Mark Rosales, isang wireless technology ang nasa loob ng microchip, dahil ayon
din sa kanya ay mayroon ding 2 o higit pang mga chips na nagkokomunikeyt.
Pero ang pinaka kontrobersyal tungkol sa microchip ay ang mag implanta nito sa katawan ng tao,
kung dati ay makikita lamang sa pelikula ang pag turok ng microchip sa katawan ng tao, ngayon
ginagawa narin sa totoong buhay.
Ayon kay Dr. Roderick John Crisostomo ng eact avenue medical center, ayon sa kanya ay may
negatibong dulot ang pag lagay ng microchip sa hayop at maging sa tao dahil nagdudulot ito ng
malignancy. Microchip sa napakaliit na bagay na ito tuluyan ng nabago ang buhay ng tao, totoo
ngang, “walang malaki ang nakakapuwing”.
Ayon sa isang video ni SMASHEDPOTS mula sa youtube, ang microchip na ikinakabit sa tao
ay isang uri ng RFID o Radio Frequency Identification, kadalasang ginagamit ito sa maraming
Microchip 666 Page 7
hospital na naglalagay ng microchip sa kanilang mga pasyente. Kinakailangan nila ito para ma
monitor ang mga pasyente kalakip ang kanilang mga gamut na dapat inumin. Ang mga ini-
implantang microchip sa tao at mahirap o imposible nang matanggal kung itoy nai-turok na sa
katawan ng tao at magiging isang paraan ng bagong pagkakakilanlan nito. Ang microchip ay
nilalagay narin sa maraming bahay at mga sasakyan na kung saan ay nagiging mas protektado
mula sa mga magnanakaw at hindi na kailangan pa ng susi dahil maaari ka ng pumasok sa iyong
tahanan gmit lang ang isang maliit na remote controller.
Malaki ang naitutulong satin ng microchip dahil makakatulong ito sa paghuli ng mga
magnanakaw dahil sa mabilis na pag-trace sa kanila, at pag ipon ng pera sa microchip mismo. At
madali narin nating maaalagaan an gating mga anak kung silay manganib o mawala dahil sa
simpleng pag surf sa internet ay madali nalang natin silang makita.
Marami paring mga bagay ang hindi malinaw at walang kasagutan tungkol sa microchip na ito,
at kaya na nga ba nitong madaliin ang buhay ng tao? Ang pag gamit ng ganitong uri ng chip ay
inaprubahan na ng United States food and drug Administration (USFDA).
Ayon sa pelikulang Wall-E, maaaring dumating ang araw na lilipat ang tao sa ibang planeta o
sa buwan para manirahan dahil sa wala nang lugar dito sa daigdig. Ayon sa pelikula, pinapakita
na ang mga tao ay nagtataglay nan g malalaki at matatabang katawan dahil hindi na sila
namumuhay ng normal, dahil sa isang kumpas ng kamay ay kaya na nilang kumain, sa isang
pundot ay kaya na nilang uminom, sa madaling salita ang mga tao sa hinaharap ay maaaring
lumabis ang pagdepende ng tao sa teknolohiya at makapagdulot ng labis na katamaran, dahil
maging ang mga simpleng bagay ay inaasa pa rin sa mga makina.
Sino nga bang gustong mamuhay na para nang isang baldado o walang silbe dahil sa
pagkakataong iyon ay ang tao ay pinapagana nan g mga makinang minsay tao rin ang gumawa.
Nauutusan nila ang mga makina sa pamamagitan ng microchip na nakalagay sa kanilang
katawan. Dahil sa kakulangan sa ehersisyo at balanseng kalusugan ay maaaring bumaba ang life
span ng tao.
Microchip 666 Page 8
IV. Disenyo ng pananaliksik at pamamaraang ginamit
An gaming pananaliksik tungkol sa aming paksang Microchip ay binigyan naming ng sapat na
oras at pagod para makompleto at maihatid sa inyo ang mga impormasyon sa likod nito.
Sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa aming paksa ay kinakailangan ng malawakang
pananaliksik, ang mga hakbang na aming ginawa upang makompleto ang mga impormasyong
kailangan naming ay ang:
Pag surf sa internet at pag punta sa ibat-ibang pahina sa Web.
Panonood ng ibat-ibang videos na may kinalaman sa aming paksa
Pagbabasa ng ibat-ibang mga artikulo, magazines at mga libro tungkol sa aming paksa.
Descripsyon ng Pinagmulan ng Datos at SampleGumawa kami ng survey at naghanap ng datos sa internet. Nanguha kami ng survey sa
ilang mga tao sa paligid ng QCPU Batasan brach.
SABJEK
Pumali kami ng ilang 50 estudyante at ilang residente at tinanong naming kung payag
silang magpalagay ng microchip sa katawan.
PAGLALARAWAN NG INSTRUMENTONG KAGAMITAN
Nag probayd kami ng mga papel na may kaakibat na mga tanong. Merong 3 na tanong na nalista
doon at itoy kanilang sasagutin sa pag sagot sa amin. At nagbigay kami ng impormasyon tungkol
sa microchip upang malinaw sa kanila ang mga impormasyon.
PAG-IIPON NG DATOS
Gamit ang kanila mga sagot ay nahinuha naming ang kanilang opinion ukol sa aming
paksa. Ang aming nakalap na mga datos ay aming inilista at pinag-aralan.
Microchip 666 Page 9
ESTATISTIKANG PAGTRATO
Ang kanilang mga sagot ay nakatulong na mas maunawaan ang mga impormasyon sa
likod ng microchip at mga hinaing ng tao ukol ditto.
Percentage(%) = frequency (agree or not)/no. of respondents
V. Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos
80% ang hindi payag na magpalagay ng microchip sa katawan, ani nila ay gastos lang at ang iba
naman ay natatakot sa maaaring maging dulot nito sa kanila. May ilan din nag sabi na hindi daw
nila alam baka sa paglagay ng microchip sa katawan ay paraan para makontrol ang kanilang pag-
iisip at mawala sila sa kanilang katinuan.
3% lamang ang sumang-ayon, ang dahilan nila ay ang magandang dulot nito may nagsabi rin nab
aka daw itong microchip na ang daan para sa isang perpektong paraan ng pamumuhay ng tao.
17% ang hindi nag bigay ng kanilang hinaing, ani nila hindi daw nila alam ang tungkol dito at
ang ilan naman ay walang paki-alam sa usaping ito.
VI. Konklusyon at Rekomendasyon
Carpio, John Perry“Sa pagnanais ng tao na makuha ang lahat na naisin, ay lumalampas na sa limitasyon ng dapat
lang gawin at likhain ng tao.
Ang pagnanais nating mabuhay ng walang hanggan at karangyaan o kapangyarihan ang nag
uudyok sa atin na gumawa ng hindi maganda at minsan ay nalilimutan ang masamang dala ng
kanilang ginagawa sa ibang tao.
Microchip 666 Page 10
Isa ang microchip sa mga likhang tao sa tulong ng makabagong teknolohiya. Ang nooy isa
lamang tracking device na ginagamit para malaman ang lokasyon ng isang bagay sa kahit anong
oras sa pamamagitan ng satellite dahil sa antenna na nakalagay dito, ngayon ang microchip ay
pilit na inihahalo sa katawan ng tao, dahil ang alam ng mga dalubhasa ay maaari itong i-implanta
sa tao bilang bagong pagkakakilanlan at napapadali ang pag track o pag alam ng lokasyon ng
taong merong microchip sa katawan.
Para sa akin, kahit gumagamit ng mataas na antas ng teknolohiya ang RFID na nasa microchip
hindi parin maiiwasan ang tinatawag na pag-hack ng impormasyon nan aka encode sa microchip,
mayroon paring mga masasamang loob na kayang manipulahin ang datos na nandito.
Sa paggamit ng microchip sa tao ay mas napapalapit sa kritikal na sitwasyon dahil sa mga
nakakatakot na maaaring mangyari, halimbawa ang taong nilagyan ng microchip ay maaaring
magkakomplikasyon sa kalusugan at ang panganib ng ma-hack ang mga impormasyon tungkol
sa kanya, dahil hindi lingid sa ating lahat ang tungkol sa mga hackers at buggers na mahigpit na
kaaway natin pagdating sa pribadong datos na naka encode sa kompyuter.
Handa ba nating isugal ang ating kalusugan at kaligtasan sa isang bagay na walang
kasiguraduhan na maaaring sa bandang panahon ay lubos nating pagsisisihan, dahil kung atin
itong hayaan na mailagay sa ating katawan, imposible na itong maalis at maaari tayong
makulong sa isang mdilim at nakakatakot na sitwasyon namaraming magdurusa pagnagkataon.”
Famacion, Jovyleen
“Mayroon mang magandang ibubunga ang pag-implanta sa tao at paggamit ng microchip, dahil
madali nitong matukoy ang kinalulugaran ng isang tao, at sa medisina naman ay kaya maaaring
madali nilang magamot ang tao, pero maaari ring matakot ang mga tao. Magiging sunod-
sunodan dahil may kumokontrol ditto at kapag pinutol o pinatay nila ang microchip ng isang tao,
maaaring hindi na sya makapamuhay ng maayos dahil ditto na umiikot ang pamumuhay ng tao.
Kung kayat matatakot ang mga tao na sumuway at gumawa ng mali.”
Microchip 666 Page 11
Gagarin, Katelyn
“Ang masasabi ko sa aming paksang microchip ay meron itong magandang madudulot sa ating
teknolohiya, meron din syempreng hindi magandang epekto sa atin. Pinapakita din ditto sa
microchip ang mga advantage n gating teknolohiya na maraming pwedeng maimbento ang mga
tao gamit ang technology. Gamit ang teknolohiya ay maaari din makaisip o makaimbento ang
mga tao ukol sa ikakaunlad n gating bansa. Kung magkakaroon ng microchip ito na yung magko-
kontrol sa atin.”
Casin, John Paul
“Para sa akin ang pagkakaroon ng microchip sa katawan ng isang tao ay may magandang
maidudulot ngunit hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi magagandang maidudulot, una
kung sakali mang magkakaroon ang isang tao ng microchip sa kanyang katawan maaaring
mabawasan ang pagod na nararamdaman niya sa sa pang araw-araw na pagkilos, at mapapadali
na ang bawat Gawain nya. Pero para sakin ang mas maganda kung makukuntento na tayo kung
anung meron o wala sa katawan natin, ginawa tao ng diyos sa ganito kaya huwag natin
pakikialamanan kung anong meron o wala sa katawan natin.
Kaya kung ako ang tatanungin para sa akin hindi ko papayagan ang paglalagay ng microchip sa
katawan ng isang tao.”
Dela Pena, Marix
“Sa akin kaalaman ang microchip ay sumisimbolo kay santanas, yong gumagamit siguro nito ay
iyong mga taong hindi naniniwala sa panginoon o yung mga tinatawag na anti-christ at siguro ay
marami pang iba.
At ayon sa aming pananaliksik ay ang microchip ay mga maliliit na kung saan ay ginamitan ng
mataas na uri ng teknolohiya, na ikinakabit sa kanang kamay ng tao.
Microchip 666 Page 12
Balidoy, Divino
“Maraming tao ang nagsasabi na ang "microchip" ay isang sinyales ng "Beast"... "Panu kung. isa
lang syang bagay na ginagamit upang guluhin ang utak natin sa isang bagay na mas malala pang
pwedeng mangyari.. At nabubulag na tayo dahil nasa isip na natin na ang “microchip
maykrotsip" na talaga ang sinyales ng demonyo.... Pero isipin mu ito ng ganitong paraan: Ang
tao ang nagsabi na ang "maykrotsip" ay ang marka ng demonyo pero tao rin ang gumawa ng "
microchip" so panu natin mapapagkatiwalaan ang sabi-sabi ng tao na ang " microchip " nga ang
marka ng demonyo na tinatawag ay 666.
Ang pagmamanipula ay magandang stratehiya ng mga demonyong ito pero ang pagiging
matalino at pagiging listo ay pwede taung masalba sa kahit anung problema na ating kaharapin.
Napanood ko sa “Kapuso mo Jessica soho” na sabi ang microchips ay ang napakaliit na bagay na
sya ikinakabit at nagpapagana sa mga computer at robot at pwede na rin ilagay sa mga hayop.
Halimbawa na lang sa mga kabayo sa sta. ana racing park, karamihan ng mga kabayo doon ay
meron na microchips, 12 to 18 millimeters o kasing sukat ng butyl ng palay, ang dahilan ng
paglagay ng microchips sa mga kabayo ay para mabilis na maidentify ang kabayo batay at hindi
na titingin sa mga documento at dahil din sa microchips ay na susuri ang temperatura ng kabayo
Pwede din ito sa mga alaga nateng hayop,uso ngayon ito lalo na sa mga mamahalin breed ang
gamit nito ay kung sakali mawala ang alaga nyo ay mahahanap ito kaagad dahil sa tracking
device. nakatulong din ang microchips sa ibang bansa dahil nabawasan ang kaso ng mga
nabibiktima ng rabies
Nagagamit din ang microchips sa mga gamit tulad ng sapatos, kaya itong I monitor ang
nababawasan calories sa katawan at kung ilan kilometrong layo ka na naglalakad
Sa mga sasakyan naman sa pilipinas ay naglalagay na rin ng microchips upang mabawasan ang
traffic at ang pag detect ng mga nakaw na sasakyan
Ang microchips ay pwede na rin sa tao ,inilalagay ito sa balat ng kamay at ang gamit nito ay
pang identify, pang tracking device at marami pa. si Kris Aquino meron na siyang microchip na
ginagamit niya pang shopping na parang credit card..swipe na lang niya yung wrist niya at
walah..bayad na siya sa pinangshopping niya..kaya siya nabansagan na 666..even Bill Gates
gawa na siya ang pinakamayaman sa buong mundo napatawan din na 666 din..
Microchip 666 Page 13
Mag-ingat sa paghahandle ng credit card niyo... As much as possible ay huwag kayong
magkaroon nito, o kung magkakaroon man, be sure na kaya niyong bayaran anumang oras...
Huwag din maging dependent sa debit card... Pero papunta na tayo sa panahong di maiiwasan
ang anumang uri ng plastic money (Debit cards and credit cards).
anu ang connection ng credit cars and debit card sa mark of the beast
Revelation 13:17, says ..."And that no man might buy or sell, save he that had the mark, or the
name of the beast, or the number of his name. ..." Basahin ito sa Bible.
Ang tatak ng beast ay hindi literal na tatak o tattoo na tinatatak sa likod ng kamay o noo. Sa totoo
lang ay isa itong maliit na chips ( ito rin ang dahilan ng pagkawala ng financial na transaksyon sa
mga credit cards o debit cards Darating din ang araw na lahat ng tao ay amgdedepende sa plastic
nap era o kards Pag wala ka microchip, hindi ka makakapag transaction
Baka sa darating pang panahon, ito ay magiging sapilitan kahit na yung mga taong nakatira sa
bundok, hindi dahil sa pwersa ng tao kundi ang economiya ng buong mundo
Para sakin ay dapat hindi ito matuloy sapagkat ito dahil ako po ay may takot sa diyos at malakas
ang aking paniniwala.”
Bagaipo, Adonis
“Napakahalaga ng device na ito, dahil sa mga microchip na ito maiiwasan na ang kidnapping.
Dahil ang microchip ay isang tracking device na matutukoy ang lokasyon ng iyong napuntahan o
kinalalagyan.
Ang device na ito ay maliit at nilalagay sa kamay ng tao. Kaso ang makakabili at maaaring
makinabang lang ang mga taong kayang bumili dahil sa napaka mahal ng device na ito at dahil
na din sa wala pang microchip ng tao sa pilipinas.
Microchip 666 Page 14
Sa ibang bansa meron ng ginagamit na microchip at nakita na ang kahalagahan at matutulong
nito sa mga tao.”
Dayag, Chriztoff
“Ang microchips ay isang maliit na bagay na nagpapagana sa komputers at na gagamit sa pang
araw araw na buhay ito rin ay naikakabit sa tao at sa hayop. Napapadali niya ang pag aaydentify
sa pinagkakabitan ng dokyumento ng tao, hayop o bagay na papadali rin ang pagtatrabaho dahil
sa microchips nakatulong rin ito para mabawasan ang kaso ng rabis sa ating bansa ito ay
halimbawa sa pagkabit sa hayop dahil sa modernong teknolohiya wala ng impossible. Hindi lang
peronal na benipisyo ang makukuha sa maicrochips, maging problema ng ating lipunan pwede
nitong maayos tulad ng lang trapic. Pero meron ding negatibong epekto sa atin ng microchips
kaya dapat na tayong mag ingat at wag natin seryosohin ang paggamit nito.”
VII. Bibliograpiya- Rauni-Leena Luukanen-Kilde, MD Former Chief Medical Officer of Finland December 6, 2000
http://www.conspiracyarchive.com/NWO/microchip_implants_mind_control.htm
-from youtube
http://www.youtube.com/watch?v=SEholETmDT4
http://www.youtube.com/watch?v=hu_o_tvL9sQ
http://www.youtube.com/watch?v=MBDM5ktm_Ps
-from the movie “Wall-E”
http://www.shvoong.com/movies/1833726-wall/
http://www.google.com.ph
http/www.wikipedia.com
http/www.yahoo.com
http/www.encarta.com
Microchip 666 Page 15
VIII. APPENDIKS
Pangalan: ________________________________
Edad: ___________________________________
Lagyan tsek ang bawat pipiliing sagot. Gamitin ang lubos na pag-unawa sa pagsagot.
1. Sumasang ayon ka ban a magpa implanta ng microchip sa iyong katawan?
□ Oo
□ Hindi
□ Wala akong alam tungkol jan
Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa iyong paningin, malaki ba ang maitutulong ng microchip sa tao?
□ Oo, marami
□ Wala, walang pakinabang
□ Siguro, hindi ako sigurado
Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ay magpapalagay ng microchip sa katawan, ano ang mgakayang gawin ng
microchip ang gusto mo?bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Microchip 666 Page 16