wp13 02/01-tg - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_tg_20130201.pdflahat ng...

16
34567 PEBRERO 1, 2013 Ano ang Matututuhan Natin Kay MOISES?

Upload: vanhanh

Post on 06-Feb-2018

318 views

Category:

Documents


37 download

TRANSCRIPT

Page 1: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

34567PEBRERO 1, 2013

Ano ang MatututuhanNatin Kay

MOISES?

Page 2: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

Gusto mo ba nghigit pang impormasyono libreng pag-aaral ngBibliya sa iyong tahanan?

Bisitahin ang www.jw.org /tlo ipadala ang iyong requestsa isa sa mga adres sa ibaba.

Para sa PILIPINAS:Jehovah’s WitnessesPO Box 20441060 Manila

Para sa UNITED STATES OF AMERICA:Jehovah’s Witnesses25 Columbia HeightsBrooklyn, NY 11201-2483

Para sa adres sa iba pang mga bansa,tingnan ang www.jw.org/contact.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan,ay nagpaparangal sa Diyos naJehova, ang Tagapamahala nguniberso. Inaaliw nito ang mga taosa pamamagitan ng mabutingbalita na di-magtatagal, wawakasanng Kaharian ng Diyos sa langit anglahat ng kasamaan at gagawingparaiso ang lupa. Pinasisigla nitoang mga tao na manampalatayakay Jesu-Kristo, na namatay paramagkaroon tayo ng pag-asangmabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Harisa Kaharian ng Diyos. Ang magasingito ay walang pinapanigan sa pulitikaat patuloy na inilalathala mula panoong 1879. Sinusunod nito angBibliya bilang awtoridad.

Publishers: Watchtower Bible and Tract Society

of New York, Inc. � 2013 Watch Tower Bible

and Tract Society of Pennsylvania. All rights

reserved. Printed in Japan.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan

ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na

pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng

kusang-loob na mga donasyon. Malibang iba

ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan

ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal

na Kasulatan.34567

PEBRERO 1, 2013

Ano ang Matututuhan

Natin Kay

MOISES?

Maging Malap´ıt sa Diyos—“Siya ang Diyos . . . ng

mga Buh´ay” 7

Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay 8

Susi sa Maligayang Pamilya—Kapag May Kapansanan

ang Iyong Anak 10

Ano ang “Ebanghelyo ni Hudas”? 13

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya 16

34567Limbag sa Bawat Isyu:44,978,000 SA 204 NA WIKA FEBRUARY 1, 2013�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

TAMPOK NA PAKSA

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

SA ISYU RING ITO

s BASAHIN ONLINE � www.jw.org/tl

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

Vol. 134, No. 3SemimonthlyTAGALOG

Sino si Moises? PAHINA 3

MOISES—MAY PANANAMPALATAYA 4

MOISES—MAY KAPAKUMBABAAN 5

MOISES—MAY PAG-IBIG 6

BIBLE CARD—EsauKilalanin si Esau na kapatid ni Jacob.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA/MGA BATA)

r

PARA SA MGA KABATAAN—Magiging Maawain Ka Ba?Alamin ang itinuro ni Jesus tungkol sa awa atdiskriminasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa isasa kaniyang pinakapopular na mga kuwento.

(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA/TIN-EDYER/ACTIVITY PARA SA

PAG-AARAL NG BIBLIYA)

r

MADA-DOWNLOAD ANGMAGASING ITO SA

IBA’T IBANG FORMAT

Page 3: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

PEBRERO 1, 2013 � 3

Ano ang naiisip mo kapag narinig mo angpangalang Moises? Naiisip mo baang isang . . .

˛ sanggol na itinago ng kaniyang ina sa

isang basket sa Ilog Nilo?

˛ batang pinalaki ng anak na babae ni Pa-

raon sa karangyaan sa Ehipto pero hindi

nakalimot na isa siyang Israelita?

˛ taong namuhay bilang isang pastol sa Mi-

dian sa loob ng 40 taon?

˛ taong nakipag-usap kay Jehova� sa harap

ng nagniningas na palumpong?

˛ taong hindi natakot humarap sa hari ng

Ehipto para sabihing palayain nito ang

mga Israelita mula sa pagkaalipin?

˛ taong sa utos ng Diyos ay naghayag ng

Sampung Salot sa Ehipto nang magmati-

gas ang hari laban sa tunay na Diyos?

˛ taong nanguna sa mga Israelita sa pag-

alis mula sa Ehipto?

˛ taong ginamit sa paghati sa Dagat na

Pula?

˛ taong nagbigay sa mga Israelita ng Sam-

pung Utos ng Diyos?

ANG lahat ng iyan ay naranasan ni Moises.Kaya hindi kataka-takang gayon na lang ang

paggalang ng mga Kristiyano, Judio, at mga Mus-lim sa tapat na taong ito!

Si Moises ay isang propeta na nagpakita ngmga bagay na “kasindak-sindak.” (Deuteronomio34:10-12) Hinayaan niyang gamitin siya ng Diyossa kamangha-manghang paraan. Pero si Moises

� Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

ay isang ordinaryong tao lang. Gaya ni prope-ta Elias, si Moises ay isa ring taong “may dam-daming tulad ng sa atin.” (Santiago 5:17) Nagingproblema rin ni Moises ang marami sa mga pro-blemang napapaharap sa atin, at nakayanan niyaang mga iyon.

Gusto mo bang malaman kung paano niya na-gawa iyon? Talakayin natin ang tatlong magagan-dang katangiang ipinakita ni Moises at kung anoang matututuhan natin sa kaniyang halimbawa.

TAMPOK NA PAKSA

SINO SI MOISES?

Page 4: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

PAANO NAGPAKITA NG PANANAMPALATAYA SI

MOISES? Pangunahin kay Moises ang mga panga-ko ng Diyos. (Genesis 22:15-18) Puwede sana siyangmabuhay nang marangya sa Ehipto, pero tinalikuranniya iyon, anupat “pinili pang mapagmalupitan kasa-ma ng bayan ng Diyos kaysa sa magtamo ng pansa-mantalang kasiyahan sa kasalanan.” (Hebreo 11:25)Iyon ba ay padalus-dalos na desisyong pagsisisihanniya sa bandang huli? Hindi. Sinabi ng Bibliya na“nagpatuloy siyang matatag na parang nakikita ang Isana di-nakikita.” (Hebreo 11:27) Hinding-hindi pinag-sisihan ni Moises ang mga desisyon niya.

Tinulungan ni Moises ang iba na magkaroon din ngmatibay na pananampalataya. Pansinin kung ano angnangyari nang ang mga Israelita ay tila naipit sa pagi-tan ng hukbo ni Paraon at ng Dagat na Pula. Dahil ta-kot na takot, ang mga Israelita ay humingi ng tulongkay Jehova at kay Moises. Ano kaya ang ginawa niMoises?

Maaaring walang ideya si Moises na hahatiin ngDiyos ang Dagat na Pula para makadaan ang mgaIsraelita. Pero nakatitiyak siyang may gagawin angDiyos para protektahan ang Kaniyang bayan. Gustorin ni Moises na magkaroon ng gayong pananalig angkapuwa niya mga Israelita. Mababasa natin: “Sinabini Moises sa bayan: ‘Huwag kayong matakot. Tumayokayong matatag at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Je-hova, na isasagawa niya para sa inyo ngayon.’ ” (Exo-do 14:13) Natulungan ba sila ni Moises na magkaroonng matibay na pananampalataya? Oo, sinabi ng Bibli-ya tungkol kay Moises at sa lahat ng Israelita: “Sa pa-nanampalataya ay tumawid sila sa Dagat na Pula nagaya ng sa tuyong lupa.” (Hebreo 11:29) Hindi lang siMoises ang nakinabang sa kaniyang pananampalata-ya, kundi pati ang lahat ng natutong manampalatayakay Jehova.

ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN? Matutularan na-tin si Moises kung gagawin din nating pangunahin

sa ating buhay ang mga pangako ng Diyos. Halim-bawa, nangako ang Diyos na ilalaan niya ang atingmga pangangailangan kung uunahin natin ang pag-samba sa kaniya. (Mateo 6:33) Pero isang hamon iyanngayon dahil ang inuuna ng karamihan ng nakapa-ligid sa atin ay materyal na mga bagay. Gayunman,kung hindi natin hahayaang may makahadlang saating pagsamba kay Jehova, makatitiyak tayong ilala-an niya ang mga kailangan natin. Sinabi niya: “Hindikita sa anumang paraan iiwan ni sa anumang paraanay pababayaan.”—Hebreo 13:5.

Tinutulungan din natin ang iba na magkaroon ngpananampalataya. Halimbawa, alam ng matatalinongmagulang na may pambihirang pagkakataon silangtulungan ang mga anak nila na magkaroon ng pa-nanampalataya sa Diyos. Habang lumalaki ang kani-lang mga anak, kailangan nilang ituro sa mga ito namay isang Diyos na nagtatakda kung ano ang tamaat mali. Kailangan din nilang tiyaking nauunawaanng kanilang mga anak na ang pagsunod sa Diyos angpinakamabuting paraan ng pamumuhay. (Isaias 48:17, 18) Isang napakahalagang regalo ang naibibigayng mga magulang sa kanilang mga anak kapag natu-tulungan nila silang manampalataya na “may Diyos,at siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga hu-mahanap sa kanya.”—Hebreo 11:6, Magandang BalitaBiblia.

MOISESMAY PANANAMPALATAYAANO ANG PANANAMPALATAYA? Gaya ng pagkagamit sa Bibliya, ang “pananampalataya”

ay matatag na paniniwalang nakasalig sa matibay na ebidensiya. Ang isang may pana-

nampalataya sa Diyos ay nagtitiwalang tutuparin Niya ang lahat ng Kaniyang pangako.

4 � ANG BANTAYAN

Page 5: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

PEBRERO 1, 2013 � 5

PAANO NAGPAKITA NG KAPAKUMBABAAN SI

MOISES? Hindi lumaki ang ulo ni Moises nang big-yan siya ng awtoridad. Kadalasan nang kapag nagka-roon ng kaunting awtoridad ang isang tao, nakiki-ta agad kung mapagpakumbaba siya o hindi. Ganitoang sinabi ng ika-19-na-siglong awtor na si RobertG. Ingersoll: “Karamihan ng tao ay nakapagtitiis samga hamon ng buhay. Pero kung gusto mong mala-man ang tunay na pagkatao ng isa, bigyan mo siya ngkapangyarihan.” Kung gayon, si Moises ay masasa-bing nagpakita ng mahusay na halimbawa ng kapa-kumbabaan. Paano?

Inatasan ni Jehova si Moises na manguna sa Is-rael. Pero hindi naging mayabang si Moises. Pansi-nin kung paano siya tumugon sa mahirap na tanongtungkol sa mga karapatan sa pagmamana. (Bilang27:1-11) Maselan ang isyung ito, dahil magiging base-han na sa susunod na mga henerasyon ang desisyonhinggil dito.

Ano kaya ang ginawa ni Moises? Inisip kaya niyana bilang lider ng Israel, alam na alam niya ang dapatna maging pasiya? Umasa lang ba siya sa kaniyangsariling abilidad, mga karanasan, o sa kaniyang ma-lalim na pagkaunawa sa kaisipan ni Jehova?

Malamang na ganiyan ang gagawin ng isang maya-bang na tao. Pero hindi ganiyan si Moises. Sinasabing Bibliya: “Dinala ni Moises ang . . . usapin sa ha-rap ni Jehova.” (Bilang 27:5) Pag-isipan: Kahit mga 40taon nang pinangungunahan ni Moises ang bansangIsrael, hindi siya umasa sa kaniyang sarili, kundi kayJehova. Talagang napakamapagpakumbaba ni Moi-ses!

Hindi rin inisip ni Moises na siya lang ang dapatna may awtoridad. Natuwa siya nang hayaan ni Je-hova na maging propeta rin ang ibang mga Israelita.(Bilang 11:24-29) Nang magmungkahi ang kaniyangbiyenan na pumili siya ng mga lalaking tutulong sakaniya, sinunod iyon ni Moises. (Exodo 18:13-24) No-

ong matanda na si Moises, bagaman malakas pa, hi-niling na niya kay Jehova na mag-atas ng hahalili sakaniya. Nang piliin ni Jehova si Josue, lubusang sinu-portahan ni Moises ang nakababatang lalaking ito,anupat hinimok ang bayan na sumunod sa pangu-nguna ni Josue tungo sa Lupang Pangako. (Bilang 27:15-18; Deuteronomio 31:3-6; 34:7) Tiyak na itinuringni Moises na isang pribilehiyong manguna sa mgaIsraelita sa pagsamba. Pero hindi niya isinaisantabiang kapakanan ng iba dahil sa kaniyang awtoridad.

ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN? Tiyak na ayaw na-ting maging mayabang dahil sa taglay nating awto-ridad o natural na abilidad. Tandaan: Para magawanatin ang atas ni Jehova sa pinakamabuting para-an, mas mahalaga ang ating kapakumbabaan kay-sa sa ating kakayahan. (1 Samuel 15:17) Kung tala-gang mapagpakumbaba tayo, sisikapin nating ikapitang payong ito ng Bibliya: “Magtiwala ka kay Jehovanang iyong buong puso at huwag kang manalig saiyong sariling pagkaunawa.”—Kawikaan 3:5, 6.

Itinuturo din sa atin ng halimbawa ni Moises nahuwag masyadong bigyang-halaga ang estado natinsa buhay o taglay nating awtoridad.

Tiyak na makikinabang tayo kung tutularan na-tin ang kapakumbabaan ni Moises! Kapag sinisikapnating maging tunay na mapagpakumbaba, nagigingmas magaan tayong kasama para sa iba, anupat na-papamahal tayo sa kanila. Ang mas mahalaga pa, na-papamahal tayo sa Diyos na Jehova, na nagpapakitarin ng magandang katangiang ito. (Awit 18:35) “Sina-salansang ng Diyos ang mga palalo, ngunit binibig-yan niya ng di-sana-nararapat na kabaitan ang mgamapagpakumbaba.” (1 Pedro 5:5) Isa ngang matibayna dahilan para tularan ang kapakumbabaan ni Moi-ses!

MOISESMAY KAPAKUMBABAANANO ANG KAPAKUMBABAAN? Ito ay kabaligtaran ng kapalaluan o pagmamapuri.

Hindi itinuturing ng isang mapagpakumbabang tao na nakahihigit siya sa iba.

Inaamin niyang makasalanan siya at kinikilala ang kaniyang mga limitasyon.

Page 6: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

6 � ANG BANTAYAN

PAANO NAGPAKITA NG PAG-IBIG SI MOISES? Nag-pakita si Moises ng pag-ibig sa Diyos. Paano? Pan-sinin ang binabanggit sa 1 Juan 5:3: “Ito ang ka-hulugan ng pag-ibig sa Diyos, na tuparin natin angkaniyang mga utos.” Mahal ni Moises ang Diyos,kaya sinunod niya ang mga utos ng Diyos. Ang la-hat ng iniutos ng Diyos sa kaniya—mula sa mahirapna atas na humarap sa makapangyarihang si Paraonhanggang sa simpleng pag-uunat ng kaniyang tung-kod sa Dagat na Pula—ay sinunod ni Moises. “Ga-yung-gayon ang ginawa niya.”—Exodo 40:16.

Nagpakita si Moises ng pag-ibig sa kapuwa niyamga Israelita. Alam nilang ginagamit ni Jehova siMoises para patnubayan ang kaniyang bayan, kayainilalapit nila kay Moises ang kanilang mga proble-ma. Mababasa natin: “Ang bayan ay nanatiling na-katayo sa harap ni Moises mula umaga hangganggabi.” (Exodo 18:13-16) Isipin na lang kung paanonasasaid ang lakas ni Moises sa maghapong paki-kinig sa problema ng mga Israelita! Pero masaya siMoises na tulungan ang mga taong mahal niya.

Bukod sa pakikinig sa kanila, ipinanalangin dinni Moises ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ipi-nanalangin pa nga niya ang mga gumawa ng ma-sama sa kaniya! Halimbawa, nang magreklamo angkapatid niyang si Miriam laban sa kaniya, pinaru-sahan ni Jehova si Miriam ng ketong. Sa halip namatuwa, nanalangin si Moises: “O Diyos, pakisuyo!Pagalingin mo siya, pakisuyo!” (Bilang 12:13) Tiyakna pag-ibig ang nag-udyok kay Moises para manala-ngin nang gayon!

ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN? Matutularan na-tin si Moises sa pamamagitan ng paglilinang ng ma-sidhing pag-ibig sa Diyos. Ang gayong pag-ibig aynag-uudyok sa atin na sundin ang mga utos niya“mula sa puso.” (Roma 6:17) Kapag sinusunod natinsi Jehova mula sa puso, napasasaya natin siya. (Ka-

wikaan 27:11) Nakikinabang din tayo. Kapag nagli-lingkod tayo sa Diyos udyok ng tunay na pag-ibig,hindi lang natin ginagawa ang tama, kundi nasisiya-han din tayo sa paggawa nito!—Awit 100:2.

Ang isa pang paraan para matularan si Moisesay sa pamamagitan ng paglilinang ng mapagsakri-pisyong pag-ibig para sa iba. Kapag ang mga kaibi-gan natin at mga kapamilya ay nagsasabi ng kani-lang mga problema, ang pag-ibig ay nag-uudyok saatin na (1) taimtim na makinig; (2) damhin ang ka-nilang nadarama; at (3) magpakita ng pagmamala-sakit sa kanila.

Gaya ni Moises, puwede rin nating ipanalanginang ating mga mahal sa buhay. Kung minsan, pa-kiramdam natin ay wala tayong maitutulong sa ka-nilang mga problema. Baka sabihin pa nga natin:“Pasensiya ka na, wala akong magagawa kundi angipanalangin ka.” Pero tandaan: “Ang panalangin ngtaong matuwid ay makapangyarihan at mabisa.”(Santiago 5:16, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino)Dahil sa ating mga panalangin, maaaring mapakilossi Jehova na tulungan ang taong iyon. Oo, ang pina-kamahalagang maitutulong natin sa ating mga ma-hal sa buhay ay ang ipanalangin sila.�

Tiyak na sasang-ayon kang marami tayong ma-tututuhan kay Moises. Bagaman ordinaryong tao,nagpakita siya ng ekstraordinaryong halimbawa ngpananampalataya, kapakumbabaan, at pag-ibig. Ha-bang tinutularan natin ang kaniyang halimbawa,mas nakikinabang tayo at ang iba.—Roma 15:4. ˇ

� Para pakinggan ng Diyos ang ating mga panalangin, dapattayong maging taimtim sa pagsisikap na maabot ang kaniyangmga kahilingan. Para sa higit pang impormasyon, tingnan angkabanata 17 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? nainilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

MOISESMAY PAG-IBIGANO ANG PAG-IBIG? Ito ay ang masidhing pagmamahal sa iba. Sa pamamagitan

ng mga salita at gawa, ipinakikita ng isang taong may pag-ibig ang nadarama niya

sa kaniyang mga minamahal, kahit na maaaring may kaakibat itong sakripisyo.

Page 7: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

Mas makapangyarihan ba ang kamatayan kaysa sa

Diyos? Siyempre hindi! Paanong magiging mas ma-

kapangyarihan ang kamatayan—o iba pang “kaa-

way”—sa “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat”?

(1 Corinto 15:26; Exodo 6:3) Kayang daigin ng Diyos

ang kamatayan at kaya rin niyang buhaying muli ang

mga patay. Nangako siyang gagawin niya ito sa kani-

yang bagong sanlibutan.� Gaano katiyak ang panga-

kong iyan? Ang mismong Anak ng Diyos, si Jesus, ang

tumiyak nito sa atin.—Basahin ang Mateo 22:31, 32.

Sinabi ni Jesus sa mga Saduceo na hindi nanini-

wala sa pagkabuhay-muli: “Kung tungkol sa pagkabu-

hay-muli ng mga patay, hindi ba ninyo nabasa kung

ano ang sinalita sa inyo ng Diyos, na nagsasabi, ‘Ako

ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang

Diyos ni Jacob’? Siya ang Diyos, hindi ng mga patay,

kundi ng mga buh´ay.” Ang tinutukoy rito ni Jesus ay

ang pakikipag-usap ng Diyos kay Moises sa nagnini-

ngas na palumpong, mga 3,500 taon na ang nakalili-

pas. (Exodo 3:1-6) Ayon kay Jesus, nang sabihin ni Je-

hova kay Moises—“Ako ang Diyos ni Abraham at ang

Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob”—ipinahihiwatig

nito na tiyak na matutupad ang pangakong pagkabu-

hay-muli. Paano?

Tingnan natin ang konteksto. Nang makipag-usap

si Jehova kay Moises, matagal nang patay ang mga

patriyarkang sina Abraham, Isaac, at Jacob—si Abra-

ham ay 329 na taon nang patay, si Isaac ay 224, at si

Jacob ay 197. Pero sinabi pa rin ni Jehova “Ako ang”

—hindi “Ako noon ang”—kanilang Diyos. Tinukoy ni Je-

hova ang tatlong patay nang patriyarkang iyon na para

bang buh´ay pa sila. Bakit?

Ipinaliwanag ni Jesus: “Siya [si Jehova] ang Diyos,

hindi ng mga patay, kundi ng mga buh´ay.” Pag-isipan

ito. Kung walang pagkabuhay-muli, sina Abraham,

� Para matuto pa nang higit tungkol sa pangako ng Diyos na pag-kabuhay-muli sa matuwid na bagong sanlibutan, tingnan ang kaba-nata 7 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalat-

hala ng mga Saksi ni Jehova.

Isaac, at Jacob ay mananatiling patay magpakailan-

man. Kung gayon, si Jehova ay magiging Diyos ng

mga patay. At mangangahulugan naman iyan na mas

makapangyarihan ang kamatayan kaysa kay Jehova

—anupat hindi niya kayang palayain ang kaniyang ta-

pat na mga lingkod mula sa gapos ng kamatayan.

Kung gayon, ano ang masasabi natin tungkol kina

Abraham, Isaac, Jacob, at sa lahat ng namatay nang

tapat na mga lingkod ni Jehova? Ganito ang mariing

sinabi ni Jesus: “Silang lahat ay buh´ay sa kaniya.”

(Lucas 20:38) Oo, ang layunin ni Jehova na buhaying

muli ang kaniyang tapat na mga lingkod ay talagang

matutupad anupat itinuturing niyang buh´ay ang mga

ito. (Roma 4:16, 17) Silang lahat ay iingatan ni Jehova

sa kaniyang walang-limitasyong memorya hanggang

sa kaniyang takdang panahon ng pagbuhay-muli sa

kanila.

Gusto mo bang makapiling muli ang iyong nama-

tay nang mahal sa buhay? Kung gayon, tandaan na si

Jehova ay talagang mas makapangyarihan kaysa sakamatayan. Walang makapipigil sa kaniya sa pagtu-

pad sa pangako niyang bubuhaying muli ang mga pa-

tay. Gusto mo bang matuto pa nang higit tungkol sa

pangakong pagkabuhay-muli at sa Diyos na tutupad

nito? Kung oo, tiyak na lalo kang mapapalap´ıt kay Je-

hova, “ang Diyos . . . ng mga buh´ay.” ˇ

MAGING MALAP´IT SA DIYOS

“Siya ang Diyos . . .ng mga Buh

´ay”

Si Jehova ay talagang masmakapangyarihan kaysasa kamatayan

PAGBABASA NG BIBLIYA PARA SA PEBRERO

Mateo 22–Marcos 8

Page 8: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

8 � ANG BANTAYAN

ANG AKING NAKARAAN: Ipinanganak ako sa Santo Do-mingo, Dominican Republic, at bunso sa apat na magkaka-patid. Edukado ang mga magulang ko at gusto nilang luma-ki kami sa isang maayos na komunidad. Apat na taon bagoako ipanganak, may nakilalang mga misyonerong Mormonang mga magulang ko. Dahil magalang at disenteng ma-namit ang mga ito, nagdesisyon ang mga magulang ko naumanib sa Church of Jesus Christ of Latter-day Saints, oMormon Church. Sa aming isla, ang pamilya namin ang isasa mga unang miyembro ng relihiyong iyon.

Habang lumalaki ako, nag-eenjoy ako sa mga social activ-ity sa aming simbahan at hinahangaan ko ang pagpapahala-ga ng Mormon sa buhay pampamilya at mga pamantayangmoral. Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Mormon atgustung-gusto kong maging misyonero.

Nang 18 anyos na ako, lumipat ang pamilya namin saEstados Unidos para doon ako magkolehiyo. Pagkaraan ngmga isang taon, dinalaw kami sa Florida ng aking tiyahin attiyuhin na mga Saksi ni Jehova. Inanyayahan nila kamingdumalo sa isang kombensiyon tungkol sa Bibliya. Hangang-hanga ako nang makita kong lahat ng katabi ko ay nagbu-buklat ng Bibliya at nagsusulat. Kaya kumuha ako ng bolpenat papel at ginaya ko sila.

Pagkatapos ng kombensiyon, sinabi nina Tiyo at Tiya nayamang gusto kong magmisyonero, puwede nila akong tu-lungang matuto sa Bibliya. Naisip kong magandang ideyaiyon dahil mas pamilyar ako sa Book of Mormon kaysa saBibliya.

KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO: Kapagnag-uusap kami sa telepono tungkol sa Bibliya, laging sina-sabi nina Tiyo at Tiya na ikumpara ko sa mga turo ng Bibli-ya ang aking mga paniniwala. Gusto nilang alamin ko mis-mo ang katotohanan.

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

“Gusto nilang alaminko mismo angkatotohanan”

AYON SA SALAYSAY NILUIS ALIFONSO

ISINILANG:

1982

BANSANG PINAGMULAN:

DOMINICAN REPUBLIC

DATING MORMON

Page 9: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

Marami akong pinaniniwalaang turo ng Mor-mon, pero hindi ko tiyak kung nasa Bibliya angmga iyon. Pinadalhan ako ni Tiya ng magasingGumising!, isyu ng Nobyembre 8, 1995, na inilat-hala ng mga Saksi ni Jehova. May ilang artikuloiyon tungkol sa paniniwala ng Mormon. Nagulatako dahil marami pa pala akong hindi alam sa mgaturo ng Mormon. Kaya nag-search ako sa Web siteng Mormon para tiyakin kung totoo ang sinasabi saGumising! Totoo nga, at lalo ko pa itong napatuna-yan nang pumunta ako sa mga museo ng Mormonsa Utah.

Ang akala ko noon, magkaayon ang Book ofMormon at ang Bibliya. Pero nang basahin kongmabuti ang Bibliya, napansin kong magkaiba angmga turo ng Mormon at ang sinasabi ng Bibliya.Halimbawa, sa Ezekiel 18:4, sinasabi ng Bibliya naang kaluluwa ay namamatay. Pero sinasabi namanng Book of Mormon, sa Alma 42:9: “Ang kaluluwaay hindi kailanman namamatay.”

Bukod sa magkaibang mga doktrina, gumugulorin sa isip ko ang nasyonalistikong mga ideya na iti-nuturo ng Mormon. Halimbawa, itinuturo sa aminna ang hardin ng Eden ay nasa Jackson County,Missouri, E.U.A. At sinasabi ng mga lider namin nakapag “namahala ang Kaharian ng Diyos, ang wa-tawat ng Estados Unidos ay matayog na wawagay-way nang walang-dungis sa tagdan ng kalayaan atpantay na karapatan.”

Kung totoo ito, paano naman ang bansa ko o angiba pang bansa? Itinanong ko ito nang minsang ta-wagan ako sa telepono ng isang kabataang Mor-mon na sinasanay na maging misyonero. Tinanongko siya kung lalabanan ba niya ang mga kapuwaniya Mormon kapag nakipagdigma ang bansa niyasa kanilang bansa. Nagulat ako nang sabihin ni-yang oo! Sinuri ko pa nang husto ang mga turo ngaming relihiyon at kinonsulta ang aming mga li-der. Sinabi nilang ang sagot sa mga tanong ko ayisang misteryong malulutas din kapag nagliwanagna ang lahat.

Dahil hindi ako kontento sa paliwanag nila, si-nuri kong mabuti ang aking sarili at ang dahilankung bakit gusto kong maging misyonero ng Mor-mon. Naisip kong gusto ko lang palang makatu-long sa iba at irespeto ng mga tao. Pero kung tung-

kol sa Diyos, wala talaga akong gaanong alam.Kahit maraming beses na akong nakapagbasa ngBibliya, hindi ko ito gaanong sineryoso. Hindi koalam ang layunin ng Diyos para sa lupa o sa mgatao.

KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Sa aking paki-kipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, kasa-ma sa mga natutuhan ko ang pangalan ng Diyos,ang nangyayari sa tao kapag namatay, at ang papelni Jesus sa katuparan ng layunin ng Diyos. Sa wa-kas, unti-unti akong naging pamilyar sa kahanga-hangang aklat na ito, at natutuwa akong sabihinsa iba ang katotohanang natututuhan ko. Alam konamang may Diyos, pero ngayon, nakakausap kona siya sa panalangin bilang isang matalik na Kai-bigan. Nabautismuhan ako bilang Saksi ni Jehovanoong Hulyo 12, 2004, at pagkalipas ng anim nabuwan, pumasok ako sa buong-panahong minis-teryo.

Sa loob ng limang taon, nagtrabaho ako sa pu-nong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Brook-lyn, New York. Talagang nag-enjoy ako sa pag-tulong sa paglilimbag ng mga Bibliya at mgaliteraturang salig sa Bibliya na napapakinabanganng milyun-milyon sa buong daigdig, at patuloyakong nag-eenjoy sa pagtulong sa iba na matutotungkol sa Diyos. ˇ

PEBRERO 1, 2013 � 9

Page 10: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

10 � ANG BANTAYAN

CARLO: � “May Down syndrome ang anak naming si Angelo.Dahil dito, nasasaid ang aming pisikal, mental, at emosyo-nal na lakas. Isipin mo ang lakas na kailangan sa pag-aala-ga ng isang malusog na bata—isang daang beses nito angkailangan namin. Kung minsan, apektado tuloy ang rela-syon naming mag-asawa.”

MIA: “Kailangan ang tiyaga at mahabang pasensiya para itu-ro kay Angelo kahit mga simpleng bagay lang. Kapag pagodna pagod ako, madali akong mainis at maubusan ng pasen-siya sa asawa kong si Carlo. Kung minsan, may mga bagaykaming hindi mapagkasunduan na nauuwi sa pagtatalo.”

Natatandaan mo pa ba nang isilang ang iyong anak? Ti-yak na gustung-gusto mong makarga ito. Pero sa mgagaya nina Carlo at Mia, ang kagalakan nila ay nahaha-luan ng pag-aalala kapag nalaman nilang may sakit okapansanan ang kanilang anak.

May kapansanan ba ang iyong anak? Iniisip mo bakung makakayanan mo ito? Huwag kang mawalan ngpag-asa. May mga magulang na nakayanan iyon. Isa-isahin natin ang tatlong karaniwang hamon na maaa-ring mapaharap sa iyo at kung paano makatutulongang Bibliya.

� Binago ang mga pangalan sa artikulong ito.

HAMON 1: HINDI MO MATANGGAP ANG

KATOTOHANAN.

Maraming magulang ang nanlumo nang malamannilang may kapansanan ang kanilang anak. “Nang sa-bihin ng mga doktor na may cerebral palsy ang anak na-ming si Santiago, hindi ako makapaniwala,” ang sabini Juliana na taga-Mexico. “Pakiramdam ko’y gumuhoang mundo ko.” Baka nadarama rin ng iba ang nadamang Italyanang si Villana. “Nagdesisyon pa rin akongmag-anak kahit delikado na ito sa mga katulad ko angedad,” ang sabi niya. “Ngayon, kapag nagkakaproble-

SUSI SA MALIGAYANG PAMILYA

Kapag MayKapansananang IyongAnak

Page 11: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

PEBRERO 1, 2013 � 11

ma ang anak ko dahil sa kaniyang Down syndrome, si-nisisi ko ang aking sarili.”

Kung nakadarama ka ng kawalang-pag-asa o pani-nisi sa sarili, isipin mong natural lang iyon. Ang pag-kakasakit ay hindi bahagi ng orihinal na layunin ngDiyos. (Genesis 1:27, 28) Hindi niya nilikha ang mgamagulang na may kakayahang tanggapin agad angmga bagay na hindi likas na nangyayari. Baka kaila-ngang “mamighati” ka dahil sa isang bagay na nawala—ang kalusugan ng iyong anak. Kailangan mo ng pa-nahon para makapag-isip-isip at makapag-adjust sa ba-gong sitwasyon.

Sinisisi mo ba ang iyong sarili? Tandaan na hindi na-tin talaga alam kung paano nakaaapekto sa kalusuganng isang bata ang gene, kapaligiran, at iba pang bagay.Baka naman ang iyong asawa ang sinisisi mo. Iwasanmo iyon. Mas mabuting makipagtulungan sa iyong asa-wa at pagtuunan ng pansin ang pag-aalaga sa inyonganak.—Eclesiastes 4:9, 10.

MUNGKAHI: Pag-aralan ang sakit ng iyong anak. “Ka-ilangan ang karunungan para magkaroon ng mabu-ting pamilya,” ang sabi ng Bibliya, “at kailangan angpang-unawa para mapatibay ito.”—Kawikaan 24:3,New Century Version.

Marami kang matututuhan sa mga propesyonal samedisina at mapagkakatiwalaang publikasyon. Angpag-aaral tungkol sa sakit ng iyong anak ay maikukum-para sa pag-aaral ng bagong wika. Mahirap sa umpisa,pero matututuhan din.

Sina Carlo at Mia ay nagtanong sa kanilang doktorat sa isang organisasyong eksperto sa sakit ng anaknila. “Natulungan kami nitong maunawaan hindi langang mga problemang mapapaharap sa amin kundi patiang ‘positibong’ mga aspekto ng Down syndrome,” angsabi nila. “Nalaman namin na maraming bagay sa bu-hay ng aming anak ang magiging normal naman. Na-kahinga kami nang maluwag.”

SUBUKAN ITO: Magpokus sa mga kayang gawin

ng iyong anak. Magplano ng mga gagawin ninyo bi-

lang isang pamilya. Kahit maliit na bagay lang ang

nagawa ng iyong anak, purihin agad siya at makisaya

sa kaniya.

HAMON 2: PAGOD NA PAGOD KA AT PARANGWALANG NAKAKAINTINDI SA IYO.

Baka nadarama mong nasasaid ang iyong lakas sapag-aalaga sa anak mong may sakit. Sinabi ni Jenneyna taga-New Zealand, “Sa loob ng ilang taon mula

nang malaman kong may spina bifida ang aking anak,sinusubukan kong gumawa ng iba pang gawain sa ba-hay, pero patang-pata ako at napapaiyak na lang.”

Baka nadarama mo rin na parang walang nakakain-tindi sa iyo. Ang anak ni Ben ay may muscular dystrophyat Asperger’s syndrome. Sinabi ni Ben, “Marami anghindi talaga makakaintindi sa pinagdaraanan namin.”Baka gustung-gusto mong may makausap. Pero kara-mihan sa iyong mga kaibigan ay malulusog ang anak.Kaya atubili kang sabihin sa kanila ang nararamda-man mo.

MUNGKAHI: Magpatulong sa iba. Inamin ni Juliana,“Kung minsan, nahihiya kaming mag-asawa na humi-ngi ng tulong sa iba.” Pero sinabi rin niya, “Nakita na-ming kailangan namin ang tulong nila. Kapag may tu-mutulong sa amin, pakiramdam nami’y may karamaykami.” Kapag ang isang kaibigan o kapamilya ay nag-sabing tatabihan niya ang iyong anak sa isang salu-salo o Kristiyanong pagpupulong, pumayag ka. “Angtunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon,”ang sabi ng Bibliya, “at isang kapatid na ipinanganga-nak kapag may kabagabagan.”—Kawikaan 17:17.

Alagaan ang iyong sarili. Kung paanong ang isangambulansiya ay dapat na regular na magpagasoli-na para patuloy na makapaghatid ng mga pasyente saospital, dapat ka ring magpalakas sa pamamagitan ngtamang pagkain, ehersisyo, at pahinga para patuloymong maalagaan ang iyong anak. Ganito ang sinabi niJavier na may anak na lumpo: “Hindi nakakalakad anganak ko, kaya iniisip kong dapat akong kumaing ma-buti. Kasi, ako ang bumubuhat sa kaniya. Ako ang ka-niyang mga paa!”

Paano ka magkakaroon ng panahon para sa iyongsarili? Ang ilang magulang ay nagsasalitan sa pag-aala-ga sa kanilang anak. Sa gayon, ang isa sa kanila ay na-kapagpapahinga o nakagagawa ng ibang personal nagawain. Bagaman mahirap gawin, kailangan mong ba-wasan ang panahong ginugugol mo sa di-gaanong ma-hahalagang bagay para may magamit ka sa iyong sarili.Pero gaya ng sinabi ni Mayuri na taga-India, “Sa kata-galan, masasanay ka rin.”

Makipag-usap sa isang mapagkakatiwalaang kaibi-gan. Kahit walang anak na may sakit ang mga kaibi-gan mo, puwede pa rin nilang mapagaan ang iyongloob. Puwede ka ring manalangin sa Diyos na Jehova.Makatutulong nga ba ang panalangin? Ang dalawanganak ni Yazmin ay parehong may cystic fibrosis. Ina-min niya, “May mga sandaling para akong sinasakal

Page 12: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

12 � ANG BANTAYAN

dahil sa matinding istres.” Pero sinabi rin niya: “Nana-nalangin ako kay Jehova na bigyan niya ako ng lakas.Pagkatapos, gumagaan ang pakiramdam ko at kaya konang harapin ulit ang buhay.”—Awit 145:18.

SUBUKAN ITO: Isipin kung ano ang iyong kinakain,

kung kailan ka nag-eehersisyo, at kung ilang oras ka

natutulog. Alamin kung paano mo babawasan ang pa-

nahong ginugugol mo sa di-gaanong mahahalagang

bagay para may magamit ka sa pangangalaga sa

iyong kalusugan. I-adjust ang iyong iskedyul kung kai-

langan.

HAMON 3: HALOS LAHAT NG ATENSIYON MO

AY NASA MAY-SAKIT MONG ANAK NA LANG.

Dahil sa sakit ng anak, maaaring maapektuhan angkinakain ng pamilya, ang pinupuntahan nila, at angdami ng panahong ginugugol ng mga magulang sa ba-wat anak. Kaya baka makadama ang ibang mga anakna napapabayaan sila. Isa pa, baka sobrang abala naang mag-asawa sa pag-aalaga sa may-sakit nilang anakkaya apektado na ang kanilang relasyon. “Kung min-san, sinasabi ng asawa ko na siya na lang ang gumaga-wa ng lahat at na wala akong pakialam sa anak na-min,” ang sabi ni Lionel na taga-Liberia. “Parang hindina niya ako iginagalang, kaya nakakapagsalita tuloyako nang masakit.”

MUNGKAHI: Para maipakitang mahal mong lahat angiyong mga anak, magplano ka ng mga gawaing magu-gustuhan nila. “Paminsan-minsan, sinosorpresa na-min ang aming panganay na lalaki,” ang sabi ni Jen-ney, “kahit ang kumain lang sa paborito niyangrestawran.”

Para maingatan ang inyong pagsasama, makipag-

usap sa iyong asawa at manalanging magkasama. Si-nabi ni Aseem, taga-India na may anak na nakarara-nas ng mga seizure: “Kahit may mga panahong pagodna pagod na kaming mag-asawa at pinanghihinaan ngloob, sinisikap pa rin naming maupo, mag-usap, atmanalanging magkasama. Tuwing umaga bago magi-sing ang mga bata, pinag-uusapan namin ang isangteksto sa Bibliya.” Ang ibang mag-asawa naman aynag-uusap bago matulog. Ang inyong pag-uusap at ta-imtim na pananalangin ay magpapatibay sa inyongpagsasama sa mga panahon ng matinding istres. (Ka-wikaan 15:22) Gaya nga ng sabi ng isang mag-asawa,“ang ilan sa pinakamatatamis naming sandali ay no-ong dumaranas kami ng pinakamatitinding proble-ma.”

SUBUKAN ITO: Purihin ang iba mong mga anak sa

anumang suportang ibinibigay nila sa kanilang kapa-

tid na may sakit. Lagi mong ipadama ang iyong pag-

mamahal at pagpapahalaga sa kanila at sa iyong

asawa.

MANATILING POSITIBO

Nangangako ang Bibliya na malapit nang alisin ngDiyos ang lahat ng sakit at kapansanan na nagpapahi-rap sa mga bata at matatanda. (Apocalipsis 21:3, 4)Sa panahong iyon, “walang sinumang tumatahan angmagsasabi: ‘Ako ay may sakit.’ ”�—Isaias 33:24.

Habang hinihintay iyon, maaari kang magtagum-pay bilang magulang ng isa na may kapansanan. “Hu-wag mawalan ng pag-asa kapag waring patung-patongang mga problema,” ang sabi nina Carlo at Mia. “Mag-pokus sa magagandang bagay tungkol sa iyong anak,dahil marami ang mga ito.” ˇ

� Marami ka pang mababasa tungkol sa pangako ng Bibliya na per-pektong kalusugan sa kabanata 3 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinutu-ro ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.

TANUNGIN ANG SARILI . . .

ˇ Paano ko mapananatiling malakas

hangga’t maaari ang aking pisikal,

emosyonal, at espirituwal na kalusu-

gan?

ˇ Kailan ko huling pinuri ang iba kong

mga anak dahil sa mga tulong nila?

Bigyan ng atensiyon ang lahat ng iyong anak

Page 13: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

NOONG Abril 2006, ang mga pahayagan sa bu-ong daigdig ay may nakagugulat na istorya

tungkol sa isang grupo ng mga iskolar na mag-lalabas diumano ng nilalaman ng isang bagong-tuklas na sinaunang manuskrito na pinamagatang“Ebanghelyo ni Hudas.” Sinasabi sa mga artiku-long iyon na ayon sa mga iskolar, babaguhin ngmanuskritong ito ang pagkakilala kay Hudas, angalagad na nagkanulo kay Jesus. Ang totoo raw, siHudas ay isang bayani, ang apostol na siyang hi-git na nakakakilala kay Jesus, anupat ipinagkanu-lo niya si Jesus dahil hiniling ito ni Jesus sa kaniya.

Tunay ba ang manuskritong ito? At kung oo,mayroon ba itong isinisiwalat na mga katotoha-nan tungkol kina Hudas Iscariote, Jesu-Kristo, o saunang mga Kristiyano? Dapat ba itong makaapek-to sa pangmalas natin kay Kristo at sa kaniyangmga turo?

PAANO NATUKLASAN ANG “EBANGHELYONI HUDAS”?

Hindi pa rin tiyak kung paano natuklasan ang“Ebanghelyo ni Hudas.” Ang dokumentong itoay bigla na lang lumitaw sa merkado noong hu-ling mga taon ng dekada ’70 o maaga ng deka-da ’80. Malamang na natuklasan ito sa Ehipto no-ong 1978 sa isang libingan, posibleng sa loob ngisang kuweba. Isa ito sa apat na magkakahiwa-lay na manuskritong nasa isang codex (isang uring sinaunang aklat) na isinulat sa wikang Coptic(mula sa sinaunang wikang Ehipsiyo).

Palibhasa’y daan-daang taong napreserba sa tu-yong klima ng Ehipto, ang codex na ito ay naging

marupok at madaling masira nang alisin doon.Noong 1983, sandaling ipinakita sa ilang iskolarang codex; pero napakataas ng presyo nito kayahindi nagkabentahan. Dahil ilang taon pang na-pabayaan at di-wastong naingatan, lalo itong na-ging marupok. Noong 2000, binili ito ng isangSwisong dealer ng mga antigo. Pagkatapos, ibini-gay niya ito sa isang internasyonal na gru-po ng mga eksperto, na suportado ng MaecenasFoundation for Ancient Art at ng National Geo-graphic Society, para ayusin at buuing muli. Angilan kasi rito ay nagkapira-piraso na. Aalamindin ng grupo kung gaano na katagal ang codex at

ANO ANG

“Ebanghelyoni Hudas”?

En

gra

vin

gs

by

Dor

´ e

Larawan ni Hudas habang ipinagkakanulo si Jesus,iginuhit ni Gustave Dor

´e noong ika-19 na siglo

PEBRERO 1, 2013 � 13

Page 14: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

14 � ANG BANTAYAN

isasalin nila at bibigyan ng interpretasyon ang ni-lalaman nito.

Batay sa carbon 14, ang codex ay malamang namula pa noong ikatlo o ikaapat na siglo C.E. Peroayon naman sa mga iskolar, ang “Ebanghelyo niHudas” na nasa wikang Coptic ay salin mula samas sinaunang Griegong manuskrito. Kailan batalaga isinulat ang “Ebanghelyo ni Hudas”?

ANG “EBANGHELYO NI HUDAS”—ISANG GNOSTIKONG EBANGHELYO

Unang nabanggit ang tungkol sa “Ebanghelyo niHudas” sa mga akda ni Irenaeus, obispo ng Lyonsnoong huling bahagi ng ikalawang siglo C.E. Saakdang Against Heresies, ganito ang isinulat ni Ire-naeus tungkol sa isa sa maraming grupo na angmga turo ay tinututulan niya: “Sinasabi nilang alamna alam ng taksil na si Hudas ang mga bagay na ito,at na siya lang, dahil siya lang ang nakaaalam ng

katotohanan, ang nagsakatuparan ng misteryo ngpagkakanulo. Dahil sa kaniya, nagkaroon ng kali-tuhan ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa. Gu-mawa sila ng ganitong kathang-isip na kasaysayan,na pinamagatan nilang Ebanghelyo ni Hudas.”

Pursigido si Irenaeus na patunayang mali angiba’t ibang turo ng mga Gnostikong Kristiyano, nanag-aangking mayroon silang pantanging kaala-man. Maraming Gnostikong grupo, at bawat gru-po ay may kani-kaniyang interpretasyon tungkolsa inaakala nilang katotohanan. Itinaguyod nilaang kanilang mga turo batay sa kanilang sarilingmga akda, na lumaganap noong ikalawang sig-lo C.E.

Sinasabi ng mga ebanghelyong Gnostikong iyonna hindi naunawaan ng prominenteng mga apos-tol ni Jesus ang mensahe niya, at na may isang li-

him na turo si Jesus na iilan lang ang nakaunawa.�Naniniwala ang ilang Gnostiko na ang daigdig naito ay isang bilangguan. Kung gayon, ang “diyosna maylalang” ng Hebreong Kasulatan ay isang na-kabababang diyos, na kalaban ng iba’t ibang na-katataas na diyos. Naniniwala silang mauunawaanng isang taong may pantanging kaalaman na kaila-ngan niyang makatakas sa kaniyang pisikal na ka-tawan.

Sa paniniwalang iyan ibinatay ang “Ebanghelyoni Hudas.” Nagsisimula ito sa ganitong pananalita:“Ang lihim na sinabi ni Jesus kay Hudas Iscario-te, sa panahon ng walong araw, tatlong araw bagoniya ipagdiwang ang Paskuwa.”

Ang codex bang ito ang mismong manuskritongtinutukoy ni Irenaeus, na inakalang ilang siglonang nawawala? Ayon kay Marvin Meyer na mi-yembro ng unang grupong sumuri at nagsalin ngcodex na ito, ang “maikling deskripsiyon [ni Ire-naeus] ay tamang-tama sa kasalukuyang manus-kritong Coptic na pinamagatang Ebanghelyo ni Hu-das.”

PAGLALARAWAN KAY HUDAS SAEBANGHELYONG ITO—PINAGTATALUNANNG MGA ISKOLAR

Sa “Ebanghelyo ni Hudas,” pinagtawanan ni Je-sus ang kakulangan ng kaalaman ng kaniyang mgaalagad. At sa 12 apostol, si Hudas lang ang naka-kakilala kung sino talaga si Jesus. Kaya naman sakaniya lang sinabi ni Jesus “ang mga misteryo ngkaharian.”

Ang unang grupo ng mga iskolar na nagsalin ng“Ebanghelyo ni Hudas” ay naimpluwensiyahan ngmga sinabi ni Irenaeus. Sa kanilang salin, pinabo-ran ni Jesus si Hudas bilang ang alagad na makau-unawa ng mga misteryo at “makararating” sa “ka-harian.” Ang mga naligaw na apostol ay pipili ngkapalit ni Hudas, pero siya ang magiging “ikala-bintatlong espiritu,” na “makahihigit sa lahat [ngiba pang alagad]” dahil, sabi ni Jesus, “isasakripi-syo mo ang katawang-taong nakabalot sa akin.”

� Ang mga ebanghelyong ito ay karaniwan nang isinusunod sa pa-ngalan ng mga diumano’y mas nakaunawa sa tunay na mga turo niJesus, gaya ng “Ebanghelyo ni Tomas” at ng “Ebanghelyo ni MariaMagdalena.” Lahat-lahat, mga 30 gayong sinaunang akda ang natuk-lasan na.

“Hindi ito isang Ebanghelyongisinulat noong panahonni Hudas ng mismongnakakakilala sa kaniya”

Page 15: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

PEBRERO 1, 2013 � 15

Ang popular na mga awtor, gaya nina Bart Ehr-man at Elaine Pagels, na mga prominente ring is-kolar ng sinaunang Kristiyanismo at Gnostisismo,ay agad na naglathala ng kanilang sariling mgapagsusuri at komentaryo tungkol sa “Ebanghelyoni Hudas” na kagayang-kagaya ng ginawang salinng unang grupo ng mga iskolar. Pero di-nagtagal,nabahala ang ibang iskolar, na gaya nina April De-Conick at Birger Pearson. Sinabi nilang minada-li ang paglalathala ng sinaunang manuskrito paramakuha ang atensiyon ng media. Sinabi rin nilanghindi ito dumaan sa normal na proseso ng pagre-repaso.

Matapos ang kanilang magkahiwalay na pagsu-suri, parehong sinabi nina DeConick at Pearsonna mali ang pagkakasalin ng mga naunang isko-lar sa ilang mahalagang bahagi ng pira-pirasongcodex. Ayon sa salin ni DeConick, tinawag ni Je-sus si Hudas na “Ikalabintatlong Demonyo,” at hin-di “ikalabintatlong espiritu.”� Tuwiran ding sinabini Jesus kay Hudas na hindi siya aakyat sa “kahari-an.” Sa halip na ‘nakahihigit’ sa ibang mga alagad,sinabi ni Jesus kay Hudas: “Mas magiging masa-ma ka kaysa sa kanilang lahat. Sapagkat ang ka-tawang-taong nakabalot sa akin, isasakripisyo mosiya.” Para kay DeConick, ginawang katatawananng mga sumulat ng “Ebanghelyo ni Hudas” ang la-hat ng apostol. Ayon kina DeConick at Pearson, sa“Ebanghelyo ni Hudas,” si Hudas ay hindi bayani.

� Ang mga iskolar na naniniwalang si Hudas ay isang demonyo—isa na mas nakakakilala kay Jesus kaysa sa ibang mga alagad—aynagsasabing katulad ito ng ulat ng Ebanghelyo sa Bibliya tungkolsa mga demonyong nakakakilala kung sino talaga si Jesus.—Marcos3:11; 5:7.

ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN SA“EBANGHELYO NI HUDAS”?

Itinuturing man nilang bayani o demonyo si Hu-das sa ebanghelyong ito, walang isa man sa mgaiskolar na sumuri sa manuskritong ito ang nag-sasabing may tumpak na impormasyon ito sa ka-saysayan. Ipinaliwanag ni Bart Ehrman: “Hindi itoisang Ebanghelyo na isinulat ni Hudas, ni inaang-kin man nitong gayon nga. . . . Hindi ito isangEbanghelyong isinulat noong panahon ni Hudasng isang aktuwal na nakakakilala sa kaniya . . .Kung gayon, hindi ito isang aklat na makapagbibi-gay sa atin ng karagdagang impormasyon tungkolsa talagang nangyari noong panahon ni Jesus.”

Ang “Ebanghelyo ni Hudas” ay isang Gnosti-kong manuskrito mula sa ikalawang siglo C.E., atorihinal na isinulat sa wikang Griego. Pinagtatalu-nan pa rin ng mga iskolar kung ang natuklasang“Ebanghelyo ni Hudas” ay siya ring manuskritongtinutukoy ni Irenaeus. Pero malinaw na pinatu-tunayan ng “Ebanghelyo ni Hudas” na may pana-hong ang “Kristiyanismo” ay nagkawatak-watak saiba’t ibang grupo. Sa halip na patunayang mali angBibliya, sinuportahan ng “Ebanghelyo ni Hudas”ang mga babala ng mga apostol, gaya ng sinabi niPablo sa Gawa 20:29, 30: “Alam ko na pag-alis ko. . . mula sa inyo mismo ay may mga taong baba-ngon at magsasalita ng mga bagay na pilipit at ila-layo ang mga alagad upang pasunurin sa kanila.” ˇ

Walang isa man sa mga iskolarna sumuri sa manuskritong itoang nagsasabing may tumpak

na impormasyon ito sakasaysayan

KennethGarrett/National

GeographicStock

Page 16: wp13 02/01-TG - download.jw.orgdownload.jw.org/files/media_magazines/97/wp_TG_20130201.pdflahat ng kasamaan at gagawing paraiso ang lupa. ... ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

Saan nagmula ang Diyablo?

Hindi nilalang ng Diyos ang Diyablo. Pero isang

anghel na nilalang Niya ang nagpakasama kaya

ito ay naging Diyablo, na tinatawag ding Satanas.

Ipinahiwatig ni Jesus na noong una ang Diyablo

ay hindi sinungaling at walang kasalanan. Kaya

ang Diyablo ay isang dating matuwid na anghel

na anak ng Diyos.—Basahin ang Juan 8:44.

Paano naging Diyablo angisang anghel?

Kinalaban ng anghel na iyon ang Diyos at inudyu-

kan ang unang mag-asawa na sumama sa ka-

niya. Kaya siya ang gumawa sa kaniyang sarili

na Satanas, o “Mananalansang.”—Basahin angGenesis 3:1-5; Apocalipsis 12:9.

Gaya ng ibang matatalinong nilalang ng Diyos,

ang anghel na naging Diyablo ay may kalayaang

pumili kung gagawin niya ang tama o mali. Pero hi-

nangad niyang siya ang sambahin. Ang paghaha-

ngad niya ng kaluwalhatian ay mas matindi kaysa

sa paghahangad niyang mapaluguran ang Diyos.

—Basahin ang Mateo 4:8, 9; Santiago 1:13, 14.

Paano patuloy na iniimpluwensiyahan ng Diya-

blo ang mga tao? Dapat mo ba siyang katakutan?

Makikita mo sa Bibliya ang mga sagot.

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

ALAMIN ONLINE ANG SAGOT SAIBA PANG MGA TANONG SA BIBLIYA

Para sa higit pang impormasyon,tingnan ang kabanata 10 ng aklat na ito

na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

wp13 02/01-TGsLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Mga artikulo at activitypara sa mga magulang,tin-edyer, at mga bata

Bibliya na mababasaonline sa mga 50 wika

no

mq

p