juris

46
Kabanata I DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK INTRODUKSYON Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan. Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay dinadala sa mga mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin, at nininerbiyos na naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang halik sa mga marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at kadalasan ay buntis. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa

Upload: joezerkemkem

Post on 18-Nov-2014

264 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: JURIS

Kabanata I

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

INTRODUKSYON

Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa

kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan.

Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay dinadala sa mga

mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin, at nininerbiyos na

naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang

halik sa mga marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay

inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at

kadalasan ay buntis. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang bansa

sa buong mundo. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa

napakabatang edad, karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng mga anak. Sa Pilipinas,

ayon sa 1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad

15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon rin sa pag-aaral ni Dr. Corazon M.

Raymundo, 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga

kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito

tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng ”sexually transmitted diseases.” Sa

Page 2: JURIS

katunayan, sa mga kabataang aktibo sa sex, 74% ang hindi gumagamit ng kahit anong

kontraseptib.

Ayon naman sa World Heath Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan

ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay

bumubuo sa 30% ng lahat ng pagbubuntis, 17% ng mga kaso ng hinimuk na aborsyon

(induced abortion), 12% ng normal na panganganak, 6% ng boluntaryong aborsyon,.

Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa Pilipinas,

napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga

konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa

sekswalidad. Samakatuwid, naniniwala ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay isa

pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga

gawa.”

LAYUNIN NG PAG-AARAAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa mga

epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kakababaihan na may edad 16-19 sa baranggay

Tabunok sitio Nonoc. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo

ng mga kongkretong impormasyon para maging aral na magmumulat sa mga mata ng

kabataan sa mga hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng

walang basbas ng kasal.

Ang mga nasabing epekto ng “teenage pregnancy” ay hahatiin sa aspekto ng:

1. Pag-aaral

Page 3: JURIS

2. Kalagayang sosyal

3. Kinabukasan

4. Kalusugan

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga researcher. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay

makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa

mga hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa

pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong

sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik

ng realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan, kundi man

mapigilan, ang paglaganap ng “teenage pregnancy.”

Sa kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmulat sa mata ng

kabataan ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik ng

walang basbas ng kasal.

Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga

magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak. Makapagbibigay ito ng mga ideya kung

paano nila papangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi ito

magrerebelde at gagawa ng mga di kanais-nais na mga bagay at may mabibigat na

kahihinatnan.

Sa simbahan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mapapalaganap lalo ang

layunin ng simbahan na mabawasan, kundi man matigil na ang pagdami ng kaso ng

Page 4: JURIS

maagang pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahan ukol sa maagang

pakikipagtalik na siyang sanhi ng “teenage pregnancy” at ang aborsyon, na maaaring

maging solusyon ng mga batang ina sa kanilang problema, ay lalong mapapalaganap sa

mga kabataan.

Sa komunidad at pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa

pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagliit sa insidente ng

“teenage pregnancy.” Ang mga datos na makokolekta ay maaaring magmulat sa

kamalayan ng karamihan ukol sa maagang pagbubuntis at sa samu’t-saring epekto nito na

kadalasan ay nakasasama.

Sa DOH at WHO. Makakatulong ang aming pag-aaral sa kampanya ng

Department of Health at World Health Organization sa STD at AIDS na ilan lamang sa

maaaring maging di kanais-nais na epekto ng maagang pakikipagtalik.

Page 5: JURIS

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral ay gagawin sa Baranggay ng San Nicolas na kung saan doon

naninirahan ang 20 babae na aming mapapagtanungan. Ang pananaliksik na ito ay

nakatuon sa paghahanap ng epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kababaihan gulang 16

– 19 na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para makakuha ng mga

impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan ng Pebrero hanggang Marso,

sapat para makagawa ng sarbey hanggang sa makabuo ng kongklusyon.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

1. Teenage Pregnancy – ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang gulang.

2. Abortion – pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan.

3. STD (sexually transmitted disease) – mga sakit na napapasa sa isang tao patungo sa

isa pang tao sa paraan ng pakikipagtalik.

4. WHO (World Health Organization) – isang ahensya ng Nagkakaisang Bansa (UN) na

tumutulong sa pagpapabuti sa kalagayan ng kalusugan

5. Maternal – hinggil sa ina o paggiging ina.

6. POPCOM (Population Commission) – isang ahensya ng gobyeno na namamahala at

tumutulong sa pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa populasyon.

Page 6: JURIS

7. Social Stigma – ang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng “kahihiyan sa lipunan.”

8. Gender role – bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian sa isang tao.

9. Nutritional deficiency – kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao.

10. Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae.

11. Maternal Mortality Rate – ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang araw.

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados Unidos ay

nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Samantala, Sa Britanya

naman, may legal na depenasyon kung saan ang isang babae ay sinasabing “maagang

nagbubuntis” kung siya ay nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong

kaarawan. Ang terminolohiyang ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa

isang babae na wala pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng

mundo, na nabubuntis.1

Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng “menarche” (unang buwanang

dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay nag iiba-iba parin ayon

sa etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang obyulasyon ay nanatiling hindi

regular hanggang ilang buwan matapos ang “menarche.” Sa kasalukuyan, ang average na

1 http://www.wikipedia.com/teenagepregnancy_html

Page 7: JURIS

edad ng menarche ay patuloy na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng

kakayahan na manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindi

pa rin dapat isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa pagbubuntis ng

isang dalaga.2

Sa isang pananaliksik ni Robertson et al, nagawa niyang alamin ang mga

impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang isyung sosyal sa mga

mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan,

kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga

mayayamang bansa, ang “teenage pregnancy” ay nagdadala ng “social stigma” o ang

kahihiyan sa lipunan sa karamihan ng mga komunidad at kultura. Sa mga dahilang ito,

nagkaroon ng mga pag-aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan at

limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga bansa at kultura, partikular

sa mga hindi pa gaanong masaganang mga bansa, ang teenage pregnancy ay saklaw ng

kasal at hindi nagdadala ng “social stigma.”3

May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, sinabi na ang

maagang pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang bahaging

ginagampanan ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga importanteng salik na

nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang nagbubuntis. At sa mga sociedad na

hindi karaniwan ang maagang pag-aasawa, ang maagang pagkakaroon ng karanasang

sekswal at ang kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga dahilan. Ayon pa

rin sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng sarbey tungkol sa sekswal na gawain ng mga 2 Ibid, 3 D Robertson, R Andrews, P Buttner, G Byrnes, R Speare (2001) Teenage Pregnancy as a Social Stigma in Delhi, India, Journal of Maternal and Child Care, p. 33

Page 8: JURIS

kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang nagsabing nahihikayat sila na

makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong sekswal ang nagsabing sila ay

“nasa isang relasyon na kung saan sila at ang kanyang karelasyon ay gumagawa ng mga

sekswal na gawain”, at 24% ang “gumawa ng gawain na sekswal na hindi naman nila

talaga gustong gawin”. Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga

ipinagbabawal na gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil

sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal na

gawain.4 Ayon kay Leonard Sax, isang doctor at manunulat tungkol sa sekswalidad, ang

mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay

“nakakatanggal ng hiya at sakit.”5

Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang

“maternal” at “prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa

mga dalagang nagdadalang-tao. Ang pandaigdigang insidente ng hindi napapanahong

pagsilang ay mas mataas sa mga dalagang ina. Mayroong mga pananaliksik na

nagsasabing ang mga dalaga na nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng

“prenatal care” o ang karampatang pagaalaga bago manganak, at kadalasang

nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng pagbubuntis. Ang Guttmacher

Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 ng mga nagbubuntis na dalaga ay hindi sapat ang

tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga anak ay ang madalas na dumaranas

ng iba’t ibang mga sakit, kumpara sa mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina.

Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga

“nutritional deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o

4 http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html5 Ibid.

Page 9: JURIS

hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito, kasali na ang

mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagdidyeta, hindi pagkain sa tamang

oras, at iba pa.6

Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking

problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa.

Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong

70,000 mga dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World

Health Organization (WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay

dahil sa pagbubuntis sa mga babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad 20-24.

Ang “maternal mortality rate” na ito ay tinatayang mas mataas ng limang beses sa mga

babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas.7

Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang industriyalisadong bansa

ay isang disadvantage dahil ito ay maaring makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang

ina ay may mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon

paman, napag-alaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa

pag-aaral bago pa man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin

malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan. Isang pag-aaral

noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan

ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya 10-12% ay kadalasang nagpupursige ng

6 American Academy of Physicians and Obstetricians.(2003) Pregnancy Guidelines: Pregnancy and Maternal Health. Accesses at: www.findarticles.com/cf_dls/m3225/6_67/article.jhtml7 http://who.org/motherhood-teenage/research_html

Page 10: JURIS

post-secondary na edukasyon 14-29% mas kadalasan sa mga babaeng naghintay

magbuntis hanggang sa edad na 30.8

Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation)

mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang pagbubuntis ay maaaring

magdulot ng mga problema sa isang batang relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang

ina ay wala nang lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang

kalungkutan at problemang pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na

masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon.9

Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na “social

stigma”. Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang

batang ina tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging ina, at pati na rin sa kanyang

pagkatao. Ang mga negatibong pananaw (negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging

batang ina ay nagdudulot ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.10

Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa

nagdadalang tao, mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon sa Kaiser

Family Foundation, ang masamang epekto ng pagiging batang ina ay makikita o

mapapansin sa paglaki ng sanggol. Ang pagkakaroon ng kapansanan sa paglaki na

maaaring sa pagiisip at mga kaibahan sa pagu-ugali ay mas mataas sa mga batang

isinilang ng mga batang ina. Isang pag-aaral ang nagmungkahi na ito ay dahil sa

kadahilanang ang mga batang ina ay paminsan-minsan lamang ginigising ang

8 Ibid.9 Ibid.10 Ibid.

Page 11: JURIS

pakiramdam (iniistimulate) ng kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak,

pagngiti, pakikipag-usap, at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan

ng kanyang sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang hindi

gaanong magandang pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal lamang, ang iba

naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon ding mga bumabalik sa antas na

hindi nila naipasa, at marami din ang nakakakuha ng mababang mga marka sa mga

pagsusulit. Ang mga anak na babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na

maging batang ina rin sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng isang

batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong pa.11

Sa Pilipinas, ang teenage pregnancy ay patuloy na tumataas at patuloy na

nangangailangang pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan, lalo pa ring tumataas ang bilang

ng mga batang babae na nagiging ina at karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang mga

nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyon tulad ng pagkamatay dahil sa

pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga

hamon ng pagiging isang ina. 12

Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng karanasang sekswal ng mga kababaihan

ayon kay Bempechat ay:

Pananaw sa Kinabukasan. Ang mga kabataan na

nawawalan ng pag-asa sa kanilang kinabukasan ay mas

11 http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html12 Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991, Vol. 8, No. 2, Pages 85-94

Page 12: JURIS

madalas na nabubuntis ng maaga kaysa sa mga kabataang

naniniwala sa kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay.

Mababang Pag-ganap sa Paaralan. Mayroong malaking

kaugnayan ang mababang pag-ganap sa pag-aaral sa

pagkakaroon ng karanasang sekswal at pagbubuntis ng

maaga.

Kakulangan sa kaalaman ng Reproduksyon ng ating

katawan. Hindi pagkakaintindihan, maling palagay at

kakulangan sa kaalaman ng kapaligiran ay may

ginagampanang importanteng bahagi sa “teenage

pregnancy.” Ang mga paniniwalang ang unang paggawa ng

sekswal na gawain ay hindi nagdudulot ng pagkabuntis ay

lumalaganap.

Impluwensya sa Pamilya. Ang “teenage pregnancy” ay

iniuugnay sa mababang edukasyon ng mga magulang.

Karamihan sa mga kababaihang nabubuntis ng maaga ay

galing din sa mga inang nanganak sa kanilang kabataan.13

13 Janine Bempechat, Teenage Pregnancy and Drug Abuse:Sources of Problem Behaviors, arttikulong nakuha mula sa http://www.ericdigests.org/pre-9214/drug.htm

Page 13: JURIS

Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyong tulad ng

pagkamatay dahil sa pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na

harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina. 14 Ilan sa mga kumplikasyong maaaring

makuha ng ina at ng sanggol ay malnutrisyon, mababang timbang, pagkawala sa tamang

pag-iisip, atbp.15 Ang mga sanggol na naipanganak sa mga inang nabuntis ng maaga ay

kadalasang mas mababa ang timbang at kadalasang namamatay sa kanilang unang taon

ng pagkabuhay kung ihahambing sa mga sanggol na isinilang sa mga inang nasa sapat na

gulang na.16

Ang mga pangyayaring ito ay nagpapahiwatig na hindi sapat ang mga

impormasyong ibinibigay sa publiko na napapatungkol sa teenage pregnancy at hindi

sapat ang ibinibigay na kahalagahan sa kalusugan ng mga nagbubuntis at mga ina. Tayo

ngayon ay nahaharap sa nakakasilaw na katotohanan na sa napakamurang edad, marami

sa mga batang babae ngayon ay mayroon nang mga anak. Ayon sa National Demographic

and Survey (2003), isa sa apat na mga babae ay nagiging ina sa edad na 19, habang apat

sa sampung babae 20-24 taong gulang ay nagkaroon na ng karanasang sekswal. 17

Dito sa kabataang populasyon na ito, ang mayorya ay hindi pa rin kasal 83.1% ay

naglilive-in kasama ng kanilang mga kapares at 2.6% ang hindi magkasama. Ang dami o

rate ng pagbubuntis ay tumataas mula 25% hanggang 50% sa panahong ang mga babae 14 Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991, Vol. 8, No. 2, Pages 85-9415 Bempechat, loc cit.16Carlo P. Mallo, Lack of Accurate Info ups Tenage Pregnancies, artikulong nakuha sa sunstar issue noong Pebrero 23, 2008 na nakuha mula sa http://www.sunstar.com.ph17 Ibid.

Page 14: JURIS

ay edad 20-24. Higit sa numero, ang teenage pregnancy ay isang rason ng pag-aalala

dahil sa espesyal na role na ginagampanan ng mga kabataang babae sa sociedad.

Samakatwid, ang mga masasmang epekto ay patuloy na dumarami at patuloy na lumalala.

Masakit isipin, pero ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi alam ang gagawin

kung sila ay napupunta sa mga sitwasyong tulad nito.18

Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, representatib ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa

Pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino

ay mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa

sekswalidad. Samakatwid, naniniwala ako na ang pagtatalakay sa usaping sekswal ay isa

pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga

gawa.”19

Kabanata III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Descriptive-status ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang

pamamaraang ito ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga

tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga kasalukuyang

18 Ibid.19 htpp://who.org/philippineissuesonpregnancy_html

Page 15: JURIS

kondisyon. Ito ay isang paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang

mga umiiral na kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral.

RESPONDENTE

Ayon sa tanggapan ng baranggay San Nicolas II ay ang may pinakamaraming

insidente ng panganganak. Sabi nila na 1 sa bawat 5 na babae (1:5) ay may gulang na 16-

19. Sa paghahambing na ito ay kukuha kami ng 20 na babae na nakaranas ng maagang

pagbubuntis. Ang 20 na ito ang magsisilbing “representative sample” o kinatawan sa

populasyon ng mga babaeng maagang nagbuntis. Ang mga babaeng ito ay napili dahil

sila ay bukas sa pakikipanayam at sapat na sa gulang upang makapagbigay ng mga

detalye ng kakailanganin o makakatulong para mabuo ang pag-aaral.

INSTUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-

aaral ay isang sarbey kwestyuner. Ang mga babae ay gagawing sabjek ng sarbey. Sila ay

pasasagutin sa kwestyuner at pagkatapos ay magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa

kanilang buhay-ina.

TRITMENT NG MGA DATOS

Page 16: JURIS

Ang analisis at ang pagsalin sa mga datos para maging pamilang na impormasyon

(numerical data) ay gagamit ng “percentage” at “mean” upang makuha ang ninanais na

detalye. Ang mga ito ay itutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod:

A. Percentage

Kung saan:

% = kainaman (percentage)

f = dami ng mga sumagot sa tanong

n = kabuuang bilang ng mga babae

B. MEAN

Kung saan:

= mean (katamtamang dami)

∑x = kabuuang dami mga babaeng sumagot sa

particular na tanong

n = kabuuang dami ng sagot

Page 17: JURIS

Kabanata IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Talaan 1: Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad

Page 18: JURIS

Ang Talaan 1 ay nagpapakita na kadalasan sa maagang pagbubuntis ay nasa edad

17 na siyang nakakuha ng pinakamalaking porsyento na 45%. Ang sumunod naman ay sa

gulang 18 na may 25%. Pagkatapos ay ang edad 19 na nakakuha ng 20%. Pareho namang

nasa panghuling pwesto ang nasa edad 15 at 16 na may 5% lamang bawat isa. Karamihan

sa mga nabubuntis ng maaga, ating mahihinuha ayon sa datos, ay iyong mga kadalagahan

na may mga ideya na kung ano talaga ang buhay. Lagpas na sila sa edad kung saan sila

ay nangangapa pa at umaangkop sa kanilang kapaligran. Mayroon na silang ideya, kahit

maliit man lang, sa kung ano ang kanilang pinapasok at kung anu-ano ang pwedeng

maging epekto nito.

Talaan 2: Distribusyon ng mga Respodente Ayon sa Pinakamataas na Antas ng Pag-aaral na Natapos

Page 19: JURIS

Ang Talaan 2 naman ay nagsasabing sa 20 babaeng tinanong ay 75% ang

nakapagtapos ng hayskul. Sinundan naman ito ng 20% na nakatapos lamang ng

elementarya. 5% naman ang nakapagsabi na tapos sila ng kolehiyo. Base sa

impormasyong ito, ating maiikonklud na malaking porsyento, 75% eksakto, ng mga

nagbubuntis ng maaga ang may mga ideya na kung ano ang pinapasok nila at ang mga

magiging konsekwensya nito kung saka-sakali. Mayroon na silang mga kaalaman tungkol

sa maaaring ibunga ng kanilang sobrang kapusukan.

Talaan 3: Epekto ng maagang Pagbubuntis sa Pag-aaral

Page 20: JURIS

Pinapakita naman Talaan 3 na 85% sa mga babae ay huminto sa pag-aaral dahil

sila ay nabuntis. 65% sa mga babae ay ayaw nang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral

dahil hindi sila naiinspara at 45% naman ng mga babaeng tinanong ay nakaranas ng

diskriminasyon sa paaralan. May 65% na nakapagsabi na nahihirapan sila sa kanilang

pag-aral habang nagbubuntis at 50% ng mga babae ay naisipang ipalaglag ang kanilang

ipinagbubuntis. Ating mahihinuha ayon sa mga ipormasyong nakalap na ang pabubuntis

ng maaga ay sadyang nakakapagpabago sa takbo ng buhay ng mga batang ina. May mga

plano sila na hindi nila naisakatuparan dahil sa kanilang pagbubuntis at ilan sa mga ito ay

hindi na talaga nila matutupad sapagkat kailangan nilang magsakripisyo para sa ikabubuti

ng kanilang anak.

Page 21: JURIS

Talaan 4: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kalagayang Sosyal

Sa Talaan 4 naman makikita na 55% sa kanila ay hindi masaya sa kanilang

kalagayan. Sa mga babaeng nakapanayam ay 80% ang nakapagsabi na nagbago ang

pagtingin sa kanila ng kanilang mga kapamilya at 65% naman ang maysabi na nag-iba

ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga kaibigan, 75% ang nakapagsabi na nawalan ng

respeto ang mga tao sa kanila at may 80% na nagsabi na nakararanas sila ng

diskriminasyon sa lipunan. Kumporme sa mga datos na nailahad, ating maikokonklud na

ang sitwasyon ng mga batang ina ay sadyang napakahirap, hindi lamang sa pisikal na

aspeto kundi pati na rin sa emosyonal at sikolohikal na aspeto. Kahit pa nga dumarami

na sila at ang antas ng maagang pagbubuntis ay patuloy na tumataas, hindi pa rin

katanggap-tanggap para sa lipunan ang pagkakaroon nila ng anak sa napakabatang edad,

lalo na kung wala pang asawa. Para sa karamihan, ito ay isang kahihiyan at dapat lamang

na magdusa ang batang ina bilang parusa sa kanyang sobrang kapusukan at maling mga

Page 22: JURIS

desisyon. Meron rin namang mga tao na tanggap ang mga batang ina at hindi sila

hinuhusgahan dahil lamang sa pagbubuntis nila ng maaga ngunit sadyang mas marami

ang mga taong may tradisyonal at konserbatibong pag-iisip na ayaw intindihin ang

kalagayan ng mga batang ina. Ang mga taong ito ang dahilan ng pagkakaroon ng takot ng

mga batang ina sa lipunan at sila rin ang nagsasabi na ang mga batang ina ay dumi

lamang ng lipunan at wala silang mga silbi.

Talaan 5: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kinabukasan

Sa Talaan 5, 95% sa mga babae ay may plano pa sana sa kanilang mga sarili na

hindi natupad. Sa 95% na ito ay 50% lamang ang balak pa na tuparin ang kanilang mga

plano. May 95% rin ang nakapagsabi na mas mahirap ang buhay nila ngayong may anak

na sila kumpara sa noong dalaga pa sila. Maganda namang isipin na lahat sa kanila

Page 23: JURIS

(100%) ay gustong bigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak kahit pa

nga 55% lang dito ang nakapagsabi na gusto nilang magsama ng kanilang partner sa

pagpapalaki ng bata. Ang pagkakaroon ng anak sa batang edad ay talagang napakahirap.

Ayon na rin sa mga impormasyong nakalap, ang mga batang ina ay may mga bagay na

kailangan isakripisyo para sa kanilang mga anak. Hindi na lamang ang kanilang mga

sarili ang kanilang iniisip at iniintindi kundi mas inuuna nila ang kapakanan ng kanilang

mga anak. Nagsisikap sila na mabigyan ang mga ito ng maganda at masaganang bukas

gaano man kahirap ang buhay para sa kanila.

Talaan 6: Epekto ng Maagang Pagbubuntis sa Kalusugan

Sa Talaan 6 naman ay 75% sa mga babae ang may maayos na pagbubuntis. 85%

ang kumakain pa ng sapat at malusog ang sanggol ng maipanganak. 75% ang hindi

nakaranas ng anumang komplikasyon sa kanilang pagbubuntis at 75% ang may sabi na

kaya nilang bigyan ng sapat na nutrisyon ang bata. Ang maagang pagbubuntis ay hindi

Page 24: JURIS

lang nakakaapekto sa pag-aaral ng batang ina at sa katayuan nito sa lipunan kundi maging

sa kalusugan ng ina at ng sanggol na rin. May mga kaso ng maagang pagbubuntis kung

saan ang ina, kung di man ang sanggol, ay namamatay dahil sa mga komplikasyon at

kakulangan ng sustansya. Sa mga nakapanayam ay maliit na porsyento lamang ang

nagkaroon ng komplikasyon sa kanilang pagbubuntis ngunit gaano man kaliit ito ay hindi

nito maitatatwa ang katotohanan na ang pagbubuntis sa batang edad ay sadyang delikado

at maraming kaakibat na komplikasyon.

Page 25: JURIS

Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga masasamang epekto

ng maagang pagbubuntis sa mga kababaihang nasa edad na 15-19 sa San Nicolas II.

Ito ay isang deskriptibong pananaliksik at ang mga naging respondente nito ay

ang mga babaeng maagang nabuntis sa sitio Nonoc. Ginamit ang “purposive sampling

technique” sa pagpili ng mga respondente. Ang mga impormasyon na nakalap ay sinuri at

ginamitan ng dalas (frequency), at porsyento (percentage) upang masukat ang mga

impormasyon.

Ang mga sumusunod ay ang lagom ng mga resulta:

Ayon sa nakuhang impormasyon, karamihan sa nabubuntis ay nasa edad na 17 at

karamihan din sa kanila ay nakapagtapos lamang ng hayskul at hindi na nakapagpatuloy

pa ng kolehiyo.

Page 26: JURIS

Tungkol naman sa epekto ng maagang pagbubuntis sa pag-aaral, marami ang

nagsabing sila ay huminto sa kanilang pag-aaral nang sila ay nabuntis. Ayaw na nilang

ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil hindi naman nagsisilbing inspirasyon ang

kanilang pagkabuntis upang sila ay magsikap sa kanilang pag-aaral. Marami rin ang

nagsabing sila ay nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang paaralan, nahihirapang

mag-aral habang nagbubuntis at kalahati naman sa mga respondente ang naisipang

ipalaglag ang kanilang idinadala.

Sa epekto ng pagbubuntis sa kalagayang sosyal ng mga babaeng maagang

nabuntis, marami sa kanila ang hindi masaya sa kalagayan nila ngayon. Marami rin ang

nakaranas na nagbago ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga pamilya, mga kaibigan,

nawalan ng respeto ang mga tao sa kanila at nakararanas ng diskriminasyon sa lipunan.

Ang epekto naman ng maagang pagbubuntis sa kanilang kinabukasan ay hindi na

nila naisakatuparan ang kanilang mga hangarin sa buhay noong sila ay mga dalaga pa

dahil sa maaga nilang pagkabuntis. Marami ang nagsabing naging mahirap ang kanilang

buhay nang sila ay nabuntis, gayunpaman, lahat ng mga ina ay gustong bigyan ng

magadang kinabukasan ang kanilang anak kahit halos kalahati lamang sa mga

respondente ang ninais na makasama ang kanilang kabiyak sa pagsustento sa pagpapalaki

ng bata.

Tungkol sa kalusugan at ang mga epekto nito sa maagang pagbubuntis, maraming

kababaihan ang nagkaroon ng maayos na pagbubuntis, marami rin sa kanila ang

kumakain pa rin ng sapat at naging malusog ang sanggol nang isinilang. Naging maayos

Page 27: JURIS

ang kanilang panganganak at hindi sila nakaranas ng kumplikasyon habang nagbubuntis.

Marami ring ina ang nagsasabing bibigyan nila ng sapat na nutrisyon ang kanilang anak.

KONKLUSYON

Ayon sa mga resultang nakuha, ang mga sumusunod na konklusyon ang

maibibigay:

Halos lahat ng nabubuntis na kabataan ay nasa edad na 17 at hanggang hayskul

lamang ang natapos.

Sa mga impormasyong nakuha tungkol sa pag-aaral ng mga dalagang ina, marami

ang huminto sa pag-aaral dahil sa kanilang sitwasyon at dahil na rin sa pagkaranas ng

diskriminasyon sa paaralan. Dumating din sa kanilang ispan na ipalaglag ang bata dahil

sa nasabing sitwasyon.

Sa kalagayang sosyal naman ng mga dalagang ina, marami ang hindi masaya sa

kasalukuyang sitwasyon, dahil sa nararanasan nilang diskriminasyon sa pamilya, mga

kaibigan, mga tao, at ng lipunan.

Kung kinabukasan naman ang pag-uusapan, maraming mga pangarap ang hindi

natupad at mas naging mahirap ang buhay. Pero gayunpaman, lahat ng mga dalagang ina

ay panatag na mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.

Page 28: JURIS

Tungkol naman sa kalusugan, halos lahat sa mga dalagang ina ang nakaranas ng

maayos na pagbubuntis, naging malusog ang sanggol, at naging maayos ang

pangangatawan habang nagbubuntis. Nasabi rin nila na bibigyan nila ng sapat na

nutrisyon ang kanilang anak.

At dahil sa mga resultang nakita, ang mga mananaliksik ngayon ay nakahinuha na

ang maagang pagbubuntis ay higit na nagdudulot ng masamang epekto lalo na sa pag-

aaral, kalagayang sosyal, kinabukasan, at kalusugan ng mga dalagang ina. Maraming mga

pangarap ang naglaho, bumaba ang pagtingin ng lipunan at maging ang sariling pamilya

Sa karagdagan, ang mga mananaliksik ay nagbibigay ng konklusyon na ang teenage

pregnancy ay dapat bigyang pansin o nangangailangan ng atensyon at gabay mula sa

magulang at pati na rin ng lipunan dahil maari itong magbigay ng kapahamakan sa sarili,

sa lipunan, at maari rin nitong bigyan ng mantsa ang magandang pangalan ng ating bansa.

REKOMENDASYON

Sa panahon ngayon ay patuloy pa rin sa pagdami ang bilang ng mga batang ina at

ang pagtaas ng antas ng maagang pagbubuntis. Laganap na ito hindi lamang dito sa

Pilipinas kundi maging sa ibang bansa na rin. Pero hindi ito nangangahulugan na wala na

tayong magagawa para pigilan ito at kailangan na lang talaga natin itong tanggapin bilang

isang masakit na katotohanan at isang mantsa sa lipunan na hindi na maaring matanggal

kailanman. May mga paraan pa na maaari nating gamitin at mga bagay na pwede nating

gawin para mabawasan, kundi man matigil, ang pagkakaroon ng maagang pagbubuntis.

Kaya ayon sa nabasang mga resulta at konklusyon, ang mga mananaliksik ngayon

ay narerekonmenda na:

Page 29: JURIS

Pwedeng maiwasan ang pagbubuntis ng maaga kung may gagabay sa mga batang

lalabintaunin ukol sa kalakalan ng mundo. Nasa aspeto pa sila kung saan sila ay

umaangkop sa mga pagbabago sa kanilang mga katawan at pilit na sumasabay sa agos ng

buhay. Wala pa silang mga muwang kung paano maging marahas ang mundo sa mga

batang tulad nila, iyong mga wala pang alam sa galaw ng tunay na mundo at sa realidad.

Sana ay maitatak rin ng mga magulang sa kanilang mga anak ang pagmamahal at takot sa

Diyos ng sa gayon ang pagmamahal na ito ang maging daan upang hindi sila makagawa

ng mga bagay na ikasasama nila tulad na lamang ng pakikipagtalik kahit walang basbas

ng kasal na siyang sanhi ng maagang pagbubuntis. Ang pinakaimportante ay iyong

maipaliwanag natin sa kabaatan ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng anak sa

napakabatang edad sa kanilang buhay, pag-aaral, kalusugan, katayuan sa lipunan at

kinabukasan. Sana ay maimulat ng mga magulang ang mga mata at diwa ng kanilang

mga anak na ang pagtatalik ay isang sagradong bagay na para lamang sa mga legal na

mag-asawa at ito ay may mga kaakibat na responsibilidad at konsekwensya na maaaring

hindi pa kayang pasanin ng kabataan.

Hindi pa naman huli ang lahat. May magagawa pa tayo at kung sana ay

magtutulungan lang tayong lahat ay madali na nating makokontrol ang pagtaas ng antas

ng maagang pagbubuntis at maaari pa nating mapaunlad ang ating bayan. Doon naman sa

mga mayroon nang anak sa kabila ng batang edad ay wala na tayong ibang magagawa

kundi ang tulungan sila. Nangyari na ang dapat mangyari at hindi na natin maibabalik pa

ang panahon. Sa ngayon, sana tigilan na ang pagkutya at paghamak sa mga dalagang ina

dahil alam na nila ang kanilang kamalian at ito ay pinagsisisihan na nila. Marami na

silang hirap na pinagdaanan at sana ay hindi na natin ito punan pa. Sana ay tulungan at

Page 30: JURIS

gabayan na lang natin sila sa pagpapalaki ng kanilang mga anak na siyang pag-asa ng

bayan ayon na rin kay Dr. Jose Rizal.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Libro:

Berenberg, Samuel R., et al. The Modern Book of Infant Child Care: A Practical

Guide for Young Mothers. 1992. New York: Bartholomew House

Inc.

Benjamin, Leslie. Teenage Parenthood: The School’s Response. 1987.

Indiana: Phi Delta Kappa Educational Foundation

Clark, Ann L. Childbearing: A nursing Perspective. 1994. Philadelphia: F.A.

Davis

Kosmak, George William. The Toxemics of Pregnancy. 1993. New York:

Appleton

Nattow, Anette B. The Pregnancy Nutrition Counter. 1992. New York: Pocketstar

Books, Inc

Nelson, Reuben E. Dear Mother tc-bc: Prental Care of the Expectant Mother.

revised edition, 1996. Manila: Philippine Publishing House, Inc.

Page 31: JURIS

Stopperd, Miriam. Conception, Pregnancy and Birth. 2000. London: D.

Kindersley

Wiggins, Jayne D. Childbearing: Physiology, Expenses, Needs. 1979. St. Louis:

C.V. Mosby

Internet:

< http://en.wikipedia.org/wiki/Teenage_pregnancy>

<http://www.globalpinoy.com/pinoyhealth/ph_feature/FED11006.php>

<http://www.iht.com/articles/2005/05/15/news/phils.php>

<http://www.pia.gov.ph/?m=12&fi=p060712.htm&no=57>

<http://www.popcom.gov.ph/sppr/suppr01/sppr/chap3_3_5.htm>

<http://www.sunstar.com.ph/static/ceb/2008/01/05/oped/[email protected]

om.html>

<http://www.sunstar.com.ph/static/ceb/2007/05/28/oped/editorial.html>

<http://www.sunstar.com.ph/static/ceb/2006/09/11/oped/editorial.html>

<http://www.sunstar.com.ph/static/dav/2007/11/06/life/adolescent.health.behavior.an

d.religion.html>

<http://www.un.org/unifeed/script.asp?scriptId=2253>

<http://www.withnews.org/read.php3?aid=1191208110187374s5>

<http://www.yehey.com/news/Article.aspx?id=189559>

<http://www.yehey.com/news/print.aspx?id=189559>

Page 32: JURIS