z p araling panlipunan...pilipino noon? ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon....

12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 5: Kalakalang Galyon Zest for Progress Zeal of Partnership 5 Pangalan: ___________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan: ___________________________

Upload: others

Post on 14-Mar-2021

155 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

Page 1: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

Republic of the Philippines Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 5:

Kalakalang Galyon

Zest for Progress

Zeal of Partnership

5

Pangalan: ___________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan: ___________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

1

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cheryl B. Solamillo Mga Editor: Florence S. Gallemit, Teresita J. Cainta

Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Peter Alavanza, Mary Ann Z. Cagatan Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa

Dr. Jephone P. Yorong Florence S. Gallemit Belen R. Talic Wenchor P. Agum

Page 3: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

2

Alamin Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Ø makasusuri sa epekto ng kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

Balikan

I.Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Ano ang tributo?

A. buwis B. yaman C. ginto D. buto ng namatay

_____2. Ano ang tunay na dahilan ng pagkagalit ng mga Pilipino sa paniningil ng buwis?

A. Ang pang-aabuso ng mga nangongolekta nito B. Bago ang patakarang ito sa pamumuhay ng mga Pilipino C. Ang hindi magandang layunin sa paniningil nito D. Ang mataas na halaga nito

______3. Ang produktong nalikom mula sa tributo ay ipinagbili ng mga encomendero sa mga Pilipino sa napakataas na halaga. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino?

A. Nag-alsa laban dito. C. Nagsawalang-kibo lang. B. Sumang-ayon agad sila. D. Nakiisa sa mga encomendero

_____4. Ang mga mamamayang tumangging magbigay sa itinakda ng mga

encomendero ay pinarurusahan sa harap ng maraming tao. Ano ang naging bunga nito sa Pilipino?

A. Naging maayos ang kanilang pagtratrabaho. B. Naging mapayapa ang kanilang encomienda. C. Nanahimik na lamang sila. D. Sila ay naghimagsik laban sa mga Espanyol.

_____5. Isa pang uri ng buwis ay ang bandala. Subalit kadalasan hindi nababayaran ang mga Pilipino para sa mga produkto nila. Ano ang bandala?

A. Ito ay sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka. B. Isa itong panukat sa mga buwis na binabayaran. C. Kusang loob itong ibinibigay at binabayaran ng mga miyembro ng encomienda. D. Tulong ito na ibinibigay sa mga miyembro ng encomienda.

Page 4: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

3

Tuklasin

Ano ang nasa larawan?

Ano ang papel na ginampanan nito sa kasaysayang Pilipino?

May naidudulot kayang kabutihan o kasamaan ito sa pamumuhay ng mga Pilipino noon?

Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit ito naturingang “barkong pangkalakalan”?

Masasagot iyan sa araling ito at aalamin mo rin kung paano kaya nakaapekto sa mga ninuno natin ang patakarang ito.

Aralin 5

Ang Kalakalang Galyon

Page 5: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

4

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Ang Kalakalang Galyon Pinangasiwaan din ng Spain ang kalakalang panlabas ng Pilipinas. Ito ay sa

pamamagitan ng kalakalang galyon.

Nagsimula ito noong 1565. Kilala sa dalawang pangalan ang kalakalang ito: “Kalakalang Galyon” dahil ang ginamit sa pagdadala ng mga kalakal at pagpapalitan ng mga produkto ay ang mga barkong galyon; at “Kalakalang Maynila-Acapulco” dahil mula sa Maynila patungong Acapulco, Mexico at balikan ang ruta ng palitan ng produkto. Katulad ng Pilipinas, ang Mexico ay dati ring kolonya ng Spain.

Ang mga kalakal tulad ng seda mula sa China at mga pampalasa ay inilululan sa galyon. Pagdating nito sa Acapulco, ipinagbibili ang mga ito sa higit na mataas na halaga. Mula sa Acapulco, babalik ang galyon lulan naman ang mga produktong galing sa mga bansang Kanluranin.

Ang kakaunting Espanyol sa Pilipinas, tulad ng gobernador-heneral, mga kawani ng konsulado, mga Espanyol na nakatira sa Maynila, at ilang mayayamang Pilipino, ang siyang nakinabang lang sa kalakalang galyon. Ang tanging pakikilahok lang ng mga Pilipino sa patakarang ekonomikong ito ay ang paggawa ng galyon. Gayunpaman, nakatulong ang kinita sa kalakalang ito sa mga gastusin ng pamahalaan.

Pagkalipas ng 250 taon, nagwakas ang kalakalang galyon. Pangunahing dahilan nito ay ang digmaan para sa kasarinlan na inilunsad ng mga Mexicano laban sa mga Espanyol. Nasakop na ng mga Mexicano ang Acapulco nang dumating dito noong 1811 ang Magallanes, ang huling galyon na galing sa Maynila. Noon lamang 1815 nakabalik sa Maynila ang galyong ito. Noong Abril 23, 1815, ipinalabas ng hari ng Spain ang kautusang pormal na nagwawakas sa kalakalang ito.

Epekto ng Kalakalang Galyon Itinuturing na higit na nakasama sa kalagayang pangkabuhayan ng bansa ang

kalakalang galyon. Lubhang naging abala ang mga Espanyol sa pagtiyak na may mga produktong maipadadala sa Acapulco. Nakaligtaan nilang hindi lamang ito ang maaaring pagkunan ng pondo ng pamahalaan.

Napabayaan ang pagsasaka dahil pawang mga produktong komersiyal lamang ang ipinatanim ng mga Espanyol, tulad ng abaka at tabako. Ang mahahalagang produktong pang-agrikultura at pang-industriya sa bansa ay hindi napagtuunan. Naantala ang mga nakatakdang panahon ng pagtatanim at pag-aani dahil sa higit na pinagtuunan ng pansin ang pangangailangan ng kalakalang galyon.

Nagpahirap din sa mga Pilipino ang polo y servicio o sapilitang paggawa dahil ipinadala sa malalayong lugar ang mga kalalakihan upang gumawa ng mga galyon.

Page 6: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

5

Marami sa kanila ay sapilitang pinagtanim ng niyog at abaca na ilan sa mga pangunahing pinagkukunan ng materyales sa pagbuo ng galyon.

Bumagal ang takbo ng ekonomiya sa Pilipinas dahil sa kalakalang galyon. Dahil sa pagtutok ng mga opisyal sa kalakalang ito, napabayaan din ang pamamahala ng mga lalawigan. Sa halip na manatili sa mga lalawigang dapat nilang pamahalaan, nanatili sila sa Maynila para sa kalakalang ito.

Ilan lamang sa mga Espanyol at Pilipino ang yumaman, ang karamihan ay naghirap.

Samantala, may dulot ding kabutihan ang kalakalang galyon sa bansa. Naging tiyak na mapagkukunan ng pondo ng pamahalaan at simbahan ang kinikita ng kalakalang galyon. Napanatili rin ang likas na yaman ng bansa dahil sa pagkaabala ng mga Espanyol sa pangangalakal.

Nabuksan ang Pilipinas sa makabagong mga ideya at teknolohiya mula sa Europa sa pamamagitan ng kalakalang namamagitan sa Maynila at Acapulco. Ang kalakalan ding ito ang naging daan ng pagpapalitan ng kulturang Kanluran at Silangan.

Pagyamanin

Panuto: Isulat sa kahon ang mabuti at di- mabuting epekto ng kalakalang galyon.

KALAKALANG GALYON

MABUTING EPEKTO

1._____________________________

2._____________________________

3._____________________________

4._____________________________

5._____________________________

DI- MABUTING EPEKTO

1. ____________________________

2._____________________________

3._____________________________

4._____________________________

5. ____________________________

Page 7: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

6

Gawain

________1.) Barko o sasakyang-pandagat na nagdadala ng oynalg

produkto ng Pilipinas sa Mehiko at Espanya

________2.) Mga kalakal mula sa China na inilulan desa at samlapapa sa galyon

________3.) Ang kalakalang galyon ay tinatawag ding _____. nimayla-pulacaco

________4.) Palitan ng mga produkto o kalakal gamit ang kalangkala glaoyn malalaking barko.

________5.) Naglunsad ng digmaan laban sa Espanyol camenoxi na naging sanhi ng pagwawakas ng kalakalang galyon.

GAWAIN B

Panuto: Iguhit ang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at

kung mali. Isulat ito sa kwaderno.

________1. Walang magandang naidulot ang kalakalang galyon sa Pilipinas.

________2. Lalong umunlad ang mga sakahan sa Pilipinas dahil sa galyon.

________3. Ang kalakalang galyon ay sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

________4. Kumita rin ang mga katutubong Pilipino sa kalakalang galyon.

________5.Hindi na napagtuunan ng pansin ng mga namumunong alcalde at gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahil sa kalakalang galyon.

GAWAIN A Panuto: Ayusin ang mga titik sa kanan upang makabuo ng salita na tinutukoy sa mga pahayag na nasa kaliwa.

Page 8: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

7

Isaisip

Tayahin

1. Ano ang tawag sa palitan ng mga produkto o kalakal gamit ang malalaking barkong tinatawag na galyon?

A. Monopolyo sa Tabako C. Bandala

B. Sistemang kasama D. Kalakalang Galyon

2. Napag-alaman nating mga barkong galyon ang ginamit noon sa kalakalang galyon Ngunit, para saan ba talaga sana ang mga galyong ipinapagawa ng mga Espanyol? A. para sa pakikidigma C. para sa pangingisda B. para sa pagsasaka D. A at B

3. Bakit tinawag ding “Kalakalang Maynila-Acapulco” ang kalakalang galyon? A. Dahil sa ruta nito mula Pilipinas patungong Amerika at balikan B. Dahil sa ruta nito mula Pilipinas patungong Mexico at balikan C. Dahil sa ruta nito mula Pilipinas patungong India at balikan D. Dahil sa ruta nito mula Pilipinas patungong Africa at balikan

Natutuhan ko sa araling ito na ang kalakalang galyon ay ______________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________.

Tinatawag din itong “Kalakalang Maynila-Acapulco” dahil _____________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________.

Nagpahirap sa mga Pilipino ang kalakalang galyon dahil ______________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________.

Sa kabilang banda, ang mabuting naidudulot naman ng kalakalang galyon ay ____________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot .

Page 9: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

8

4. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng kalakalang galyon sa pamumuhay ng mga Pilipino, MALIBAN sa isa. Alin ito? A. Bumagal ang pag-unlad ng kabuhayan. B. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga katutubong Pilipino. C. Naging mahina ang negosyo ng ating produkto. D. Nawalan ng pag-asa ang ating mamamayan.

5. Bakit natigil ang kalakalang galyon? A. Naubusan ng produktong ikakalakal sa galyon. B. Nag-alsa ang Mexico laban sa Spain. C. Nagkaroon ng digmaan sa Asya.

D. Ayaw nang makipagkalakalan ng Mexico sa Pilipinas.

6. Ang sasakyang-pandigma na ginagamit sa kalakalan noon ay ______________. 7. Dahil sa rutang tinahak ng kalakalang galyon mula Maynila patungong Acapulco, Mexico, ang kalakalan ay tinawag ding _________________. 8. Nagpahirap sa mga mga Pilipino ang patakarang __________________ dahil ipinadala sa malalayong lugar ang mga kalalakihan at hindi nakauuwi ng ilang buwan upang gumawa ng mga galyon. 9. Ang bansang _____________ ang nagdadala ng seda para ikalakal. 10. Tumagal nang _____________taon ang kalakalang galyon

Karagdagang Gawain

RUBRIK SA PAGPAPALIWANAG

II. Panuto: Punan ng tamang kaisipan ang patlang.

Panuto: Unawain at saguting mabuti ang inilahad sa ibaba. Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa pagkuha ng puntos. (10 puntos)

Pamantayan Deskripsyon

Napakahusay (10)

Tumpak at napakalinaw ng sagot sa tanong na ibinigay.

Mahusay (8)

Malinaw at tama ang sagot sa tanong na ibinigay.

Katamtaman (6)

May kalinawan ang sagot, ngunit may ilang punto na nalilihis sa tanong na ibinigay.

Di-gaanong Maayos (4)

Lumihis ang kasagutan sa tanong na ibinigay.

Sadyang Di-maayos (2)

Hindi natapos ang sagot/ Walang naisulat.

Page 10: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

9

.

Hindi maikakailang malaking tulong sa pondo ng pamahalaan ang kalakalang galyon sa pagtustos ng mga pangangailangan ng bansa. Ngunit pinatigil ito ng hari ng Spain dahil sa minimal na di-mabuting epekto nito sa kolonya.

Kung ikaw ang naging hari sa panahong iyon, ititigil mo rin ba ang operasyon ng kalakalang galyon? Bakit?

Sagot:____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 11: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

10

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Lydia N. Agno, R. D. (2006). Marangal na Pilipino 5. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., pp.72-74

Maria Annalyn P. Gabuat, M. M. (2016). Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group, Inc., pp. 181-182

BALIKAN

1. A 2. B 3. A 4. A 5. A

PAGYAMANIN Tanggapin ang mga kasagutan ng bata na malapit lang ang kaisipan sa teksto.

GAWAIN A 1. galyon 2. seda at pampalasa 3. Maynila-Acapulco 4. Kalakalang Galyon 5. Mexicano

GAWAIN B

1.

2.

3.

4.

5.

TAYAHIN

1. D 2. A 3. B 4. A 5. B 6. galyon 7. Kalakalang Maynila-

Acapulco 8. polo y servicio 9. China 10. 250

Page 12: Z P Araling Panlipunan...Pilipino noon? Ang nasa larawan ay isang barkong tinatawag na galyon. Ginawa ito hindi upang gamitin sa kalakalan, kundi bilang barkong pandigma. Ngunit bakit

11

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.