week 2b kolonisasyon ng mga bansa sa asya
TRANSCRIPT
By: Jacy Alipio YumulCollege of San Benildo-Rizal
Kagawaran ng Araling Panlipunan
Kolonisasyon ng mga Bansa sa Asya
GOLD
GOD
GLORY
Hernando Cortez
Tenochtitlan
Tumutukoy sa pagtatamo ng lupain upang matugunan ang layuning pangkomersyal at pangrelihiyon ng isang bansa
Ito ay pinasimulan ng mga kompanyang Europeo mula ika-14 hanggang ika-18 siglo
Ito ay nauwi sa labanang kolonyal ng mga bansang Europeo
Ang Kolonyalismo
Imperyong Kolonyal ng Portugal
Unang nagtatag ng imperyong kolonyal sa ibayong dagat na pinangunahan ni Vasco da Gama
Sinalakay ang Indonesia na nakasasakop sa isla ng Molucas, ang tanyag na mga pulo ng pampalasa na mas kilala bilang Spice Islands
Sinalakay din ang China sa panahon ng Dinastiyang Ming. Ipinatupad ang Policy of Isolation kaya binansagan ng mga Tsino bilang Ocean Devils. Si Rafael Perestrello ang unang bumisita sa China. Itinatag niya ang lungsod ng Macau na sentro ng pakikipagkalakalan. Nanatili itong kolonya hanggang 1999 na kahuli-hulihang kolonya sa Asya na naging malaya
Si Francis Xavier ang nagpalaganap na Kristiyanismo sa Japan. Tinawag siyang Apostle of the Indies
Imperyong Kolonyal ng Espanya
Ang mga kolonya ng Espanya ay matatagpuan sa Pilipinas, maliban sa Pilipinas
Kinubkob ni Miguel Lopez de Legazpi ang bansa at ginawang unang kolonya ang Cebu kasunod ang Maynila
Naging pundasyon ng relihiyong Katolisismo ang Pilipinas subalit gaya ng Portugal, umabuso rin ang Espanya kaya’t naghimagsik ang mga Pilipino matapos ang 333 taong pamumuno.
Imperyong Kolonyal ng mga Dutch
Binuo ang Dutch East India Company upang magtatag at mamahala sa pakikipagkalakalan sa Asya na binigyang-karapatang gumawa ng sariling salapi
Itinatag ang unang kolonya sa Batavia na ngayo’y Jakarta. Inagaw din nila ang Spice Islands mula sa Portugal at sinakop ang buong Indian Ocean. Dahil dito, ang Amsterdam na kabisera nito ay naging sentro ng kalakalan sa Europa
Nakipagkalakalan din ang mga Dutch sa Japan na tinulungan nila na mapalaya laban sa mga Portuguese
Imperyong Kolonyal ng British
Nagtatag ng kompanya na tinawag nilang British East India Company na namahala sa pakikipagkalakalan sa Asya. Sa simula ang layuni’y kalakalan subalit nauwi sa pagtatatag ng imperyo.
Pagbagsak ng Imperyong Mughal naglabanan ang mga British at mga French at nagwagi ang mga Briton sa pamumuno ni Sir Robert Clive. Naging kolonya ng British ang India sa loob ng 350 taon
Imperyong Kolonyal ng France
Itinatag ang French East India Company sa Pondicherry, India at pinamahalaan ni Francois Dupleix. Ito ang nag-ugat sa matinding labanan sa pagitan ng mga English at French. Natalo ang mga French subalit nagtayo pa rin ng kolonya ang France sa Vietnam
Pagpapalawak ng Russia sa Asya
Pinalawak ng Russia ang sakop nila sa Gitnang Asya sa pamamagitan ng mga nomad na kung tawagin ay cossack sa pamumuno ni Yermak Timopeyavich
Pinigilan ang mga cossack ng mga Tsino nang marating ang Amur River. Ang Amur ay napapaloob sa sphere of influence ng China. Nagkaroon ng alitan ang dalawang bansa.
Upang di na lumawak ang sigalot sa pagitan nila, nilagdaan ang Kasunduang Nerchinsk na nagtatakda ng hangganan ng dalawang bansa at nagpasimula sa kalakalan nila.
Nagkaroon ng malaking bahagi sa kolonisasyon ang Indian Ocean. Nagawa nilang makipagkalakalan subalit ang kanilang impluwensya sa Timog Silangang Asya ay nanatiling limitado. Nagkaroon nga sila ng kani-kanilang himpilang pangkalakalan subalit hindi ganap na napasok ang mga lupain sa Asya.
Bunga ng Kolonisasyon ng mga Europeo sa Asya
GOLD
GOD
GLORY
Maraming Salamat sa Pakikinig!