100 days with mr

3
100 Days with Mr. Arrogant BUOD: Si Ha-yeong, isang 4 th year high school na estudyante, ay hiniwalayan ng kanyang kasintahan sa ika-isang daan nilang araw bilang sila. Dahil sa inis sa sarili, may nasipa siyang lata na tumama sa isang mamahaling sasakyan. Ang sasakyan ay pagmamay-ari ni Hyeong-jun. Si Hyeong-jun ay isang mayamang lalaki na may itsura at pinagkakaguluhan ng mga babae pero ni isa sa kanila ay hindi niya inilabas o niligawan. Nang nagtagpo ang landas nila ni Ha-yeong, ginawa niya itong alila niya hanggang sa mabayaran ni Ha-yeong ang nasira sa kanyang sasakyan. Lumipas ang isang daang araw at nabayaran ni Ha-yeong ang utang niya kay Hyeong-jun ngunit si Hyeong-jun ay minahal na si Ha-yeong. Ng makita ng nanay ni Ha-yeong na hinalikan ni Hyeong-jun ang kanyang anak ay nag-usap sila nito. Sinabi ng ina ni Ha-yeong na tigilan na ni Hyeong-jun ang kanyang anak. Yun nga ang ginawa ni Hyeong-jun, nilayuan niya si Ha-yeong ngunit binantayan niya pa rin ito hanggang sa mag-kolehiyo ang dalaga. Pinakiusapan ni Hyeong-jun ang kanyang kaibigang babae na tulungan si Ha-yeong na makapasa sa isang unibersidad at nakapasa nga ito. Pinlano ni Hyeong-jun ang lahat. Pinakiusapan niya ang may-ari ng unibersidad, na siya niyang ama, na wag isama ang pangngalan ni Ha-yeong sa listahan ng mga nakapasa para siya mismo ang mag-abot sa dalaga ng magandang balita. Yun nga ang nangyari, nakipagkita ulit siya kay Ha-yeong sa tulong na rin ng kaibigan niyang babae. SIla ay naging mag-asawa at namuhay ng masaya. Panunuri sa Aspektong Teknikal ng Pelikula 1. Iskrip Ang iskrip ng pelikula ay naayon lamang sa tema ng kwentong “slave love”. Naaayon ang paggamit ng mga salitang “master” at “prick” para sa dalawang pangunahing karakter. Ngunit ang paggamit ng ilang salita ay di naayon para sa ibang mga manunuod lalo na sa bata. Dapat sana’y binawasan nila ang paggamit ng mga masasamang salita dahil hindi ito magiging magandang halimbawa para sa kabataan. Mapapansin din na sa bawat pag-uusap ng bawat karakter ay maiintindihan ang bawat dayalogo dahil hindi ito gaanong kalalim at normal lamang sa pandinig ng tao ang mga salita. 2. Direksyon/ Direktor Mahusay si Shin Dong-Yeop bilang direktor ng nasabing pelikula. Nagawa ng mga artistang gampanan ang bawat karakter ng storya at ito ay patunay lamang na nagawa ni Shin Dong-Yeop na ipakita ang kanyang kakayahan bilang isang mahusay na director. Nagawa niyang ipakita ang panig ng dalawang pangunahing karakter simula noong nagkakilala sila hanggang sa iniwan ng lalaki ang dalaga. Nagawa rin niyang ipakita na akala ng dalaga ay iniwan na talaga siya ng lalaki. Mahusay ang pagkaka- gamit ng bawat karakter at ang daloy ng storya.

Upload: janinetot

Post on 07-Apr-2015

79 views

Category:

Documents


6 download

TRANSCRIPT

Page 1: 100 Days With Mr

100 Days with Mr. Arrogant

BUOD:

Si Ha-yeong, isang 4th year high school na estudyante, ay hiniwalayan ng kanyang kasintahan sa ika-isang daan nilang araw bilang sila. Dahil sa inis sa sarili, may nasipa siyang lata na tumama sa isang mamahaling sasakyan. Ang sasakyan ay pagmamay-ari ni Hyeong-jun. Si Hyeong-jun ay isang mayamang lalaki na may itsura at pinagkakaguluhan ng mga babae pero ni isa sa kanila ay hindi niya inilabas o niligawan. Nang nagtagpo ang landas nila ni Ha-yeong, ginawa niya itong alila niya hanggang sa mabayaran ni Ha-yeong ang nasira sa kanyang sasakyan. Lumipas ang isang daang araw at nabayaran ni Ha-yeong ang utang niya kay Hyeong-jun ngunit si Hyeong-jun ay minahal na si Ha-yeong. Ng makita ng nanay ni Ha-yeong na hinalikan ni Hyeong-jun ang kanyang anak ay nag-usap sila nito. Sinabi ng ina ni Ha-yeong na tigilan na ni Hyeong-jun ang kanyang anak. Yun nga ang ginawa ni Hyeong-jun, nilayuan niya si Ha-yeong ngunit binantayan niya pa rin ito hanggang sa mag-kolehiyo ang dalaga. Pinakiusapan ni Hyeong-jun ang kanyang kaibigang babae na tulungan si Ha-yeong na makapasa sa isang unibersidad at nakapasa nga ito. Pinlano ni Hyeong-jun ang lahat. Pinakiusapan niya ang may-ari ng unibersidad, na siya niyang ama, na wag isama ang pangngalan ni Ha-yeong sa listahan ng mga nakapasa para siya mismo ang mag-abot sa dalaga ng magandang balita. Yun nga ang nangyari, nakipagkita ulit siya kay Ha-yeong sa tulong na rin ng kaibigan niyang babae. SIla ay naging mag-asawa at namuhay ng masaya.

Panunuri sa Aspektong Teknikal ng Pelikula

1. IskripAng iskrip ng pelikula ay naayon lamang sa tema ng kwentong “slave love”.

Naaayon ang paggamit ng mga salitang “master” at “prick” para sa dalawang pangunahing karakter. Ngunit ang paggamit ng ilang salita ay di naayon para sa ibang mga manunuod lalo na sa bata. Dapat sana’y binawasan nila ang paggamit ng mga masasamang salita dahil hindi ito magiging magandang halimbawa para sa kabataan. Mapapansin din na sa bawat pag-uusap ng bawat karakter ay maiintindihan ang bawat dayalogo dahil hindi ito gaanong kalalim at normal lamang sa pandinig ng tao ang mga salita.

2. Direksyon/ DirektorMahusay si Shin Dong-Yeop bilang direktor ng nasabing pelikula. Nagawa ng

mga artistang gampanan ang bawat karakter ng storya at ito ay patunay lamang na nagawa ni Shin Dong-Yeop na ipakita ang kanyang kakayahan bilang isang mahusay na director. Nagawa niyang ipakita ang panig ng dalawang pangunahing karakter simula noong nagkakilala sila hanggang sa iniwan ng lalaki ang dalaga. Nagawa rin niyang ipakita na akala ng dalaga ay iniwan na talaga siya ng lalaki. Mahusay ang pagkaka- gamit ng bawat karakter at ang daloy ng storya.

3. Sinematograpiya Hindi gaanong kaganda ang ginawa ni Hwang Cheol-hyeon sa sinematograpiya

ng pelikula. Sa isang eksena kung saan may nag-kokosyerto ay di gaanong nakita na tinawagan na pala ng pangunahing karakter na lalaki ang babae. Ang eksena ring inakala ng babae na pinalibutan at binaril ang kanyang bahay ay parang hindi ganoong makatotohanan.

4. Pagganap ng ArtistaAng pagganap ng pangunahing karakter lalo na si Ha Ji-won, na siyang gumanap

sa pangunahing babaeng karakter, ay napakagaling. Napakita niya sa pelikula ang isang tipikal na istudyante na nagmahal at nabigo ngunit nagsumikap ulit. Si Kim Jaewon naman na gumanap sa pangunahing karakter na lalaki ay nagpakita ng kahusayan sa pag-arte dahil nagawa niya ipakita na parang wala siyang pakialam sa babae. Ang pagpapalitan nila ng dayalogo ay sadyang mahusay.

5. Paglalapat ng tunogAng pagkakalapat ng tunog ay masasabi kong maayos ngunit di gaanong kahusay.

Maganda lang ang pagkakalapat ng tugtog noong ipinakita na naging alila si Ha-yeong ni Hyung-jun. Ngunit sa huli ay di ganoon kaganda ang tugtog siguro ay dahil na rin sa hindi ito naayon sa nangyayari.

Page 2: 100 Days With Mr

Proyekto sa Filipino IV

Panunuring Pampelikula(100 Days with Mr. Arrogant)

Submitted By:Christine Marie R. SolanoIV-Diamond

Submitted To: Ms. Mylene Ferreras

Filipino Teacher

Page 3: 100 Days With Mr