documentap

11

Upload: sheilamaefai5510

Post on 14-Oct-2014

1.293 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: DocumentAP
Page 2: DocumentAP

Masidhi ang kompetisyon ng Estados Unidos at ng USSR habang umiiral ang Cold War. Gumastos ang mga nasabing bansa ng bilyon-bilyong dolyar sa mga armas at bomba.

Higit na malaki ang tinutustos ng mga bansa sa mga bagay na pangmilitar at lumiit nama ang pondo na iniukol sa mga serbisyong pambayan, tulad ng mga paaralan, ospital, pabahay, kalye, at mga tulay.

Page 3: DocumentAP

Mahalaga para sa isang bansa ang puwersa at mapapasakanya ang kapangyarihan kung marami siyang sandatang pandigma. Ang pagpaparami ng mga sandatang nukleyar ay naging malaking kompetisyon para sa Estados Unidos at USSR. Ang ganitong paligsahan ay nagsimula noong 1945. Hindi nagpahuli ang USSR at gumawa rin ng bomba atomika. Matagumpay na nakapagsagawa ng atomic bomb testing ang USSR noong 1949.

Page 4: DocumentAP

Hangad ng bawat bansa na higitan ang isa’t isa sa pagpapaumlad ng kani-kanilang armas upang maging higit na makapangyarihan para hindi digmain ng kalabang bansa. Tinawag ang patakarang ito na deterrence, o isang patakarang naglalayong maiwasan ang pagsiklab ng digmaan sa magkabilang panig.

Ang kauna-unahang hydrogen bomb ay pinasabog ng Estados Unidos noong 1952. Ito ay isang armas na higit na malakas at makapangyarihan kaysa sa bomba atomika. Pagkaraan ng isang taon, nagsagawa rin ang USSR ng hydrogen bomb testing. Pinaunlad ng bawat isa ang mga sasakyang pangkalawakan at missile na nagtataglay ng armas nukleyar.

Page 5: DocumentAP

Mga Pagsisikap Tungo sa Pagbabawas ng Armas.

Hinihinalang ang mga bansang France, Britain, Tsina, at India, ay nagtataglay din ng mga armas nukleyar bukod pa sa mga kemikal na pandigma. Dahil sa pagpaparami ng armas, nanganib ang pandaigdigang kapayapaan.

Strategic Arms Limitation Talks 1 at 2 (SALT 1 at 2)Pagkaraan ng 1960s, nagkaroon ng mga negosasyon

ang Estados Unidos at ng USSR tungkol sa pagkakalas sa mga missile at pagsasaayos sa umiinit na relasyon ng dalawang bansa. Pagkaraan ng apat na taon, ang negosasyon ay nagbunga sa Strategic Arms Limitation Talks (SALT1). Pinangunahan ito noong 1972 nina Pangulong Richard Nixon ng Estados Unidos at ni Leonid Brezhnev, ang kalihim ng USSR.

Pagkaraan ng limang taon, nilagdaan naman nina Pangulong Jimmy Carter at Breshnev ang SALT II (1979), subalit pagkaraan ng ilang buwan lumala ang kanilang relasyon dahil sa pagpasok ng USSR sa Afghanistan.

Page 6: DocumentAP

Strategic Arms Reduction Talks at Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty (START I at INF)

Sa panahon ng panunungkulan nina Pangulong Ronald Reagan ng Estados Unidos at Kalihim Mikhail Gorbachev ng USSR, sinimulan ang negosasyon sa pagkontrol ng mga armas. Nabuo ang Strategic Arms Reduction Talks (START I) at ang Intermediate-range Nuclear Forces (INF) Treaty. Ang INF ay nilagdaan ng dalawang pinuno noong ika-8 ng Disyembre 1987.

Treaty on Conventional Armed Forces in Europe (CFE)Nakipagsundo si Gorbachev sa mga pinuno ng mga bansa

sa Europa upang limitahan ang mga karaniwang armas ng mga hukbo noong 1990. Ang kasunduang Conventional Armed Forces ay nilagdaan ng 22 bansang kasapin sa NATO at Warsaw Pact.

Page 7: DocumentAP

Strategic Arms Reduction Talks II (Start II)

Ang START II ay nilagdaan nina Pangulong George Bush ng United States at Boris Yeltsin ng USSR noong January 3, 1993 sa Moscow. Ito ay pagpapabuti sa mga napagkasunduan sa SALT I at II dahil sa pagpyag ni Gorbachev na bawasan ang malaking bahagi ng mga missile ng USSR. Nilayon na sirain ang 75% ng kabuuang bilang ng armas nukleyar ng US at USSR.

Page 8: DocumentAP

Pandaigdigang Kasunduan Ukol sa Sandatang Nukleyar at Pangkalahatang Armas

Kasunduan Probisyon

Sea Bed Treaty Nagbabawal na maglagay ng sandatang nukleyar at nga uri nito sa pusod ng karagatan

Vienna Talks on Mutual Reduction of Forces and Armaments and Associated Measures in Central Europe

Pagpapanatili ng katatagan ng kapayapaan at seguridad ng bawat bansa na kasapi sa NATO at Warsaw Pact

Anti-Ballistic Missiles (ABM) Treaty Kasunduan sa pagbabawas ng anti-ballistic missiles ng US at USSR

Biological Weapons Convention Patungkol ito sa pagbabawal sa pagpapaunlad, paggawa, at pag-imbak ng sandatang bayolohikal na nakapupuksa.

Antarctic Treaty Isinasaad dito na ang Antarctica ay dapat maging malaya sa sandatang nukleyar.

Treaty on the Non-proliferation of Nuclear Weapons

Ipinagbabawal nito ang pagsubok ng mga sandatang nukleyar sa kalawakan, karagatan, at sa himpapawid.

Strategic Arms Limitation Talks I and II

Sa SALT I- Limitado ang paglulunsad ng mga missiles na ito sa dalwang base o himpilan sa bawat bansa.Sa SALT II ay binalak ng dalawang bansa na palagiang ihinto ang pagdaragdag ng ICBM at kung maaari ay bawasan ang bilang nito.

Page 9: DocumentAP

Mga epekto ng pagpaparami ng Armas

Nagdudulot ng pangamba sa mundo ang posibilidad ng pag-aaway ng mga bansa. Ito ay isang malakinh banta sa pandaigdigang kapayapaan at seguridad. Ang pangambang ibubunga ng pag-aaway ng dalawang bansa ay ang patuloy na pagpapaunlad at pagpaparami ng armas nukleyar. Kung hindi ito mapipigilan, hindi malayong drating ang panahon na ang mundo ay muli na namng makakaranas ng digmaan.

Ang pagpapaunlad at pananaliksik ng mga sandata ay permanenteng aspeto ng pambansang programa ng mga bansa. Sa pondo ng pamahalaan, mas nakalalamang ang pondo sa depensa at sa pagpaparami ng armas kaysa sa pondo para sa serbisyong publiko.

Maraming mga bansa ang naglaan ng napakalaking halaga para sa mga armas, mga kagamitang pandigma, at iba pang gastusing militar, samantalang kinakappos naman ang gastusin sa pagkain, tirahan, edukasyon, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Page 10: DocumentAP

Paligsahan sa Armas

Mga pag-aarmas

Mga pagsisikap

para sa Pagbabawas

Mga Epekto•Banta sa seguridad ng mga bansa•Pangamba sa isa na namang digmaan•Hadlang sa pagkamit ng pandaigdigang kapayapaan

SALT

START II

CFE INF

Page 11: DocumentAP

Group 4

Paolo CarreonIvan FabroaJohanna GamaoKim LlanoPrincess Macarambon