04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

22

Upload: ateneo-campusministry

Post on 03-Jul-2015

131 views

Category:

Spiritual


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo
Page 2: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

PAGNINILAY

25 June 2012

Page 3: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Noong nakaraang mahal na araw, nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-retreat sa Baguio. Limang araw akong namalagi sa burol ng Mirador upang manahimik at manalangin. Sa huling araw ng retreat, isang pambihirang pagkakataon ang aking naranasan kasama ng ilang kaibigan: ang makapag-stargazing.

Page 4: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Hindi lang simpleng pagtingala sa kalangitan ang aming ginawa, salamat sa isang hi-tech na teleskopyo na dala ng isa naming kaibigan. Naalala ko noong gabing iyon, Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo, magdamag naming pinagmasdan ang mga bituin, ang buwan at ang mga planeta. Napuno ako ng pagkamangha!

Page 5: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Namangha ako sapagkat sa unang pagkakataon ay nakita ko ng mas malinaw at mas malapitan ang buwan at ilang mga bituin. Totoo nga palang may mga singsing ang Saturn, na may mga craters at kulay maningning na pilak ang buwan at ang Mars ay pula!

Page 6: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Tapos na ang retreat noong gabing iyon, ngunit lahat kami ay tila nagdarasal at nagninilay pa rin. Patuloy kaming namangha sa galing at ganda na nilkha ng Maykapal.

Page 7: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Ayon sa kasulatan, Si San Ignacio rin umano ay mahilig tumingin sa kalangitan tuwing gabi upang pagmasdan ang mga bituin.

Marahil ito ay sa kadahilanang kapag nakatingin tayo sa mga bituin at sa kalawakan, higit nating napagninilayan ang Diyos.

Page 8: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Sa ating pagtanaw sa mga bituin at sa kalawakan, nadadala tayo sa malalim na pag-iisip na tunay ngang mayroong higit pang mas malaki sa atin at tunay na mayroong higit pa sa ating mga natatanaw.

Page 9: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Sa katunayan, ang mga siyentipikong patuloy na tinutuklas ang sanlibutan ay nalaman na ang sanlibutan kung saan naroon tayo ngayon ay bahagi lamang ng higit pang maraming sanlibutan na umiiral; tayo ay nasa tinatawag na multi-universe. Napakalaki, nakapanlulula, nakamamangha talaga ang nilika ng Diyos.

Page 10: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Habang pinagninilayan ko ang karanasan ko noong gabing iyon noong Pasko ng Pagkabuhay, naisip ko, tila isa lamang tayong butil ng alikabok kung ikukumpara sa kalakihan ng sanlibutang likha ng Diyos.

Page 11: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Sa kabila ng kaliitang ito, sa mata ng ating pananampalataya, nakakatuwang isipin na ang Diyos na maylikha ng sansinukuban ay kapiling natin sa tuwina, ‘di tulad ng mga bituin na nakatitig lamang sa atin mula sa malayo. Sa katunayan turo pa ni San Ignacio, maari natin makita ang Diyos sa anumang bagay!

Page 12: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Sapagkat tayo ay mahalaga sa Kanya, ang Diyos ay patuloy na nakikilahok sa ating araw-araw na pamumuhay, alam man natin o hindi. Sa katunayan, ayon sa isang paring Heswita, ang Diyos natin ay isang Diyos na “pakialamero”.

Page 13: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Mabuti na lamang, sapagkat ito ay tunay na magandang balita.

Hindi ba’t ang mga taong may pakialam sa atin ay ang mga taong tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa atin?

Page 14: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Sapagkat may pakialam ang Diyos sa atin, nakatitiyak tayo na nag-aabala Siyang ‘dinggin ang bawat panalanging inuusal natin kahit ano pa man ito, gaya ng simpleng panalangin bago magsimula ang pagsusulit.

Page 15: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Dahil may pakialam ang Diyos sa atin, ipinagkaloob niya ang ating mga pamilya, mga kaibigan, ating mga tagahubog at lahat ng mga mahal natin sa buhay bilang kanyang mga instrumento upang higit nating maramdaman ang pakikiaalam niya sa ating buhay.

Page 16: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Dahil mahal tayo ng Diyos, patuloy niya tayong pinagkakalooban ng biyaya ng karunungan, mga pagkakataon, pananampalataya, pag-asa…ng buhay. Sa para saan at sa anong kadahilanan?

Page 17: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Tama ang naisip mo, dahil sa pag-ibig. Pag-ibig na tila kasing lawak at kasing laki ng sanlibutan. Sa ngalang ito ng pag-ibig na wagas at lubos, maging ang sarili Niyang anak na si Hesus

ay ipinagkaloob sa atin.

Page 18: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Mainam sigurong pagmasdan ang mga bituin paminsan-minsan, para maaalala natin ang pag-ibig ng Diyos na ito. Ngunit sa tingin ko, mas mainam at mas mahalaga na manahimik, magnilay, lumingon at buksan ang ating mga mata, puso at isipan sa mundong tadtad ng mga tanda ng pag-iral at pag-ibig ng Diyos.

Page 19: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Dahil ang Diyos ay tunay na buhay, nananahan, nakikilahok at nakikialam sa ating buhay at sa mundong ating ginagalawan.

Page 20: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Ama, maraming salamat sa iyong biyaya ng pagkamangha sa Iyong nilika. Nawa’y patuloy mo kaming pagkalooban ng biyaya na makita ka sa lahat ng bagay, lalung-lalo na ang Iyong pakikibahagi sa aming buhay.

Manalangin tayo:Sa ngalan ng ama, ng anak at ng DiyosEspiritu Santo.

Page 21: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

Luwalhati sa Ama, sa Anak

at Espiritu Santo.

Kapara noong una, ngayon at magpakailanman at

magpasawalang-hanggan. Amen.

Page 22: 04 pagninilay ppt_tristan sunga_cmo

AMDG