kataga ng buhay

Post on 10-Jan-2016

51 Views

Category:

Documents

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

Kataga ng Buhay. Agosto 2009. “Inibig niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan,at inibig niya sila hanggang sa wakas.” (Jn 13, 1). Alam mo kung anong bahagi ito sa Ebanghelyo?. - PowerPoint PPT Presentation

TRANSCRIPT

KatagKataga a ngng

Buhay Buhay Agosto 2009Agosto 2009

“Inibig niya ang kanyang mga tagasunodna nasa sanlibutan,at

inibig niya sila hanggang sa wakas.” (Jn 13, 1)

Alam mo kung anong bahagi ito sa Ebanghelyo?

Nakasulat ito sa aklat ni San Juan

tungkol sa Huling Hapunan,

nang maghuhugas na si Jesus ng paa

ng Kanyang mga alagad at

naghahanda na Siya sa Oras ng

Paghihirap.

Noong mga huling sandali na inilaan ni Jesus para sa Kanyang mga tagasunod,

ganap Niyang ipinahayag sa

kanila ang Kanyang

pinakamataas na antas ng pag-ibig.

“Inibig niya ang kanyang mga tagasunodna nasa sanlibutan,at

inibig niya sila hanggang sa wakas.” (Jn 13, 1)

Ibig sabihin ng mga salitang “hanggang sa wakas” ay hanggang sa katapusan ng Kanyang buhay, hanggang sa Kanyang

huling hininga. Ngunit ibig sabihin din nito ay kaganapan, na ang pag-ibig Niya para sa kanila ay ganap, lubos, matindi at may

pinakamataas na antas.

Ang mga alagad ni Jesus ay mananatili sa mundo samantalang Siya ay aakyat sa

Kanyang kaluwalhatian. Mararamdaman nilang sila’y nag-iisa at maraming

pagsubok na haharapin. Dahil dito, nais tiyakin ni Jesus ang Kanyang pag-ibig

para sa kanila.

“Inibig niya ang kanyang mga tagasunodna nasa sanlibutan,at

inibig niya sila hanggang sa wakas.” (Jn 13, 1)

Hindi mo ba nakikita sa

katagang ito ang buong

buhay ni Jesus, ang Kanyang

paraan ng pagmamahal? Naghugas Siya

ng paa ng Kanyang mga alagad. Ang

Kanyang pag-ibig ang

nagtulak sa Kanya sa ganitong

mababang paglilingkod

na noong panahong iyon

ay nakalaan lang para sa mga alipin.

Sa kabila ng Kanyang mga di-pangkaraniwang pananalita,

milagro at iba pang ginawang mga bagay, naghahanda

ngayon si Jesus sa trahedya ng Kalbaryo, kung saan

ilalaan Niya ang Kanyang buhay para sa “kanyang mga tagasunod” at para sa lahat.

Alam Niya ang kanilang malaking

pangangailangan, ang mahigpit

na pangangailangan na makalaya sa kasalanan. Ibig sabihin nito ay makalaya sa

kamatayan, at makapasok muli sa kaharian ng

langit. Siya lamang ang

makakapagbigay ng kapayapaan at kaligayahan ng buhay na

walang hanggan.

Kaya’t inihandog ni Jesus ang sarili

hanggang kamatayan.

Napasigaw Siya nang maramdaman Niyang pinabayaan Siya ng Ama, ngunit

nasambit Niya sa katapusan,

“Naganap na.” Natapos na ang

lahat.

“Inibig niya ang kanyang mga tagasunodna nasa sanlibutan,at

inibig niya sila hanggang sa wakas.” (Jn 13, 1)

Sa mga salitang ito, makikita natin ang matibay na pag-ibig ng Diyos at ang maingat na pagmamahal ng isang

kapatid. Tayong mga Kristiyano, dahil nasa atin si Kristo, ay maaari ring

magmahal nang ganito.

Hindi ko sinasabing tularan si Jesus na mamatay din para sa iba tulad nang ginawa

Niya nang dumating ang sandaling iyon. Hindi ko rin ibinibigay na huwaran si Padre

Kolbe na nag-alay ng kanyang buhay para sa kapwa bilanggo. O kaya ay tulad ni Padre Damien na nahawa sa ketong ng kanyang

mga kasamahan at namatay para sa kanila, kasama nila.

Maaaring sa buong buhay mo ay hindi hihilingin sa iyo na mag-alay ng buhay para sa kapwa. Ngunit ang tiyak na hinihingi sa iyo ng Diyos ay mahalin mo sila “hanggang

sa wakas,” hanggang masambit mo, “Naganap na.”

Ito ang ginawa ng isang batang Italyana na si Lisa. Nakita niya na lubhang malungkot

ang kanyang kaklase at kaibigang si Georgina. Sinikap niyang aluin siya ngunit walang nangyari. Kaya’t inalam niya kung

bakit ganoon kalungkot ang kanyang kaibigan.

Nalaman niyang namatay ang ama ni Georgina, at iniwan siya ng nanay sa kanyang lola at

sumama sa ibang lalaki. Nang malaman ni Lisa ang trahedyang ito, nagpasya siyang kumilos.

Kahit bata pa si Lisa ay tinanong niya si Georgina kung maaari niyang makausap ang

kanyang ina. Ngunit nakiusap muna si Georgina na samahan siya sa puntod ng kanyang ama.

Buong pag-ibig niyang sinamahan siya. At narinig niya ang pag-iyak at pagsusumamo ni

Georgina sa ama na isama na rin siya sa kabilang buhay.

Parang nadudurog ang puso ni Lisa. Sa

malapit ay may isang maliit at sirang

simbahan kaya’t pumasok sila doon. Naroon pa rin ang

isang maliit na tabernakolo at isang krus. Sinabi ni Lisa, “Tingnan mo, lahat ng bagay sa mundo ay masisira, ngunit mananatili ang krus at ang Eukaristiya.” Pinahid ni Georgina ang kanyang luha at nagsabi, “Tama ka!”

At buong pagmamahal na inakay ni Lisa si

Georgina patungo sa kanyang ina.

Pagdating nila doon ay buong tapang na

nagsalita si Lisa, “Alam ko pong hindi ko ito

tungkulin, ngunit nais kong sabihin sa inyo na iniwan n’yo ang inyong anak at nawalan siya

ng pag-ibig ng isang ina na higit niyang

kinakailangan ngayon. Nais ko pong sabihin sa

inyo na hinding-hindi kayo matatahimik

hangga’t hindi nagsisisi at hindi ninyo

kinukuhang muli ang inyong anak para

manirahang kasama niya.”

Kinabukasan ay nagkita sila at sinikap muli ni Lisa na aluin si

Georgina. Ngunit may bagong

pangyayari ng araw na iyon:

isang kotse ang sumundo kay

Georgina pagkatapos ng

klase, nanay niya ang

nagmamaneho. Mula noon ay

laging sinusundo si Georgina dahil

kasama na niya sa bahay ang

kanyang ina at pinutol na rin niya

ang ugnayan sa lalaking

kinakasama.

Kung titingnan natin ang

maliit ngunit dakilang bagay na ginawa ni

Lisa, masasabi natin,

“Naganap na.” Ginawa

niyang mabuti ang lahat

“hanggang sa wakas”, at

nagtagumpay siya.

Isipin natin. Ilang beses tayong nagsimulang

tumulong sa kapwa ngunit pagkatapos ay itinigil natin at

nagbigay ng maraming dahilan upang patahimikan ang ating kalooban? Ilang beses tayong

masigasig na nagsimula

pagkatapos ay hindi nagpatuloy dahil sa mga pagsubok na palagay natin ay

higit sa ating kakayahan? Ang aral na ibinibigay sa atin

ni Jesus ay:

“Inibig niya ang kanyang mga tagasunodna nasa sanlibutan,at

inibig niya sila hanggang sa wakas.” (Jn 13, 1)

Umibig hanggang sa katapusan. At

kung isang araw ay tunay na

hihilingin ng Diyos ang

ating buhay, hindi tayo

mag-aatubili. Matutulad

tayo sa mga martir na umaawit habang

humaharap sa

kamatayan.

Ang gantimpala ay ang pinakadakilang

kaluwalhatian, dahil sinabi ni Jesus,

“Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang

buhay para sa kanyang mga kaibigan.”

“Inibig niya ang kanyang mga tagasunodna nasa sanlibutan, at

inibig niya sila hanggang sa wakas.” Jn 13, 1)

Sinulat ni Chiara Lubich

top related