epiko

Post on 28-Jun-2015

2.386 Views

Category:

Documents

70 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Indrapatra at Sulayman

Noong unang panahon, ang Mindanao pinapalibutan ng tubig

Walang ibang makikita kung hindi mga tuktok ng bundok

Masaganang namumuhay ang mga tao, ng biglang may lumabas ng mga halimaw

Indrapatra at Sulayman

Kurita◦ Isang halimaw na may maraming mga paa.

◦ Nakatira sa lupa at sa tubig

◦ Paborito ang mga bundok na may maraming rattan

Indrapatra at Sulayman

Tarabusan◦ Isang halimaw na may anyong tao

◦ Nakatira sa Bundok Matutum

Indrapatra at Sulayman Pah

Isang dambuhalang ibon. Hinaharangan nito ang sikat ng araw upang mag dala ng kadiliman

Ang itlog nito ay kasing laki ng isang bahay. Nakatira ito sa Bundok Bita

◦ Ang huling halimaw ay isa ring ibon na may pitong ulo.

◦ Kaya nitong tumingin sa lahat ng direction nang sabay-sabay.

◦ Nakatira ito sa Bundok Gurayan

Indrapatra at Sulayman Nabalitaan ni Rajah Indrapatra ang tungkol

sa mga halimaw at sa paghasik ng mga ito ng lagim.

Pinatawag niya ang kanyang kapatid na si Sulayman upang ipapatay ang mga halimaw

Binigyan ni Indrapatra si Sulayman ng isang espada at isang singsing.

Nagtanim si Indrapatra ng maliit na halaman.

Sinabing niya na mabubuhay lamang ang halaman na iyon kung buhay pa si Sulayman

Mamatay ito kung namatay si Sulayman

Indrapatra at Sulayman

Pumunta si Sulayman sa Mindanao

Una niyang nakaharap ang Kurita.

Kinagat ng Kurita si Sulayman, ngunit ito ay natalo pa rin ni Sulayman.

Mas tumapang si Sulayman at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay

Indrapatra at Sulayman

Nakarating siya ng Bundok Matutum at nakaharap niya ang Tarabusan

Naging matagal ang kanilang paglalaban kaya napagod ang Tarabusan.

Hinimatay ito at pinatay ni Sulayman

Indrapatra at Sulayman

Sunod na pumunta si Sulayman sa Bundok Bita. Biglang dumilim ang paligid.

Nakita nitong lumilipad ang Pah, kaya sinaksak niya ito ng kanyang espada

Napatay niya ang halimaw, ngunit nadaganan siya ng pakpak ng Pah at namatay

Indrapatra at Sulayman

Nakita ni Indrapatra na namamatay ang halaman, kaya pumunta rin siya sa Mindanao

Nakita niya ang mga buto ng mga halimaw, at nakita niyang patay na ang kanyang kapatid

May nakita siyang isang lalagyan na may tubig sa loob, at alam niyang galing ito sa langit.

Indrapatra at Sulayman

Ibinuhos niya ang tubig kay Sulayman, at muli siyang nabuhay.

Umuwi si Sulayman, at si Indrapatra na ang nagpatuloy ng kanyang paglalakbay

Pinatay ni Indrapatra ang huling halimaw

Indrapatra at Sulayman

May nakita si Indrapatra na babae. Hinabol niya ang babae ngunit pumasok ito sa loob ng kuweba

May matandang babae na lumapit sa kanya at sinabing nakatira sa ilalim ng lupa ang mga tao

Indrapatra at Sulayman

Kinuwento ni Indrapatra sa mga tao ang nangyari sa mga halimaw.

Natuwa ang pinuno ng tribo kaya pinakasal niya ang kanyang anak na babae kay Indrapatra

Indrapatra at Sulayman

Bantugan

Si Prinsepe Bantugan ay may kapatid na si Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran

Ang hari ang inggit na inggit sa kanyang kapatid dahil sa kanyang lakas at dahil maraming mga babae ang nagkakagusto sa kanya

Ipinagbawal niya ang pakikipag-usap kay Bantugan. Ang sinumang hindi sumunod dito ay mapaparusahan ng kamatayan

Bantugan

Dahil dito, umalis si Bantugan sa kanilang bayan.

Dahil sa pagod at matinding gutom, si Bantugan ay namatay sa harap ng pintuan ng kaharian ng lupain sa pagitan ng dalawang dagat

Bantugan

Napagpuan siya ni Prinsipe Datimbang. Hidni nila alam ang gagawin sapagkat hindi nila kilala si Bantugan.

May dumating na isang loro at sinabing galing si Bantugan sa kaharian ng Bagumbaran

Bumalik ang loro sa Bagumbaran upang ibalita ang pagkamatay ni Bantugan

Bantugan

Lumipad si Hari Madali sa langit upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsepe Bantugan

Dinala ni Hari Datimbang ang bangkay ni Bantugan pabalik ng Bagumbaran

Bumalik si Hari Madali at ibinalik niya ang kaluluwa ni Bantugan sa kanyang katawan

Bantugan

Nabalitaan ni Hari Miskoyaw ang kamatayan ni Bantugan, kaya sumugod ito sa Bagumbaran

Natalo ni Bantugan ang puwersa ni Miskoyaw, at ang lahat ay nagdiwang.

Bantugan

Bidasari

Sa kaharian ng kembayat ay may nakatirang isang garuda, isang dambuhalang ibon na kumakain ng mga tao.

Tuwing dumadating ang ibon, nagtatakbuhan ang mga tao at nagtatago sa mga kuweba.

Dahil sa takot, nagkahiwalay ang Sultan at Sulatana ng kembayat

Bidasari

Buntis noon ang sultana, at dahil sa takot, naipanganak niya ang anak niyang babae, at naiwan niya ito sa bangka sa tabi ng ilog

Napulot ang sanggol ni Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian.

Itinuring niyang tunay na anak ang sanggol at pinagalanan niya itong Bidasari.

Bidasari

Sa kaharian ng Indrapura ay naghahari si Sultan Mongindra na dalawang taon pa lang kasal kay Lila Sari

Si Lila Sari ay selosa, at takot siyang iwan siya ng sultan, kaya pinasaliksik niya ang buong kaharian kung may mas maganda pa sakanya

Bidasari

Nakita ng tauhan ni Lila Sari si Bidasari, na higit na maganda sa sultana.

Inimbitahan ni Lila Sari na magtrabaho si Bidasari sa palasyo, ngunit pag dating doon, lihim ng ikinulong ng sultana si Bidasari at doon pinahirapan.

Bidasari

Nang hindi na makaya ni Bidasari ang pagpapahirap na ginagawa sa kanya, sinabi niya kay Lila Sari na kunin ang gintong isda mula sa halamanan ng kanyang ama.

Sa araw ay ginagawa itong kuwintas ni Lila Sari, at sa gabi ay ibabalik sa tubig. Kaya sa si nakaburol si Bidasari sa umaga, at muling nabubuhay sa gabi

Bidasari

Nag-alala ang ama ni Bidasari na baka tuluyan siyang mamatay. Nagpagawa siya ng isang palasyo sa gitna ng gubat at doon ipinatira ng mag-isa si Bidasari

Nakita ni Sultan Mongindra ang palasyo. Pumasok ito at nakita niyang nakahiga si Bidasari. Naghintay siya hanggang gabi at muling nabuhay si Bidasari.

Bidasari

Ikinuwento ni Bidasari sa Hari ang mga ginawa sa kanya ni Lila Sari

Nagali si Mongindra at hiniwalayan si Lila Sari, at agad na pinakasalan si Bidasari

Si Bidasari na ang bagong reyna

Bidasari

Samantalang mapayapa nang namumuhay ang mga tunay na magulang ni Bidasari, at sila ay nagkaroon ng isa pang anak na babae, si Sirapati

Pumunta ang isa sa mga anak ni Diyuhara sa kembayat at nakilala niya si Sirapati

Parehong-pareho sila ng itsura ni Bidasari

Bidasari

Sinabi ng anak ni Diyuhara ang tungkol sa kay Bidasari

Tinanong ni Sirapati sa mga magulang kung meron ba siyang nawawalang kapatid

Pumunta ang hari ng kembayat sa kaharian ng Indrapura

Bidasari

Nagpakilala ang hari ng kembayat bilang tunay na ama ni Bidasari

Nakilala ni Bidasari ang kanyang tunay na mga magulang. Nalaman ni Mongindra na ang kanyang pinakasalan ay isang tunay na prinsesa.

Bidasari

top related