ang serbisyo ng pambautismong tipan · within the community of faith.” 1 ang sanggol na...

24
ANG SERBISYO NG PAMBAUTISMONG TIPAN ISANG MANWAL Inihanda at pinagyaman ni REV. JERIC C. CORTADO

Upload: others

Post on 22-Feb-2020

17 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

ANG SERBISYO NG

PAMBAUTISMONG

TIPAN

ISANG MANWAL

Inihanda at pinagyaman ni

REV. JERIC C. CORTADO

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 2

MGA NILALAMAN

ISANG PALIWANAG 3 ANG BANAL NA BAUTISMO 7 ANG SERBISYO NG PAGKUKUMPIL 12 ANG MULING PAGPAPATATAG NG BAUTISMO 16 PAMBAUTISMONG TUGON 18 TABAS NG PUTING DAMIT SA SANGGOL 19 ALITUNTUNIN NG IGLESYA SA PAGPAPABINYAG 20 MGA PINAGBATAYAN 22

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 3

ISANG PALIWANAG

Ang Bautismo o Binyag ay popular sa atin na mga Pilipino, sa mga Katoliko, Protestante at Metodista. Subalit madalas ang sakramentong ito ay nagiging isang simpleng panlipunang kaganapan na lamang. Hindi na masyadong nabibigyan ng diin ang kahulugan at kahalagahan nito sa ating pananampalataya at pag-iral. Sa napapansin ko, mas nabibigyan pa ng diin ang bilang o dami ng ninong at ninang, ang bagong damit ni baby, at ang mabonggang ihahaing pagkain. Madalas na nangyayari na ang pagpapabinyag ay naging literal na lamang na pagpapatala sa record book ng Simbahan. Nagpapabautismo tayo para lamang makakuha ng Baptismal Certificate. Ilan lang kaya sa atin ang may pagkilala sa bautismo bilang isang pasimula ng bagong buhay kay Jesu-Cristo. ANG KAHULUGAN NG BAUTISMO Ang Bautismo o Binyag ay hango sa salitang Griyego na “baptizein”, na ang ibig sabihin ay iluglog o ilubog, hugasan o paliguan sa tubig. Para sa atin na mga Metodista, ang sakramento ng bautismo ay unang hakbang ng pagsapi sa iglesya. Sagisag ito ng bagong buhay at pangako sa nagliligtas na pag-ibig ng Diyos. Tanda ng pagpapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan. Ito ay nagpapahayag ng pagbabagong buhay at pananampalataya na siyang ipinapanawagan ni Jesus (Marcos 1:15; 16:15). Tinitingnan natin ang sakramentong ito na paglalagay sa bawat isa sa pagkakaisa ng mga Kristiyano, at ng iba pang mananampalatayang nagtataguyod sa dangal ng buhay. Sa pagbabautismo, ang tubig ang pangunahing sagisag na ating ginagamit kung saan nagpapahayag ng kalinisan at kadalisayan. Ang tubig sa bautismo ay isang paalala sa “life-giving” at “cleansing power” ng Espiritu ng Diyos sa kasaysayan ng paglikha. ANG MODA NG BAUTISMO Sa atin na mga Metodista, mayroon tayong tatlong moda ng pagbibinyag na naayon sa kalagayan, pangangailangan at pagkakataon: ang paglubog (immersion), pagbuhos (pouring), at pagwisik (sprinkling). Ang paglubog sa tubig at pagbangon mula sa tubig ay sumasagisag sa ating “burial and resurrection” na kasama ni Cristo (Roma 6:3-5; Colosas 2:12), at ang muling pagsilang sa tubig at sa Espiritu (Juan 3:3-5; Tito 3:5). Ang pagbuhos at pagwisik sa ulo ay parehong sumasagisag sa pagbaba ng Santo Espiritu (Mateo 3:16; Marcos 1:9-10; Lucas 3:21-22; Gawa 2:38; 19:1-7). ANG INFANT BAPTISM Sa usaping ito, muling ipinapaalala sa atin ang isinasaad ng Book of Discipline (par. 103, section 3, art. VI) na nagsasabing, “We believe children are under the

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 4

atonement of Christ and as heirs of the Kingdom of God are acceptable subjects for Christian Baptism. Children of believing parents through Baptism become the special responsibility of the Church. They should be nurtured and led to personal acceptance of Christ, and by profession of faith confirm their Baptism.” Ayon pa kay Bishop Mack B. Stokes, “originally infants were baptized because it was believed that their human nature was so polluted that if they were to die they would be lost forever…..God did not want them to be lost. It is (Baptism) a sacrament of incorporation into the community of faith. It means that those baptized are in a true sense in Christ, claimed by him for training and nurture within the community of faith.” 1 Ang sanggol na nabautismuhan pagdating nito sa gulang na 12 ay sasailalim sa Klase ng Pagkukumpil (Confirmation Class), kung saan ay ipapaunawa ng Iglesya ang Bautismong tinanggap nito. Magtatapos ang Klase ng Pagkukumpil sa isang Serbisyo ng Pagkukumpil na pangangasiwaan ng Pastor. ANG MGA TANDA AT KILOS Bahagi ng liturhiya sa Pagbabautismo maliban sa pagpapasalamat sa tubig ay ang pagpapatong ng kamay, pagpapasuot ng puting damit, pagguhit ng krus sa noo ng nabautismuhan, at pagkakaloob ng may ningas na pambautismong kandila. Una, ang pagpapatong ng kamay sa ulo ng binabautismuhan ay sumasagisag ng pagtanggap upang maging bahagi sa komunidad ni Cristo. Ito ay kapahayagan ng pagtanggap sa Espiritu Santo upang maging lakas at patnubay. Ang pagpapatong ng kamay ay nangangahulugan din ng panalanging mapuspos ang mga batang (kapatid) binautismuhan ng karunungan, pang-unawa, tamang pagpapasiya, lakas ng loob, pag-ibig at pamimitagan sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Pangalawa, ang pagguhit ng krus sa noo ay nagpapahiwatig na ang ating kaligtasan sa kasalanan at sa kamatayan ay tanging sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na nag-alay ng buhay at nagtagumpay sa krus. Ito ay pagtatatak na tunay nga tayong nabubuhay nang panibago at kaisa ni Jesu-Cristo. Pangatlo, ang pagpapasuot ng puting damit ay sumasagisag sa karangalan at kadalisayan ng buhay. Isang buhay na pinananahanan ni Cristo (Galacia 3:27). Bagong buhay at pagkatao sa pakikipagkaisa kay Cristo sa sakramento ng Bautismo. “Sinumang nakikipagkaisa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang.

1 Mack B. Stokes, MAJOR METHODIST BELIEFS, (USA: Abingdon Press, 1983), pp118-119.

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 5

Wala na ang dating pagkatao; siya ay bago na” (2 Corinto 5:17). Hinubad na ang dating pagkatao pati na ang mga gawa nito at nabihis na sa bagong pagkatao (Colosas 3:9-10). At pang-apat, ang pagkakaloob ng may ningas na pambautismong kandila sa bagong binyag ay sumasagisag ng pagtanggap niya sa liwanag ni Cristo. Sa buong buhay ng nabinyagan, ang may ningas na pambautismong kandila ay tanda ng kanyang pakikibahagi sa liwanag ni Cristo. At maging hanggang sa kanyang kamatayan ay sumasagisag ng tagumpay laban sa kadiliman, at sa kaligtasan kay Cristo. ANG GODPARENTS Naging bahagi na rin sa pagbibinyag, ang Godparents o kilala sa tawag nating mga ninong at ninang sa binyag. Sa atin na mga Pilipinong Kristiyano, ang maging ninong at ninang ay nagpapatibay sa relasyon ng magkakaibigan at magkakapitbahay. Ito ay naglalarawan sa ugnayan ng pananampalataya sa pagkalinga at pagtuturo, na hindi lamang tungkulin ng magulang ng sanggol kundi nang buong komunidad. Bagama’t sa atin na mga Metodista, ang magkaroon ng mga Godparent sa binyag ay hindi strictly required at legal responsibility, subalit, ito ay faith commitment. Parehong tanong sa mga magulang ng batang (kapatid na) babautismuhan ang tanong sa Godparents, na tumatalakay sa mga sumusunod na katungkulang dapat nilang isaalang-alang:

1. Ang pag-akay sa mga anak upang mamuhay ng may pananampalataya sa Diyos. Sa gayon sa kanilang paglaki ay tataglayin ang disiplinang Kristiyano at mabubuting katuruan (Efeso 6:1-2,4).

2. Ang pagtuturo at pagpapaalala sa kanila sa buhay nang may malawak na pang-unawa sa pag-iral ng may kabanalan (1 Tesalonica 4:7; Colosas 3:20).

3. Tumulong at gumabay sa pagpili ng kanilang propesyon o bokasyon na magpapalago sa pananampalataya ng inaanak.

4. Mangalaga upang mailayo at maprotektahan sila sa mga maling aral at katuruan mula sa marahas at mapanlinlang na lipunan.

5. Paghubog sa kanila sa walang katapusang pagpapahalaga sa dangal ng buhay at lipunan.

6. Pagtuturo sa pag-ibig Kristiyano, pag-ibig sa Diyos at kapwa, at sa ating kapaligiran (Mateo 22:39; Juan 3:14-18; 1 Juan 4:1-10).

7. At kasama ng mga magulang, ikintal sa pag-iisip ng bata ang kahalagahan ng pag-iingat at pagkalinga sa buhay habang umiiral sa mundong ito.

Ibig sabihin nito, tinataglay ng mga magiging Godparent o ninong at ninang ang kakayanang makihalubilo sa bata. Malinaw na naipapahayag at naisasabuhay

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 6

ang kanyang pananampalataya sa salita at sa gawa. Magsilbing mabuting ehemplo sa pananampalataya at disiplina sa buhay ng kanyang inaanak. ANG MULING PAGPAPATIBAY AT PAGPAPASIGLA ANG SERBISYO NG MULING PAGPAPATIBAY NG PAMBAUTISMONG TIPAN ay isinasagawa sa mga kapatirang nagnanais na muling pagtibayin ang kanilang Bautismo, o di kaya kapag walang kandidatong bibinyagan, ikukumpil, o tatanggapin sa kasapian, lalo na sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, Linggo ng Pentekostes, Linggo ng mga Banal, at Kapistahan ng Pagbibinyag sa Panginoon. Ito ay mungkahing ritwal na nakapaloob sa regular na daloy ng pananambahan. Naniniwala din tayo na ang bautismo ay hindi ritwal ng pagliligtas, na kapag nabautismuhan na ang isang tao ay ganap na siyang ligtas. Subalit ito ay hakbang na nagtuturo sa atin sa kaligtasan at kalayaan sa kasalanan. Sa pagtanggap natin ng sakramento ng bautismo, nagiging mulat tayo sa kahalagahan ng pag-iral at sa pangangailangan ng iba. Tinatanggap natin sa sakramento ang kalayaan at kapangyarihan mula sa Diyos upang labanan ang kasamaan, inhustisya, at pang-aapi sa anumang porma o anyo. Sa bautismo, sinasangkapan tayo ng kalakasang magtatatag sa atin bilang isang nagkakaisa, malaya, at mapagpalayang lipunan. Umaasa kami na makatulong ang munting gabay na ito sa pagpapaunlad ng ating mga Serbisyo at Pagdiriwang ng Bautismo. Sa Diyos ang papuri! Rev. Jeric C. Cortado November 24, 2008

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 7

ANG BANAL NA BAUTISMO (Ito ay mungkahing ritwal na nakapaloob sa regular na daloy ng pananambahan.)

PANIMULANG SALITA Pastor: Ang biyaya ng Panginoon ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Mga kapatid, sa pamamagitan ng Sakramento ng Bautismo ay ipinapaloob ng mga mananampalataya ang kanilang buhay sa banal na Iglesia ni Cristo. Ginagawa tayong bahagi ng makapangyarihang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at isinisilang na muli sa pamamagitan ng tubig at Espiritu. Kaloob ng Diyos ang lahat ng ito at inialay sa atin nang walang bayad. PAGPAPAKILALA SA (MGA) KANDIDATO

Ipapakilala ng Kalihim Pangkasapian (Membership Secretary) o ng Lider Layko ang (mga) kandidato:

Ipinipresenta ko si (sina) ___________________ para Bautismuhan

Ang (mga) kandidato kasama ang mga magulang, tatayong ninang at ninong ay lalapit sa harapan ng Tagapangasiwang Pastor.

PAGTATAKWIL SA KASALANAN AT PAGHAHAYAG NG PANANALIG

Kakausapin ng pastor ang mga magulang o ang mga tagapagtangkilik:

Pastor: Sa ngalan ng buong Iglesia, kayo’y aking tatanungin. Itinatakwil na ba ninyo ang mga ispiritwal na puwersa ng kabuktutan, ang masasamang kapangyarihan ng lipunang ito, at ang panggagapos ng kasalanan? Tugon: Opo. Pastor: Tinatanggap ba ninyo ang kalayaan at ang kapangyarihang ibinibigay sa inyo ng Diyos para malabanan ang kasamaan, ang kawalang-katarungan, at ang pang-aapi sa anumang anyo man sila mahayag? T Pastor: Ikinukumpisal ba ninyo si Jesu-Cristo bilang inyong Tagapagligtas? T Pastor: Inilalagak ba ninyo ang buo ninyong pagtitiwala sa kanyang kagandahang-loob? T Pastor: Ipinapangako ba ninyong paglingkuran n’yo s’ya bilang Panginoon ninyo, sa paraang kaisa ng Iglesyang ibinukas ni Cristo para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon, mga bansa, at mga lahi? T Pastor: Alagaan ba ninyo ang (mga) batang (kapatid na) ito sa banal na Iglesia ni Cristo, at nang sa pamamagitan ng inyong mga turo at halimbawa, maakay ninyo silang tumugon sa kagandahang-loob ng Diyos, magpahayag ng kanilang pananalig, at tumahak sa Kristiyanong pamumuhay?

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 8

Tugon: Amin pong gagawin.

Sa yugtong ito, kakausapin ng Tagapangasiwang Pastor ang komunidad:

Pastor: Bilang Katawan ni Cristo, bilang iglesia, muli ba ninyong pinagtitibay ang pagtatakwil ninyo sa kasalanan at ang inyong pagtatalaga kay Cristo? Komunidad: Muli po naming pinagtitibay. Pastor: Alagaan ba ninyo ang isa’t isa sa pananampalataya at buhay Kristiyano at ibibilang ba ninyo ang (mga) kapatid na itong nasa harap ninyo ngayon sa inyong pangangalaga? Komunidad: Sa tulong ng Diyos, aming ipahahayag ang Mabuting Balita at mamumuhay kami sang-ayon sa halimbawa ni Cristo. Palilibutan namin ang (mga) kapatid na ito ng isang komunidad ng pag-ibig at pagpapatawad, at nang lumago sila sa kanilang patitiwala sa Diyos, at masumpungang tapat sa kanilang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Ipapanalangin namin sila, at nang maging tunay silang alagad na tumatahak sa daang humahantong sa buhay na ganap at kasiyasiya. ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA Pastor: Tayo ay magkaisa sa makasaysayang kapahayagan ng pananampalatayang Kristiyano. Lahat: Sinasampalatayanan ko ang DIYOS AMANG makapangyarihan sa lahat, lumalang ng langit at lupa, at si JESU-CRISTONG anak na bugtong Niya. Panginoon sa hiwaga ng ESPIRITU SANTO, ipinanganak ni Birheng Maria, nadamtan ng hirap sa kahatulan ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing, at sa ikatlong araw ay nabuhay sa mga patay. Doon nagmumula at paririto upang hatulan ang mga nabubuhay at namamatay. Sinasampalatayanan ko ang ESPIRITU SANTO, ang BANAL NA IGLESYANG LAGANAP, ang PAGKAKAISA NG MGA BANAL, ang KAPATAWARAN NG KASALANAN, ang MULING PAGKABUHAY NG KATAWAN at ang BUHAY NA WALANG HANGGAN. AMEN. PAGPAPASALAMAT SA TUBIG Sa yugtong ito ihahanda ng Pastor ang tubig na babasbasan at maaring ibuhos ang tubig

sa benditahan.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Manalangin tayo. (Tumahimik ang lahat) Diyos na aming Magulang, noong wala pang umiiral ni anuman kundi ang kaguluhan, nangibabaw ka sa

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 9

madilim na katubigan at naghatid ng liwanag. Noong kapanahunan ni Noe, iniligtas mo sa tubig yaong mga nasa daong. Pagkaraan ng baha, inilagay mo sa mga ulap ang isang bahaghari. Nang makita mong alipin sa Ehipto ang iyong bayan, inakay mo sila patawid ng dagat patungong kalayaan. Ang kanilang mga supling, itinawid mo ng Jordan patungo sa lupaing iyong ipinangako. Lahat: (UMH 53-54, music 1) UMAWIT LAHAT SA DIOS, IHAYAG HABAG NIYANG LUBOS. Pastor: Sa kaganapan ng panahon, isinugo mo si Jesus, inalagaan sa tubig ng isang sinapupunan. Binautismuhan siya ni Juan at hinirang ng iyong Espiritu. Tinawag niya ang kanyang mga disipulo upang makibahagi sila sa bautismo ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay at upang gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Lahat: (UMH 53-54, music 2) IPAHAYAG! KADAKILAAN NG DIOS SA SANDAIGDIGAN. Pastor: Ibuhos mo ang iyong Banal na Diwa, upang pagpalain ang kaloob na tubig na ito at silang tatanggap nito, upang hugasan ang kanilang kasalanan at mabihisan sila sa katuwiran sa buong buhay nila, at nang, sa pagkamatay nila at pagbangong kasama ni Cristo, makabahagi sila sa kanyang panghuling tagumpay. Lahat: (UMH 53-54, music 3) KAMI AY NAGPUPURI AMA, SA’YONG ANAK NA SI JESUS NA SUMASA’YO KASAMA NG SANTO ESPIRITU. AMEN. BAUTISMO KALAKIP ANG PAGPAPATONG NG MGA KAMAY

Samantalang binabautismuhan ang (bawat) kandidato, sasabihin ng pastor:

______________, binabautismuhan kita sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Santo Espiritu. Amen.

Habang ipinapatong ng pastor ang kamay nito, kasama ang mga ninong at ninang ng binibinyagan, sasabihin ng pastor:

Kumilos nawa sa iyo ang Santo Espiritu, at nang sa pagsilang mo sa pamamagitan ng tubig at Espiritu, maging tapat kang disipulo ni Jesu-Cristo. Amen. PAGGUHIT NG KRUS SA NOO

Iguhit ng pastor sa noo ng bagong nabautismuhan ang krus (sign of the cross) habang sinasambit ito:

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 10

____________, ikaw ay naselyuhan sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa bautismo at namarkahang pagmamay-ari ni Cristo magpasawalang-hanggan. Amen PAGKAKALOOB AT PAGPAPASUOT NG PUTING DAMIT

Sasabihin ng pastor ang mga sumusunod habang ipinagkakaloob at ipinapasuot sa bagong nabautismuhan ang puting damit (maaring alba o white robe):

Tanggapin mo ang bagong damit na ito, bilang regalo ng bagong buhay na kaloob ni Cristo Jesus. PAGSINDI AT PAGKAKALOOB NG PAMBAUTISMONG KANDILA Sasabihin ng pastor ang mga sumusunod habang sinisindihan ang kandila at ibinibigay

sa nabinyagan:

Hayaan na ang iyong ilaw ay magliwanag upang ang lahat ay makikita, mahayag ang iyong mabubuting gawa, sa ikaluluwalhati ng iyong Amang nasa langit.

Sa diwang ito, maaring lagdaan na ng mga ninong at ninang ang Certificate of Baptism

at ipagkakaloob sa bagong nabautismuhan o sa mga magulang nito.

PAGTATAGUBILIN AT PAGTANGGAP Pastor: Mga kaanib ng sambahayan ng Diyos, itinatagubilin ko ang (mga) kapatid na ito sa inyong pag-ibig at kalinga. Gawin ninyo ang lahat ninyong makakaya para paunlarin ang kanyang (kanilang) pananalig, pagtibayin ang kanyang (kanilang) pag-asa, at dalisayin siya (sila) sa pag-ibig. Komunidad: Nagpapasalamat kami sa lahat ng naipagkaloob na sa iyo (inyo) ng Diyos. Sa pamamagitan ng Bautismo, ipinapaloob ka (kayo) sa Banal na Diwa sa bagong sangnilikha ng Diyos at ginagawang kabahagi ng maharlikang pagkasaserdote ni Cristo. At bilang mga kaanib na kasama mo (ninyo) sa katawan ni Cristo, at sa komunidad na ito ng United Methodist Church, muli kaming nakikipagtipan nang buong katapatang makikilahok sa ministeryo ng Iglesia, sa pamamagitan aming g panalangin, presensya, kaloob, at serbisyo, at nang sa bawa’t bagay, maluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iisa tayong lahat kay Cristo Jesus. Kalakip ang kagalakan at pagpapasalamat, tinatanggap (ka) aming (kayo) bilang (mga) kaanib ng komunidad ni Cristo.

Ang mga sumusunod na kataga ay sasabihin ng pastor sa bagong nabautismuhan, sa mga magulang nito at mga ninong at ninang:

Pastor: Itatag at palakasin nawa kayo ng Diyos, ng lahat ng kagandahang loob, na tumawag sa atin sa walanghanggang kaluwalhatian kay Cristo, sa

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 11

pamamagitan ng kapangyarihan ng Santo Espiritu, at nang makapamuhay kayo sa kagandahang-loob at kapayapaan. Lahat: Amen.

Maiging isunod ang pagdiriwang ng Banal na Komunyon.

++++++++++++++++++++++++

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 12

ANG SERBISYO NG PAGKUKUMPIL (Ito ay mungkahing ritwal na maipapaloob sa regular na daloy ng pananambahan)

PANIMULANG SALITA Pastor: Ang biyaya ng Panginoon ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Mga kapatid, sa pamamagitan ng Sakramento ng Bautismo ay ipinapaloob ng mga mananampalataya ang kanilang buhay sa banal na Iglesia ni Cristo. Ginagawa tayong bahagi ng makapangyarihang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at isinisilang na muli sa pamamagitan ng tubig at Espiritu. Kaloob ng Diyos ang lahat ng ito at inialay sa atin nang walang bayad. Sa pamamagitan ng pagkukumpil at muling pagpapatibay ng ating pananampalataya, pinasisigla natin ang ating tipan na nahayag sa ating tinanggap na Bautismo, kinikilala natin ang pagkilos ng Diyos sa atin, at pinagtitibay natin ang ating katapatan sa banal na Iglesia ni Cristo. PAGPAPAKILALA SA (MGA) KANDIDATO

Ipapakilala ng Kalihim Pangkasapian (Membership Secretary) o ng Lider Layko ang (mga) kandidato.

Ipinipresenta ko si (sina) ___________________ para sa Pagkukumpil.

Ang (mga) kandidato kasama ang mga magulang, mga ninang at ninong ay lalapit sa harapan ng Tagapangasiwang Pastor.

PAGTATAKWIL SA KASALANAN AT PAGHAHAYAG NG PANANALIG Kakausapin ng pastor ang (mga) kandidato, mga magulang o ang mga tagapagtangkilik:

Pastor: Sa ngalan ng buong Iglesia, kayo’y aking tatanungin. Itinatakwil na ba ninyo ang mga ispiritwal na puwersa ng kabuktutan, ang masasamang kapangyarihan ng lipunang ito, at ang panggagapos ng kasalanan? Tugon: Opo. Pastor: Tinatanggap ba ninyo ang kalayaan at ang kapangyarihang ibinibigay sa inyo ng Diyos para malabanan ang kasamaan, ang kawalang-katarungan, at ang pang-aapi sa anumang anyo man sila mahayag? T Pastor: Ikinukumpisal ba ninyo si Jesu-Cristo bilang inyong Tagapagligtas? T Pastor: Inilalagak ba ninyo ang buo ninyong pagtitiwala sa kanyang kagandahang-loob? T Pastor: Ipinapangako ba ninyong paglingkuran n’yo s’ya bilang Panginoon ninyo, sa paraang kaisa ng Iglesyang ibinukas ni Cristo para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon, mga bansa, at mga lahi?

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 13

Tugon: Amin pong gagawin.

Kakausapin ng Pastor ang (mga) ikukumpil:

Pastor: Ayon sa biyayang ipinagkaloob sa iyo, manatili ka bang tapat na kasapi ng katawan ni Cristo, at maglingkod bilang representante ni Cristo sa sanlibutan? Tugon: Opo, akin pong gagawin.

Kakausapin ng Pastor ang mga Tagapagtangkilk:

Pastor: Kayo na mga tumatayong Tagapagtangkilik nitong kapatid nating ikinukumpil. Aalagaan at susuportahan ba ninyo ang (mga) kapatid nating ito sa pamumuhay at paglagong Kristiyano. Tugon: Opo, amin pong gagawin.

Sa yugtong ito, kakausapin ng Tagapangasiwang Pastor ang komunidad:

Pastor: Bilang Katawan ni Cristo, bilang iglesia, muli ba ninyong pinagtitibay ang pagtatakwil ninyo sa kasalanan at ang inyong pagtatalaga kay Cristo? Komunidad: Muli po naming pinagtitibay. Pastor: Alagaan ba ninyo ang isa’t isa sa pananampalataya at buhay Kristiyano at ibibilang ba ninyo ang (mga) kapatid na itong nasa harap ninyo ngayon sa inyong pangangalaga? Komunidad: Sa tulong ng Diyos, aming ipahahayag ang Mabuting Balita at mamumuhay kami sang-ayon sa halimbawa ni Cristo. Palilibutan namin ang (mga) kapatid na ito ng isang komunidad ng pag-ibig at pagpapatawad, at nang lumago sila sa kanilang patitiwala sa Diyos, at masumpungang tapat sa kanilang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Ipapanalangin namin sila, at nang maging tunay silang alagad na tumatahak sa daang humahantong sa buhay na ganap at kasiyasiya. ANG KAPAHAYAGAN NG ATING PANANAMPALATAYA Pastor: Tayo ay magkaisa sa makasaysayang kapahayagan ng pananampalatayang Kristiyano. Lahat: Sinasampalatayanan ko ang DIYOS AMANG makapangyarihan sa lahat, lumalang ng langit at lupa, at si JESU-CRISTONG anak na bugtong Niya. Panginoon sa hiwaga ng ESPIRITU SANTO, ipinanganak ni Birheng Maria, nadamtan ng hirap sa kahatulan ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing, at sa ikatlong araw ay nabuhay sa mga patay. Doon nagmumula at paririto upang hatulan ang mga nabubuhay at namamatay. Sinasampalatayanan ko ang ESPIRITU SANTO, ang BANAL NA IGLESYANG LAGANAP, ang PAGKAKAISA NG MGA BANAL, ang KAPATAWARAN NG KASALANAN, ang MULING PAGKABUHAY NG KATAWAN at ang BUHAY NA WALANG HANGGAN. AMEN.

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 14

PAGPAPASALAMAT SA TUBIG Sa yugtong ito ihahanda ng Pastor ang tubig na babasbasan at maaring ibuhos ang tubig

sa benditahan.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Manalangin tayo. (Tumahimik ang lahat) Diyos na aming Magulang, noong wala pang umiiral ni anuman kundi ang kaguluhan, nangibabaw ka sa madilim na katubigan at naghatid ng liwanag. Noong kapanahunan ni Noe, iniligtas mo sa tubig yaong mga nasa daong. Pagkaraan ng baha, inilagay mo sa mga ulap ang isang bahaghari. Nang makita mong alipin sa Ehipto ang iyong bayan, inakay mo sila patawid ng dagat patungong kalayaan. Ang kanilang mga supling, itinawid mo ng Jordan patungo sa lupaing iyong ipinangako. Lahat: (UMH 53-54, music 1) UMAWIT LAHAT SA DIOS, IHAYAG HABAG NIYANG LUBOS. Pastor: Sa kaganapan ng panahon, isinugo mo si Jesus, inalagaan sa tubig ng isang sinapupunan. Binautismuhan siya ni Juan at hinirang ng iyong Espiritu. Tinawag niya ang kanyang mga disipulo upang makibahagi sila sa bautismo ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay at upang gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Lahat: (UMH 53-54, music 2) IPAHAYAG! KADAKILAAN NG DIOS SA SANDAIGDIGAN. Pastor: Ibuhos mo ang iyong Banal na Diwa, upang pagpalain ang kaloob na tubig na ito at silang tatanggap nito, upang hugasan ang kanilang kasalanan at mabihisan sila sa katuwiran sa buong buhay nila, at nang, sa pagkamatay nila at pagbangong kasama ni Cristo, makabahagi sila sa kanyang panghuling tagumpay. Lahat: (UMH 53-54, music 3) KAMI AY NAGPUPURI AMA, SA’YONG ANAK NA SI JESUS NA SUMASA’YO KASAMA NG SANTO ESPIRITU. AMEN. PAGKUKUMPIL KALAKIP ANG PAGPAPATONG NG MGA KAMAY

Samantalang kinukumpil ang (bawat) kandidato, sasabihin ng pastor:

Pastor: ___________, alalahanin mo ang iyong Bautismo at maging mapagpasalamat. Lahat: Amen.

Isawsaw ng pastor ang kamay sa tubig at markahan mula sa tubig ng krus ang noo ng

bawat isa, habang sinasambit ang sumusunod:

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 15

Pastor: Kumilos nawa sa iyo ang Banal na Diwa, at nang sa pagsilang mo sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, maging tapat kang disipulo ni Jesu-Cristo. Lahat: Amen.

PAGTATAGUBILIN AT PAGTANGGAP Pastor: Mga kaanib ng sambahayan ng Diyos, itinatagubilin ko ang (mga) kapatid na ito sa inyong pag-ibig at kalinga. Gawin ninyo ang lahat ninyong makakaya para paunlarin ang kanilang pananalig, pagtibayin ang kanilang pag-asa, at dalisayin sila sa pag-ibig. Komunidad: Nagpapasalamat kami sa lahat ng naipagkaloob na sa iyo (inyo) ng Diyos. Sa pamamagitan ng Bautismo, ipinaloob ka (kayo) sa Banal na Diwa sa bagong sangnilikha ng Diyos at ginagawang kabahagi ng maharlikang pagkasaserdote ni Cristo. At bilang mga kaanib na kasama mo (ninyo) sa katawan ni Cristo, at sa komunidad na ito ng United Methodist Church, muli kaming nakikipagtipan nang buong katapatang makikilahok sa ministeryo ng Iglesia, sa pamamagitan ng aming panalangin, presensya, kaloob, at serbisyo, at nang sa bawa’t bagay, maluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iisa tayong lahat kay Cristo Jesus. Kalakip ang kagalakan at pagpapasalamat, muli naming pinagtitibay ang pagtanggap sa iyo (inyo) bilang (mga) kaanib ng komunidad ni Cristo.

Ang mga sumusunod na kataga ay sasabihin ng pastor sa lahat:

Pastor: Itatag at palakasin nawa kayo ng Diyos, ng lahat ng kagandahang loob, na tumawag sa atin sa walanghanggang kaluwalhatian kay Cristo, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Santo Espiritu, at nang makapamuhay kayo sa kagandahang-loob at kapayapaan. Lahat: Amen.

Sa yugtong ito maaring ibigay ang Certificate of Confirmation. Maiging isunod ang pagdiriwang ng Banal na Komunyon.

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 16

ANG MULING PAGPAPATATAG NG BAUTISMO Ito ay mungkahing ritwal na maipapaloob sa regular na daloy ng pananambahan

PANIMULANG SALITA Pastor: Mga kapatid, sa pamamagitan ng Sakramento ng Bautismo ay ipinapaloob ng mga mananampalataya ang kanilang buhay sa banal na Iglesia ni Cristo. Ginagawa tayong bahagi ng makapangyarihang gawain ng pagliligtas ng Diyos, at isinisilang na muli sa pamamagitan ng tubig at Espiritu. Kaloob ng Diyos ang lahat ng ito, inialay sa atin nang walang bayad. Sa diwang ito ay inaanyayahan tayong muling pagtibayin ang tinanggap na Bautismo.

Inaanyayahan ang kapatirang nagnanais na muling pagtibayin ang tinanggap na

Bautismo na lumapit sa harapan ng Pastor.

PAGTATAKWIL SA KASALANAN AT PAGHAHAYAG NG PANANALIG Pastor: Sa ngalan ng buong Iglesia, kayo’y aking tatanungin. Itinatakwil na ba ninyo ang mga ispiritwal na puwersa ng kabuktutan, ang masasamang kapangyarihan ng lipunang ito, at ang panggagapos ng kasalanan? Tugon: Opo. Pastor: Tinatanggap ba ninyo ang kalayaan at ang kapangyarihang ibinibigay sa inyo ng Diyos para malabanan ang kasamaan, ang kawalang-katarungan, at ang pang-aapi sa anumang anyo man sila mahayag? T Pastor: Ikinukumpisal ba ninyo si Jesu-Cristo bilang inyong Tagapagligtas? T Pastor: Inilalagak ba ninyo ang buo ninyong pagtitiwala sa kanyang kagandahang-loob? T Pastor: Ipinapangako ba ninyong paglingkuran n’yo s’ya bilang Panginoon ninyo, sa paraang kaisa ng Iglesyang ibinukas ni Cristo para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon, mga bansa, at mga lahi? T Pastor: Sang-ayon sa kagandahang-loob na ipinagkaloob sa inyo, manatili ba kayong tapat na kaanib ng banal na Iglesya ni Cristo? T Pastor: Maglilingkod ba kayo bilang mga katawan ni Cristo sa lipunan? T PAGPAPASALAMAT SA TUBIG

Sa yugtong ito ihahanda ng Pastor ang tubig na babasbasan.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Manalangin tayo. (Tumahimik ang lahat) Diyos na aming Magulang, noong wala pang umiiral ni anuman kundi ang kaguluhan, nangibabaw ka sa madilim na katubigan at naghatid ng liwanag. Noong kapanahunan ni Noe, iniligtas mo sa tubig yaong mga nasa daong. Pagkaraan ng baha, inilagay mo sa

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 17

mga ulap ang isang bahaghari. Nang makita mong alipin sa Ehipto ang iyong bayan, inakay mo sila patawid ng dagat patungong kalayaan. Ang kanilang mga supling, itinawid mo ng Jordan patungo sa lupaing ipinangako mo. Lahat: (UMH 53-54, music 1) UMAWIT LAHAT SA DIOS, IHAYAG HABAG NIYANG LUBOS. Pastor: Sa kaganapan ng panahon, isinugo mo si Jesus, inalagaan sa tubig ng isang sinapupunan. Binautismuhan siya ni Juan at hinirang ng iyong Espiritu. Tinawag niya ang kanyang mga disipulo upang makibahagi sila sa bautismo ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay at upang gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Lahat: (UMH 53-54, music 2) IPAHAYAG! KADAKILAAN NG DIOS SA SANDAIGDIGAN. Pastor: Ibuhos mo ang iyong Banal na Diwa, upang pagpalain ang kaloob na tubig na ito at silang tatanggap nito, upang hugasan ang kanilang kasalanan at mabihisan sila sa katuwiran sa buong buhay nila, at nang, sa pagkamatay nila at pagbangong kasama ni Cristo, makabahagi sila sa kanyang panghuling tagumpay. Lahat: (UMH 53-54, music 3) KAMI AY NAGPUPURI AMA, SA’YONG ANAK NA SI JESUS NA SUMASA’YO KASAMA NG SANTO ESPIRITU. AMEN. PAGPAPATATAG

Isawsaw ng pastor ang kamay sa tubig at markahan mula sa tubig ng krus ang noo ng bawat isa, habang sinasambit ang mga sumusunod:

Pastor: Alalahanin ninyo ang inyong Bautismo at maging mapagpasalamat kayo. Lahat: Amen. Pastor: Kumilos nawa sa inyo ang Banal na Diwa, at nang sa pagsilang mo sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, maging tapat kang disipulo ni Jesu-Cristo. Lahat: Amen.

Maiging isunod ang pagdiriwang ng Banal na Komunyon.

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 18

PAMBAUTISMONG TUGON

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 19

TABAS NG PUTING DAMIT PARA SA SANGGOL2

2 Robert Sullivan, omi. BAPTISM: New Life in Christ. (Philippines: St. Paul

Publications,1987), p.38.

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 20

ALITUNTUNIN SA PAGPAPABINYAG (Mindanao Philippines Annual Conference)

ALITUNTUNIN NG KUMPERENSYA ANWAL 1) Ang Sakramento ng Binyag ay ipagdiwang sa may regular na

pananambahan (Serbisyo sa Salita at Hapag).

2) Ang pagpapasya na isagawa ang Sakramento ay nasa katungkulan ng

Administrative Pastor, ayon sa nakasaad sa probisyon ng ating UMC Book

of Discipline.

3) Ang lahat ng mga plano ay dapat may pahintulot ang Administrative Pastor.

4) Anumang papel na gagampanan sa sakramento ng ibang Pastor ay dapat

nasa paanyaya at pahintulot ng Administrative Pastor kung saan ang

pagdiriwang ay gaganapin.

5) Ang binyag ay libre, walang pastor ang magpapakalat ng sobre. Kung ang

magpapabinyag ay magbibigay ng kusang loob, ito ay maibibilang na love

gift sa pastor.

6) Kung may lovegift na ipinagkaloob ng nagpabinyag sa pastor, inaasahang

pagkalooban ng pastor ang kanyang naging kasamang Diyakonesa sa

pagdiriwang. Sundin ang sumusunod na hatian:

a. 60% para sa manggagawang enkargado o officiating pastor,

b. 30% sa Diyakonesa o mga Diyakonesa, at

c. 10% para sa church

7) Ang mga supplies na kakailanganin sa binyag ay manggagaling sa supply

ng church.

8) Ang tanging makakapagdiwang ng Binyag ay ang mga Ordained Pastor at

Licensed Local Pastor na mayroong local church appointment.

9) Ang mga Licensed Local Pastor na na-appoint sa SPMCI upang mag-aral

na mayroong week-end appointment ay maaring makapagdiwang ng

sakramento na may pahintulot sa District Superintendent.

10) Ang mga Licensed Local Pastor na na-appoint na mag-aral sa SPMCI na

mayroong week-end appointment bilang bahagi ng kanyang requirements

sa pag-aaral ay hindi maaring makapagdiwang ng Sakramento ng Binyag.

11) Katungkulan ng Iglesia Lokal sa pangunguna ng Administrative Pastor na

magdaos ng Pre-Baptism Counseling Session o Orientation sa mga

bibinyagang may sapat na gulang at sa mga magulang ng bibinyagang bata.

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 21

ALITUNTUNIN NG IGLESYA LOKAL3

12) Sa Obligasyon Pinansyal sa araw ng Lunes hanggang Sabado a. Church Cleaning and Preparation P100.00 b. Lights and Sound System P50.00 c. Liturgy Guide

- 4 pages Liturgy (30 copies grayscale) P75.00 d. Baptismal Cloth

- For the infant P100.00 - For youth and adult (Optional) P500.00

e. Baptismal Candle P75.00 f. Baptismal Certificates P20.00 g. Host P60.00

13) Sa Obligasyong Pinansyal sa panahon ng regular Sunday Service a. Baptismal Candle P75.00 b. Baptismal Cloth

- For the infant P100.00 - For youth and adult (Optional) P500.00

c. Baptismal Certificates P20.00 14) Sa Photographer/Videographer

a. Ang pagkuha ng larawan ay gagawin sa itinakdang lugar at isaalang-alang na hindi makapagdulot ng interruption sa Serbisyo ng Pagsamba.

b. Walang photographer/videographer na dadako sa altar. c. Maiging magkaroon lamang ng isang opisyal na photographer upang

maiwasan ang magulong daloy sa pagsamba at mapanatili ang solemnidad.

3 Alituntunin ng Founder United Methodist Church, Brgy. Aringay, Kabacan, Cotabato

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 22

MGA PINAGBATAYAN

1. ANG AKLAT NG PAGSAMBA. Philippines: UMC-PCC-BCEC, 2004. 2. The United Methodist Church Hymnal. USA: The United Methodist Publishing

House, 2005. 3. The United Methodist Book of Worship. USA: The United Methodist Publishing

House, 2002. 4. Donghi, Antonio. ACTIONS AND WORDS: Symbolic Language and the Liturgy.

Minnesota: The Liturgical Press, 1997. 5. Hickman, Hoyt L. UNITED METHODIST ALTARS: A Guide for Local Church. USA:

Abingdon Press, 1984. 6. Stokes, Mack B. MAJOR METHODIST BELIEFS. USA: Abingdon Press, 1983. 7. Padang, Jose L. FOLLOW ME TO METHODISM: Manual on United Methodist

Belief. Philippines: The United Methodist Church, 2000. 8. Richards, Stephen. CELEBRATING NEW LIFE: The Family Guide to Baptism. USA:

Cokesbury-The United Methodist Publishing House, 1998. 9. Sullivan, Robert, omi. BAPTISM: New Life in Christ. Philippines: St. Paul

Publications, 1987. 10. Vengco, Sabino A. MGA TANDA AT KILOS SA LITURHIYA. Philippines: St. Paul

Publications, 1987. 11. Vogel, Dwight W. osl. FOOD FOR PILGRIMS: A Journey with Saint Luke. USA:

Order of Saint Luke Publications, 1996. 12. The United Methodist Book of Discipline, 2000.

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 23

MANWAL SA PAMBAUTISMONG TIPAN Page 24

Si REV. JERIC C. CORTADO ay ordained elder ng Mindanao Philippines Annual Conference ng United Methodist Church. Pumasok sa ministeryo noong taong 1997. Nagtapos ng Bachelor of Arts major in Theology sa Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. (SPMCI) sa taong 2001. Nagtapos din ng Master of Divinity sa Union Theological Seminary (UTS), Dasmariñas, Cavite, Philippines sa taong 2007 kung saan ginawaran ng Sonco-Laus Liturgy, Music, and the Arts Award at Liberato Bautista Church and Society Award. Nadestino sa iba’t ibang iglesia lokal at programa ng Mindanao Philippines Annual Conference (UMC). Sa kasalukuyan ay naitalagang Acting Dean of Theology ng SPMCI. Kasal kay Bb. Cristine O. de Guzman, Deaconess ng United Methodist Church, at magulang ni Sofia Rev de Guzman-Cortado.