2 pmi defies ched on closure - isp.org.ph · kinumpirma rin ni mejia ang tatlong areas of concern...

16

Upload: others

Post on 29-Oct-2019

4 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard
Page 2: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

2 16-31 APR 2014

Patuloy ang enrolment sa PMI Colleges kahit ipinasara na ng CHED ang mga kurso dito sa Marine Transportation at Marine Engineering noong 2011.

Hayagan pa nga sa PMI Facebook na tumatanggap ito ng mag-aaral sa BSMT at BSMarE Junior 2, Senior 1 (May 19 to 24), Senior 2 & 3 (May 26 to 31) at Senior 4 (June 2 to 6).

Ito ay enrolment schedule lamang ng Maynila at Quezon City. Hindi kasali ang Bohol campus na kabuuang lawak ng PMI.

Sa pagsusuri ng MARITIMA, may legal na batayan naman ang kontrobersyal na tikas ng PMI.

According to the Information Division of the Court of Appeals, “... submitted for completion ang status ng case for annulment with injunction and TRO filed by PMI on October 4...” appealing CHED’s victory on May 24, 2013.

In short, maghihintay pa ang Division Clerk of Court na makumpleto ang mga papeles (pleadings, annexes, etc) ng PMI at CHED. Pag nabuo na, ipapadala ang mga ito sa ponente o Justice na susulat ng desisyon ng hukuman. Ito ang status na “submitted for decision.”

Ipinagpaliban ng European Union ang hatol kung ipagbabawal ang mga marinong Pinoy sa mga European-flagged vessels. Ito ay batay sa tatlong (3) pagsusuri o audit ng EMSA (European Maritime Safety Agency) dito mismo sa Pilipinas.

Ayon kay MARINA Administrator Max Mejia, Jr., dapat ay nuong April 24 pa lumabas ang report ng EMSA at sa Hunyo ang pinal na desisyon ng European Commission.

Dahil umano sa mga pagbabagong ipinatutupad ng bansa para matugunan ang standards ng STCW Convention, as amended, sa halip ay itinakda ang final audit ng EMSA sa darating na Setyembre o Oktubre.

Kaya inaasahan ang final decision sa December or first quarter ng 2015.

Ito ang ipinarating ni Mejia sa mga maritime stakeholders na dumalo sa industry summit organisado ng Angkla Partylist noong April 24 sa AIM Conference Center, Makati.

4. BIT International College (formerly Bohol Institute of Technology), Tagbilaran, Bohol (BSMarE)

5. Concord Technical Institute, San Nicolas, Cebu City (BSMT/BSMarE)

6. Salazar Colleges of Science and Institute of Technology, Cebu City (BSMarE)

7. Agusan Institute of Technology, Butuan City (BSMT)

8. Surigao Education Center, Surigao City (BSMarE)

Diin ng MARINA, “... a BSMT or BSMarE degree from a phased-out program will NOT entitle a graduate/candidate to apply for the licensure and CoC examination...” per RA 8544 via PRC or MARINA.”

Sila ay napatunayang hindi kwalipikado sa standards para mag-offer ng maritime degree programs. Nag-apela na sila sa MARINA at CHED subalit lahat ay denied.

Ang pagpapalabas ng MARINA ng updated list ay sang-ayon sa Sec. 4(c)(4)(vi) of RA 10635, batas na nagtalaga sa MARINA bilang Single Maritime Administration para STCW Convention, as amended.

Sa April 14 list pa rin ng MARINA, anim (6) na eskwelahan ang dinisesyunan na rin ng phase-out

Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard system (2) Monitoring and assessment (3) Kakulangan sa ilang maritime schools at training centers .

According to Mr. Mejia, dahil sa mga pagbabagong ipinatutupad at commitment ng gobyerno na maituwid ang mga negative findings, ipinagpaliban muna ang desisyon ng EU.

Of course, bibilang na naman ng buwan. And worst, pwedeng iakyat ng PMI o CHED ang anumang CA desisyon sa Korte Suprema. Uulitin na naman ang proseso ng batas gaya ng pinagdaanan sa RTC at CA.

Marami nga ang nababagabag na pati edukasyon ay biktima na rin ng salat na hustisya. Bagkus, madaling mag-ugat ang korupsyon kapag makupad ang pagresolba ng usapin.

MARINA WARNING.

Nagbabala ang Maritime Industry Authority laban sa walong (8) maritime schools na nasa MARINA blacklist.

Batay sa MARINA Status of Monitoring of Maritime Higher Education Institutions of 14 April 2014, phased out na ang BS Marine Transportation (BSMT) at BS Marine Engineering (BSMarE) degree ng mga sumusunod :

1. Fernandez College of Arts and Technology, Baliuag, Bulacan (BSMT)

2. Iloilo State College of Fisheries, B. Nuevo, Iloilo (BSMT)

3. University of Antique (formerly Polytechnic State College of Antique), Sibalom, Antique (BSMarE)

subalit pending pa ang final decision:

1. Philippine College of Science and Technology, Calasiao, Pangasinan (BSMT/BSMarE)

2. Pan Pacific University North Philippines (formerly Pangasinan College of Science and Technology), Urdaneta, Pangasinan (BSMT)

3. Central Luzon College of Technology, San Fernando, Pampanga (BSMT)

4. Jose C. Feliciano College Foundation, Mabalacat, Pampanga (BSMT)

5. Naval State University (formerly Naval Institute of Technology), Naval, Biliran (BSMT/BSMarE)

6. Misamis Institute of Technology, Ozamiz City (BSMT/BSMarE)

35 maritime schools ang na-monitor at hinihintay na lamang ang desisyon; habang 46 ang iinspeksyunin pa lang.

Target ng MARINA na maisapubliko ang Final White List ng mga maritime schools sa buong bansa sa January 2015.

PMI DEFIES CHED ON CLOSURE

PHL BINIGYAN PALUGIT NG EMSA

Maritime stakeholders at the Angkla summit.

Page 3: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

316-31 APR 2014

Ni-launch ng Tsuneishi Heavy Industries (Cebu) Inc. (THICI) noong April 23 ang pang-185 barkong ginawa nito mula nang magsimula ito ng operation noong 1994.

Ito ay ang SC-209 or M/V Emerald Star 82,000 toneladang bulk carrier. Kakargahan umano ito ng coal, nickel at iba pang mining products.

Ang M/V Emerald Star ay isa sa 11 barkong nai-book na order ng isang Japanese businessman para sa taong 2014-2016. Ide-deliver ito sa may-ari ngayong Hulyo.Kasama sa mga panauhin sa launching ceremony noong April 23 si Gov. Hilario Davide III.

Mula nitong Marso, 21 barko na ang nai-deliver ng Tsuneishi at 21 ang order na barko sa loob ng taong ito.

Para palakasin ang shipbuilding industry ng bansa, nagbukas din ng Tsuneishi Shipbuilding Academy sa loob ng shipyard facility. May 29 na empleyado nito ang sumasailalim ngayon sa tatlong buwang training sa shipbuilding at related processes.

Pinalawak ang pagpanday ng IRR o Implementing Rules and Regulations ng RA 10635, kasali na ngayon ang pamayanan at mga maritime stakeholders.

Kapag napagkasunduan agad ang mga detalye, maaaring ilakip ng Pangulong Aquino ang patungkol dito sa kanyang SONA o State of the Nation Address sa darating na Hulyo.

Ang RA 10635 ay pinirmahan ni Pangulong Aquino noong March 13. Tinuturing na ang pagsasabatas ng MARINA Single Maritime Administration (batay sa RA10635) ang isa sa mga mahahalagang ikinonsidera ng EMSA para bigyan ng palugit o reprieve ang Pilipinas.

Sa pagpupulong na may temang “Maritime Philippines in Motion,” hinikayat ni ANGKLA Partylist Representative Jesulito A. Manalo ang mga stakeholders na tumulong sa pagbabalangkas ng IRR ng naturang batas.

Gayundin, sa pagbuo at pagpapatupad ng roadmap para sa pagsulong ng industriya maritima.

Tiniyak ni Manalo na masusundan pa ang mga dialogues niya sa mga industry stakeholders.

Nagpadala ng mensahe ang DOTC Secretary na ipinahayag ni U/Sec Jose Perpetuo Lotilla, Legal and Procurement. Gayun din naman ang Foreign Affairs Secretary na binasa ni A/Sec Maria Zenaida Angara-Collinson, European Affairs.

A draft of the proposed IRR was presented by Atty. Jay Batongbacal, Assistant Professor and Director ng Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea (UP-IMLOS).

An open forum followed, facilitated by Prof. Fernando Y. Roxas (DBA-AIM), assisted by Capt. Ronald SJ Enrile (Vice-Chair, Angkla Partylist).

MARINA LAW IRR SA SONA

185th BARKO NG TSUNEISHI

Page 4: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

4 16-31 APR 2014

Paano naman ang mga kabataang nasa balag ng alanganin? Ang mga magulang na nagkukumahog sa paghahanapbuhay?

Ganito rin ang posibleng kahinantnan ng kaso ng ibang mga maritime schools na hinatulan at hahatulan pa ng closure orders.

Kung baga hangga’t pending for final decision, pwede pa silang kumuha ng kanilang mga mag-aaral. Technically.

Ang mga partido na nagtutunggali (EMSA, CHED, PMI, etc) ay nagwawagayway ng kani-kanilang bandera kung bakit sila tama. Kung bakit mahalaga ang kanilang reporma at alituntunin.

Paano naman ang kabataan? Lahat kayo tama. Pero ang kabataan ang tinatamaan.

October 2011 pa ang closure order ng Commission on Higher Education sa BSMT at BSMarE programs ng PMI Manila at Quezon City.

Ito ay dahil sa nakitang mga deficiencies ng European Maritime Safety Agency (EMSA) na sinang-ayunan naman ng CHED.

Subalit hanggang ngayon ay patuloy ang kanilang pagtanggap ng mga estudyante para sa naturang mga kurso. Umapela sa Court of Appeals ang PMI.

At dahil mabagal ang hustisya sa Pilipinas, wala pang desisyon. At inaasahang tatagal pa dahil maaaring iakyat ang kaso sa Korte Suprema.

Due process daw ito para sa sinomang inaakusahan gaya ng PMI na isa sa pinakaunang maritime school sa bansa. At legacy ng kilalang pamilya sa industriya.

Sa panig naman ng gobyerno, ito ay sang-ayon sa Constitutional mandate para sa karapatan sa kalidad ng edukasyon. Publisher

EDITORIAL

Marino WorldWriter’s Pool

EDITORIAL BOARD

Adm. Wilfredo Tamayo, PCG (Ret.)Capt. Rodolfo Estampador

Commo. Dante Jimenez, PCGACapt. Jaime QuinonesEngr. Sammuel Lim

Guest Columnists

JHON HENSON ONGLayout

ROYETTE DE PAZPhotography

LYN BACANIPublisher

BAYANI LAGACEditorial Consultant

1732 Modesto St. Malate, Manila521-3633; 785-1129; 0916-630-7080

[email protected] Page: @maritimanews

Published twice a month by: Bacani & Associates

Media Services Co. (BASMS)

SA KINABUKASAN

Page 5: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

516-31 APR 2014

Kamakailan, nalagay sa alanganin ang buhay ng 20 Pinoy seamen nang abutan ng 8.2 magnitude na lindol sa Chile, South America.

Nagbababa at nagkakarga ng mga kargamento ang mga seamen nang mangyari ang insidente.

SI Capt. John Francis Rubio, kausap pa ang kanyang asawa sa skype nang biglang yanigin ang kanilang barko.

Athens, Greece - Nagprotesta ang mga mangggawa ng maritime sector sa Greece. Sumama sa 24-oras na general strike ang tatlong major unions: National Federation of Maritime Workers, General Confederation of Greek Workers at Panhellenic Seamen’s Union.

Dahil dito, naparalisa ang operasyon ng mga ferries noong April 9th, round-the-clock welga ng mga maritime workers

Nasabat at nakumpiska ang 132 kilo ng heroin sa isang Canadian-flagged vessel sa Indian Ocean.

Gamit ang HMCS Regina, ni-raid ng Canadian Navy ang sailboat sa east coast ng Africa noong March 31. Ang barko ay kontribusyon ng Canada sa multinational maritime security at counter-terrorism operations sa Red Sea, Gulf of Aden, Indian Ocean at Gulf of Oman.

Sa kabuuan, umaabot na sa 8.5 t onelada ng narcotics ang nasabat sa operasyon. May 150 tropa ng iba’t ibang bansa ang bumubuo ng task force na pangontra sa talamak na kriminalidad sa naturang apat na malalawak na karagatan.

Hiniling ng European Commission na pahabain ang validity period ng multiple-entry visa ng mga seafarers sa Schengen.

Aalisin nito ang administrative burdens dahil iiksi ang panahon ng pagpoproseso ng applications at hindi na kailangan ang personal appearance.

Ang proposal ng EC ay suportado ng European Community Shipowners’ Associations

Si Rubio at iba nitong mga kasamahang Pinoy ang crew ng 18,000 toneladang bulk carrier MV Fortune Bay.

Nagka-trauma ang mga seamen; hindi nakakatulog dahil sa madalas ibabala ng Chilean authorities ang mga tsunami.

Naiwan pa nga ng M/V Fortune Bay si Joseph de Leon, third engineer na nasa labas ng pantalan nang magkalindol. Subalit kalaunan, ligtas na nakasakay din sa tulong ng kanyang agent.

Kinondena ng mga raliyista ang polisiya ng gobyerno sa kanilang sektor.

Demand ng mga welgista ang withdrawal ng Omnibus Bill tungkol sa napagkasunduan ng gobyerno at troika ng IMF, EU at ECB. Sigaw din nila ang pagkansela sa mga batas maritime work at ang pagpapawalang-bisa sa bill on tourism ships.

at Cruise Line International Association.

Malaki itong ginahawa umano para sa proseso ng embarkation at disembarkation ng kanilang mga seafarers.

Ang proposed revisions sa EU visa ay magbibigay naman ng katiyakan sa mga shipping companies sa pagsasapinal ng work contracts ng mga seaman na kadalasan ay apat hanggang siyam na buwan ang pagsakay o kontrata.

GREEK SEAMEN ASAR SA GOBYERNO

SEAMEN NANGANIB SA YANIG EU VISA

EXTENSION

HEROIN SA INDIAN OCEAN

521-3633 / 785-1130 [email protected]

www.marinoworld.netNEW WEBSITE!

Page 6: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

6 16-31 APR 2014

1. Maritime Education

The first nautical school in Asia was established in the Philippines in 1820.

Our country has 93 institutions offering maritime courses; centers offering maritime training courses, responsive to the law of supply and demand. These render difficulties for government agencies: to supervise or monitor the maritime institutions (shortfall of which) may lead to a decline in quality.

Maritime Institutions could not remain as a mere provider for education and training. No one should exist in isolation; must be inter-dependent with the environment.

Without self-discipline, attentive and conscientious for long periods at sea all the technology known to man will not prevent casualties and losses from happening. With the cadets as crew, they learn the profession.

Observation

1. Hundreds of hundreds of students who completed the 3 years theory in BSMT/BSMarE lack the opportunity to undergo the shipboard training, a requirement to graduate and quality for the Licensure Examinations. Thus resulting to the shortage of qualified and competent merchant marine officers.

Conclusion

The Constitution provides that the government must provide good and proper education to the Filipino people, therefore;

A training ship is a must for every institution to acquire. Government has to provide financial assistance or subsidy in the most affordable terms.

The training ship has been part of the Maritime Education infrastructure; thousands of Deck and Engine officers have been trained and educated on board ship. This should remain unchanged.

The training ship exercise is holistic: the technical focuses on the bridge watch standing, navigation, safety of life and property at sea, ship’s operations andmaintenance; the human aspect focuses on self-discipline, to live and work as part of a team in a confined shipboard environment in preparation for the techno ships of the future.

1. To develop quality maritime education, privately-owned schools must acquire training ships as an infrastructure (either by soft loan or on government subsidy).

2. Education implies guidance to develop a person in full capacity and intelligence. Discipline and the conscious time of learning need to be properly addressed.

The training ship or seagoing experience, bridges the theoretical and practical side of education in the practice of the marine profession, providing a well equipped maritime graduate.

________

In coming second and final abstract, Capt. Estampador will analyze laws and implications.

SEAFARING, THE COORDINATESA two-part abstract on Seafaring in the Philippines

By Capt. Rodolfo Estampador - Chairman, Conference of Maritime Manning Agencies

Page 7: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

716-31 APR 2014

Page 8: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

8 16-31 APR 2014

Page 9: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

916-31 APR 2014

Page 10: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

10 16-31 APR 2014

GOVERNMENT

Notice is hereby given, pursuant to MARINA CIRCULAR (MC) No. 2012-03 on the REVISED RULES IN THE CONDUCT OF EXAMINATION ISSUANCE OF CERTIFICATE OF MARINE PROFESSION (CMP) AND LICENSE TO SEAFARERS ONBOARD DOMESTIC SHIPS BELOW 500 GT OR WITH ENGINE PROPULSION POWER OF BELOW 750 kW, of the herein schedule of MAP/MIP/BC/MDM and Motorman examinations to be conducted simultaneously in the MARINA Central Office and MARINA Regional Offices (MRO’s) for the year 2014.

January 29, February 26, March 26, April 30, May 28, June 25, July 30, August 27, September 24, October 27, November 26 and December 17.

Cut-off for the filing of application shall be two (2) days before the examinations. Applicants may secure application form from the MARINA Central Office or in any of its ten (10) Regional Offices, the address and contact details of which can be found in the MARINA directory at www.marina.gov.ph.

For further inquiries: Manpower Development Services, MARINA, 524-6517.

Senator Gregorio “Gringo” Honasan was formally expelled from PGBI, a Guardians Brotherhood national body.

This was announced by lawyer Rex Alvin Bilagot, PGBI President and national chairman. He claims this is a verdict from a recent PGBI convention in Cebu City.

Honasan countered the Bilagot group is also expelled from a new grouping named Pangkat Guardians. It is rumored, however, Pangkat is another sub-group of Magdalo organization.

Guardians is the motherload of votes for Mr. Honasan since 1995. The group originated frpm “Diablo Squad” of 1976.

Guardians, RAM and Magdalo are groupings basically of rightist advocates enamoured with military thinking and culture. There have been merging and counter-plots among themselves.

But leadership has been a preserve of senior military officers towing the Philippine Military Academy (PMA) traditions and discipline.

Thus far, RAM is lead by B/Gen Danilo Lim; Magdalo by Senator Trillianes; and Guardians by Senator Honasan until this coup d’etat by a civilian leadership.

Naglabas ang Department of Health ng advisory ukol MERSCoV (Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus).

Tumataas ang bilang ng mga OFWs lalo na sa Saudi Arabia na tinatamaan ng naturang sakit. Sa kasaysayan, 12 bansa na ang naitalang nagkaroon ng MERS-CoV; mostly sa Middle East.

Narito ang mahahalagang impormasyon sa MERS-CoV:

• Ito ay sakit sa baga na sanhi ng corona virus, iniuugnay sa kamelyo at paniki.

• Ang mga sintomas ay lagnat, ubo, hirap sa paghinga at pagtatae. Kung mahina ang resistensya, maaaring magkasakit sa bato. May mga positibong kaso ng MERS-CoV na hingi nakitaan ng sintomas.

• Naisasalin ang sakit sa mga taong nagkaroon ng “close contact” sa positibong pasyente tulad ng health workers, kamag-anak at iba pa. Kung may mga sintomas at nagkaroon ng close contact sa pasyente sa loob ng 14 na araw, agad na komunsulta sa doktor.

• Para maiwasan, maghugas ng kamay sa tamang paraan. Takpan ang ilong at bibig sa pagbahing at pag-ubo gamit ang panyo o tissue. Palakasin ang resistensya. Matulog ng hanggang walong oras, uminom ng maraming tubig, mag-ehersisyo at kumain ng masustansyang pagkain.

• Malalaman kung apektado ng sakit sa pamamagitan ng laboratory test (polymerase chain reaction o PCR). Mayroon ito sa mga apektadong bansa at sa Research Institute for Tropical Medicine sa Pilipinas.

Notice is hereby given, pursuant to MARINA CIRCULAR (MC) No. 2012-03 on the REVISED RULES IN THE CONDUCT OF EXAMINATION ISSUANCE OF CERTIFICATE OF MARINE PROFESSION (CMP) AND LICENSE TO SEAFARERS ONBOARD DOMESTIC SHIPS BELOW 500 GT OR WITH ENGINE PROPULSION POWER OF BELOW 750 kW, of the herein schedule of MAP/MIP/BC/MDM and Motorman examinations to be conducted simultaneously in the MARINA Central Office and MARINA Regional Offices (MRO’s) for the year 2014.

January 29, February 26, March 26, April 30, May 28, June 25, July 30, August 27, September 24, October 27, November 26 and December 17.

Cut-off for the filing of application shall be two (2) days before the examinations. Applicants may secure application form from the MARINA Central Office or in any of its ten (10) Regional Offices, the address and contact details of which can be found in the MARINA directory at www.marina.gov.ph.

For further inquiries: Manpower Development Services, MARINA, 524-6517.

PAALALA NG DOH SA MERSCoV

2 PCG SAR SOON

EXAMINATIONS FOR MAJOR PATRON, MINOR PATRON, BOAT CAPTAIN, MARINE DIESEL MECHANIC AND MOTORMAN

HONASAN BOOTED OUT

Page 11: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard
Page 12: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

12 16-31 APR 2014

INABANDONA DAHIL LUGI

DETAINED DAHIL SA MLC

Mahigit 600 ang nagtapos sa Mariner’s Polytechnic College sa campus nito sa Legazpi City, Albay.

Si Ms. Riina Vaher, company representative ng Marlow Navigation Training Center ang guest of honor at speaker sa 28th Ring Hop and Commencement Exercises ng Batch Matikas, Class of 2014 na ginawa sa JC Jimenez Multi-Purpose Gymnasium noong April 11.

Ang Marlow Navigation ang isa sa dumaraming shipping companies ngayon na kumukuha ng mga kadete mula sa MPCF.

Sabi ni Vaher sa kanyang talumpati, nasa kritikal na panahon ngayon ang Pilipinas dahil sa isyu ng EMSA threat. Kasabay nito ay hinamon niya ang mga graduates na lalong patunayan ang kanilang husay para magtagumpay sa seafaring profession.

“You must also feel the responsibility towards the nation and industry and the start point to fulfill this responsibility is to become management level officer, Master Mariner or Chief Engineer - this is what we expect from you, to exhaust your resources fully and reach to the top levels of your profession,” sabi ni Vaher.

Umabot na sa 159 ang inabandonang barko na karaniwang sanhi ng pagkalugi ng shipownes. Ayon ito sa database ng International Labor Organization (ILO), mula 2006 hanggang March 2014.

Kabilang daw rito ang mga kasong hindi pa nereresolba. Marami sa mga seaman ang hindi pinasweldo, kapos sa pagkain at gamot at hindi makauwi sa kanilang bansa.

Ang abandonment of seafarers ay tinalakay sa katatapos

Sa unang buwan pa lang ng implementasyon ng Maritime Labor Convention (MLC) 2006, pitong barko na ang naditene dahil sa mga nakitang paglabag.

Sa record ng Paris MoU, ang mga barko ay nasa ilalim ng bandila ng Cyprus (dalawa), Liberia, the Netherlands, Panama (dalawa) at Tanzania.

Sabi ni Paris MoU Secretary General Richard Schiferi, malinaw na interesado ang mga nasa shipping industry sa resulta ng mga MLC inspections.

Diin pa ni Schiferi, “Even if the flag the ship is sailing under doesn’t sign up to the new international requirements, it doesn’t make any difference – you still have to comply.”

Kabilang sa mga nangungunang usapin ang oras ng trabaho at pahinga. Dati rati ang restrictions ay para lamang sa mga watchkeeping personnel. Subalit sa MLC, ang documentation ay para sa lahat ng mga seaman onboard.

Nag-draft ng MLC guidelines para sa port state control officers ang Paris MoU at nag-organisa rin ng mga seminars para dito.

Kabilang sa 27 miyembro ng Paris MoU ang Belgium, Bulgaria, Canada, Croatia, Cyprus, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Iceland, Ireland, Italy, Latvia, Lithuania, Malta, the Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Romania, the Russian Federation, Slovenia, Spain, Sweden at United Kingdom.

lang na meeting ng Special Tripartite Committee ng ILO Maritime Labour Convention 2006. Gayundin ang mabilis na settlement ng death at disability claims ng mga marino.

Hiniling ang pagbibigay ng financial security para sa karagdagang proteksyon ng mga seaman.

Mahigit 300 maritime representatives mula sa buong rehiyon ng mundo ang dumalo sa ILO meeting.

MPCF-LEGAZPI GRADUATION

A token of appreciation for Ms. Riina Vaher from MPCF officials led by Commo. Dante La Jimenez, PCGA.

Marlow Navigation officials Ms. Riina Vaher and Capt. Rolando Ormas with their sponsored MPCF cadets.

Page 13: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

1316-31 APR 2014

FOR SALEP1.4M

18 sqm. commercial spaceOne Metro Residences

Mid-rise residential/commercial building near Philtranco, EDSA,

Pasay City

FOR RENTP18,000/month

Condo UnitThe Grand Tower

Near De La Salle UniversityManila

Call / Text:785-1130

0906-5160940

Lunes, April 28 ang unang araw ng pagbabalik ng ferry service sa Pasig River. Pero mula alas 7:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali lang.

Half day lang ayon sa Metropolitan Manila Development Authority. ito ay dahil sa pagbisita sa bansa ni U.S. President Barack Obama.

Full-day operations na sa Martes, April 29, mula 7:00 a.m. to 6:00 p.m.

Ang mga ruta ay sa pagitan ng Pinagbuhatan, Pasig City at Guadalupe station sa Makati at Guadalupe station at Polytechnic University of the Philippines.

Libre ang sakay sa unang lingo. Simula May 5, bayad na mula P25 hanggang P50, depende sa ruta.

Mga 20 kabataang biktima ng super typhoon Yolanda ang sasanayin at bibigyang hanapbuhay ng Klaveness Maritime Agency (KMA).

Bahagi ito ng corporate social responsibility ng Klaveness na nagdiwang ng kanilang 36th Anniversary noong March.

Isasagawa ang training sa Zamboanga del Sur Maritime Institute sa Pagadian City mula April 27 hanggang May 30.

Ang mga napiling kadete ay galing Cebu, Tacloban, Negros at Panay island. Sila ay mula sa mahihirap na pamilya, nakapag-aral ng tatlong taon sa maritime school at masigasig na makapagtrabaho.

Maging ang mga magulang ay dumaan din sa orientation para lubusang unawain ang pagdaraanang training ng kanilang mga anak sa loob ng dalawang buwan.

Tiniyak ng management ng KMA ang agarang employment ng mga kadete sa kanilang mga barko.

HALF-DAY DAHIL KAY OBAMA

TRABAHO PARA SA BIKTIMA NI

YOLANDA

Page 14: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

14 16-31 APR 2014

Ginigimik na naman ang bisikleta sa EDSA, nilalagyan pa ng sabitan sa pader. At guhit ng guhit ng bicycle lanes between zipping cabs and zapping buses.

Tawag nga daw duon, Kamikaze Lanes or Suicide Tract either by collusion or pollution.

Baka naman gaya-gaya lang tayo sa ibang bansa. Tulad ng Madrid na pinatatalbugan ang Barcelona. Maglalagay si Mayora Ana Botella ng mga 1,500 electric bicycles na rental para sa publiko.

Tatawagin itong “BiciMad,” gaya ng “Velibs” ng Paris and “Boris bikes” ng London. Ang Madrid project costs some EU$35-million with 120 terminals and 300 kilometers of bike lanes. 70 more kilometers may be added later.

AFVS NI BAM.

Isinampa naman ni Senador Bam Aquino and SB2150 at SB2151 “… to grant initiatives to manufacturers and buyers of electric, hybrid and alternative vehicles or AFVs.”

By 2021, AFVs and batteries thereto are projected to reach 5.4 million units, about 6% of the automotive market.

E-TRIKES.

Sa ngayon, meron namang funding galing sa Asian Development Bank padadaanin sa Dept. of Energy para palitan ang 100,000 Metro Manila tricycles with e-trikes by 2017.

Inaasam naman ng ating Electric Vehicle Association na makabenta ng one million e-trikes by 2020. Malinaw ang kanilang vision dito, 20-20.

E-JEEPS.

Samantalang, 30 e-jeepneys will be launched by GET (Global Electric Transportation) under the COMET project (City Optimized Managed Electric Transport).

COMET will initially replace jeepneys on the SM North-Monumento route.

It is the whole Metro Manila in three to five years, says GET President Sigfrido R. Tinga.

Pangea Motors of Vancouver, Canada, is the exclusive provider and distributor. GET-Philippines is the local manager of the fleet and cashless fare system, vehicle assembly and passenger analytics.

Sa Ikauunlad ng BayanBISIKLETA ANG KAILANGAN

FEATURE

Page 15: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard

1516-31 APR 2014

LIFESTYLEPROUD LOLA MINDA

KELAN SA BINONDO?

MARITIME BREAKPARTS OF THE SHIP

ACROSS 1. Tholes 2. Umbrella 3. Hoods 4. Nosing 5. ZephyrDOWN 1. Torque 2. Shoal 3. Bonnet 4. Galley 5. Shipshape

*SAGOT SA NAKARAAN:

Sa San Francisco, cute pa rin ang locomotives kahit ito ay sagabal sa mabilisang traffic.

Tuloy pa rin ang Mardi Gras sa New Orleans kahit ito ay may kaguluhan.

Sa New York, nagkapalitan ng salita sa anunsyo ni Mayor Bill de Blasio.

Gusto niyang tanggalin ang mga karwahe na paikut-ikot pa rin sa Central Park. Ito ay gusto nyang palitan ng electric cars. Patuloy ang debate.

Sa Binondo, patuloy ang paghahari ng mga karitela kahit anong sikip ng mga daan dito.

Kelan kaya ito magbabago (kagaya ng phaseout ng jeepneys 50 years ago)?

Very proud of her apos Damian Alessandro and Shanaia Jenina. Pareho silang outstanding sa kanilang mga klase at nakakuha ng mga awards. Manang mana raw sa lola.

Mrs. Minda Ordonez Gomez of Seamen’s Wives Association

of the Philippines (SWAPI) Foundation

Page 16: 2 PMI DEFIES CHED ON CLOSURE - isp.org.ph · Kinumpirma rin ni Mejia ang tatlong areas of concern ng EMSA sa audit nito noong Oktubre ng nakaraang taon: (1) Kahinaan sa quality standard